"Sasakyan ba ito ng boss mo?"Tumango naman si Drake.Alanganin siyang napatingin sa kotse bago lumingon sa asawa niya. "Ayos lang ba na ito ang gagamitin mo sa paghatid sakin? Hindi ba siya magagalit?""No. Mabait si Mr.Ortega."Napatango-tango siya. "Pero diba Porsche ang sasakyan niya na ginamit mo noong nakaraan?"Nais na matawa ni Drake. Of course hindi magagamit ang Porsche dahil ang magaling nitong kasama, binangga ang sasakyan niya!"Maraming sasakyan si Sir Ortega. Halika na," aniya at pinagbuksan ng pintuan si Graciella. Nag-aalangan namang sumakay si Graciella. Para sa kanya, hindi maganda na gamitin ang sasakyan ng boss ni Drake para sa personal nilang lakad. Baka magalit ito at bawasan ang sahod ni Drake.Huminga ng malalim si Drake nang makita ang reaksyon ni Graciella. "It's alright. Pinapagamit to ni Sir Owen para mahasa ang pagmamaneho ko."Nang marinig ni Graciella ang rason ni Drake, nakahinga siya ng maluwag at nawala ang kanyang agam-agam. Maingat siyang sumakay
Lumingon si Drake sa likuran niya at nakita ang isang babaeng may hawak na bag. Pinukol siya nito ng isang nakamamatay na tingin na para bang may nagawa siyang isang malaking kasalanan."Bakit mo hawak ang kaibigan ko? Bitawan mo siya o magtatawag ako ng pulis para ipahuli ka! Kidnapping yang ginagawa mo!"Napasimangot si Drake habang nakamasid sa babae.Is this woman really his wife's friend?Anong klaseng kaibigan ba meron si Graciella?Inaakala ba ng babae na kidnapper siya?"Hindi mo ba ako kilala?" Malamig niyang tanong.Napalunok si Kimmy habang nakatitig sa mukha ng lalaking may karga kay Graciella. Ito na yata ang pinakagwapong nilalang na nakita niya pero hindi maipagkakaila ang nakakatakot nitong hitsura na para bang kakainin siya ng buhay.Naglakbay ang tingin niya sa kabuuan nito pero nang mapadako ang kanyang tingin sa walang malay niyang kaibigan, inipon niya ang lakas niya ng loob at hinugot ang kanyang cellphone saka galit na tiningnan ang lalaki."Wala akong pakialam!
"Paano mo naman nasabi?" Kunot noong tanong ni Graciella."Tingnan mo naman ang sasakyan niya tsaka yung paraan niya ng pagmamaneho, ang smooth diba? Mukha talaga siyang yayamanin, Graciella."Napatango-tango si Graciella. "Ah, sasakyan kasi yun ng boss niya tsaka driver si Drake kaya natural lang na swabe ang paraan niya ng pagmamaneho.""Pero infairness, yung outfit niya mamahalin. Mukha siyang isang strict CEO sa K-dràma," dagdag pa ni Kimmy.Mahinang natawa si Graciella. "Required yan sa trabaho nila. Pero tama ka naman na mukha siyang CEO ng isang malaking kumpanya dahil siguro sa maganda niyang tindig at pangangatawan."Napapadyak naman ng paa si Kimmy sa mga naging sagot niya. "Ano ka ba naman Graciella, halos lampas isang dekada na akong nagbabasa ng mga romance novels at ang kagaya ng nangyari sa inyung dalawa ay hindi talaga ordinaryo. Sa maniwala ka man sakin o hindi, sigurado akong sa kanya ang sasakyan na yun at sobrang dami pang luxury cars na nakahilera sa garahe niya!"
Pinilit din si Graciella ng kanyang ina na magpakasal sa lalaking hindi niya gusto kaya naiintindihan niya ang kalagayan ni Kimmy. Sa tingin niya, mukhang mabait naman si Felip kay Kimmy kaya nararapat lang na maging masaya din ang dalawa balang araw."Mabuti nalang at nandito ka. May kaibigan na ako, para pa akong may kapatid. Walang ibang nakakaintindi sakin bukod sayo kaya maraming salamat talaga, Graciella," puno ng emosyong sambit ni Kimmy sabay yakap sa kanya. Napangiti naman si Graciella. "Then treat me as your sister then."Mas lalo pa nitong isiniksik ang sarili sa kanya dahilan para matawa siya.Nang bumalik si Drake kinagabihan ay wala na si Kimmy. Katatapos lang niyang magshower at kasalukuyang ginagamot ang sugat niya. Huli na para itago niya ang mga nagkalat na gamot sa mesa mula sa lalaki."Pasensya ka na sa kalat Drake. Lilinisin ko kaagad yan," paumanhin niya.Imbes na hindi siya pansinin, lumapit sa kanya si Drake at hinawakan ang kanyang braso. "Takot ka ba sakin?"
"Diba? Naiinis talaga ako kapag naiisip ko yun. Sana lang nakauwi ng maayos ang matanda," nakangusong sambit ni Graciella. Nagpatuloy si Drake sa paggamot sa sugat niya at nilagyan ng gauze. Nagdala rin si Kimmy ng oral anti-inflammatory pero hindi niya iyon ininom dahil baka makasama sa dinadala niya, bagkus ay maingat iyong itinago ni Graciella."Thank you, Drake" nakangiti niyang sambit."You're welcome. Huwag mong babasain yan ng dalawang araw at mag-ingat ka na huwag yang masagi," walang emosyon nitong wika."Okay," mahina niyang tugon.Humugot ng hangin si Drake bago muling nagsalita. "Kailangan palitan ang dressing ng sugat bukas. Uuwi ako ng maaga para tulungan ka."Tumango si Graciella bilang tugon.Tumayo na si Drake mula sa sofa at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Dahil dumiretso siya sa paggagamot kay Graciella kanina, nakalimutan nuyang nauuhaw pala siya. Tumayo narin si Graciella at naglakad papunta sa kanyang silid pero hindi paman niya nabubuksan ang pinto, l
"Maraming salamat Drake," sinserong sambit ni Graciella bago napatinging muli sa treadmill. "Magkano nga pala ang bili mo diyan?"Hindi alam ni Drake kung magkano ang presyo ng treadmill na nabili ni Owen pero naisip niya parin na baka magtatanong si Graciella kaya habang ini-install iyon ng nagdeliver kanina, lihim niyang tiningnan ang presyo nito."Fifty thousand," kaswal niyang sagot.Akala niya ay matutuwa si Graciella pero taliwas ang naging reaksyon nito. "Fifty thousand! Bakit ang mahal niyan?!"Nangunot naman ang kanyang noo. Mahal na pala yang fifty thousand na treadmill? His treadmill at home even cost more than a half million.Bago paman siya makasagot, nagsalita ng muli si Graciella. "Bakit ganyan kamahal ang binili mo? Hindi naman natin yan magagamit araw-araw. Paminsan-minsan lang. Patingin ako ng resibo. Baka pwede pa nating isauli yan."Napanguso siya. Kailanman, hindi naging problema ang presyo sa kanya. He also likes his things to be expensive.Isa pa, para sa kanya
Matalas ang pag-iisip ni Drake kaya halos lahat ng schedules niya nakasulat na sa isipan niya. Bahagyang umangat ang kanyang kilay ng maalala na nangako nga pala siya na makikipagkita sa pamilya ni Graciella bukas.Hindi maiwasang makaramdam ng hiya si Graciella. Kahit na pumayag na si Drake sa hiling niya noong nakaraan, naisip niyang baka makaistorbo siya dito."Magpapabook ako ng isang restaurant para sa atin at sa kapatid mo."Bahagyang natigilan si Graciella. Hindi niya inaakalang nakahanda na pala si Drake sa pakikipagkita sa Kuya Garett niya. "Hindi na. Dito nalang tayo sa bahay kumain," nakangiti niyang tanggi.Sandali naman siyang tinitigan ni Drake bago tumango. "Okay. May iba pa bang darating bukod sa kapatid mo? How about your parents?"Napatikhim siya. "Bukod sa Kuya ko, baka isama niya ang asawa niya na si Ate Cherry at ang anak nilang si Gavin. Malayo ang mga magulang ko kaya hindi sila makakapunta.""May mga pagkain bang bawal sa kanila?""Yung sister in-law ko at anak
Owen won't even dare! Nais niyang sabihin kay Graciella pero pinili niyang manahimik. Laging malamig at mukhang matigas ang ekspresyon sa mukha ni Drake pero ngayon ay tila nagmistula iyong clay sa ginawa ni Graciella. Ilang sandali pa'y iniwas ni Drake ang mukha mula kay Graciella bago tumango. "Okay," tipid niyang sagot at nilisan na ang apartment nila…Nakatingin si Owen sa kanyang boss habang may kakaibang ekspresyon sa mukha nito. Tila ba nais nitong ngumiti pero parang hindi ito marunong kaya nauuwi sa ngiwi at kung minsan ay nakakatakot na ekspresyon na. Parang kontrabida sa pelikula na tagapatay ng characters.Maayos pa naman ito kahapon nang umalis kasama si Miss Santiago. Bakit kaya bigla nalang nagkaganito ang Master Levine niya? Sigurado siyang may ginawa si Miss Santiago sa lalaki kaya kakaiba ang ikinikilos nito. Bilib din siya dahil mukhang tikop ang amo niya sa babae.Gayunpaman, hindi na pinakialaman pa ni Owen ang personal nitong buhay. Baka kapag napuno ito ay pa
"Grabe, sobrang yaman niyo pala Kimmy. Nakakahiya naman," mahinang sambit ni Graciella habang patuloy parin sa pagmamasid sa paligid at binubusog ang kanyang mga mata sa magagandang tanawin.Mahina namang natawa si Kimmy. "Madalas ko ring marinig yan at ikinukumpara pa kami sa mga Yoshida at Nagamori. Pero alam mo, hindi naman totoo yan. Ang Yoshida at Nagamori mayaman na talaga sila ilang daang taon na ang nakalipas mula pa sa kanunu-nunuan nila samantalang kami, yung lolo ko nagsikap pa para maghukay ng mga gold sa mga namatay at inilibing na kaya kami yumaman."Nanlaki naman ang mga mata ng kasambahay na nakasunod sa kanila at mabilis na nilapitan si Kimmy. "Ma'am Kimberly, wag niyo pong sabihin yan. Baka marinig kayo nina Madam at Sir at magalit sila," mahina nitong sambit.Inirapan ni Kimmy ang kasambahay. "Ano bang problema mo sa sinabi ko, eh totoo naman yun. Tsaka wala sina Daddy at Mommy dito ngayon."Hinila ni Kimmy si Graciella palayo sa kasambahay at dinala sa kabilang gar
"Wala pa akong narinig tungkol sa mga Nagamori," ani Graciella.Nagkibit balikat naman si Kimmy. "Normal lang talaga na wala kang maririnig sa pamilyang yan dahil kung low-key man ang mga Yoshida, mas misteryoso pa sa kanila ang mga Nagamori."Napatango-tango si Graciella. "Talaga? Bakit kaya parang halos nagtatago sila ano?" "Ganito kasi yan, twenty years ago, may naaksidente sa pamilya nila at nataon pa na anak ng mga matatandang Nagamori na si William ang casualty tapos nawala pa yung maliit niyang anak na babae sa dagat. Bali-balita na nabaliw ang asawa ng lalaking Nagamori dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa mag-ama niya. Tapos si Mrs.Nagamori na nanay ni William, matanda narin at may sakit na.""At kaya nanatili silang low-profile ay dahil naniniwala sila na buhay pa ang anak ni William na nawawala at kasalukuyan parin nilang pinaghahanap. Siguro para masiguro na walang magtatangka na manloko sa kanila tungkol sa nawawala nilang apo kaya low-key lang sila." mahabang kwen
"Graciella, nasaan ka na?" Tanong ni Kimmy sa kabilang linya.Dapat ay kanina pa nakarating ang babae sa bahay nila subalit dalawampung minuto na ang nakalipas at wala pa ito. Nag-aalala na siya kaya naman tinawagan na niya ito."Pasensya ka na at natagalan ako. May nangyari kasi," ani Graciella at ikinuwento kay Kimmy ang nangyari sa restroom sa mall na pinuntahan niya. "Wag kang mag-alala, pasakay na ako ng taxi—""Wag na. Ipapasundo nalang kita sa driver namin," awat ni Kimmy sa kanya."Huh?"Ipapasundo siya sa driver?Sa edad niyang dalawampu't apat, sa television at nobela lang niya naririnig ang mga katagang iyon. Hindi niya mapigilang masorpresa pero oo nga pala, mayaman nga pala si Kimmy kaya natural marami itong driver at mga kasambahay.Makalipas ang halos sampung minuto, isang Porsche Cayenne ang huminto sa kanyang harapan. Akmang uusog siya para bigyan ito ng espasyo nang bumaba ang isang lalaking halos nasa limampung taong gulang na at magalang na yumuko sa kanya."Magand
Katatapos lang na magshopping ni Akira. Namili siya ng bagong set ng branded na damit, nagset narin siya ng appointment sa salon para sa kanyang bagong manicure. Bumili rin siya ng bagong lipstick at naghire pa ng professional makeup artist para sa Thai-style na gusto niya. Sinadya niyang magpaganda dahil balak niyang pumunta ng Dynamic at makipagkita kay Levine.Subalit nang matapos ang make-up artist sa pagmemake-over sa kanya, bigla nalang sumakit ang kanyang puson. Napatingin siya sa petsa sa kalendaryo at napagtanto na kabuwanan pala niya ngayon! Bakit sumakto pa kung kailan nasa mall siya at sobrang daming tao?!Sa takot niyang mapansin ng mga ito amg tagos niya, nagmamadali siyang tumakbo sa banyo at nagtago. Agad niyang hinugot ang kanyang cellphone at idinial ang numero ng kanyang driver subalit nasa kalagitnaan siya ng pagtawag nang maalala niya na lalaki ito!Dahil sa nararamdaman niyang inis ay hindi niya mapigilan ang sarili niya na mapaiyak. Gusto niyang makita si Levine
"M—matatanggal na po ba talaga ako?" Maluha-luha na tanong ni Graciella."Naku, hindi Miss Santiago. Ang ibig kong sabihin ay hindi mo muna kailangan na pumasok ngayon sa trabaho. Narinig kong nagkasakit ka at sakto pang laganap ang lagnat at sipon ngayon. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna at bumalik ka nalang sa trabaho sa susunod na linggo," magiliw na tugon ni Ma'am Andrea.Nakahinga ng maluwag si Graciella sa kanyang narinig subalit hindi niya maitatago ang kanyang pagkasorpresa. Noong bago siya maghalf-day, naalala pa niya na masama ang tingin sa kanya ng kanyang supervisor. Hindi niya inaasahan na napakamaalalahanin pala ni Ma'am Andrea. "P—pero maayos na po talaga ang pakiramdam ko. Pwede na naman po akong magtrabaho ulit.""No, Miss Santiago. We should prioritize one's health over work. Ganun naman talaga dapat. Alagaan mo muna ang sarili mo," sagot nito.Napakamot ng ulo si Graciella kahit na wala namang makati. "Pero Ma'am, nag-aalala po kasi ako sa attendance ko."Pe
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kabilang linya. Maya-maya pa'y malakas na napabuntong hininga si Oliver bago nagsalita."Okay. Okay. You win!" Matapos makuha ang sagot na gusto ni Drake, papatayin na sana niya ang tawag. Una palang ay ayaw naman talaga niyang makausap ang lalaki subalit napatigil siya nang magsalitang muli si Oliver."Wait..." Isang kataga palang ay randam na ni Drake ang sarkasmo sa tono ni Oliver. "Tumawag kalang sakin ngayon para balaan ako na layuan si Graciella? I didn't expect that there would be a woman in this world whom you value so much. Parang hindi na ikaw to Master Levine. Kung sana ginawa mo rin ang bagay nayan kay Beatrice noon, hindi sana mangyayari ang nangyari—""Beatrice? How is she?" Tanong ni Drake sa malamig na tono habang naniningkit ang mga mata.Sarkastikong natawa si Oliver. "Kung talagang may pakialam ka kay Beatrice, hindi ka naman mahihirapan na maghanap ng balita tungkol sa kanya."Kumalma naman ang ekspresyon sa mukha ni Dra
Isang iling ang naging sagot ni Graciella. "Hindi ako sigurado. Base sa mga sinabi ni Kimmy, nag-aalala ang pamilya niya sa kanya kaya balak ng mga ito na magkaroon ng salu-salo. At dahil close kami ni Kimmy, nais ng mga ito na marinig mula sakin kung ano talaga ang nangyari para matahimik na sila."Bahagyang umangat ang isang kilay ni Drake. "At pumayag ka?""Uhm, nag-aalala si Sir Oliver kay Kimmy kaya tutulungan ko siya hanggang sa makakaya ko."Pumayag si Graciella dahil balak na ni Kimmy na bumalik sa mansion ng mga magulang nito. Para narin hindi na siya mahirapan pang taluntunin kung saan hahanapin ang kaibigan niya sa susunod na magkikita sila. At dahil masaya siya sa mga nangyari ngayong araw, hindi niya napansin ang nagngingitngit na ekspresyon ni Drake pati na ang payukom ng kamao ng lalaki.Kukunin na sana ni Graciella ang baso ng tubig nang mapansin niya na may dala ring isang baso ng orange juice si Drake. Sakto rin at medyo namamaos ang lalamunan niya ngayon. Naisip niy
Pagkatapos na matingnan ni Owen ang washing machine, napagtanto niyang hindi naman pala iyon sira at kaya hindi gumana ay dahil hindi iyon nakasaksak sa kuryente!Mas lalo pang nagdilim ang mukha ni Drake nang mapagtanto niyang napakasimpleng bagay lang ay nagkamali pa siya. Pero sa kabilang banda, first time pa naman niya at kung hindi siya nag-asawa, hindi niya malalaman kung paano mag-operate ng washing machine.At pagkatapos labhan ang mga damit, kailangan silang isabit isa-isa para matuyo, at ang ibang mga damit na may kulay ay kailangang labhan ng magkahiwalay... Hindi kailanman nagrelax ang mahigpit na nakakunot na noo ni Drake habang nakikinig siya sa paliwanag ni Owen. Napagtanto niya na ang mga gawaing bahay na ito ay tila sobrang nakakapagod. Pero bakit hindi niya kailanman narinig na nagreklamo si Graciella tungkol sa mga ito? Curious tuloy siya kung ano ang nararamdaman ni Graciella tuwing naglalaba.Nang umalis si Owen, binitbit na niya ang pagkain papunta sa silid ni Gr
Paulit-ulit na pinasadahan ng tingin ni Drake ang silid ni Graciella nang mapansin niya ang isang frame na nasa mesa sa gilid ng kama nito. Larawan iyon ni Graciella at Garett. Medyo luma na iyon, mukhang kuha pa noong mga nakaraang taon. Kahit sa larawan lang, makikita mo talaga na mahal na mahal nito ang isa't-isa.Simula ng makilala ni Drake ang pamilyang pinanggalingan ni Graciella, napagtanto niya kung gaano kahirap ang lumaki sa ganung klaseng magulang. Natatangi lang din ang isang kagaya ni Garett na grabe kung magmahal at mag-alaga kay Graciella. Siguro masarap sa pakiramdam na magkaroon ng isang kapatid na kasangga mo sa lahat.Masaya siya para kina Graciella at Garett pero maya-maya lang ay napanguso siya nang mapasulyap siya sa isang partikular na photo frame na nasa gilid lang ng cabinet. Sigurado siyang litrato niya iyon at ni Graciella.Tama!Noong mga panahon na inimbita nila si Garett sa bahay nila para doon kumain at magkakilala sila, sinadya nilang magprovide ng wedd