Kasalukuyang nakalublob sa bathtub si Graciella na puno ng bula habang katok ng katok si Drake sa labas kaya naman walang narinig ang babae.Ilang sandali pa'y tumunog ang kanyang cellphone. Balak niya sanang hindi iyon sagutin hangga't hindi pa siya natatapos pero dahil sa wala itong tigil kakatunog, napilitan siyang damputin ang kanyang telepono."Hello..."Akala niya ay customer niya ito sa Dynamic Wheels. Magpapaliwanag sana siya na wala siya sa shop at kung sakali man na nagmamadali ito, ibibigay nalang ito sa kasamahan niya para ito na ang kakausap sa customer pero ang malamig na boses ng asawa niya ang kanyang narinig."I'm giving you one minute. Open the damn door, Graciella..."Nataranta naman si Graciella. "Uhm... H—hindi pa kasi ako pwedeng lumabas ngayon, Drake. Pwede bang mamayang konti nalang?"Hindi pa siya tapos na magbanlaw. Puno pa ng bula ang katawan niya."Thirty seconds left," anito at pinatayan siya ng tawag.Nasapo ni Graciella ang kanyang noo. Mukhang galit na
Ilang sandali pa ang lumipas na nakatitig lang si Drake sa singsing. Hindi siya sigurado kung tanggapin ba niya iyon o hindi pero sa huli, pinili niyang ibalik ang singsing sa loob ng box bago itinago sa kanyang coat.At dahil nag-effort naman ito sa singsing kahit pa peke lang iyon, patatawarin niya si Graciella sa kasalanan nito sa kanya.Nang makita ni Graciella a ng ginawa ni Drake, saka palang siya nakahinga ng maluwag. "Thank you sa pagtanggap mo sa singsing Drake tsaka... gusto ka kasing makilala ng Kuya Garett ko. K—kung ayos lang naman sayo, pwede ba natin siyang bisitahin kahit sandali lang?" Puno ng pag-aalangan niyang sambit.Bagama't isang gold digger ang pagtingin niya kay Graciella, hindi maipagkakaila na mag-asawa parin sila kahit sa papel lang at natural lang na hilingin nito na makilala siya ng pamilya ng babae.Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Okay. Pero hindi ako pwede sa susunod na mga araw. Baka sa katapusan nalang ng linggo."Lumawak ang ngiti sa labi ni G
Kinabukasan nagising si Graciella sa tunog ng kanyang alarm clock. Kahit na alas onse na siya ng gabi nakatulog, nagagawa niya paring gumising ng ala sais ng umaga dahil nasanay na siya. Noong nasa kanila pa siya, siya ang nagluluto, naglilinis ng bahay, ipaghanda ng baon ang kapatid niya at kung anu-ano pa kaya dapat madaling araw palang gising na siya.Bawat araw ganun ang routine niya pero nitong nakaraan lang, napansin niyang madalas na siyang antukin. Siguro dala iyon ng pagbubuntis niya.Pinilit niya ang sarili na bumangon kahit pa nais pa sana niyang mahiga. Matapos makapaglinis ng sarili, lumabas na siya ng silid para bumili ng pagkain. Pagkabalik niya ng apartment, sakto namang nagising na ang asawa niya."Good morning, Drake..." Nakangiting bati ni Graciella pagkalabas ni Drake ng pinto."Good morning," ganting bati ng lalaki.Napatingin siya kay Graciella. Kung makangiti ito ay parang walang nangyaring kakaiba kagabi. He still remembered how shy she was last night. Masyado
Abala si Graciella sa paglilinis ng bahay. Nang matapos siyang magtapon ng basura, agad niyang napansin ang kanyang pusa na nasa labas na ng kulungan nito. Nangunot ang kanyang noo. Naalala niyang ikinulong niya ito kanina dahil baka maistorbo nito si Drake sa pagkain. Masyado pa naman itong malambing at laging dumidikit sa binti.Paano kaya ito nakalabas? Pinakawalan kaya ni Drake?"Hmm, wag kang maglilikot masyado dito ha," kausap niya sa pusa habang hinahaplos ang noo nito."Meowww…"Napangiti siya. Pakiramdam niya sumasagot ito sa kanya at nagkakaintindihan silang dalawa. Ganun yata siguro kapag may alaga ka.Ilang sandali pa'y narinig na niya ang ugong ng sasakyan paalis. Sumilip siya sa bintana at nakitang papaalis na ang sasakyan ni Drake.Habang pinagmamasdan niya ang papalayong si Drake, naalala niyang ilang beses siya nitong natanong kung takot ba siya sa lalaki. Siguro natatakot din ang iba kapag kaharap ito. Mukha naman kasi talagang masungit ang lalaki at parang lagi pan
Nagsalubong ang kilay ni Graciella habang nakatayo siya sa labas ng pinto. Alam niyang hindi sila masyadong magkasundo ny bayaw niya pero hindi niya aakalain na pagsasalitaan siya ng ganito ni Cherry.Hindi naman sa nagbibilang siya pero kung tutuusin, naibalik na niya sa kapatid niya ang lahat ng nagastos nito sa kanya at sobra pa nga. Nais na nga siyang ibenta ng sarili niyang ina sa matandang lalaki para lang sa pera tapos pati asawa ng kapatid niya ganun din? Ano bang akala nila sa kanya? Paninda?Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Cherry. Nagulat naman ito ng makita siya.Agad na nakaramdam ng kaunting hiya si Cherry. Sigurado siyang narinig ni Graciella ang mga sinabi niya pero sa kabilang banda, tama naman talaga siya. Sinayang ni Graciella ang pagkakataon na umangat sa buhay.Hinila ni Cherry si Gavin na nasa likuran na pala ni Graciella at mabilis na naglakad pababa ng hagdan."M—mommy. Wag na away Daddy," narinig niyang sambit ni
"Hindi ko alam Graciella. Tatanungin ko siya ulit mamaya kapag nakabalik na siya," pagod na sagot ng kanyang kapatid.Tumango naman siya. "Wala narin namang silbi pa kung mag-away kayong dalawa. Ang mahalaga ngayon ay makahanap kayo ng paraan kung paano mabawi ang pera na nawala."Masuyong ngumiti ang kanyang kapatid at bahagyang ginulo ang kanyang buhok. "Malaki na talaga ang kapatid ko…"Mahina naman siyang natawa. "Natural. Mag-aalala ka kapag nanatili akong bata habang buhay," biro niya para pagaanin ang sitwasyon nito.Marahan nitong hinagod ang kanyang buhok. "Huwag kang mag-alala Graciella. Tatandaan ni Kuya ang mga payo mo. Mag-iingat narin kami sa susunod para kay Gavin."Tumango siya ng may munting ngiti sa labi. Kahit na medyo mahina ang utak ni Gavin, nakakaintindi parin naman ito sa nangyayari sa paligid. Mabait din ito at palakaibigan. Kaya kung sakali man na nascam si Cherry, dapat gawan parin nito ng paraan kung paano mabawi ang pera lalo na at may anak silang dalawa n
Late na ng dumating si Graciella sa building ng Dynamic. Sinubukan naman niyang bilisan ang kanyang pagmamaneho para makahabol siya sa oras pero hindi na talaga niya kinaya.Matapos ipark ang kanyang scooter, nagmamadali siyang pumasok sa loob ng shop pero nasa may pintuan siya nang mabangga niya si Brittany.Gaya ng nakagawian, nakasuot parin si Brittany ng sexy na damit. Kulang nalang nga maghubad ito dahil sa ikli ng mga suot na para bang kinulang ito sa tela. Nakadagdag sa mataray nitong awra ang eyeliner nito sa mata. Sinuyod siya ni Brittany ng tingin mula ulo hanggang paa bago ngumisi ng nakakaloko. "Oh my! Tingnan mo nga naman kung sino ang dumating. The Iron Lady of Dynamic Wheels. Diba sabi ni Sir Marlou bawal ang malate sa trabaho? Mukhang mas magaling ka pa yata sa manager—"Hindi na nito natapos pa ang iba pa sana nitong sasabihin nang bigla nalang itong binangga ni Kimmy bago nagpunta sa tabi niya."Oo nga late si Graciella. Palibhasa kasi ikaw lang naman ang masunuri
"Master Levine, mabuti naman at nakarating kayo ngayon sa pagtitipon…""Ikinagagalak ka naming makita, Master Levine…""Maraming salamat at nandito po kayo, Master Levine…"Iilan sa mga katagang naririnig ni Graciella sa paligid. Master Levine?Ito ba yung pinadalhan niya ng complaint letter noong nakaraan?Speaking of complaint letter, kung hindi dahil sa Master Levine na ito, hindi maibabalik sa kanya ang mga performance lists niya na sinubukang agawin ni Brittany mula sa kanya.Hindi niya maiwasang macurious sa kung sino si Master Levine. Nais niya ding magpasalamat sa lalaki kaya't tumayo siya para makiusyuso din pero nang subukan niya ay agad siyang naharangan ng maraming panauhin na bumati kay Master Levine kaya't ang resulta, hindi niya ito nakita, ni masilayan man lang ang mukha ng misteryosong CEO ng Dynamic.Kani-kanina lang, abala ang mga ito sa bawat kausap pero nang dumating ang CEO, lahat ng atensyon ay napunta na sa kanya."Grabe naman. Hindi ba't CEO lang naman siya n
Napatingin siya kay Drake. Hindi niya maiwasang makaramdam ng simpatiya para sa lalaki.Tipid siyang ngumiti bago nagsalita. "Huwag ka ng malungkot. Siguro dahil matangkad ka kaya takot ang mga bata sayo. Kagaya nalang ng mga hayop na kapag nakakita sila ng mas matangkad at malaki sa kanila, natatakot sila. Pero kapag nalaman na nila kung anong klaseng tao ka, sigurado akong magugustuhan ka ng kahit na sinong bata."Nais kumontra ni Drake na walang kinalaman ang kanyang height kung bakit siya kinakatakutan. Kahit naman malalaki ng tao ay takot din sa kanya. Pero may isang naiiba…Dumako ang kanyang mga mata sa mukha ni Graciella. Tanging ang babae lang ang nakikita niyang hindi natatakot sa kanya.Funny to see that she was very small compared to him yet she's very courageous…Lihim niyang ipinilig ang kanyang ulo para iwaglit sa isip niya ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang utak. "Dadalhin ko lang itong prutas sa labas. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Ingatan mo din ang
Mataman namang pinagmasdan ni Graciella ang reaksyon ng kapatid niya. Nang makita niyang maaliwalas ang mukha ng lalaki, bahagya siyang nakahinga ng maluwag."Ngayong nakilala mo na si Drake, siguro naman mababawasan na ang pag-aalala mo sakin," nakangiting ani Graciella.Marahan namang umiling si Garett. "Nah, masyado pang maaga para makampante ako Graciella."Palihim namang siniko ni Cherry ang asawa nito. "Hayaan mo na sila. Malaki na si Graciella kaya alam na niya kung ano ang ginagawa niya. Isa pa, kasal na sila, anong gusto mong gawin? Paghiwalayin sila? Gwapo naman ang asawa ni Graciella. Maayos pa kung manamit. Mukhang hindi galing sa isang ordinaryong pamilya," anito bago ibinaling ang atensyon sa kanya."Sino ba talaga yang napangasawa mo, Graciella?"Noong una, akala ni Cherry na isang dukha ang pinakasalan ni Graciella lalo na't nalaman niya na hindi ito ikinasal sa simbahan at wala pang engrandeng selebrasyon. Pero nang makita na niya sa personal si Drake, masasabi niyang
"Uhm… Kuya Garett, Ate Cherry siya nga pala si—""Drake. Tawagin niyo nalang po aking Drake," singit ng lalaki.Bahagya pa itong humakbang paatras at iminuwestra sa kanyang kapatid at asawa nito na maupo sa sofa nila. Kahit na malamig ang ekspresyon sa mukha ng lalaki, makikita parin ang mataas nitong respeto para sa pamilya niya.Mas lalo pang gumaan ang loob ni Garett sa ikinikilos ni Drake. Salungat kay Gavin na tila takot na takot habang palihim na sumusulyap may Drake.Masyado siyang nahihiya ngayon. Ang sabi ng mga magulang niya kanina pupuntahan lang nila si Tita Graciella niya. Nagtataka siya at hindi pamilyar ang lugar na pinuntahan nila tapos may nakakatakot pa na lalaki na kasama ng Tita niya. Kaya naman nagtago siya sa likuran ng kanyang Daddy Garett at kalahati lang ng kanyang mukha ang ipinakita niya habang nakasilip.Marahan namang hinagod ni Garett ang buhok ni Gavin bago nagsalita. "Wag ka ng mahiya, Gavin. Si Tito Drake mo iyan. Mag-hello ka sa kanya."Muli namang tu
"Sigurado kang tapos na'to?" Tanong ni Graciella.Lumapit siya sa sink at sinipat ng tingin ang petchay. Agad na nahagip ng kanyang mga mata ang maliliit na putik na dumikit sa dahon nito. Nagsalubong naman ang kilay ni Drake. Mali pala ang ginawa niya? Kailangan palang isa-isahin ang bawat dahon ng mga gulay para malinisan talaga?Umangat ang sulok ng labi ni Graciella. Hindi niya aakalain na hindi marunong maghugas ng gulay si Drake. Kahit nga ang pamangkin niyang si Gavin na limang taong gulang palang, alam ang bagay na pinapagawa niya sa lalaki.Pero hindi naman niya ipinakita kay Drake ang reaksyon niya bagkus ay tinuruan niya ang lalaki para matuto ito. "Kahit na mukhang malinis na tingnan yung gulay, may mga naiiwan paring kaunting putik sa dahon o di kaya ay sa ugat niyan. Pero hindi naman yan madumi, kung tutuusin healthy ang ganitong gulay kasi halatang sa farm pa galing at walang masyadong kemikal. Kailangan lang talaga na hugasan ng maayos," malumanay niyang paliwanag.Tu
"You're wounded! C'mon! Dadalhin kita sa ospital!" Natatarantang wika ni Drake.Mabilis na umiling si Graciella at pigilan si Drake nang akmang aakayin na siya nito palabas ng kusina. "Ayos lang ako. Konting sugat lang 'to. Huhugasan ko lang to ng tubig at lalagyan ng band-aid."Nang magsimulang magluto si Graciella noong dalawampung taong gulang palang siya, halos hindi siya marunong gumamit ng kutsilyo kaya madalas siyang nasusugatan.Ang pinakamalaking sugat na natamo niya ay noong nagbabalat siya ng patatas. Nang subukan niyang linisin ang maliit na butas ng patatas, lumihis ang kutsilyo at dumiretso sa kanyang palad. Malalim ang naging sugat niya at malakas pa ang pagdurugo.At dahil mahirap lang sila, wala siyang ipinambili ng gamot kaya naman, nilagyan lang niya iyon ng halamang gamot na kinuha pa niya likod-bahay nila. Umabot pa ng halos kalahating buwan bago naghilom ang sugat niya. Nang magkaroon siya ng pera ay pinatingnan niya iyon sa doktor. Wala namang naging kumplikasy
Narinig niya ang pabulong na pagsasalita ni Owen sa kabilang linya na para bang kinakausap nito ang sarili. Sigurado siyang kung anu-anong senaryo na naman ang pumapasok sa isipan nito kaya naman agad niyang iniba ang usapan."Anong balita kay Grandma?""Narinig ko pong nagpabili siya sa isa sa mga housekeeper ng panibagong tela dahil balak niyang manahi," sagot ni Owen.Nakahinga ng maluwag si Drake sa narinig. Kahit na sinabi ng matanda na balak nitong ipahanap ang nagligtas sa buhay nito at gawing isang ganap na Yoshida, mukhang nakalimutan na yata iyon ng matanda na ipinagpasalamat niya. Suportado niya ito sa kung anuman ang balak nitong gawin pwera lang sa pamimilit sa kanya na magpakasal na."Sabihan mo ang mga guards at kasambahay na bantayang maigi si Grandma dahil kung mauulit pa ang nangyari noong nakaraan, sila ang mananagot sakin.""Masusunod po, Master Levine," agaran na tugon ni Owen.Saktong pagkatapos niyang makausap si Owen, narinig niya ang papalapit na yabag ni Grac
Habang nalilibang siya sa panonood kay Graciella, tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang caller ay nakita niyang si Owen iyon."What's the matter?" Kaswal niyang bungad."Master Levine, kumunsulta po ako ng legal adviser kaninang umaga. Kung gusto niyo pong idivorce si Miss Santiago, kailangan po ninyong dumaan sa one month cooling period pero kung hindi na talaga kayo makapaghintay pa, pwede naman po kayong magfile agad. Hindi ko lang po alam kung may mga properties po kayong paghahatian—""Huh? Bakit ka kumunsulta ng legal adviser?" Putol ni Drake sa sasabihin sana ni Owen sa pagalit na paraan. Natigilan naman si Owen sa naging reaksyon ni Drake sa sinabi niya. "Uh, hindi po ba nagmamadali kayong umuwi ng apartment kagabi dahil galit kayo kay Miss Santiago at nais ninyong makipagdivorce sa kanya?" Naguguluhan niyang tanong.Sinadya niya talagang kumunsulta ng palihim sa isang private consultant dahil baka kumalat sa media ang tungkol sa kasal ng boss niya kay Miss San
"Hello po, Sir, meron po kaming latest brand ng pressure cooker na binuo mula sa pinakabagong teknolohiyang panggatong na binuo sa Germany na siyang most rice consumer sa buong mundo. Kapag ito po ang ginamit ninyo, para narin kayong nagsaing ng kanin gamit ang kahoy na panggatong lalo pa't pinapalabas nito ang natural na aroma ng bigas. Nakasale po tayo at ten percent discount at… kapag binili mo itong pressure cooker kasama ang steamer at electric cooker, may twenty percent discount po kayo na may kasama ng three packs nitong well milled rice!"Mahabang litaniya ng saleslady na wala ng balak pa na lubayan si Drake. Hindi magaling si Drake sa pakikipag-usap sa mga sales lady ng mall lalo na ang madaldal na kagaya nitong kaharap niya. Madalas kasi kapag may pinapabili siya, si Owen ang namamahala ng mga orders niya pero iba itong si Graciella."Hindi ba't China ang pinakamalaking percentage ng rice consumer sa buong mundo? Hindi ko alam na napalitan na pala ng Germany," kaswal na pun
Kinabukasan ay bumili ulit si Graciella ng agahan nila. Dahil kinain naman ni Drake ang pancake na binili niya noong nakaraan, bumili siya ulit para sa lalaki at sinamahan pa niya ng wonton soup.Bahgyang napangiwi si Drake sa amoy ng mantika pero nang matikman na niya ang sabaw ay nawala narin ang pangit niyang ekspresyon. Gaya ng gusto ni Graciella, lumilitaw ulit sa sa kutsay ang wonton soup. Bumagay naman iyon sa lasa ng sabaw kaya ayos narin.Habang kumakain si Drake, nakita niya si Graciella na may maraming pandesal sa pinggan nito. "Hindi ka yata kumain ng burger ngayon?""Hindi ako bumili. Gusto mo ba ng burger?"Mabilis namang umiling si Drake. "Hindi."Kung nataon na noong hindi pa niya lubos na kilala si Drake, iisipin niyang galit ang lalaki pero ngayong medyo nasanay na siya sa mukha nito, masasabi niyang kahit na nakasimangot ito o minsan ay nakakatakot ang mga mata kung tumitig gaya ngayon habang tumatanggi ito sa kanya, talagang normal lang iyon sa lalaki."Nakakasawa