Molly the Sociopath

Molly the Sociopath

last updateLast Updated : 2024-11-11
By:  AkoSiIttal  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
24Chapters
2.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"Her life changed when she realized that monsters were protecting her." Si Molly Cabrera ay lumaki sa isang mental facility, hindi dahil baliw siya, kundi dahil doon siya iniwan ng kaniyang ina noong siya'y sanggol pa lamang. Subalit sa pananatili niya roon ay nagaya na rin sa iba ang kaniyang pag-iisip— na mas malala pa. Sa kaniyang paglabas ay nakilala nito ang isang CEO na si Linus Hudson na siya ring Presidente ng isang malaking kumpanya, Hudson Apparel. Sa kanilang pagtatagpo sa kakahuyan ay sinong mag-aakalang pagbibigkisin sila ng tadhana? Ang kwento nilang patungo sa magandang love story ay lumihis ng landas matapos malaman ang katotohanan, na magkapatid sila. Ating tunghayan kung ano-ano pang katotohanan ang matutuklasan ni Molly sa bawat kabanata ng kaniyang buhay. Alamin ang puno't dulo kung bakit siya napadpad sa isang mental facility, at kaya nga ba talagang mahalin ni Linus si Molly, gayong isa itong tanyag na... SOCIOPATH?

View More

Latest chapter

Free Preview

START

MOLLY'S POVPinagmasdan ko ang paligid at lumanghap ng sariwang hangin, wala namang bago, amoy hangin pa rin. Wala masyadong sasakyan ang dumaraan sa kalsada, pinapaalala lang nito sa akin na nasa probinsya ako at hindi pa nakakabalik sa siyudad. "Ano ng plano mo? Saan ka na patutungo?" Rinig ko ang katagang iyan na nagmula sa boses ni Nurse Scarlet na siyang nag-alaga sa akin ng maraming taon. Masasabi kong maraming taon dahil pabalik-balik ako sa lugar na ito. Hindi ako bumabalik dahil gusto ko, bumabalik ako dahil hinihila nila ako pabalik dito. Sabihin na nating, pasaway ako na laging pinapauwi ng magulang."Hell, most likely," malamig kong sagot at ngumisi. "Kidding. I'll go back to Alf to let him take care of me," hayag ko. Naramdaman ko naman ang kamay ng nurse sa braso ko kaya naman nilingon ko siya at nakitang umiiling ito."Ito na ang huling beses na pupunta ka sa lugar na'to, kapag gumawa ka pa ulit ng kalokohan ay sa kulungan na ang bagsak mo kaya naman magbago ka na, ha

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mysterious_darkness3
Gonna Read this onee!
2024-02-26 21:20:26
0
24 Chapters

START

MOLLY'S POVPinagmasdan ko ang paligid at lumanghap ng sariwang hangin, wala namang bago, amoy hangin pa rin. Wala masyadong sasakyan ang dumaraan sa kalsada, pinapaalala lang nito sa akin na nasa probinsya ako at hindi pa nakakabalik sa siyudad. "Ano ng plano mo? Saan ka na patutungo?" Rinig ko ang katagang iyan na nagmula sa boses ni Nurse Scarlet na siyang nag-alaga sa akin ng maraming taon. Masasabi kong maraming taon dahil pabalik-balik ako sa lugar na ito. Hindi ako bumabalik dahil gusto ko, bumabalik ako dahil hinihila nila ako pabalik dito. Sabihin na nating, pasaway ako na laging pinapauwi ng magulang."Hell, most likely," malamig kong sagot at ngumisi. "Kidding. I'll go back to Alf to let him take care of me," hayag ko. Naramdaman ko naman ang kamay ng nurse sa braso ko kaya naman nilingon ko siya at nakitang umiiling ito."Ito na ang huling beses na pupunta ka sa lugar na'to, kapag gumawa ka pa ulit ng kalokohan ay sa kulungan na ang bagsak mo kaya naman magbago ka na, ha
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 1: Welcome Home, Molly

MOLLY'S POV "Honey, I'm home!"'Yan agad ang bungad ko matapos makapasok sa pintuan ng bahay hanggang sa matigilan ako. "Nakalimutan ko, hindi pa pala ako kasal," bulalas ko sa aking sarili at nagkibit-balikat na lang."Molly!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Alyse. Nakangiti itong naglakad palapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Alyse is my best friends wife, Alf."Mabuti naman at natapos na ang bakasyon mo," anito at lumayo sa akin sabay nginitian ulit ako. Hindi kasing amo ng kaniyang mukha ang kaniyang ugali, may pagkamaldita rin siya, pero as far ay wala naman siyang ugali na hindi ko gusto. Kaya ayos na ayos siya bilang asawa ni Alf. Magkasingtangkad lang kami, maikli ang naghahalong berde at itim niyang buhok, may mala-pusong korte ng mukha, manipis na maputlang labi, katamtamang tangos ng ilong, singkit na kulay itim na mata, at perpektong kilay. In short, maganda siya."Ano bang sinasabi mo? Dito ako nagbabakasyon at bahay ko na ang lugar na iyon. A
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 2: Job Interview

MOLLY'S POVPinagmasdan ko ang matayog na gusaling nasa harapan ko, halos malula na nga ako habang pinagmamasdan ito at hindi matansya kung ilang palapag mayroon ito."Dito rin nagtatrabaho si Alyse?" tanong ko na inilingan ni Alf na nakatayo sa aking tabi."Kalilipat niya lang last month sa isang publishing company. Ngayon lang may dumating na opportunity na nababagay sa gusto niya kaya naman sinunggaban niya agad at iniwan ako rito," sagot niya at hinarap ako. "Can you please remind me on how did I end up marrying that shit?" Tinignan ko naman siya at ngumuso. "You don't remember? It all started when we tried to dye your hair with gray." Ngumiwi ito at suminghap sa isinagot ko, halatang hindi niya nagustuhan ang itinugon ko, although 'yun naman ang totoo. May isang araw na nagpagupit siya ng buhok at nagpaplanong magpakulay ng buhok. Sobrang tagal ng magkukulay ng buhok niya dahil may kausap sa selpon kaya ako ang inutusan ni Alf na kulayan ang kaniyang buhok. Then nasa tabi niya
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 3: His Secretary

MOLLY'S POVPumasok ako sa pintuan at agad na natanaw ang lalaking nakaharap namin kanina sa elevator. Nakatingin ito sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip kaya naman pinutol ko iyon sa pamamagitan ng pagtikhim, nagtagumpay naman ako na kunin ang atensyon niya. Naglakad ako palapit sa kaniya hanggang sa magkaharap na kaming dalawa. "Good morning, Sir. I'm Molly Cabrera," bati at pagpapakilala ko sabay nginitian siya pero nakatingin lang ito sa akin. "Have a seat." Naupo naman ako gaya ng sinabi nito. Nakatingin lang kami sa isa't isa at pinapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Alam kong may gusto siyang sabihin pero mukhang nagdadalawang isip pa siya. "Emm...." panimula ito at tumikhim sabay huminga ng malalim. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na magsisimula na ang trabaho mo sa araw na'to. Bawat oras na tatawagin kita ay kailangang naroon ka agad, mapa-rito man sa gusaling ito, o sa labas, maging sa bahay at condo ko. Hawak ko ang buong oras mo." Hindi ako umimik sa sin
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 4: Dinner Date

MOLLY'S POV"...if that's all, you may go now."Napatingin ako sa suot kong wristwatch at nanlumo nang makitang 7 pm na pero narito pa rin ako at kasama ang lalaking ito, si Linus. Ang plano ko lang naman ngayon ay mag-apply ng trabaho pero ngayon ay may trabaho na ako at napakabigat pa na trabaho 'to."Kanina ko pa napapansing panay ang pagtingin mo sa oras," usal ni Linus habang naglalakad kami sa mahabang hallway. Sobrang tahimik na ng paligid at mukhang wala na ni isang empleyado, pero nakabukas naman ang mga ilaw. "May naghihintay sa akin sa bahay. Isa pa ay masyado itong biglaan, Sir," sagot ko na punong-puno ng pag-aala at napatingin muli sa wristwatch ko. Kumusta na kaya si Seaweed? Kaunti lang ang inilabas kong pagkain niya, paniguradong gutom na siya."Sino?"Natigil ako sa paglalakad at napatingin kay Linus na ikinataas naman ng kilay nito. "Sir, bakit mo naman kailangang tanungin kung sino iyon? Labas ka na sa personal kong buhay." Agaran akong natigil sa pagsasalita nang
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 5: Mad

MOLLY'S POVLumabas ako ng kwarto na katatapos lang maligo at handa na para mag-agahan. Namataan ko si Alyse na nasa ibaba at nakapameywang na nakaharap kay Alf. "Good morning, Alyse," bati ko rito habang pababa ako ng hagdan. Nilingon niya naman ako at dali-daling naglakad palapit sa akin sabay hinalikan ang aking pisngi."Good morning din. Sorry but I have to go," nagmamadali nitong pamamaalam at kinuha ang kaniyang itim na coat na nakapatong sa upuan. "Oh." Hinarap ulit ako ni Alyse. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, napakatigas ng ulo at hindi makaintindi. Babawi naman ako," aniya. Tumango na lang ako at pinanood siyang dali-daling naglakad palabas ng bahay. Napatingin naman ako sa direksyon ni Alf at nadatnan itong hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa pagkaing nakahanda sa mesa. Halatang pinaghandaan niya ito pero hindi man lang kumain si Alyse. Hindi pa ba siya nasanay? Madalas namang nangyayari 'to pero lagi pa rin siyang naghahanda at pagkatapos ay disappointed kalau
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 6: Second Kiss

MOLLY'S POV"Shit!"Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong tasa matapos mapaso ang aking daliri. Sa kanan kong kamay ay hawak-hawak ko itong tasa, sa kabilang kamay naman ay naroon ang bundok-bundok na papeles at may nakaipit pa sa kilikili ko na mga folders. Hindi lang iyon dahil may nakasabit pang supot sa bibig ko na may lamang mga pagkain. Nagmumukha na akong christmas tree na napapalamutian ng kung ano-ano. Ito ang unang beses na nagmumukha akong katawa-tawa, and I never thought na ganito ang trabaho ng mga secretary, or masyado lang abusado ang boss ko?Sinipa ko ang pintuan ng opisina ni Linus upang bumukas ito at pumasok na ako sa loob. Dali-dali kong inilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa, maging ang supot na nakabitin sa bibig ko ay ibinaba ko na rin, may naiwan pang laway doon pero ayos lang. Wala naman akong nakahahawang sakit, and I guess hindi naman nakakahawa ang pagiging sociopath."Sir, nandito na po 'yung papeles at pagkain na pinapakuha mo," hayag ko ngunit natigila
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 7: Junk Shop

MOLLY'S POVSumilip ako sa loob ng junkshop upang tignan kung naroon ang matandang lalaki, pero mukha namang walang tao sa loob. Hindi ako nakuntento at naglakad papasok doon. "Nasaan na ba ang basurerong iyon?" tanong ko sa aking sarili habang inilibot ang aking paningin sa paligid pero natigilan ako nang may makasalubong akong isang babaeng mukhang nasa singkwenta na ang edad pero malinis at galante ang kaniyang pangangatawan. Pang-mayaman lahat ng nasa katawan nito kaya naman agad akong nagtaka.Dinaanan niya lang ako at umalis na sa lugar na iyon."Hija." Napatingin ako sa nagsalita at nakita na basurero kaya naman naglakad ako palapit sa kaniyang kinaroroonan at iniabot ang isang bag na puno ng pagkain."Nagluto ng marami si Alf pero hindi ulit kumain si Alyse kaya naman sinabi niyang dalhin ko ito sa'yo," hayag ko at natigilan nang bigla na lang tumalon palabas sa bag ko si Seaweed at nagtatatakbo ito sa paligid."Sandali, tigre ba 'yun?" gulat na tanong ng matanda na tinangua
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 8: From secretary, to katulong, to nurse... to instant lover?

MOLLY'S POVNapatingin ako sa aking wristwatch at napansing 10 AM na pero wala pa rin ang magaling kong boss. Ni anino niya ay hindi ko pa nahahagilap, partida 9 AM pa ako pumasok dahil na-late ako ng gising. Hindi man lang ako ginising ni Alf pero sabi niya naman ay eksaktong 5 AM siya umalis dahil marami siyang aasikasuhin sa table niya't gaya ni Linus ay may mga deadline siya.Matapos na magsumbatan kahapon si Linus at Alf ay napilitang umuwi mag-isa ang magaling kong boss, pero ang kapalit nu'n ay babalik na ako sa trabaho ko bilang secretary niya. Pumayag na lang ako para naman matigil na sila sa kakadakdak dahil sobrang sakit na nila sa tainga— kaya naman heto ako ngayon at nasa opisina, kinakamote na sa sobrang tagal kakahintay. Isang buong oras na pero wala pa siya. May kumatok mula sa pinto kaya naman napatingin ako roon at nakita ang bwisit na babaeng si Hazel. Binati namin ang isa't isa sa pamamagitan ng pag-irap. Mabuti na lang at the feeling is mutual sa aming dalawa."S
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 9: A crazy date with Alf

MOLLY'S POV"Molly, how's your work?" Tumingin ako kay Alyse na sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabay sa agahan namin ni Alf, syempre sasabay siya dahil sabado naman— walang trabaho, pero minsan kahit na sabado or linggo ay wala siya sa hapagkainan."She's in love," tugon ni Alf at siniko-siko ako habang sinamaan ko naman siya ng tingin. "Not alright," sagot ko naman na pareho ikinatigil ng mag-asawa."Bakit? May ginawa ba sa'yo ang gunggong na 'yun? Uupakan ko na ba?" Umiling ako sa sinabi ni Alf at nangalumbaba sa mesa sabay ngumuso. "I was too kind this week," hayag ko na agarang ikinaubo ni Alf. Kinuha nito ang kaniyang baso at uminom sa tubig, matapos ay tinignan niya ako. What the hell is that reaction? Tss."Kind? Yeah, maybe you're right, but for normal people, we still don't count that as kindness. Also, I heard that you choke Hazel until she lose her breath. Luckily she's still alive but she's mad. I'm sure she'll do something bad to you so you should take care not to
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status