Matapos na magsalita ang lalaki, nakarinig siya ng komosyon sa labas ng apartment at maya maya lang ay ilang kalalakihan ang pumasok habang tulong-tulong ang mga ito sa pagbitbit ng isang malaking piano. Napatitig si Graciella sa disenyo ng instrumentong dala ng mga delivery man. Mukha na iyong luma o mas tamang sabihin na isang vintage piano ang dala ng mga ito. Kung tutuusin ay mas maganda pa iyon kaysa sa mga bagong piano na makikita mo sa mga shops labas. Ang bahagyang kupas na kulay ay mas nakadagdag lang sa kagandahan nito. Nagliwanag ang mga mata ni Gavin sa nakita nito. Bakas ang excitement sa mga mata ng bata habang pinapanood ang mga lalaking kasalukuyang nagpupwesto sa instrumento. Matapos mailagay ng mga delivery man ang piano sa pwesto nito, agad na lumapit si Gavin doon at sinubukang tumipa ng ilang nota. Tama nga si Drake, mas maganda iyong pakinggan kaysa electronic keyboard na gamit nila kahapon."May angking talento si Gavin. Parang may sarili siyang mundo pagdatin
Narinig ni Graciella ang usapan ng dalawa sa salas kahit na nasa loob na siya ng kusina. Namumula ang kanyang mga pisngi at nag-iinit ang kanyang mukha. Napailing nalang siya at hinugasan ang mga gulay para ibaling ang atensyon niya sa ibang bagay.Subalit maya-maya lang ay napatingala siya sa kisame at napapadyak pa ng paa. "Ah, Gavin! Sa dami-dami ng pwedeng hilingin, baby pa talaga ang naisip mo," impit niyang sambit.Mabuti nalang at hindi na ulit binanggit ni Gavin ang tungkol sa baby nang maghapunan na sila. Lihim din niyang inobaerbahan ang ekspresyon ni Drake. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mukhang wala naman itong nahalata sa kanya.Pagkatapos ng kanilang hapunan, nagpractice pa sina Gavin at Drake ng dalawang oras bago niya naisipang ihatid ang pamangkin niya pauwi. Subalit hindi paman sila nakakaalis, tumawag na si Garett at sinabing nasa labas na ito ng apartment nila kaya magkasabay sila ni Drake na bumaba para ihatid si Gavin."Bakit nagpunta ka pa dito, Kuya? P
"Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Gavin. Mukhang sayo niya nakuha ang kakulitan niya."Binelatan lang ni Graciella si Drake. Masyadong seryoso sa buhay ang kapatid niya, si Ate Cherry naman ay mataray at hindi palangiti. Kaya mukhang tama nga naman talaga si Drake. Pareho sila ni Gavin na masayahin.Para sa kanya wala namang masama kung laging nakangiti at masayahin araw-araw. Kung tutuusin, sobrang daming problema sa mundo at kung doon mo itutuon ang atensyon mo, mabilis kalang na mapapagod at mawalan ng pag-asa.Lihim niyang hinaplos ang manipis niyang tiyan habang inaalala ang mabibigat na pagsubok na pinagdaanan niya noon. Sisiguraduhin niyang lahat ng iyon ay hindi dadanasin ng anak niya. Di bale ng siya ang masaktan at mahirapan basta huwag lang ang anak niya.Nang makabalik sila sa apartment, naglinis muna siya ng sarili bago inilagay sa washing machine ang mga damit niya. Sa hindi sinasadya ay napasulyap siya sa piano na nasa salas. Hindi niya mapigilan ang sarili niya n
Iilan sa mga kamag-anak nina Graciella na malapit sa kinaroroonan nila ang nakarinig sa sinabi ni Cherry."Nag-asawa ka na pala, Graciella?" Gulat na tanong ng pinsan ng kanyang ina."Opo," tipid niyang sagot."Talaga? Bakit hindi namin nabalitaan?"Tipid na ngumiti si Graciella. "Kahit na may asawa na po ako, hindi pa naman kami nagpapakasal sa simbahan kaya hindi ko muna ipinaalam. Pipili muna kami ng swerteng araw at buwan. Inimbitahan ko po kayo kapag nagkataon."Mabilis na nawala ang kunot sa noo ng ginang nang marinig ang sagot ni Graciella. "Ganun ba? Sige pupunta ako. Hindi ako liliban sa kasal ng pinakamagandang babae sa buong angkan natin."Nang mapansin ni Cherry na tila walang epekto ang pamamahiya niya kay Graciella, agad siyang nakaisip ng panibagong atake sa babae."Auntie, hindi po ba kayo interesado na malaman kung anong klaseng lalaki ang napangasawa ni Graciella? Isang mahirap na driver lang po na wala ngang natapos. Isang dakilang utusan na parang asong sunod ng su
Hinubad ni Carlito ang suot nitong sunglass at gulat siyang tiningnan. "Oh! May asawa na pala so Graciella?" Sarkastikong napangisi si Cherry. "Oo naman no! Hindi mo lang nabalitaan pero sa kasamaang palad, isang driver lang ang nakatuluyan niya. Mahirap na nga at hindi pa nakapagtapos ng college. May bahay naman silang tinutuluyan pero hindi ko alam kung nakabayad na ba ng renta," natatawa nitong sambit."Talaga? Napakaganda mo para lang mahulog sa isang hamak na driver lang. Nakakalungkot at mukhang nabulag ka yata ng pag-ibig," kunwa'y concern nitong wika pero sa katunayan ay lihim na kinukutya ni Carlito si Graciella.Nang magpakasal sina Garett at Cherry noon, ilang sandali din siyang nanatili sa puder ng mga ito. Nang makilala niya si Graciella, binalak niyang ligawan ang babae. Ngayong nalaman niyang sa isang mahirap na lalaki lang pala ito napunta, hindi niya mapigilan ang galit at panghihinayang niya.Hindi pa siya nito pinapansin noon porket wala siyang natapos dahil palagi
Anim na beses siyang pabalik-balik sa pagtawag bago may sumagot sa kabilang linya."Hello."Isang masiglang boses ang umalingawngaw sa kabilang linya. Sandaling natigilan si Cherry sa pag-aakalang maling number ang natawagan niya."Ito ba ang numero ni Drake? Nasaan ba siya?"Si Owen ang nakasagot ng tawag. Napasulyap siya kay Master Levine na kasalukuyang nasa conference room dahil sa isang meeting. Nang marinig niyang tinawag ng babae sa kabilang linya si Master Levine na Drake, agad siyang napaisip na kamag-anak ni Miss Santiago ang tumawag.At dahil kamag-anak ito ng asawa ng boss niya, hindi niya pwedeng balewalain ang tawag."This is Drake's boss. Busy siya ngayon kaya kung gusto mo siyang makausap, tumawag ka nalang ulit mamaya," pormal na wika ni Owen na para bang isa talaga siyang tunay na boss at empleyado niya si Master Levine para hindi sila mabuko."Wait!" Pigil ni Cherry nang mapagtanto na papatayin na ng nasa kabilang linya ang tawag. Kinakabahan si Cherry. Kapag luma
Sobrang lawak ng mansion ng kanilang pamilya. Kung tutuusin, nagmumukha iyong palasyo. Malawak na bulwagan, magarang mga silid at malawak na hardin. Halos two hundred years na ang mansion na iyon subalit napapanatili parin nila ang kagandahan ng mansion at japanese na design.Hindi mo malilibot ang bahay sa loob lang ng isang araw dahil nasa six hundred square meters iyon at may limang floor unit.Dalawang basement at tatlong pinagsama na mansion...Ang unang palapag mula sa ibaba ay nahahati sa dalawang pangunahing lugar: Garahe para sa magagarang sasakyan habang ang kalahati naman ay mga mamahalin nilang koleksyon at doon siya magtutungo ngayon.Ang ikalawang palapag ng mansion mula sa ibaba ay ang entertainment room kung saan may mga silid para sa chess at baraha, mga silid-awitan, screening rooms, at iba pa, para kapag nagsama-sama ang buong pamilya, may malaking pwesto para makapagbonding silang lahat. Isa sa paboritong gawin ng pamilya nila ay mangolekta ng iba't-ibang mga kaya
Noong una ay halos si Graciella ang topic ng mga kamag-anak nila pero dahil maayos naman ang sagot ni Graciella at napanatiling kalmado ang kanyang sarili kahit pa sa mga panunuya ni Cherry, tuluyan ng nawala ang atensyon sa kanya.Ilang sandali pa'y nakita ni Graciella ang kanyang ama na si Garry na nagmamadaling umalis ng venue. Sandali lang nitong kinausap ang kanilang ina at hindi man lang nag-abala na pansinin silang dalawa ng kapatid niya."Busy ang ama mo sa bago niyang negosyo kaya hindi siya pwedeng magtagal dito. Pumunta lang talaga siya dito para batiin ako sa kaarawan ko," paliwanag ng kanyang ina.Pero alam naman ng halos lahat ng kamag-anak nila na lulong parin sa sugal si Garry hanggang ngayon. Wala din itong pakialam sa kung anumang pagtitipon sa pamilya nila. Halos buong buhay nito ay sa sugalan lang.Sadyang nagyayabang lang si Thelma na may bago itong negosyo. Anong klaseng negosyo nga ba? Pasugalan? Mabuti nalang at kaarawan ng ginang dahil kung hindi, nabara at na
"Huh?" Medyo nataranta si Graciella at hinawakan ang kanyang noo bago muling nagsalita. "Okay lang, hindi mainit—"Nang makita ang seryosong mukha ni Drake, unti-unting humina ang boses niya hanggang sa sabihin niya sa lalaki na mayroong isang kahon ng gamot sa kabinet ng TV, at mayroong ding isang electronic thermometer na binili niya noon.Kinuha ni naman agad ni Drake ang electronic thermometer at itinapat sa kanya.Thirty nine degree Celsius ang kanyang noo at forty naman sa kanyang kamay. Kaya pala nasabi niya na hindi siya mainit dahil mas mataas ang temperatura niya sa kamay kaysa sa kanyang noo."May lagnat ka," ani Drake. Nasa harap niya ang mga numero sa thermometer kaya hindi na ito maitatanggi pa ni Graciella. Kaya pala medyo nahihilo siya. Dahil siguro sa sobrang pagod niya ngayong araw. Pinagpapawisan siya habang naglalakad mula sa bar hanggang sa nakarating sila sa kinaroroonan ni Kimmy. "Huwag kang mag-alala, Drake, hindi naman mataas ang lagnat ko. Kailangan ko
Iyon ang unang beses na may nagsabi ng ganung klaseng kataga kay Graciella bukod sa kapatid niya kaya hindi niya maiwasang mahiya at pamulahan ng pisngi."Salamat sa pag-aalala mo, Drake pero ayos lang talaga ako," mahina niyang sambit.Pagkatapos ng medyo maikling panahon na nagkakilala sila, napagtanto ni Drake na hindi talaga aamin si Graciella sa kung anuman ang nararamdaman nito kahit anong pilit niya kaya naman ang pinakamabisang paraan ay gagawin ng direkta ang bagay na nais niyang ipagawa sa babae gaya nalang ang pagpapahinga.Sinuutan niya ito ng seatbelt nang mapasulyap siya sa tiyan nito. Huminga siya ng malalim bago iningatan ang kanyang galaw at baka mapano ang baby nila.Hindi naman napansin ni Graciella ang mga tinginan ni Drake sa kanya. Ang inaalala niya ay lumiban siya sa trabaho dahil sa nangyari kay Kimmy at hindi siya nakapagpaalam sa supervisor niya.First day of work palang tapos nag-half day na agad siya! "Wag mo ng masyadong isipin pa yan. Naipagpaalam na k
Namilog ang mga mata ni Cherry kasabay ng kanyang panlalamig."Ikaw ang babalaan ko Ate Cherry, ayokong ako mismo ang magsabi kay Kuya sa natuklasan ko pero kapag hindi mo ititigil yang kakatihan mo sa katawan, wag mo akong sisisihin sa mangyayari sayo!"Kung kanina ay mayabang at puno ng galit ang mukha ni Cherry, ngayon ay nagmistula na itong tupa na hindi makabasag pinggan.Mabilis at maingat siyang lumabas ng bar kanina para hindi siya makita ni Graciella pero mukhang nahuli parin siya ng babae na kasama si Felip!Kung minamalas nga naman!Dahan-dahang napatingin si Cherry kay Graciella na nasa harapan niya. Malamig ang mga mata nito at hindi mo kakakitaan ng pag-aalangan. Napalunok siya ng ilang beses bago ito nilapitan."G—graciella... Baka naman pwede nating pag-usapan 'to. Alam kong mali ako pero please, wag mo munang sabihin sa kapatid mo ang nalaman mo. Kahit na hindi mo ako gusto, kailangan mong isipin si Gavin. Ano nalang ang mangyayari sa kanya kung maghihiwalay kami ng k
Bumuhos ang lahat ng emosyon sa dibdib ni Kimmy. Pilit siyang nagpupumiglas hanggang sa niyakap na siya ni Graciella. Sandali siyang natigilan bago bumalik sa kanyang wisyo."Wala akong ginagawang masama Graciella... Hindi naman ako nananakit ng kapwa eh pero bakit... bakit ang malas-malas ko?" Humagulgol niyang sambit.Nalungkot si Graciella nang marinig ang hinagpis ni Kimmy. Marahan niyang tinapik ang sa likod ng dalaga para kahit papaano ay pagaanin ang nararamdaman nito. "Gaya ng sabi ko, hindi mo kasalanan ang nangyari. Sadyang may mga tao lang talaga na maitim ang budhi at mahilig manakit. Hindi ka dapat na magpatalo sa kanila. Ikaw nasa tama."Napatingala si Oliver para kontrolin ang emosyon niya. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng kapatid niya matapos nitong umalis sa puder nila. Nais niyang sisihin ang sarili niya dahil hindi niya ito napagtuunan ng pansin sa pag-aakalang nasa maayos lang na kalagayan ang babae. Dapat pala ay binalian niya ng nga buto ang
Nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ng kapatid niya at ilang sandali lang ay patakbo na silang lumabas ng bar at nagmamadaling pumunta sa lugar kung saan naroon ang pwesto ng kapatid niya.Naalala ni Graciella na bumili pala ng building si Kimmy malapit lang doon. Nabanggit pa nga nito na nais nitong magpatulong sa kapatid niya para sa iba pang bagay na kakailanganin nito upang mapatayo ang eSports team na gusto nito kaya malamang doon pumunta ang kaibigan niya.Nabanggit din ng kapatid niya na nakatayo na sa gilid ng pinakamataas na palapag si Kimmy. Mukhang plano na nitong tapusin ang sariling buhay. Agad siyang tumawag ng pulis habang nasa daan palang sila."Kuya, baka pwede mo siyang kausapin at pakalmahin hanggang sa makarating kami diyan," puno ng kabang pakiusap ni Graciella.Kasalukuyan pa siyang lulan ng kotse ni Drake habang nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ni Oliver. Habang binabaybay nila ang daan papunta sa kinaroroonan ni Kimmy, sinamantala ni Graciella ang pagkak
Aroganteng nakatingin si Drake kay Oliver at sinamaan pa ng tingin si lalaki. "Nosy!"Nakaramdam naman ng inis si Oliver sa klase ng pakikipag-usap ni Drake kaya't nakipagsukatan narin siya ng titig sa lalaki. "You're so full of yourself. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Beatrice at Akira sayo!"Kumunot ang noo ni Graciella.Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalang Akira.Isang beses itong binanggit ni Drake noong kasama nilang dalawa ng asawa niya ang lola nito. Kahit pa sinabi ng dalawa sa kanya noon na magkaibigan lang si Drake at Akira at kapatid lang ang turing ng asawa niya sa babae, ngunit bilang intuwisyon ng isang babae, at ang amoy ng perfume na naiwan sa damit ni Drake, pakiramdam niya may gusto si Akira sa asawa niya!'O baka si Drake din!' Sigaw ng isipan niya.Tapos akala niya si Akira lang, paanong ngayon ay may Beatrice na naman? Sino kaya si Beatrice sa buhay ng asawa niya?!Naniningkit ang mga mata ni Drake sa mga pangalang nabanggit ni Olive
Unti-unting kumunot ang noo ni Graciella. Wala siyang naalala na nakita na niya ang lalaki noon lalo pa sa estadong meron ito.Akmang iiling-iling siya bilang tugon nang isang malaking kamay ang bigla nalang pumulupot sa kanyang bewang at inilapit siya sa tagiliran nito, palayo kay Oliver. Nang tumingala siya ay nakita niya ang mukha ni Drake na may malamig na ekspresyon."Mukhang dapat mo ng palitan yang salamin mo para makakita ka ng maayos at hindi mo mapagkamalan ang kahit na sinuman," seryoso nitong sambit.Inayos ni Oliver ang walang frame niyang salamin bago umangat ang sulok ng kanyang labi. Levine is showing such a territorial attitude towards him as of the moment. "Why so grumpy? Gusto ko lang naman magpasalamat kay Miss Graciella."Hindi sigurado si Graciella kung ilusyon niya lang ba ang nararamdaman niyang sarkasmo sa boses ng kaharap nila ni Drake subalit ilang saglit pa'y isang magiliw na ngiti ang sumilay sa labi nito "Salamat sa pagtawag sakin dito. Hindi ko aakalain
Sobrang sakit ang naramdaman ni Felip mula sa suntok na natamo niya kaya hindi siya nakabangon agad. Napatingin siya sa lalaking bigla nalang sumulpot na parang galit na galit at kulang nalang ay patayin siya. "Tangina! Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong saktan ako ha!"Kanina pa talaga napansin ng security ng bar ang ingay dito, pero dahil regular customer si Felip, nagkunwari ang mga ito na walang nakikita. Ngayong nakita niyang binugbog si Felip, saka palang siya humakbang para pigilan ang nanuntok sa regular customer nila. Subalit sa hindi inaasahan, dose-dosenang mga bodyguards na nakasuot ng itim ang biglang sumugod at pinalibutan ang buong bar dahilan para makaramdam din ng takot si Felip. "S—sino ka ba talaga? Hindi kita kilala. A—anong kailangan mo sakin?!" Natatarantang tanong ni Felip."Hindi mo talaga ako kilala pero ikaw, kilalang-kilala kita! Felip, tama?" Hinawakan ng lalaki ang baba ni Felip habang puno ng pagkasuklam ang mga mata "Ikaw ang lalaking nanakit at nang-a
That's right. Siya si Cherry Reyes Santiago. Ang mahal na asawa ni Garett.Tuwang-tuwa si Cherry nang marinig niya ang sinabi ni Felip. Hindi niya maiwasang abutin at hawakan ang makinis na mukha ni Felip. "Ang sweet mo talaga.""Sinasabi ko lang ang totoo. Nakakabagot siyang kasama. Hindi gaya mo. Kung hindi ka lang sana nagpakasal ng maaga, tayo sana ang nagsasama ng masaya ngayon. Pero ayos lang... Ang importante ay narito ka parin sa tabi ko." Naging mas malapit ang mukha nila sa isa't isa.Matagal nang pagod si Cherry sa mga boring na lalaking tulad ni Garett. Dahil hindi niya sinasadyang nakita ang live broadcast room ni Felip sa kanyang mobile phone noong nakaraang taon kaya sinubukan niyang bigyan ng reward ang lalaki para sa live broadcast nito at unti-unting gumawa ng pribadong appointment para makipagkita. Mas bata sa kanya si Felip at masaya itong kausap. Napaparamdam nito sa kanya kung paano maging bata ulit.Pero syempre, ang ganitong uri ng masayang pagsasama ay hindi