"Hindi ko alam Graciella. Tatanungin ko siya ulit mamaya kapag nakabalik na siya," pagod na sagot ng kanyang kapatid.Tumango naman siya. "Wala narin namang silbi pa kung mag-away kayong dalawa. Ang mahalaga ngayon ay makahanap kayo ng paraan kung paano mabawi ang pera na nawala."Masuyong ngumiti ang kanyang kapatid at bahagyang ginulo ang kanyang buhok. "Malaki na talaga ang kapatid ko…"Mahina naman siyang natawa. "Natural. Mag-aalala ka kapag nanatili akong bata habang buhay," biro niya para pagaanin ang sitwasyon nito.Marahan nitong hinagod ang kanyang buhok. "Huwag kang mag-alala Graciella. Tatandaan ni Kuya ang mga payo mo. Mag-iingat narin kami sa susunod para kay Gavin."Tumango siya ng may munting ngiti sa labi. Kahit na medyo mahina ang utak ni Gavin, nakakaintindi parin naman ito sa nangyayari sa paligid. Mabait din ito at palakaibigan. Kaya kung sakali man na nascam si Cherry, dapat gawan parin nito ng paraan kung paano mabawi ang pera lalo na at may anak silang dalawa n
Late na ng dumating si Graciella sa building ng Dynamic. Sinubukan naman niyang bilisan ang kanyang pagmamaneho para makahabol siya sa oras pero hindi na talaga niya kinaya.Matapos ipark ang kanyang scooter, nagmamadali siyang pumasok sa loob ng shop pero nasa may pintuan siya nang mabangga niya si Brittany.Gaya ng nakagawian, nakasuot parin si Brittany ng sexy na damit. Kulang nalang nga maghubad ito dahil sa ikli ng mga suot na para bang kinulang ito sa tela. Nakadagdag sa mataray nitong awra ang eyeliner nito sa mata. Sinuyod siya ni Brittany ng tingin mula ulo hanggang paa bago ngumisi ng nakakaloko. "Oh my! Tingnan mo nga naman kung sino ang dumating. The Iron Lady of Dynamic Wheels. Diba sabi ni Sir Marlou bawal ang malate sa trabaho? Mukhang mas magaling ka pa yata sa manager—"Hindi na nito natapos pa ang iba pa sana nitong sasabihin nang bigla nalang itong binangga ni Kimmy bago nagpunta sa tabi niya."Oo nga late si Graciella. Palibhasa kasi ikaw lang naman ang masunuri
"Master Levine, mabuti naman at nakarating kayo ngayon sa pagtitipon…""Ikinagagalak ka naming makita, Master Levine…""Maraming salamat at nandito po kayo, Master Levine…"Iilan sa mga katagang naririnig ni Graciella sa paligid. Master Levine?Ito ba yung pinadalhan niya ng complaint letter noong nakaraan?Speaking of complaint letter, kung hindi dahil sa Master Levine na ito, hindi maibabalik sa kanya ang mga performance lists niya na sinubukang agawin ni Brittany mula sa kanya.Hindi niya maiwasang macurious sa kung sino si Master Levine. Nais niya ding magpasalamat sa lalaki kaya't tumayo siya para makiusyuso din pero nang subukan niya ay agad siyang naharangan ng maraming panauhin na bumati kay Master Levine kaya't ang resulta, hindi niya ito nakita, ni masilayan man lang ang mukha ng misteryosong CEO ng Dynamic.Kani-kanina lang, abala ang mga ito sa bawat kausap pero nang dumating ang CEO, lahat ng atensyon ay napunta na sa kanya."Grabe naman. Hindi ba't CEO lang naman siya n
Huminga siya ng malalim bago ibinaling ang tingin kay Owen. Mas mabuti narin siguro na hindi siya nito napansin at baka tuluyan na nitong malaman ang totoo niyang pagkatao. He doesn't want any hassle. Mas mainam na kontrolado niya ang lahat ng nangyayari sa paligid niya."Aakyat na ako. Ikaw na ang bahala dito," aniya kay Owen at tinalikuran na ito.Umakyat siya sa second floor kung saan gaganapin ang isang private meeting. Muli siyang napasulyap kay Graciella. Kung mag-aangat lang ito ng tingin, sigurado siyang makikita siya ng babae dahil salamin naman ang dingding.But to his dismay, nasa cake parin ang atensyon nito dahilan para makaramdam siya ng hindi maipaliwanag na inis.Marami na itong kinain kaninang umaga sa apartment tapos ngayon kain parin ito ng kain. Daig pa yata nito ang isang patay gutom.Hindi pa talaga siya nito sinulyapan, ni lumingon man lang sa paligid nito.Kumuha ng tissue si Graciella at pinunasan ang kanyang bibig. Napangiti siya ng makaramdam siya ng kabusug
Agad na nakakuha ng atensyon sa mga naroon ang sigaw ni Brittany.Tinakpan ni Brittany ang kanyang dibdib na nabasa ng alak pero dahil basang-basa siya, agad na kumurba ang magandang hubog ng kanyang dibdib na mas lalong nakakuha ng atraksyon sa mga kalalakihang naroon.Pinagmukhang kawawa ni Brittany ang kanyang itsura bago siya nagsalita."Sa tatlong taon na naging magkatrabaho tayo, wala akong ibang ginawa kundi ang maging mabuti sayo, Graciella. Alam kong mali na naagaw ko yung huli mong customer noong nakaraan. Kaya nga sinauli ko yung performance list at humingi ng tawad diba? Akala ko okay na tayo. Pero bakit?... Bakit mo nagawa sakin 'to?"Pinahid pa ng babae ang mga luha na kumawala sa mga mata nito. "Kung gusto mong humingi ulit ako ng tawad sayo, gagawin ko naman eh. Hindi mo ako kailangan na ipahiya sa publiko."Ilang hikbi pa ang pinakawalan ni Brittany bago nagpatuloy. "Kailangan pa bang lumuhod ako sa harapan mo para lang makuha ko yung kapatawaran mo?"Ang mga akusasyo
Tumalim ang titig ni Drake habang nasa gitna ng maraming tao ang asawa niya. Nais niyang kaltukin ang ulo ni Graciella kung pwede lang sana. Alam naman ng babae na may alitan ito sa kaharap, pero hindi ito nag-iingat. Yan tuloy, napagbintangan pa ito. "Hayaan mo siya," malamig na turan ni Drake. Pinakaayaw niya sa lahat ay ang patanga-tanga at hindi nag-iingat.Nawalan na ng sasabihin si Brittany pero lumakas ang loob niya dahil maraming tao ang tumayo sa tabi niya at sinasabihan si Graciella na humingi ng tawad sa kanya.Napailing nalang si Drake sa sitwasyong kinakaharap ni Graciella. Napakatabil ng dila nito kapag kaharap siya pero ngayong kaharap si Miss Lorenzo, halos wala itong masabi.Ilang sandali pa'y nawalan na ng pasensya si Drake at tinalikuran si Owen. Akala ng huli ay babalik ito sa meeting room pero nataranta siya nang makitang pababa ito ng hagdan papunta sa kinaroroonan ni Miss Santiago."Master Levine, akala ko ba wala kayong pakialam kay Miss Santiago?" Nalilitong
Nais na matawa ni Graciella habang nakatitig kay Brittany. Bakit naman siya iinom ng alak? She's pregnant for god's sake! Hindi maganda para sa sanggol na dinadala niya ang uminom kaya't kumuha siya mg tsaa.Nang makita niya ito na lumapit sa kanya at may dalang wine, agad na sumagi sa isipan niya na may balak na masama si Brittany. At hindi nga siya nagkamali. Kaya naman nang paliguan nito ang sarili, sinadya niya talagang hayaan ang babae sa plano nito para mag-aakala si Brittany na nagtagumpay ito sa masama nitong balak.Kung inaakala nito na basta-basta lang siya magpapatalo, nagkakamali ito!Nanatili ang ngiti sa labi niya nang magsalita siya. "Ikaw ang may hawak ng wine glass Brittany kaya paano mo nasabi na ako ang magbuhos sayo? Sinasabi mo ba na may magic na nangyari at biglang ako ang naging salarin kahit na pinaliguan mo mismo ang sarili mo?"Nanlilisik ang mga mata ni Brittany sa galit habang nakatitig kay Graciella.Ang lalaki naman na nagtanggol kay Brittany ay isang jun
Pagkatapos ng meeting, napagpasyahan ni Drake na bumalik na sa kumpanya. Habang pababa siya ng hagdan, nakasalubong niya si Owen. Naroon parin ang nang-aasar na ngisi sa labi nito.Mabilis na nakaramdam ng inis si Drake habang nakatitig sa kanyang personal assistant na parang asong ulol."What are you smiling at?" Masungit niyang asik."Naisip ko lang kasi kung gaano kaganda si Miss Santiago. Curious lang po ako kung may nararamdaman po kayo sa kanya."Makulimlim na tumitig si Drake kay Owen. "Wala akong nararamdamang kahit ano sa kanya."Mabilis na sumagi sa isipan niya ang kalmadong ngiti ni Graciella kanina kahit pa napapalibutan na ito ng mga mapanghusgang titig. Akala niya wala na itong laban but he was wrong at all.He really underestimated her."Kung wala po kayong nararamdaman sa kanya, bakit nagmamadali po kayong bumaba kanina nang magkagulo na? Wag niyo pong sabihing pupunta lang kayo sa banyo?" Pangungulit pa ni Owen."Hindi naman po masang umamin sa tunay na nararamdaman,
"Peke ang singsing?" Agarang tanong ni Garett at tiningnan din ang singsing.Hindi naman inaasahan ni Graciella na mapapansin ni Cherry ang quality ng singsing niya. Hilaw siyang natawa habang sinusubukang bawiin ang singsing mula Cherry."Ito naman si Ate Cherry, mapagbiro. Syempre totoo yan."Mabilis namang inilayo ni Cherry ang singsing para hindi makuha ni Graciella. Natalo na siya nito kanina sa crab kaya hindi siya makakapayag na maisahan siyang muli ng babae. Kailangan makaganti siya at mapahiya niya si Graciella sa harapan ng lahat."Nagsasabi ako ng totoo no. Baka nakalimutan mo na sa jewelry shop ako nagtatrabaho bago ako nagpakasal sa Kuya mo. Ilang libong diamond ring na ang nahawakan ko kaya alam ko ang quality ng bawat singsing. Itong sayo, sigurado akong peke ito. Sa bangketa lang yata ito galing eh," naiiling nitong bigkas bago ibinaling ang atensyon kay Drake."Nagsinungaling yata sayo ang asawa mo. Well, hindi ko rin naman siya masisisi lalo pa't galing siya sa mahir
"Ayaw mo ba talagang kumain, Ate?" Untag ni Graciella kay Cherry.Mabilis namang umiling ang huli. "Hindi. Wala talaga akong gana."Tumanggi na siya kanina kaya papanindigan niya ang sinabi niya. Kapag kumain siya ngayon, magiging katawa-tawa siya at nakakahiya.Habang pinapanood niya ang lahat na maganang kumakain, mas lalo lang na sumama ang loob niya. Sino bang mag-aakala na sa plano niyang insultuhin at ipahiya sina Graciella at Drake ay hindi siya nagtagumpay at mukhang siya pa ang talunan."Mommy, tulungan mo ako…"Hawak niya Gavin ang isang hita ng crab at nais nitong tulungan niya sa pagbabalat. At dahil wala siya sa mood, hindi niya pinansin ang bata at nagkunwaring walang narinig.Parang maiiyak naman si Gavin nang balewalain ito ni Cherry. Lihim na napabuntong hininga si Graciella bago nagsalita."Akina. Si Tita na ang tutulong sayo."Malawak na ngumiti si Gavin at ibinigay sa kanya ang hita ng crab na hawak nito. Mataman naman niyang binalatan ang binti at inilagay sa plat
"Payong kapatid lang naman ang amin Graciella. Hindi naman namin sinasabi na hindi ninyo kayang bumili ng crabs o kaya ay maliit ang sweldo ng asawa mo. Ayaw lang namin na baka magtalo kayo kalaunan dahil sa maling paggastos ng pera," kaswal na ani Cherry.Wala namang kamalay-malay si Garett sa intensyon ng asawa nito kaya't mabilis itong sumang-ayon kay Cherry kahit pa ang ibig iparating ng babae ay pang-iinsulto ng harap-harapan at hindi payo gaya ng iniisip nito. "Tama naman ang Ate Cherry mo, Graciella. Gumastos lang kayo ng ganito kapag may importante talagang okasyon. Kailangan ninyong mag-ipon para sa pagsasama ninyong dalawa."Tipid namang ngumiti si Graciella. Alam niyang maganda ang intensyon ng kanyang kapatid at taliwas sa asawa nito. "Huwag kang mag-alala Kuya, bumili kami ng ganyan kasi kasya naman sa pera namin."Kilala ni Garett ang kapatid niya. Alam niya kung gaano ito kasinop. Hindi nga lang siya sigurado sa asawa nito. Pero nang narinig niya ang sinabi ng kanyang
Umangat ang sulok ng labi ni Cherry at akmang magsasalita pa sana siya nang bumukas ang kurtina sa kusina at dumungaw ang nakangiting mukha ni Graciella."Pasensya na at natagalan. Halina kayo sa hapag. Luto na ang pagkain."Huminga ng malalim si Cherry bago tumango. Naistorbo ng magkapatid ang balak niyang gisahin ng tanong si Drake.Inilapag ni Drake ang baso ng tubig at hindi na pinansin pa si Cherry. Napagpasyahan niyang tulungan na sina Graciella at Garett sa paghahanda ng lamesa at pag-aayos ng mga pinggan. Wala ring choice si Cherry kundi ang tumulong na sa magkapatid. Ngayong alam na niya na ordinaryong tao lang si Drake, nabawasan ang pag-aalangan niya sa lalaki.Pero masasabi niyang pangmayaman ang pagkain na nakahain sa hapag ngayon. May clam soup, Australian lobster at malaking king crabs. Iyon ang unang beses na nakakita si Gavin ng ganun kalaking crab. Umawang ang labi ng bata at halos hindi makapaniwala sa nakita."Careful. Mahuhulog ka sa upuan," ani Drake at inalala
Mabilis na napalis ang ngiti sa labi ni Graciella. Ulilang lubos na pala ang asawa niya pero wala man lang siyang alam?Agad na sumagi sa isipan niya ang malamig na pakikitungo ni Drake at kadalasan ay hindi pa marunong ngumiti. Akala niya noong una ay ganun lang talaga ang lalaki pero ngayong alam na niya na wala na itong mga magulang, bigla siyang napaisip kung ano ang pinagdadaanan nito. Kaya siguro mukhang nakakatakot si Drake ay dahil iyon ang defense mechanism nito.Agad siyang nakaramdam ng simpatiya para sa lalaki. Malungkot siguro ang buhay nito."Patapos na ako dito Kuya. Ang mabuti pa ay samahan mo na muna sina Ate Cherry at Gavin sa balkonahe. Ako na ang bahala dito," pag-iiba niya ng usapan para pagtakpan ang katotohanan na wala siyang kaalam-alam sa buhay ng asawa niya.Pero imbes na umalis si Garett ay nanatili ito sa kusina at mariin na umiling. "Tutulungan na kita. Hindi ko rin alam kung paano pakiharapan ang asawa mo pagkatapos ng naungkat ko. Nahihiya ako."Inilinga
Napatingin siya kay Drake. Hindi niya maiwasang makaramdam ng simpatiya para sa lalaki.Tipid siyang ngumiti bago nagsalita. "Huwag ka ng malungkot. Siguro dahil matangkad ka kaya takot ang mga bata sayo. Kagaya nalang ng mga hayop na kapag nakakita sila ng mas matangkad at malaki sa kanila, natatakot sila. Pero kapag nalaman na nila kung anong klaseng tao ka, sigurado akong magugustuhan ka ng kahit na sinong bata."Nais kumontra ni Drake na walang kinalaman ang kanyang height kung bakit siya kinakatakutan. Kahit naman malalaki ng tao ay takot din sa kanya. Pero may isang naiiba…Dumako ang kanyang mga mata sa mukha ni Graciella. Tanging ang babae lang ang nakikita niyang hindi natatakot sa kanya.Funny to see that she was very small compared to him yet she's very courageous…Lihim niyang ipinilig ang kanyang ulo para iwaglit sa isip niya ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang utak. "Dadalhin ko lang itong prutas sa labas. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Ingatan mo din ang
Mataman namang pinagmasdan ni Graciella ang reaksyon ng kapatid niya. Nang makita niyang maaliwalas ang mukha ng lalaki, bahagya siyang nakahinga ng maluwag."Ngayong nakilala mo na si Drake, siguro naman mababawasan na ang pag-aalala mo sakin," nakangiting ani Graciella.Marahan namang umiling si Garett. "Nah, masyado pang maaga para makampante ako Graciella."Palihim namang siniko ni Cherry ang asawa nito. "Hayaan mo na sila. Malaki na si Graciella kaya alam na niya kung ano ang ginagawa niya. Isa pa, kasal na sila, anong gusto mong gawin? Paghiwalayin sila? Gwapo naman ang asawa ni Graciella. Maayos pa kung manamit. Mukhang hindi galing sa isang ordinaryong pamilya," anito bago ibinaling ang atensyon sa kanya."Sino ba talaga yang napangasawa mo, Graciella?"Noong una, akala ni Cherry na isang dukha ang pinakasalan ni Graciella lalo na't nalaman niya na hindi ito ikinasal sa simbahan at wala pang engrandeng selebrasyon. Pero nang makita na niya sa personal si Drake, masasabi niyang
"Uhm… Kuya Garett, Ate Cherry siya nga pala si—""Drake. Tawagin niyo nalang po aking Drake," singit ng lalaki.Bahagya pa itong humakbang paatras at iminuwestra sa kanyang kapatid at asawa nito na maupo sa sofa nila. Kahit na malamig ang ekspresyon sa mukha ng lalaki, makikita parin ang mataas nitong respeto para sa pamilya niya.Mas lalo pang gumaan ang loob ni Garett sa ikinikilos ni Drake. Salungat kay Gavin na tila takot na takot habang palihim na sumusulyap may Drake.Masyado siyang nahihiya ngayon. Ang sabi ng mga magulang niya kanina pupuntahan lang nila si Tita Graciella niya. Nagtataka siya at hindi pamilyar ang lugar na pinuntahan nila tapos may nakakatakot pa na lalaki na kasama ng Tita niya. Kaya naman nagtago siya sa likuran ng kanyang Daddy Garett at kalahati lang ng kanyang mukha ang ipinakita niya habang nakasilip.Marahan namang hinagod ni Garett ang buhok ni Gavin bago nagsalita. "Wag ka ng mahiya, Gavin. Si Tito Drake mo iyan. Mag-hello ka sa kanya."Muli namang tu
"Sigurado kang tapos na'to?" Tanong ni Graciella.Lumapit siya sa sink at sinipat ng tingin ang petchay. Agad na nahagip ng kanyang mga mata ang maliliit na putik na dumikit sa dahon nito. Nagsalubong naman ang kilay ni Drake. Mali pala ang ginawa niya? Kailangan palang isa-isahin ang bawat dahon ng mga gulay para malinisan talaga?Umangat ang sulok ng labi ni Graciella. Hindi niya aakalain na hindi marunong maghugas ng gulay si Drake. Kahit nga ang pamangkin niyang si Gavin na limang taong gulang palang, alam ang bagay na pinapagawa niya sa lalaki.Pero hindi naman niya ipinakita kay Drake ang reaksyon niya bagkus ay tinuruan niya ang lalaki para matuto ito. "Kahit na mukhang malinis na tingnan yung gulay, may mga naiiwan paring kaunting putik sa dahon o di kaya ay sa ugat niyan. Pero hindi naman yan madumi, kung tutuusin healthy ang ganitong gulay kasi halatang sa farm pa galing at walang masyadong kemikal. Kailangan lang talaga na hugasan ng maayos," malumanay niyang paliwanag.Tu