MOLLY'S POV
Pinagmasdan ko ang paligid at lumanghap ng sariwang hangin, wala namang bago, amoy hangin pa rin. Wala masyadong sasakyan ang dumaraan sa kalsada, pinapaalala lang nito sa akin na nasa probinsya ako at hindi pa nakakabalik sa siyudad."Ano ng plano mo? Saan ka na patutungo?" Rinig ko ang katagang iyan na nagmula sa boses ni Nurse Scarlet na siyang nag-alaga sa akin ng maraming taon. Masasabi kong maraming taon dahil pabalik-balik ako sa lugar na ito. Hindi ako bumabalik dahil gusto ko, bumabalik ako dahil hinihila nila ako pabalik dito. Sabihin na nating, pasaway ako na laging pinapauwi ng magulang."Hell, most likely," malamig kong sagot at ngumisi. "Kidding. I'll go back to Alf to let him take care of me," hayag ko. Naramdaman ko naman ang kamay ng nurse sa braso ko kaya naman nilingon ko siya at nakitang umiiling ito."Ito na ang huling beses na pupunta ka sa lugar na'to, kapag gumawa ka pa ulit ng kalokohan ay sa kulungan na ang bagsak mo kaya naman magbago ka na, ha Molly?" lintana niya at hinaplos ang aking buhok na para bang isa lang akong munting bata mula sa kaniyang mga mata."Okay."We both know I was lying."You'll never see me here again," hayag pa ni Nurse Scarlet kaya naman binigyan ko siya ng pagkunot ng noo. "Tumatanda na ako so kailangan ko ng kumilos para sa mga bagay na gusto kong mangyari. Isa pa, I'm sure hindi ka na makakabalik dito kaya kampante na ako." Binigyan pa ako ng matamis na ngiti ng nurse. I don't understand what she's talking about but I'm not interested either.Lumayo na ako sa kaniya at kinuha ang mga gamit ko. Tipid lamang akong nagpaalam dito matapos ay nagsimula na akong naglakad sa gilid ng kalsada, palayo sa lugar na matatawag kong tahanan, ang tahanan ng mga baliw. Isang maliit na mental facility para sa mga taong nasiraan ng bait— na para sa akin ay isang munting palasyo. Lumaki ako sa lugar na iyan kahit na hindi sira ang pag-iisip ko. Baliw ang nanay ko dahil imbes na sa orphanage niya ako dalhin ay dinala niya ako sa isang mental facility, that annoying twat.Dahil nga lumaki ako sa lugar na iyon ay sinasabi ng mga tao sa labas na nahawa ako sa kabaliwan ng mga taong nakapaligid sa akin. Nakaranas ako ng pambubully at maraming uri ng pananakit, hanggang sa isang araw ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na duguan at may nag-aagaw-buhay na sa harapan ko, katawan ng taong kinaiinisan ko. Simula nu'n ay sinunod ko na lang ang mga sinasabi nila, na baliw na rin ako, ang kaso ay mukhang sumobra 'yung sa akin.I'm not a psychopath. I'm a sociopath.It was much lighter than being psychopath. Being a sociopath, I know that I'm struggling to maintain a job so as for now or should I say up until now, I'm still jobless. Though I do have bachelor's degree but I'm not interested to use it. I hate holidays. Having fun ignoring social norms and laws, or breaking rules, overstepping social boundaries. I even destroy someone's property. That's why pabalik-balik ako sa mental facility na ito.Habang abala sa paglalakad ay nakarinig ako ng kaluskos mula sa tabi kung saan nakatirik ang naglalakihang mga puno. Walang kabahay-bahay sa paligid at tanging mga halaman lang ang narito. Dahil curious ako sa nangyayari ay naglakad ako patungo roon imbes na ipagpatuloy ang paglalakad sa gilid ng kalsada. Habang papalapit ng papalapit ay palakas ng palakas ang tunog na naririnig ko. Mga nababaling sanga ng puno, natatapakang mga tuyong dahon sa lupa, at mahihinang halinghing na kung hindi ako nagkakamali ay mula sa mabangis na hayop. Huminto ako sa paglalakad at nagsimulang umatras. Hindi na dapat ako nagtungo rito. Humanap lang ako ng ikapapahamak ko.Nagpatuloy ako sa pag-atras pero huli na ang lahat. Lumitaw ang isang malaking tigre sa harapan ko, napatingin ito sa akin at mukhang sa akin napunta ang kaniyang atensyon.Lintik!Mahigpit kong hinawakan ang bag na dala ko at huminga ng malalim."Calm down, cutie cat. I'm just a stranger who passes by. Spare my life, okay?" pagkakausap ko rito pero humakbang siya palapit sa akin na ikinaatras ko. Pambihirang pusa 'to, bakit ba napakahirap niyang umintindi?Lumabas ang dila nito at ipinakita sa akin ang nagtutulisang maputi niyang ngipin na parang sinasabing handa niya na akong lamunin ng buo."Huwag mo nga akong titigan. Umiwas ka naman ng tingin kahit minsan, o kumurap man lang. Masyado akong kinilig sa takot sa ginagawa mo," usal ko habang patuloy sa pag-atras.Huminto ito sa paglalakad kaya naman maging ako ay napahinto rin. I don't know what the hell I should do! Naalarma ako nang humiyaw ito at sinugod ako. Tumalon ito sa ere ng sobrang taas at sa tansya ko ay paglapag ng katawan nito... ay sa akin na ang agad ang bagsak niya, dahilan para malamon niya ako ng buo.Napapikit na lang ako pero nakarinig ako ng malakas na putok ng isang baril. Iminulat ko ang aking mata at nakitang nakahiga na sa lupa ang tigre kung saan may umaagos na pulang dugo sa tiyan nito. Umayos naman ako sa aking pagkakatayo at pinagmasdan ng maigi ang tigre. Agaran akong nakaramdam ng awa para rito. They might be saying that I lack of empathy pero hindi ako nananakiy ng hayop, uh depende pa rin sa pagkakaluto. May mga nasaktan na akong mas masahol pa ang ugali sa hayop at mukhang hayop ang pagmumukha, pero ang tawag sa kanila ay 'demonyo'. At isa pa sa ikinababahala ko, ay ang tigreng ito ay paniguradong alaga ng Mayor sa lugar na'to. Bumibili siya ng mga mababangis na hayop sa ibang bansa at inuuwi rito para alagaan, 'yun ang alam ko.Lalapitan ko na sana ang tigre upang tignan kung kaya niya pang mabuhay pero bigla na lang may humila sa akin kasama ng mga gamit ko. Isinandal ako nito sa isang puno, tinakpan ang bibig at tumayo sa harapan ko."Mukhang patay na." Rinig ko ang boses ng isang lalaki na nagmula sa kinatatayuan ko kanina."Lintik! Malalagot tayo kay Mayor nito! Oh siya, kunin niyo na 'yan at iuwi. Pambihira naman oh!""Pero may nakita akong babae kanina rito na nakatayo, tapos sa 'di kalayuan ay may lalaki pa. Sigurado akong nakita 'to ng babae.""Ano? Tatanga-tanga ka talaga. Hinayaan mo na lang sana siyang lamunin ni Maya! Kapag 'yun nagsumbong ikaw ang ipapakain ni Mayor sa alaga niya.""Ang ingay niyo, hanapin niyo na lang ang anak ni Maya."So alaga nga ni Mayor ang tigreng iyon? Sinasabi ko na nga ba. So tama ang mga kwento sa akin ni Nurse Scarlet. Palibhasa pinapatawag siya ni Mayor Ricky sa bahay nila.Nag-angat ako ng mukha upang tingnan kung sino ang taong kaharap ko pero hindi ko siya kilala. Isa itong lalaki na medyo malaki ang katawan at matangkad. Maputi ang balat— o sadyang maputla lang siya? Mukhang napansin nitong nakatingin ako sa kaniya kaya naman napatingin din ito sa akin. Nagkatinginan lang kaming dalawa hanggang sa lumayo siya sa akin at ipinunas ang palad niyang ipinangtakip sa aking bibig sa suot niyang damit."Kalimutan mo na lang ang nangyari," anito mula sa malalim na boses at iniabot sa akin ang mga gamit ko."At bakit ko naman gagawin 'yun? Isa pa, sa tingin mo ba ay madaling makalimutan ang pangyayaring iyon?" inosente kong sambit na sininghapan niya at inilabas ang wallet niya. Inabutan ako nito ng pera. "Binabayaran mo ba ako para tanggalin sa memorya ko ang nangyari?""Parang ganu'n na nga," sagot nito at inilagay sa palad ko ang pera. "Lahat ng nangyari rito ay maiiwan dito mismo. Walang makakalabas na sumbong o kahit na ano pa, maliwanag ba?""Paano kung ayoko? Ayokong tanggapin ang pera mo at ayokong manahimik. Ano nang gagawin mo?""Just shut your mouth," bakas ang pagkairita sa kaniyang boses at napasinghap.Pinagmasdan ko naman siya. "I guess kilala mo si Mayor Ricky, or close kayo? Ayaw mo siyang makulong kaya mo'ko pinapatahimik?" Tinignan ako ng lalaki. Actually wala naman akong balak na magsumbong, kahit papa'no ay medyo close rin naman kami ni Mayor."Parang ganu'n na nga. Basta manahimik ka na lang.""Ayoko."Natahimik ang buong paligid at kapwa lang kami nakatingin sa mata ng isa't isa. Basang-basa ko sa mukha niya ang matinding pagkainis kaya naman binigyan ko siya ng nakalolokong ngisi. Ilang saglit lang at humakbang ito palapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi gamit ang dalawa niyang kamay hanggang sa bigla nalang siyang lumapit sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaan niyang paghalik sa aking labi. Nakadilat ang mga mata nito na nakatingin sa akin habang magkadikit ang aming labi. Hanggang sa matauhan ako at itinulak siya palayo. Dali-dali kong pinunasan ang labi ko at pinaningkitan siya ng mata dahil sa ginawa niya. Ito naman ay hindi na nag-iwan ng salita at naglakad na paalis. Pinabayaan ko na lang siya tutal wala rin naman akong masasabi sa katulad niya."Little twat," bulalas ko na lang at suminghap. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagsimulang maglakad pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay nakarinig na ako ng isang iyak ng munting pusa.Hinanap ko talaga kung saan iyon nanggagaling hanggang sa makakita ako ng maliit na tigre na nakahiga sa lupa habang may dugo ito sa kaniyang noo, tanda na nauntog ang ulo nito sa isang matigas na bagay na sa hula ko ay sa bato. Patuloy ito sa pag-iingay kaya naman pinulot ko ito at binuhat. Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari sa malaking tigre at doon naisaayos ang lahat ng pangyayari. Ganu'n na lang kasama ang tingin sa akin ng tigre kanina dahil akala niya siguro ay kukunin ko ang anak niya, hindi naman ako ganoong klase ng tao."Dito ko narinig iyon!"Muli kong narinig ang boses ng mga kalalakihan kaya naman kinuha ko na ang gamit ko at tumakbo paalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat ang kaawa-awang munting tigre. Ilang minuto lang ay nakabalik na ako sa gilid ng kalsada at hinabol ang aking paghinga. Muli kong pinagmasdan ang tigre at naawa sa kalagayan nito kaya naman sinimulan kong nilinisan ang sugat nito gamit ang dala kong ilang first aid kit na laging pinapabaon sa akin ni Nurse Scarlet bago umalis sa mental facility.Pinatulog ko na rin ang munting tigre at nang makatulog na siya ay ipinasok ko ito sa loob ng bag ko upang itago, at upang mapadali ang paglalakad ko. Ngayon ay babalik na ako sa siyudad kasama ang kaawa-awang tigreng ito. Aalagaan ko siya at papalakihin ng maayos, para 'pag dating ng araw ay hindi ko na kakailanganin ng gamit para manakit ng iba, siya na ang lalamon sa taong ayaw ko ng mabuhay pa. Siya ang magiging napakagandang sandata na wala ninoman ang makatatalo.|•••|This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.MOLLY'S POV "Honey, I'm home!"'Yan agad ang bungad ko matapos makapasok sa pintuan ng bahay hanggang sa matigilan ako. "Nakalimutan ko, hindi pa pala ako kasal," bulalas ko sa aking sarili at nagkibit-balikat na lang."Molly!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Alyse. Nakangiti itong naglakad palapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Alyse is my best friends wife, Alf."Mabuti naman at natapos na ang bakasyon mo," anito at lumayo sa akin sabay nginitian ulit ako. Hindi kasing amo ng kaniyang mukha ang kaniyang ugali, may pagkamaldita rin siya, pero as far ay wala naman siyang ugali na hindi ko gusto. Kaya ayos na ayos siya bilang asawa ni Alf. Magkasingtangkad lang kami, maikli ang naghahalong berde at itim niyang buhok, may mala-pusong korte ng mukha, manipis na maputlang labi, katamtamang tangos ng ilong, singkit na kulay itim na mata, at perpektong kilay. In short, maganda siya."Ano bang sinasabi mo? Dito ako nagbabakasyon at bahay ko na ang lugar na iyon. A
MOLLY'S POVPinagmasdan ko ang matayog na gusaling nasa harapan ko, halos malula na nga ako habang pinagmamasdan ito at hindi matansya kung ilang palapag mayroon ito."Dito rin nagtatrabaho si Alyse?" tanong ko na inilingan ni Alf na nakatayo sa aking tabi."Kalilipat niya lang last month sa isang publishing company. Ngayon lang may dumating na opportunity na nababagay sa gusto niya kaya naman sinunggaban niya agad at iniwan ako rito," sagot niya at hinarap ako. "Can you please remind me on how did I end up marrying that shit?" Tinignan ko naman siya at ngumuso. "You don't remember? It all started when we tried to dye your hair with gray." Ngumiwi ito at suminghap sa isinagot ko, halatang hindi niya nagustuhan ang itinugon ko, although 'yun naman ang totoo. May isang araw na nagpagupit siya ng buhok at nagpaplanong magpakulay ng buhok. Sobrang tagal ng magkukulay ng buhok niya dahil may kausap sa selpon kaya ako ang inutusan ni Alf na kulayan ang kaniyang buhok. Then nasa tabi niya
MOLLY'S POVPumasok ako sa pintuan at agad na natanaw ang lalaking nakaharap namin kanina sa elevator. Nakatingin ito sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip kaya naman pinutol ko iyon sa pamamagitan ng pagtikhim, nagtagumpay naman ako na kunin ang atensyon niya. Naglakad ako palapit sa kaniya hanggang sa magkaharap na kaming dalawa. "Good morning, Sir. I'm Molly Cabrera," bati at pagpapakilala ko sabay nginitian siya pero nakatingin lang ito sa akin. "Have a seat." Naupo naman ako gaya ng sinabi nito. Nakatingin lang kami sa isa't isa at pinapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Alam kong may gusto siyang sabihin pero mukhang nagdadalawang isip pa siya. "Emm...." panimula ito at tumikhim sabay huminga ng malalim. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na magsisimula na ang trabaho mo sa araw na'to. Bawat oras na tatawagin kita ay kailangang naroon ka agad, mapa-rito man sa gusaling ito, o sa labas, maging sa bahay at condo ko. Hawak ko ang buong oras mo." Hindi ako umimik sa sin
MOLLY'S POV"...if that's all, you may go now."Napatingin ako sa suot kong wristwatch at nanlumo nang makitang 7 pm na pero narito pa rin ako at kasama ang lalaking ito, si Linus. Ang plano ko lang naman ngayon ay mag-apply ng trabaho pero ngayon ay may trabaho na ako at napakabigat pa na trabaho 'to."Kanina ko pa napapansing panay ang pagtingin mo sa oras," usal ni Linus habang naglalakad kami sa mahabang hallway. Sobrang tahimik na ng paligid at mukhang wala na ni isang empleyado, pero nakabukas naman ang mga ilaw. "May naghihintay sa akin sa bahay. Isa pa ay masyado itong biglaan, Sir," sagot ko na punong-puno ng pag-aala at napatingin muli sa wristwatch ko. Kumusta na kaya si Seaweed? Kaunti lang ang inilabas kong pagkain niya, paniguradong gutom na siya."Sino?"Natigil ako sa paglalakad at napatingin kay Linus na ikinataas naman ng kilay nito. "Sir, bakit mo naman kailangang tanungin kung sino iyon? Labas ka na sa personal kong buhay." Agaran akong natigil sa pagsasalita nang
MOLLY'S POVLumabas ako ng kwarto na katatapos lang maligo at handa na para mag-agahan. Namataan ko si Alyse na nasa ibaba at nakapameywang na nakaharap kay Alf. "Good morning, Alyse," bati ko rito habang pababa ako ng hagdan. Nilingon niya naman ako at dali-daling naglakad palapit sa akin sabay hinalikan ang aking pisngi."Good morning din. Sorry but I have to go," nagmamadali nitong pamamaalam at kinuha ang kaniyang itim na coat na nakapatong sa upuan. "Oh." Hinarap ulit ako ni Alyse. "Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, napakatigas ng ulo at hindi makaintindi. Babawi naman ako," aniya. Tumango na lang ako at pinanood siyang dali-daling naglakad palabas ng bahay. Napatingin naman ako sa direksyon ni Alf at nadatnan itong hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa pagkaing nakahanda sa mesa. Halatang pinaghandaan niya ito pero hindi man lang kumain si Alyse. Hindi pa ba siya nasanay? Madalas namang nangyayari 'to pero lagi pa rin siyang naghahanda at pagkatapos ay disappointed kalau
MOLLY'S POV"Shit!"Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong tasa matapos mapaso ang aking daliri. Sa kanan kong kamay ay hawak-hawak ko itong tasa, sa kabilang kamay naman ay naroon ang bundok-bundok na papeles at may nakaipit pa sa kilikili ko na mga folders. Hindi lang iyon dahil may nakasabit pang supot sa bibig ko na may lamang mga pagkain. Nagmumukha na akong christmas tree na napapalamutian ng kung ano-ano. Ito ang unang beses na nagmumukha akong katawa-tawa, and I never thought na ganito ang trabaho ng mga secretary, or masyado lang abusado ang boss ko?Sinipa ko ang pintuan ng opisina ni Linus upang bumukas ito at pumasok na ako sa loob. Dali-dali kong inilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa, maging ang supot na nakabitin sa bibig ko ay ibinaba ko na rin, may naiwan pang laway doon pero ayos lang. Wala naman akong nakahahawang sakit, and I guess hindi naman nakakahawa ang pagiging sociopath."Sir, nandito na po 'yung papeles at pagkain na pinapakuha mo," hayag ko ngunit natigila
MOLLY'S POVSumilip ako sa loob ng junkshop upang tignan kung naroon ang matandang lalaki, pero mukha namang walang tao sa loob. Hindi ako nakuntento at naglakad papasok doon. "Nasaan na ba ang basurerong iyon?" tanong ko sa aking sarili habang inilibot ang aking paningin sa paligid pero natigilan ako nang may makasalubong akong isang babaeng mukhang nasa singkwenta na ang edad pero malinis at galante ang kaniyang pangangatawan. Pang-mayaman lahat ng nasa katawan nito kaya naman agad akong nagtaka.Dinaanan niya lang ako at umalis na sa lugar na iyon."Hija." Napatingin ako sa nagsalita at nakita na basurero kaya naman naglakad ako palapit sa kaniyang kinaroroonan at iniabot ang isang bag na puno ng pagkain."Nagluto ng marami si Alf pero hindi ulit kumain si Alyse kaya naman sinabi niyang dalhin ko ito sa'yo," hayag ko at natigilan nang bigla na lang tumalon palabas sa bag ko si Seaweed at nagtatatakbo ito sa paligid."Sandali, tigre ba 'yun?" gulat na tanong ng matanda na tinangua
MOLLY'S POVNapatingin ako sa aking wristwatch at napansing 10 AM na pero wala pa rin ang magaling kong boss. Ni anino niya ay hindi ko pa nahahagilap, partida 9 AM pa ako pumasok dahil na-late ako ng gising. Hindi man lang ako ginising ni Alf pero sabi niya naman ay eksaktong 5 AM siya umalis dahil marami siyang aasikasuhin sa table niya't gaya ni Linus ay may mga deadline siya.Matapos na magsumbatan kahapon si Linus at Alf ay napilitang umuwi mag-isa ang magaling kong boss, pero ang kapalit nu'n ay babalik na ako sa trabaho ko bilang secretary niya. Pumayag na lang ako para naman matigil na sila sa kakadakdak dahil sobrang sakit na nila sa tainga— kaya naman heto ako ngayon at nasa opisina, kinakamote na sa sobrang tagal kakahintay. Isang buong oras na pero wala pa siya. May kumatok mula sa pinto kaya naman napatingin ako roon at nakita ang bwisit na babaeng si Hazel. Binati namin ang isa't isa sa pamamagitan ng pag-irap. Mabuti na lang at the feeling is mutual sa aming dalawa."S
Molly's POV"Huwag mo masyadong bilisan," sita sa akin ni Linus na mahigpit na nakakapit sa seatbelt niya, pero mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. "Oh, I forgot," usal ko at sinulyapan siya. "You'll pay if we'll got caught by police, right?" "What do you mean?" taka niya namang tanong. "Well, I don't have a license and I only learn how to drive by watching Alf. Also, I don't know how to stop this so... brace yourself. We'll hit a tree.""What the fuck—"Binilisan ko pa ang pagmamaneho habang panay ang pagtuturo sa akin ni Linus kung paano iyon pahintuin. Ngumisi na lamang ako hanggang nga sa huminto na ang sasakyan. Naghahabol ng hininga si Linus na itinakip ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang mukha. Then nakabawi na ako ng kaunti sa mga pambubwisit niya. Lumabas na ako sa sasakyan at naglakad patungo sa harapan. We're here, ang dating kinatitirikan ng mental facility.Pinagmasdan ko ang kabuoan nito at wala na akong ibang makita kundi ang nangingitim na lupa. Wala na
MOLLY'S POV"Hindi ka pa ba uuwi?"Tumayo ng maayos si Linus at hinarap ako. Kumurap-kurap pa ito at tumikhim, mukhang malalim ang iniisip niya simula nang dumating ako. "I need to take care about the construction of the mental facility. I need to make sure that they'll start it without any problems," tugon niya na ikinatango-tango ko. 'Yan na naman ang sagot niya sa akin sa bawat araw at halos isang linggo niya na iyang isinasagot. Dibale at nakapagpaalam na ako kay Alf na hindi siya matutulungan sa pagprepare ng engagement party at naiintindihan niya naman ang posisyon ko, gusto niya nga ring bumisita rito kaso wala siyang oras. Oh speaking..."Bukas na pala ang engagement mo."Natigilan si Linus sa sinabi ko."Bukas na?" gulat niyang wika. Tumango ako at iniangat ang cellphone ko kung saan inschedule ko talaga at tinext din ako ni Alf. Napatingin naman siya roon at ngumiwi. "Umuwi ka na para ihanda ang sarili mo bukas," hayag ko at ibinulsa na ang aking phone na ikinanguso nama
MOLLY'S POVInis na lamang akong nakatitig sa kisame. Gusto ko nang pumikit at magpahinga pero... paano ko magagawang pumikit kung sa kabilang kama ay nakatagilid ng higa si Linus na nakaharap sa aking pwesto. Kanina pa ito nakatingin sa akin.Kung bakit ba naman kasi pumayag ang mga nurse sa suggestion niya na matutulog sa kabilang kama ng tinutulugan ko nang masigurong hindi na ako tatakas. Those damn traitors. "Just how long are you gonna stare at my body, you punk?" singhal ko at sinulyapan na si Linus. "And just how long are you gonna keep your guard when you're with me? Just sleep already, aren't you tired and sick?" patanong nitong sagot sa akin kaya mas lalo lang akong nainis. "I'll appreciate it a lot if you'll leave me alone. Who knows what can a maniac like you can do."Natawa naman ng mahina si Linus dahil sa sinabi ko at mabilis na naupo mula sa kaniyang pagkakahiga. "I'm amaze. No one talk to me like that. All my life I've been hearing a lot of compliments in my envi
Molly's POVInis kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang kahon na hawak ko. That damn Lolan, inutusan niya ang isang pulis para ibalik sa akin ang kahon na natanggap ko na naglalaman ang aking mga larawan. Susunugin ko na lang 'to. Binuhat ko na muli ang kahon at naglakad palabas ng church. Sa likod ko na lang 'to susunugin pero nang makasalubong ko ang pari ay nagtanong ito kung anong gagawin ko sa hawak ko. Nang malamang susunugin ko iyon ay pinagbawalan niya ako dahil daw baka magaya ang church sa sinapit ng orphanage namin.E kung siya kaya ang sunugin ko?Pero wala na akong nagawa. Isinuhesyon nito na itapon ko na lang sa labas dahil may maghahakot naman ng basura ngayon. So yeah, wala akong nagawa kundi tumungo na lang sa labas para ibasura iyon. Pero bago ko pa man marating ang gate para itapon ang karton ay nahulog ito sa lupa't nagkalat dahil may bumangga sa aking katawan na naging dahilan upang mabitawan ko iyon. Damn. Why does everyone is pissing me off! For hell's sake! I h
Molly's POVNakaupo lang ako sa isang silya habang pinapakiramdaman ang Mayor at si Nurse Scarlet na kasabay kong kumakain. "This is the first time you're uncomfortable eating to this place with us," hayag ni Mayor at tinignan ako. "Nakadalawang subo ka pa lang.""I don't have appetite," tugon ko."Then why are you still here? You can take your leave," sagot ng Mayor kaya naman nagawi ang aking paningin kay Nurse Scarlet ngunit hindi man lang ito nag-angat ng mukha."I'm waiting for Nurse Scarlet. I want to talk to her, ng kami lang."Hindi naman nakaimik ang Mayor pero napatingin din ito sa direksyon ni Nurse Scarlet, hanggang sa tumayo na si Nurse Scarlet at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi."Then, excuse us. Molly, come with me," anito at naglakad na paalis kaya naman tumayo na ako at sinundan siya. Pagkalabas namin ng dining area at dire-diretso pa rin siyang naglalakad hanggang sa makarating naman kami sa living room at naupo ito sa isang sofa. Nang kumportable na siya ay na
Molly's POV"I don't really understand what kind of demon you have."Napatingin ako sa aking tabi and there's Lolan na nakatutok ang mga mata sa harapan at nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Buong gabi hanggang sa magdamag ay magkasama kami. Hila-hila niya ako mula sa pagdala sa hospital ng mga pulis na binaril ng mga utusan ng Mayor, dinala niya rin ako sa presinto lalo na sa interrogation room. Pinilit niya akong sabihin lahat ng alam ko, though ang sinabi ko lang sa kaniya ay ang dapat niyang malaman. "The demon I have?" anas ko at mahinang natawa. "I'm the demon myself."Natawa naman si Lolan pero kalauna'y sumeryoso na. "By the way, I'll send to you the details about the medicine you gave to me. It'll take time but don't worry, I won't keep it myself," saad nito na tinanguan ko lang at hindi na umimik. Sa police station ay ibinigay ko ang bote ng gamot na nakuha ko at itinago sa bulsa. Paiimbestigahan daw iyon ni Lolan sa kadahilanang maaaring iyon ang hinahanap ng mga tauhan ni
Molly's POV Paalis na sana ako nang mapansin ko ang isang batang babae na nakaupo sa gilid habang nakatingala at nakabuka ang kaniyang bibig. Napatingin na muna ako sa paligid at nang mapansing walang nurse ay nilapitan ko ito at maingat na isinarado ang kaniyang bibig. "Gabi na. Hindi ba dapat ay natutulog ka na?" pangangaral ko rito at inayos sa pagkakasuot ang jacket nito. "Ate Molly," saad naman nito pero hindi niya ako tinapunan ng tingin. Umangat ang kamay nito at itinuro ang harapan kaya napatingin ako roon. "Why did they let our home to get burn if Father always says that they are the one who's guiding us?"Napatingin ako sa itinuturo nito at nakita ang malalaking rebulto ng mga anghel. Suminghap naman ako at ibinalik ang paningin sa bata. "What do you mean? They can't even move their bodies then how come they can stop the fire?" tangi kong tugon na naging dahilan upang mapatingin sa akin ang bata. "You're stupid."Inis akong ngumiti at binatukan siya na naging dahilan ng
MOLLY'S POVPagkarating sa mental facility ay agad na tumambad sa akin ang gusali na nangitim na dahil sa sunog. Halos lahat ng pader ay wala na, ilang poste at bubong na lang ang natira, hindi na'to pwedeng gamitin pa. Kasalukuyan namang tumutuloy ang mga nurse, doctors, at iba pang staff maging ang mga pasyente sa simbahan, pero pahirapan dahil sa siksikan at walang kwarto kaya pakalat-kalat at hindi mabantayan ng mga nurses ang mga pasyente. They really need my help here."Sige na, kumain ka na." Itinutok ko ang kustara sa bibig ng isang batang lalaki na isa sa mga pasyente, pero nakatulala lang ito habang yakap-yakap ang teddy bear niya. Bumuntong-hininga ako at hindi na muling ipinagpilitan. Kung ayaw niya edi 'wag, hindi naman ako ang mamamatay sa gutom."Molly." Umalis na ako mula sa pagkakaupo ko sa ibabaw ng kama ng bata at nilapitan ang nurse na tumawag sa akin. Agad din akong napatingin sa katabi niyang pulis at tumango."Siya po si Molly," pagpapakilala sa akin ng nurse
Molly's POV"Fine, you'll have her today but she'll work with me tomorrow and so on."Malalim akong bumuntong-hininga dahil naririnig ko pa rin ang mga katagang binitawan ni Alf para lang matapos na ang usapan nila ni Linus. Para silang mga batang nag-aagawan ng laruan at nagkakasundo ng may oras-oras pa, ni hindi man lang nila ako pinagdesisyon. They're both jerks. "What are you thinking?" tanong ni Linus kaya naman nag-angat ako ng mukha at umiling. "Don't tell me it's noting. Ang lalim ng iniisip mo. Ni hindi mo pa nga napansin na tapos na ang meeting."Napatingin ako sa paligid at napasinghap nang mapagtantong kami na lang dalawa sa loob, e parang kanina lang nandito pa ang lahat at may nagpe-present sa harapan. Hell, I think my brain was malfunctioning. It can't work as normal because of bullshits that has been happening around me. These aren't normal for me. I'm new to all of this. "My mind was just slowly processing all of this," pagrarason ko at nasapo ang aking noo. "And I'