Share

Kabanata 150

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-04-25 21:51:28

"Master Levine, may bisita po kayo," anunsyo ng secretary.

Ilang sandali pa'y pumasok na si Ichiro sa loob ng opisina niya at detalyadong ikinuwento ang nangyari sa studio.

"Sigurado po ba kayo na hindi na ninyo gusto na ituloy ko ang demanda ko laban sa kanya?"

Marahan namang umiling si Drake. "No need," aniya at inilapag na sa mesa ang isang puting sobre.

"Won't you count it?"

Nakangising umiling si Ichiro. "No need. Malaki ang tiwala ko sayo Master Levine. Isa pa ay kahit na hindi mo na ako bayaran, ayos lang sa akin. Isang karangalan na ang paglapit mo sa akin," aniya para mas mapalapit pa ang loob ni Master Levine sa kanya.

"Oo nga pala Master Levine, may naalala ako. Bakit nga pala galit kayo kay Mrs.Santiago at umabot pa talaga sa lihim ninyong pagganti?" Pag-iiba niya ng usapan.

Tumapang ang ekspresyon sa mukha ni Drake nang maalala niya ang mukha ni Thelma. Madami ng atraso sa kanya ang ginang. All his life, wala pang naglakas loob na murahin at pagalitan siya. Wala pang tao
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 151

    "Nakakainggit ka naman, Graciella! Yung iba halos ayaw ng kumain kapag buntis sila dahil takot silang tumaba. Pati nga doctor sinasabihan sila na magdiet tapos ikaw kahit anong kain mo, hindi parin nagbabago ang katawan mo. Tapos advice pa ng doctor na kumain ka ng marami para madagdagan ang timbang mo," nagmamaktol na sambit ni Kimmy habang naglalakad sila palabas ng ospital.Hindi alam ni Graciella kung matatawa ba siya o hindi. Sa katunayan ay nag-aalala nga siya ngayon sa katawan niya. Malnourished siya noong bata pa siya at habang lumalaki na siya, hindi siya tumataba kahit na anong kain niya. Pero dahil payo ng doctor na magdagdag siya ng timbang, pagsisikapan niya kahit pa mahirap.Pagkaalis nila ng ospital, dumiretso si Graciella sa palengke at bumili ng isang malaking isda, dalawang kilo ng ribs, isang kilo ng manok ay iba't-ibang klase ng prutas at gulay. Magluluto siya ng marami dahil inimbitahan niya si Kimmy na doon maghapunan.Kasalukuyan siyang namimili ng kamatis nang

    Last Updated : 2025-04-25
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 152

    Pakiramdam ni Graciella tinakasan na siya ng dugo sa mukha kasabay ng kanyang panlalamig.Anong gagawin niya?Bakit ba kasi nagpang-abot pa sila?Paano nalang kung magtatanong si Drake kung bakit siya bumili ng damit pambata. Anong isasagot niya?Akala niya ay matalino siyang tao at laging handa sa kahit na anumang panahon pero sa pagkakataong iyon, tila nablangko ang isipan niya at nanatili lang siyang nakatayo sa harapan nito na parang tanga."Bakit may dala kang damit para sa newborn baby—""Magaan lang naman to Graciella. Hindi mo na ako kailangan pang tulungan. Ako na ang magdadala nitong pinamili ko," putol ni Kimmy kay Drake sabay kuha ng mga baby set mula sa kanya at payakap na binitbit ng dalaga.Pinagdiinan pa talaga nito ang katagang 'pinamili ko'Alam ni Kimmy na inililihim ni Graciella ang pagbubuntis nito kay Drake kaya naman naging maagap siya para mawala ang pagdududa ng lalaki.Napasulyap sa kanya ang asawa ni Graciella at hindi na nagtanong pa.Pinukol ni Graciella n

    Last Updated : 2025-04-25
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 153

    Kumulimlim ang ekspresyon ni Drake kasabay ng paniningkit ng kanyang mga mata. Mahina namang natawa si Graciella. "Tumigil ka nga Kimmy. Mabait na tao si Drake. At habang kasal ako sa kanya o kahit na maghiwalay na kami, wala akong balak na magpapasok ng ibang lalaki sa buhay ko. Alam mo na kung gaano kahirap tanggapin ang sitwasyon ko."Nang marinig niya ang sagot ni Graciella ay bahagya siyang kumalma pero agad na nakakuha ng kanyang atensyon ang huling pangungusap na sinabi nito. Ano bang sitwasyon ang tinutukoy ng babae? Wala naman siyang ibang nakikita pwera nalang sa nanay nito.At hindi naman ganun kahirap kung ang ina lang nito ang pag-uusapan. He's sure both of them can handle her well like what he did earlier.Mukhang wala yatang malawak na kaalaman si Graciella pagdating sa lalaki. May iilan mang lalaki ang hindi matatanggap na may nanay siyang kagaya ni Thelma, mas marami parin ang porsyento ng kalalakihan na tatanggapin ang kagaya niya. Lalo pa't walang nag-alaga at nagm

    Last Updated : 2025-04-25
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 154

    Habang kumakain sila, amg tungkol sa team ni Felip ang topic ni Kimmy. Nakahanap na pala ito ng pwesto kung saan ipapatayo ang gaming studio ng esports team na bubuuin nito kasama si Felip."Talaga? Malapit lang pala iyon sa fruits stand ng Kuya Garett ko." "Wow! Ipakilala mo ako sa kapatid mo. Siguradong pamilyar siya sa lugar. Magpapatulong sana ako sa kanya," excited na wika ni Kimmy.Tumango naman si Graciella. Wala namang problema kung ipapakilala niya si Kimmy sa kapatid niya pero ang malaking problema ay ang tungkol sa boyfriend nito."Kimmy, may importante akong sasabihin sayo," seryosong ani Graciella.Malaki ang plano ni Kimmy para kay Felip pero hindi naman pwede na hayaan niya lang ang kaibigan niya sa binata pagkatapos niyang masaksihan ang ginawa nito. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang tila pag-iwas ni Kimmy sa sinabi niya at itinuon sa mga ulam na niluto niya."Alam mo, magaling din magluto ang Kuya ko. May marami siyang restaurant na negosyo dito sa Pilipinas. Kung

    Last Updated : 2025-04-25
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 155

    Nanatiling kalmado ang mukha ni Drake kahit pa sa naging tanong ng lola niya. "Why do you say so?""Bakit naman hindi ko masasabi? Malakas ang pakiramdam ko na may baby na sa tiyan ng granddaughter in-law ko!""Baby?"Nanigas si Drake sa kanyang kinauupuan. Ngayon lang nagsync in sa utak niya ang sinabi ng kanyang lola. "What made you say that, Grandma?" Kinakabahan niyang tanong."Malakas nga ang pakiramdam ko," proud pa nitong sagot. "Matagal na akong nabubuhay sa mundong ito, Levine. Kahit na flat pa ang tiyan ni Graciella, kakaiba parin ang glow ng kanyang mukha kaysa sa mga pangkaraniwan lang na babaeng makikita mo sa paligid. Sigurado ako, buntis talaga ang asawa mo!"Muli na naman siyang natigilan sa narinig. Para bang nahihirapan siyang iabsorb ang mga sinabi ng kanyang lola dahil wala naman iyon sa isipan niya.Nang hindi siya nagsalita ay napasinghap ang ginang. "Oh my! Wag mong sabihin na mali ako? Wala pa bang—""Magpahinga ka na Grandma," putol niya sa sasabihin sana nito

    Last Updated : 2025-04-25
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 156

    Ngunit hindi nagtagal ay napaisip si Drake. Kung totoo mang buntis nga si Graciella, bakit niya ito tinago sa kanya? Hindi ba nito gusto na malaman niya?Nagsalubong ang kilay ni Drake. Mahilig naman siya sa mga bata. Ang mga bata lang ang may ayaw sa kanya. Anuman ang dahilan nito at inilihim sa kanya ang tungkol sa bata, handa siyang panagutan ang babae at ang anak nila. He's willing to give his child everything he has. Money, love, care and protection."Ugh!"Napangiwi si Graciella nang tumambad sa kanya ang maraming uod sa loob ng pistachio fruit na nabili niya sa palengke. Mukhang naisahan siya ng tindera. Paano ba naman kasi, mukha lang fresh at maganda ang prutas pero bulok pala sa loob!Agad niyang kinuhanan ng larawan ang prutas na bilang ebidensya bago niya itinapon sa basurahan. Babalik siya doon sa palengke para manghingi ng refund sa bulok na panindang nabili niya.Wala naman siyang morning sickness pero kanina lang, bigla siyang nagcrave ng pistachio kaya naman bumili si

    Last Updated : 2025-04-26
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 157

    Pinanood ni Drake ang bulto ni Graciella habang papalayo ito sa kanyang sasakyan. Napadako ang kanyang mga mata sa suot nitong sapatos. Hindi niya maiwasang mapasimangot.She's pregnant and yet she's still wearing heels?! Hindi niya alam na nakalagay pala sa induction manual ng professional attire ang high heels! Kung ganun dapat niyang ipatanggal ang rules na iyon!Sinadya ni Graciella na pumili ng sapatos na may maliit na heels. Nasanay naman siya dati na mataas ang takong ng kanyang sapatos kaya para narin siyang nakasuot ng flat shoes ngayon.Mas maaga kaysa sa regular days ang pasok nila sa loob ng tatlong araw upang mapadali ang kanilang pagbagay sa mga detalye ng layout at operasyon ng shop.Dinala siya ng supervisor sa pwesto kung saan naroon ang iba pang mga bagong empleyado para sabay nilang libutin ang buong lugar. Napakalaki ng shop na mayroong tatlong palapag.Palihim na napabuntong-hininga si Graciella habang naglalakad. Ibang-iba ang Dynamic Luxury Cars dealership sa mg

    Last Updated : 2025-04-26
  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 158

    Walang automatic parking functions...Marahil ito ay isang kalamangan para sa mga ordinaryong kotse, ngunit ang mga luxury car ay hindi iyon kailanman ginagamit bilang isang selling point. Sino ang magbibigay ng espesyal na pansin sa mga ito?Bukod pa, automatic parking ang halos pinaka-pangunahing functions ng mga sasakyan. Hindi siya naniniwala na kahit anong luxury car ay hindi magkakaroon nito. Maaaring niloloko siya ni Graciella sa sandaling ito para lang magpasikat.Si Graciella naman ngayon ang lihim na napangisi."Ang tatlong antigong sasakyan na pinagtutuunan ng pansin ng Dynamic sa retro ay walang automatic parking functions. Ang layunin ay para maibalik ang kagandahan ng mga antigong sasakyan. Kung idadagdag ang automatic parking functions, mawawalan na ng saysay ang pagiging retro style ng sasakyan. Kung tutuusin dapat alam mo ang mga bagay nayan Miss Greta. Hindi ba yan nakasulat sa induction manual mo?"Halos sumabog na sa galit si Greta dahil sa sarkastikong tono ng pan

    Last Updated : 2025-04-26

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 168

    Namilog ang mga mata ni Cherry kasabay ng kanyang panlalamig."Ikaw ang babalaan ko Ate Cherry, ayokong ako mismo ang magsabi kay Kuya sa natuklasan ko pero kapag hindi mo ititigil yang kakatihan mo sa katawan, wag mo akong sisisihin sa mangyayari sayo!"Kung kanina ay mayabang at puno ng galit ang mukha ni Cherry, ngayon ay nagmistula na itong tupa na hindi makabasag pinggan.Mabilis at maingat siyang lumabas ng bar kanina para hindi siya makita ni Graciella pero mukhang nahuli parin siya ng babae na kasama si Felip!Kung minamalas nga naman!Dahan-dahang napatingin si Cherry kay Graciella na nasa harapan niya. Malamig ang mga mata nito at hindi mo kakakitaan ng pag-aalangan. Napalunok siya ng ilang beses bago ito nilapitan."G—graciella... Baka naman pwede nating pag-usapan 'to. Alam kong mali ako pero please, wag mo munang sabihin sa kapatid mo ang nalaman mo. Kahit na hindi mo ako gusto, kailangan mong isipin si Gavin. Ano nalang ang mangyayari sa kanya kung maghihiwalay kami ng k

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Chapter 167

    Bumuhos ang lahat ng emosyon sa dibdib ni Kimmy. Pilit siyang nagpupumiglas hanggang sa niyakap na siya ni Graciella. Sandali siyang natigilan bago bumalik sa kanyang wisyo."Wala akong ginagawang masama Graciella... Hindi naman ako nananakit ng kapwa eh pero bakit... bakit ang malas-malas ko?" Humagulgol niyang sambit.Nalungkot si Graciella nang marinig ang hinagpis ni Kimmy. Marahan niyang tinapik ang sa likod ng dalaga para kahit papaano ay pagaanin ang nararamdaman nito. "Gaya ng sabi ko, hindi mo kasalanan ang nangyari. Sadyang may mga tao lang talaga na maitim ang budhi at mahilig manakit. Hindi ka dapat na magpatalo sa kanila. Ikaw nasa tama."Napatingala si Oliver para kontrolin ang emosyon niya. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng kapatid niya matapos nitong umalis sa puder nila. Nais niyang sisihin ang sarili niya dahil hindi niya ito napagtuunan ng pansin sa pag-aakalang nasa maayos lang na kalagayan ang babae. Dapat pala ay binalian niya ng nga buto ang

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 166

    Nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ng kapatid niya at ilang sandali lang ay patakbo na silang lumabas ng bar at nagmamadaling pumunta sa lugar kung saan naroon ang pwesto ng kapatid niya.Naalala ni Graciella na bumili pala ng building si Kimmy malapit lang doon. Nabanggit pa nga nito na nais nitong magpatulong sa kapatid niya para sa iba pang bagay na kakailanganin nito upang mapatayo ang eSports team na gusto nito kaya malamang doon pumunta ang kaibigan niya.Nabanggit din ng kapatid niya na nakatayo na sa gilid ng pinakamataas na palapag si Kimmy. Mukhang plano na nitong tapusin ang sariling buhay. Agad siyang tumawag ng pulis habang nasa daan palang sila."Kuya, baka pwede mo siyang kausapin at pakalmahin hanggang sa makarating kami diyan," puno ng kabang pakiusap ni Graciella.Kasalukuyan pa siyang lulan ng kotse ni Drake habang nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ni Oliver. Habang binabaybay nila ang daan papunta sa kinaroroonan ni Kimmy, sinamantala ni Graciella ang pagkak

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 165

    Aroganteng nakatingin si Drake kay Oliver at sinamaan pa ng tingin si lalaki. "Nosy!"Nakaramdam naman ng inis si Oliver sa klase ng pakikipag-usap ni Drake kaya't nakipagsukatan narin siya ng titig sa lalaki. "You're so full of yourself. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Beatrice at Akira sayo!"Kumunot ang noo ni Graciella.Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalang Akira.Isang beses itong binanggit ni Drake noong kasama nilang dalawa ng asawa niya ang lola nito. Kahit pa sinabi ng dalawa sa kanya noon na magkaibigan lang si Drake at Akira at kapatid lang ang turing ng asawa niya sa babae, ngunit bilang intuwisyon ng isang babae, at ang amoy ng perfume na naiwan sa damit ni Drake, pakiramdam niya may gusto si Akira sa asawa niya!'O baka si Drake din!' Sigaw ng isipan niya.Tapos akala niya si Akira lang, paanong ngayon ay may Beatrice na naman? Sino kaya si Beatrice sa buhay ng asawa niya?!Naniningkit ang mga mata ni Drake sa mga pangalang nabanggit ni Olive

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Chapter 164

    Unti-unting kumunot ang noo ni Graciella. Wala siyang naalala na nakita na niya ang lalaki noon lalo pa sa estadong meron ito.Akmang iiling-iling siya bilang tugon nang isang malaking kamay ang bigla nalang pumulupot sa kanyang bewang at inilapit siya sa tagiliran nito, palayo kay Oliver. Nang tumingala siya ay nakita niya ang mukha ni Drake na may malamig na ekspresyon."Mukhang dapat mo ng palitan yang salamin mo para makakita ka ng maayos at hindi mo mapagkamalan ang kahit na sinuman," seryoso nitong sambit.Inayos ni Oliver ang walang frame niyang salamin bago umangat ang sulok ng kanyang labi. Levine is showing such a territorial attitude towards him as of the moment. "Why so grumpy? Gusto ko lang naman magpasalamat kay Miss Graciella."Hindi sigurado si Graciella kung ilusyon niya lang ba ang nararamdaman niyang sarkasmo sa boses ng kaharap nila ni Drake subalit ilang saglit pa'y isang magiliw na ngiti ang sumilay sa labi nito "Salamat sa pagtawag sakin dito. Hindi ko aakalain

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 163

    Sobrang sakit ang naramdaman ni Felip mula sa suntok na natamo niya kaya hindi siya nakabangon agad. Napatingin siya sa lalaking bigla nalang sumulpot na parang galit na galit at kulang nalang ay patayin siya. "Tangina! Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong saktan ako ha!"Kanina pa talaga napansin ng security ng bar ang ingay dito, pero dahil regular customer si Felip, nagkunwari ang mga ito na walang nakikita. Ngayong nakita niyang binugbog si Felip, saka palang siya humakbang para pigilan ang nanuntok sa regular customer nila. Subalit sa hindi inaasahan, dose-dosenang mga bodyguards na nakasuot ng itim ang biglang sumugod at pinalibutan ang buong bar dahilan para makaramdam din ng takot si Felip. "S—sino ka ba talaga? Hindi kita kilala. A—anong kailangan mo sakin?!" Natatarantang tanong ni Felip."Hindi mo talaga ako kilala pero ikaw, kilalang-kilala kita! Felip, tama?" Hinawakan ng lalaki ang baba ni Felip habang puno ng pagkasuklam ang mga mata "Ikaw ang lalaking nanakit at nang-a

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 162

    That's right. Siya si Cherry Reyes Santiago. Ang mahal na asawa ni Garett.Tuwang-tuwa si Cherry nang marinig niya ang sinabi ni Felip. Hindi niya maiwasang abutin at hawakan ang makinis na mukha ni Felip. "Ang sweet mo talaga.""Sinasabi ko lang ang totoo. Nakakabagot siyang kasama. Hindi gaya mo. Kung hindi ka lang sana nagpakasal ng maaga, tayo sana ang nagsasama ng masaya ngayon. Pero ayos lang... Ang importante ay narito ka parin sa tabi ko." Naging mas malapit ang mukha nila sa isa't isa.Matagal nang pagod si Cherry sa mga boring na lalaking tulad ni Garett. Dahil hindi niya sinasadyang nakita ang live broadcast room ni Felip sa kanyang mobile phone noong nakaraang taon kaya sinubukan niyang bigyan ng reward ang lalaki para sa live broadcast nito at unti-unting gumawa ng pribadong appointment para makipagkita. Mas bata sa kanya si Felip at masaya itong kausap. Napaparamdam nito sa kanya kung paano maging bata ulit.Pero syempre, ang ganitong uri ng masayang pagsasama ay hindi

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 161

    Saglit na natigilan si Graciella at maya-maya pa'y sumagi sa isipan niya ang nangyari noong nasa Tagaytay sila kaya't mas lalo pang umusbong ang galit niya.Walang masamang intensyon ang kaibigan niya noong umattend ito ng kasal. Katunayan, trabaho ang ipinunta ng babae doon pero naging biktima si Kimmy ng mga lalaking hayok sa laman at muntik ng pagsamantalahan! Kung may dapat mang sisihin sa nangyari ay ang mga lalaking iyon at hindi si Kimmy!Akala niya ay ayos na ang kaibigan niya pero hindi pa pala!Kahit na galit na galit na siya, inalala niya ang bilin ni Drake kanina at pinanatiling kalmado ang sarili kahit na parang sasabog na ang puso niya."Ano bang sinabi ni Felip tungkol sa nangyari?" Masuyo niyang tanong."S—sabi niya... Hindi tutuka ang manok kung hindi lumapit ang palay. Sabi niya may ginawa ako kaya napagdiskitahan ako ng mga lalaking yun! Hindi siya naniniwala na pinilit lang ako. Sabi niya nainsulto ang pagkalalaki niya sa nangyari. Malinis siya at madumi na ako. Pa

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 160

    Ang text message na natanggap ni Graciella ay mula sa landlord ni Kimmy.Nang magsimula si Kimmy sa Dynamic Wheels noon, wala itong alam sa paghahanap ng matutuluyan, kahit ang pagpirma ng kontrata sa pag-upa. Si Graciella ang tumulong sa babae sa pagrenta ng bahay na tinutuluyan nito sa ngayon kaya naman number niya ang nakarehistro sa papeles nito sa landlord.At ngayon ay tinext nga siya ng may-ari ng apartment na nakarinig ito ng maraming kalabog at pag-iyak mula sa silid ni Kimmy.Sumakay si Graciella sa kotse ni Drake at tinawagan kaagad ang landlord para tanungin ang kasalukuyang sitwasyon."Hindi ko rin alam ang tunay na sitwasyon Graciella. Nakatanggap lang ako ng reklamo mula sa ibang nangungupahan dito na nakakaistorbo na ang ingay at mga dabog mula sa unit niya. Kung hindi ka pupunta para tingnan ang kaibigan mo, tatawag nalang ako ng pulis!" Sagot nito.Alam ni Graciella na ayaw ni Kimmy ng gulo kaya kaya dali-dali niyang sinabi na malapit na siya dahilan para makahinga n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status