__________Doon naman sa Rizal, Nueva Ecija kung saan naroroon si Ana ay walang kaalam-alam si Enrico na nang oras ding iyon ay mag-isang nakaupo si Ana sa garden bench na nasa harap lamang ng bahay nina Aseneth. Kandong nito ang isang basket ng assorted roses and flowers habang madamdaming inaawit ang awitin ding iyon ni Ogie Alcasid. Bumabalong ang masaganang luha sa mga mata nito na umaagos sa makinis nitong mga pisngi nang abutan roon ni Aseneth. Dala ni Aseneth ang miryendang ipinakuha kay Aling Marta at ito na mismo ang nagdulot kay Ana.“Hoy, ano 'yan, ha? Sentimental ka na naman,” pansin ni Aseneth. “Sentimental iyang mga rosas na kandong mo, sentimental din iyang kinakanta mo and then, sentimental pati iyang mga mata mo.” At nag-iyak-iyakan din ito na kunwang may hawak na tisyu na ipinampapahid sa kunwang tumutulong mga luha. “Hu-hu-hu! At sentimental na rin pati si ako. Hu-hu-hu!”Nangiti't napahagalpak ng tawa si Ana sa joke ng kaibigan, lalo na sa e
__________I could take it all,those hard strokes of fate;let them drown me,let them pin me down,I wouldn't flinchas long as you're with me.But without you,my heartbeats would be for nothing;it would be my greatest mistake,it would be my greatest fall.To bring you paradise,I could have failedbecause imperfect I was found;from a wrong cupI could have sipped,for that I wished to be freefrom all that I lacked.It all I didbecause I couldn't withstandto see you drowning in my quicksand.Yeah, I've wronged;I drove you away all alone.And because I don't knowwhen you'll be once again my own,so I'll just let me singa sad song.***(A Sad Song)---Arnel T. Lanorio---Sa kuwarto nilang mag-asawa, kalaliman na ng gabi ay hindi pa rin makuhang dalawin ng antok si Enrico. Dati-rati, kapag ganitong lasing siya ay madali lang siyang
Ikinuwento ni Enrico kay Romy ang lahat ng dapat ikuwento kasali na pati kung sino ang dapat sisihin sa nangyari sa kanila ni Ana. Siyempre, sarili niya ang sinisisi niya.Naunawaan naman siya ni Romy. Tumango-tango lang ito habang nagbibida siya. Naroon sila sa munting sala.“Alam mo insan, magkakabalikan din kayo,” wika ni Romy matapos niyang magkuwento.“Hindi na siguro mangyayari iyon, Romy. Hindi na ako babalikan pa ni Ana. Sa grabeng mga nasabi ko sa kaniya, tiyak kong sobrang nasaktan ko siya,” sagot niya sa tonong nagsisisi at naghihinayang.“Gano'n? Hahayaan mo na lang na ganoon?” si Romy.“Ano pa bang magagawa ko, insan? Kasalanan ko naman kasi lahat,” kibit-balikat niyang pahayag.“Hindi dapat gan'yan, En. Kung talagang mahal mo 'yong tao, hindi mo dapat kaagad-agad sinusukuan. Bakit hindi mo siya hanapin, muling suyuin at ipakita mong nagsisisi ka na at ipangako mong magbabago ka na. Ganoon lang kasimple! Anghina mo n
__________Ang naging usapan pa nga nilang iyon ni Romy ang hindi nagpatulog kay Enrico. Negosyo? Ano nga ba ang nenegosyohin niya? Sa totoo lang ay wala talaga siyang alam sa pagpapatakbo ng kahit anong negosyo. Kaylaki pa naman ng ipinautang sa kaniya ni Romy. Pahiramin ba naman siya ng dalawang daang libo. Nakalulula na iyon para sa kaniya. Pero ang problema, saan niya ito ii-invest? Ang alam lang niya ay ang gumastos.Ah, si Ana. Si Ana ang kailangang-kailangan niya ngayon. Walang mahalaga sa kaniya kundi ang maibalik ito sa piling niya.Nagbangon si Enrico, umupo sa isang silyang di-kalayuan sa papag. Pinakialaman niya ang aparador na pinagtaguan niya ng dalawang daang libo. Iniangat niya ang ilang bungkos mula roon at inilapag sa mesitang kalapit. Kinuha pa niya ang natitira, at kukuhanin na lang niya ang pinakahuling bungkos nang may mapansin siyang isang maliit na notebook na nakasingit sa mga damit na naiwan ni Ana. Kinuha niya iyon para lang mamangha
__________Kinabukasan, masiglang gumising si Enrico kahit nakadama ng kaunting hang-over dulot ng alak na nainom nang nagdaang gabi. Babangon na lang siya nang mapansing may nakadagang bagay sa tapat ng kaniyang dibdib. Ang diary ni Ana!Napangiti siya, marahang bumangon at saka hinagkan ang hawak na diary nang buong suyo bago ito buong ingat na itinabi sa mesitang naroroon.Tumayo siya at bigay-todong nag-inat-inat. Nasa ere na ang nakaunat na mga braso nang muli siyang may mapansin.Nangiti na naman siya. Ngayon lang uli siya gumising sa umaga na masigla. Bakit nga ba ngayon lang ulit? Dahil ba sa nakasilip siya ng pag-asa? Dahil ba sa perang magagamit niya sa pagpapanibagong-buhay?Ganoon nga siguro. Pero ang totoo, ang dahilan ay ang mismong pag-ibig ni Ana sa kaniya gaya ng nabasa niya sa diary nito.Hindi niya namamalayang napahalakhak siya. Sa lahat ng mga taong magkasama sila ni Ana at mabiyayaan ng tatlong cute na mga anak,
I closed my mind because I hateto think of misery,and yeah, it's wrong to turn my backand leave you all empty —alone against the tides.But through it all, you loved me stilland itched to make me right;so distance, when it made a dealit opened up my heart —and wished you to come back.I woke up from my lying dreamand faced the light you sent,with it I'm now about to trimour once deserted nest —just let me take my time.You went away, but you're not lost;for deep within I loved you more.and now I am renewed to crossour separated shores;I want you back with me,I want you back with me.***(I Want You Back With Me)---Arnel T. Lanorio---Sa rosefarm nina Aseneth na nayuyungyungan ng higanteng greenhouse screen na kulay sky-blue ay makikitang naroroon na naman si Ana. Nakagamayan na niya ang tumulong-tulong sa shop. Nag-a-arrange siya ng mga bulaklak na id
Habang papalapit siya sa resthouse ay kinakatkat siya ng kaba. Abot-abot ang dalangin niyang sana ay si Enrico ang naghahanap sa kaniya. Kung sakaling ito nga ay hihimatayin yata siya sa tindi ng excitement na nararamdaman.“Hi! Sam-Gel!” masiglang bati sa kaniya ni Melinda pagbungad pa lang niya sa pintuan ng shop. “Na-miss kita!”Sa pinaghalo-halong kaba, gulat at frustration ay natutop ni Ana ang dibdib. Pinakahihiling pa naman niyang si Enrico sana ang naghahanap sa kaniya. Iyon pala, heto at ang new-found friend lang pala niya.“Ikaw pala, Melinda!” aniya sa pekeng ngiti ngunit hindi halata. “Na-miss din kita, grabe!”“You know, friend. Next week, if okay with you, iimbitahan sana kita sa birthday celebration ko lang naman. Si Aseneth ay magiging busy naman kaya hindi makakadalo, may bagong pick-up kasi siyang aspiring flower shop entrepreneur. Gusto raw bumili ng iba't ibang uri ng roses na balak paramihin et cetera, et cetera,” lahad agad n
__________SAN FRANCISCO, BIÑAN, LAGUNAMababakas sa mukha ni Aling Nenita ang labis na tuwa dahil sa nasasaksihang pagbabago ng buhay ng kaniyang itinuturing na kaisa-isang anak.Una, hindi na ito palainom ng alak. Talagang hinarap na nito ang mga hamon ng buhay nang buong tatag at sikap.Ikalawa, laging may oras na ito para sa mga anak. Dahil dito, nawala na ang dating panlalamig ng dalawa nitong mga anak. Masaya na parati ang mga ito at kahit paano ay nakalilimutang wala si Ana.Ikatlo, hindi na hamak na dampa lang ang bahay ng anak. Isa na itong malaki-laking bahay. Sa tulong ng pamangking si Romy, unti-unting naayos ang buhay ng anak. Pero ang totoo, ang anak niya mismong si Enzo pala ang nasa likod ng malaking pera na pahiram lang kuno ni Romy. Hindi nga pala totoong kinalimutan na sila nang lubusan ng panganay na anak. Nangako lang pala ito sa sarili na hindi ito magpaparamdam sa kanila hanggat wala pa itong maitutulong upang maiahon si