Hello po, kada gabi lang po ako mag-uupdate ha. May work po kasi ako sa araw. Salamat
Naniniwala siya sa sarili niya na naibigay na niya sa kanyang ina ang lahat sa abot ng makakaya niya pero sadyang hindi lang talaga ito makuntento. At ang pagpayag nito sa ginawang kabastusan ni Carlito ang huling bagay na pumatid sa natitirang respeto at pagmamahal niya sa kanyang ina.Kaya naman mas mainam pa maghiwalay nalang sila ng landas ng tuluyan para sa ikatatahimik ng buhay niya.Kahit na padalos-dalos ang naging desisyon niya na putulin ang koneksyon nilang dalawa, pakiramdam niya ang mabigat na bagay na pasan niya sa loob ng dalawampung taon ay bigla nalang nawala. Pakiramdam niya nakahinga na siya ng maluwag."Then congratulations," tugon ni Drake.Mahina namang natawa si Graciella habang nakasandal parin kay Drake. Minsan mabuti ring maging isang walang utang na loob na anak dahil nakarinig siya ng mga bagay na hindi niya inaasahan mula sa lalaki.Siguro kung ibang tao pa ang kasama niya ngayon, sasabihan siya nitong walang utang na loob at masamang anak. Pipilitin pa si
"Hello, sino to?" Tamad na sagot ng nasa kabilang linya."Master Levine... Does it ring a bell?"Agad na nataranta ang nasa kabilang linya. Napaayos pa ito ng upo sa swivel chair nito at matamis na ngumiti kahit na hindi naman niya kaharap ang kausap. "M—master Levine. Ikinagagalak ko pong marinig ang boses ninyo. Ano po ang maipaglilingkod ko?" Magalang nitong wika, taliwas sa inaasal nito kanina.Agad na sinabi ni Drake ang gusto niyang ipagawa sa kausap niya. "Magagawa mo ba ang inuutos ko?"Mabilis na napangisi ang kausap ni Drake. "Master Levine, para namang hindi mo kilala ang kakayahan na meron ako. Napakadali lang po ng pinapagawa ninyo. Sisisw lang yan. At dahil kayo ang nag-utos sa akin, sisiguraduhin kong magiging perpekto ang lahat.""Good. It's a deal then."Napatikhim ang kausap ni Drake bago nagsalita. "Pero Master Levine, sinabi mong isang probinsyanang walang masyadong alam ang target natin. At kilala ko po kayo, isa kayo sa pinakaabalang tao sa buong Pilipinas. Bakit
Mabilis na nakakuha ng atensyon ng lahat ang sinabi ni Thelma kaya't agad na nag-usisa ang ibang kasama niya."Anong klaseng kayamanan ang hawak mo Thelma?Hindi na siya nag-abala pang sagutin ang tanong ng mga ito. Nang makita niya ang isang grupo sa itaas, taas noo siyang umakyat para kausapin ang mga ito."Sino ba sa inyo dito ang may pinakamatalas na mga mata pagdating sa mga alahas at kayamanan?" Maawtoridad niyang tanong.Nagkatinginan ang nga crew. Ngayon lang sila nakasalamuha ng ganito kaaroganteng babae. Ilang saglit pa'y isang lalaking nakasuot ng montsuki ang nagsalita."Nasaan ba ang kayamanan mo, Misis?" Agad na nagsalubong ang kilay ni Thelma at sinimangutan pa ang lalaki. "Sino ka ba? Sobrang bata mo pa ah? Ayoko sayo! Mukha ka pang walang alam. Nasaan ba ang head ninyo dito? Siya ang gusto kong makausap at hindi ikaw!"Mas lalo lang na kinabahan ang mga crew sa inaasta ni Thelma. Agad naman itong hinila ng director ng programa para makausap. "Misis, siya po ang head n
Hindi kaya...Halos mapatalon sa gulat ni Thelma nang ibinagsak ni Mr.Ichiro ang dalawang palad nito sa mesa."My goodness Misis! Ito na ang pinakamagandang jadeite cabbage na nakita ko! Nagmula pa sa Qing Dynasty itong treasure na dala mo at nagkakahalaga ng five hundred million pesos!"Halos lumuwa na sa gulat ang mga mata ni Thelma sa perang nabanggit ni Mr.Ichiro. "F—five hundred million?" Hindi makapaniwala niyang tanong."Yes, Misis. Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Nasa five hundred million ang appraisal nitong jadeite cabbage na dala mo!"Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. Sinubukan pa niyang kurutin ang kanyang balat para lang masiguro na hindi nga siya nananaginip lang."B—baka nagkakamali lang po kayo Mr.Ichiro," nauutal niyang sambit.Pakiramdam niya mauubusan siya ng hangin. Kahit na pangarap niyang magkaroon ng maraming pera, hindi niya lubos maisip na may darating na malaking halaga sa mga kamay niya! Akala niya ay nasa one hundred
Sandaling natigilan si Thelma bago dahan-dahang hinarap si Ichiro. "N—niloloko? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong."Tingin mo ba makakapasa sakin yang maang-maangan na drama mo? Nasaan ang tunay na jade cabbage Misis Thelma."Hilaw na natawa si Thelma. "Baka naman nagkakamali lang kayo Mr.Ichiro. Tunay yan. Yang jade cabbage na nasa mesa ang ipinakita ko sayo kanina bago ako umalis."Umangat ang sulok ng labi ni Ichiro bago pinukol ng isang malamig na titig si Thelma. "Tama ka. Tunay ang jade na ipinakita mo sa akin kanina pero sigurado akong hindi na ito yun. Nagdeposit na ako ng twenty million dahil may tiwala ako sayo pero hindi ko aakalain na habang kumukuha ako ng tseke para sa karagdagang bayad, papalitan mo ang treasure para lokohin ako."Tuluyan ng nanlamig si Thelma. Hindi siya makakapayag na maiisahan siya ng lalaki kaya naman nagsimula na siyang magwala para makatas.Mabuti nalang at malapit lang sa kinaroroonan nila ang mga crew kaya't naharangan nito ang
"Master Levine, may bisita po kayo," anunsyo ng secretary.Ilang sandali pa'y pumasok na si Ichiro sa loob ng opisina niya at detalyadong ikinuwento ang nangyari sa studio."Sigurado po ba kayo na hindi na ninyo gusto na ituloy ko ang demanda ko laban sa kanya?"Marahan namang umiling si Drake. "No need," aniya at inilapag na sa mesa ang isang puting sobre. "Won't you count it?"Nakangising umiling si Ichiro. "No need. Malaki ang tiwala ko sayo Master Levine. Isa pa ay kahit na hindi mo na ako bayaran, ayos lang sa akin. Isang karangalan na ang paglapit mo sa akin," aniya para mas mapalapit pa ang loob ni Master Levine sa kanya."Oo nga pala Master Levine, may naalala ako. Bakit nga pala galit kayo kay Mrs.Santiago at umabot pa talaga sa lihim ninyong pagganti?" Pag-iiba niya ng usapan.Tumapang ang ekspresyon sa mukha ni Drake nang maalala niya ang mukha ni Thelma. Madami ng atraso sa kanya ang ginang. All his life, wala pang naglakas loob na murahin at pagalitan siya. Wala pang tao
"Nakakainggit ka naman, Graciella! Yung iba halos ayaw ng kumain kapag buntis sila dahil takot silang tumaba. Pati nga doctor sinasabihan sila na magdiet tapos ikaw kahit anong kain mo, hindi parin nagbabago ang katawan mo. Tapos advice pa ng doctor na kumain ka ng marami para madagdagan ang timbang mo," nagmamaktol na sambit ni Kimmy habang naglalakad sila palabas ng ospital.Hindi alam ni Graciella kung matatawa ba siya o hindi. Sa katunayan ay nag-aalala nga siya ngayon sa katawan niya. Malnourished siya noong bata pa siya at habang lumalaki na siya, hindi siya tumataba kahit na anong kain niya. Pero dahil payo ng doctor na magdagdag siya ng timbang, pagsisikapan niya kahit pa mahirap.Pagkaalis nila ng ospital, dumiretso si Graciella sa palengke at bumili ng isang malaking isda, dalawang kilo ng ribs, isang kilo ng manok ay iba't-ibang klase ng prutas at gulay. Magluluto siya ng marami dahil inimbitahan niya si Kimmy na doon maghapunan.Kasalukuyan siyang namimili ng kamatis nang
Pakiramdam ni Graciella tinakasan na siya ng dugo sa mukha kasabay ng kanyang panlalamig.Anong gagawin niya?Bakit ba kasi nagpang-abot pa sila?Paano nalang kung magtatanong si Drake kung bakit siya bumili ng damit pambata. Anong isasagot niya?Akala niya ay matalino siyang tao at laging handa sa kahit na anumang panahon pero sa pagkakataong iyon, tila nablangko ang isipan niya at nanatili lang siyang nakatayo sa harapan nito na parang tanga."Bakit may dala kang damit para sa newborn baby—""Magaan lang naman to Graciella. Hindi mo na ako kailangan pang tulungan. Ako na ang magdadala nitong pinamili ko," putol ni Kimmy kay Drake sabay kuha ng mga baby set mula sa kanya at payakap na binitbit ng dalaga.Pinagdiinan pa talaga nito ang katagang 'pinamili ko'Alam ni Kimmy na inililihim ni Graciella ang pagbubuntis nito kay Drake kaya naman naging maagap siya para mawala ang pagdududa ng lalaki.Napasulyap sa kanya ang asawa ni Graciella at hindi na nagtanong pa.Pinukol ni Graciella n
Namilog ang mga mata ni Cherry kasabay ng kanyang panlalamig."Ikaw ang babalaan ko Ate Cherry, ayokong ako mismo ang magsabi kay Kuya sa natuklasan ko pero kapag hindi mo ititigil yang kakatihan mo sa katawan, wag mo akong sisisihin sa mangyayari sayo!"Kung kanina ay mayabang at puno ng galit ang mukha ni Cherry, ngayon ay nagmistula na itong tupa na hindi makabasag pinggan.Mabilis at maingat siyang lumabas ng bar kanina para hindi siya makita ni Graciella pero mukhang nahuli parin siya ng babae na kasama si Felip!Kung minamalas nga naman!Dahan-dahang napatingin si Cherry kay Graciella na nasa harapan niya. Malamig ang mga mata nito at hindi mo kakakitaan ng pag-aalangan. Napalunok siya ng ilang beses bago ito nilapitan."G—graciella... Baka naman pwede nating pag-usapan 'to. Alam kong mali ako pero please, wag mo munang sabihin sa kapatid mo ang nalaman mo. Kahit na hindi mo ako gusto, kailangan mong isipin si Gavin. Ano nalang ang mangyayari sa kanya kung maghihiwalay kami ng k
Bumuhos ang lahat ng emosyon sa dibdib ni Kimmy. Pilit siyang nagpupumiglas hanggang sa niyakap na siya ni Graciella. Sandali siyang natigilan bago bumalik sa kanyang wisyo."Wala akong ginagawang masama Graciella... Hindi naman ako nananakit ng kapwa eh pero bakit... bakit ang malas-malas ko?" Humagulgol niyang sambit.Nalungkot si Graciella nang marinig ang hinagpis ni Kimmy. Marahan niyang tinapik ang sa likod ng dalaga para kahit papaano ay pagaanin ang nararamdaman nito. "Gaya ng sabi ko, hindi mo kasalanan ang nangyari. Sadyang may mga tao lang talaga na maitim ang budhi at mahilig manakit. Hindi ka dapat na magpatalo sa kanila. Ikaw nasa tama."Napatingala si Oliver para kontrolin ang emosyon niya. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng kapatid niya matapos nitong umalis sa puder nila. Nais niyang sisihin ang sarili niya dahil hindi niya ito napagtuunan ng pansin sa pag-aakalang nasa maayos lang na kalagayan ang babae. Dapat pala ay binalian niya ng nga buto ang
Nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ng kapatid niya at ilang sandali lang ay patakbo na silang lumabas ng bar at nagmamadaling pumunta sa lugar kung saan naroon ang pwesto ng kapatid niya.Naalala ni Graciella na bumili pala ng building si Kimmy malapit lang doon. Nabanggit pa nga nito na nais nitong magpatulong sa kapatid niya para sa iba pang bagay na kakailanganin nito upang mapatayo ang eSports team na gusto nito kaya malamang doon pumunta ang kaibigan niya.Nabanggit din ng kapatid niya na nakatayo na sa gilid ng pinakamataas na palapag si Kimmy. Mukhang plano na nitong tapusin ang sariling buhay. Agad siyang tumawag ng pulis habang nasa daan palang sila."Kuya, baka pwede mo siyang kausapin at pakalmahin hanggang sa makarating kami diyan," puno ng kabang pakiusap ni Graciella.Kasalukuyan pa siyang lulan ng kotse ni Drake habang nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ni Oliver. Habang binabaybay nila ang daan papunta sa kinaroroonan ni Kimmy, sinamantala ni Graciella ang pagkak
Aroganteng nakatingin si Drake kay Oliver at sinamaan pa ng tingin si lalaki. "Nosy!"Nakaramdam naman ng inis si Oliver sa klase ng pakikipag-usap ni Drake kaya't nakipagsukatan narin siya ng titig sa lalaki. "You're so full of yourself. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Beatrice at Akira sayo!"Kumunot ang noo ni Graciella.Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalang Akira.Isang beses itong binanggit ni Drake noong kasama nilang dalawa ng asawa niya ang lola nito. Kahit pa sinabi ng dalawa sa kanya noon na magkaibigan lang si Drake at Akira at kapatid lang ang turing ng asawa niya sa babae, ngunit bilang intuwisyon ng isang babae, at ang amoy ng perfume na naiwan sa damit ni Drake, pakiramdam niya may gusto si Akira sa asawa niya!'O baka si Drake din!' Sigaw ng isipan niya.Tapos akala niya si Akira lang, paanong ngayon ay may Beatrice na naman? Sino kaya si Beatrice sa buhay ng asawa niya?!Naniningkit ang mga mata ni Drake sa mga pangalang nabanggit ni Olive
Unti-unting kumunot ang noo ni Graciella. Wala siyang naalala na nakita na niya ang lalaki noon lalo pa sa estadong meron ito.Akmang iiling-iling siya bilang tugon nang isang malaking kamay ang bigla nalang pumulupot sa kanyang bewang at inilapit siya sa tagiliran nito, palayo kay Oliver. Nang tumingala siya ay nakita niya ang mukha ni Drake na may malamig na ekspresyon."Mukhang dapat mo ng palitan yang salamin mo para makakita ka ng maayos at hindi mo mapagkamalan ang kahit na sinuman," seryoso nitong sambit.Inayos ni Oliver ang walang frame niyang salamin bago umangat ang sulok ng kanyang labi. Levine is showing such a territorial attitude towards him as of the moment. "Why so grumpy? Gusto ko lang naman magpasalamat kay Miss Graciella."Hindi sigurado si Graciella kung ilusyon niya lang ba ang nararamdaman niyang sarkasmo sa boses ng kaharap nila ni Drake subalit ilang saglit pa'y isang magiliw na ngiti ang sumilay sa labi nito "Salamat sa pagtawag sakin dito. Hindi ko aakalain
Sobrang sakit ang naramdaman ni Felip mula sa suntok na natamo niya kaya hindi siya nakabangon agad. Napatingin siya sa lalaking bigla nalang sumulpot na parang galit na galit at kulang nalang ay patayin siya. "Tangina! Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong saktan ako ha!"Kanina pa talaga napansin ng security ng bar ang ingay dito, pero dahil regular customer si Felip, nagkunwari ang mga ito na walang nakikita. Ngayong nakita niyang binugbog si Felip, saka palang siya humakbang para pigilan ang nanuntok sa regular customer nila. Subalit sa hindi inaasahan, dose-dosenang mga bodyguards na nakasuot ng itim ang biglang sumugod at pinalibutan ang buong bar dahilan para makaramdam din ng takot si Felip. "S—sino ka ba talaga? Hindi kita kilala. A—anong kailangan mo sakin?!" Natatarantang tanong ni Felip."Hindi mo talaga ako kilala pero ikaw, kilalang-kilala kita! Felip, tama?" Hinawakan ng lalaki ang baba ni Felip habang puno ng pagkasuklam ang mga mata "Ikaw ang lalaking nanakit at nang-a
That's right. Siya si Cherry Reyes Santiago. Ang mahal na asawa ni Garett.Tuwang-tuwa si Cherry nang marinig niya ang sinabi ni Felip. Hindi niya maiwasang abutin at hawakan ang makinis na mukha ni Felip. "Ang sweet mo talaga.""Sinasabi ko lang ang totoo. Nakakabagot siyang kasama. Hindi gaya mo. Kung hindi ka lang sana nagpakasal ng maaga, tayo sana ang nagsasama ng masaya ngayon. Pero ayos lang... Ang importante ay narito ka parin sa tabi ko." Naging mas malapit ang mukha nila sa isa't isa.Matagal nang pagod si Cherry sa mga boring na lalaking tulad ni Garett. Dahil hindi niya sinasadyang nakita ang live broadcast room ni Felip sa kanyang mobile phone noong nakaraang taon kaya sinubukan niyang bigyan ng reward ang lalaki para sa live broadcast nito at unti-unting gumawa ng pribadong appointment para makipagkita. Mas bata sa kanya si Felip at masaya itong kausap. Napaparamdam nito sa kanya kung paano maging bata ulit.Pero syempre, ang ganitong uri ng masayang pagsasama ay hindi
Saglit na natigilan si Graciella at maya-maya pa'y sumagi sa isipan niya ang nangyari noong nasa Tagaytay sila kaya't mas lalo pang umusbong ang galit niya.Walang masamang intensyon ang kaibigan niya noong umattend ito ng kasal. Katunayan, trabaho ang ipinunta ng babae doon pero naging biktima si Kimmy ng mga lalaking hayok sa laman at muntik ng pagsamantalahan! Kung may dapat mang sisihin sa nangyari ay ang mga lalaking iyon at hindi si Kimmy!Akala niya ay ayos na ang kaibigan niya pero hindi pa pala!Kahit na galit na galit na siya, inalala niya ang bilin ni Drake kanina at pinanatiling kalmado ang sarili kahit na parang sasabog na ang puso niya."Ano bang sinabi ni Felip tungkol sa nangyari?" Masuyo niyang tanong."S—sabi niya... Hindi tutuka ang manok kung hindi lumapit ang palay. Sabi niya may ginawa ako kaya napagdiskitahan ako ng mga lalaking yun! Hindi siya naniniwala na pinilit lang ako. Sabi niya nainsulto ang pagkalalaki niya sa nangyari. Malinis siya at madumi na ako. Pa
Ang text message na natanggap ni Graciella ay mula sa landlord ni Kimmy.Nang magsimula si Kimmy sa Dynamic Wheels noon, wala itong alam sa paghahanap ng matutuluyan, kahit ang pagpirma ng kontrata sa pag-upa. Si Graciella ang tumulong sa babae sa pagrenta ng bahay na tinutuluyan nito sa ngayon kaya naman number niya ang nakarehistro sa papeles nito sa landlord.At ngayon ay tinext nga siya ng may-ari ng apartment na nakarinig ito ng maraming kalabog at pag-iyak mula sa silid ni Kimmy.Sumakay si Graciella sa kotse ni Drake at tinawagan kaagad ang landlord para tanungin ang kasalukuyang sitwasyon."Hindi ko rin alam ang tunay na sitwasyon Graciella. Nakatanggap lang ako ng reklamo mula sa ibang nangungupahan dito na nakakaistorbo na ang ingay at mga dabog mula sa unit niya. Kung hindi ka pupunta para tingnan ang kaibigan mo, tatawag nalang ako ng pulis!" Sagot nito.Alam ni Graciella na ayaw ni Kimmy ng gulo kaya kaya dali-dali niyang sinabi na malapit na siya dahilan para makahinga n