__________
“Wow! Isang paraiso!" 'di mapigilang bulalas ni Ana sa sarili dala ng matinding paghanga sa tanawing namamasdan. Naroon na siya sa resthouse nina Aseneth kung saan ay naroon na rin ang kanilang shop."Talaga namang isang paraiso!" ulit ni Ana na ang isang palad ay inilapat sa tapat ng kaniyang dibdib. "Hindi ko akalaing makakakita ako ng ganito sa tanang buhay ko!" namamanghang dugtong niya.Ang tinutukoy niya ay ang talaga namang makapigil-hiningang kabuuang tanawin ng napakalawak na rose farm. Nasa gitna ang nasabing puting resthouse. Para itong isang dampa na napakamoderno ng estilo. Matikas na nakatirik ito sa gitna ng malawak na hardin ng mga rosas na iba't ibang klase at sari-sari ang kulay. Preskong-presko rin ang malamig na hanging pinuno ng romantikong samyo ng mga rosas.Ang daan din namang binagtas niya kanina ay maituturing na isang memorableng karanasan. Para siyang reynang dumadaan sa walking space na nalalatagan ng mala-carpetIkinuwento ni Ana kay Aseneth ang lahat. Simula sa pagluwas niya sa Laguna para sa interview at para mapasok sa trabaho, sa di nila inaasahang pagkikita ni Enrico sa opisina ni Mr. Delgado noon sa Heaven Sent Enterprises, sa nakakikilig nilang ligawan moments, kung gaano sila naging marupok at mapusok dahil nasa kasibulan pa lang sila noon wika nga, kung paano sila tinupok ng apoy na pinagsaluhan nilang dalawa. Pero matapos niyang ikuwento ang maaga nilang pagpapakasal sa huwes dahil noo’y nagdadalng-tao na siya at hanggang sa mauwi sa matinding sagutan at hiwalayan ay itinigil na niya roon.Nakanganga lang ang bestfriend niya nang matapos si Ana at tila bitin pa rin sa mahaba-haba niyang kuwento. Sa kahabaan nga ay kasabay pa niyang natapos sa pamimitas ng bulaklak sina Daniel at Mang Kanor. Naroroon na nga ang mga ito eksaktong matapos siya.“Bitin!” palatak ni Aseneth.“Huh! Saan ka bitin, darling?” nagtatakang bungad agad na tanong nga ni Daniel nang s
__________I loved you once and still I do,but I have done a great mistake;your scents have gone as well's the dew,I was now like a swanless lake.Each sip of wine's a memory,I couldn't help but cry;each bitter sting that rule my tongue,I'm always asking "why?".My Princess, oh, where is your Prince?here he is, sad and alone;if only I have all the means,the distance should have not been born.I’m standing now stooping low,ashamed of all that I have done;I hope a chance will do a tow,so that my hope will not be gone.***(A Prince’s Sorrow)---Arnel T. Lanorio---Samantala, doon sa munti nilang dampa sa Laguna, kagaya ng nakagawian na niya mula nang hindi matupad ang isang pangako sa asawa, pag-inom na naman ng alak ang inaatupag ni Enrico. Malaki na ang ibinagsak ng pangangatawan niya dahil sa labis na pag-iintindi sa mga problemang binabalikat na lang mag-isa sa buhay sim
"Hay, naku, Enrico! Walang mangyayari sa inyo kung hindi mo titigilan ang bisyo mong iyan. Pati mga anak mo, tingnan mo, naaapektuhan na rin sila. Mabuti nga sa iyong nilayuan ka ng asawa mo para magtanda ka naman!" umpisa uli ni Aling Nenita sa pagsasalita."Akala ko dati, dahil hindi lasenggo ang itay mo, malayong maging lasenggo ka. Pero kung magbiro nga naman ang tadhana, hay, heto at ang paborito ko pang anak ang nalulong!""Hoy, anak! Baka akala mo, headline sa mga tsismis ang tungkol sa hiwalayan ninyo ng kumander mo. Hayun, pati tuloy si Mareng Trining ay nag-aalala. Baka raw hindi na ninyo bayaran ang mga utang ninyo sa tindahan niya. Alangan namang ako ang magbayad. Aysus! Saang sulok naman ng bulsa ko madudukot ang pambayad sa utang ninyong gakalawakan? Magising ka naman sana anak."Pabiling-biling si Enrico sa pagkakahiga sa supang kawayan habang nakatayo at nakapamaywang na nagbubunganga ang ina. Nariyang pilit niyang binabalewala ang mga nari
__________Lumipas pa ang ilang mga araw mula nang umalis si Ana ay lalong namuroblema si Enrico. Dahil sa pangyayaring iyon ng iringan nila ng dapat sana'y itinuturing niyang prinsesa ay nalason ng paghihinanakit laban sa kaniya ang maliliit pa niyang mga anak, maliban kay Junior na noo'y hindi naman nasaksihan ang naging drama nila ni Ana. Tuluyang nanlamig ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya na lalong nagpalalim sa mga sugat na buong kapaitang umukit sa kaniyang puso.Mula rin noon ay lalo pa siyang nagumon sa alak. Sa dami ng mga problemang isa-isang dumating sa kaniyang buhay ay lalong bumukal hanggang sa lumigwak ang kaniyang pagnanasang ibaling sa iba ang kaniyang isip sa tulong ng alak, ang lumimot, ang maghanap ng kaunti ngunit makasariling aliw, ang maglakbay sa dako ng pakunwaring alapaap, ang pailalim sa espiritu ng kawalang dinaramdam at ang pasakop sa nakalalasing na damdamin ng kalayaan sa mga suliranin.Isasa-isang tabi muna niya ang kaniyang pamilya at sandaling magpa
__________Doon naman sa Rizal, Nueva Ecija kung saan naroroon si Ana ay walang kaalam-alam si Enrico na nang oras ding iyon ay mag-isang nakaupo si Ana sa garden bench na nasa harap lamang ng bahay nina Aseneth. Kandong nito ang isang basket ng assorted roses and flowers habang madamdaming inaawit ang awitin ding iyon ni Ogie Alcasid. Bumabalong ang masaganang luha sa mga mata nito na umaagos sa makinis nitong mga pisngi nang abutan roon ni Aseneth. Dala ni Aseneth ang miryendang ipinakuha kay Aling Marta at ito na mismo ang nagdulot kay Ana.“Hoy, ano 'yan, ha? Sentimental ka na naman,” pansin ni Aseneth. “Sentimental iyang mga rosas na kandong mo, sentimental din iyang kinakanta mo and then, sentimental pati iyang mga mata mo.” At nag-iyak-iyakan din ito na kunwang may hawak na tisyu na ipinampapahid sa kunwang tumutulong mga luha. “Hu-hu-hu! At sentimental na rin pati si ako. Hu-hu-hu!”Nangiti't napahagalpak ng tawa si Ana sa joke ng kaibigan, lalo na sa e
__________I could take it all,those hard strokes of fate;let them drown me,let them pin me down,I wouldn't flinchas long as you're with me.But without you,my heartbeats would be for nothing;it would be my greatest mistake,it would be my greatest fall.To bring you paradise,I could have failedbecause imperfect I was found;from a wrong cupI could have sipped,for that I wished to be freefrom all that I lacked.It all I didbecause I couldn't withstandto see you drowning in my quicksand.Yeah, I've wronged;I drove you away all alone.And because I don't knowwhen you'll be once again my own,so I'll just let me singa sad song.***(A Sad Song)---Arnel T. Lanorio---Sa kuwarto nilang mag-asawa, kalaliman na ng gabi ay hindi pa rin makuhang dalawin ng antok si Enrico. Dati-rati, kapag ganitong lasing siya ay madali lang siyang
Ikinuwento ni Enrico kay Romy ang lahat ng dapat ikuwento kasali na pati kung sino ang dapat sisihin sa nangyari sa kanila ni Ana. Siyempre, sarili niya ang sinisisi niya.Naunawaan naman siya ni Romy. Tumango-tango lang ito habang nagbibida siya. Naroon sila sa munting sala.“Alam mo insan, magkakabalikan din kayo,” wika ni Romy matapos niyang magkuwento.“Hindi na siguro mangyayari iyon, Romy. Hindi na ako babalikan pa ni Ana. Sa grabeng mga nasabi ko sa kaniya, tiyak kong sobrang nasaktan ko siya,” sagot niya sa tonong nagsisisi at naghihinayang.“Gano'n? Hahayaan mo na lang na ganoon?” si Romy.“Ano pa bang magagawa ko, insan? Kasalanan ko naman kasi lahat,” kibit-balikat niyang pahayag.“Hindi dapat gan'yan, En. Kung talagang mahal mo 'yong tao, hindi mo dapat kaagad-agad sinusukuan. Bakit hindi mo siya hanapin, muling suyuin at ipakita mong nagsisisi ka na at ipangako mong magbabago ka na. Ganoon lang kasimple! Anghina mo n
__________Ang naging usapan pa nga nilang iyon ni Romy ang hindi nagpatulog kay Enrico. Negosyo? Ano nga ba ang nenegosyohin niya? Sa totoo lang ay wala talaga siyang alam sa pagpapatakbo ng kahit anong negosyo. Kaylaki pa naman ng ipinautang sa kaniya ni Romy. Pahiramin ba naman siya ng dalawang daang libo. Nakalulula na iyon para sa kaniya. Pero ang problema, saan niya ito ii-invest? Ang alam lang niya ay ang gumastos.Ah, si Ana. Si Ana ang kailangang-kailangan niya ngayon. Walang mahalaga sa kaniya kundi ang maibalik ito sa piling niya.Nagbangon si Enrico, umupo sa isang silyang di-kalayuan sa papag. Pinakialaman niya ang aparador na pinagtaguan niya ng dalawang daang libo. Iniangat niya ang ilang bungkos mula roon at inilapag sa mesitang kalapit. Kinuha pa niya ang natitira, at kukuhanin na lang niya ang pinakahuling bungkos nang may mapansin siyang isang maliit na notebook na nakasingit sa mga damit na naiwan ni Ana. Kinuha niya iyon para lang mamangha