Share

Chapter 7.2

"Hay, naku, Enrico! Walang mangyayari sa inyo kung hindi mo titigilan ang bisyo mong iyan. Pati mga anak mo, tingnan mo, naaapektuhan na rin sila. Mabuti nga sa iyong nilayuan ka ng asawa mo para magtanda ka naman!" umpisa uli ni Aling Nenita sa pagsasalita.

"Akala ko dati, dahil hindi lasenggo ang itay mo, malayong maging lasenggo ka. Pero kung magbiro nga naman ang tadhana, hay, heto at ang paborito ko pang anak ang nalulong!"

"Hoy, anak! Baka akala mo, headline sa mga tsismis ang tungkol sa hiwalayan ninyo ng kumander mo. Hayun, pati tuloy si Mareng Trining ay nag-aalala. Baka raw hindi na ninyo bayaran ang mga utang ninyo sa tindahan niya. Alangan namang ako ang magbayad. Aysus! Saang sulok naman ng bulsa ko madudukot ang pambayad sa utang ninyong gakalawakan? Magising ka naman sana anak."

Pabiling-biling si Enrico sa pagkakahiga sa supang kawayan habang nakatayo at nakapamaywang na nagbubunganga ang ina. Nariyang pilit niyang binabalewala ang mga nari
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status