Pow! Pow! Pow!Nagbitak ang hangin sa kwarto.Malakas at puno ng determinasyon ang mga pag-atake ni Yara, nakipagpalitan siya ng higit sa isang dosenang suntok kay Frank nang wala sa oras.Walang intensyong manakit si Frank, gayunpaman, sapat lamang ang ginagawa niya upang ipagtanggol ang kanyang sarili.Kahit na wala siya sa peak condition niya, hinding-hindi siya matatalo ni Yara."Tama na, Yara," ang sabi ni Vicky mula sa kama.Ginawa ni Yara ang sinabi sa kanya, bagama't binigyan din niya si Vicky ng isang naagrabyadong tingin. "Yung batang yun...""Tama na," mataray na sabi ni Vicky. "Magpakita ka naman ng respeto—nandito si Mr. Lawrence para tulungan ako."Sa totoo lang, nagalit din si Vicky kay Frank, dahil ang ama ni Yara ang kanyang guro.Gayunpaman, bilang tagapagmana ng legacy ng kanyang pamilya at bilang isang martial arts prodigy, dapat siyang manatiling kalmado sa lahat ng oras.Bukod dito, nasabi niya kaagad na ang mga kakayahan ni Frank ay namumukod-tangi nang
"Tapos ka na bang tumitig?" Hindi napigilan ni Yara na sitahin si Frank, tiyak na nakikita niyang nakatitig siya kay Vicky.Kahit na napatunayan ni Frank ang kanyang husay sa martial arts, naghinala siya na sinasamantala niya si Vicky, at sinabing para sa panggagamot ang paghuhubad ng kanyang damit.Ngumiti si Frank, walang bakas ng kahihiyan sa kanyang mukha habang seryoso niyang sinabi na, "Hindi ko maiwasang mapatitig. Ganun lang talaga kaganda si Ms. Turnbull.""Haha." Natawa si Vicky. "Tapat ka, hindi ba?"Talagang nagulat siya na inamin ito ni Frank nang buong tapang, hindi tulad ng mga nagpapakilalang maginoo na hindi kailanman umamin sa kanilang mga aksyon.Bigla siyang nagpakita ng kakaibang ngiti kay Frank, sinabi niya na, "Pwede mo akong titigan hangga’t gusto mo kapag napagaling mo ako.""Hindi na kailangan. Ang mga magagandang bagay ay hindi malilimutan mula sa unang tingin," ang sabi ni Frank habang umiiling siya.Paglabas niya ng isang karayom, ang kanyang mga dal
Huminto ang isang Rolls-Royce sa tabi ni Frank nang makalabas siya sa villa ng mga Turnbull.Bumaba si Vicky, at nagtanong, "Saan ka nakatira, Mr. Lawrence? Pwede ba kitang ihatid?"Napaisip si Frank at napabuntong-hininga. "Balak ko lang sanang tumuloy sa isang hotel."Wala siyang sariling bahay sa Riverton, at hindi na siya makakabalik sa Lane Manor pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Helen."Oh..." Napaisip si Vicky ngunit hindi na siya nagtanong tungkol dito. "Kung ganun maswerte ka—mayroon kaming mahigit limampung hotel sa Riverton. Hayaan mong maghanda ako ng isang suite para sa’yo, para maihatid ko sa’yo ang wonderroot pagdating nito."Napaisip si Frank at tumango. "Sige."Sumakay siya sa backseat kasama si Vicky habang nagmamaneho si Yara, ngunit huminto siya sa gate.“Anong problema?” Tanong ni Vicky."May humintong kotse sa unahan, at hindi ko alam kung para saan," reklamo ni Yara.Sumilip si Frank sa bintana ng kotse at napansin ang isang lalaking nakasuot ng suit na
Hindi man lang natakot si Peter at inambahan niya ng kamao niya si Frank habang sinasabing, "May lakas ng loob ang isang walang kwentang katulad mo na sagutin ako?! Tuturuan kita ng leksyon para sa kapatid ko ngayon din!"Bigla siyang sinipa ni Frank sa sikmura sa mga sandaling iyon, dahilan upang tumalsik siya ng parang isang bala."Argh!" Namutla sa takot ang girlfriend ni Peter at nagmadaling lumapit sa kanya. "Ayos ka lang ba, mahal?!"Sa malapit, malamig na nakangiti si Vicky.Sinubukan niyang saktan si Frank? Ang tapang talaga ng bwisit na ‘to.Pagkatapos nun, mas naging interesado si Vicky sa 'Helen' na binanggit ni Frank."Bwisit ka..." Namilipit ang mukha ni Peter dahil sa sakit sa kanyang tiyan—parang isusuka niya ang kanyang bituka!Nanlilisik ang tingin niya kay Frank, at sinabi niya na, "A-Ang lakas ng loob mo na saktan ako!"Nanatiling kalmado at mahinahon si Frank. "Palalampasin ko ang ginawa mo alang-alang sa ate mo. Pero ngayong pinutol ko na ang ugnayan ko sa
Sumakay si Frank ng taxi papuntang Laneville kinagabihan at nagulat siya nang makitang naghihintay si Gina sa pintuan.Nang makita siyang dumating, agad na lumapit sa kanya si Gina at nagbabala, "Alam ko na alam mo kung ano ang dapat at hindi dapat sabihin kapag nakita mo ang matanda mamaya."Humalakhak si Frank. "Dapat itaboy mo na lang ako kung nag-aalala ka ng ganyan.""Ano?!" Tiningnan siya ng masama ni Gina, gulat na gulat siya na pagsasalitaan siya ng ganun ni Frank.Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Frank at pumasok na si Frank sa loob.Kung tutuusin, wala na siyang dahilan para magbait-baitan sa Lane family ngayong hiwalay na sila ni Helen!Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya, nakita niya si Henry na nakatayo doon suot ang isang apron, at kakatapos lang magluto."Anong okasyon sir? Ang daming pagkain," ang sabi ni Frank.Nakangiti si Henry nang makita niya si Frank at lumapit siya para hawakan ang kanyang kamay. "Oh, nandito ka na pala, Frankie—malalaman mo din maya-
Hindi balewala kay Frank ang miserableng reaksyon ni Henry.Gayunpaman, kahit na handa si Henry na tanggapin siya, hindi ganun ang kanyang pamilya.Para bang isang usaping pamilya ang kasal nila ni Helen at hindi sa kanilang dalawa lang!"Hindi, Lolo. Sa tingin ko hanggang dito na lang kami," ang sabi niya, at umalis siya nang hindi lumilingon.Nanghina si Henry at muntik nang bumagsak.Mabilis na kumilos si Helen at nagmamadaling lumapit upang saluhin siya, at napansin niyang wala sa ayos ang mga mata ni Henry habang paulit-ulit siyang bumubulong, "Tapos na... Tapos na ang lahat... Katapusan na ng pamilya ko..."Nagtaka si Helen sa mga sinasabi ni Henry. "Anong sinasabi mo, Lolo? Yung totoo, nag-abala si Sean na tulungan akong magkaroon ng partnership sa mga Turnbull kanina. Aangat ang pamilya natin at tatayo kasama ng mga elite sa Riverton.""Hah!" Malamig na sinabi ni Henry. "Yung Sean Wesley na sinasabi ni Frank?""Mismo," sagot ni Helen."Mas mahalaga pa nga ang utot kays
Natawa si Frank. "Bakit naman sila magseselos? Hindi naman ako manliligaw ni Vicky.""Totoo ‘yun." Sumuko si Yara at bumuntong-hininga. "Pero may fiance na rin si Vicky. Sigurado ka bang hindi siya mag-iisip ng masama? Tsaka, siya ang tagapagmana ng mga Lionheart, isang mahalagang pamilya sa Morhen—ang lalaking iyon ay kilala sa pagiging walang awa, na mapapatunayan ng ibang manliligaw ni Vicky na bigla na lang nawala."Bilang bodyguard ni Vicky, natural na alam ni Yara ang ilang mga sikreto.Ayaw niyang makita ang isang kamangha-manghang martial artist na tulad ni Frank na patayin ang kanyang sarili. Kaya naman nagmagandang-loob siya at binalaan niya si Frank—may iba pang mga tao sa Riverton na kayang sirain si Frank bukod sa mga Lionheart."Hmph." Suminghal si Frank na may halong inis. "Ayos lang ako hangga't hindi nila ako gagalitin. Kapag ginawa nila ‘yun, mas magmumukha silang mga tupa kaysa sa mga leon."Napalunok si Yara.Ang lakas ng loob niya para sabihin ‘yun, gayunpama
Ipinasok ni Frank ang kanyang mga kamay sa kanyang mga bulsa habang kalmado siyang pumasok sa kotse.Gayunpaman, si Vicky, ay patuloy na sumisilip sa kanya mula sa driver seat."Mr. Lawrence, pwede ko bang malaman kung sino si Peter Lane?" Di kalaunan ay nagtanong siya."Ang ex brother-in-law ko." Ang sabi ni Frank."Ah, ganun ba," ang sabi ni Vicky. "Si Helen Lane."Tumango si Frank habang nakangiti naman si Vicky. "Mukhang hindi naging maganda ang mga bagay sa pagitan niyong dalawa! Gusto mo bang tumulong ako ng kaunti?"Napatingin si Frank sa kanya.Kapag tumulong si Vicky, tiyak na magagawa niyang burahin ang mga Lane sa Riverton nang walang kahit anong bakas.Gayunpaman, wala siyang intensyon na gawin iyon sa kabila ng sama ng loob niya sa pamilyang iyon, at kailangan niyang magpakita ng respeto kay Henry hangga't nabubuhay siya."Salamat sa alok mo, pero kaya ko naman ang sarili ko," ang sagot niya.Napangiti si Vicky. "Naiintindihan ko. Basta huwag mong kalilimutan na