Isinara ni Drake ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Graciella bago nagpatuloy sa paglalakad. Kahit na wala pang ginagawa ang babae, mabuti ng makasiguro siya at baka maisahan pa siya nito.Kailangan niya palang tawagan ulit si Owen para humanap ng taong maglalagay ng matibay na security sa pintuan ng kanyang silid at baka bigla nalang siyang pasukin ni Graciella.Abala ang isipan niya hanggang sa makarating siya sa fifth floor ng building. Bahagya pa siyang natigilan nang makitang naroon na si Graciella. Nakatayo ito sa harapan ng nakasarang pinto ng apartment at nakatingin sa kanya.Bahagya siyang nakaramdam ng kaba.Nakita niya ito kaninang umalis. Kailan pa ito nakabalik? Bakit hindi niya ito nakita?Kausap pa naman niya si Owen kani-kanina lang sa baba. Hindi kaya nakita sila nito?Habang abala siya pag-iisip, bigla nalang ngumiti si Graciella sa kanya sabay angat sa supot nitong dala. "Mr.Yoshida, bumili nga pala ako ng agahan nating dalawa. Hindi lang ako nakapa
Mabilis na ibinaba ni Drake ang hawak niyang buko juice at inilayo sa kanya. He didn't know if that kind of drink is clean and it's doesn't fit in his standard for breakfast.Napailing naman si Graciella sa ikinilos ni Drake. Para sa kanya ay wala namang mali sa pag-inom ng buko juice sa umaga. Inilapit niya sa lalaki ang pinggan na naglalaman ng piniritong isda."Ito, bagay 'to sa ginataang monggo. Sigurado ako mapaparami ang kain mo dito," magiliw niyang alok.Mariin namang umiling si Drake. Hindi siya kakain ng mga maliliit na isda lalo pa't mukhang matigas ang pagkaprito. Hindi pa nga iyon tumubo, bakit kinuha na ng mga mangingisda sa dagat? Wala na ba talaga silang ibang huli?Ngayon palang ay namomroblema na siya. Paano nalang kung ganitong klaseng pagkain ang ihahain ni Graciella sa kanya araw-araw. Baka magkafood poison pa siya kung hindi siya mag-iingat. This woman will be the death of him.Walang kataste-taste pagdating sa pagkain!"Sayang naman. Akin na nga lang 'to," ani G
Nang makaalis si Drake sa apartment ay nagsimula ng maglinis ng kinainan nila si Graciella. Habang naghuhugas siya ng pinggan, hindi niya maiwasang mag-alala para kay Drake. Kalaki nitong tao tapos konti lang ang kinakain, samantalang siya halos maubos niya ang sandamakmak na pagkaing binili niya.At dahil sanay siya sa kahirapan kaya't bawat isang kusing ay mahalaga, itinabi niya ang ulam na natira at iinitin nalang niya iyon mamaya sa tanghalian niya.Pagkatapos niyang magligpit sa kusina, nakatanggap siya ng tawag mula kay Kimmy.Alam ng lahat kung gaano siya kasipag sa trabaho niya. Wala siyang sinasayang na araw para makabenta siya ng sasakyan. Halos ayaw niya ngang mag-day off para lang kumita siya ng malaki pero dahil maglilipat bahay siya ngayon, siya mismo ang nagpaalam na hindi siya makakapasok."Akala ko kasi nagkasakit ka dahil sa ulan kahapon," nag-aalalang sambit ni Kimmy.Napangiti siya. "Ayos lang ako. Lilipat kasi ako ng bahay kaya absent ako ngayon.""Lilipat ka? San
Sumimangot si Drake habang nakaupo sa backseat ng kanyang kotse. Minaneho niya kanina ang bulok na sasakyan ni Owen pero makailang beses na namatay ang makina nito at nauubos na ang pasensya niya. Nagsasayang pa siya ng oras kakatiyaga sa bwésit na sasakyang yun kaya naman nayayamot siyang nagpasundo sa kanyang personal assistant.Malapit na sana sila sa kumpanya niya pero heto't may istorbo na naman!Mas lalo lang tuloy nasira ang araw niya.Wala na talagang magandang nangyayari mula ng makasalamuha niya ang Graciella na iyon!Tumingin siya sa rearview mirror at nakitang bumaba mula sa BMW ang isang lalaki. He's thin that he looks like a twenty year old boy. Mukha din itong pagod at inaantok pa.Why doesn't this man sleep instead of driving?Perwisyo talaga!Kaswal lang ito noong una pero nang mapasulyap ito sa sasakyan niya na nabangga nito, literal na namutla ang lalaki.Sinulyapan ni Drake si Owen. Agad namang bumaba ng sasakyan ang lalaki."P—pasensya na po kayo sa abala Sir. Ba
Pagkatapos kausapin ni Graciella ang mga kaibigan niyang may-ari ng Porsche repair shop ay muli niyang hinarap si Felip. "Nabawasan na natin ang gastusin sa pagpapaayos ng sasakyan pero nasa mga isang daang libong piso parin iyon. Ayos lang ba yun sayo?"Mabilis namang tumango si Felip. "Ayos lang Graciella. Ang importante ay hindi na ganun kalaki kagaya nung kanina."Mahigit pa sa three fourth ang nabawas sa bayarin niya kaya nakahinga ng maluwag si Felip. Puno ng paghanga din siyang napatitig kay Graciella. Kung siya ang nakipag-areglo kanina, malamang hindi ganun kalaki ang nabawas sa danyos na babayaran niya."Maraming salamat talaga, Graciella. Kung hindi dahil sayo baka ipinakulong pa ako ng may-ari ng sasakyan."Tumango si Graciella bago sinulyapan si Kimmy sa loob ng sasakyan. Bahagya itong namutla at bakas sa mukha nito ang takot."Libre ka ba mamaya? Nais sana kitang imbitahan ng dinner kasama si Kimmy bilang pasasalamat," pukaw ni Felip sa atensyon niya.Marahang umiling si
Kasalukuyang nagbabangayan ang mga matatandang board members sa conference room dahil sa ipinatupad na bagong plano sa na taliwas na nakasanyan ng mga ito nang dumating si Drake.Nang maglakad siya papasok at agad na natahimik ang lahat. Para bang walang nais gumawa ng ingay at kung may magkakamali man, may isang matinding kaparusahan. Umupo si Drake sa pinakadulo ng mesa at isa-isang tinitigan ang mga kasama niya sa loob."The new plan was decided by me. Kung may mga suhestiyon kayo o hindi nagugustuhan sa ginawa ko, pwede niyong sabihin sakin ngayon nang mapag-usapan natin." Malamig niyang wika.Nagkatinginan naman ang mga ito pero wala ni isang sumubok na magsalita. Pinalipas pa ni Drake ang ilang minuto subalit walang ibang naghari sa buong silid kundi katahimikan lamang.Humugot ng hangin si Drake bago muling nagsalita. "Since I didn't hear any objections from all of you, I'll consider your silence as an approval," aniya bago tumayo at walang pag-aalinlangang nilisan ang conferen
Kasalukuyang nakalublob sa bathtub si Graciella na puno ng bula habang katok ng katok si Drake sa labas kaya naman walang narinig ang babae.Ilang sandali pa'y tumunog ang kanyang cellphone. Balak niya sanang hindi iyon sagutin hangga't hindi pa siya natatapos pero dahil sa wala itong tigil kakatunog, napilitan siyang damputin ang kanyang telepono."Hello..."Akala niya ay customer niya ito sa Dynamic Wheels. Magpapaliwanag sana siya na wala siya sa shop at kung sakali man na nagmamadali ito, ibibigay nalang ito sa kasamahan niya para ito na ang kakausap sa customer pero ang malamig na boses ng asawa niya ang kanyang narinig."I'm giving you one minute. Open the damn door, Graciella..."Nataranta naman si Graciella. "Uhm... H—hindi pa kasi ako pwedeng lumabas ngayon, Drake. Pwede bang mamayang konti nalang?"Hindi pa siya tapos na magbanlaw. Puno pa ng bula ang katawan niya."Thirty seconds left," anito at pinatayan siya ng tawag.Nasapo ni Graciella ang kanyang noo. Mukhang galit na
Ilang sandali pa ang lumipas na nakatitig lang si Drake sa singsing. Hindi siya sigurado kung tanggapin ba niya iyon o hindi pero sa huli, pinili niyang ibalik ang singsing sa loob ng box bago itinago sa kanyang coat.At dahil nag-effort naman ito sa singsing kahit pa peke lang iyon, patatawarin niya si Graciella sa kasalanan nito sa kanya.Nang makita ni Graciella a ng ginawa ni Drake, saka palang siya nakahinga ng maluwag. "Thank you sa pagtanggap mo sa singsing Drake tsaka... gusto ka kasing makilala ng Kuya Garett ko. K—kung ayos lang naman sayo, pwede ba natin siyang bisitahin kahit sandali lang?" Puno ng pag-aalangan niyang sambit.Bagama't isang gold digger ang pagtingin niya kay Graciella, hindi maipagkakaila na mag-asawa parin sila kahit sa papel lang at natural lang na hilingin nito na makilala siya ng pamilya ng babae.Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Okay. Pero hindi ako pwede sa susunod na mga araw. Baka sa katapusan nalang ng linggo."Lumawak ang ngiti sa labi ni G
Nagsalubong ang kilay ni Drake. "Hindi tayo pupunta ng ospital?" Pag-uulit pa niya.Sunod-sunod na tumango si Graciella. "Wag na. Ayos lang naman ako."Huminga ng malalim si Drake bago muling nagsalita. "Nakita mo naman kung gaano kataas ang lagnat mo, hindi ba? Dapat matingnan ka kaagad ng doktor para malaman natin kung ano ang komplikasyon."Sa katunayan, alam naman ni Graciella kung bakit siya nilalagnat kaya nga ayaw niyang pumunta ng ospital. Pero hindi rin naman niya pwedeng sabihin kay Drake ang dahilan. Kahit na nakokonsensya na siya sa pagsisinungaling niya, tiniis niya iyon at agad na naghanap ng kanyang idadahilan."A—ano kasi... Hindi pa tapos ang rush hour hindi ba? Kung aalis tayo ngayon, maiipit lang tayo sa gitna ng traffic. Mas kumportable para sa akin kung dito lang muna ako sa bahay magpapahinga."Sandali namang nag-isip si Drake. May punto naman si Graciella. Totoo na maiipit muna sila sa traffic bago makarating sa ospital. Hindi rin naman siya pwedeng magtawag ng
Dumako ang mga mata ni Graciella sa bewang ni Drake. Pakiramdam niya kay sarap humawak sa bandang iyon.Mabilis na nag-init ang kanyang mukha nang mapagtanto niya kung ano ang iniisip niya. Nagulat siya sa kanyang sarili. Paanong nagkaroon siya ng ganong klaseng pag-iisip? Dahil sa takot na baka mahalata ni Drake kung ano ang nasa isipan niya, mabilis siyang yumuko at ininom ang tubig na nasa baso.Pero ilang saglit pa'y hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na muling pasadahan ng tingin si Drake. Kahit na nakasuot ng long sleeve ang lalaki, mahahalata parin ang matipuno nitong braso. Bakit parang masarap maglambitin doon? Kahit na may apron itong suot, bumabakat parin ang mapipintog nitong dibdib. Malawak ang balikat ni Drake. Parang gusto niyang palitan ng kanyang mga braso ang lace ng apron na nakasabit sa leeg nito.Tila ba nagslow motion ang lahat. Kahit na nagpupunas lang si Drake ng mesa, bakit sobrang sexy ng kilos nito sa tingin niya. Tumalikod si Drake kung saan malaya niy
"Okay na'to. Maupo ka na doon. Ipaghahain kita," ani Drake na mukhang ngayon ay nakahinga na ng maluwag.Tumango naman si Graciella. Napasulyap pa siya sa mga karne na nasa chopping board. Siguro ay bukas nalang nila lulutuin ang nilagang baka at sa ngayon, lugaw nalang muna ang hapunan nila.Naunang maupo si Graciella sa salas. Dahil masyado pang makalat ang kusina nila, hindi pa sila pwedeng doon kumain. Ilang sandali pa'y lumabas na si Drake dala ang dalawang bowl ng umuusok na porridge.Inilapag ni Drake ang bowl sa harapan niya at binigyan din siya ng kutsara. Nilanghap niya ang mabangong aroma ng porridge nang magsalita si Drake."Kumain ka na. Gutom ka na diba?" Tila nininerbyos nitong bigkas.Lihim namang napangiti si Graciella. Sino bang mag-aakala na marunong palang kabahan ang asawa niya. Nais man niyang matawa pero pinigilan niya ang sarili niya.Ito ang unang beses na may nag-alaga sa kanya ngayong may sakit siya. Masyado siyang natouch sa ginawa nito ngayon kaya naman hi
Nang mahimasmasan si Drake, nagmamadali siyang kumuha ng sandok upang saluhin ang tubig at bula na nanggagaling sa cooking pot subalit kahit na anong gawin niya, paulit-ulit paring lumalabas ang bula at sabaw tapos ngayon may kasama ng kanin!Mabuti nalang at pinuntahan siya ni Graciella. Hininaan nito ang apoy at maya-maya pa'y tumigil na ang pag-apaw. Nakahinga ng maluwag si Drake subalit napatingin siya sa kalat na naroon stove.Akmang pupunasan ni Graciella ang kalat pero agad namang binawi ni Drake ang basahan mula sa kanya."Ako na ang gagawa."Marahan namang tumango si Graciella. "Okay."Tinitigan ni Graciella ang kanyang asawa. Sigurado siyang naiistress na ito subalit ang tumingin din sa kanya ang lalaki, hindi niya mapigilan ang sarili na matawa.May mga talsik mula sa sabaw ng lugaw ang mukha ni Drake at karamihan sa mga iyon ay natuyo na. Palagi niya itong nakikitang kalmado at sigurado sa bawat kilos nito pero sa unang pagkakataon, nasaksihan niya kung paano mataranta ang
Hinanap ni Drake ang recipe ng nilagang baka sa internet."Hiwain ang karne ng baka, magdagdag ng isang tablespoon na oyster sauce at asin, vetsin, beef cubes, gisahin kasama ang bawang, luya at sibuyas bago pakuluan..."Parang hindi naman pala mahirap.Gusto niya sanang mag-order ng dagdag na pagkain para kay Graciella ngunit alam niya rin kung gaano ito katipid. Baka mag-alala lang ito na madami ang pagkain at masasayang lang. He doesn't wanna stress her out lalo pa at may lagnat ito. Isa pa ay lagi siyang pinagluluto ni Graciella kaya hindi narin siguro masama kung ipagluluto din niya ang babae kahit ngayon lang.Naniniwala siya mula pa noong bata siya na kaya niyang gawin ang kahit na anong bagay na maiisipan niya kaya paniguradong madali lang ang pagluluto sa kanya.Pero nung pumasok na talaga siya sa kusina, parang nag-iba na ang ihip ng hangin!Dati, tinulungan niya si Graciella sa paghuhugas ng mga gulay at bigas. Tapos ngayon mag-isa lang siya at walang katuwang! At ngayon ni
"Huh?" Medyo nataranta si Graciella at hinawakan ang kanyang noo bago muling nagsalita. "Okay lang, hindi mainit—"Nang makita ang seryosong mukha ni Drake, unti-unting humina ang boses niya hanggang sa sabihin niya sa lalaki na mayroong isang kahon ng gamot sa kabinet ng TV, at mayroong ding isang electronic thermometer na binili niya noon.Kinuha ni naman agad ni Drake ang electronic thermometer at itinapat sa kanya.Thirty nine degree Celsius ang kanyang noo at forty naman sa kanyang kamay. Kaya pala nasabi niya na hindi siya mainit dahil mas mataas ang temperatura niya sa kamay kaysa sa kanyang noo."May lagnat ka," ani Drake. Nasa harap niya ang mga numero sa thermometer kaya hindi na ito maitatanggi pa ni Graciella. Kaya pala medyo nahihilo siya. Dahil siguro sa sobrang pagod niya ngayong araw. Pinagpapawisan siya habang naglalakad mula sa bar hanggang sa nakarating sila sa kinaroroonan ni Kimmy. "Huwag kang mag-alala, Drake, hindi naman mataas ang lagnat ko. Kailangan ko
Iyon ang unang beses na may nagsabi ng ganung klaseng kataga kay Graciella bukod sa kapatid niya kaya hindi niya maiwasang mahiya at pamulahan ng pisngi."Salamat sa pag-aalala mo, Drake pero ayos lang talaga ako," mahina niyang sambit.Pagkatapos ng medyo maikling panahon na nagkakilala sila, napagtanto ni Drake na hindi talaga aamin si Graciella sa kung anuman ang nararamdaman nito kahit anong pilit niya kaya naman ang pinakamabisang paraan ay gagawin ng direkta ang bagay na nais niyang ipagawa sa babae gaya nalang ang pagpapahinga.Sinuutan niya ito ng seatbelt nang mapasulyap siya sa tiyan nito. Huminga siya ng malalim bago iningatan ang kanyang galaw at baka mapano ang baby nila.Hindi naman napansin ni Graciella ang mga tinginan ni Drake sa kanya. Ang inaalala niya ay lumiban siya sa trabaho dahil sa nangyari kay Kimmy at hindi siya nakapagpaalam sa supervisor niya.First day of work palang tapos nag-half day na agad siya! "Wag mo ng masyadong isipin pa yan. Naipagpaalam na k
Namilog ang mga mata ni Cherry kasabay ng kanyang panlalamig."Ikaw ang babalaan ko Ate Cherry, ayokong ako mismo ang magsabi kay Kuya sa natuklasan ko pero kapag hindi mo ititigil yang kakatihan mo sa katawan, wag mo akong sisisihin sa mangyayari sayo!"Kung kanina ay mayabang at puno ng galit ang mukha ni Cherry, ngayon ay nagmistula na itong tupa na hindi makabasag pinggan.Mabilis at maingat siyang lumabas ng bar kanina para hindi siya makita ni Graciella pero mukhang nahuli parin siya ng babae na kasama si Felip!Kung minamalas nga naman!Dahan-dahang napatingin si Cherry kay Graciella na nasa harapan niya. Malamig ang mga mata nito at hindi mo kakakitaan ng pag-aalangan. Napalunok siya ng ilang beses bago ito nilapitan."G—graciella... Baka naman pwede nating pag-usapan 'to. Alam kong mali ako pero please, wag mo munang sabihin sa kapatid mo ang nalaman mo. Kahit na hindi mo ako gusto, kailangan mong isipin si Gavin. Ano nalang ang mangyayari sa kanya kung maghihiwalay kami ng k
Bumuhos ang lahat ng emosyon sa dibdib ni Kimmy. Pilit siyang nagpupumiglas hanggang sa niyakap na siya ni Graciella. Sandali siyang natigilan bago bumalik sa kanyang wisyo."Wala akong ginagawang masama Graciella... Hindi naman ako nananakit ng kapwa eh pero bakit... bakit ang malas-malas ko?" Humagulgol niyang sambit.Nalungkot si Graciella nang marinig ang hinagpis ni Kimmy. Marahan niyang tinapik ang sa likod ng dalaga para kahit papaano ay pagaanin ang nararamdaman nito. "Gaya ng sabi ko, hindi mo kasalanan ang nangyari. Sadyang may mga tao lang talaga na maitim ang budhi at mahilig manakit. Hindi ka dapat na magpatalo sa kanila. Ikaw nasa tama."Napatingala si Oliver para kontrolin ang emosyon niya. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan ng kapatid niya matapos nitong umalis sa puder nila. Nais niyang sisihin ang sarili niya dahil hindi niya ito napagtuunan ng pansin sa pag-aakalang nasa maayos lang na kalagayan ang babae. Dapat pala ay binalian niya ng nga buto ang