“Bakit mo ako iniwan kanina?” Madilim ang mukha na tanong nito habang nakasalikop ang braso sa harap ng dibdib.
Alanganin ang ngiti ni Claire. Pagod siya dahil maraming customer ang nabalitaan ang pagbabalik niya sa trabaho kaya't mabilis ang mga itong nag-book ng schedule para magpagawa ng alahas sa kanya. Even the royalties from the other countries contacted their boutique. Ganoon siya ka-famous. “Bakit ka nandito? Baka hinahanap ka na ni Veena at tangkain na naman niyang saktan ang sarili niya.” Hindi alam ni Claire kung lumabas ang sama ng loob niya sa pagkakasabi niya pero hindi niya kayang pigilan ang sarili. She is hurting, but it was her fault and there's no one to blame. “Bakit mo tinatanong kung nandito ako? May obligasyon ako sa ‘yo. Asawa mo ako at sinusundo kita dahil may dinner sa bahay ni lola at pinapatawag ka niya.” “Hindi ba magdi-divorce na tayo? Bakit tinatrato mo pa rin ako nang ganito? Simula nang sinabi mong magdi-divorce tayo wala ka ng obligasyon sa akin.” Nanlilisik ang mata na lumapit sa kanya si Manson at mahigpit siyang hinawakan siya sa braso. “Bakit? Dahil ba sa Lucas na ‘yon?” Pinaikot siya ni Manson at nagkaharap silang dalawa. “Sabihin mo sa akin ang totoong dahilan kung bakit ang bilis mong pumayag na mag-divorce tayo. Ang Lucas ba na ‘yon? Ang lalaking hanggang ngayon ay laman ng panaginip mo?” Claire took in a deep breath to try to calm her erratic heart. “Manson, nagkakamali ka ng iniisip. Puwede ba bumalik na lang tayo sa mansyon ni Nana?” Hinila siya ni Manson at mahigpit na niyakap. “I’m sorry, Claire. Ayaw kong nasasaktan ka. Pasensya na kung nasabi ko iyon.” Hindi sumagot si Claire at hindi niya rin ibinalik ang yakap nito. Sumakay sila sa kotse at bumiyahe patungo sa mansyon ni Nana at nang makarating doon ay sinalubong sila ng mag-asawa na tuwang-tuwa dahil magkasama sila ni Manson. Buong dinner ay tungkol sa magiging apo ng mga ito ang naging paksa. Parehong tahimik sina Claire at Manson dahil alam nila pareho na imposible iyong mangyari dahil kay Veena. “Are you mad at me?” Manson’s voice whispered beside Claire’s ear, making her feel hot. Amoy niya ang mabangong hininga nito dahil sa toothpaste at hindi niya kayang itanggi na gustong-gusto niya iyon. Malawak ang kama pero mas lumawak pa iyon dahil halos isiksik ni Manson ang sarili nito kay Claire. “Gusto mo bang pagbigyan si Nana? Paano kung sundin na lang natin ang gusto niya at bigyan siya ng apo?” Claire sucked in her breath. Iisa lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit nasabi iyon ni Manson. Dahil once na magkaanak sila nito ay iiwan na siya nito nang tuluyan at babalik ito kay Veena. “Dahil kay Veena? Gustong-gusto mo na siyang makasama?” Nakagat ni Claire ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. Nasaktan siya nang husto sa sinabi ni Manson. Ang kamay niya ay mahigpit na napakapit sa comforter. “N-no, Claire. I just wanted to make Nana happy. May pinagsamahan naman tayo ‘di ba? Siguro hindi naman mahirap sa ‘yo na pagbigyan ang hiling ni Nana.” Mahina siyang napatawa nang mapait. What did she do in her past life that she deserves this kind of punishment? Kinaumagahan ay maagang nagising si Claire at iniwan si Manson na natutulog pa sa kuwarto. Madilim pa sa labas at kahit ang mga kasambahay ay hindi pa rin mulat. Tahimik siyang lumabas at nag-order ng taxi para magpahatid sa botique. Twenty-four hours ang botique nila para sa mga empleyado lalo na kung may tinatapos silang rush orders. Hindi pa siya nakakarating sa entrance ng botique nang biglang may humarang sa kanya na dalawang kalalakihan na tila may masamang balak dahil sa uri ng pagkakatingin ng mga ito sa kanya. Parehong malalaki ang katawan ng mga ito at alam ni Claire na hindi niya kayang lumaban. Gayunpaman ay pilit niyang pinakalma ang sarili upang makapag-isip ng ayos kung paano tumakas. Hindi na ito bago sa kanya. “Ano’ng kailangan ni’yo?” kalmadong tanong niya. Walang saysay kung magpakita siya ng takot. The blue t-shirt guy held a dagger in his hand and he played it skillfully while answering Claire. “Sumama ka sa amin. Hihiramin ka lang ng Boss namin ng isang linggo.” “Huwag kang mag-alala dahil hindi ka namin sasaktan,” sagot ng kasamahan nito. “Iyon ay kung sasama ka sa amin ng matiwasay.” “Saan n’yo ako dadalhin?” “Huwag ng maraming satsat. Magpaalam ka na sa pamilya mo na hindi ka uuwi sa inyo ng mga isang linggo. Kung ano ang dahilan ikaw na ang bahala roon!” Ang naunang lalaki ang sumagot kay Claire. Kung kanina ay hindi pa siya kinakabahan, ngayon ay nagsimula nang magrambulan ang daga sa dibdib niya. Kahit nanginginig ang katawan ay pilit niyang tinawagan ang kanyang ina. Gusto niyang tawagan si Manson pero ayaw niya itong istorbohin dahil mas nanaisin pa nitong makasama si Veena keysa ang iligtas siya. Pinasakay siya ng dalawang lalaki sa kotse at piniringan kaya hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga ito. Basta matapos siyang ikulong sa isang silid ay hindi na siya binalikan ng mga ito. Ang tanging bilin sa kanya ay sundin ang ipinautos ng Boss ng mga ito at makakalaya siya nang maayos. *** “Bakit mo namang hinayaang makauwi si Manson sa kanila at kasama pa ang babaeng iyon? Paano kung hindi mo na siya makukuha ulit? Paano na lang ang negosyo ng daddy mo?” “Mom, relax. I got things under control. Mapapasaakin muli si Manson in no time.” Malawak ang ngiti na sagot ni Veena sa ina. Her face screamed wickedness. Ni hindi halatang may depresyon ito o nagpapanggap lang kapag kaharap si Manson. “Huwag kang magpakumbinsi, anak. Masiyadong mabait ang babaeng iyon para iwan ni Manson. Baka maaberya ang plano mong agawin siya.” Isang ngisi ang isinagot ni Veena at bumalik sa pagkakahiga sa hospital bed. She is well enough to be discharged, but it will cut her drama. Hindi pa tapos ang plano niya. “Don’t worry, mom. Ako ang mahal ng lalaking iyon. Hindi pa ba sapat sa inyo na lagi siyang nandito sa tabi ko kahit hindi pa proseso ang divorce nila ni Claire? Alisin mo na ang pag-aalalang ‘yan sa puso mo dahil habang nag-uusap tayo ngayon ay sinisigurado ko nang hindi babalikan ni Manson si Claire.”Sa ikatlong araw na nakakulong sa kuwarto si Claire ay narinig niya na may nag-uusap sa labas ng pintuan kaya dali-dali siyang tumigil sa ginagawa at inilapat ang tainga sa pintuan upang makinig.“Sigurado ka bang matatapos ng babaeng ‘yon ang ginagawang singsing hanggang sa linggo?” “Baka nga tapos na niya iyon bukas, e. Hindi mo ba kilala ang babaeng ‘yon? Siya lang naman ang pinakasikat na alahera noon bago pa ito magpakasal. Malinis pero mabilis saka polido ang kanyang gawa kaya nga pinag-interesan siya ni Boss ‘di ba?”“Maganda siya. Sigurado kang okay lang sa ‘yong pakawalan siya ng hindi natitikman?”“Sinong nagsabi sa ‘yong hindi? Sa ganda ng hubog ng katawan niyan iyon, palalampasin ko?”Nagkatawanan ang dalawa habang nangunot ang noo ni Claire sa narinig at biglang nanghilakbot. Kailangan niyang makatakas bago pa man may gawin sa kanya ang dalawa. Bumalik siya sa iniwang ginagawa at tinitigan iyon.“Are they thugs? Are these diamonds stolen?” Hinawakan niya ang singsing na
Dahil sa insidenteng nangyari ay naabala ang gawain ni Claire at lalong nadagdagan ang ginagawa niya. May rush order din galing sa Earl ng Ireland at milyones ang ibinayad sa kanya upang matapos agad iyon. Isa iyong korona na gawa sa iba’t ibang klase ng mamahaling diyamante, rubi at emeralds. Ang koronang ito ay para sa bagong hihiranging Earl ng Northern Ireland kaya puno ng pag-iingat ang ginagawa ni Claire.Hindi na niya namalayan ang mga oras at araw na lumipas. Dahil puwede naman siyang sa botique na lang matulog ay dito na siya mamalagi at kung hindi pa siya pinipeste ni Nana na umuwi sa mansyon nito ay hindi pa uuwi si Claire. Nang sa ganun, kahit papaano ay nagkikita pa rin sila ni Manson. Sa iisang kuwarto pa rin sila natutulog pero sa kama siya at sa sofa si Manson. Lalong nasasaktan si Claire sa ganoong set-up nila ni Manson pero ininda niya ang lahat ng iyon dahil alam niyang wala na siyang pag-asa na magbabalik sa dati ang pagsasama nila ng asawa.“I’ll be back late toni
Mabilis na nabitawan ni Claire ang braso ni Veena nang marinig ang galit na boses ni Manson na bigla na lang lumitaw kung saan. Namumutla ang mukha na nilingon niya ito at kinabahan baka kung ano ang isipin ni Manson sa kanya. “Manson…” Mahina pa sa boses ng daga ang boses na bulong niya sa pangalan ng asawa. Naisara niya ang nakaawang na labi dahil sa galit na nakikita sa mukha nito. “Hindi naman ako–”“Manson!” putol ni Veena sa iba pa niyang sasabihin at kaagad itong lumapit kay Manson saka nangunyapit sa braso nito. “Help me…” Nanghihinang anas nito pero dahil magkalapit lang sila ay narinig iyon ni Claire.Tumaas ang kilay ni Claire at napabuga ng iritadong hininga nang makita ang inakto nito. Lalo pa siyang hindi makapaniwala nang nginisihan siya ni Veena pero nang tumingin ito kay Manson ay parang kawawa pa sa isang alipin ang hitsura nito. Labis ang pagpigil ni Claire sa inis upang hindi ito sunggaban at sampalin.“Ano’ng nangyari sa ‘yo, Claire? Bakit mo sinasaktan si Veena?
Dahil sa nangyari kanina sa restaurant ay hindi mapigilan ni Manson na maglasing upang alisin ang inis sa dibdib. Matapos ang trabaho ay pumunta siya sa isa sa mga paborito niyang bar kung saan pagmamay-ari ng kaibigan niya na siyang abay rin sa kasal nila ni Claire, si Harley. Magkalapit ang loob nito at ng kanyang asawa kaya lagi siyang nakakatikim dito ng sermon, tulad na lang ngayon. “Manson, ano ba ang pumasok sa kukute mo at kailangan mo pang i-divorce si Claire? You two are doing okay,” magkasalubong ang kilay na tanong ni Harley matapos siyang abutan ng baso ng whiskey. Alam na alam na nito kung ano ang gusto niyang inumin kapag napagawi siya sa bar.Mabait na tao si Harley. Kaibigan ito ni Manson noong high school pa lang sila sa isang prehisteryosong eskwelahan. Maganda, matangkad at matalino at papasa bilang isang beauty queen. Lagi pa nga silang napagkakamalang magkasintahan noon kaso alam ni manson simula’t sapul na babae rin ang gusto ni Harley at tanging kaibigan ang t
Dahil sa tagpong nakita ni Claire sa sariling pamamahay ay hindi siya nakatulog nang maayos kaya ang ginawa niya ay tinapos ang mga desinyo na pinapagawa ng kliyente niya. Narito siya ngayon sa boutique at inabala ang sarili upang kalimutan ang pait na nararamdaman ngunit kahit ano’ng gawin niya ay hindi iyon nababawasan.Tumigil lamang siya sa ginagawa nang mapansin na maliwanag na sa labas. Tumayo siya at nag-inat pagkatapos ay tiningnan ang cellphone. Umaasa siya na may mensahe sa kanya si Manson pero ni isa wala. Bagkus ay meron doong sampung miscall at sandamakmak na mensahe mula kay Meesha. Hindi niya iyon binasa at diretso itong tinawagan."Hey, ate! Bakit ngayon ka lang tumwag? Kagabi pa ako tawag nang tawag sa 'yo!"Nailayo ni Claire ang cellphone sa tainga dahil sa tinis ng boses ni Meesha. "Bakit, may nangyari ba?""Ate naman! Kailangan ba may mangyari pa para makausap kita?" nagtatampong tanong ni Meesha.Naiiling na ngumiti si Claire at nagpasyang katagpuin ito baka magta
Mabilis na lumapit ang bodyguard ni Veena upang umawat pero dahil malakas si Meesha ay nahirapan ang mga itong awatin ang dalawa. Kaagad namang hinawakan ni Claire si Meesha at sinubukan itong ilayo pero sa ginawa niyang iyon ay nakalmot siya ni Veena sa braso. “Damn you, slut!” Naghuramentadong sigaw ni Meesha nang makita ang ginawa ni Veena kay Claire pero dahil kaagad na humarang ang bodyguards nang una ay hindi nakalapit ang kapatid ng asawa niya. “Meesha, tama na. Ayos lang ako,” pigil ni Claire rito. “Hayaan mo na siya at baka ikaw na naman ang pagagalitan ng kuya mo.”“Hmp!” Umupo si Meesha sa kalapit na upuan matapos itong pakalmahin ni Claire. “Hindi mo dapat siya pinapakitaan ng kabutihan, ate. Hindi niya deserve ‘yun!”“How could you, Meesha!? Kapatid ang turing ko sa ‘yo mula pa noon pero bakit ganito ang trato mo sa akin?” Biglang sigaw ni Veena. Hindi ito makalapit sa kinauupuan nilang mesa dahil sa mga bodyguards nitong pumipigil dito.Marahas itong nilingon ni Meesha
May maliit pero sagana sa panindang bulaklak malapit sa botique na pinagtatrabahuan ni Claire kaya’t doon siya nagpababa. Pero walang ideya ang asawa kung bakit.“Samahan na kita,” suhestiyon ni Manson nang pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. “Bakit bumaba ka rito samantalang doon pa ang botique na pinapasukan mo?”Hindi sumagot si Claire at nagpatiunang naglakad papasok sa botique. Sumunod sa kanya ang nakakunot ang noong asawa. Nang makita nito kung ano ang ginawa niya ay saka lang ito natauhan. “Kailangan ko ng one-hundred and forty-three long stem white roses,” utos ni Claire sa tindera na namangha dahil sa dami ng in-order niya. “Para saan pong okasyon, maam?” magalang na tanong ng tindera pero ang mata nito ay hindi mapigilang tumingin kay Manson na nakatayo sa likuran niya. Masungit na nilingon ni Claire si Manson at pinandilatan. Hmp! Nakakamatay talaga ang kaguwapuhan mo! Tahimik niyang bulong sa sarili. Nilingon niya ang tindera na ngayon ay nag-umpisa ngang magpakit
Chapter 11Natigilan sa akmang pagpasok sa botique si Claire nang marinig ang sinabi ni Manson. Biglang nanginig ang kamay niya na nakahawak sa handle ng pintuan dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso. Mabilis niyang nilingon ang asawa. Pero gustuhin man niyang umasa ay hindi pupuwede.“Bakit mo nasabi ‘yan? Hindi ba ikaw ang unang nagsuhestiyon na maghiwalay na tayo dahil sa Veena na ‘yon?” She didn’t want her hopes to crash without even starting. “Ibig ba niyang sabihin ay determinado ka na makipaghiwalay sa akin?”Kahit nasasaktan ay tumango si Claire. “Oo. Malapit nang maaprubahan ang divorce dito sa Pilipinas kaya oo, sigurado ako sa desisyon kong makipaghiwalay sa ‘yo.” Ngumiti si Claire kahit taliwas iyon sa totoong nararamdaman. Kung puwede lang ay ibalik niya ang oras at huwag nang pumayag na makipaghiwalay rito.“Claire! Anong ginagawa mo diyan sa labas? Pumasok ka na rito at may meeting tayo para sa bagong proyekto.” Isang lalaki, na halos kasing-edad ni Claire ang lum
Kinabukasan, nagpahayag ng imbitasyon si Vincent kina Claire at Manson na gusto nitong manood ng sine matapos mag-dinner sa labas. Pero ang totoong dahilan nito ay nahihiya kung silang dalawa lang ni Meesha ang magkasama. Dahil buong araw na nakapagpahinga ang dalawa ay pinaunlakan nila si Vincent. “Vincent, paano ka naman makaka-iskor kay Meesha niyan kung kasama mo kami?” biro ni Claire kay Vincent nang matapos na silang manood. Nasa labas na sila sa hallway habang hinihintay si Meesha na lumabas ng banyo. Napakamot sa ulo ang lalaki at kinakabahang napatawa. “That’s why I asked you and Manson to come. Kailangan ko lang ng moral support.” “Tsk!” naiiling na komento ni Manson pero wala na itong sinabi dahil papalapit na sa kanila si Meesha. “Goodluck! Kaya mo ‘yan!”Nangunot ang noo ni Meesha dahil sa sinabi ni Claire. “Bakit, ano’ng meron?” Tumayo ito sa tabi ni Vincent at pinaningkitan ng mata ang binata. Alanganin na ngumiti si Vincent saka inaya si Meesha. “Nothing. They
Kinabukasan ay palihim na kinausap si Claire ng kanyang ina sa kanyang kuwarto na ikinagulat niya dahil maaga pa lang ay nasa loob na ito. “Ma, may kailangan ka?” hindi niya mapigilang usisain ito dahil sa labis na pagtataka. Nakahiga pa siya sa kama dahil katatapos niya lang makipag-usap kay Manson. Umupo ang kanyang ina sa gilid ng kama malapit sa uluhan niya at hinaplos ang magulo niyang buhok saka pilit na ngumiti. Nangunot naman ang noo ni Claire dahil sa nakikitang itsura ng ina na tila hindi ito nakatulog dahil sa malalim ang iniisip. Hinintay niya itong sumagot upang pakinggan kung sakali mang may dinadala itong problema. “Claire, ano ang tingin mo ay Lucas?”Lalong nagkasalubong ang kanyang kilay at nagkaroon ng hinala kung bakit tila balisa ito. “Ma, is this about Aunty Marriotte asking me to marry Lucas?” Tumango ito at dumilim ang mukha ni Claire. “Ma, it can't be happen. Hindi ako magpapakasal kay Lucas dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kung ano man ang n
Abala si Claire sa pag-aalaga kay Lola Rosa, ang lola ni Lucas, na hindi niya napansin ang pitong araw na binigay sa kanya ni Manson ay tapos na. Araw-araw siyang tumutungo sa ospital at inaalagan, binabantayan at iginagala sa compound ng hospital si Lola Rosa. kung hindi pa siya sinabihan ng kanyang ina na kailangan na nilang umuwi dahil siguradong magagalit na naman si Manson. Kahit si Lucas ay inuudyukan din siyang bumalik na sa Pilipinas at kaya naman na nitong alagaan si Lola Rosa pero sa araw-araw na lumilipas na nakikita niyang ang unti-unting paghihina ng matanda ay nasasaktan siya at hindi niya ito kayang iwan. Naalala niya ang kanyang lola. Namatay ito na wala siya sa tabi nito. “Claire, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Kaya ko nang alagaan si Lola. bumalik ka na ng Pilipinas dahil sigurado akong hinahanap ka na ng kapatid ko. Kapag magtatagal ka pa rito ay sigurado akong hindi ka na makakabalik dahil sa ngayon ay ikaw na lang ang hinahanap ni Lola.”Mahinang napatawa
Dumating ang araw ng linggo na pinakahihintay ni Claire. Ngayong gabi kasi ay pupunta sa bahay nila sina Meesha at Vincent para sumalo sa hapunan kaya naman naghanda ng maraming pagkain si Claire. Hindi niya alam kung ano ang paboritong pagkain ng dalawa kaya bago maghanda ay tinanong niya muna si Manson na sikreto namang tinanong si Meesha upang alamin. Bukod sa in-order niyang putahi ay mayroon ding nilutong pagkain si Claire na natutunan niya sa kanyang lola noong nabubuhay pa ito. At habang naghahanda nga siya ay may hindi maipaliwanag na tuwa sa kanyang puso sa isiping maka-bonding niya si Vincent. Mabuti na lamang at kahit halata sa kilos niya ang tuwa habang naghahanda ay hindi nagselos si Manson at inaprubahan lang kung ano ang gusto niya. Dahil wala si Aurora sa bahay ay sila ni Manang Silva lang ang natoka sa kusina kaya naman nang dumating ang dalawang bisita ay si Manson ang sumalubong dito. Habang nagsalo-salo ang tanging nagsasalita ay si Meesha, as usual ito ang pinak
Kung dati ay nagdadalawang-isip pa si Claire, ngayon ay gusto na niyang sagutin ng oo si Manson hindi dahil sa ama nito na botong-boto na sa kanya sa biglang pagtaas ng posisyon niya kundi dahil gusto niya nang matali sa kanya ng tuluyan si Manson. Sa taglay na kaguwapuhan ng lalaki ay sigurado siyang marami at marami pang kababaihan ang gustong lumandi rito. Niyakap niya ang braso sa leeg ni Manson at sinserong ngumiti habang magkahinang ang kanilang mata. “You know that I always wanted to marry you. Hindi lang talaga sumasabay ang pagkakataon. I always wanted to be with you forever dahil gusto ko nang itali ka sa akin habang-buhay para wala nang ibang babae ang humarot sa ‘yo pero…” “Pero?” Umupo si Claire sa kandungan ni Manson habang nakaupo ito sa kama saka mabilis na dinampian ng halik sa labi at nagsalita. Her words were refined and delicate to appease the man of her dreams for him to agree to her plans. “Alam mong malubha na ang kalagayan ng lola ni Lucas at dahil isa siya
Hindi agad-agad naniniwala si Claire sa mga ganitong nababasa lalo na at dumarami ang mga scammers ngayon. Pero dahil binanggit ang pangalan ni Manson ay may bahagi ng isip niya ang naniniwala na baka totoo nga ito kaya naman mabilis niyang tinawagan ang numero nang nagpadala ng mensahe pero kahit anong tawag niya ay hindi niya na iyon makontak. Nagkibit siya ng balikat at binalewala iyon pero habang tumatagal ang oras na hindi nagre-reply sa kanya si Manson ay tila may sumusundot sa puso niya t hindi siya mapakali. Nang sumapit ang gabi ay halos hindi siya makatulog dahil iniisip pa rin kung sino ang misteryosong nagpadala sa kanya ng mensahe. Mabuti na lang bago siya matulog ay tumawag sa kanya si Manson at sinabing ayos lang ito kaya naman hindi na niya inungkat dito ang tungkol sa mensahe na natanggap.Kinabukasan, inumpisahan niya ang painting na personal niyang naisip. Iyon ay ang painting ng kanyang ina. Ang sabi sa kanya ng kanyang ama ay magkamukha sila nito kaya naman ginam
Mahigpit na napahawak sa jewelry box si Khaleed at tumiim ang bagang dahil hindi niya kayang isipin na ang isang tulad ni Benjamin ang ama ni Claire. A single 'ding' sound followed by the elevator’s door being opened and Manson ang Khaleed simultaneously turned their heads towards it. Nangunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Manson nang mapagsino ang nakitang lumabas. Nang nilingon niya si Khaleed ay mas madilim pa ang mukha nito sa kanya na halatang-halata ang galit sa mukha. “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” malamig na tanong ni Khaleed. Walang bahid ng ngiti sa labi nito habang nakatingin sa bagong dating na sina Benjamin at Lanette.Biglang nalukot ang mukha ni Benjamin sa tanong ni Khaleed. “Hindi ba at ako dapat ang magtanong niyan sa ‘yo? Ano ang ginagawa mo rito? Ano ang karapatan mo para bisitahin ang dati kong asawa?”Tumaas ang sulok ng labi ni Khaleed at simpleng sumagot. “Kaibigan, may problema ba roon?” kalmadong sagot niya.“Aunty Lanette, magkaibigan din ang mama ko a
Mapait na ngumiti si Khaleed saka nilingon si Manson na nakatingala pa rin sa medyo madilim na kisame. Hindi talaga niya matakasan ang matalinong tao. Kaya ito naging matagumpay sa negosyo kahit sa batang edad nito ay dahil mabusisi at matalino ito na kayang basahin ang bawat galaw ng kaharap. “Huwag mong sabihin kay Claire. Hindi niya muna kailangang malaman kung sino ang tunay niyang ina.”Tumango si Manson bilang pagsang-ayon at diretsong tiningnan si Mr. Khaleed. “Naiintindihan ko. Pero hindi ba at mas maganda kung malaman ni Claire kung sino ang ina niya at hindi naman siya nasa dilim kung sino ang tunay niyang ina? Pareho nating alam na matagal na niyang gustong malaman kung sino ang kanyang ina.”“Dahil nasa dilim ang taong gustong manakit kay Claire at tayo ay nasa liwanag. Madali tayong makikita ng kalaban. Wala akong alam kung sino ang may pakana sa pagkawala niya noon. Kung sino ang taong gustong pumatay sa kanya. Kapag kilala ng mag-ina ang isa’t isa ay sigurado akong par
“Claire? Sino’ng kausap mo?”Mula sa pagkakatayo sa pintuan ay nakangiting nilingon ni Claire ang ama na nasa kanya palang likuran. Lumamlam ang mga mata niya. “Pa, nandiyan ho pala kayo.” May munting ngiti sa labi ng kanyang ama nang lumapit ito at tumayo sa gilid niya. “Hindi mo naman sinabi na may bisita ka pala. Bakit hindi mo papasukin sa loob?” Napakamot sa batok si Claire. Ang totoo ay hindi niya rin akalaing bibisitahin siya ni Lucas. Ang buong akala niya ay nasa America pa ito kaya’t nagulat siya nang bigla siya nitong sinurpresa. Kadarating lang nito nang makita sila ng kanyang ama pero nag-aalangan siya kung papasukin ito o hindi dahil hindi niya ito pamamahay at hindi siya sigurado kung okay lang ba sa kanyang ama kung magpapasok siya ng bisita. “Ah kasi ano, pa…” Nilingon niya si Lucas na ang pokus ng tingin ay nasa kanyang ama. “Huwag ka nang mahiya, Claire. Paalis na rin ako kaya malaya kayong makakapag-usap.”Namula ang mukha ni Claire dahil sa sinabi ng kanyang am