Halos mawalan ng ulirat si Mrs. Colter dahil sa sakit nang pagpalo ni Claire sa kanya ng thermo flusk. Kaagad niyang tinakpan ang ilong, gamit ang kaliwang kamay na nababalot ng gintong alahas, na siyang natamaan nang maramdaman na umagos ang dugo mula roon. Hindi niya akalain na ang inosente at mahaba ang pasensya na si Claire ay biglang naging bayolente.“Ahhh!!!” nangangalit ang bagang na sigaw niya at akmang susuguring muli si Claire pero nasa likuran pa rin niya si Manang Silva at ang bodyguard kaya agad siyang napigilan.Ito ang tagpong naabutan ni Manson. Kaagad na dumilim ang mukha nito saka matatalim ang matang tiningnan si Mrs. Colter. Nang bumaling siya sa asawa at makita na ayos lang ito ay saka lang umaliwalas ang mukha niya.“Manson!” sigaw ni Mrs. Colter upang agawin ang pansin niya. “Tingnan mo kung ano ang ginawa ng babaeng ‘yan sa mukha ko. ‘Yan ba ang sinasabi mong mabait? Na may mahabang pasensya at mapagpatawad? Hinampas niya ako ng flusk, Manson! Isa siyang bayo
Hindi napansin ni Claire ang pagdilim ng mukha ni Manson dahil sa pagdepensa niya sa pangalan ni Lucas. Kahit ang pagbago ng reaksyon ng asawa ay hindi niya pansin dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa larawan sa cellphone nito. “Lalabas lang ako sandali,” paalam ni Manson at tumayo. Walang emosyon ang boses nito at hindi siya hinalikan sa noo katulad nang lagi nitong ginagawa saka malakas na binalibag ang pinto nang lumabas. Pero lahat ng pagbabagong ito ay hindi napansin ni Claire dahil nakatutok pa rin siya sa larawan. Dahil ang totoo, ang pangalang Lucas ay ang susi sa na magbubukas ng pinto sa nakaraan niya na hindi niya kayang kalimutan. Kapag naririnig niya ang pangalang Lucas, tila may punyal na tinatarak sa puso niya nang paulit-ulit at hindi niya kaya ang sakit niyon.Hindi niya namalayang tumulo na ang kanyang luha kung hindi pa niya iyon nakitang tumulo sa cellphone.Pilit niyang kinalma ang sarili habang nakatingin pa rin sa larawan at malalim na nag-isip.Sino ang t
Hindi makapaniwala si Manson na blacklisted siya ng asawa. Ilang beses pa niyang sinubukang tumawag pero paulit-ulit lang na ang mechanical na tunog ng babae ang sumasagot sa kanya.“Fuck!” he loudly cursed and gripped the phone tightly. Nahilot niya ang sentido upang pagaanin ang ulo na unti-unti nang sumasakit. Nang kumalma na ang kanyang isip ay saka niya naalala ang bodyguards na nagbabantay kay Claire. Mabilis niya itong tinawagan.“Mahigppit ang utos ko na bantayan n’yong mabuti si Claire, pero ano’ng ginawa n’yo? Bakit nawawala siya?” mataas ang boses na usisa niya habang mahigpit na nakasabunot sa buhok ang isang kamay. “Boss? Hindi po namin alam. Dalawang araw na po kaming nasa bakasyon dahil iyon ang sabi ni Ms. Claire sa utos n’yo na rin,” paliwanag ng bodyguard na halata ang takot sa boses nang marinig ang galit sa boses ni Manson. Nitong nakaraang araw ay may out of town conference si Manson kaya hindi siya nakakabisita sa ospital at marahil ay sinamantala ito ni Claire
Mapait na napatawa si Claire nang marinig ang akusasyon ni Manson tungkol kay Lucas. Lalo lang nadagdagan ang inis niya sa asawa dahil sa ginawa nito. Ang dahilan kaya siya umalis sa ospital nang hindi nagpapaalam dito ay dahil nakita niya ang bakat ng lipstick sa kuwelyo nito. Alam niyang nang araw na huling nagkita sila ni Vincent ay si Veena ang katagpo nito. Pigil ang luha ay tumayo siya mula sa kinauupuang duyan at inaya si Manson na sumunod sa kanya. Pumunta sila sa likuran ng bahay kung saan may makapal na kagubatan pero may maayos silang daanan na puno ng namumulaklak na halaman sa magkabilang gilid. Habang naglalakad ay walang imik si Claire. Nang marating nila ang maliit na burol ay saka siya huminto sa paanan niyon. Ang burol ay puno ng mga puntod. “Nandito si Lucas,” sambit ni Claire habang pinipigilan ang sarili na huwag lumuha. Naninikip ang dibdib niya sa tuwing nasa harapan siya ng puntod ni Lucas.Kahit maalala o mabanggit ang pangalan nito ay kakaibang emosyon na a
Bago pa tuluyang lumalim ang halik ni Manson ay bigla na lang siyang itinulak ni Claire. Pero hindi nagbago ang malamlam na awra sa mga mata niya. Ang kamay na nakahawak sa pisngi ni Claire ay lumandas pababa sa beywang ng asawa at hinigit ito papalapit sa kanya. “Bakit mo sinabi kay Claude na magpinsan tayo?” Nakataas ang kilay na tanong niya kapagkuwan. Nanatili siya sa pagkakayakap kay Claire. “May masama ba sa sinabi ko? Malapit nang mawalan ng bisa ang kasal natin. Ginawa ko lang ‘yon para sa susunod walang dudungis sa pangalan mo na nagpakasal ka sa isang katulad kong hindi kilala at hindi galing sa prominenteng pamilya.”“Masiyado ka namang advance mag-isip.” Mapait na tumango si Claire. “The strong tramples the weak. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ang sarili ko.”Hinawakan ni Manson ang mukha ni Claire at masuyo iyong hinaplos. “Sino ang nagsabing mahina ka? Mabibilang lang sa daliri ang numero ng taong kaya akong pabiyahiin magdamag. Kaya ba nila ‘yon?”“Tse! Huwag m
Kaagad na bumiyahe ang grupo pa-Maynila nang gabi ding iyon. Pumunta sila ng Kalibo na siyang pinakamalapit na airport sa bahay ng lolo ni Claire. Pasalamat sila dahil may bakanteng tickets kaya hindi na sila naghintay nang matagal. Pero mag-a-alas kuwatro na rin ng madaling araw nang makarating ng ospital si Claire dahil sa traffic sa airport. Claude parted ways after the plane landed in NAIA. Nang makarating sina Claire at Manang Silva sa top floor kung saan ang VIP room ni Nana ay naabutan nila si Manson na nasa hallway malapit sa bintana at naninigarilyo. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Claire dahil sa stress na nababasa niya sa mukha ng asawa. Hindi pa man siya nakakahakbang upang lumapit dito ay biglang may malambing na boses ang tumawag sa pangalan nito.“Manson…” Kasunod niyon ay ang balingkinitang braso na yumakap sa baywang ni Manson. “Nabalitaan ko na nasa ospital si Nana. Pumunta ako para bumisita.”Parang sinakal ang pakiramdam ni Claire at hindi siya makahinga dahil
Walang ekspresyon na mababasa sa mukha ni Nana habang si Claire ay madilim ang mukhang nakatingala kay Veena. Gusto niya itong hatakin palabas ng kuwarto.“Nana…” Nanatili sa pagkakatayo sa gilid ng kama si Veena. “Wala naman po akong ibang nais kundi ang makita lang si Manson. Mahigit isang dekada rin po kaming nagkasama. Hindi n’yo po maialis sa akin kung gusto ko siyang makita dahil may pinagsamahan kami.”Umiling si Nana. “Yes, Veena. May pinagsamahan kayo ni Manson pero matapos ang pang-iiwan mo sa kanya noong naaksidente siya, saan na ang pagsasamang sinasabi mo? Sino ang nasa tabi ni Manson noong hindi siya makalakad? Sino ang nag-alaga sa apo ko noong panahong pinandirian siya ng lahat?”Nag-umpisang manubig ang mata ni Veena. “Nana, hindi ko po kasalanan kung bakit wala ako noong maaksidente si Manson. My mother force me to leave the country. Pero kung ako ang tatanungin ay hindi ko gustong umalis. Mahal ko pa rin si Manson–”“Wala nang dapat sisihin kung umalis ka o hindi, V
Wala pang sampung minuto at bumalik na si Manson sa kuwarto ni Nana. Kaagad itong dumiretso sa tabi niya at umupo. “Hindi mo dapat ginagalit si Veena. Bata pa siya at madaling ma-trigger ang sakit n’ya. Paano kung muli na naman niyang maisip na kitlin ang sariling buhay?”Yumuko si Claire para itago ang pagbalot ng inis sa mukha. Hanggang kailan siya magtitiis sa kadramahan ni Veena? At bakit kailangan n’yang i-tolerate ang ginagawa nitong panglalandi sa asawa n’ya?Imbes na sumagot ay nanatiling tahimik si Claire kaya’t si Nana ang sumagot para sa kanya. “Manson, bata pa rin si Claire. Bakit kailangang s’ya ang pagsabihan mo palagi? Hindi ba dapat ang babaeng ‘yon ang pagsabihan mo? Si Claire ang asawa mo kaya s’ya ang asikasuhin mo.”Tumingala si Claire at nagsalubong ang mata nila ni Manson. Ngumiti ito at kinurot ang magkabilang mukha n’ya dahil bigla iyong namula. “Sino’ng bata pa, huh? Puwede ka na ngang magdala ng bata,” biro pa nito. Ramdam ni Claire na lalo pang nag-init an