Nang mahimasmasan si Drake, nagmamadali siyang kumuha ng sandok upang saluhin ang tubig at bula na nanggagaling sa cooking pot subalit kahit na anong gawin niya, paulit-ulit paring lumalabas ang bula at sabaw tapos ngayon may kasama ng kanin!Mabuti nalang at pinuntahan siya ni Graciella. Hininaan nito ang apoy at maya-maya pa'y tumigil na ang pag-apaw. Nakahinga ng maluwag si Drake subalit napatingin siya sa kalat na naroon stove.Akmang pupunasan ni Graciella ang kalat pero agad namang binawi ni Drake ang basahan mula sa kanya."Ako na ang gagawa."Marahan namang tumango si Graciella. "Okay."Tinitigan ni Graciella ang kanyang asawa. Sigurado siyang naiistress na ito subalit ang tumingin din sa kanya ang lalaki, hindi niya mapigilan ang sarili na matawa.May mga talsik mula sa sabaw ng lugaw ang mukha ni Drake at karamihan sa mga iyon ay natuyo na. Palagi niya itong nakikitang kalmado at sigurado sa bawat kilos nito pero sa unang pagkakataon, nasaksihan niya kung paano mataranta ang
"Okay na'to. Maupo ka na doon. Ipaghahain kita," ani Drake na mukhang ngayon ay nakahinga na ng maluwag.Tumango naman si Graciella. Napasulyap pa siya sa mga karne na nasa chopping board. Siguro ay bukas nalang nila lulutuin ang nilagang baka at sa ngayon, lugaw nalang muna ang hapunan nila.Naunang maupo si Graciella sa salas. Dahil masyado pang makalat ang kusina nila, hindi pa sila pwedeng doon kumain. Ilang sandali pa'y lumabas na si Drake dala ang dalawang bowl ng umuusok na porridge.Inilapag ni Drake ang bowl sa harapan niya at binigyan din siya ng kutsara. Nilanghap niya ang mabangong aroma ng porridge nang magsalita si Drake."Kumain ka na. Gutom ka na diba?" Tila nininerbyos nitong bigkas.Lihim namang napangiti si Graciella. Sino bang mag-aakala na marunong palang kabahan ang asawa niya. Nais man niyang matawa pero pinigilan niya ang sarili niya.Ito ang unang beses na may nag-alaga sa kanya ngayong may sakit siya. Masyado siyang natouch sa ginawa nito ngayon kaya naman hi
Dumako ang mga mata ni Graciella sa bewang ni Drake. Pakiramdam niya kay sarap humawak sa bandang iyon.Mabilis na nag-init ang kanyang mukha nang mapagtanto niya kung ano ang iniisip niya. Nagulat siya sa kanyang sarili. Paanong nagkaroon siya ng ganong klaseng pag-iisip? Dahil sa takot na baka mahalata ni Drake kung ano ang nasa isipan niya, mabilis siyang yumuko at ininom ang tubig na nasa baso.Pero ilang saglit pa'y hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na muling pasadahan ng tingin si Drake. Kahit na nakasuot ng long sleeve ang lalaki, mahahalata parin ang matipuno nitong braso. Bakit parang masarap maglambitin doon? Kahit na may apron itong suot, bumabakat parin ang mapipintog nitong dibdib. Malawak ang balikat ni Drake. Parang gusto niyang palitan ng kanyang mga braso ang lace ng apron na nakasabit sa leeg nito.Tila ba nagslow motion ang lahat. Kahit na nagpupunas lang si Drake ng mesa, bakit sobrang sexy ng kilos nito sa tingin niya. Tumalikod si Drake kung saan malaya niy
Nagsalubong ang kilay ni Drake. "Hindi tayo pupunta ng ospital?" Pag-uulit pa niya.Sunod-sunod na tumango si Graciella. "Wag na. Ayos lang naman ako."Huminga ng malalim si Drake bago muling nagsalita. "Nakita mo naman kung gaano kataas ang lagnat mo, hindi ba? Dapat matingnan ka kaagad ng doktor para malaman natin kung ano ang komplikasyon."Sa katunayan, alam naman ni Graciella kung bakit siya nilalagnat kaya nga ayaw niyang pumunta ng ospital. Pero hindi rin naman niya pwedeng sabihin kay Drake ang dahilan. Kahit na nakokonsensya na siya sa pagsisinungaling niya, tiniis niya iyon at agad na naghanap ng kanyang idadahilan."A—ano kasi... Hindi pa tapos ang rush hour hindi ba? Kung aalis tayo ngayon, maiipit lang tayo sa gitna ng traffic. Mas kumportable para sa akin kung dito lang muna ako sa bahay magpapahinga."Sandali namang nag-isip si Drake. May punto naman si Graciella. Totoo na maiipit muna sila sa traffic bago makarating sa ospital. Hindi rin naman siya pwedeng magtawag ng
Madalas na mahinahon si Graciella sa mga ng bagay-bagay pwera nalang kung talagang hindi makatarungan ang nangyayari gaya nalang sa sitwasyon ni Kimmy. Kaya naman, hindi inaasahan ni Drake na makikita niya itong parang batang nagtatantrums at nakikipag-away sa fever patch.Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Drake bago naiiling na naglakad pabalik sa sofa at pinulot ang patch na itinapon nito at mabilis na tinanggal ang cover.Nakatitig naman si Graciella sa ginagawa ni Drake. Marahil ay narinig nito ang pakikipag-away niya sa walang muwang na fever patch. Para itago ang nararamdaman niyang hiya, mabilis siyang uminom ng tubig."Maraming salamat, Drake," aniya at aabutin na ang patch subalit iniwas iyon ni Drake sa kanya.Nagtataka siyang napatingin sa lalaki pero mabilis din iyong napawi nang ayusin nito ang ilang hibla ng baby hair na nasa kanyang noo bago maingat na idinikit ang fever patch.Mabilis na kumalat ang lamig na nagmumula sa fever patch subalit hindi nun kayang
Ilang beses siyang napalunok nang sumagi sa isipan niya ang nangyari sa pagitan nila noong nakaraang buwan. Sa hindi sinasadya ay nakaramdam siya ng init ng katawan kasabay ng pag-usbong ng isang damdamin na hindi niya dapat maramdaman.Matagal na iyon. Akala niya ay nakalimot na siya pero habang tumatagal na magkasama sila, unti-unting nagiging klaro sa alaala niya ang nangyayari sa kanila.Lihim siyang napabuntong hininga. It must be because he hasn't touched a woman for too long kaya ganito ang naiisip niya.Sinulyapan niya si Graciella na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa kama nito. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos siya nitong tuksuhin ay tutulugan lang siya ng babae.Tsk!Ito ang unang beses na may babaeng himbing na himbing na natutulog sa harapan niya. Hindi lang ito takot sa kanya, tila hindi pa siya nito siniseryoso. Mahina ang muscles niya? Talaga lang huh?Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga para pakalmahin ang sarili niya. Napasulyap pa siya sa kany
"Alam mo ba kung ano ang pinakamahalagang bagay na gagawin mo pagkatapos mong magkasakit?" Tanong ni Drake matapos siya nitong maihiga."A—ano?" Nauutal niyang tanong.Mukhang nasanay na yata si Drake na lagi siyang kinakarga."Magpahinga," tipid nitong sagot.Napanguso naman siya. "Pero magaling na ako. Ako ang may dala sa katawan ko at sigurado ako na wala na akong nararamdamang komplikasyon."Bahagya ng nakaramdam ng inis si Drake. Wala pa siyang maayos na tulog at hindi nakakatulong ang katigasan ng ulo ni Graciella. Sinamaan niya ito ng tingin bago nagsalita. Pakiramdam niya puputok ang ugat niya sa noo sa kakulitan nito."Bibigyan lang kita ng dalawang pagpipilian Graciella. It's either you'll willingly lie on your bed and rest or I will throw you in your bed and tie your hands and feet so you can't move and get out of your room. Mamili ka."Hindi ba nito alam kung gaano siya kapagod na alagaan ito tapos hindi man lang ito mag-iingat at magtatrabaho agad? Iyon ang unang beses na
Paulit-ulit na pinasadahan ng tingin ni Drake ang silid ni Graciella nang mapansin niya ang isang frame na nasa mesa sa gilid ng kama nito. Larawan iyon ni Graciella at Garett. Medyo luma na iyon, mukhang kuha pa noong mga nakaraang taon. Kahit sa larawan lang, makikita mo talaga na mahal na mahal nito ang isa't-isa.Simula ng makilala ni Drake ang pamilyang pinanggalingan ni Graciella, napagtanto niya kung gaano kahirap ang lumaki sa ganung klaseng magulang. Natatangi lang din ang isang kagaya ni Garett na grabe kung magmahal at mag-alaga kay Graciella. Siguro masarap sa pakiramdam na magkaroon ng isang kapatid na kasangga mo sa lahat.Masaya siya para kina Graciella at Garett pero maya-maya lang ay napanguso siya nang mapasulyap siya sa isang partikular na photo frame na nasa gilid lang ng cabinet. Sigurado siyang litrato niya iyon at ni Graciella.Tama!Noong mga panahon na inimbita nila si Garett sa bahay nila para doon kumain at magkakilala sila, sinadya nilang magprovide ng wedd
"Grabe, sobrang yaman niyo pala Kimmy. Nakakahiya naman," mahinang sambit ni Graciella habang patuloy parin sa pagmamasid sa paligid at binubusog ang kanyang mga mata sa magagandang tanawin.Mahina namang natawa si Kimmy. "Madalas ko ring marinig yan at ikinukumpara pa kami sa mga Yoshida at Nagamori. Pero alam mo, hindi naman totoo yan. Ang Yoshida at Nagamori mayaman na talaga sila ilang daang taon na ang nakalipas mula pa sa kanunu-nunuan nila samantalang kami, yung lolo ko nagsikap pa para maghukay ng mga gold sa mga namatay at inilibing na kaya kami yumaman."Nanlaki naman ang mga mata ng kasambahay na nakasunod sa kanila at mabilis na nilapitan si Kimmy. "Ma'am Kimberly, wag niyo pong sabihin yan. Baka marinig kayo nina Madam at Sir at magalit sila," mahina nitong sambit.Inirapan ni Kimmy ang kasambahay. "Ano bang problema mo sa sinabi ko, eh totoo naman yun. Tsaka wala sina Daddy at Mommy dito ngayon."Hinila ni Kimmy si Graciella palayo sa kasambahay at dinala sa kabilang gar
"Wala pa akong narinig tungkol sa mga Nagamori," ani Graciella.Nagkibit balikat naman si Kimmy. "Normal lang talaga na wala kang maririnig sa pamilyang yan dahil kung low-key man ang mga Yoshida, mas misteryoso pa sa kanila ang mga Nagamori."Napatango-tango si Graciella. "Talaga? Bakit kaya parang halos nagtatago sila ano?" "Ganito kasi yan, twenty years ago, may naaksidente sa pamilya nila at nataon pa na anak ng mga matatandang Nagamori na si William ang casualty tapos nawala pa yung maliit niyang anak na babae sa dagat. Bali-balita na nabaliw ang asawa ng lalaking Nagamori dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa mag-ama niya. Tapos si Mrs.Nagamori na nanay ni William, matanda narin at may sakit na.""At kaya nanatili silang low-profile ay dahil naniniwala sila na buhay pa ang anak ni William na nawawala at kasalukuyan parin nilang pinaghahanap. Siguro para masiguro na walang magtatangka na manloko sa kanila tungkol sa nawawala nilang apo kaya low-key lang sila." mahabang kwen
"Graciella, nasaan ka na?" Tanong ni Kimmy sa kabilang linya.Dapat ay kanina pa nakarating ang babae sa bahay nila subalit dalawampung minuto na ang nakalipas at wala pa ito. Nag-aalala na siya kaya naman tinawagan na niya ito."Pasensya ka na at natagalan ako. May nangyari kasi," ani Graciella at ikinuwento kay Kimmy ang nangyari sa restroom sa mall na pinuntahan niya. "Wag kang mag-alala, pasakay na ako ng taxi—""Wag na. Ipapasundo nalang kita sa driver namin," awat ni Kimmy sa kanya."Huh?"Ipapasundo siya sa driver?Sa edad niyang dalawampu't apat, sa television at nobela lang niya naririnig ang mga katagang iyon. Hindi niya mapigilang masorpresa pero oo nga pala, mayaman nga pala si Kimmy kaya natural marami itong driver at mga kasambahay.Makalipas ang halos sampung minuto, isang Porsche Cayenne ang huminto sa kanyang harapan. Akmang uusog siya para bigyan ito ng espasyo nang bumaba ang isang lalaking halos nasa limampung taong gulang na at magalang na yumuko sa kanya."Magand
Katatapos lang na magshopping ni Akira. Namili siya ng bagong set ng branded na damit, nagset narin siya ng appointment sa salon para sa kanyang bagong manicure. Bumili rin siya ng bagong lipstick at naghire pa ng professional makeup artist para sa Thai-style na gusto niya. Sinadya niyang magpaganda dahil balak niyang pumunta ng Dynamic at makipagkita kay Levine.Subalit nang matapos ang make-up artist sa pagmemake-over sa kanya, bigla nalang sumakit ang kanyang puson. Napatingin siya sa petsa sa kalendaryo at napagtanto na kabuwanan pala niya ngayon! Bakit sumakto pa kung kailan nasa mall siya at sobrang daming tao?!Sa takot niyang mapansin ng mga ito amg tagos niya, nagmamadali siyang tumakbo sa banyo at nagtago. Agad niyang hinugot ang kanyang cellphone at idinial ang numero ng kanyang driver subalit nasa kalagitnaan siya ng pagtawag nang maalala niya na lalaki ito!Dahil sa nararamdaman niyang inis ay hindi niya mapigilan ang sarili niya na mapaiyak. Gusto niyang makita si Levine
"M—matatanggal na po ba talaga ako?" Maluha-luha na tanong ni Graciella."Naku, hindi Miss Santiago. Ang ibig kong sabihin ay hindi mo muna kailangan na pumasok ngayon sa trabaho. Narinig kong nagkasakit ka at sakto pang laganap ang lagnat at sipon ngayon. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna at bumalik ka nalang sa trabaho sa susunod na linggo," magiliw na tugon ni Ma'am Andrea.Nakahinga ng maluwag si Graciella sa kanyang narinig subalit hindi niya maitatago ang kanyang pagkasorpresa. Noong bago siya maghalf-day, naalala pa niya na masama ang tingin sa kanya ng kanyang supervisor. Hindi niya inaasahan na napakamaalalahanin pala ni Ma'am Andrea. "P—pero maayos na po talaga ang pakiramdam ko. Pwede na naman po akong magtrabaho ulit.""No, Miss Santiago. We should prioritize one's health over work. Ganun naman talaga dapat. Alagaan mo muna ang sarili mo," sagot nito.Napakamot ng ulo si Graciella kahit na wala namang makati. "Pero Ma'am, nag-aalala po kasi ako sa attendance ko."Pe
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kabilang linya. Maya-maya pa'y malakas na napabuntong hininga si Oliver bago nagsalita."Okay. Okay. You win!" Matapos makuha ang sagot na gusto ni Drake, papatayin na sana niya ang tawag. Una palang ay ayaw naman talaga niyang makausap ang lalaki subalit napatigil siya nang magsalitang muli si Oliver."Wait..." Isang kataga palang ay randam na ni Drake ang sarkasmo sa tono ni Oliver. "Tumawag kalang sakin ngayon para balaan ako na layuan si Graciella? I didn't expect that there would be a woman in this world whom you value so much. Parang hindi na ikaw to Master Levine. Kung sana ginawa mo rin ang bagay nayan kay Beatrice noon, hindi sana mangyayari ang nangyari—""Beatrice? How is she?" Tanong ni Drake sa malamig na tono habang naniningkit ang mga mata.Sarkastikong natawa si Oliver. "Kung talagang may pakialam ka kay Beatrice, hindi ka naman mahihirapan na maghanap ng balita tungkol sa kanya."Kumalma naman ang ekspresyon sa mukha ni Dra
Isang iling ang naging sagot ni Graciella. "Hindi ako sigurado. Base sa mga sinabi ni Kimmy, nag-aalala ang pamilya niya sa kanya kaya balak ng mga ito na magkaroon ng salu-salo. At dahil close kami ni Kimmy, nais ng mga ito na marinig mula sakin kung ano talaga ang nangyari para matahimik na sila."Bahagyang umangat ang isang kilay ni Drake. "At pumayag ka?""Uhm, nag-aalala si Sir Oliver kay Kimmy kaya tutulungan ko siya hanggang sa makakaya ko."Pumayag si Graciella dahil balak na ni Kimmy na bumalik sa mansion ng mga magulang nito. Para narin hindi na siya mahirapan pang taluntunin kung saan hahanapin ang kaibigan niya sa susunod na magkikita sila. At dahil masaya siya sa mga nangyari ngayong araw, hindi niya napansin ang nagngingitngit na ekspresyon ni Drake pati na ang payukom ng kamao ng lalaki.Kukunin na sana ni Graciella ang baso ng tubig nang mapansin niya na may dala ring isang baso ng orange juice si Drake. Sakto rin at medyo namamaos ang lalamunan niya ngayon. Naisip niy
Pagkatapos na matingnan ni Owen ang washing machine, napagtanto niyang hindi naman pala iyon sira at kaya hindi gumana ay dahil hindi iyon nakasaksak sa kuryente!Mas lalo pang nagdilim ang mukha ni Drake nang mapagtanto niyang napakasimpleng bagay lang ay nagkamali pa siya. Pero sa kabilang banda, first time pa naman niya at kung hindi siya nag-asawa, hindi niya malalaman kung paano mag-operate ng washing machine.At pagkatapos labhan ang mga damit, kailangan silang isabit isa-isa para matuyo, at ang ibang mga damit na may kulay ay kailangang labhan ng magkahiwalay... Hindi kailanman nagrelax ang mahigpit na nakakunot na noo ni Drake habang nakikinig siya sa paliwanag ni Owen. Napagtanto niya na ang mga gawaing bahay na ito ay tila sobrang nakakapagod. Pero bakit hindi niya kailanman narinig na nagreklamo si Graciella tungkol sa mga ito? Curious tuloy siya kung ano ang nararamdaman ni Graciella tuwing naglalaba.Nang umalis si Owen, binitbit na niya ang pagkain papunta sa silid ni Gr
Paulit-ulit na pinasadahan ng tingin ni Drake ang silid ni Graciella nang mapansin niya ang isang frame na nasa mesa sa gilid ng kama nito. Larawan iyon ni Graciella at Garett. Medyo luma na iyon, mukhang kuha pa noong mga nakaraang taon. Kahit sa larawan lang, makikita mo talaga na mahal na mahal nito ang isa't-isa.Simula ng makilala ni Drake ang pamilyang pinanggalingan ni Graciella, napagtanto niya kung gaano kahirap ang lumaki sa ganung klaseng magulang. Natatangi lang din ang isang kagaya ni Garett na grabe kung magmahal at mag-alaga kay Graciella. Siguro masarap sa pakiramdam na magkaroon ng isang kapatid na kasangga mo sa lahat.Masaya siya para kina Graciella at Garett pero maya-maya lang ay napanguso siya nang mapasulyap siya sa isang partikular na photo frame na nasa gilid lang ng cabinet. Sigurado siyang litrato niya iyon at ni Graciella.Tama!Noong mga panahon na inimbita nila si Garett sa bahay nila para doon kumain at magkakilala sila, sinadya nilang magprovide ng wedd