Nais na matawa ni Graciella habang nakatitig kay Brittany. Bakit naman siya iinom ng alak? She's pregnant for god's sake! Hindi maganda para sa sanggol na dinadala niya ang uminom kaya't kumuha siya mg tsaa.Nang makita niya ito na lumapit sa kanya at may dalang wine, agad na sumagi sa isipan niya na may balak na masama si Brittany. At hindi nga siya nagkamali. Kaya naman nang paliguan nito ang sarili, sinadya niya talagang hayaan ang babae sa plano nito para mag-aakala si Brittany na nagtagumpay ito sa masama nitong balak.Kung inaakala nito na basta-basta lang siya magpapatalo, nagkakamali ito!Nanatili ang ngiti sa labi niya nang magsalita siya. "Ikaw ang may hawak ng wine glass Brittany kaya paano mo nasabi na ako ang magbuhos sayo? Sinasabi mo ba na may magic na nangyari at biglang ako ang naging salarin kahit na pinaliguan mo mismo ang sarili mo?"Nanlilisik ang mga mata ni Brittany sa galit habang nakatitig kay Graciella.Ang lalaki naman na nagtanggol kay Brittany ay isang jun
Pagkatapos ng meeting, napagpasyahan ni Drake na bumalik na sa kumpanya. Habang pababa siya ng hagdan, nakasalubong niya si Owen. Naroon parin ang nang-aasar na ngisi sa labi nito.Mabilis na nakaramdam ng inis si Drake habang nakatitig sa kanyang personal assistant na parang asong ulol."What are you smiling at?" Masungit niyang asik."Naisip ko lang kasi kung gaano kaganda si Miss Santiago. Curious lang po ako kung may nararamdaman po kayo sa kanya."Makulimlim na tumitig si Drake kay Owen. "Wala akong nararamdamang kahit ano sa kanya."Mabilis na sumagi sa isipan niya ang kalmadong ngiti ni Graciella kanina kahit pa napapalibutan na ito ng mga mapanghusgang titig. Akala niya wala na itong laban but he was wrong at all.He really underestimated her."Kung wala po kayong nararamdaman sa kanya, bakit nagmamadali po kayong bumaba kanina nang magkagulo na? Wag niyo pong sabihing pupunta lang kayo sa banyo?" Pangungulit pa ni Owen."Hindi naman po masang umamin sa tunay na nararamdaman,
Sumalubong kay Owen ang malamig at nakakatakot na mga mata ni Master Levine na para bang lalagutan siya ng hininga kapag hindi siya sumunod sa gusto nito.Ilang beses na napalunok ng laway si Owen bago pilit na ngumiti at alanganing tinanggap ang pakikipagkamay ni Miss Santiago."Hello, Mrs.Yoshida…"Napangiti naman si Graciella. Mukhang mabait pala ang amo ng asawa niya. Mabuti naman kung ganun."Uhm, nagtatrabaho din po kayo sa Dynamic Group of Companies diba? Ano po bang itatawag ko sa inyo?"Hilaw na natawa si Owen bago tumango. "O—oo. Nagtatrabaho ako sa Dynamic, ah ano nga bang itatawag mo sakin…" Kinakabahan niyang sambit at palihim na sumulyap may Master Levine para tulungan siya. Kung hindi ito magsasalita ngayon, malamang masasabi niya talaga kay Miss Santiago na si Master Levine ang boss niya!Mabuti nalang at hinarangan siya agad ni Master Levine kaya hindi napansin ng asawa nito ang reaksyon niya."Siya si Sir Owen Ortega, isa sa managing director ng Dynamic Group of Comp
"Sasakyan ba ito ng boss mo?"Tumango naman si Drake.Alanganin siyang napatingin sa kotse bago lumingon sa asawa niya. "Ayos lang ba na ito ang gagamitin mo sa paghatid sakin? Hindi ba siya magagalit?""No. Mabait si Mr.Ortega."Napatango-tango siya. "Pero diba Porsche ang sasakyan niya na ginamit mo noong nakaraan?"Nais na matawa ni Drake. Of course hindi magagamit ang Porsche dahil ang magaling nitong kasama, binangga ang sasakyan niya!"Maraming sasakyan si Sir Ortega. Halika na," aniya at pinagbuksan ng pintuan si Graciella. Nag-aalangan namang sumakay si Graciella. Para sa kanya, hindi maganda na gamitin ang sasakyan ng boss ni Drake para sa personal nilang lakad. Baka magalit ito at bawasan ang sahod ni Drake.Huminga ng malalim si Drake nang makita ang reaksyon ni Graciella. "It's alright. Pinapagamit to ni Sir Owen para mahasa ang pagmamaneho ko."Nang marinig ni Graciella ang rason ni Drake, nakahinga siya ng maluwag at nawala ang kanyang agam-agam. Maingat siyang sumakay
Lumingon si Drake sa likuran niya at nakita ang isang babaeng may hawak na bag. Pinukol siya nito ng isang nakamamatay na tingin na para bang may nagawa siyang isang malaking kasalanan."Bakit mo hawak ang kaibigan ko? Bitawan mo siya o magtatawag ako ng pulis para ipahuli ka! Kidnapping yang ginagawa mo!"Napasimangot si Drake habang nakamasid sa babae.Is this woman really his wife's friend?Anong klaseng kaibigan ba meron si Graciella?Inaakala ba ng babae na kidnapper siya?"Hindi mo ba ako kilala?" Malamig niyang tanong.Napalunok si Kimmy habang nakatitig sa mukha ng lalaking may karga kay Graciella. Ito na yata ang pinakagwapong nilalang na nakita niya pero hindi maipagkakaila ang nakakatakot nitong hitsura na para bang kakainin siya ng buhay.Naglakbay ang tingin niya sa kabuuan nito pero nang mapadako ang kanyang tingin sa walang malay niyang kaibigan, inipon niya ang lakas niya ng loob at hinugot ang kanyang cellphone saka galit na tiningnan ang lalaki."Wala akong pakialam!
"Paano mo naman nasabi?" Kunot noong tanong ni Graciella."Tingnan mo naman ang sasakyan niya tsaka yung paraan niya ng pagmamaneho, ang smooth diba? Mukha talaga siyang yayamanin, Graciella."Napatango-tango si Graciella. "Ah, sasakyan kasi yun ng boss niya tsaka driver si Drake kaya natural lang na swabe ang paraan niya ng pagmamaneho.""Pero infairness, yung outfit niya mamahalin. Mukha siyang isang strict CEO sa K-dràma," dagdag pa ni Kimmy.Mahinang natawa si Graciella. "Required yan sa trabaho nila. Pero tama ka naman na mukha siyang CEO ng isang malaking kumpanya dahil siguro sa maganda niyang tindig at pangangatawan."Napapadyak naman ng paa si Kimmy sa mga naging sagot niya. "Ano ka ba naman Graciella, halos lampas isang dekada na akong nagbabasa ng mga romance novels at ang kagaya ng nangyari sa inyung dalawa ay hindi talaga ordinaryo. Sa maniwala ka man sakin o hindi, sigurado akong sa kanya ang sasakyan na yun at sobrang dami pang luxury cars na nakahilera sa garahe niya!"
Pinilit din si Graciella ng kanyang ina na magpakasal sa lalaking hindi niya gusto kaya naiintindihan niya ang kalagayan ni Kimmy. Sa tingin niya, mukhang mabait naman si Felip kay Kimmy kaya nararapat lang na maging masaya din ang dalawa balang araw."Mabuti nalang at nandito ka. May kaibigan na ako, para pa akong may kapatid. Walang ibang nakakaintindi sakin bukod sayo kaya maraming salamat talaga, Graciella," puno ng emosyong sambit ni Kimmy sabay yakap sa kanya. Napangiti naman si Graciella. "Then treat me as your sister then."Mas lalo pa nitong isiniksik ang sarili sa kanya dahilan para matawa siya.Nang bumalik si Drake kinagabihan ay wala na si Kimmy. Katatapos lang niyang magshower at kasalukuyang ginagamot ang sugat niya. Huli na para itago niya ang mga nagkalat na gamot sa mesa mula sa lalaki."Pasensya ka na sa kalat Drake. Lilinisin ko kaagad yan," paumanhin niya.Imbes na hindi siya pansinin, lumapit sa kanya si Drake at hinawakan ang kanyang braso. "Takot ka ba sakin?"
"Diba? Naiinis talaga ako kapag naiisip ko yun. Sana lang nakauwi ng maayos ang matanda," nakangusong sambit ni Graciella. Nagpatuloy si Drake sa paggamot sa sugat niya at nilagyan ng gauze. Nagdala rin si Kimmy ng oral anti-inflammatory pero hindi niya iyon ininom dahil baka makasama sa dinadala niya, bagkus ay maingat iyong itinago ni Graciella."Thank you, Drake" nakangiti niyang sambit."You're welcome. Huwag mong babasain yan ng dalawang araw at mag-ingat ka na huwag yang masagi," walang emosyon nitong wika."Okay," mahina niyang tugon.Humugot ng hangin si Drake bago muling nagsalita. "Kailangan palitan ang dressing ng sugat bukas. Uuwi ako ng maaga para tulungan ka."Tumango si Graciella bilang tugon.Tumayo na si Drake mula sa sofa at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Dahil dumiretso siya sa paggagamot kay Graciella kanina, nakalimutan nuyang nauuhaw pala siya. Tumayo narin si Graciella at naglakad papunta sa kanyang silid pero hindi paman niya nabubuksan ang pinto, l
"Peke ang singsing?" Agarang tanong ni Garett at tiningnan din ang singsing.Hindi naman inaasahan ni Graciella na mapapansin ni Cherry ang quality ng singsing niya. Hilaw siyang natawa habang sinusubukang bawiin ang singsing mula Cherry."Ito naman si Ate Cherry, mapagbiro. Syempre totoo yan."Mabilis namang inilayo ni Cherry ang singsing para hindi makuha ni Graciella. Natalo na siya nito kanina sa crab kaya hindi siya makakapayag na maisahan siyang muli ng babae. Kailangan makaganti siya at mapahiya niya si Graciella sa harapan ng lahat."Nagsasabi ako ng totoo no. Baka nakalimutan mo na sa jewelry shop ako nagtatrabaho bago ako nagpakasal sa Kuya mo. Ilang libong diamond ring na ang nahawakan ko kaya alam ko ang quality ng bawat singsing. Itong sayo, sigurado akong peke ito. Sa bangketa lang yata ito galing eh," naiiling nitong bigkas bago ibinaling ang atensyon kay Drake."Nagsinungaling yata sayo ang asawa mo. Well, hindi ko rin naman siya masisisi lalo pa't galing siya sa mahir
"Ayaw mo ba talagang kumain, Ate?" Untag ni Graciella kay Cherry.Mabilis namang umiling ang huli. "Hindi. Wala talaga akong gana."Tumanggi na siya kanina kaya papanindigan niya ang sinabi niya. Kapag kumain siya ngayon, magiging katawa-tawa siya at nakakahiya.Habang pinapanood niya ang lahat na maganang kumakain, mas lalo lang na sumama ang loob niya. Sino bang mag-aakala na sa plano niyang insultuhin at ipahiya sina Graciella at Drake ay hindi siya nagtagumpay at mukhang siya pa ang talunan."Mommy, tulungan mo ako…"Hawak niya Gavin ang isang hita ng crab at nais nitong tulungan niya sa pagbabalat. At dahil wala siya sa mood, hindi niya pinansin ang bata at nagkunwaring walang narinig.Parang maiiyak naman si Gavin nang balewalain ito ni Cherry. Lihim na napabuntong hininga si Graciella bago nagsalita."Akina. Si Tita na ang tutulong sayo."Malawak na ngumiti si Gavin at ibinigay sa kanya ang hita ng crab na hawak nito. Mataman naman niyang binalatan ang binti at inilagay sa plat
"Payong kapatid lang naman ang amin Graciella. Hindi naman namin sinasabi na hindi ninyo kayang bumili ng crabs o kaya ay maliit ang sweldo ng asawa mo. Ayaw lang namin na baka magtalo kayo kalaunan dahil sa maling paggastos ng pera," kaswal na ani Cherry.Wala namang kamalay-malay si Garett sa intensyon ng asawa nito kaya't mabilis itong sumang-ayon kay Cherry kahit pa ang ibig iparating ng babae ay pang-iinsulto ng harap-harapan at hindi payo gaya ng iniisip nito. "Tama naman ang Ate Cherry mo, Graciella. Gumastos lang kayo ng ganito kapag may importante talagang okasyon. Kailangan ninyong mag-ipon para sa pagsasama ninyong dalawa."Tipid namang ngumiti si Graciella. Alam niyang maganda ang intensyon ng kanyang kapatid at taliwas sa asawa nito. "Huwag kang mag-alala Kuya, bumili kami ng ganyan kasi kasya naman sa pera namin."Kilala ni Garett ang kapatid niya. Alam niya kung gaano ito kasinop. Hindi nga lang siya sigurado sa asawa nito. Pero nang narinig niya ang sinabi ng kanyang
Umangat ang sulok ng labi ni Cherry at akmang magsasalita pa sana siya nang bumukas ang kurtina sa kusina at dumungaw ang nakangiting mukha ni Graciella."Pasensya na at natagalan. Halina kayo sa hapag. Luto na ang pagkain."Huminga ng malalim si Cherry bago tumango. Naistorbo ng magkapatid ang balak niyang gisahin ng tanong si Drake.Inilapag ni Drake ang baso ng tubig at hindi na pinansin pa si Cherry. Napagpasyahan niyang tulungan na sina Graciella at Garett sa paghahanda ng lamesa at pag-aayos ng mga pinggan. Wala ring choice si Cherry kundi ang tumulong na sa magkapatid. Ngayong alam na niya na ordinaryong tao lang si Drake, nabawasan ang pag-aalangan niya sa lalaki.Pero masasabi niyang pangmayaman ang pagkain na nakahain sa hapag ngayon. May clam soup, Australian lobster at malaking king crabs. Iyon ang unang beses na nakakita si Gavin ng ganun kalaking crab. Umawang ang labi ng bata at halos hindi makapaniwala sa nakita."Careful. Mahuhulog ka sa upuan," ani Drake at inalala
Mabilis na napalis ang ngiti sa labi ni Graciella. Ulilang lubos na pala ang asawa niya pero wala man lang siyang alam?Agad na sumagi sa isipan niya ang malamig na pakikitungo ni Drake at kadalasan ay hindi pa marunong ngumiti. Akala niya noong una ay ganun lang talaga ang lalaki pero ngayong alam na niya na wala na itong mga magulang, bigla siyang napaisip kung ano ang pinagdadaanan nito. Kaya siguro mukhang nakakatakot si Drake ay dahil iyon ang defense mechanism nito.Agad siyang nakaramdam ng simpatiya para sa lalaki. Malungkot siguro ang buhay nito."Patapos na ako dito Kuya. Ang mabuti pa ay samahan mo na muna sina Ate Cherry at Gavin sa balkonahe. Ako na ang bahala dito," pag-iiba niya ng usapan para pagtakpan ang katotohanan na wala siyang kaalam-alam sa buhay ng asawa niya.Pero imbes na umalis si Garett ay nanatili ito sa kusina at mariin na umiling. "Tutulungan na kita. Hindi ko rin alam kung paano pakiharapan ang asawa mo pagkatapos ng naungkat ko. Nahihiya ako."Inilinga
Napatingin siya kay Drake. Hindi niya maiwasang makaramdam ng simpatiya para sa lalaki.Tipid siyang ngumiti bago nagsalita. "Huwag ka ng malungkot. Siguro dahil matangkad ka kaya takot ang mga bata sayo. Kagaya nalang ng mga hayop na kapag nakakita sila ng mas matangkad at malaki sa kanila, natatakot sila. Pero kapag nalaman na nila kung anong klaseng tao ka, sigurado akong magugustuhan ka ng kahit na sinong bata."Nais kumontra ni Drake na walang kinalaman ang kanyang height kung bakit siya kinakatakutan. Kahit naman malalaki ng tao ay takot din sa kanya. Pero may isang naiiba…Dumako ang kanyang mga mata sa mukha ni Graciella. Tanging ang babae lang ang nakikita niyang hindi natatakot sa kanya.Funny to see that she was very small compared to him yet she's very courageous…Lihim niyang ipinilig ang kanyang ulo para iwaglit sa isip niya ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang utak. "Dadalhin ko lang itong prutas sa labas. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Ingatan mo din ang
Mataman namang pinagmasdan ni Graciella ang reaksyon ng kapatid niya. Nang makita niyang maaliwalas ang mukha ng lalaki, bahagya siyang nakahinga ng maluwag."Ngayong nakilala mo na si Drake, siguro naman mababawasan na ang pag-aalala mo sakin," nakangiting ani Graciella.Marahan namang umiling si Garett. "Nah, masyado pang maaga para makampante ako Graciella."Palihim namang siniko ni Cherry ang asawa nito. "Hayaan mo na sila. Malaki na si Graciella kaya alam na niya kung ano ang ginagawa niya. Isa pa, kasal na sila, anong gusto mong gawin? Paghiwalayin sila? Gwapo naman ang asawa ni Graciella. Maayos pa kung manamit. Mukhang hindi galing sa isang ordinaryong pamilya," anito bago ibinaling ang atensyon sa kanya."Sino ba talaga yang napangasawa mo, Graciella?"Noong una, akala ni Cherry na isang dukha ang pinakasalan ni Graciella lalo na't nalaman niya na hindi ito ikinasal sa simbahan at wala pang engrandeng selebrasyon. Pero nang makita na niya sa personal si Drake, masasabi niyang
"Uhm… Kuya Garett, Ate Cherry siya nga pala si—""Drake. Tawagin niyo nalang po aking Drake," singit ng lalaki.Bahagya pa itong humakbang paatras at iminuwestra sa kanyang kapatid at asawa nito na maupo sa sofa nila. Kahit na malamig ang ekspresyon sa mukha ng lalaki, makikita parin ang mataas nitong respeto para sa pamilya niya.Mas lalo pang gumaan ang loob ni Garett sa ikinikilos ni Drake. Salungat kay Gavin na tila takot na takot habang palihim na sumusulyap may Drake.Masyado siyang nahihiya ngayon. Ang sabi ng mga magulang niya kanina pupuntahan lang nila si Tita Graciella niya. Nagtataka siya at hindi pamilyar ang lugar na pinuntahan nila tapos may nakakatakot pa na lalaki na kasama ng Tita niya. Kaya naman nagtago siya sa likuran ng kanyang Daddy Garett at kalahati lang ng kanyang mukha ang ipinakita niya habang nakasilip.Marahan namang hinagod ni Garett ang buhok ni Gavin bago nagsalita. "Wag ka ng mahiya, Gavin. Si Tito Drake mo iyan. Mag-hello ka sa kanya."Muli namang tu
"Sigurado kang tapos na'to?" Tanong ni Graciella.Lumapit siya sa sink at sinipat ng tingin ang petchay. Agad na nahagip ng kanyang mga mata ang maliliit na putik na dumikit sa dahon nito. Nagsalubong naman ang kilay ni Drake. Mali pala ang ginawa niya? Kailangan palang isa-isahin ang bawat dahon ng mga gulay para malinisan talaga?Umangat ang sulok ng labi ni Graciella. Hindi niya aakalain na hindi marunong maghugas ng gulay si Drake. Kahit nga ang pamangkin niyang si Gavin na limang taong gulang palang, alam ang bagay na pinapagawa niya sa lalaki.Pero hindi naman niya ipinakita kay Drake ang reaksyon niya bagkus ay tinuruan niya ang lalaki para matuto ito. "Kahit na mukhang malinis na tingnan yung gulay, may mga naiiwan paring kaunting putik sa dahon o di kaya ay sa ugat niyan. Pero hindi naman yan madumi, kung tutuusin healthy ang ganitong gulay kasi halatang sa farm pa galing at walang masyadong kemikal. Kailangan lang talaga na hugasan ng maayos," malumanay niyang paliwanag.Tu