Home / Romance / Molly the Sociopath / CHAPTER 2: Job Interview

Share

CHAPTER 2: Job Interview

Author: AkoSiIttal
last update Huling Na-update: 2024-01-25 16:06:05

MOLLY'S POV

Pinagmasdan ko ang matayog na gusaling nasa harapan ko, halos malula na nga ako habang pinagmamasdan ito at hindi matansya kung ilang palapag mayroon ito.

"Dito rin nagtatrabaho si Alyse?" tanong ko na inilingan ni Alf na nakatayo sa aking tabi.

"Kalilipat niya lang last month sa isang publishing company. Ngayon lang may dumating na opportunity na nababagay sa gusto niya kaya naman sinunggaban niya agad at iniwan ako rito," sagot niya at hinarap ako. "Can you please remind me on how did I end up marrying that shit?"

Tinignan ko naman siya at ngumuso. "You don't remember? It all started when we tried to dye your hair with gray."

Ngumiwi ito at suminghap sa isinagot ko, halatang hindi niya nagustuhan ang itinugon ko, although 'yun naman ang totoo. May isang araw na nagpagupit siya ng buhok at nagpaplanong magpakulay ng buhok. Sobrang tagal ng magkukulay ng buhok niya dahil may kausap sa selpon kaya ako ang inutusan ni Alf na kulayan ang kaniyang buhok. Then nasa tabi niya lang si Alyse na nakasumbatan ni Alf dahil sa... hindi ko na maalala ang rason at wala naman akong balak na alalahanin ang mga nangyari sa kanila. Hindi ko nga malinaw na maalala ang childhood memories ko, duh.

"Hindi bale na, hindi na kita tatanungin sa susunod," saad ni Alf at naglakad na papasok kaya naman agaran akong sumunod sa kaniya. Pagtapak pa lang namin sa main door ay napatingin na ang mga empleyado sa aming direksyon at banati kami, ah mali, si Alf lang ang binabati nila.

"Nakatutuwang isipin na ginagalang ka ng mga tao rito, habang tinatadyakan lang kita at mukha ka lang maliit na ipis sa mga mata ko," bulong ko kay Alf at sinusubukang ngitian ang mga empleyado, mapapait at naiilang naman nila akong nginitian. Ngayon lang ba sila nginitian ng maganda para ganiyan sila umakto? Tsk.

"Pwes, ngayon ako naman ang tatadyak sa'yo dahil ako ang magiging boss mo," sagot nito at hinila ako papasok sa elevator.

Sasarado na sana ito pero biglang may humarang ng kaniyang kamay kaya bumalik ito sa pagkakabukas at tumambad ang dalawang lalaki. Papasok na sana ang isa pero natigilan ito nang magtama ang mga tingin namin.

"Linus," bulalas ni Alf kaya naman kumurap-kurap ito at napatingin sa katabi ko. "Sa kabilang elevator ka na lang sumakay," hayag pa ni Alf at pinindot ang buton. Hindi naman umangal ang lalaki hanggang sa sumarado na ang elevator.

"Sino 'yun?" taka kong tanong kay Alf at pinatunog ang mga buto ko sa daliri. "Mukhang kaaway mo siya. Ang patayin ba siya ang una kong trabaho, boss?"

Mabagal na umiling si Alf at bumuntong-hininga. "Ang sabi ko ay magiging secretary ka rito, hindi assassin," anito sabay ihinilig ang kaniyang likuran sa elevator. "Step brother ko siya at siya rin ang ginawang President ng kumpanya— na dapat ay pagmamay-ari ko tutal ay mas nauna naman akong ipinanganak kaysa sa kaniya."

Pinagmasdan ko lang ang mukha ni Alf habang nagsasalita. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang pagkainis mula kaniyang mukha at kapag galit siya ay ako ang lumiligpit sa taong nagdudulot nu'n. Hindi mainitin ang ulo niya gaya ko, mabait din siya sa mga taong hindi niya kilala o close, kaya hindi siya masyadong nagkakaroon ng kaaway. Uhm, napapaaway lang siya kapag napa-away ako.

"Wait." Hinarap ko si Alf at kinunotan siya ng noo. "Kailan ka pa naghangad na maging mas mataas sa iba? 'Wag mo sabihing nagiging kagaya ka na ng tatay mong rapist," sambit ko, dahilan para matigilan siya. Yumuko ito at mukhang pinag-iisipan ng maigi ang sinabi ko. Uh-oh, mukhang may nasabi akong hindi maganda. Kumapit ako sa braso ni Alf dahilan para mapatingin siya sa akin kaya naman nginitian ko siya. "President man siya o janitor ng kumpanya ay hayaan mo na. Bagay 'yun sa kaniya dahil 'di hamak naman na mas maganda siyang lalaki kaysa sa'yo. Mas maaakit niya ang mga magagaling na empleyado kaysa sa'yo, baka mabankrupt lang ang kumpanya kapag ikaw ang humawak nito," lintana ko.

"Pinapagaan mo ba ang pakiramdam ko o iniinsulto ako?"

"I planned to do both."

Saktong bumukas ang elevator at tumambad ang mga kababaihan kaya naman bumitaw na ako sa braso ni Alf. Naglakad na kami palabas ng elevator habang rinig ko naman ang chismisan ng nga kababaihan dahil sa nakita, pero hindi ko sila pinansin. Mas nag-aalala pa ako sa kalagayan ni Seaweed sa bahay kaysa sa sasabihin nila sa akin. At kung sakali mang makarating kay Alyse ang nakita nila? Paniguradong hindi 'yun tutugon, alam niya kung pa'no kami umasta ni Alf, siguro.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Dinala ako ni Alf sa isang silid at doon ipinakausap sa isang lalaki, pagkatapos ay iniwan kami. Pinag-a-apply niya ako bilang secretary niya dahil nilayasan din siya ng secretary niya, sumama kay Alyse. Nagpasa ako ng resume at sinagot lahat ng katanungan ng lalaki, lahat ng sagot ko ay scripted. Binigyan ako ng script ni Alf kagabi at sinabing kabisaduhin ko iyon at iyon lang ang isasagot ko sa taong mag-iinterview sa akin, wala ng iba, walang kalokohan. Dahil dakilang masunurin ako ay sinunod ko ang inutos sa akin ni Alf, malaki talaga ang tiwala ko sa kaniya.

"Last question, may boyfriend ka na ba? Asawa? O fiancé?" tanong nito na ikinatigil ko.

Walang nakasulat na ganitong tanong sa script ko kaya anong isasagot ko?

"Mister, masyadong personal ang tanong mo at sa tingin ko ay wala naman iyong kinalaman sa trabaho ko," tangi kong tugon para iwasan ang kaniyang tanong. Napatingin naman sa aking mukha ang lalaki.

"Mahalaga iyon, Miss. Ah heto pa, may anak ka na ba?"

Mukha na ba akong losyang para tanungin niya ng ganoong bagay? Hayst, hindi bale na nga.

"Wala akong boyfriend, asawa, o fiancé, maging ang anak," diretso kong sagot na ikinatango-tango nito at isinulat iyon. "Ngayon naman ay itatanong ko sa'yo pabalik ang mga huling itinanong mo sa akin. May girlfriend ka ba, asawa, fiancé, o anak?"

Natigil ito sa pagsusulat at napatingin sa akin at ngumisi. Ipinatong nito ang siko niya sa mesa sabay lumapit sa akin. "Bakit? Gusto mo bang maging babae ko? Gaya mo ay single din ako at walang sabit," anas niya kaya naman ngumiti ako ng matamis.

"Hindi naman po. Nag-aalala lang ako na baka may magluksa kapag pinatay kita rito ngayon," kalmado ngunit puno ng diin kong sagot na ikinapawi ng ngisi sa labi ng lalaki at bumalik sa kaniyang pagkakaupo, halata namang kinilabutan siya sa mga sinabi ko.

"O-okay. Makakalabas ka na."

"Thank you, Sir."

Tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto. Sinalubong ako ng isang babae at nginitian ako nito ng matamis.

"Miss Molly, dito po tayo," aniya at nagsimulang maglakad kaya naman sinundan ko siya hanggang sa makarating ako sa opisina ni Alf.

"Kumusta naman ang interview mo?" untag nito habang nakaupo sa silya niya at nakapokus ang atensyon sa mga papel na nasa kaniyang harapan.

"Ayos lang." Naupo ako sa silya na nasa tapat ng kinauupuan niya at pinagkrus ang aking hita. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at tumango-tango. "Hindi na masama."

"Tsk. Alam mo bang nasasakal ako sa disenyo ng sarili kong opisina? Bookshelf ang nasa tabi ko imbes na ref. Napapalibutan ako ng mga weird na painting imbes na TV. Sobrang tahimik ng paligid na wala ni isa ang gustong mag-ingay. At isa pa, ang papangit ng mga empleyado." Panay ang pagrereklamo niya habang abalang-abala siya sa ginagawa niyang pagpipirma sa kung ano-anong papel.

"Gusto mo bang pintahan ko ang mga pader dito ng mainit-init at mapupulang dugo ng tao? Marami akong oras ngayon kaya, ano?"

Huminto siya at napatingin sa akin.

"Molly, opisina ito. Hindi pwede ang ganiyang gawain sa lugar na'to kaya naman magpakatino ka. Nga pala, wala ka naman sigurong ginawa sa kausap mo kanina, tama?"

Tumango ako at ngumiti. "Well, I even prevented a murder today," sagot ko na mabilis na ikinakunot ng noo nito.

"And how did you do that?" hindi makapaniwala nitong tanong.

"Self control."

Nabalot ng katahimikan ang paligid hanggang sa suminghap na lamang si Alf habang natawa naman ako. Ipinagpatuloy niya na ang kaniyang trabaho habang ako naman ay natulog sa kinauupuan ko habang nakasubsob ang mukha sa desk. Naubos ang oras ko kagabi sa pagkabisado ng script imbes na pagtulog kaya naman heto ako ngayon, parang lantang gulay. Plus, ang init ng suot kong long sleeve polo, idagdag pang naka pants ako. Palibhasa si Alf ang namili ng susuotin ko imbes na si Alyse.

•|||•

Naalimpungatan ako nang maramdamang gumagalaw ang katawan ko. Iminulat ko ang aking mata at doon lang napagtantong pasan-pasan ako ni Alf.

"Uuwi na ba tayo?" walang-buhay kong tanong at napahikab pa. Inaantok pa rin ako.

"Dadalhin sana kita sa clinic para doon ka muna matulog, pero nagising ka na. So, kakain muna tayo sa cafeteria at pagkatapos ay iuuwi na kita pero babalik ako rito para tapusin ang trabaho ko." Tumango na lamang ako ng tipid sa sagot niya.

"Mukhang hirap ka na sa pagbubuhat sa akin ah. Mabigat na ba ako o dulot lang 'yan ng pagtanda mo?"

"Tss. Sinong nagsabi na hirap na ako? Ang gaan-gaan mo kaya. Isa pa, matagal ko ng hindi nagagawa ito sa'yo, kaya naman kahit na mataas ang tingin ng lahat sa akin ay pinasan ko ang tulad mong mukhang butiking naligaw lang sa building namin," depensa niya. Ipinulupot ko ang aking braso sa leeg niya at sinakal ito kaya naman panay ang pag-ubo niya.

"Sinong butiki ha? At saka dapat lang na 'wag mo akong ikahiya, dahil sa pagmumukha kong 'to, hindi ka mapapahiya." Binitawan ko na siya at dumausdos na pababa sa likuran niya ang katawan ko. Inayos ko na ang damit kong nalukot, habang si Alf naman ay hinahabol ang kaniyang paghinga.

"Imbes na magpasalamat ka ay sinakal mo pa ako. Wala ka talagang utang na loob," singhal niya sa akin habang hinahaplos ang kaniyang leeg.

"Miss Molly!"

Kapwa kami napatingin ni Alf sa nagsalita at nakita ang lalaki na nag-interview sa akin kanina. Hinarap ako nito pero dumistansya siya, distansya na sigurado siyang hindi ko siya maaabot para saktan.

"Pasok ka na sa trabaho, congratulations," pamamalita nito na ikinangiti ko at napatingin kay Alf, subalit nakita ko itong nakataas ang kilay habang nakatingin sa lalaki.

"Teka, bakit hindi ka nakipagkamay sa kaniya?" saad ni Alf na nginiwian ng lalaki.

"Ayos lang," sagot ko habang nakangiti. Paniguradong takot 'yan sa akin sa salitang binitawan ko kanina, pero hangal siya dahil naniwala siyang mapapatay ko ang gaya niya. Kung sabagay, kaya ko namang gawin iyon, pero good mood ako ngayon, 'wag niya lang akong bwisitin habang nagtatrabaho.

"Kung ganu'n ay magiging secretary ko na siya?" sunod na tanong ni Alf at nakahinga ng maluwag sabay nakipagkamay sa akin. "Sa wakas! May matino ka ng trabaho. Pero mukhang wrong choice ang nagawa ko," aniya sa nanghihinang boses kaya naman sinipa ko ang kaniyang tuhod.

"Ahm, Sir Sebastian, hindi po siya magiging secretary mo," nakangiwing sambit ng lalaki kaya natigilan agad si Alf at tinignan ang lalaki.

"Kung ganu'n ay anong trabaho ko?"

"Magiging secretary ka ng President."

Wait... what?

Kaugnay na kabanata

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 3: His Secretary

    MOLLY'S POVPumasok ako sa pintuan at agad na natanaw ang lalaking nakaharap namin kanina sa elevator. Nakatingin ito sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip kaya naman pinutol ko iyon sa pamamagitan ng pagtikhim, nagtagumpay naman ako na kunin ang atensyon niya. Naglakad ako palapit sa kaniya hanggang sa magkaharap na kaming dalawa. "Good morning, Sir. I'm Molly Cabrera," bati at pagpapakilala ko sabay nginitian siya pero nakatingin lang ito sa akin. "Have a seat." Naupo naman ako gaya ng sinabi nito. Nakatingin lang kami sa isa't isa at pinapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Alam kong may gusto siyang sabihin pero mukhang nagdadalawang isip pa siya. "Emm...." panimula ito at tumikhim sabay huminga ng malalim. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na magsisimula na ang trabaho mo sa araw na'to. Bawat oras na tatawagin kita ay kailangang naroon ka agad, mapa-rito man sa gusaling ito, o sa labas, maging sa bahay at condo ko. Hawak ko ang buong oras mo." Hindi ako umimik sa sin

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • Molly the Sociopath   CHAPTER 4: Dinner Date

    MOLLY'S POV"...if that's all, you may go now."Napatingin ako sa suot kong wristwatch at nanlumo nang makitang 7 pm na pero narito pa rin ako at kasama ang lalaking ito, si Linus. Ang plano ko lang naman ngayon ay mag-apply ng trabaho pero ngayon ay may trabaho na ako at napakabigat pa na trabaho 'to."Kanina ko pa napapansing panay ang pagtingin mo sa oras," usal ni Linus habang naglalakad kami sa mahabang hallway. Sobrang tahimik na ng paligid at mukhang wala na ni isang empleyado, pero nakabukas naman ang mga ilaw. "May naghihintay sa akin sa bahay. Isa pa ay masyado itong biglaan, Sir," sagot ko na punong-puno ng pag-aala at napatingin muli sa wristwatch ko. Kumusta na kaya si Seaweed? Kaunti lang ang inilabas kong pagkain niya, paniguradong gutom na siya."Sino?"Natigil ako sa paglalakad at napatingin kay Linus na ikinataas naman ng kilay nito. "Sir, bakit mo naman kailangang tanungin kung sino iyon? Labas ka na sa personal kong buhay." Agaran akong natigil sa pagsasalita nang

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • Molly the Sociopath   CHAPTER 5: Mad

    MOLLY'S POVLumabas ako ng kwarto na katatapos lang maligo at handa na para mag-agahan. Namataan ko si Alyse na nasa ibaba at nakapameywang na nakaharap kay Alf. "Good morning, Alyse," bati ko rito habang pababa ako ng hagdan. Nilingon niya naman ako at dali-daling naglakad palapit sa akin sabay hinalikan ang aking pisngi."Good morning din. Sorry but I have to go," nagmamadali nitong pamamaalam at kinuha ang kaniyang itim na coat na nakapatong sa upuan. "Oh." Hinarap ulit ako ni Alyse. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, napakatigas ng ulo at hindi makaintindi. Babawi naman ako," aniya. Tumango na lang ako at pinanood siyang dali-daling naglakad palabas ng bahay. Napatingin naman ako sa direksyon ni Alf at nadatnan itong hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa pagkaing nakahanda sa mesa. Halatang pinaghandaan niya ito pero hindi man lang kumain si Alyse. Hindi pa ba siya nasanay? Madalas namang nangyayari 'to pero lagi pa rin siyang naghahanda at pagkatapos ay disappointed kalau

    Huling Na-update : 2024-01-25
  • Molly the Sociopath   CHAPTER 6: Second Kiss

    MOLLY'S POV"Shit!"Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong tasa matapos mapaso ang aking daliri. Sa kanan kong kamay ay hawak-hawak ko itong tasa, sa kabilang kamay naman ay naroon ang bundok-bundok na papeles at may nakaipit pa sa kilikili ko na mga folders. Hindi lang iyon dahil may nakasabit pang supot sa bibig ko na may lamang mga pagkain. Nagmumukha na akong christmas tree na napapalamutian ng kung ano-ano. Ito ang unang beses na nagmumukha akong katawa-tawa, and I never thought na ganito ang trabaho ng mga secretary, or masyado lang abusado ang boss ko?Sinipa ko ang pintuan ng opisina ni Linus upang bumukas ito at pumasok na ako sa loob. Dali-dali kong inilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa, maging ang supot na nakabitin sa bibig ko ay ibinaba ko na rin, may naiwan pang laway doon pero ayos lang. Wala naman akong nakahahawang sakit, and I guess hindi naman nakakahawa ang pagiging sociopath."Sir, nandito na po 'yung papeles at pagkain na pinapakuha mo," hayag ko ngunit natigila

    Huling Na-update : 2024-01-31
  • Molly the Sociopath   CHAPTER 7: Junk Shop

    MOLLY'S POVSumilip ako sa loob ng junkshop upang tignan kung naroon ang matandang lalaki, pero mukha namang walang tao sa loob. Hindi ako nakuntento at naglakad papasok doon. "Nasaan na ba ang basurerong iyon?" tanong ko sa aking sarili habang inilibot ang aking paningin sa paligid pero natigilan ako nang may makasalubong akong isang babaeng mukhang nasa singkwenta na ang edad pero malinis at galante ang kaniyang pangangatawan. Pang-mayaman lahat ng nasa katawan nito kaya naman agad akong nagtaka.Dinaanan niya lang ako at umalis na sa lugar na iyon."Hija." Napatingin ako sa nagsalita at nakita na basurero kaya naman naglakad ako palapit sa kaniyang kinaroroonan at iniabot ang isang bag na puno ng pagkain."Nagluto ng marami si Alf pero hindi ulit kumain si Alyse kaya naman sinabi niyang dalhin ko ito sa'yo," hayag ko at natigilan nang bigla na lang tumalon palabas sa bag ko si Seaweed at nagtatatakbo ito sa paligid."Sandali, tigre ba 'yun?" gulat na tanong ng matanda na tinangua

    Huling Na-update : 2024-01-31
  • Molly the Sociopath   CHAPTER 8: From secretary, to katulong, to nurse... to instant lover?

    MOLLY'S POVNapatingin ako sa aking wristwatch at napansing 10 AM na pero wala pa rin ang magaling kong boss. Ni anino niya ay hindi ko pa nahahagilap, partida 9 AM pa ako pumasok dahil na-late ako ng gising. Hindi man lang ako ginising ni Alf pero sabi niya naman ay eksaktong 5 AM siya umalis dahil marami siyang aasikasuhin sa table niya't gaya ni Linus ay may mga deadline siya.Matapos na magsumbatan kahapon si Linus at Alf ay napilitang umuwi mag-isa ang magaling kong boss, pero ang kapalit nu'n ay babalik na ako sa trabaho ko bilang secretary niya. Pumayag na lang ako para naman matigil na sila sa kakadakdak dahil sobrang sakit na nila sa tainga— kaya naman heto ako ngayon at nasa opisina, kinakamote na sa sobrang tagal kakahintay. Isang buong oras na pero wala pa siya. May kumatok mula sa pinto kaya naman napatingin ako roon at nakita ang bwisit na babaeng si Hazel. Binati namin ang isa't isa sa pamamagitan ng pag-irap. Mabuti na lang at the feeling is mutual sa aming dalawa."S

    Huling Na-update : 2024-02-01
  • Molly the Sociopath   CHAPTER 9: A crazy date with Alf

    MOLLY'S POV"Molly, how's your work?" Tumingin ako kay Alyse na sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabay sa agahan namin ni Alf, syempre sasabay siya dahil sabado naman— walang trabaho, pero minsan kahit na sabado or linggo ay wala siya sa hapagkainan."She's in love," tugon ni Alf at siniko-siko ako habang sinamaan ko naman siya ng tingin. "Not alright," sagot ko naman na pareho ikinatigil ng mag-asawa."Bakit? May ginawa ba sa'yo ang gunggong na 'yun? Uupakan ko na ba?" Umiling ako sa sinabi ni Alf at nangalumbaba sa mesa sabay ngumuso. "I was too kind this week," hayag ko na agarang ikinaubo ni Alf. Kinuha nito ang kaniyang baso at uminom sa tubig, matapos ay tinignan niya ako. What the hell is that reaction? Tss."Kind? Yeah, maybe you're right, but for normal people, we still don't count that as kindness. Also, I heard that you choke Hazel until she lose her breath. Luckily she's still alive but she's mad. I'm sure she'll do something bad to you so you should take care not to

    Huling Na-update : 2024-02-02
  • Molly the Sociopath   CHAPTER 10: Meeting the Hudson Family

    MOLLY'S POVHuminto ang kotse ni Alf sa tapat ng napakalaking bahay, ah mali— isa itong mansion. Pinagbuksan kami ng pinto ng mga guard kaya naman lumabas na kaming dalawa sa loob ng kotse at harap-harapan ko nang napagmasdan kung gaano kaganda ang bahay na ito."Molly," pagtatawag sa akin ni Alf kaya naman nilapitan ko siya at kumapit na sa kaniyang braso na nakalahad sa aking harapan. Naglakad kami papasok ng bahay at sinalubong kami ng mga maids, mapababae man o lalaki, maging ng mga gwardiya. Dire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto at doon lang napagtantong nasa dining room kami. Mas malawak pa ang dining room nila kung ikukumpara sa pinagsamang kwarto ko, at ni Alf at Alysse. Sa gitna ay may mahabang mesa na napaliligiran ng mga silya na ang iba ay okupado na. Hinila ako ni Alf at ipinaghila ng upuan kaya naman naupo ako roon habang siya naman ay naupo sa tabi ko. Sa gilid ko ay si Alf at sa tabi nito ay ang panggitnang upuan na. Napatingi

    Huling Na-update : 2024-02-03

Pinakabagong kabanata

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 23: Hiking in Hell

    Molly's POV"Huwag mo masyadong bilisan," sita sa akin ni Linus na mahigpit na nakakapit sa seatbelt niya, pero mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. "Oh, I forgot," usal ko at sinulyapan siya. "You'll pay if we'll got caught by police, right?" "What do you mean?" taka niya namang tanong. "Well, I don't have a license and I only learn how to drive by watching Alf. Also, I don't know how to stop this so... brace yourself. We'll hit a tree.""What the fuck—"Binilisan ko pa ang pagmamaneho habang panay ang pagtuturo sa akin ni Linus kung paano iyon pahintuin. Ngumisi na lamang ako hanggang nga sa huminto na ang sasakyan. Naghahabol ng hininga si Linus na itinakip ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang mukha. Then nakabawi na ako ng kaunti sa mga pambubwisit niya. Lumabas na ako sa sasakyan at naglakad patungo sa harapan. We're here, ang dating kinatitirikan ng mental facility.Pinagmasdan ko ang kabuoan nito at wala na akong ibang makita kundi ang nangingitim na lupa. Wala na

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 22: A Date With A Devil

    MOLLY'S POV"Hindi ka pa ba uuwi?"Tumayo ng maayos si Linus at hinarap ako. Kumurap-kurap pa ito at tumikhim, mukhang malalim ang iniisip niya simula nang dumating ako. "I need to take care about the construction of the mental facility. I need to make sure that they'll start it without any problems," tugon niya na ikinatango-tango ko. 'Yan na naman ang sagot niya sa akin sa bawat araw at halos isang linggo niya na iyang isinasagot. Dibale at nakapagpaalam na ako kay Alf na hindi siya matutulungan sa pagprepare ng engagement party at naiintindihan niya naman ang posisyon ko, gusto niya nga ring bumisita rito kaso wala siyang oras. Oh speaking..."Bukas na pala ang engagement mo."Natigilan si Linus sa sinabi ko."Bukas na?" gulat niyang wika. Tumango ako at iniangat ang cellphone ko kung saan inschedule ko talaga at tinext din ako ni Alf. Napatingin naman siya roon at ngumiwi. "Umuwi ka na para ihanda ang sarili mo bukas," hayag ko at ibinulsa na ang aking phone na ikinanguso nama

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 21: A night with him

    MOLLY'S POVInis na lamang akong nakatitig sa kisame. Gusto ko nang pumikit at magpahinga pero... paano ko magagawang pumikit kung sa kabilang kama ay nakatagilid ng higa si Linus na nakaharap sa aking pwesto. Kanina pa ito nakatingin sa akin.Kung bakit ba naman kasi pumayag ang mga nurse sa suggestion niya na matutulog sa kabilang kama ng tinutulugan ko nang masigurong hindi na ako tatakas. Those damn traitors. "Just how long are you gonna stare at my body, you punk?" singhal ko at sinulyapan na si Linus. "And just how long are you gonna keep your guard when you're with me? Just sleep already, aren't you tired and sick?" patanong nitong sagot sa akin kaya mas lalo lang akong nainis. "I'll appreciate it a lot if you'll leave me alone. Who knows what can a maniac like you can do."Natawa naman ng mahina si Linus dahil sa sinabi ko at mabilis na naupo mula sa kaniyang pagkakahiga. "I'm amaze. No one talk to me like that. All my life I've been hearing a lot of compliments in my envi

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 20: Taking Care of Molly

    Molly's POVInis kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang kahon na hawak ko. That damn Lolan, inutusan niya ang isang pulis para ibalik sa akin ang kahon na natanggap ko na naglalaman ang aking mga larawan. Susunugin ko na lang 'to. Binuhat ko na muli ang kahon at naglakad palabas ng church. Sa likod ko na lang 'to susunugin pero nang makasalubong ko ang pari ay nagtanong ito kung anong gagawin ko sa hawak ko. Nang malamang susunugin ko iyon ay pinagbawalan niya ako dahil daw baka magaya ang church sa sinapit ng orphanage namin.E kung siya kaya ang sunugin ko?Pero wala na akong nagawa. Isinuhesyon nito na itapon ko na lang sa labas dahil may maghahakot naman ng basura ngayon. So yeah, wala akong nagawa kundi tumungo na lang sa labas para ibasura iyon. Pero bago ko pa man marating ang gate para itapon ang karton ay nahulog ito sa lupa't nagkalat dahil may bumangga sa aking katawan na naging dahilan upang mabitawan ko iyon. Damn. Why does everyone is pissing me off! For hell's sake! I h

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 19: Creator of the Unknown Medicine

    Molly's POVNakaupo lang ako sa isang silya habang pinapakiramdaman ang Mayor at si Nurse Scarlet na kasabay kong kumakain. "This is the first time you're uncomfortable eating to this place with us," hayag ni Mayor at tinignan ako. "Nakadalawang subo ka pa lang.""I don't have appetite," tugon ko."Then why are you still here? You can take your leave," sagot ng Mayor kaya naman nagawi ang aking paningin kay Nurse Scarlet ngunit hindi man lang ito nag-angat ng mukha."I'm waiting for Nurse Scarlet. I want to talk to her, ng kami lang."Hindi naman nakaimik ang Mayor pero napatingin din ito sa direksyon ni Nurse Scarlet, hanggang sa tumayo na si Nurse Scarlet at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi."Then, excuse us. Molly, come with me," anito at naglakad na paalis kaya naman tumayo na ako at sinundan siya. Pagkalabas namin ng dining area at dire-diretso pa rin siyang naglalakad hanggang sa makarating naman kami sa living room at naupo ito sa isang sofa. Nang kumportable na siya ay na

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 18: Mayor's House

    Molly's POV"I don't really understand what kind of demon you have."Napatingin ako sa aking tabi and there's Lolan na nakatutok ang mga mata sa harapan at nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Buong gabi hanggang sa magdamag ay magkasama kami. Hila-hila niya ako mula sa pagdala sa hospital ng mga pulis na binaril ng mga utusan ng Mayor, dinala niya rin ako sa presinto lalo na sa interrogation room. Pinilit niya akong sabihin lahat ng alam ko, though ang sinabi ko lang sa kaniya ay ang dapat niyang malaman. "The demon I have?" anas ko at mahinang natawa. "I'm the demon myself."Natawa naman si Lolan pero kalauna'y sumeryoso na. "By the way, I'll send to you the details about the medicine you gave to me. It'll take time but don't worry, I won't keep it myself," saad nito na tinanguan ko lang at hindi na umimik. Sa police station ay ibinigay ko ang bote ng gamot na nakuha ko at itinago sa bulsa. Paiimbestigahan daw iyon ni Lolan sa kadahilanang maaaring iyon ang hinahanap ng mga tauhan ni

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 17: Investigation

    Molly's POV Paalis na sana ako nang mapansin ko ang isang batang babae na nakaupo sa gilid habang nakatingala at nakabuka ang kaniyang bibig. Napatingin na muna ako sa paligid at nang mapansing walang nurse ay nilapitan ko ito at maingat na isinarado ang kaniyang bibig. "Gabi na. Hindi ba dapat ay natutulog ka na?" pangangaral ko rito at inayos sa pagkakasuot ang jacket nito. "Ate Molly," saad naman nito pero hindi niya ako tinapunan ng tingin. Umangat ang kamay nito at itinuro ang harapan kaya napatingin ako roon. "Why did they let our home to get burn if Father always says that they are the one who's guiding us?"Napatingin ako sa itinuturo nito at nakita ang malalaking rebulto ng mga anghel. Suminghap naman ako at ibinalik ang paningin sa bata. "What do you mean? They can't even move their bodies then how come they can stop the fire?" tangi kong tugon na naging dahilan upang mapatingin sa akin ang bata. "You're stupid."Inis akong ngumiti at binatukan siya na naging dahilan ng

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 16: Arson

    MOLLY'S POVPagkarating sa mental facility ay agad na tumambad sa akin ang gusali na nangitim na dahil sa sunog. Halos lahat ng pader ay wala na, ilang poste at bubong na lang ang natira, hindi na'to pwedeng gamitin pa. Kasalukuyan namang tumutuloy ang mga nurse, doctors, at iba pang staff maging ang mga pasyente sa simbahan, pero pahirapan dahil sa siksikan at walang kwarto kaya pakalat-kalat at hindi mabantayan ng mga nurses ang mga pasyente. They really need my help here."Sige na, kumain ka na." Itinutok ko ang kustara sa bibig ng isang batang lalaki na isa sa mga pasyente, pero nakatulala lang ito habang yakap-yakap ang teddy bear niya. Bumuntong-hininga ako at hindi na muling ipinagpilitan. Kung ayaw niya edi 'wag, hindi naman ako ang mamamatay sa gutom."Molly." Umalis na ako mula sa pagkakaupo ko sa ibabaw ng kama ng bata at nilapitan ang nurse na tumawag sa akin. Agad din akong napatingin sa katabi niyang pulis at tumango."Siya po si Molly," pagpapakilala sa akin ng nurse

  • Molly the Sociopath   CHAPTER 15: His Lap

    Molly's POV"Fine, you'll have her today but she'll work with me tomorrow and so on."Malalim akong bumuntong-hininga dahil naririnig ko pa rin ang mga katagang binitawan ni Alf para lang matapos na ang usapan nila ni Linus. Para silang mga batang nag-aagawan ng laruan at nagkakasundo ng may oras-oras pa, ni hindi man lang nila ako pinagdesisyon. They're both jerks. "What are you thinking?" tanong ni Linus kaya naman nag-angat ako ng mukha at umiling. "Don't tell me it's noting. Ang lalim ng iniisip mo. Ni hindi mo pa nga napansin na tapos na ang meeting."Napatingin ako sa paligid at napasinghap nang mapagtantong kami na lang dalawa sa loob, e parang kanina lang nandito pa ang lahat at may nagpe-present sa harapan. Hell, I think my brain was malfunctioning. It can't work as normal because of bullshits that has been happening around me. These aren't normal for me. I'm new to all of this. "My mind was just slowly processing all of this," pagrarason ko at nasapo ang aking noo. "And I'

DMCA.com Protection Status