Ang agad na umiling si Graciella. "May importanteng gagawin si Drake sa trabaho bukas, kaya hindi siya pwedeng sumama. Ako nalang ang pupunta para magbigay ng regalo kay Mama. Pinili niyang magsinungaling at sinasabing abala si Drake dahil alam niyang tiyak na pag-uusapan ulit ng kanyang ina ang tungkol sa perang hiningi nito. Ayaw niyang magdulot ng problema kay Drake.Mukhang nakuha din naman ni Garett ang punto niya dahil hindi na ito nagsalita pa. Binalingan nalang nito si Gavin at matamis na nginitian."Huwag kang maglilikot doon sa bahay ni Tita ha tsaka makinig ng mabuti kay Tito, okay?"Nakangiti namang tumango ang kanyang anak. "Opo, Daddy."Ilang saglit pa'y tuluyan ng umalis si Graciella at Gavin. Sandali niyang pinanood ang dalawa na papalayo. Nang mawala ang mga ito sa paningin niya, ipinagpatuloy na ni Garret ang pag-aayos ng mga prutas sa display.Nakaupo si Cherry sa harapan habang nanonood ng videos sa kanyang cellphone subalit ang kanyang atensyon ay nakatuon sa mag
Bago umuwi ng apartment si Graciella, namili muna sila ni Gavin ng gulay sa palengke. Sakto namang pagkauwi nila, sumunod din agad si Drake ng dating.Binati ni Graciella si Drake bago tinawag ang kanyang pamangkin. "Gavin, hulaan mo kung sino ang dumating?" Nakangiti niyang sambit.Mula sa balkonahe, patakbong nagtungo si Gavin sa kinaroroonan nila. Napansin ni Graciella na hawak parin nito ang bag na pang-eskwelahan. Ibinaba iyon ni Gavin at sandaling nagkalkal sa loob ng bag nito. Maya-maya pa'y isang star sticker ang inilabas ni Gavin sa mula sa bag nitong dala."H—hello po Tito. Para po sa inyo," tila nahihiya nitong sambit.Napakurap-kurap naman si Graciella. Hindi niya inaasahan na may itinatago pala si Gavin sa loob ng bag nito. Kaya pala ayaw nitong iwan ang bag kanina nang pagsabihan niya. May inihanda pala itong regalo para sa asawa niya.Hindi niya maiwasang mapangiti. "Wow! Ang galing naman. May star ka palang nakuha sa school, Gavin? Diba mahirap makuha ang award na ito?
Matapos na magsalita ang lalaki, nakarinig siya ng komosyon sa labas ng apartment at maya maya lang ay ilang kalalakihan ang pumasok habang tulong-tulong ang mga ito sa pagbitbit ng isang malaking piano. Napatitig si Graciella sa disenyo ng instrumentong dala ng mga delivery man. Mukha na iyong luma o mas tamang sabihin na isang vintage piano ang dala ng mga ito. Kung tutuusin ay mas maganda pa iyon kaysa sa mga bagong piano na makikita mo sa mga shops labas. Ang bahagyang kupas na kulay ay mas nakadagdag lang sa kagandahan nito. Nagliwanag ang mga mata ni Gavin sa nakita nito. Bakas ang excitement sa mga mata ng bata habang pinapanood ang mga lalaking kasalukuyang nagpupwesto sa instrumento. Matapos mailagay ng mga delivery man ang piano sa pwesto nito, agad na lumapit si Gavin doon at sinubukang tumipa ng ilang nota. Tama nga si Drake, mas maganda iyong pakinggan kaysa electronic keyboard na gamit nila kahapon."May angking talento si Gavin. Parang may sarili siyang mundo pagdatin
Narinig ni Graciella ang usapan ng dalawa sa salas kahit na nasa loob na siya ng kusina. Namumula ang kanyang mga pisngi at nag-iinit ang kanyang mukha. Napailing nalang siya at hinugasan ang mga gulay para ibaling ang atensyon niya sa ibang bagay.Subalit maya-maya lang ay napatingala siya sa kisame at napapadyak pa ng paa. "Ah, Gavin! Sa dami-dami ng pwedeng hilingin, baby pa talaga ang naisip mo," impit niyang sambit.Mabuti nalang at hindi na ulit binanggit ni Gavin ang tungkol sa baby nang maghapunan na sila. Lihim din niyang inobaerbahan ang ekspresyon ni Drake. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mukhang wala naman itong nahalata sa kanya.Pagkatapos ng kanilang hapunan, nagpractice pa sina Gavin at Drake ng dalawang oras bago niya naisipang ihatid ang pamangkin niya pauwi. Subalit hindi paman sila nakakaalis, tumawag na si Garett at sinabing nasa labas na ito ng apartment nila kaya magkasabay sila ni Drake na bumaba para ihatid si Gavin."Bakit nagpunta ka pa dito, Kuya? P
"Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Gavin. Mukhang sayo niya nakuha ang kakulitan niya."Binelatan lang ni Graciella si Drake. Masyadong seryoso sa buhay ang kapatid niya, si Ate Cherry naman ay mataray at hindi palangiti. Kaya mukhang tama nga naman talaga si Drake. Pareho sila ni Gavin na masayahin.Para sa kanya wala namang masama kung laging nakangiti at masayahin araw-araw. Kung tutuusin, sobrang daming problema sa mundo at kung doon mo itutuon ang atensyon mo, mabilis kalang na mapapagod at mawalan ng pag-asa.Lihim niyang hinaplos ang manipis niyang tiyan habang inaalala ang mabibigat na pagsubok na pinagdaanan niya noon. Sisiguraduhin niyang lahat ng iyon ay hindi dadanasin ng anak niya. Di bale ng siya ang masaktan at mahirapan basta huwag lang ang anak niya.Nang makabalik sila sa apartment, naglinis muna siya ng sarili bago inilagay sa washing machine ang mga damit niya. Sa hindi sinasadya ay napasulyap siya sa piano na nasa salas. Hindi niya mapigilan ang sarili niya n
Iilan sa mga kamag-anak nina Graciella na malapit sa kinaroroonan nila ang nakarinig sa sinabi ni Cherry."Nag-asawa ka na pala, Graciella?" Gulat na tanong ng pinsan ng kanyang ina."Opo," tipid niyang sagot."Talaga? Bakit hindi namin nabalitaan?"Tipid na ngumiti si Graciella. "Kahit na may asawa na po ako, hindi pa naman kami nagpapakasal sa simbahan kaya hindi ko muna ipinaalam. Pipili muna kami ng swerteng araw at buwan. Inimbitahan ko po kayo kapag nagkataon."Mabilis na nawala ang kunot sa noo ng ginang nang marinig ang sagot ni Graciella. "Ganun ba? Sige pupunta ako. Hindi ako liliban sa kasal ng pinakamagandang babae sa buong angkan natin."Nang mapansin ni Cherry na tila walang epekto ang pamamahiya niya kay Graciella, agad siyang nakaisip ng panibagong atake sa babae."Auntie, hindi po ba kayo interesado na malaman kung anong klaseng lalaki ang napangasawa ni Graciella? Isang mahirap na driver lang po na wala ngang natapos. Isang dakilang utusan na parang asong sunod ng su
Hinubad ni Carlito ang suot nitong sunglass at gulat siyang tiningnan. "Oh! May asawa na pala so Graciella?" Sarkastikong napangisi si Cherry. "Oo naman no! Hindi mo lang nabalitaan pero sa kasamaang palad, isang driver lang ang nakatuluyan niya. Mahirap na nga at hindi pa nakapagtapos ng college. May bahay naman silang tinutuluyan pero hindi ko alam kung nakabayad na ba ng renta," natatawa nitong sambit."Talaga? Napakaganda mo para lang mahulog sa isang hamak na driver lang. Nakakalungkot at mukhang nabulag ka yata ng pag-ibig," kunwa'y concern nitong wika pero sa katunayan ay lihim na kinukutya ni Carlito si Graciella.Nang magpakasal sina Garett at Cherry noon, ilang sandali din siyang nanatili sa puder ng mga ito. Nang makilala niya si Graciella, binalak niyang ligawan ang babae. Ngayong nalaman niyang sa isang mahirap na lalaki lang pala ito napunta, hindi niya mapigilan ang galit at panghihinayang niya.Hindi pa siya nito pinapansin noon porket wala siyang natapos dahil palagi
Anim na beses siyang pabalik-balik sa pagtawag bago may sumagot sa kabilang linya."Hello."Isang masiglang boses ang umalingawngaw sa kabilang linya. Sandaling natigilan si Cherry sa pag-aakalang maling number ang natawagan niya."Ito ba ang numero ni Drake? Nasaan ba siya?"Si Owen ang nakasagot ng tawag. Napasulyap siya kay Master Levine na kasalukuyang nasa conference room dahil sa isang meeting. Nang marinig niyang tinawag ng babae sa kabilang linya si Master Levine na Drake, agad siyang napaisip na kamag-anak ni Miss Santiago ang tumawag.At dahil kamag-anak ito ng asawa ng boss niya, hindi niya pwedeng balewalain ang tawag."This is Drake's boss. Busy siya ngayon kaya kung gusto mo siyang makausap, tumawag ka nalang ulit mamaya," pormal na wika ni Owen na para bang isa talaga siyang tunay na boss at empleyado niya si Master Levine para hindi sila mabuko."Wait!" Pigil ni Cherry nang mapagtanto na papatayin na ng nasa kabilang linya ang tawag. Kinakabahan si Cherry. Kapag luma
Sobrang sakit ang naramdaman ni Felip mula sa suntok na natamo niya kaya hindi siya nakabangon agad. Napatingin siya sa lalaking bigla nalang sumulpot na parang galit na galit at kulang nalang ay patayin siya. "Tangina! Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong saktan ako ha!"Kanina pa talaga napansin ng security ng bar ang ingay dito, pero dahil regular customer si Felip, nagkunwari ang mga ito na walang nakikita. Ngayong nakita niyang binugbog si Felip, saka palang siya humakbang para pigilan ang nanuntok sa regular customer nila. Subalit sa hindi inaasahan, dose-dosenang mga bodyguards na nakasuot ng itim ang biglang sumugod at pinalibutan ang buong bar dahilan para makaramdam din ng takot si Felip. "S—sino ka ba talaga? Hindi kita kilala. A—anong kailangan mo sakin?!" Natatarantang tanong ni Felip."Hindi mo talaga ako kilala pero ikaw, kilalang-kilala kita! Felip, tama?" Hinawakan ng lalaki ang baba ni Felip habang puno ng pagkasuklam ang mga mata "Ikaw ang lalaking nanakit at nang-a
That's right. Siya si Cherry Reyes Santiago. Ang mahal na asawa ni Garett.Tuwang-tuwa si Cherry nang marinig niya ang sinabi ni Felip. Hindi niya maiwasang abutin at hawakan ang makinis na mukha ni Felip. "Ang sweet mo talaga.""Sinasabi ko lang ang totoo. Nakakabagot siyang kasama. Hindi gaya mo. Kung hindi ka lang sana nagpakasal ng maaga, tayo sana ang nagsasama ng masaya ngayon. Pero ayos lang... Ang importante ay narito ka parin sa tabi ko." Naging mas malapit ang mukha nila sa isa't isa.Matagal nang pagod si Cherry sa mga boring na lalaking tulad ni Garett. Dahil hindi niya sinasadyang nakita ang live broadcast room ni Felip sa kanyang mobile phone noong nakaraang taon kaya sinubukan niyang bigyan ng reward ang lalaki para sa live broadcast nito at unti-unting gumawa ng pribadong appointment para makipagkita. Mas bata sa kanya si Felip at masaya itong kausap. Napaparamdam nito sa kanya kung paano maging bata ulit.Pero syempre, ang ganitong uri ng masayang pagsasama ay hindi
Saglit na natigilan si Graciella at maya-maya pa'y sumagi sa isipan niya ang nangyari noong nasa Tagaytay sila kaya't mas lalo pang umusbong ang galit niya.Walang masamang intensyon ang kaibigan niya noong umattend ito ng kasal. Katunayan, trabaho ang ipinunta ng babae doon pero naging biktima si Kimmy ng mga lalaking hayok sa laman at muntik ng pagsamantalahan! Kung may dapat mang sisihin sa nangyari ay ang mga lalaking iyon at hindi si Kimmy!Akala niya ay ayos na ang kaibigan niya pero hindi pa pala!Kahit na galit na galit na siya, inalala niya ang bilin ni Drake kanina at pinanatiling kalmado ang sarili kahit na parang sasabog na ang puso niya."Ano bang sinabi ni Felip tungkol sa nangyari?" Masuyo niyang tanong."S—sabi niya... Hindi tutuka ang manok kung hindi lumapit ang palay. Sabi niya may ginawa ako kaya napagdiskitahan ako ng mga lalaking yun! Hindi siya naniniwala na pinilit lang ako. Sabi niya nainsulto ang pagkalalaki niya sa nangyari. Malinis siya at madumi na ako. Pa
Ang text message na natanggap ni Graciella ay mula sa landlord ni Kimmy.Nang magsimula si Kimmy sa Dynamic Wheels noon, wala itong alam sa paghahanap ng matutuluyan, kahit ang pagpirma ng kontrata sa pag-upa. Si Graciella ang tumulong sa babae sa pagrenta ng bahay na tinutuluyan nito sa ngayon kaya naman number niya ang nakarehistro sa papeles nito sa landlord.At ngayon ay tinext nga siya ng may-ari ng apartment na nakarinig ito ng maraming kalabog at pag-iyak mula sa silid ni Kimmy.Sumakay si Graciella sa kotse ni Drake at tinawagan kaagad ang landlord para tanungin ang kasalukuyang sitwasyon."Hindi ko rin alam ang tunay na sitwasyon Graciella. Nakatanggap lang ako ng reklamo mula sa ibang nangungupahan dito na nakakaistorbo na ang ingay at mga dabog mula sa unit niya. Kung hindi ka pupunta para tingnan ang kaibigan mo, tatawag nalang ako ng pulis!" Sagot nito.Alam ni Graciella na ayaw ni Kimmy ng gulo kaya kaya dali-dali niyang sinabi na malapit na siya dahilan para makahinga n
Parehong nakita nina Andrea at Greta ang pagdating ni Master Levine. Hindi nila inaasahan na magkakaroon sila ng isang karangalan na makita ito ngayon. At lihim din silang nagulat nang hindi man lang bumati si Graciella kay Master Levine at kaswal pa itong kinausap!Nababaliw na yata si Graciella! Tinatanong pa talaga nito kung bakit narito si Master Levine, eh siya ang may-ari ng buong Dynamic! Malamang pupunta talaga ito sa kumpanya nito sa hindi inaasahang pagkakataon.At tsaka bakit kinakausap ni Graciella ang boss na para bang magkakilala silang dalawa?!Bilang CEO ng Dynamic Corporation, paminsan-minsan ay bumababa si Drake sa cafeteria para kumain. Karaniwan ay dalawang beses sa isang buwan niya ginagawa ang bagay na ito. Ngayon ay bumaba siya gaya ng dati subalit hindi niya inaasahan na magpang-abot silang dalawa ng asawa niya doon! Hindi rin niya maiwasang matigilan!Bakit nandito si Graciella?Bagama't nasa ilalim ng Dynamic Group ang Luxury Cars kung saan ito nabibilang, so
Walang automatic parking functions...Marahil ito ay isang kalamangan para sa mga ordinaryong kotse, ngunit ang mga luxury car ay hindi iyon kailanman ginagamit bilang isang selling point. Sino ang magbibigay ng espesyal na pansin sa mga ito?Bukod pa, automatic parking ang halos pinaka-pangunahing functions ng mga sasakyan. Hindi siya naniniwala na kahit anong luxury car ay hindi magkakaroon nito. Maaaring niloloko siya ni Graciella sa sandaling ito para lang magpasikat.Si Graciella naman ngayon ang lihim na napangisi."Ang tatlong antigong sasakyan na pinagtutuunan ng pansin ng Dynamic sa retro ay walang automatic parking functions. Ang layunin ay para maibalik ang kagandahan ng mga antigong sasakyan. Kung idadagdag ang automatic parking functions, mawawalan na ng saysay ang pagiging retro style ng sasakyan. Kung tutuusin dapat alam mo ang mga bagay nayan Miss Greta. Hindi ba yan nakasulat sa induction manual mo?"Halos sumabog na sa galit si Greta dahil sa sarkastikong tono ng pan
Pinanood ni Drake ang bulto ni Graciella habang papalayo ito sa kanyang sasakyan. Napadako ang kanyang mga mata sa suot nitong sapatos. Hindi niya maiwasang mapasimangot.She's pregnant and yet she's still wearing heels?! Hindi niya alam na nakalagay pala sa induction manual ng professional attire ang high heels! Kung ganun dapat niyang ipatanggal ang rules na iyon!Sinadya ni Graciella na pumili ng sapatos na may maliit na heels. Nasanay naman siya dati na mataas ang takong ng kanyang sapatos kaya para narin siyang nakasuot ng flat shoes ngayon.Mas maaga kaysa sa regular days ang pasok nila sa loob ng tatlong araw upang mapadali ang kanilang pagbagay sa mga detalye ng layout at operasyon ng shop.Dinala siya ng supervisor sa pwesto kung saan naroon ang iba pang mga bagong empleyado para sabay nilang libutin ang buong lugar. Napakalaki ng shop na mayroong tatlong palapag.Palihim na napabuntong-hininga si Graciella habang naglalakad. Ibang-iba ang Dynamic Luxury Cars dealership sa mg
Ngunit hindi nagtagal ay napaisip si Drake. Kung totoo mang buntis nga si Graciella, bakit niya ito tinago sa kanya? Hindi ba nito gusto na malaman niya?Nagsalubong ang kilay ni Drake. Mahilig naman siya sa mga bata. Ang mga bata lang ang may ayaw sa kanya. Anuman ang dahilan nito at inilihim sa kanya ang tungkol sa bata, handa siyang panagutan ang babae at ang anak nila. He's willing to give his child everything he has. Money, love, care and protection."Ugh!"Napangiwi si Graciella nang tumambad sa kanya ang maraming uod sa loob ng pistachio fruit na nabili niya sa palengke. Mukhang naisahan siya ng tindera. Paano ba naman kasi, mukha lang fresh at maganda ang prutas pero bulok pala sa loob!Agad niyang kinuhanan ng larawan ang prutas na bilang ebidensya bago niya itinapon sa basurahan. Babalik siya doon sa palengke para manghingi ng refund sa bulok na panindang nabili niya.Wala naman siyang morning sickness pero kanina lang, bigla siyang nagcrave ng pistachio kaya naman bumili si
Nanatiling kalmado ang mukha ni Drake kahit pa sa naging tanong ng lola niya. "Why do you say so?""Bakit naman hindi ko masasabi? Malakas ang pakiramdam ko na may baby na sa tiyan ng granddaughter in-law ko!""Baby?"Nanigas si Drake sa kanyang kinauupuan. Ngayon lang nagsync in sa utak niya ang sinabi ng kanyang lola. "What made you say that, Grandma?" Kinakabahan niyang tanong."Malakas nga ang pakiramdam ko," proud pa nitong sagot. "Matagal na akong nabubuhay sa mundong ito, Levine. Kahit na flat pa ang tiyan ni Graciella, kakaiba parin ang glow ng kanyang mukha kaysa sa mga pangkaraniwan lang na babaeng makikita mo sa paligid. Sigurado ako, buntis talaga ang asawa mo!"Muli na naman siyang natigilan sa narinig. Para bang nahihirapan siyang iabsorb ang mga sinabi ng kanyang lola dahil wala naman iyon sa isipan niya.Nang hindi siya nagsalita ay napasinghap ang ginang. "Oh my! Wag mong sabihin na mali ako? Wala pa bang—""Magpahinga ka na Grandma," putol niya sa sasabihin sana nito