MOLLY'S POV
Pumasok ako sa pintuan at agad na natanaw ang lalaking nakaharap namin kanina sa elevator. Nakatingin ito sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip kaya naman pinutol ko iyon sa pamamagitan ng pagtikhim, nagtagumpay naman ako na kunin ang atensyon niya. Naglakad ako palapit sa kaniya hanggang sa magkaharap na kaming dalawa."Good morning, Sir. I'm Molly Cabrera," bati at pagpapakilala ko sabay nginitian siya pero nakatingin lang ito sa akin."Have a seat."Naupo naman ako gaya ng sinabi nito. Nakatingin lang kami sa isa't isa at pinapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Alam kong may gusto siyang sabihin pero mukhang nagdadalawang isip pa siya."Emm...." panimula ito at tumikhim sabay huminga ng malalim. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na magsisimula na ang trabaho mo sa araw na'to. Bawat oras na tatawagin kita ay kailangang naroon ka agad, mapa-rito man sa gusaling ito, o sa labas, maging sa bahay at condo ko. Hawak ko ang buong oras mo."Hindi ako umimik sa sinabi niya, dahilan para kumunot ang kaniyang noo."Are you listening?""Yes, I'm just not paying attention," diretsahan kong sagot na ikinasinghap niya.Unang misyon ay painitin ang ulo ng boss ko para mapatalsik agad ako sa trabaho at mananatili na lang sa bahay para alagaan si Seaweed. Wala rin naman sigurong kaso iyon kay Alf dahil bago ako pumunta rito ay tinignan niya ako na parang gusto niyang may gawin akong masama para matanggal agad. Kaya naman ako nag-apply dito ay para maging secretary niya, hindi ang maging secretary ng kaniyang stepbrother. Hindi 'to kasama sa plano."Sandali nga, hindi mo ba ako naaalala?"Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng lalaki. "Nagkita na ba tayo noon? Isa ka ba sa mga mangungutang na naghahabol sa akin noon na hindi ko pinautangan at ngayo'y mayaman kana kaya maghihiganti ka?" saad ko na inilingan niya. Nagamit ko rin sa wakas ang linyahan sa teleserye na napanood ko. Muli naman akong pinagmasdan ng lalaki hanggang sa sumeryoso ang kaniyang mukha."You're not good at lying.""Liars go to hell, ika nga," tugon ko naman sa kalmadong boses kaya naman tumaas ang gilid ng labi nito."Kung ganu'n ay naaalala mo ako?" ani pa nito."Of course, pero hindi ba't ikaw ang nagsabi na kalimutan ko na ang nangyari sa lugar na 'yon at mananatiling naroon ang mga ala-ala ko. Mukhang hindi mo pinangaralan ang sarili mo bago umalis sa kakahuyang iyon."Natahimik kaming dalawa hanggang sa maputol iyon sa pagpasok ng isang babae. Medyo may katangkaran ito at sa paglalakad palang ay halatang maarte na. Mahaba ang itim nitong buhok, drawing lang ang mapagmataas niyang kilay, may mapulang labi na mukhang ipinahid lahat ng lipstick doon upang magkakulay, makinis ang makapal niyang pagmumukha, masarap basagin ang matangos nitong ilong, ang dibdib niyang umaalog-alog sa bawat paghakbang niya, maputing kutis, masyadong sexy ang suot niyang damit, at pabango niyang naaamoy sa bawat sulok ng kwarto na mas malala pa sa polusyon. Kung isa-summary ang lahat, mukha siyang isang malandi."Linus, oras na ng break time. Sabay na tayong kumain sa cafeteria, wala akong kasama," anito sa malanding boses.Napalunok na lang ako sa pandidiri sa babaeng ito. Malayong-malayo ang hitsura ko sa kaniya at malayo pa ang lalakbayin niya para mahabol ako. Kahit na isalpak niya sa pagmumukha niya ang mga makeup at kung ano-ano pang pampaganda ay wala siyang binatbat sa akin, duh."Hazel, nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap ko sa secretary ko kaya pwede bang umalis ka na at kumain muna mag-isa? Or makisabay ka na lang sa ibang empleyado sa labas," sagot ng lalaki kaya naman napatingin sa akin ang babaeng puta. Pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa sabay ngumiwi."You're such a freak," rinig kong bulalas nito sa mahinang boses at ibinalik ang tingin sa lalaki. "Hayaan mo na siya. Mas mabuting kumain ka muna para magkalaman ang tiyan mo," paanyaya nito at sapilitang hinila ang braso ng lalaki. Agaran naman akong tumayo at hinawakan ang kabilang kamay ng lalaki kaya nahinto ang dalawa at napatingin sa akin."Let him go," sambit ng babae. Hindi ako nagsalita at hindi rin binitawan ang kamay nito. "I said let him go!" iritable nitong sigaw sa akin kaya naman malakas kong hinila ang lalaki dahilan upang mapalapit silang dalawa sa akin. Tinabig ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ng lalaki kaya naman bumagsak siya sa sahig."How dare you!""You talk so much shit. I don't know whether to offer you... a breath mint or a toilet paper?" pahayag ko dahilan para mapasinghap siya sa sobrang kahihiyan. Tumayo ito mula sa kaniyang pagkakabagsak sa sahig at inayos ang kaniyang sarili. Inirapan niya ako sabay naglakad palabas ng walang sinasabing salita. If she can make her look like a bitch, them I have the attitude of it.Natahimik ang apat na sulok ng kwarto hanggang sa magvibrate ang phone ko kaya naman inilabas ko iyon at nakitang nagtext si Alf at pinapapunta ako sa opisina niya."Aalis muna ako," pamamaalam ko at binitawan na ang kamay ng lalaking hawak-hawak ko sabay naglakad na rin palabas ng kaniyang opisina. Tinungo ko ang opisina ni Alf at nadatnan itong naghahanda ng pagkain sa mesa kaya naman agaran akong naupo sa sofa."Ano, kumusta naman?" Inabutan niya ako ng burger na agaran kong tinanggap at kinagatan."Same answer." Inabot ko naman ang juice upang uminom doon, maging si Alf ay sinabayan na rin ako sa pagkain."Really? So bakit ganiyan ang hitsura mo? Molly, alam ko kung nagkaproblema ka lalo na kung napa-away ka. So tell me, sinapak mo ba siya?"Umiling ako. "I just met a bitch in his office. 'Yun ang kamuntikan ko nang mapadugo ang mukha. Hindi ko masyadong nakausap ang boss mo dahil umepal siya. Tawagin ba naman akong freak, natumba tuloy siya sa sahig," pagkukwento ko at sinimulang sumubo ng rice."Hmm? You mean si Hazel?" Tumango ako dahil 'yun ang narinig kong pangalan kanina. "Ah. I guess umepal na naman siya para ayain si Linus para mag-lunch. Ugali niya na 'yun kahit nasa kalagitnaan ng meeting si Linus ay binubulabog siya ni Hazel.""Sino ba 'yun?""Pinsan namin. Kung sineryoso niya lang ang pag-agaw sa amin ni Linus itong kumpanya, I guess 'yung tatay niya na sana ang Chairman. Pero inuto siya ng Mommy ni Linus, kaya wala siyang pakinabang sa tatay niya." Napatango na lang ako sa pagkukwento nito. "By the way, gusto kong mawala sa landas ko si Linus pero 'wag mo siyang papatayin," aniya habang puno ng pagkain ang kaniyang bibig."Bakit hindi?""Siya lang ang taong katapat ko. Kapag namatay siya ay hindi ko na alam kung saan hahanap ng taong makakapantay sa akin at hindi na ako mahihirapan sa buhay."Tumango-tango na lang ako at hindi na nagsalita, hindi ko maintindihan ang rason niya pero hindi ko na kailangang intindihin pa iyon, hindi ko na problema 'yun. "Ah nga pala, nakalimutan kong sabihin sa'yo na nagkita na kami ng stepbrother mo sa kakahuyan. Noong araw na nakita ko si Seaweed, noong pauwi na ako rito, pero hindi niya alam na may inuwi akong tigre," pagkukwento ko kay Alf.Natigilan si Alf at mariing napalunok. "Kaya ba mukha siyang gulat na gulat kanina?" Nagkibit-balikat lang ako sa katanungan niya. "Ano pang nangyari?"Bumagal ako sa pagnguya at uminom ng juice na dala niya upang walang naging sabagal sa pagsasalita ko. "May narinig kasi akong mga kaluskos kaya nilapitan ko at may malaki akong tigreng nakita, pagkatapos ay may bumaril doon. I think, 'yung mga tauhan din ni Mayor Ricky ang bumaril, para lang magalusan at makuha nila. Then nakita ko ang stepbrother mo, itinago niya ako habang may mga lalaki namang kumuha sa tigre para ibalik sa bahay ni Mayor, then nakita ko na si Seaweed.""Pagkatapos?" sunod na tanong ni Alf na mukhang tutok na tutok sa kwento ko kahit na in the first place, ay hindi naman importante ang mga iyon."Tapos, hinalikan niya ako."Nabilaukan ito sa sinabi ko kaya naman pinaghahampas ko ang kaniyang likuran at inabutan siya ng maiinom. "A-anong sabi mo? Hinalikan ka ng mokong na 'yun?""Yup. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil maganda ako? Mukhang napagkamalan niya akong diwata sa kagubatan."Mas lalo itong naubo sa sinabi ko."Molly, tama ka na. Kung may nagsabi man sa'yo na mukha kang diwata, diwatang puta lang ang abot mo. Ang punto rito ay bakit bigla-bigla na lang siyang nanhahalik ng babaeng hindi niya pa kilala? May posibilidad na maging rapist din siya gaya ng Chairman. Kaya ikaw, mag-iingat ka at baka ikaw ang unang mabiktima," lintana nito at kinutusan pa ako kaya naman napangiwi na lamang ako."Mas mabuti naman 'yun kaysa gawin mong apartment ng anak mo ang matres ko," hayag ko na ikinatigil nito at kinunotan ako ng noo."Sinasabi mo ba na mas papatulan mo pa siya kaysa sa akin?" singhal ni Alf."Oo. At least hindi ako magmumukhang kabit kapag nasa tabi niya ako, hindi tulad sa'yo," sagot ko naman."Edi hihiwalayan ko si Alyse. Magfa-file ako ng divorce paper.""Ayoko. 'Yung labi mo ay pinagsawaan niya na at wala akong alam kung virgin ka pa o hindi. Mamaya may HIV ka pa.""H-hoy babae, grabe ka magsalita. Para mo namang sinabi na na-gang-rape ako ng mga babae.""Ikaw naman ang nag-iisip niyan. At saka anong malay ko? Lalaki ka at rapist ang tatay mo.""At talaga namang..." Huminto ito at halos mangiyak-ngiyak na sa mga sinabi ko sa kaniya kaya naman tumawa ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. He's really cute when he's being childish."Para ka namang bata, at hindi pa rin nawawala ang ugali mong pag-iyak kapag natatalo ka sa sumbatan," sambit ko na sininghutan nito. Now he's being dramatic."Hindi naman kasi ako katulad niya. Alam mo 'yun, diba?"Tumango-tango ako at hinalikan ang kaniyang noo. I don't know, pero ito lang ang alam kong paraan para mapatahan ang damulag na gaya niya. "Hindi ka katulad niya, Alf. At ipinagmamalaki kita dahil hindi ka naging katulad niya. Kaya 'wag ka ng iiyak, okay? Nagmumukha kang mahina dahil isang cute na gaya ko ang nagpapaiyak sa'yo," lintana ko pa. Panay lang ang pagpapaawa effect ni Alf kaya naman mariin kong pinisil ang kaniyang pisngi na ikinahiyaw nito. E sa nanggigigil ako.Nagpatuloy na kami sa pag-ubos ng pagkain hanggang sa magsimula na naman kaming mag-asaran— syempre natalo ulit siya.MOLLY'S POV"...if that's all, you may go now."Napatingin ako sa suot kong wristwatch at nanlumo nang makitang 7 pm na pero narito pa rin ako at kasama ang lalaking ito, si Linus. Ang plano ko lang naman ngayon ay mag-apply ng trabaho pero ngayon ay may trabaho na ako at napakabigat pa na trabaho 'to."Kanina ko pa napapansing panay ang pagtingin mo sa oras," usal ni Linus habang naglalakad kami sa mahabang hallway. Sobrang tahimik na ng paligid at mukhang wala na ni isang empleyado, pero nakabukas naman ang mga ilaw. "May naghihintay sa akin sa bahay. Isa pa ay masyado itong biglaan, Sir," sagot ko na punong-puno ng pag-aala at napatingin muli sa wristwatch ko. Kumusta na kaya si Seaweed? Kaunti lang ang inilabas kong pagkain niya, paniguradong gutom na siya."Sino?"Natigil ako sa paglalakad at napatingin kay Linus na ikinataas naman ng kilay nito. "Sir, bakit mo naman kailangang tanungin kung sino iyon? Labas ka na sa personal kong buhay." Agaran akong natigil sa pagsasalita nang
MOLLY'S POVLumabas ako ng kwarto na katatapos lang maligo at handa na para mag-agahan. Namataan ko si Alyse na nasa ibaba at nakapameywang na nakaharap kay Alf. "Good morning, Alyse," bati ko rito habang pababa ako ng hagdan. Nilingon niya naman ako at dali-daling naglakad palapit sa akin sabay hinalikan ang aking pisngi."Good morning din. Sorry but I have to go," nagmamadali nitong pamamaalam at kinuha ang kaniyang itim na coat na nakapatong sa upuan. "Oh." Hinarap ulit ako ni Alyse. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, napakatigas ng ulo at hindi makaintindi. Babawi naman ako," aniya. Tumango na lang ako at pinanood siyang dali-daling naglakad palabas ng bahay. Napatingin naman ako sa direksyon ni Alf at nadatnan itong hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa pagkaing nakahanda sa mesa. Halatang pinaghandaan niya ito pero hindi man lang kumain si Alyse. Hindi pa ba siya nasanay? Madalas namang nangyayari 'to pero lagi pa rin siyang naghahanda at pagkatapos ay disappointed kalau
MOLLY'S POV"Shit!"Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong tasa matapos mapaso ang aking daliri. Sa kanan kong kamay ay hawak-hawak ko itong tasa, sa kabilang kamay naman ay naroon ang bundok-bundok na papeles at may nakaipit pa sa kilikili ko na mga folders. Hindi lang iyon dahil may nakasabit pang supot sa bibig ko na may lamang mga pagkain. Nagmumukha na akong christmas tree na napapalamutian ng kung ano-ano. Ito ang unang beses na nagmumukha akong katawa-tawa, and I never thought na ganito ang trabaho ng mga secretary, or masyado lang abusado ang boss ko?Sinipa ko ang pintuan ng opisina ni Linus upang bumukas ito at pumasok na ako sa loob. Dali-dali kong inilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa, maging ang supot na nakabitin sa bibig ko ay ibinaba ko na rin, may naiwan pang laway doon pero ayos lang. Wala naman akong nakahahawang sakit, and I guess hindi naman nakakahawa ang pagiging sociopath."Sir, nandito na po 'yung papeles at pagkain na pinapakuha mo," hayag ko ngunit natigila
MOLLY'S POVSumilip ako sa loob ng junkshop upang tignan kung naroon ang matandang lalaki, pero mukha namang walang tao sa loob. Hindi ako nakuntento at naglakad papasok doon. "Nasaan na ba ang basurerong iyon?" tanong ko sa aking sarili habang inilibot ang aking paningin sa paligid pero natigilan ako nang may makasalubong akong isang babaeng mukhang nasa singkwenta na ang edad pero malinis at galante ang kaniyang pangangatawan. Pang-mayaman lahat ng nasa katawan nito kaya naman agad akong nagtaka.Dinaanan niya lang ako at umalis na sa lugar na iyon."Hija." Napatingin ako sa nagsalita at nakita na basurero kaya naman naglakad ako palapit sa kaniyang kinaroroonan at iniabot ang isang bag na puno ng pagkain."Nagluto ng marami si Alf pero hindi ulit kumain si Alyse kaya naman sinabi niyang dalhin ko ito sa'yo," hayag ko at natigilan nang bigla na lang tumalon palabas sa bag ko si Seaweed at nagtatatakbo ito sa paligid."Sandali, tigre ba 'yun?" gulat na tanong ng matanda na tinangua
MOLLY'S POVNapatingin ako sa aking wristwatch at napansing 10 AM na pero wala pa rin ang magaling kong boss. Ni anino niya ay hindi ko pa nahahagilap, partida 9 AM pa ako pumasok dahil na-late ako ng gising. Hindi man lang ako ginising ni Alf pero sabi niya naman ay eksaktong 5 AM siya umalis dahil marami siyang aasikasuhin sa table niya't gaya ni Linus ay may mga deadline siya.Matapos na magsumbatan kahapon si Linus at Alf ay napilitang umuwi mag-isa ang magaling kong boss, pero ang kapalit nu'n ay babalik na ako sa trabaho ko bilang secretary niya. Pumayag na lang ako para naman matigil na sila sa kakadakdak dahil sobrang sakit na nila sa tainga— kaya naman heto ako ngayon at nasa opisina, kinakamote na sa sobrang tagal kakahintay. Isang buong oras na pero wala pa siya. May kumatok mula sa pinto kaya naman napatingin ako roon at nakita ang bwisit na babaeng si Hazel. Binati namin ang isa't isa sa pamamagitan ng pag-irap. Mabuti na lang at the feeling is mutual sa aming dalawa."S
MOLLY'S POV"Molly, how's your work?" Tumingin ako kay Alyse na sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabay sa agahan namin ni Alf, syempre sasabay siya dahil sabado naman— walang trabaho, pero minsan kahit na sabado or linggo ay wala siya sa hapagkainan."She's in love," tugon ni Alf at siniko-siko ako habang sinamaan ko naman siya ng tingin. "Not alright," sagot ko naman na pareho ikinatigil ng mag-asawa."Bakit? May ginawa ba sa'yo ang gunggong na 'yun? Uupakan ko na ba?" Umiling ako sa sinabi ni Alf at nangalumbaba sa mesa sabay ngumuso. "I was too kind this week," hayag ko na agarang ikinaubo ni Alf. Kinuha nito ang kaniyang baso at uminom sa tubig, matapos ay tinignan niya ako. What the hell is that reaction? Tss."Kind? Yeah, maybe you're right, but for normal people, we still don't count that as kindness. Also, I heard that you choke Hazel until she lose her breath. Luckily she's still alive but she's mad. I'm sure she'll do something bad to you so you should take care not to
MOLLY'S POVHuminto ang kotse ni Alf sa tapat ng napakalaking bahay, ah mali— isa itong mansion. Pinagbuksan kami ng pinto ng mga guard kaya naman lumabas na kaming dalawa sa loob ng kotse at harap-harapan ko nang napagmasdan kung gaano kaganda ang bahay na ito."Molly," pagtatawag sa akin ni Alf kaya naman nilapitan ko siya at kumapit na sa kaniyang braso na nakalahad sa aking harapan. Naglakad kami papasok ng bahay at sinalubong kami ng mga maids, mapababae man o lalaki, maging ng mga gwardiya. Dire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto at doon lang napagtantong nasa dining room kami. Mas malawak pa ang dining room nila kung ikukumpara sa pinagsamang kwarto ko, at ni Alf at Alysse. Sa gitna ay may mahabang mesa na napaliligiran ng mga silya na ang iba ay okupado na. Hinila ako ni Alf at ipinaghila ng upuan kaya naman naupo ako roon habang siya naman ay naupo sa tabi ko. Sa gilid ko ay si Alf at sa tabi nito ay ang panggitnang upuan na. Napatingi
MOLLY'S POVTahimik na ng paligid. Mukhang tulog na ang lahat ng mga Hudson ngunit heto pa rin ako't gising na gising. Kung saan-saan na ang nilibot ko sa bahay na'to na sa sobrang lawak ay naubos ang dalawang oras ko kakasuri sa paligid. Napakaraming kwarto na ang ilan ay hindi ko nakita ang loob dahil nakalock, probably may natutulog o 'di kaya ay pasadyang nakalock. Sinalinan ng isang maid ang baso ko ng juice na tinanggap ko naman at uminom doon. Bukod sa akin ay may ilang maids at guards na gising pa. Base sa kanila ay sila ang pang night shift, which is hindi naman madalas mangyari na may night shift sila dahil mga weekends lang umuuwi ang mga Hudson sa mansion, maliban na lamang sa Chairman at asawa nitong nananatili rito. Gaya na lamang ni Linus, since medyo malayo mula rito ang pinagtatrabahuhan niya. At may ilan din na kagaya ni Alf na umuuwi lang kapag pinatawag. "May naranasan na ba kayo na may inuwing babae rito ang Chairman at sapilitang nakipag-s*x sa kanila?" untag k
Molly's POV"Huwag mo masyadong bilisan," sita sa akin ni Linus na mahigpit na nakakapit sa seatbelt niya, pero mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. "Oh, I forgot," usal ko at sinulyapan siya. "You'll pay if we'll got caught by police, right?" "What do you mean?" taka niya namang tanong. "Well, I don't have a license and I only learn how to drive by watching Alf. Also, I don't know how to stop this so... brace yourself. We'll hit a tree.""What the fuck—"Binilisan ko pa ang pagmamaneho habang panay ang pagtuturo sa akin ni Linus kung paano iyon pahintuin. Ngumisi na lamang ako hanggang nga sa huminto na ang sasakyan. Naghahabol ng hininga si Linus na itinakip ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang mukha. Then nakabawi na ako ng kaunti sa mga pambubwisit niya. Lumabas na ako sa sasakyan at naglakad patungo sa harapan. We're here, ang dating kinatitirikan ng mental facility.Pinagmasdan ko ang kabuoan nito at wala na akong ibang makita kundi ang nangingitim na lupa. Wala na
MOLLY'S POV"Hindi ka pa ba uuwi?"Tumayo ng maayos si Linus at hinarap ako. Kumurap-kurap pa ito at tumikhim, mukhang malalim ang iniisip niya simula nang dumating ako. "I need to take care about the construction of the mental facility. I need to make sure that they'll start it without any problems," tugon niya na ikinatango-tango ko. 'Yan na naman ang sagot niya sa akin sa bawat araw at halos isang linggo niya na iyang isinasagot. Dibale at nakapagpaalam na ako kay Alf na hindi siya matutulungan sa pagprepare ng engagement party at naiintindihan niya naman ang posisyon ko, gusto niya nga ring bumisita rito kaso wala siyang oras. Oh speaking..."Bukas na pala ang engagement mo."Natigilan si Linus sa sinabi ko."Bukas na?" gulat niyang wika. Tumango ako at iniangat ang cellphone ko kung saan inschedule ko talaga at tinext din ako ni Alf. Napatingin naman siya roon at ngumiwi. "Umuwi ka na para ihanda ang sarili mo bukas," hayag ko at ibinulsa na ang aking phone na ikinanguso nama
MOLLY'S POVInis na lamang akong nakatitig sa kisame. Gusto ko nang pumikit at magpahinga pero... paano ko magagawang pumikit kung sa kabilang kama ay nakatagilid ng higa si Linus na nakaharap sa aking pwesto. Kanina pa ito nakatingin sa akin.Kung bakit ba naman kasi pumayag ang mga nurse sa suggestion niya na matutulog sa kabilang kama ng tinutulugan ko nang masigurong hindi na ako tatakas. Those damn traitors. "Just how long are you gonna stare at my body, you punk?" singhal ko at sinulyapan na si Linus. "And just how long are you gonna keep your guard when you're with me? Just sleep already, aren't you tired and sick?" patanong nitong sagot sa akin kaya mas lalo lang akong nainis. "I'll appreciate it a lot if you'll leave me alone. Who knows what can a maniac like you can do."Natawa naman ng mahina si Linus dahil sa sinabi ko at mabilis na naupo mula sa kaniyang pagkakahiga. "I'm amaze. No one talk to me like that. All my life I've been hearing a lot of compliments in my envi
Molly's POVInis kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang kahon na hawak ko. That damn Lolan, inutusan niya ang isang pulis para ibalik sa akin ang kahon na natanggap ko na naglalaman ang aking mga larawan. Susunugin ko na lang 'to. Binuhat ko na muli ang kahon at naglakad palabas ng church. Sa likod ko na lang 'to susunugin pero nang makasalubong ko ang pari ay nagtanong ito kung anong gagawin ko sa hawak ko. Nang malamang susunugin ko iyon ay pinagbawalan niya ako dahil daw baka magaya ang church sa sinapit ng orphanage namin.E kung siya kaya ang sunugin ko?Pero wala na akong nagawa. Isinuhesyon nito na itapon ko na lang sa labas dahil may maghahakot naman ng basura ngayon. So yeah, wala akong nagawa kundi tumungo na lang sa labas para ibasura iyon. Pero bago ko pa man marating ang gate para itapon ang karton ay nahulog ito sa lupa't nagkalat dahil may bumangga sa aking katawan na naging dahilan upang mabitawan ko iyon. Damn. Why does everyone is pissing me off! For hell's sake! I h
Molly's POVNakaupo lang ako sa isang silya habang pinapakiramdaman ang Mayor at si Nurse Scarlet na kasabay kong kumakain. "This is the first time you're uncomfortable eating to this place with us," hayag ni Mayor at tinignan ako. "Nakadalawang subo ka pa lang.""I don't have appetite," tugon ko."Then why are you still here? You can take your leave," sagot ng Mayor kaya naman nagawi ang aking paningin kay Nurse Scarlet ngunit hindi man lang ito nag-angat ng mukha."I'm waiting for Nurse Scarlet. I want to talk to her, ng kami lang."Hindi naman nakaimik ang Mayor pero napatingin din ito sa direksyon ni Nurse Scarlet, hanggang sa tumayo na si Nurse Scarlet at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi."Then, excuse us. Molly, come with me," anito at naglakad na paalis kaya naman tumayo na ako at sinundan siya. Pagkalabas namin ng dining area at dire-diretso pa rin siyang naglalakad hanggang sa makarating naman kami sa living room at naupo ito sa isang sofa. Nang kumportable na siya ay na
Molly's POV"I don't really understand what kind of demon you have."Napatingin ako sa aking tabi and there's Lolan na nakatutok ang mga mata sa harapan at nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Buong gabi hanggang sa magdamag ay magkasama kami. Hila-hila niya ako mula sa pagdala sa hospital ng mga pulis na binaril ng mga utusan ng Mayor, dinala niya rin ako sa presinto lalo na sa interrogation room. Pinilit niya akong sabihin lahat ng alam ko, though ang sinabi ko lang sa kaniya ay ang dapat niyang malaman. "The demon I have?" anas ko at mahinang natawa. "I'm the demon myself."Natawa naman si Lolan pero kalauna'y sumeryoso na. "By the way, I'll send to you the details about the medicine you gave to me. It'll take time but don't worry, I won't keep it myself," saad nito na tinanguan ko lang at hindi na umimik. Sa police station ay ibinigay ko ang bote ng gamot na nakuha ko at itinago sa bulsa. Paiimbestigahan daw iyon ni Lolan sa kadahilanang maaaring iyon ang hinahanap ng mga tauhan ni
Molly's POV Paalis na sana ako nang mapansin ko ang isang batang babae na nakaupo sa gilid habang nakatingala at nakabuka ang kaniyang bibig. Napatingin na muna ako sa paligid at nang mapansing walang nurse ay nilapitan ko ito at maingat na isinarado ang kaniyang bibig. "Gabi na. Hindi ba dapat ay natutulog ka na?" pangangaral ko rito at inayos sa pagkakasuot ang jacket nito. "Ate Molly," saad naman nito pero hindi niya ako tinapunan ng tingin. Umangat ang kamay nito at itinuro ang harapan kaya napatingin ako roon. "Why did they let our home to get burn if Father always says that they are the one who's guiding us?"Napatingin ako sa itinuturo nito at nakita ang malalaking rebulto ng mga anghel. Suminghap naman ako at ibinalik ang paningin sa bata. "What do you mean? They can't even move their bodies then how come they can stop the fire?" tangi kong tugon na naging dahilan upang mapatingin sa akin ang bata. "You're stupid."Inis akong ngumiti at binatukan siya na naging dahilan ng
MOLLY'S POVPagkarating sa mental facility ay agad na tumambad sa akin ang gusali na nangitim na dahil sa sunog. Halos lahat ng pader ay wala na, ilang poste at bubong na lang ang natira, hindi na'to pwedeng gamitin pa. Kasalukuyan namang tumutuloy ang mga nurse, doctors, at iba pang staff maging ang mga pasyente sa simbahan, pero pahirapan dahil sa siksikan at walang kwarto kaya pakalat-kalat at hindi mabantayan ng mga nurses ang mga pasyente. They really need my help here."Sige na, kumain ka na." Itinutok ko ang kustara sa bibig ng isang batang lalaki na isa sa mga pasyente, pero nakatulala lang ito habang yakap-yakap ang teddy bear niya. Bumuntong-hininga ako at hindi na muling ipinagpilitan. Kung ayaw niya edi 'wag, hindi naman ako ang mamamatay sa gutom."Molly." Umalis na ako mula sa pagkakaupo ko sa ibabaw ng kama ng bata at nilapitan ang nurse na tumawag sa akin. Agad din akong napatingin sa katabi niyang pulis at tumango."Siya po si Molly," pagpapakilala sa akin ng nurse
Molly's POV"Fine, you'll have her today but she'll work with me tomorrow and so on."Malalim akong bumuntong-hininga dahil naririnig ko pa rin ang mga katagang binitawan ni Alf para lang matapos na ang usapan nila ni Linus. Para silang mga batang nag-aagawan ng laruan at nagkakasundo ng may oras-oras pa, ni hindi man lang nila ako pinagdesisyon. They're both jerks. "What are you thinking?" tanong ni Linus kaya naman nag-angat ako ng mukha at umiling. "Don't tell me it's noting. Ang lalim ng iniisip mo. Ni hindi mo pa nga napansin na tapos na ang meeting."Napatingin ako sa paligid at napasinghap nang mapagtantong kami na lang dalawa sa loob, e parang kanina lang nandito pa ang lahat at may nagpe-present sa harapan. Hell, I think my brain was malfunctioning. It can't work as normal because of bullshits that has been happening around me. These aren't normal for me. I'm new to all of this. "My mind was just slowly processing all of this," pagrarason ko at nasapo ang aking noo. "And I'