Third-person's Point of View
Sa pagpasok nina Keith sa assembly hall, isang masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ng kaniyang tiyuhin. Habang ang lahat ng naroon ay nakangiti siyang binati sa kaniyang pagdating at nakikisimpatiya sa biglaang pagkaka-ospital ng kaniyang lola, si Frank naman ay walang pagsidlan ang inis na nararamdaman para sa kaniyang pamangkin. Sinadya nitong hindi ipaalam kay Keith ang meeting at hindi niya akalain na magagawa nitong makarating gayong isi-net niya nang ganoon kaaga para hindi ito makahabol sakaliman na makarating kay Keith ang balita. Dahil sa naging reaksyon ng mga tao sa loob, napilitan si Frank na umarte na masaya rin siyang nakarating ito sa tamang oras. "Salamat naman at nakarating ka, Keith. We're about to start!" Palihim na napangisi si Keith. "I'm sorry that I came a little late. Huli ko na po kasing nalaman na may meeting pala and surprisingly, everyone are here," untag nito. Lahat ng nakarinig ng sinabi niya ay nagulat. Napalingon sila kay Frank na tila naghihintay ng paliwanag. Dali-dali namang nag-isip si Frank ng sagot. "I-I sent you a message early morning. Hindi ba nakarating sa'yo?" tanong nito. "I left my phone at home last night. I haven't checked it since this morning. Thankfully, sinundo ako ni Elias sa ospital kanina." Aminado si Keith na nakaligtas ang kaniyang tiyuhin sa pagkakataong iyon. "Iyon naman pala ang dahilan. Tutal nandito ka naman na, let's start nominating." Nagsalubong ang kilay ni Keith. Napalingon siya kay Elias dahil hindi niya maintindihan kung para saan ang nominasyon na iyon. Nabasa naman agad ni Elias ang nasa isip niya at humakbang ito palapit upang bulungan siya. "Don't worry, Sir. They are on our side." Napabuntung-hininga ito pero gaya nang sabi ni Elias, he had nothing to worry. Nag-umpisang mag-nominate ang mga shareholders. Na-nominate ang mga may pinakamalalaking share sa kompanya. Kasama rin si Frank at maya-maya may isang nagtaas ng kamay para isama si Keith sa listahan. Apat ang pangalan na nakasulat sa whiteboard sa harapan. Mga pangalan na siyang magiging acting President ng kompanya habang nasa ospital at wala pang malay si Madam. Nang magsimula ang voting. Iilan lamang ang nagtaas ng kamay sa dalawang naunang pangalan. Sa labing-walong mga tao na naroon. Tig-dalawa lamang ang nakuhang boto ng dalawa. Nang si pangalan na ni Frank ang tinawag. Tatlong tao ang nagtaas ng kamay. Hindi maipinta ang kaniyang mukha nang mga sandaling ito at nang si ngalan na ni Keith ang nabanggit, higit inaasahan na kahit ang dalawang naunang nominado ay nagtaas ng kamay para kay Keith. Naikuyom na lamang ni Frank ang kaniyang mga kamao habang nagtatagis ang kaniyang ngipin. "The majority to votes goes to Keith, so we have a temporary President while waiting for Madam Janet," usal ng isa sa mga shareholders. Walang magawa si Frank kundi ang magkunwari na ayos lamang sa kaniya ang kanilang naging pasya ngunit sa labis na galit, nauna na siyang nagpaalam sa mga naroon. Pagpasok ni Frank sa kaniyang opisina nadatnan na roon ang kaniyang asawa na si Katya. "How was the meeting?" salubong niyang tanong sa kaniyang mister ngunit tila hangin ito at hindi siya pinansin. Naupo sa kaniyang swivel chair si Frank at isinandal ang kaniyang ulo. "Ano'ng nangyari, sweetheart? Ikaw ba ang napili?" sunod na tanong ni Katya at lumapit sa kaniya. "Ho—" "P'wede ba, Katya!? Managimik ka muna!" malakas niyang sigaw rito dahilan para matigilan ang kaniyang misis at mapahakbang palayo. Kitang-kita sa mga mata nito ang galit. Nagtatagis ang kaniyang panga sa labis na panggigigil sa lahat ng mga nagtaas ng kamay para iboto si Keith at hindi siya. Pakiramdam niya'y napagkaisahan siya ng mga ito na buong akala niya'y sa kaniya papanig. "Bullsh*t!" Hindi na siya nakatiis. Napamura siya sa galit. Napakabigat ng kaniyang dibdib na animo'y sasabog anumang oras. Nagpalinga-linga bago nagtungo sa pribadong banyo sa loob ng kaniyang opisina. Sa kaniyang pagpasok, inalis niya ang suot na necktie at ipinaikot sa kaniyang kanang kamao. Walang anu-ano'y bigla na lamang nitong pinagsusuntok ang salamin na sa nasa kaniyang harapan at nang mahulog na ang mga pirasong ng mga salamin sa lababo ay saka lamang niya tinigilan. "Honey!" pasigaw na tawag ni Katya sa kaniya sa labas. "Isa kang salot, Keith! Namatay ka na rin sana noon kasabay ng mga magulang mo! Pareho lang kayo ng ama mo na pakialamero!" malakas na sigaw ni Frank sa loob ng banyo. Panay ang tawag sa kaniya ni Katya sa labas ngunit hindi niya ito pinapansin. Nang makaalis na ang lahat ng shareholders at board members na ipinatawag ni Frank, doon lang din lumabas ng assembly hall si Keith kasama si Elias. Sa pinakataas na palapag sila nagtungo kung saan naroroon ang opisina ng kaniyang lola. Nang nasa loob na si Keith ng maluwang na office, napahinga siya nang malalim nang makita ang paligid. Ang pinakamataas na palapag na iyon ay puro salamin ang siyang pader. Kitang-kita mula ika-30th floor ang paligid. Sandaling nagpaalam si Elias dahil maroon lamang daw kukunin. "Sir?" ani Elias nang ilapag sa desk ang patong-patong na mga folder. Mabilis na lumapit si Keith at naupo sa swivel chair ng kaniyang lola. Masyadong mababa para sa kaniya na may mahahabang biyas kaya naman agad niyang in-adjust. "Madam wanted me to give this to you. Walang may alam ng nasa akin ang mga files na iyan kahit noon pa nila hinahanap," dugtong ni Elias. "Sino'ng naghahanap? At ano ba ang mga 'to?" Magkasunod na tanong ni Keith dito. "Ang totoo, hindi ko rin po alam. Madam only asked me to keep it gaya nang utos niya sa aking lolo." "Lolo mo?" "Yes, Sir. Madam's former assistant," sagot nito. "Wow!" naibulalas ni Keith sa pagkamangha. "I'm also one of your Grandma's scholars. Nakatapos po ako nang walang binabayaran dahil sinuportahan ni Madam ang lahat ng mga gastusin sa school. This is my way to give back at gaya ng bilin ng lolo ko noong pinalitan ko siya rito, I will stay loyal to Madam and only to Madam. Kaya kung may mga tanong po kayo o taong pinagdududahan sa kompanyang ito, sabihin n'yo lang po." Napangiti si Keith sa mga sinabi nito. Buong akala niya'y mangangapa siya sa dilim dahil hindi niya alam ang pasikot-sikot sa kompanya maging ang tungkol sa mga taong kaniyang makakasalamuha. His grandma trusted Elias, kaya naman he will give his trust to him as well. "Maraming salamat, Elias. Grandma didn't fail on trusting you." "It's an honor, Sir," magalang nitong sagot. Lumabas na ito matapos nilang mag-usap. Nasa labas lamang ng opisina ng Presidente ang desk ni Elias at maari siyang tawagan ni Keith gamitin ang telepono na nagkokonekta sa telepono na nasa lamesa nito. Inumpisahan na ni Keith ang mga folder at habang ini-scan ang mga naka-imprentang files sa loob. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang madiskubre kung ano ang mga nilalaman niyon.Merrill's Point of View Araw ng Huwebes at naka-schedule ang check-up ni Papa sa Baypointe Hospital sa Subic. Maaga pa lamang ay bumiyahe na kami upang hindi maipit sa traffic ngunit habang nasa daan ay panay ang reklamo niya na masakit daw ang kaniyang tiyan paikot sa kaniyang balakang at likod. "Aray...ang sakit talaga, mahal." Nakakaawa ang itsura ni Papa habang namimilipit sa sakit. "Mawawala rin 'yan, mahal, kapag umipekto na ang gamot," wika ni Mama habang inaalo ito. Ang hirap niyang tingnan nang mga oras na 'yon. Pinagpapawisan siya nang butil-butil. Agad pinupunasan ni Mama ang mga pawis niya dahil pati ang suot nitong damit ay basa na kahit may aircon naman sa likod ng L300. Nang tumalab na ang gamot ay ilang oras na tahimik lang Papa. Parang walang nangyari at nakatulog siya habang nakahiga sa mahabang upuan at ang hita ni Mama ang kaniyang unan. Nasa Cabangan na kami nang magising siya. Napapahiyaw sa sobrang sakit na nararamdaman at kahit ang driver namin na
Merrill's Point of View Nanatiling nakatakip ang kamay niya sa bibig ko hanggang sa tumango ako. Unti-unti niyang inalis ang kamay niya. Kumakabog na ang dibdib ko habang papalapit ang mga kalalakihan sa labas sa pag-check sa lahat ng mga cubicle. Nasa bandang dulo kami at nang makita ko ang anino ng isa sa kanila sa tapat ng pinto ng cubicle kung nasaan kami ay agad akong sumigaw. "Hoy! Ano'ng ginagawa ninyo? Mga manyakis ba kayo ay dito n'yo pa naisip sa ospital maghanap ng mamanyakin?!" "Boss, may tao!" pasigaw na anunsyo ng isa sa kanila. "Buksan mo!" Nataranta ako sa naging sagot nito. Sinubukang buksan ng lalaki ang pinto ngunit hinawakan ko ang mismong lock sa loob upang hindi basta-basta mabuksan pero bigla nitong sinipa ang pinto dahilan para mabitawan ko ang lock nang bigla itong kumalabog. "Siraulo ka ba?! Saklolo! Tulong! May mga manyak po rito! Tumawag po kayo ng pulis!" Pilit ko nilakasan ang pagsigaw ko upang maalarma ang mga ito. "Tulong!!" "Bakit kayo nan
Keith's Point of View I can't believe someone would take that measure para mapatahimik ako. They didn't know they only prove they are hiding something na ayaw nilang malaman ko. Akala siguro nila ay ganoon na lang kadali silang makakawala. I'm not going to let them hurt me or my Grandma! "Sir, Keith, nakausap ko na ang mga pulis. They will put you and Madam under surveillance. May kilala rin ang lolo ko na p'wedeng makatulong para tiyak ang kaligtasan ninyong dalawa ni Madam," wika ni Elias. "Salamat," akin namang sagot. Sa sobrang busy ko, hindi ko namalayan ang mabilis na pagdaan ng mga araw. Tatlong araw pa lamang simula ng maging temporary President ako nang kompanya. Ang mga folder na ibinigay ni Elias sa akin ang pinakatinutukan ko sa lahat. Ang mga pangalan na naroon ay isa-isa kong inilista. Those folders were filed according to their dates, kaya naman ang mga latest ang mga nasa ibabaw at ang mga empleyadong involved sa mga pagnanakaw ng pondo ng mga kontrata a
Merrill's Point of View Muntik na akong matumba sa motor nang bigla kong bitawan ang clutch. Mabuti na lang at hindi pa umaabante ang kotseng naharang ko ang daan. Kinabahan ako nang husto. Mukha pa naman ding mamahalin ang kotse na 'yon at magkakaroon pa ako ng atraso kapag nagkataon. Medyo nanibago kasi ako sa motor ng pinsan kong si Patrick, anak ni Tito Baste dahil naisip ni Tito na bumalik na sa Sta. Cruz para makakuha ng kailangan. Chinat ko siya nang papunta na kami sa San Fernando. Sa Pampanga siya nagtatrabaho at mayroon itong motor na ginagamit na service. Sanay ako sa automatic na motor dahil ganoon ang gamit kong service kapag pumapasok sa school. Nagkataong may clutch ang motor niya pero alam ko namang gamitin dahil may tricycle kami na may clutch ang nakakabit sa sidecar. Medyo nagulat lang talaga ako dahil single at walang sidecar. Ayon tuloy, halos lumipad ako kanina. Jusko! Humiwalay ang kaluluwa ko sa nangyari. Pinapunta ko siya sa ospital para siya muna
Third-Person's Point of View Nang gabing 'yon, umuwi muna ng mansion si Keith upang ipagpatuloy ang pagbabasa ng mga dokumentong ipinagkatiwala sa kaniya ng kaniyang Lola. Ibinigay ni Elias ang pangalan ng dalawang kasama ng mag-asawang Frank at Katya at agad niyang hinanap kung naroon sa mga dokumento ang mga ngalan ng mga ito. Hindi nga siya nabigo. Sa bawat dokumento, nakasaad ang mga discrepancy na nagkakahalagang milyon-milyong piso. "I can imagine how much headache Grandma had after discovering all these," wika ni Keith nang nakangisi habang nagpapatuloy sa pagbabasa. Sa kaniyang pagpapatuloy, nasumpungan niya ang isa sa mga lumang deals na nasa taong 2014. Sampung taon na ang nakalilipas at ang deal na iyon ay hindi biro ang halaga. Isa iyong 50 bilyon deal upang itayo ang isang malaking theater sa Pampanga. Bigla siyang kinabahan nang makitang ang pangalan ng kaniyang yumaong ama sa pinakaibaba ng unang pahina. Wala iyong pirma ngunit ang mas nagpakaba ng kaniyang di
Third-person's Point of View "Who told you I would let you go to work in that condition?" Keith asked Elias after he joked about not going to work the next day because of what happened to him. "No one will assist you tomorrow, Sir, I can't be there," pagrarason nito at nanlulumo na lamang na napatingin sa kaniyang boss dahil sa sunod-sunod na nangyayari. "Nobody wants this. What really happened at nagkagitgitan kayo ng kotse na 'yon?" usisa ni Keith na tila nagdududa na siya na may kinalaman iyon sa apat na lalaking sumusunod din sa kaniya nang nagdaang-araw. Kapansin-pansin kung paano nanahimik ang lahat. Ang mga mata nila ay nagpalipat-lipat sa isa't-isa na parang may itinatago. Ang ama ni Elias ang bumasag sa katahimikan. Who wants something to eat? Mukhang pare-pareho tayong hindi pa naghahapunan," anito at niyaya ang kaniyang misis upang samahan siyang bumili. Naiwan sa silid ang lolo ni Elias at ito ang sumagot sa tanong ng binata. "Malakas ang kutob ko na inutusan ng t
Third-Person's Point of View Araw na ng Biyernes at sumang-ayon si Merrill na magpa-interview nang araw na ito. Wala siyang kaalam-alam na si Keith mismo ang kaniyang makakaharap. Maagang dumating ang kaniyang Tito Baste at inabala niya ito sandali at nagpahatid siya sa Mall kung saan siya magpapaayos ng buhok. Nauna na itong bumalik sa ospital dala ang binili nilang almusal. Napakaaga pa nang mga oras na 'yon kaya naghintay pa siya nang ilang minuto sa labas ng isang beauty salon. Matapos magpaayos ng buhok ay nagpalagay naman siya ng light lang na makeup. Bahagya lamang kinulot ang mahaba niyang itim na buhok upang magkaroon ng volume. Matapos sila ay nakigamit na rin siya ng banyo upang doon magbihis. Suot ang nabiling white long sleeves na pang-itaas na sinadya niyang nakabukas ang dalawang butones sa itaas, itim na skirt na above the knee ang tabas at high heels na nagdagdag ng kaniyang taas mula sa 5'4" ngayon ay 5'7". Saktong-sakto sa kaniyang katawan ang mga nabiling
Merrill's Point of View "F-for real?" naibulalas ni Keith nang magtama ang aming mga mata. Kitang-kita sa kaniyang mukha kung gaano siya namamangha na makita ako sa kaniyang opisina. Wagas kung makangiti ang apo ni Madam Janet. Nakapanlalambot ng tuhod kung paano magningning ang kaniyang mga mata habang nakatunghay sa akin. Doon ko napansin na may kakaibang biloy nito sa magkabilang pisngi. Hindi iyon kalaliman ngunit ang cute tingnan lalo na sa malapitan. Bukod sa biloy, ang ganda ng mga ngipin nito. Halatang alagang-alaga ng dentista sa puti at pagkakapantay-pantay. Nakakainggit ang balat nito sa malapitan. Tila walang pores at hindi tinubuan ng tagyawat kahit isa sa mukha samantalang ako—hay naku! Parang balat ng mga korean actor sa mga Korean drama ang kutis nito at kapantay ni ng mga sikat na Korean actors ang kagwapuhan nito. Pero kailangan kong kumalma. Hindi ako dapat magpasilaw sa pisikal na katangian ng apo ni Madam. "Pardon, Sir?" pormal kong tanong nang makalapit
Keith's POV"Nothing, just asking..." I typed. I checked the time bago nagpatuloy. I saw it was nearly ten in the evening. "baka kasi nakakaabala ako." I waited for a reply. Dumating naman agad. "Hindi naman po. Actually, kagigising ko lang. Napagod po sa mahabang biyahe kaya nakatulog ako nang makarating kami sa bahay."I smiled, but at the back of my mind, I envied her. Nakakatulog siya sa pagod samantalang ako kahit anong pagod ay hirap akong makatulog. No matter how much I try."Glad to hear that. Sleep is important lalo na sa mga taong pagod maghapon. By the way, how are you feeling lately? Wala ka bang nararamdaman na kakaiba?" Pag-iiba ko ng paksa. Curious lang ako. Baka kasi may mga early symptoms siyang nararamdaman for us to conclude as a sign na successful ang unang procedure. Honestly, I was excited. I want to know right away kung may nabuo ba o wala. I had high hopes na maganda ang resulta sa check-up niya and we doesn't need to repeat it. Another reason that excites m
Keith's POVI was surprised. Binasa niya ang kabuuan ng kontrata. At first I thought gaya rin siya ng iba na basta na lamang pumipirma nang hindi iniintindi ang nakasulat sa mga dokumento. The thought of that put a smile on my lips. Hindi ko akalain na pagkatapos ng nakaka-stress na araw mapapangiti ako ng ganoong kasimpleng bagay.Masyado ko na yatang nakalimutan ang magsaya at pati sa simpleng bagay ay napapangiti na lang ako bigla. I typed my answer. [Yes, it was, but it was also stated na it would only happen with your consent s'yempre. No forcing on your part.] and pressed send.I placed my phone on the side table. Kauuwi ko lang galing sa ospital to check Grandma. Tulog pa rin siya at walang kasiguraduhan kung kailan magigising. Her stroke was quite bad. The blood clotting sa ulo niya ay maswerteng naalis agad, but according to the doctor, it could take sometime for her to recover dahil sa edad na rin niya. I loosened my necktie before removing it. My room seemed empty kahi
Merrill's POVMuli kong dinampot ang cellphone ko at nagsimulang nagtipa. "Yes, Sir. Nakauwi na po kami. May next time naman po siguro."Ayan na lamang ang isinagot ko.Bumangon na ako at binuksan ang ilaw. Paglabas ko ng kwarto, nasalubong ko si Mama na palabas din mula sa silid nila ni Papa."Salamat naman at bumangon ka na. Nagluto ako ng nilagang baka, initin mo na lang, anak. Tiyak na nagsesebo na 'yon sa kaserola," aniya nang nakangiti. "Opo, Mama." Pupungas-pungas akong naglakad papunta sa kusina namin upang maghapunan. Gutom na gutom ako na para bang dalawang araw akong hindi kumain. Siguro ay dahil na-miss ko ang mga ganoong lutong-bahay di gaya ng mga kinakain namin sa ospital na puro galing sa mga restaurant.Matapos maghapunan, hinugasan ko muna ang pinagkainan ko't mga natirang hugasan sa lamesa. Pagbalik ko sa kwarto, ilang beses na tumunog ang message tone ng cellphone ko. Nang siyasatin ko kung sino ang nagpadala ng mga mensahe, nakita kong puro galing sa apo ni Mada
Merrill's POVMula ng araw na nakakuha ako ng mensahe mula sa apo ni Madam ay hindi na muli itong nagparamdam. Akala ko ay hindi niya ako titigilan kulitin na sumama na sa kanilang resthouse pero madali ko rin pala siyang makukumbinsi. Nakakapagtaka lang dahil tatlong araw na akong walang balita mula sa kaniya. "Grabe talaga ang pamilyang 'yon, sila-sila lang din ang sumisira sa mga pangalan nila. Mantakin mo habang nasa coma ang matanda e nagkakagulo naman ang mga kamag-anak niya." Nadinig kong sabi ni Mama habang inaayos ang mga maruruming damit sa isang bag.Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero mukhang hindi gusto ni Papa ang paksa nila."Parang hindi mo naman alam ang nangyari noon. Sila-sila lang din 'yon at nandamay pa sila ng taong inosente. Karma na nila kung anuman ang nangyayari ngayon," sagot ni Papa na labis akong naintriga.Nasa ospital pa rin kami ngunit pinayagan na si Papa na makauwi nang araw na 'yon. Hinihintay na lang namin ang permit niya na ibinigay
Third-person's POVIsang tawag ang ginawa ng retired general na tumagal nang ilang minuto. Nanatili siya nasa linya habang ibinibigay ang lahat ng impormasyon na kailangan nila. "We're going to check in all the security cameras kung naroon pa sila," saad ng nasa kabilang linya. Inutusan nito ang kaniyang tauhan na gawin ang kaniyang nais gamit ang isang computer na naroon ay napasok nila ang system ng Airport. Inilagay ang mga impormasyon ni Frank at ng kaniyang asawa, ang kanilang flight numbers at ang oras ng pag-alis. Ayon sa nakuha ni Elias, alas kuwatro ang kanilang flight papunta sa Palawan at may trenta minutos pa bago mag-alas kuwatro ng hapon."Spotted! Nandoon pa silang mag-asawa at ang anak nilang babae," anunsyo ng tinawagan ni Renato. Naka-loudspeaker ang cellphone nang mga oras na ito. Napatayo si Keith mula sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang balita. "We need to catch them." Seryoso ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin diretso sa mga mata ni Renato."Mayroo
"Hindi ko alam kung kaya tayong matulungan ng kaklase ko noon. He's a retired general," sagot nito sa kaniya. "Sino, Lolo?" Salubong ang kilay na tanong ni Elias sa matanda."Si Lolo Renato mo." "N-no way! He's a retired general?""Oo, hindi mo ba alam?" "Lolo Renato is a clown. Walang bakas na galing sa militar o nagkaroon ng mataas na ranggo noong araw," bulalas ng di makapaniwalang si Elias."Iyan ang sinasabi nila na don't judge the book by its cover, apo. Isang magaling na sundalo ang isang 'yon. Hindi nga lang halata," natatawang wika ni Patricio.Keith enjoyed hearing how the two talk. Parang magbarkada lang ang mga ito. He never had a chance to meet his Lolo dahil maagang nabawian ng buhay. "Saan po namin siya p'wedeng makita?" singit ni Keith sa dalawa."Madalas nasa farm ang isang 'yon kaya naman mahirap makontak e, but I will try to visit him and personally talk to him para malaman kung matutungan niya ba tayo.""I think it's better kung sasama na lang kami sa'yo, Lolo,
Third-person's POVNa-release na ang warrant of arrest para kay Frank. Sumama sina Keith sa mga pulis upang saksihan ang pagdakip sa kaniyang tiyuhin, ngunit nang makarating sila sa gusali ng J.O. Group, walang Frank Lee ang nasa kaniyang opisina.Ayon sa gwardya na naroon sa gusali ay nagmamadali di umano itong umalis kasama ang kaniyang asawa. Dumiretso sina Keith at ang mga pulis sa bahay ng kaniyang tiyuhin ngunit maging doon ay wala rin ito. Kahit ang pinsan ni Keith ay hindi rin nila mahagilap. Hindi matawagan ang kanilang mga numero at maging ang mga kasambahay ay walang ideya kung saan nagtungo ang mga ito."Wala pong sinabi sina Sir sa amin. Nagpaimpake po ng mga damit kanina sina Ma'am at Sir. Kinuha lang po nila ang mga maleta at pagkatapos po umalis ulit," kwento ng isa sa mga kasambahay sa mga pulis."This is too impossible! Paano siya nakatakas?" Napahilamos sa kaniyang mukha si Keith sa inis. "Can you get all the addresses ng lahat ng properties ni Uncle Frank?" baling
Keith's POVPagkatapos namin nakipagkita kay Attorney Herald, I decided to go back to the company ngunit hindi pa man nakalalayo ang sinasakyan namin, isang tawag ang natanggap ni Elias mula kay Amanda gamit ang numero ng kaniyang ama. I asked Elias to put it into loudspeaker. Agad naman itong tumalima."H-hello? We need help! Somebody blocking our way," she said habang nanginginig ang boses. "H-he's about to go...he has a gun!" she added."Let's go back!" utos ko sa driver. Mabilis itong naghanap ng daan na pwedeng mapaglikuan dahil nasa kalagitnaan kami ng main road nang mga oras na 'yon. "We're on our way now! Try to calm do—" "How can I? He's pointing the gun in front of us. He might have shot any of us in a nick of seconds. This car isn't bulletproof—"Bang!"No!" Napasigaw si Amanda nang biglang magpaputok ang lalaking humarang sa kanila. Ang sakit sa tainga ang nilikha nitong feedback."Labas!" Nadinig kong sigaw mula sa kabilang linya."Hello, Amanda?" wika ko ngunit walang
*Resto Italiano*Keith's Point of ViewWe headed straight to the restaurant to meet Attorney Herald without any fear kung nasa paligid ba ang galamay ni Uncle Frank. Base naman sa narinig naming pag-uusap nila ay wala siyang ibang gagawin kundi ang sundan ako kaya wala akong dapat na ipangamba. Isa pa, kasama ko naman ang dalawa sa mga bodyguards na ipinadala ng kaibigan ni Lolo Patricio at kampante akong mapuprotektahan nila ako.My plan was for him to know kung sino ang haharapin kong tao nang araw na 'yon. I wanted to see what kind of measures he would do after finding out I was meeting the lawyer that handled my parents' case back then. It had been said na marami siyang alam na baluktot noon but because his job was to make sure the accused goes to prison, lahat ng paraan na maaring gamitin laban sa akusado ay ginamit niya.Pagpasok namin ni Elias sa loob, I gestured my hand para bigyan ng signal ang dalawang bodyguards. I already gave them an order sa daan pa lamang na doon muna s