Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter Four: Rescued

Share

Chapter Four: Rescued

Author: SQQ27
last update Last Updated: 2024-05-28 09:25:39

Sa ikatlong araw na nakakulong sa kuwarto si Claire ay narinig niya na may nag-uusap sa labas ng pintuan kaya dali-dali siyang tumigil sa ginagawa at inilapat ang tainga sa pintuan upang makinig.

“Sigurado ka bang matatapos ng babaeng ‘yon ang ginagawang singsing hanggang sa linggo?”

“Baka nga tapos na niya iyon bukas, e. Hindi mo ba kilala ang babaeng ‘yon? Siya lang naman ang pinakasikat na alahera noon bago pa ito magpakasal. Malinis pero mabilis saka polido ang kanyang gawa kaya nga pinag-interesan siya ni Boss ‘di ba?”

“Maganda siya. Sigurado kang okay lang sa ‘yong pakawalan siya ng hindi natitikman?”

“Sinong nagsabi sa ‘yong hindi? Sa ganda ng hubog ng katawan niyan iyon, palalampasin ko?”

Nagkatawanan ang dalawa habang nangunot ang noo ni Claire sa narinig at biglang nanghilakbot. Kailangan niyang makatakas bago pa man may gawin sa kanya ang dalawa. Bumalik siya sa iniwang ginagawa at tinitigan iyon.

“Are they thugs? Are these diamonds stolen?”

Hinawakan niya ang singsing na malapit nang matapos. The ring is fabulous. Kumikinang ang diyamante na nakapatong doon at kahit ang ring band nito ay binalot niya ng maliliit na diyamante. Kinuha siya ng dalawa at dinala sa isang lugar na hindi siya pamilyar upang gumawa ng singsing na hiling ng Boss ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa siyang dalhin dito upang gumawa samantalang puwede naman ang mga itong tumungo sa botique. Unless, nakuha ng mga ito ang diyamante sa nakaw. Ang tanging bintana na nasa kuwarto niya ay iisa at nang tumingin siya sa labas ay puro na iyon kakahuyan at matarik na bangin kaya imposible kung tatalon siya roon upang tumakas.

Walang ano-ano’y bigla siyang may narinig na komosyon sa labas at biglang bumukas ang pinto.

“Hoy, babae!” Lumapit sa kanya ang dalawa at mabilis siyang hinawakan ng mga ito sa magkabilang braso. Sa bilis ng pangyayari ay hindi nakahuma si Claire. Namalayan na lang niya ang sarili na akay-akay ng mga ito pababa sa hagdan pero biglang tumigil ang mga ito sa kalagitnaan nang biglang bumukas ang mayor na pinto at iniluwa noon ang mga nakaunipormeng militar. Kasunod niyon ay ang lalaking kaswal na nakadamit pero guwapong-guwapo pa rin sa paningin ni Claire.

“Manson…” hindi makapaniwalang bulong ni Claire. Si Manson ba talaga ito? Nandito ba ito para iligtas siya?

Dahil nakita niya si Manson ay nakalimutan niyang hawak pala siya ng dalawang lalaki kaya’t nung bigla siyang tatakbo pababa ng hagdan ay agad siyang pinigilan ng mga ito. Ang isa ay mabilis siyang tinutukan ng baril sa sentido.

“Sige, lumapit kayo kung ayaw n’yong pasabugin ko ang bungo ng babaeng ito.”

Binalot ng takot ang pagkatao ni Claire at mabilis pa sa kidlat na huminto sa paglalakad. Nanginginig ang kamay na tumingin siya kay Manson. Puno ng pagsusumamo ang kanyang mukha na iligtas siya ng asawa. Marahan siya nitong tinanguan.

Nanatiling nakatutok ang baril sa sentido ni Claire pero ang mga militar ay nakahahanda sa maaring mangyari. Kahit si Manson ay may baril na hawak at nakatutok iyon sa dalawang lalaking may hawak kay Claire. Walang ideya si Claire na marunong palang humawak ng baril si Manson.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Dalawang putok ng baril ang sunod-sunod na tumunog at sa isang iglap ay dalawang katawan ang bumagsak sa hagdan. Dahil biglang nawala ang may hawak sa kanya ay nawalan ng balanse si Claire at nahulog din ang katawan sa hagdan. She was expecting her body to kiss the floor, but that didn't happen. She was embraced by the broad shoulder and engulfed in an intoxicating scent.

“Claire… Thank God, okay ka na. Labis akong nag-alala sa pagkawala mo.” Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Manson.

Hindi mapigilan ni Claire ang tuluyang humikbi sa harap ni Manson. Ginantihan niya ito nang mahigpit na yakap. “Salamat sa pagligtas mo sa akin, Manson. Salamat at nahanap mo ako. I was so scared at baka kung ano na ang gawin sa akin ng dalawang iyon.”

Kumalas si Manson sa pagkakayakap sa kanya at puno pa rin ng pag-aalala na tumingin sa kanya. “Nakalimutan mo na ba na may naka-install na tracking device dito?” Kinuha ni Manson ang kaliwang kamay niya at itinuro ang kanyang pulsuhan.

Nang sinabi iyon ni Manson ay biglang naalala ni Claire ang lahat. May tracking device na naka-install sa kanya para protektahan siya sa mga ganitong pagkakataon. Pero bakit ngayon lang siya nahanap ng asawa?

Nakita ni Manson ang komplikadong ekspresyon niya kaya agad itong nagpaliwanag. “Dapat ay hahanapin kita noong unang araw na nawawala ka pero sabay na may nangyari sa inyo ni Valeen. Muli siyang nagtangka at tatlong araw siyang walang malay ss ospital. Ngayon lang ako nakakilos dahil ngayon lang din siya nagising.”

Parang malamig na yelong binuhusan ang kaninang tuwa na nakabadha sa mukha ni Claire. Hindi siya makapaniwala. Sa loob ba ng tatlong taon nilang pagsasama ni Manson, ni katiting ba wala itong naramdaman para sa kanya? She smiled bitterly. Ultimong laway ay hindi niya malunok dahil sa sama ng loob sa dahilan ni Manson.

“A-ah… Ganun ba?” Pinilit niya magsalita. Ang gusto niya ngayon ay umuwi para magmukmok o di kaya ay lunurin ang sarili sa alak. Ang sakit-sakit na ng nararamdaman niya at baka hindi na niya kayang pigilan ang sarili at magbitaw ng kung ano-anong salita kay Manson.

“Yes, Claire. That's what happened. And in fact—”

“Manson!”

Hindi naituloy ni Manson ang sasabihin nang biglang may pumutol nito.

“Valeen! Hindi ba ang sabi ko maghintay ka sa kotse. Delikado rito.” Lumapit si Manson kay Valeen at hinawakan ito sa braso na para bang binibigyan ito ng proteksyon. Kung para saan ay hindi alam ni Claire. Ang alam niya tila sasabog na sa sama ng loob ang puso niya.

“Pasensya na, Manson. Nag-aalala lang ako para kay Claire.” Valeen still looked pale. Tumingin ito sa kanya at nag-aalalang nagtanong. “Are you kay na, Claire? Nasaktan ka ba? Need ka ba namin dalhin sa ospital?”

Pilit na ngumiti si Claire at kahit na nasasaktan ay sinagot niya si Valeen. “Ayos lang ako. Wala silang ginawa sa akin.” Sumulyap siya kay Manson na hawak pa rin sa braso si Valeen upang suportahan ang dalaga. “I want to go home, Manson. Baka nag-aalala na si mama. Hindi ko na kayo aabalahin at magta-taxi na lang ako.” Hindi na niya hinintay ang sagot ng asawa at tumalikod na rito na masamang-masama ang loob.

Sa bawat hakbang ni Claire ay umaasa siyang hahabulin ni Manson para ihatid pero hanggang sa makasakay siya sa military van, na siyang nagboluntaryong maghatid sa kanya, ay hindi siya binigyang-pansin ni Manson.

Samantala, nanatili si Manson sa tabi ni Veena dahil nanghihina pa rin ito kaya iginiya niya ito papasok sa kanyang kotse.

“I told you, you don’t need to come. Nagpumilit ka pa, eh hindi ka pa magaling,” sermon niya sa dalaga.

“Nag-aalala lang ako para kay Claire. Napakabait niya para may manamantala sa kanya. Bakit mo siya hinayaang sumakay sa military van kung puwede mo naman siyang ihatid?”

Natahimik si Manson. Iyon ang gusto niya. Ang ihatid si Claire pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang iwan si Veena. Hindi nito gusto ang may kasabay na iba sa kotse kaya napilitan siyang ipasabay si Claire sa military van.

Napayuko si Veena at tahimik na ngumisi. Because time and time again, she still grasped Manson under her palm.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
SQQ27
Veena haha, Veena na sa mga next chapters haha sorry
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
valeen ba or veena ano talaga name nya..
goodnovel comment avatar
SQQ27
Haliparot daw kasi.........️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Five: Fight Alone

    Dahil sa insidenteng nangyari ay naabala ang gawain ni Claire at lalong nadagdagan ang ginagawa niya. May rush order din galing sa Earl ng Ireland at milyones ang ibinayad sa kanya upang matapos agad iyon. Isa iyong korona na gawa sa iba’t ibang klase ng mamahaling diyamante, rubi at emeralds. Ang koronang ito ay para sa bagong hihiranging Earl ng Northern Ireland kaya puno ng pag-iingat ang ginagawa ni Claire.Hindi na niya namalayan ang mga oras at araw na lumipas. Dahil puwede naman siyang sa botique na lang matulog ay dito na siya mamalagi at kung hindi pa siya pinipeste ni Nana na umuwi sa mansyon nito ay hindi pa uuwi si Claire. Nang sa ganun, kahit papaano ay nagkikita pa rin sila ni Manson. Sa iisang kuwarto pa rin sila natutulog pero sa kama siya at sa sofa si Manson. Lalong nasasaktan si Claire sa ganoong set-up nila ni Manson pero ininda niya ang lahat ng iyon dahil alam niyang wala na siyang pag-asa na magbabalik sa dati ang pagsasama nila ng asawa.“I’ll be back late toni

    Last Updated : 2024-05-28
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Six: Another accusations

    Mabilis na nabitawan ni Claire ang braso ni Veena nang marinig ang galit na boses ni Manson na bigla na lang lumitaw kung saan. Namumutla ang mukha na nilingon niya ito at kinabahan baka kung ano ang isipin ni Manson sa kanya. “Manson…” Mahina pa sa boses ng daga ang boses na bulong niya sa pangalan ng asawa. Naisara niya ang nakaawang na labi dahil sa galit na nakikita sa mukha nito. “Hindi naman ako–”“Manson!” putol ni Veena sa iba pa niyang sasabihin at kaagad itong lumapit kay Manson saka nangunyapit sa braso nito. “Help me…” Nanghihinang anas nito pero dahil magkalapit lang sila ay narinig iyon ni Claire.Tumaas ang kilay ni Claire at napabuga ng iritadong hininga nang makita ang inakto nito. Lalo pa siyang hindi makapaniwala nang nginisihan siya ni Veena pero nang tumingin ito kay Manson ay parang kawawa pa sa isang alipin ang hitsura nito. Labis ang pagpigil ni Claire sa inis upang hindi ito sunggaban at sampalin.“Ano’ng nangyari sa ‘yo, Claire? Bakit mo sinasaktan si Veena?

    Last Updated : 2024-05-31
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Seven: Drunk

    Dahil sa nangyari kanina sa restaurant ay hindi mapigilan ni Manson na maglasing upang alisin ang inis sa dibdib. Matapos ang trabaho ay pumunta siya sa isa sa mga paborito niyang bar kung saan pagmamay-ari ng kaibigan niya na siyang abay rin sa kasal nila ni Claire, si Harley. Magkalapit ang loob nito at ng kanyang asawa kaya lagi siyang nakakatikim dito ng sermon, tulad na lang ngayon. “Manson, ano ba ang pumasok sa kukute mo at kailangan mo pang i-divorce si Claire? You two are doing okay,” magkasalubong ang kilay na tanong ni Harley matapos siyang abutan ng baso ng whiskey. Alam na alam na nito kung ano ang gusto niyang inumin kapag napagawi siya sa bar.Mabait na tao si Harley. Kaibigan ito ni Manson noong high school pa lang sila sa isang prehisteryosong eskwelahan. Maganda, matangkad at matalino at papasa bilang isang beauty queen. Lagi pa nga silang napagkakamalang magkasintahan noon kaso alam ni manson simula’t sapul na babae rin ang gusto ni Harley at tanging kaibigan ang t

    Last Updated : 2024-06-01
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Eight: Roses

    Dahil sa tagpong nakita ni Claire sa sariling pamamahay ay hindi siya nakatulog nang maayos kaya ang ginawa niya ay tinapos ang mga desinyo na pinapagawa ng kliyente niya. Narito siya ngayon sa boutique at inabala ang sarili upang kalimutan ang pait na nararamdaman ngunit kahit ano’ng gawin niya ay hindi iyon nababawasan.Tumigil lamang siya sa ginagawa nang mapansin na maliwanag na sa labas. Tumayo siya at nag-inat pagkatapos ay tiningnan ang cellphone. Umaasa siya na may mensahe sa kanya si Manson pero ni isa wala. Bagkus ay meron doong sampung miscall at sandamakmak na mensahe mula kay Meesha. Hindi niya iyon binasa at diretso itong tinawagan."Hey, ate! Bakit ngayon ka lang tumwag? Kagabi pa ako tawag nang tawag sa 'yo!"Nailayo ni Claire ang cellphone sa tainga dahil sa tinis ng boses ni Meesha. "Bakit, may nangyari ba?""Ate naman! Kailangan ba may mangyari pa para makausap kita?" nagtatampong tanong ni Meesha.Naiiling na ngumiti si Claire at nagpasyang katagpuin ito baka magta

    Last Updated : 2024-06-02
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Nine: Explanations

    Mabilis na lumapit ang bodyguard ni Veena upang umawat pero dahil malakas si Meesha ay nahirapan ang mga itong awatin ang dalawa. Kaagad namang hinawakan ni Claire si Meesha at sinubukan itong ilayo pero sa ginawa niyang iyon ay nakalmot siya ni Veena sa braso. “Damn you, slut!” Naghuramentadong sigaw ni Meesha nang makita ang ginawa ni Veena kay Claire pero dahil kaagad na humarang ang bodyguards nang una ay hindi nakalapit ang kapatid ng asawa niya. “Meesha, tama na. Ayos lang ako,” pigil ni Claire rito. “Hayaan mo na siya at baka ikaw na naman ang pagagalitan ng kuya mo.”“Hmp!” Umupo si Meesha sa kalapit na upuan matapos itong pakalmahin ni Claire. “Hindi mo dapat siya pinapakitaan ng kabutihan, ate. Hindi niya deserve ‘yun!”“How could you, Meesha!? Kapatid ang turing ko sa ‘yo mula pa noon pero bakit ganito ang trato mo sa akin?” Biglang sigaw ni Veena. Hindi ito makalapit sa kinauupuan nilang mesa dahil sa mga bodyguards nitong pumipigil dito.Marahas itong nilingon ni Meesha

    Last Updated : 2024-06-03
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Ten: Why do we need to divorce?

    May maliit pero sagana sa panindang bulaklak malapit sa botique na pinagtatrabahuan ni Claire kaya’t doon siya nagpababa. Pero walang ideya ang asawa kung bakit.“Samahan na kita,” suhestiyon ni Manson nang pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. “Bakit bumaba ka rito samantalang doon pa ang botique na pinapasukan mo?”Hindi sumagot si Claire at nagpatiunang naglakad papasok sa botique. Sumunod sa kanya ang nakakunot ang noong asawa. Nang makita nito kung ano ang ginawa niya ay saka lang ito natauhan. “Kailangan ko ng one-hundred and forty-three long stem white roses,” utos ni Claire sa tindera na namangha dahil sa dami ng in-order niya. “Para saan pong okasyon, maam?” magalang na tanong ng tindera pero ang mata nito ay hindi mapigilang tumingin kay Manson na nakatayo sa likuran niya. Masungit na nilingon ni Claire si Manson at pinandilatan. Hmp! Nakakamatay talaga ang kaguwapuhan mo! Tahimik niyang bulong sa sarili. Nilingon niya ang tindera na ngayon ay nag-umpisa ngang magpakit

    Last Updated : 2024-06-04
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Eleven : Claire

    Chapter 11Natigilan sa akmang pagpasok sa botique si Claire nang marinig ang sinabi ni Manson. Biglang nanginig ang kamay niya na nakahawak sa handle ng pintuan dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso. Mabilis niyang nilingon ang asawa. Pero gustuhin man niyang umasa ay hindi pupuwede.“Bakit mo nasabi ‘yan? Hindi ba ikaw ang unang nagsuhestiyon na maghiwalay na tayo dahil sa Veena na ‘yon?” She didn’t want her hopes to crash without even starting. “Ibig ba niyang sabihin ay determinado ka na makipaghiwalay sa akin?”Kahit nasasaktan ay tumango si Claire. “Oo. Malapit nang maaprubahan ang divorce dito sa Pilipinas kaya oo, sigurado ako sa desisyon kong makipaghiwalay sa ‘yo.” Ngumiti si Claire kahit taliwas iyon sa totoong nararamdaman. Kung puwede lang ay ibalik niya ang oras at huwag nang pumayag na makipaghiwalay rito.“Claire! Anong ginagawa mo diyan sa labas? Pumasok ka na rito at may meeting tayo para sa bagong proyekto.” Isang lalaki, na halos kasing-edad ni Claire ang lum

    Last Updated : 2024-06-06
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter Twelve: Feed Me

    Chapter 12Nang lumapat ang labi ni Veena sa kanya ay mabilis itong itinulak ni Manson palayo at matalim ang matang tiningnan ang babae na tila binibigyan ng babala. Kaagad namang lumayo si Veena at nakuntentong umupo sa tabi niya. “Bakit ka nandito?” malamig ang boses na tanong ni Manson. Ayaw niyang magkaroon uli sila ng hindi pagkakaunawaan ni Claire kapag malaman nitong nagkita sila ni Veena at magkatabi pa sa upuan.Malawak na ngumiti si Veena at inabala ang sarili sa pagkuha ng pagkain na hindi man lang nagpapaalam sa um-order niyon. “You know me, Manson. I am wherever you go. I can sniff and will find you even if you are in depths of earth,” Veena answered coquitteshly.Umangat ang kilay ni Marx sa narinig habang si Manson ay hindi sumagot. Tahimik siyang kumuha ng pagkain pero bago pa niya iyon mailagay sa plato ay inagaw na iyon ni Veena at ito na ang nagsilbi sa kanya.“Let me, my bae. Nakahanda akong pagsilbihan ka kahit saan. Kahit anong pagsisilbi gagawin ko.”Hindi na n

    Last Updated : 2024-06-07

Latest chapter

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 217: Siblings

    Ilang araw ang lumipas nang mabalitaan ni Claire na pinamanahan siya ni Mr. Campbell nang malaking mana na labis niyang ikinabigla. Alam niyang tunay siya nitong apo pero sino ang mag-aakala na halos lahat ng yaman ay ipapamana nito sa kanya!? Ang rason nito ay dahil binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli. Kahit ang kapatid niyang si Vincent ay agree sa lolo nito pero hindi si Claire kaya naman agad siyang sumugod sa ospital upang komprontahin ang matanda. Pero naabutan niya roon si Lucas. “Lucas, nandito ka…” Tinanguan siya ng binata bago nilapitan saka mahigpit na niyakap. Claire patted him on the back. Agad rin namang kumalas si Lucas at baka magselos na naman si Manson kung may magsumbong dito.“I heard what happened. Ayos ka lang ba? Nandito ako para bisitahin si Mr. Campbell bago puntahan ka pero hindi ko akalain na makikita kita rito.” Umatras ito ng dalawang beses saka mataman siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “Why do you look so haggard? Bakit ang

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 216: Wedding Bells

    Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 215: Visiting

    “Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 214: False Alarm

    “I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 213: Truth accidentally discovered

    Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 212: Selfish

    Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 211: Evil Woman

    Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 210: Indeed

    Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 209: Bone Marrow transplant

    Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status