Itinago ni Graciella ang ATM card na binigay ng Kuya niya, hindi para gamitin iyon kundi para itabi kung sakaling mangangailangan ng tulong ang kapatid niya sa hinaharap.
Nang tuluyan ng tinanggap ni Graciella ang ibinigay ni Garett ay hindi nito mapigilan ang sarili na mapangiti dahil sa tuwa. "Kapag may oras ka, huwag mong kalimutang ipakilala sakin ang lalaking pinakasalan mo."
Pilit na ngumiti si Graciella. "Hayaan mo, Kuya. Sasabihan ko siya na bibisita kami dito sa susunod."
Sumapit ang alas singko ng hapon. Nagpaalam na si Graciella sa kanyang kapatid lalo na at susunduin pa nito ang kanyang pamangkin sa eskwelahan. Hindi narin siya nagtagal, lalo pa't mukhang hindi parin maganda ang loob ni Cherry sa kanya.
Pero kahit hindi sila magkasundo ni Cherry, hiling pa rin niya ang maayos na pagsasama nito kasama ang kapatid niya. Wala ng mas sasaya pa sa magkakasundong pamilya.
Nang makaalis siya sa bahay ng Kuya ay dumiretso na siya sa pharmacy. Unang pagbubuntis niya ngayon at halos wala siyang ideya kung ano ang dapat niyang gagawin. Nagsearch pa siya sa internet kung ano ang mga dapat niyang bilhin para magiging malusog ang anak niya.
"Ang ganda-ganda niyo po Ma'am. Sigurado akong magmamana sa inyo ang magiging baby ninyo," magiliw na papuri ng pharmacist nang magbayad na siya.
"Salamat," nahihiya niyang sambit.
Hindi niya inaasahan ang papuring iyon mula sa isang estranghero.
Nang makaalis siya ng botika, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kanyang scooter. Mukhang ngayon palang nagsync in sa kanya ang mga nangyari. Wala sa sarili siyang napahaplos sa manipis niyang tiyan. Sino bang mag-aakala na may dinadala na siyang sanggol sa kanyang sinapupunan?
Nasa ganung kaisipan siya nang tumunog ang kanyang telepono. Nang sagutin niya iyon ay ang kanya palang kliyente na nais bumili ng bagong sasakyan.
"Sige, papunta na ako…" Aniya bago pinatay ang tawag.
Day-off niya dapat ngayon pero dahil nagdadalantao na siya, kailangan niyang kumayod para may pambili siya ng gatas at iba pang kakailanganin ng anak niya sa hinaharap, agad siyang nagtungo sa kanyang pinagtatrabahuan niya para asikasuhin ang kliyente niya.
Nagtapos siya sa kursong accounting.
Noong nag-aaral pa siya ng highschool, iyon ang indemand na kurso kaya naman, yun ang kinuha niya, subalit nang makagraduate na siya, sobrang dami na ring accounting graduate na gaya niya. Isa pa ay kailangan niyang magtake ng board exam kung gusto niyang makakuha ng mataas na posisyon sa trabahong papasukan niya.
Pero nang makapagtapos siya ay hindi siya nakapagtake ng exam dahil may kamahalan iyon. May mga utang pa siyang binabayaran dahil sa pag-aaral niya.
Kaya naman naisipan niyang pumasok bilang sales associate sa Dynamic Wheels lalo na at malaki ang commission na nakukuha niya. Mabuti nalang at sanay siya sa trabaho mula ng maliit pa siya kaya hindi siya nahihirapan nang magsimula siya sa Dynamic. Thanks to her experience.
Dalawang buwan na ang nakalipas nang makuha ng Dynamic Group of Companies ang Dynamic Wheels. Balita niya ay bago narin ang CEO ng naturang kumpanya. Pagkatapos ng ilang reporma, isa na ang Dynamic Group sa pinakamayamang kumpanya sa bansang Pilipinas. Malaki ang naging positibong epekto nito sa Dynamic Wheels na pinagtatrabahuan niya na ipinagpasalamat niya.
Pero kasabay ng pagbabago ng management ng Dynamic Wheels, may bago din silang manager. Mahigpit na patakaran ang ipinatupad nito. Kailangan nilang makabenta ng higit sa sampung sasakyan sa loob ng isang buwan para sa mas malaking sahod at sandamakmak na bonus at commission.
Kaya naman hindi siya mag-aaksaya ng panahon at palalampasin ang pagkakataon na makabenta.
Halos kalahating oras lang ang itinagal ng transaksyon at agad na siyang nakabenta. Mabilis nang lumapit sa kanya si Kimmy, ang baguhan niyang kasamahan na nagsimula dalawang buwan na ang nakalipas.
"Grabe ka talaga Graciella. Biruin mo yun. Nakabenta ka kaagad ng kotse na isa't kalahating milyon ang halaga sa loob lang ng kalahating oras!" Puno ng paghanga nitong bulalas.
Napangiti naman si Graciella.
"Marami kasing customer ang walang ideya sa kotse. Tanungin mo lang sila kung bakit sila bibili ng sasakyan. Konting salestalk lang yan. Gaya kanina, kakapanganak palang ng babaeng kasama ng bumili. Kaya naman yung malaking SUV Van ang inoffer ko para magamit nila sa hinaharap lalo na kapag bumiyahe silang magpamilya," kaswal niyang paliwanag.
Napatango-tango naman si Kimmy. Sana pala ay nagdala siya ng notebook para mailista niya ang tip na ibinigay ni Graciella at makabenta din siya ng marami.
Ilang sandali pa'y lumitaw sa harapan nila ang isang babae na nakasuot pa ng maikling palda na hapit na hapit sa katawan nito—ang kasamahan nilang si Brittany.
Isa-isa silang tiningnan ni Brittany bago umismid. "Let me guess, nandito ka na naman Kimmy para purihin si Graciella at naghihintay ng mga tip kung paano makabenta gaya niya… Huwag ka ng umasa dahil kung tutuusin, bumibili lang naman ang mga customer natin sa kanya dahil sa itsura niya."
Imbes na mainis sa sinabi ni Brittany ay ngumiti pa si Graciella. "Thank you Brittany. I will take it as a compliment for my beauty," kaswal niyang turan.
Nagpunta siya doon para kumita at hindi para sa mga walang kabuluhang bagay at argumento na hindi naman siya kikita.
Tila hindi naman natuwa si Brittany sa sinabi ni Graciella. Pinukol niya ng isang malamig na titig ang babae bago ngumisi. "Oo nga pala Graciella, sabi ni Manager Lucas na itransfer mo sakin ng mga papeles ng sasakyan at information ng buyer na naibenta mo kani-kanina lang."
Agad na tumigas ang ekspresyon sa mukha ni Graciella.
Hindi na nakatiis pa si Kimmy at agad na pumagitna sa dalawa. "Pangatlo mo na yan ah! Bakit mo kukunin ang mga papeles? Si Graciella ang nakabenta ng sasakyan, Brittany tapos nanakawin mo na naman sa kanya?!"
"Tumahimik ka!" Pinanlisikan ni Brittany ng mga mata si Kimmy pero hindi naman nagpaawat ang huli."At bakit ako tatahimik? Nagsasabi lang ako ng totoo!"Nakakuha na ng atensyon sa mga naroon ang sagutan nina Kimmy at Brittany. Agad namang lumabas mula sa opisina nito ang manager nilang si Sir Marlou."Anong nangyayari dito?" Masungit nitong tanong. Bakas sa mukha ng lalaki ang disgusto sa mga nangyari.Mabilis siyang humakbang sa unahan at itinago sa likuran niya si Kimmy para protektahan ito. Problema niya ang bagay na ito kaya dapat lang na siya ang humarap sa dalawa."Sir Marlou, ako po ang nakabenta ng sasakyan kani-kanina lang. Bakit bigla niyo pong ibibigay kay Brittany ang credit ng mga pinagpaguran ko?"Nakapamewang na humarap sa kanya si Sir Marlou. "Graciella, si Brittany ang unang nilapitan ng mag-asawa kanina. Kumain lang sandali si Miss Lorenzo sinulot mo na agad ang kliyente niya. Kung may nandaraya man dito, ikaw yun at hindi si Brittany."Puno ng kumpyansang humarap s
Agad na tumikwas ang isang kilay ni Graciella sa narinig mula kay Brittany. "Talaga? Okay, kung ganun ay kakausapin ko nalang si Sir Marlou," kibit balikat at kalmado niyang sagot.Napalunok si Brittany. Hindi niya alam kung anong gayuma ang ginamit ni Graciella at tila nag-iba na ang ihip ng hangin. Iyon ang unang beses na pinagalitan siya ni Marlou. She can't believe that this is actually happening."Kung akala mo nanalo ka ngayon, pwes nagkakamali ka Graciella! Just wait! May araw ka rin sakin!" Galit na asik ni Brittany bago padaskol na lumabas at binagsak pa ang pintuan.Nang makaalis si Brittany ay bumungisngis ng tawa si Kimmy. "Nakakatawa ang reaksyon niya Graciella. Parang umuusok na yung ilong niya sa galit. Pero maiba tayo, hindi ko inaasahan na ganyan ka pala katapang, girl. Akala ko hindi ka marunong magalit."Ngumiti lang si Graciella sa naging pahayag ni Kimmy."Nagsumbong ka ba sa General Manager para isauli ni Brittany ang mga files sayo?" Usisa pa ni Kimmy.Marahang
Dahil Disyembre na, umakyat na ang bilang ng kanilang customer. Holiday season na kasi kaya mas lalo ng magiging abala si Graciella.Siya nalang ang natitira sa shop dahil nauna ng umuwi ang mga kasamahan niya. Tinapos niya muna ang huling deal niya sa kanyang customer bago niya isinara ang shop para umuwi narin.Nang makarating siya sa labas, umuulan parin pero hindi na gaya kanina. Akmang sasakay siya sa kanyang scooter nang maalala niyang buntis na nga pala siya at masyadong madulas ang daan dala ng ulan.Huminga siya ng malalim bago isinilid sa kanyang bag ang susi ng kanyang motor. Mag-isa lang siya. Kung sakaling may mangyaring masama sa kanya, baka mapano din ang dinadala niya.Dinampot ni Graciella ang kanyang cellphone at tumawag nalang ng taxi na maghahatid sa kanya sa tinutuluyan niya.Habang naghihintay siya sa taxi ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Kimmy na agad naman niyang sinagot."Masyadong maulan ngayon, Graciella. Gusto mo bang sunduin ka namin ng boyfriend ko p
Dahil sa gulat, naningas si Graciella sa kinauupuan niya at kung hindi pa siya tinawagan ng taxi driver na dapat ay susundo sa kanya, hindi pa siya makakabalik sa kanyang huwisyo.Mabilis na humingi ng dispensa sa driver si Graciella dahil sa abalang dulot niya. Mabuti nalang mabait ang driver at inintindi naman siya nito. Nang mawala sa paningin nila ang taxi, umusad narin ang sasakyan ni Drake paalis sa shop.Hindi na muli pang nagsalita si Drake, bagkus ay napuno ng nakakabinging katahimikan sa pagitan nila. Patuloy parin ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Kahit na wala pang ginagawa si Drake, pakiramdam ni Graciella ay aapihin siya ng lalaki. O baka masyado lang rin siyang nag-iisip ng kung anu-ano?Pero sa kabilang banda, kasalanan naman niya kung bakit mukha itong galit. Inaya niya itong pakasalan siya tatlong araw na ang nakalipas pero nang muli silang magkita ay hindi niya ito agad nakilala.Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. "M—Mr.Yoshida, saan po pala tayo p
Umawang ang mga labi ni Graciella at walang salitang namutawi mula doon nang marinig niya ang sinabi ni Drake. Masyado siyang abala nitong mga nakaraang araw at hindi na nga sumagi sa isipan niya ang tungkol sa kasal nilang dalawa.Sa katunayan, ang marriage certificate lang naman ang kailangan niya para may maipakita siya sa kanyang kapatid at sa asawa nito. Saka para narin hindi siya ipakasal ng Mama Thelma niya sa lalaking gusto nito para sa kanya. At kapag natapos na ang problema niya, aalisin na niya sa buhay niya si Drake.Pero sa ginawa ni Drake ngayon, hindi niya maiwasang makaramdam ng konsensya. Mukhang masyado yata siyang makasarili at hindi inisip ang tungkol kay Drake. Hindi niya aakalaing may hinanda pala itong bahay para sa kanila at plano pa talagang tumira doon kasama siya!Napagtanto niyang hindi nga siya nagkamali sa iniisip niya noong nakaraan. Mabait ito at responsableng lalaki...Huminga ng malalim si Graciella bago nagsalita. "Uhm, pasensya ka na Mr.Yoshida, per
Inaamin niyang natatakot talaga siya kay Drake...Siya ang nag-aya ng kasal sa lalaki at hindi lang ito basta pumayag kundi pinaghandaan pa talaga ang tungkol sa pagsasama nila. Mukhang pinanganak yata itong seryoso sa buhay habang siya ay ginamit lang ito at plano pa niyang ilayo ang anak nila mula dito.Pilit siyang ngumiti kay Drake. "Huwag kang mag-alala Mr.Yoshida, gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting asawa sayo sa loob ng anim na buwan," seryoso niyang sambit.Hindi man niya ito mahal, susubukan niya paring maging mabuti para makabayad siya ng utang na loob sa pang-aabala niya dito.Umangat ang isang kilay ni Drake.Gagawin ang lahat huh? Gagawin ang lahat para hindi niya ito mahuli sa panloloko nito sa kanya?"Uulitin ko Graciella, kapag may ginawa kang—""Huwag kang mag-alala Mr.Yoshida. Asahan ninyong wala akong gagawin na makakadumi sa pangalan ninyo," putol niya sa sasabihin sana nito.Mataman siyang tinitigan ni Drake. "Hindi ka ba natatakot sakin?"Napakurap-ku
Muli na namang napasulyap si Drake sa sasakyan na nasa unahan. Parang hindi niya yata matatagalan na ganyan ang itsura ng sasakyan na gagamitin niya sa loob ng anim na buwan. Pwede kaya siyang bumili ng bago? How nice if he could drive even just a Ferràri."Master Levine, alam mo naman na nagtitipid ako kaya hindi pa ako nakakabili ng bagong sasakyan lalo na't manganganak ang asawa ko," agarang paliwanag ni Owen ng makita ang reaksyon ng kanyang boss habang nakatitig sa sasakyan niya.Isa pa, ang apartment na kasalukuyang tinutuluyan ni Master Levine ay year-end bonus nito sa kanya. Balak pa naman sana niyang lumipat na doon kasama ang asawa niya pero bigla nalang itong binawi ng lalaki ng walang pasabi.Napasimangot si Drake. Kung bakit ba naman kasi yun ang sasakyan na ginamit niya ng puntahan niya si Graciella sa Civil Affairs Bureau noong nakaraan? Kailangan niya tuloy panindigan na kanya iyon para effective ang pagpapanggap niya.As for the apartment, wala siyang choice kundi iyo
Isinara ni Drake ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Graciella bago nagpatuloy sa paglalakad. Kahit na wala pang ginagawa ang babae, mabuti ng makasiguro siya at baka maisahan pa siya nito.Kailangan niya palang tawagan ulit si Owen para humanap ng taong maglalagay ng matibay na security sa pintuan ng kanyang silid at baka bigla nalang siyang pasukin ni Graciella.Abala ang isipan niya hanggang sa makarating siya sa fifth floor ng building. Bahagya pa siyang natigilan nang makitang naroon na si Graciella. Nakatayo ito sa harapan ng nakasarang pinto ng apartment at nakatingin sa kanya.Bahagya siyang nakaramdam ng kaba.Nakita niya ito kaninang umalis. Kailan pa ito nakabalik? Bakit hindi niya ito nakita?Kausap pa naman niya si Owen kani-kanina lang sa baba. Hindi kaya nakita sila nito?Habang abala siya pag-iisip, bigla nalang ngumiti si Graciella sa kanya sabay angat sa supot nitong dala. "Mr.Yoshida, bumili nga pala ako ng agahan nating dalawa. Hindi lang ako nakapa
"Sigurado kang tapos na'to?" Tanong ni Graciella.Lumapit siya sa sink at sinipat ng tingin ang petchay. Agad na nahagip ng kanyang mga mata ang maliliit na putik na dumikit sa dahon nito. Nagsalubong naman ang kilay ni Drake. Mali pala ang ginawa niya? Kailangan palang isa-isahin ang bawat dahon ng mga gulay para malinisan talaga?Umangat ang sulok ng labi ni Graciella. Hindi niya aakalain na hindi marunong maghugas ng gulay si Drake. Kahit nga ang pamangkin niyang si Gavin na limang taong gulang palang, alam ang bagay na pinapagawa niya sa lalaki.Pero hindi naman niya ipinakita kay Drake ang reaksyon niya bagkus ay tinuruan niya ang lalaki para matuto ito. "Kahit na mukhang malinis na tingnan yung gulay, may mga naiiwan paring kaunting putik sa dahon o di kaya ay sa ugat niyan. Pero hindi naman yan madumi, kung tutuusin healthy ang ganitong gulay kasi halatang sa farm pa galing at walang masyadong kemikal. Kailangan lang talaga na hugasan ng maayos," malumanay niyang paliwanag.Tu
"You're wounded! C'mon! Dadalhin kita sa ospital!" Natatarantang wika ni Drake.Mabilis na umiling si Graciella at pigilan si Drake nang akmang aakayin na siya nito palabas ng kusina. "Ayos lang ako. Konting sugat lang 'to. Huhugasan ko lang to ng tubig at lalagyan ng band-aid."Nang magsimulang magluto si Graciella noong dalawampung taong gulang palang siya, halos hindi siya marunong gumamit ng kutsilyo kaya madalas siyang nasusugatan.Ang pinakamalaking sugat na natamo niya ay noong nagbabalat siya ng patatas. Nang subukan niyang linisin ang maliit na butas ng patatas, lumihis ang kutsilyo at dumiretso sa kanyang palad. Malalim ang naging sugat niya at malakas pa ang pagdurugo.At dahil mahirap lang sila, wala siyang ipinambili ng gamot kaya naman, nilagyan lang niya iyon ng halamang gamot na kinuha pa niya likod-bahay nila. Umabot pa ng halos kalahating buwan bago naghilom ang sugat niya. Nang magkaroon siya ng pera ay pinatingnan niya iyon sa doktor. Wala namang naging kumplikasy
Narinig niya ang pabulong na pagsasalita ni Owen sa kabilang linya na para bang kinakausap nito ang sarili. Sigurado siyang kung anu-anong senaryo na naman ang pumapasok sa isipan nito kaya naman agad niyang iniba ang usapan."Anong balita kay Grandma?""Narinig ko pong nagpabili siya sa isa sa mga housekeeper ng panibagong tela dahil balak niyang manahi," sagot ni Owen.Nakahinga ng maluwag si Drake sa narinig. Kahit na sinabi ng matanda na balak nitong ipahanap ang nagligtas sa buhay nito at gawing isang ganap na Yoshida, mukhang nakalimutan na yata iyon ng matanda na ipinagpasalamat niya. Suportado niya ito sa kung anuman ang balak nitong gawin pwera lang sa pamimilit sa kanya na magpakasal na."Sabihan mo ang mga guards at kasambahay na bantayang maigi si Grandma dahil kung mauulit pa ang nangyari noong nakaraan, sila ang mananagot sakin.""Masusunod po, Master Levine," agaran na tugon ni Owen.Saktong pagkatapos niyang makausap si Owen, narinig niya ang papalapit na yabag ni Grac
Habang nalilibang siya sa panonood kay Graciella, tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang caller ay nakita niyang si Owen iyon."What's the matter?" Kaswal niyang bungad."Master Levine, kumunsulta po ako ng legal adviser kaninang umaga. Kung gusto niyo pong idivorce si Miss Santiago, kailangan po ninyong dumaan sa one month cooling period pero kung hindi na talaga kayo makapaghintay pa, pwede naman po kayong magfile agad. Hindi ko lang po alam kung may mga properties po kayong paghahatian—""Huh? Bakit ka kumunsulta ng legal adviser?" Putol ni Drake sa sasabihin sana ni Owen sa pagalit na paraan. Natigilan naman si Owen sa naging reaksyon ni Drake sa sinabi niya. "Uh, hindi po ba nagmamadali kayong umuwi ng apartment kagabi dahil galit kayo kay Miss Santiago at nais ninyong makipagdivorce sa kanya?" Naguguluhan niyang tanong.Sinadya niya talagang kumunsulta ng palihim sa isang private consultant dahil baka kumalat sa media ang tungkol sa kasal ng boss niya kay Miss San
"Hello po, Sir, meron po kaming latest brand ng pressure cooker na binuo mula sa pinakabagong teknolohiyang panggatong na binuo sa Germany na siyang most rice consumer sa buong mundo. Kapag ito po ang ginamit ninyo, para narin kayong nagsaing ng kanin gamit ang kahoy na panggatong lalo pa't pinapalabas nito ang natural na aroma ng bigas. Nakasale po tayo at ten percent discount at… kapag binili mo itong pressure cooker kasama ang steamer at electric cooker, may twenty percent discount po kayo na may kasama ng three packs nitong well milled rice!"Mahabang litaniya ng saleslady na wala ng balak pa na lubayan si Drake. Hindi magaling si Drake sa pakikipag-usap sa mga sales lady ng mall lalo na ang madaldal na kagaya nitong kaharap niya. Madalas kasi kapag may pinapabili siya, si Owen ang namamahala ng mga orders niya pero iba itong si Graciella."Hindi ba't China ang pinakamalaking percentage ng rice consumer sa buong mundo? Hindi ko alam na napalitan na pala ng Germany," kaswal na pun
Kinabukasan ay bumili ulit si Graciella ng agahan nila. Dahil kinain naman ni Drake ang pancake na binili niya noong nakaraan, bumili siya ulit para sa lalaki at sinamahan pa niya ng wonton soup.Bahgyang napangiwi si Drake sa amoy ng mantika pero nang matikman na niya ang sabaw ay nawala narin ang pangit niyang ekspresyon. Gaya ng gusto ni Graciella, lumilitaw ulit sa sa kutsay ang wonton soup. Bumagay naman iyon sa lasa ng sabaw kaya ayos narin.Habang kumakain si Drake, nakita niya si Graciella na may maraming pandesal sa pinggan nito. "Hindi ka yata kumain ng burger ngayon?""Hindi ako bumili. Gusto mo ba ng burger?"Mabilis namang umiling si Drake. "Hindi."Kung nataon na noong hindi pa niya lubos na kilala si Drake, iisipin niyang galit ang lalaki pero ngayong medyo nasanay na siya sa mukha nito, masasabi niyang kahit na nakasimangot ito o minsan ay nakakatakot ang mga mata kung tumitig gaya ngayon habang tumatanggi ito sa kanya, talagang normal lang iyon sa lalaki."Nakakasawa
Mabilis namang natigilan si Drake nang mapagtanto ang kanyang ginawa. Baka mamaya isipin ni Graciella na masyado siyang padalos-dalos pagdating sa paggastos ng pera."Inirekomenda sa akin ng kaibigan ko yan. Kahit medyo may kamahalan, matibay naman. At gagamitin natin yan sa loob ng mahabang panahon kaya sulit parin," matabang niyang paliwanag.Talagang hindi na kapani-paniwala ang sarili niya. Siya na may-ari ng Dynamic Group of Companies nagpapaliwanag pa sa babae sa bagay na binili niya kahit na sariling pera naman niya ang ginamit niya?! Nakakatawa na talaga siya. Sa kabilang banda, naniniwala naman si Graciella na may kalayaan parin ang bawat isa sa kanila sa paggastos ng kani-kanilang pera. Yun nga lang, wala siyang balak na hayaan pa si Drake na mamili sa ibang bagay. "Darating na sina Kuya bukas kaya sa mall nalang ako mamimili ng iba pang kulang natin dito dahil kung sa online tayo oorder, aabot pa ng dalawa o tatlong araw bago darating," paliwanag niya. Nakahinga ng maluw
"B—bakit mo ako binigyan ng ganyan? Diba may inabot ka na sakin noong nakaraan?" Naguguluhang tanong ni Graciella."Para yun sa mga gamit dito sa bahay. Tapos ito naman para sa pang-araw araw nating gastusin dito sa bahay. Kailangan mong mamili ng mga rekados kung magluluto ka kaya ito ang gamitin mo. Magtatransfer ako ng pera diyan buwan-buwan."Mabilis na umiling si Graciella. "Diba nag-usap na tayo noong nakaraan na sayo ang malalaking halaga ng gamit dito sa bahay tapos akin ang maliliit. Isa pa, mura lang naman ang mga gulay sa palengke."Ayaw niyang abusuhin ang kabaitan ni Drake. Pero pagkatapos niyang magsalita, pinukol siya nito ng isang masamang titig para ipaabaot sa kanya na hindi nito nagugustuhan ang sinabi niya. Wala na tuloy siyang nagawa kundi tanggapin nalang ang panibagong ATM card na ibinigay nito.Hindi niya tuloy maiwasang lihim na magmaktol.May usapan na sila pero bakit pabago-bago ang isipan ni Drake tungkol sa napagkasunduan nila?Tapos sabi pa nito noon na l
"Baka hindi niya talaga gusto yang lobster kaso hindi niya lang masabi sa kaibigan mo," kaswal na komento ni Drake."Kahit na. Dapat sinabi niya parin kaysa itapon yung pagkain. Girlfriend naman niya si Kimmy. Isa pa, sabi ni Kimmy malakas naman talaga kumain ng lobster si Felip. Siguro gusto naman talaga niya yung lobster pero ang hindi niya gusto ay si Kimmy ang nagpabalot nun para sa kanya."Sandaling nasira ang mood ni Graciella pero maya-maya lang ay tipid itong ngumiti kay Drake. "Maraming salamat sa pagdala mo nitong lobster. Pipicturan ko'to at isesend ko kay Kimmy kapag gising na siya. Tapos ibibigay ko rin sa kanya itong kwintas para siya na ang magsauli nito kay Felip."Hindi naman importante sa kanya si Felip. Si Kimmy ang mas mahalaga.Akala niya dati ay mabuting tao si Felip para kay Kimmy pero mukhang nagkamali yata siya. Kailangan niyang mapagsabihan ang kaibigan niya na mag-ingat sa boyfriend nito.Wala namang tutol si Drake sa plano ni Graciella.Infact, mas may inte