MOLLY'S POV
"...if that's all, you may go now."Napatingin ako sa suot kong wristwatch at nanlumo nang makitang 7 pm na pero narito pa rin ako at kasama ang lalaking ito, si Linus. Ang plano ko lang naman ngayon ay mag-apply ng trabaho pero ngayon ay may trabaho na ako at napakabigat pa na trabaho 'to."Kanina ko pa napapansing panay ang pagtingin mo sa oras," usal ni Linus habang naglalakad kami sa mahabang hallway. Sobrang tahimik na ng paligid at mukhang wala na ni isang empleyado, pero nakabukas naman ang mga ilaw."May naghihintay sa akin sa bahay. Isa pa ay masyado itong biglaan, Sir," sagot ko na punong-puno ng pag-aala at napatingin muli sa wristwatch ko. Kumusta na kaya si Seaweed? Kaunti lang ang inilabas kong pagkain niya, paniguradong gutom na siya."Sino?"Natigil ako sa paglalakad at napatingin kay Linus na ikinataas naman ng kilay nito. "Sir, bakit mo naman kailangang tanungin kung sino iyon? Labas ka na sa personal kong buhay." Agaran akong natigil sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ko. Inilabas ko ito at nakitang tumatawag si Alf kaya naman agaran ko itong sinagot."Hoy, babae! Nasaan ka na? Nangangamote na ako rito sa parking lot," bungad nito sa kabilang linya kaya naman napasinghap ako."Nasa loob pa ako." Sinuklay ko paitaas ang aking buhok at tinignan si Linus. Binigyan ko ito ng nagmamakaawang tingin."May dinner date pa akong dadaluhan," sabat ni Linus na ikinangiwi ko. Bumagsak na lamang ang aking balikat at bumuntong-hininga."Mauna ka nang umuwi, pakialagaan ng mabuti si Seaweed," turan ko kay Alf sa mahinang boses. Narinig ko naman ang paghinga nito ng malalim mula sa kabilang linya."Sige. Tawagan mo'ko kapag may ginawang kalokohan 'yang mokong na 'yan. Pasalamat talaga siya at kailangan ko pang umuwi para magluto dahil uuwi si Alyse. Mag-ingat ka sa kaniya ha?" habilin nito na ikinatango ko."Oo na. Ikaw din, mag-ingat ka, tatanga-tanga ka pa naman," huli kong tugon at pinatayan na ito ng tawag. Ibinalik ko na sa pagkakatago sa dala kong bag ang ang cellphone ko at hinarap na si Linus."Sino iyon?""Ano namang pakialam mo? Bakit kailangan mong itanong lahat ng nakapaligid sa akin?" panunumbat ko sa iritableng boses na hindi niya na inimikan.Nagsimula na siyang maglakad at pansin kong sinadya niyang lakihan ang kaniyang mga hakbang para mapag-iwanan ako, pero dali-dali ko naman itong sinundan. He's such a childish President. Pagkarating sa parking lot ay agaran kaming pumasok sa kotse niya na may nakaabang na driver."Sa malapit na restaurant," anas ni Linus sa driver na tinanguan naman nito at pinaandar na ang kotse. Isang utos niya lang ay sinunod na siya agad, iba talaga kapag mayaman.Tahimik lang kaming tatlo habang nasa loob ng kotse. Masyado na akong nag-aalala kay Seaweed kaya naman hindi na ako makapag-isip ng matino. Pakiramdam ko ay ilang segundo lang ang itinagal ng biyahe at nakarating na kami sa isang restaurant kaya naman agad akong bumaba, pero napansin kong hindi pa rin bumababa si Linus. Napa-irap ako sa hangin at pinagbuksan siya ng pinto, doon lang siya bumaba. Nakakagigil ang lalaking 'to. Pati ba naman ang pagbukas ng pinto ay trabaho ko? Kapag hindi ako nakapagpigil ay baka masapak ko na ang mukha niya dito mismo sa kinatatayuan namin, psh.Inayos nito ang suot niyang suit at tie bago naglakad papasok, mukhang may pinaghahandaan talaga siya at kailangan niya pang gawin ang bagay na iyon. Sumabay na lang ako sa paglalakad niya hanggang sa makaupo siya sa isang silya. Tumayo naman ako sa tabi nito at muling napatingin sa aking wristwatch."Bakit ka nakatayo?"Napatingin ako kay Linus at sunod naman sa bakanteng silya na nasa harapan niya."Seat," ma-awtoridad nitong sambit sabay inilahad ang upuan. Kung makapag-utos siya ay para bang isa lang akong aso. Hindi na ako umimik at nagtungo roon sabay naupo. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at itinutok ang atensyon sa kaniya."Paano naman 'yung date mo? 'Wag mo sabihing siya ang patatayuin mo," mahina kong sambit. Umiling lang si Linus at saktong dumating ang waiter. Inabutan niya kami ng menu na tinanggap naman ng loko sabay kalmado iyong binuksan. Wala ba siyang balak na sagutin ang tanong ko?"Umorder ka," utos ulit nito sa akin na halos ikasalubong na ng kilay ko. "Ikaw ang kadinner date ko ngayon kaya umorder ka.""Ako?" puno ng pagtataka kong tanong. Teka, ako daw? Tumingin ito sa akin at mabagal na tumango. "Mas matutuwa pa ako kung pinauwi mo na lang ako.""Kanina ka pa atat na atat umuwi. Kumain ka muna at pagkatapos ay iuuwi na kita. Pangako.""Pero, Sir—""Bigyan mo na lang kami ng steak at wine." Agad na tumango ang waiter at kinuha ang menu bago naglakad paalis.Nakakabwisit na talaga!"So, tell me about yourself." Hindi ako umimik. Mas magandang manahimik ako para mas makontrol ko ang pagkainis ko. Punong-puno na talaga ako sa lalaking 'to. "Have you ever kissed someone?"Suminghap ako at ipinatong ang aking siko sa ibabaw ng mesa sabay inilapit ang aking mukha sa pwesto niya. "No, but I've messed with a lot of people before that I almost got into jail," tugon ko sa mahinang boses na ikinatigil nito. Mula sa mga mata nito ay pansin kong binabasa niya ang mga mata ko upang alamin kung nagsasabi ako ng totoo."Really?" inosente niyang sambit."Yeah, and now I'm thinking if I'll kill you or kick your ass."Tahimik lang itong nakatingin sa akin kaya sinalubong ko ang mga tinging iyon. Ilang saglit lang ay dumating na ang order namin at natawa naman siya."Such an interesting personality," bulalas niya. Hindi na ako umimik dahil baka hindi na lang suntok ang magawa ko. Baka mapatay ko na siya. Binilisan ko ang pag-ubos ng pagkain ko pero mukhang nambubwisit pa siya lalo dahil binagalan niya pa ang paghihiwa ng steak lalo na ang pagnguya. Inaabot siya ng isang minuto sa isang maliit na bahaging nahihiwa niya kahit na malambot naman ito.Humalukipkip ako habang ipinapadyak ang aking paa sa sahig. Naiirita ako dahil nakatitig siya sa akin habang ngumunguya, na sinasabayan niya pa ng pagngisi. Mukhang nag-eenjoy siya sa pang-aasar sa akin. Sinalinan ko ng wine ang wineglass ko at siniguradong punong-puno iyon upang maubos na at matapos na ang kalokohang ito."Teka lang—"Iniangat ko iyon at agad na tinungga. Pansin ko ang mga matang nakatingin sa akin habang dire-diretso ko iyong nilulunok. Sino ba naman ang hindi maweweirduhan kung may nakita kang babae sa loob ng mamahaling restaurant na umiinom ng punong wine ang wineglass niya, hindi marunong ng etiquette. Pero mahalaga pa ba 'yun e uwing-uwi na ako.Napapikit ako at nilunok ang huling laman na wine sa bunganga ko. Inilapag ko ang wineglass ko sa ibabaw ng mesa at pinunasan ang gilid ng aking labi."Ano? Pwede na ba tayong umuwi?" diretsahan kong tanong kay Linus.Nakatingin lang ito sa akin na bahagyang nakabukas ang kaniyang bibig, mukhang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko, hanggang sa dahan-dahan itong tumango. Nagbayad muna siya ng bill at pagkatapos ay lumabas na kami. Bumalik na kami sa kotse niya at sumakay na roon. Nagsimula namang magmaneho ang driver habang ako naman ang nagtuturo ng daan. Ilang saglit pa ay natanaw ko na ang bahay namin kaya naman ipinahinto ko na ang kotse sa tapat ng isang bahay na 'di kalayuan sa amin."Una na ako," walang-buhay kong pamamaalam at lumabas na ng kotse. Napahikab ako dulot ng pagod, antok, pagkabagot, kulang sa tulog, at lasing. Tinalikuran ko na ang kotse pero sakto namang natanaw ko si Alf."Molly?" usal nito at dali-daling naglakad palapit sa akin. Sinulyapan nito ang kotse na nasa tabi ko pero bumalik din agad sa akin ang atensyon niya."Alf, pasanin mo ulit ako," hayag ko. Agad naman siyang tumango bilang pagpayag at tumalikod sa akin kaya naman agad akong sumakay sa likuran niya at mahigpit na kumapit sa kaniyang katawan."Amoy wine ka. Nilasing ka ba niya?" tanong nito habang naglalakad nang pasan-pasan ako."Parang ganu'n na nga," tugon ko at isinuksok ang aking mukha sa leeg niya. "Mapapatay ko ang lalaking 'yan. Pinapakulo niya ang dugo ko."Tumawa lang si Alf. Naramdaman ko pa ang paghinto nito sa paglalakad. Nagmulat ang aking mata at nakita ang malabong pares ng sapatos sa harapan, pero hindi ko alam kung kanino iyon. Rinig ko rin ang usapan nila pero humihina na iyon. Unti-unti nang nandilim ang aking paningin. Pagkatapos ng tagpong iyon ay wala na akong naaalalang kahit na anong nangyari sa gabing iyon, pero paniguradong makakauwi naman ako ng ligtas at buo.MOLLY'S POVLumabas ako ng kwarto na katatapos lang maligo at handa na para mag-agahan. Namataan ko si Alyse na nasa ibaba at nakapameywang na nakaharap kay Alf. "Good morning, Alyse," bati ko rito habang pababa ako ng hagdan. Nilingon niya naman ako at dali-daling naglakad palapit sa akin sabay hinalikan ang aking pisngi."Good morning din. Sorry but I have to go," nagmamadali nitong pamamaalam at kinuha ang kaniyang itim na coat na nakapatong sa upuan. "Oh." Hinarap ulit ako ni Alyse. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, napakatigas ng ulo at hindi makaintindi. Babawi naman ako," aniya. Tumango na lang ako at pinanood siyang dali-daling naglakad palabas ng bahay. Napatingin naman ako sa direksyon ni Alf at nadatnan itong hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa pagkaing nakahanda sa mesa. Halatang pinaghandaan niya ito pero hindi man lang kumain si Alyse. Hindi pa ba siya nasanay? Madalas namang nangyayari 'to pero lagi pa rin siyang naghahanda at pagkatapos ay disappointed kalau
MOLLY'S POV"Shit!"Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong tasa matapos mapaso ang aking daliri. Sa kanan kong kamay ay hawak-hawak ko itong tasa, sa kabilang kamay naman ay naroon ang bundok-bundok na papeles at may nakaipit pa sa kilikili ko na mga folders. Hindi lang iyon dahil may nakasabit pang supot sa bibig ko na may lamang mga pagkain. Nagmumukha na akong christmas tree na napapalamutian ng kung ano-ano. Ito ang unang beses na nagmumukha akong katawa-tawa, and I never thought na ganito ang trabaho ng mga secretary, or masyado lang abusado ang boss ko?Sinipa ko ang pintuan ng opisina ni Linus upang bumukas ito at pumasok na ako sa loob. Dali-dali kong inilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa, maging ang supot na nakabitin sa bibig ko ay ibinaba ko na rin, may naiwan pang laway doon pero ayos lang. Wala naman akong nakahahawang sakit, and I guess hindi naman nakakahawa ang pagiging sociopath."Sir, nandito na po 'yung papeles at pagkain na pinapakuha mo," hayag ko ngunit natigila
MOLLY'S POVSumilip ako sa loob ng junkshop upang tignan kung naroon ang matandang lalaki, pero mukha namang walang tao sa loob. Hindi ako nakuntento at naglakad papasok doon. "Nasaan na ba ang basurerong iyon?" tanong ko sa aking sarili habang inilibot ang aking paningin sa paligid pero natigilan ako nang may makasalubong akong isang babaeng mukhang nasa singkwenta na ang edad pero malinis at galante ang kaniyang pangangatawan. Pang-mayaman lahat ng nasa katawan nito kaya naman agad akong nagtaka.Dinaanan niya lang ako at umalis na sa lugar na iyon."Hija." Napatingin ako sa nagsalita at nakita na basurero kaya naman naglakad ako palapit sa kaniyang kinaroroonan at iniabot ang isang bag na puno ng pagkain."Nagluto ng marami si Alf pero hindi ulit kumain si Alyse kaya naman sinabi niyang dalhin ko ito sa'yo," hayag ko at natigilan nang bigla na lang tumalon palabas sa bag ko si Seaweed at nagtatatakbo ito sa paligid."Sandali, tigre ba 'yun?" gulat na tanong ng matanda na tinangua
MOLLY'S POVNapatingin ako sa aking wristwatch at napansing 10 AM na pero wala pa rin ang magaling kong boss. Ni anino niya ay hindi ko pa nahahagilap, partida 9 AM pa ako pumasok dahil na-late ako ng gising. Hindi man lang ako ginising ni Alf pero sabi niya naman ay eksaktong 5 AM siya umalis dahil marami siyang aasikasuhin sa table niya't gaya ni Linus ay may mga deadline siya.Matapos na magsumbatan kahapon si Linus at Alf ay napilitang umuwi mag-isa ang magaling kong boss, pero ang kapalit nu'n ay babalik na ako sa trabaho ko bilang secretary niya. Pumayag na lang ako para naman matigil na sila sa kakadakdak dahil sobrang sakit na nila sa tainga— kaya naman heto ako ngayon at nasa opisina, kinakamote na sa sobrang tagal kakahintay. Isang buong oras na pero wala pa siya. May kumatok mula sa pinto kaya naman napatingin ako roon at nakita ang bwisit na babaeng si Hazel. Binati namin ang isa't isa sa pamamagitan ng pag-irap. Mabuti na lang at the feeling is mutual sa aming dalawa."S
MOLLY'S POV"Molly, how's your work?" Tumingin ako kay Alyse na sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabay sa agahan namin ni Alf, syempre sasabay siya dahil sabado naman— walang trabaho, pero minsan kahit na sabado or linggo ay wala siya sa hapagkainan."She's in love," tugon ni Alf at siniko-siko ako habang sinamaan ko naman siya ng tingin. "Not alright," sagot ko naman na pareho ikinatigil ng mag-asawa."Bakit? May ginawa ba sa'yo ang gunggong na 'yun? Uupakan ko na ba?" Umiling ako sa sinabi ni Alf at nangalumbaba sa mesa sabay ngumuso. "I was too kind this week," hayag ko na agarang ikinaubo ni Alf. Kinuha nito ang kaniyang baso at uminom sa tubig, matapos ay tinignan niya ako. What the hell is that reaction? Tss."Kind? Yeah, maybe you're right, but for normal people, we still don't count that as kindness. Also, I heard that you choke Hazel until she lose her breath. Luckily she's still alive but she's mad. I'm sure she'll do something bad to you so you should take care not to
MOLLY'S POVHuminto ang kotse ni Alf sa tapat ng napakalaking bahay, ah mali— isa itong mansion. Pinagbuksan kami ng pinto ng mga guard kaya naman lumabas na kaming dalawa sa loob ng kotse at harap-harapan ko nang napagmasdan kung gaano kaganda ang bahay na ito."Molly," pagtatawag sa akin ni Alf kaya naman nilapitan ko siya at kumapit na sa kaniyang braso na nakalahad sa aking harapan. Naglakad kami papasok ng bahay at sinalubong kami ng mga maids, mapababae man o lalaki, maging ng mga gwardiya. Dire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto at doon lang napagtantong nasa dining room kami. Mas malawak pa ang dining room nila kung ikukumpara sa pinagsamang kwarto ko, at ni Alf at Alysse. Sa gitna ay may mahabang mesa na napaliligiran ng mga silya na ang iba ay okupado na. Hinila ako ni Alf at ipinaghila ng upuan kaya naman naupo ako roon habang siya naman ay naupo sa tabi ko. Sa gilid ko ay si Alf at sa tabi nito ay ang panggitnang upuan na. Napatingi
MOLLY'S POVTahimik na ng paligid. Mukhang tulog na ang lahat ng mga Hudson ngunit heto pa rin ako't gising na gising. Kung saan-saan na ang nilibot ko sa bahay na'to na sa sobrang lawak ay naubos ang dalawang oras ko kakasuri sa paligid. Napakaraming kwarto na ang ilan ay hindi ko nakita ang loob dahil nakalock, probably may natutulog o 'di kaya ay pasadyang nakalock. Sinalinan ng isang maid ang baso ko ng juice na tinanggap ko naman at uminom doon. Bukod sa akin ay may ilang maids at guards na gising pa. Base sa kanila ay sila ang pang night shift, which is hindi naman madalas mangyari na may night shift sila dahil mga weekends lang umuuwi ang mga Hudson sa mansion, maliban na lamang sa Chairman at asawa nitong nananatili rito. Gaya na lamang ni Linus, since medyo malayo mula rito ang pinagtatrabahuhan niya. At may ilan din na kagaya ni Alf na umuuwi lang kapag pinatawag. "May naranasan na ba kayo na may inuwing babae rito ang Chairman at sapilitang nakipag-s*x sa kanila?" untag k
MOLLY'S POVMaingat kong binuksan ang pintuan at pinagmasdan ang loob ng kwarto. Madilim sa loob pero mayroong pulang ilaw na nakakabit sa bawat sulok ng kisame kaya naman kahit na madilim ay nakikita ko pa rin ang paligid. Ngumisi ako ng bahagya dahil sumasakto ang lugar na ito sa plano ko, mukha kaming nasa impyerno.Naupo ako sa isang silya para maghintay. Hindi naman nagtagal ay narinig ko ang pagpihit ng doorknob mula sa banyo. Lumabas ang isang babae mula sa banyo na nakasuot ng bathrobe at may nakapulupot na tuwalya sa kaniyang buhok. Nagtungo ito sa harapan ng malaking salamin at pinagmasdan ang kaniyang sarili roon, mukhang napansin niya rin ang repleksyon ko sa salamin dahil natigilan ito at nakatingin ng diretso sa akin. "Hoy babae, anong ginagawa mo rito?" matapang nitong sambit habang nakatingin sa akin mula sa salamin. Tumayo naman ako at naglakad palapit sa kaniyang direksyon. Pinihit ko siya paharap sa akin. Marahas ko siyang isinandal sa salamin at tinakpan ang bibi
Molly's POV"Huwag mo masyadong bilisan," sita sa akin ni Linus na mahigpit na nakakapit sa seatbelt niya, pero mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. "Oh, I forgot," usal ko at sinulyapan siya. "You'll pay if we'll got caught by police, right?" "What do you mean?" taka niya namang tanong. "Well, I don't have a license and I only learn how to drive by watching Alf. Also, I don't know how to stop this so... brace yourself. We'll hit a tree.""What the fuck—"Binilisan ko pa ang pagmamaneho habang panay ang pagtuturo sa akin ni Linus kung paano iyon pahintuin. Ngumisi na lamang ako hanggang nga sa huminto na ang sasakyan. Naghahabol ng hininga si Linus na itinakip ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang mukha. Then nakabawi na ako ng kaunti sa mga pambubwisit niya. Lumabas na ako sa sasakyan at naglakad patungo sa harapan. We're here, ang dating kinatitirikan ng mental facility.Pinagmasdan ko ang kabuoan nito at wala na akong ibang makita kundi ang nangingitim na lupa. Wala na
MOLLY'S POV"Hindi ka pa ba uuwi?"Tumayo ng maayos si Linus at hinarap ako. Kumurap-kurap pa ito at tumikhim, mukhang malalim ang iniisip niya simula nang dumating ako. "I need to take care about the construction of the mental facility. I need to make sure that they'll start it without any problems," tugon niya na ikinatango-tango ko. 'Yan na naman ang sagot niya sa akin sa bawat araw at halos isang linggo niya na iyang isinasagot. Dibale at nakapagpaalam na ako kay Alf na hindi siya matutulungan sa pagprepare ng engagement party at naiintindihan niya naman ang posisyon ko, gusto niya nga ring bumisita rito kaso wala siyang oras. Oh speaking..."Bukas na pala ang engagement mo."Natigilan si Linus sa sinabi ko."Bukas na?" gulat niyang wika. Tumango ako at iniangat ang cellphone ko kung saan inschedule ko talaga at tinext din ako ni Alf. Napatingin naman siya roon at ngumiwi. "Umuwi ka na para ihanda ang sarili mo bukas," hayag ko at ibinulsa na ang aking phone na ikinanguso nama
MOLLY'S POVInis na lamang akong nakatitig sa kisame. Gusto ko nang pumikit at magpahinga pero... paano ko magagawang pumikit kung sa kabilang kama ay nakatagilid ng higa si Linus na nakaharap sa aking pwesto. Kanina pa ito nakatingin sa akin.Kung bakit ba naman kasi pumayag ang mga nurse sa suggestion niya na matutulog sa kabilang kama ng tinutulugan ko nang masigurong hindi na ako tatakas. Those damn traitors. "Just how long are you gonna stare at my body, you punk?" singhal ko at sinulyapan na si Linus. "And just how long are you gonna keep your guard when you're with me? Just sleep already, aren't you tired and sick?" patanong nitong sagot sa akin kaya mas lalo lang akong nainis. "I'll appreciate it a lot if you'll leave me alone. Who knows what can a maniac like you can do."Natawa naman ng mahina si Linus dahil sa sinabi ko at mabilis na naupo mula sa kaniyang pagkakahiga. "I'm amaze. No one talk to me like that. All my life I've been hearing a lot of compliments in my envi
Molly's POVInis kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang kahon na hawak ko. That damn Lolan, inutusan niya ang isang pulis para ibalik sa akin ang kahon na natanggap ko na naglalaman ang aking mga larawan. Susunugin ko na lang 'to. Binuhat ko na muli ang kahon at naglakad palabas ng church. Sa likod ko na lang 'to susunugin pero nang makasalubong ko ang pari ay nagtanong ito kung anong gagawin ko sa hawak ko. Nang malamang susunugin ko iyon ay pinagbawalan niya ako dahil daw baka magaya ang church sa sinapit ng orphanage namin.E kung siya kaya ang sunugin ko?Pero wala na akong nagawa. Isinuhesyon nito na itapon ko na lang sa labas dahil may maghahakot naman ng basura ngayon. So yeah, wala akong nagawa kundi tumungo na lang sa labas para ibasura iyon. Pero bago ko pa man marating ang gate para itapon ang karton ay nahulog ito sa lupa't nagkalat dahil may bumangga sa aking katawan na naging dahilan upang mabitawan ko iyon. Damn. Why does everyone is pissing me off! For hell's sake! I h
Molly's POVNakaupo lang ako sa isang silya habang pinapakiramdaman ang Mayor at si Nurse Scarlet na kasabay kong kumakain. "This is the first time you're uncomfortable eating to this place with us," hayag ni Mayor at tinignan ako. "Nakadalawang subo ka pa lang.""I don't have appetite," tugon ko."Then why are you still here? You can take your leave," sagot ng Mayor kaya naman nagawi ang aking paningin kay Nurse Scarlet ngunit hindi man lang ito nag-angat ng mukha."I'm waiting for Nurse Scarlet. I want to talk to her, ng kami lang."Hindi naman nakaimik ang Mayor pero napatingin din ito sa direksyon ni Nurse Scarlet, hanggang sa tumayo na si Nurse Scarlet at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi."Then, excuse us. Molly, come with me," anito at naglakad na paalis kaya naman tumayo na ako at sinundan siya. Pagkalabas namin ng dining area at dire-diretso pa rin siyang naglalakad hanggang sa makarating naman kami sa living room at naupo ito sa isang sofa. Nang kumportable na siya ay na
Molly's POV"I don't really understand what kind of demon you have."Napatingin ako sa aking tabi and there's Lolan na nakatutok ang mga mata sa harapan at nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Buong gabi hanggang sa magdamag ay magkasama kami. Hila-hila niya ako mula sa pagdala sa hospital ng mga pulis na binaril ng mga utusan ng Mayor, dinala niya rin ako sa presinto lalo na sa interrogation room. Pinilit niya akong sabihin lahat ng alam ko, though ang sinabi ko lang sa kaniya ay ang dapat niyang malaman. "The demon I have?" anas ko at mahinang natawa. "I'm the demon myself."Natawa naman si Lolan pero kalauna'y sumeryoso na. "By the way, I'll send to you the details about the medicine you gave to me. It'll take time but don't worry, I won't keep it myself," saad nito na tinanguan ko lang at hindi na umimik. Sa police station ay ibinigay ko ang bote ng gamot na nakuha ko at itinago sa bulsa. Paiimbestigahan daw iyon ni Lolan sa kadahilanang maaaring iyon ang hinahanap ng mga tauhan ni
Molly's POV Paalis na sana ako nang mapansin ko ang isang batang babae na nakaupo sa gilid habang nakatingala at nakabuka ang kaniyang bibig. Napatingin na muna ako sa paligid at nang mapansing walang nurse ay nilapitan ko ito at maingat na isinarado ang kaniyang bibig. "Gabi na. Hindi ba dapat ay natutulog ka na?" pangangaral ko rito at inayos sa pagkakasuot ang jacket nito. "Ate Molly," saad naman nito pero hindi niya ako tinapunan ng tingin. Umangat ang kamay nito at itinuro ang harapan kaya napatingin ako roon. "Why did they let our home to get burn if Father always says that they are the one who's guiding us?"Napatingin ako sa itinuturo nito at nakita ang malalaking rebulto ng mga anghel. Suminghap naman ako at ibinalik ang paningin sa bata. "What do you mean? They can't even move their bodies then how come they can stop the fire?" tangi kong tugon na naging dahilan upang mapatingin sa akin ang bata. "You're stupid."Inis akong ngumiti at binatukan siya na naging dahilan ng
MOLLY'S POVPagkarating sa mental facility ay agad na tumambad sa akin ang gusali na nangitim na dahil sa sunog. Halos lahat ng pader ay wala na, ilang poste at bubong na lang ang natira, hindi na'to pwedeng gamitin pa. Kasalukuyan namang tumutuloy ang mga nurse, doctors, at iba pang staff maging ang mga pasyente sa simbahan, pero pahirapan dahil sa siksikan at walang kwarto kaya pakalat-kalat at hindi mabantayan ng mga nurses ang mga pasyente. They really need my help here."Sige na, kumain ka na." Itinutok ko ang kustara sa bibig ng isang batang lalaki na isa sa mga pasyente, pero nakatulala lang ito habang yakap-yakap ang teddy bear niya. Bumuntong-hininga ako at hindi na muling ipinagpilitan. Kung ayaw niya edi 'wag, hindi naman ako ang mamamatay sa gutom."Molly." Umalis na ako mula sa pagkakaupo ko sa ibabaw ng kama ng bata at nilapitan ang nurse na tumawag sa akin. Agad din akong napatingin sa katabi niyang pulis at tumango."Siya po si Molly," pagpapakilala sa akin ng nurse
Molly's POV"Fine, you'll have her today but she'll work with me tomorrow and so on."Malalim akong bumuntong-hininga dahil naririnig ko pa rin ang mga katagang binitawan ni Alf para lang matapos na ang usapan nila ni Linus. Para silang mga batang nag-aagawan ng laruan at nagkakasundo ng may oras-oras pa, ni hindi man lang nila ako pinagdesisyon. They're both jerks. "What are you thinking?" tanong ni Linus kaya naman nag-angat ako ng mukha at umiling. "Don't tell me it's noting. Ang lalim ng iniisip mo. Ni hindi mo pa nga napansin na tapos na ang meeting."Napatingin ako sa paligid at napasinghap nang mapagtantong kami na lang dalawa sa loob, e parang kanina lang nandito pa ang lahat at may nagpe-present sa harapan. Hell, I think my brain was malfunctioning. It can't work as normal because of bullshits that has been happening around me. These aren't normal for me. I'm new to all of this. "My mind was just slowly processing all of this," pagrarason ko at nasapo ang aking noo. "And I'