Keith's Point of View
After grandma's operation, nanatili siyang walang malay. They transferred her to the most comfortable room they had at kinabitan ng kung ano-anong mga equipment to make sure she's doing fine while she sleeps. Nakausap ko ang doctor niya. He told me Grandma will take time to recover. I couldn't help but watch her all through the night. Nakaidlip lang ng ilang minuto pero dahil oras-oras ay may pumapasok ng nurse to check Grandma, napakahirap makakuha ng tulog. I was sitting on a chair close to my grandmother's bed. Hawak ko ang kamay niya at doon nakaidlip ako. Hindi ko alam kung gaano katagal, but I knew I slept. Nagising ako sa pagkatok sa pinto. Nang imulat ko ang aking mga mata ay maliwanag na sa labas. Hinayaan ko lang ang kumatok na 'yon sa pag-aakalang isa sa mga nurse. I went to the restroom to wash my face at nang matapos, I heard someone was knocking again. Dumiretso ako sa pinto after magpunas ng mukha using the clean towel na nakarolyo sa cabinet. "Good morning, Sir. My name is Elias. You're grandma's personally assistant," pakilala ng isang lalaki na mukhang hindi nalalayo sa akin ang edad. I haven't met him, but I know Grandma's assistant. "Please come in," yaya ko sa kaniya at nilakihan ang bukas ng pinto para ito'y makapasok. "Thank you, Sir," anito at muli akong hinarap nang isara ko na ang pinto. "I'm here to inform you, Sir, that your Uncle called for an emergency meeting today. He called all board of directors and all shareholders," anunsyo nito. "What's the matter with that? Uncle Frank can do so because he's the CEO of the company and besides—" "Yes, Sir, he is," sabat niya at seryoso akong tinitigan sa mga mata. Bakas sa mukha nito na may iba siyang nais ipunto kaya naman binigyan ko siya ng pagkakataon magpaliwanag. "It's not because he's the CEO he is in the position to call for an emergency meeting lalo na ngayon na wala pang malay si Madam. Last night—on your birthday party, Sir, Madam Janet planned to announce her plan of transferring the position she has." Naguluhan yata ako lalo. Posisyon daw. Si Lola ang Presidente, so kung ita-transfer niya ang posisyon. Biglang nanlaki ang mata ko. "W-wait... you're saying ako ang gusto ni Lola na maging presidente ng kompanya?" tanong ko para makasigurado. "Yes, Sir," sagot naman ni Elias. "P-pero bakit ako? Uncle Frank had been working..." Gulong-gulo ang isip ko. It was so sudden. "Kailangan po natin pumunta sa meeting. The shareholders are expecting you to appear, Sir," wika ni Elias. I didn't I had a choice. Pupunta ako roon bilang representante ni Lola, not because I am the President. Alam kong magigising din siya and I need to hear from her kung talaga bang ako ang napili niya. Elias drive me back to the mansion. I took a shower at nagsuot nang mas kagalang-galang na damit. I was still wearing the fashionable suit that Lola brought for me at kaya naman medyo uncomfortable. While on our way sa company, my thoughts were all over the place. Hindi makapaniwala na Lola wanted me to manage our huge company. To think kaga-graduate ko lang. Habang nasa biyahe, one question struck me. "Did Uncle Frank knew that Grandma wants me to take over?" I saw Elias's eyes move from the rearview mirror. He glance at me at mabilis ding ibinalik sa kalsada ang kaniyang tingin. "I don't think he knew, Sir. Iilan pa lamang po ang nasabihan ni Madam. She planned that announcement to be a surprise pero bigla naman pong nangyari ang nangyari kagabi kaya hindi na niya nagawa." "Did Uncle Frank mentioned the purpose of today's meeting?" sunod kong tanong. "No, Sir, but I have a feeling na tungkol sa pag-take over ng posisyon ni Madam habang wala pa siyang malay." Natahimik na ako matapos makuha ang sagot na 'to. Uncle Frank and I never had a nice relationship noonpaman. His family doesn't like me. He has a daughter, si Agatha na mas matanda ako ng apat na taon but she always bully me. Mabait sila sa akin kapag nand'yan si Lola, pero kapag wala ay parang ibang tao ang turing nila akin. Mas lumala pa nga noon nang mamatay ang parents ko. I felt left out kapag wala si Lola. Hindi ko makalimutan ang mga panahon na 'yon. I saw him sa party with his wife and daughter, but they didn't dare to approach me. Habang nagmumuni-muni, hindi ko namalayan na nasa parking area na pala kami. Elias stopped the car and went out. He even opened the door for me. "Thank you, Elias." Ngumiti lang siya at itinuro sa akin ang daan. Nang makapasok kami sa lobby, I was nostalgic. I looked around and all I could see was glasses. Napakaaliwalas ng paligid. Malawak ang lobby and I could see any trace of dirt and dust. Napakatagal na nang huli akong makapasok sa loob ng company and the last, I was with my parents at sa mismong office ni Dad ay hinahayaan niya akong maglaro noon. How I miss those days. Days that I couldn't take back no matter how much I tried. Dinala ako ni Elias sa elevator. May mga empleyado na naghihintay sa labas but Elias motioned his hand at biglang nagsitabi ang mga ito para bigyan kami ng daan. Saktong pagbukas ng elevator kaya nakapasok kami agad. "Do you really need to do that?" pabulong kong tanong sa kaniya. "I'm sorry, Sir, but that's a protocol," sagot niya. Si Lola agad ang sumagi sa isip ko. Nang makarating kami sa 8th floor, may natanggap ng mensahe si Elias. "They are starting," aniya sa akin at napansin kong bumilis ang lakad niya. Sa labas nang assembly hall, dinig na dinig na nagkakainitan ang mga tao sa loob. Elias opened the door at lahat ng kanilang atensyon at napako sa akin. I saw relief in most of their eyes, but when I looked at Uncle Frank, his reaction was its opposite.Third-person's Point of ViewSa pagpasok nina Keith sa assembly hall, isang masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ng kaniyang tiyuhin. Habang ang lahat ng naroon ay nakangiti siyang binati sa kaniyang pagdating at nakikisimpatiya sa biglaang pagkaka-ospital ng kaniyang lola, si Frank naman ay walang pagsidlan ang inis na nararamdaman para sa kaniyang pamangkin.Sinadya nitong hindi ipaalam kay Keith ang meeting at hindi niya akalain na magagawa nitong makarating gayong isi-net niya nang ganoon kaaga para hindi ito makahabol sakaliman na makarating kay Keith ang balita. Dahil sa naging reaksyon ng mga tao sa loob, napilitan si Frank na umarte na masaya rin siyang nakarating ito sa tamang oras. "Salamat naman at nakarating ka, Keith. We're about to start!" Palihim na napangisi si Keith. "I'm sorry that I came a little late. Huli ko na po kasing nalaman na may meeting pala and surprisingly, everyone are here," untag nito. Lahat ng nakarinig ng sinabi niya ay nagulat. Napalingon sila
Merrill's Point of ViewAraw ng Huwebes at naka-schedule ang check-up ni Papa sa Baypointe Hospital sa Subic. Maaga pa lamang ay bumiyahe na kami upang hindi maipit sa traffic ngunit habang nasa daan ay panay ang reklamo niya na masakit daw ang kaniyang tiyan paikot sa kaniyang balakang at likod. "Aray...ang sakit talaga, mahal." Nakakaawa ang itsura ni Papa habang namimilipit sa sakit."Mawawala rin 'yan, mahal, kapag umipekto na ang gamot," wika ni Mama habang inaalo ito. Ang hirap niyang tingnan nang mga oras na 'yon. Pinagpapawisan siya nang butil-butil. Agad pinupunasan ni Mama ang mga pawis niya dahil pati ang suot nitong damit ay basa na kahit may aircon naman sa likod ng L300. Nang tumalab na ang gamot ay ilang oras na tahimik lang Papa. Parang walang nangyari at nakatulog siya habang nakahiga sa mahabang upuan at ang hita ni Mama ang kaniyang unan.Nasa Cabangan na kami nang magising siya. Napapahiyaw sa sobrang sakit na nararamdaman at kahit ang
Merrill's Point of ViewNanatiling nakatakip ang kamay niya sa bibig ko hanggang sa tumango ako. Unti-unti niyang inalis ang kamay niya. Kumakabog na ang dibdib ko habang papalapit ang mga kalalakihan sa labas sa pag-check sa lahat ng mga cubicle. Nasa bandang dulo kami at nang makita ko ang anino ng isa sa kanila sa tapat ng pinto ng cubicle kung nasaan kami ay agad akong sumigaw."Hoy! Ano'ng ginagawa ninyo? Mga manyakis ba kayo ay dito n'yo pa naisip sa ospital maghanap ng mamanyakin?!""Boss, may tao!" pasigaw na anunsyo ng isa sa kanila. "Buksan mo!" Nataranta ako sa naging sagot nito. Sinubukang buksan ng lalaki ang pinto ngunit hinawakan ko ang mismong lock sa loob upang hindi basta-basta mabuksan pero bigla nitong sinipa ang pinto dahilan para mabitawan ko ang lock nang bigla itong kumalabog."Siraulo ka ba?! Saklolo! Tulong! May mga manyak po rito! Tumawag po kayo ng pulis!" Pilit ko nilakasan ang pagsigaw ko upang maalarma ang mga ito. "Tulong!!" "Bakit kayo nandito?" May
Keith's Point of ViewI can't believe someone would take that measure para mapatahimik ako. They didn't know they only prove they are hiding something na ayaw nilang malaman ko. Akala siguro nila ay ganoon na lang kadali silang makakawala. I'm not going to let them hurt me or my Grandma!"Sir, Keith, nakausap ko na ang mga pulis. They will put you and Madam under surveillance. May kilala rin ang lolo ko na p'wedeng makatulong para tiyak ang kaligtasan ninyong dalawa ni Madam," wika ni Elias. "Salamat," akin namang sagot. Sa sobrang busy ko, hindi ko namalayan ang mabilis na pagdaan ng mga araw. Tatlong araw pa lamang simula ng maging temporary President ako nang kompanya. Ang mga folder na ibinigay ni Elias sa akin ang pinakatinutukan ko sa lahat. Ang mga pangalan na naroon ay isa-isa kong inilista. Those folders were filed according to their dates, kaya naman ang mga latest ang mga nasa ibabaw at ang mga empleyadong involved sa mga pagnanakaw ng pondo ng mga kontrata ay agad kong
Merrill's Point of ViewMuntik na akong matumba sa motor nang bigla kong bitawan ang clutch. Mabuti na lang at hindi pa umaabante ang kotseng naharang ko ang daan. Kinabahan ako nang husto. Mukha pa naman ding mamahalin ang kotse na 'yon at magkakaroon pa ako ng atraso kapag nagkataon. Medyo nanibago kasi ako sa motor ng pinsan kong si Patrick, anak ni Tito Baste dahil naisip ni Tito na bumalik na sa Sta. Cruz para makakuha ng kailangan.Chinat ko siya nang papunta na kami sa San Fernando. Sa Pampanga siya nagtatrabaho at mayroon itong motor na ginagamit na service. Sanay ako sa automatic na motor dahil ganoon ang gamit kong service kapag pumapasok sa school. Nagkataong may clutch ang motor niya pero alam ko namang gamitin dahil may tricycle kami na may clutch ang nakakabit sa sidecar. Medyo nagulat lang talaga ako dahil single at walang sidecar. Ayon tuloy, halos lumipad ako kanina. Jusko! Humiwalay ang kaluluwa ko sa nangyari. Pinapunta ko siya sa ospital para siya muna ang maiwa
Third-Person's Point of View "Nakikita n'yo na ba ang apo ko?" tanong ng di mapakaling si Janet Villareal-Lee kaniyang kasamang driver si Herman at mayordoma nilang si Mercedes. Pitumpu't lima na ang edad ng kanilang Señora ngunit mukha pa ring bata dahil palangiti at masayahin ang ginang. Malakas pa rin ang pangangatawan dahil sa hilig nitong mag-zumba. Bukod sa ehersisyo, mayroon din itong sariling beauty salon na siyang nag-aalaga ng kaniyang balat at buhok na itinatago ng mga pampakulay ang puting hibla nito. "Hindi pa ho, madam," sagot ng driver na gaya ng kanilang amo ay hindi rin mapakali sa kinatatayuan. Isama pa na panay-panay ang hampas at palipat-lipat itong pagtatanong sa kaniyang mga kasama dahil nag-aalala na sa kaniyang apo na si Keith na kay tagal ding nawala sa Pilipinas dahil nag-aral ito sa Europa ng sampung taon. Sampu dahil dalawang kurso ang kaniyang kinuha, Engineering at Law na mabilis niyang natapos dahil sa talino't walang inaaksayang oras gaya kaniy
Merrill's Point of View Malayo-layo ang aming biyahe mula sa Clark Airport kung saan namin sinundo si Papa. Sa Sta Cruz, Zambales pa kami umuwi na inabot nang humigit-kumulang pitong oras na biyahe dahil kinailangang huminto sa mga gasolinahan para makigamit ng palikuran si Papa. Masama ang kaniyang pakiramdam ng araw na 'yon. Bagay na naiintindihan naman namin dahil iyon din ang dahilan kung bakit siya biglaang napauwi sa Pilipinas—ang magpagamot. Buong biyahe, isang bagay lang ang nasa isip ko. Ito ay kung paano ko magagawa ang mga plano ko nang hindi nalalaman ng mga magulang ko. Matagal ko ring pinag-isipan iyon at nang makita ko ang mga Lee sa airport kanina, tila ba nakakuha ako ng kasagutan sa kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Malalim na ang gabi nang makarating kami sa bahay. Kinuha ko agad ang laptop ko at binuksan ang mga email ng iba't-ibang mga kompanya at hinanap ang ipinadala ng J.O. Group. Isang linggo na nang makatanggap ako ng offer sa kumpanya nila m
Third-Person's Point of View Paghinto ng sasakyan sa garahe ng mansion ng mga Lee, natanaw agad ni Keith ang mga taong abala sa pag-aayos ng hardin para sa birthday party ng binata na gaganapin sa gabing iyon. "Lola?" pukaw ni Keith sa kaniyang abuela habang inaalalayan ito sa pagbaba sa van. "Yes?" tanong nito sa apo at nang mapansin ni Madam kung saan ito nakatingin, nabasa na niya kung ang nais nitong sabihin. "Simpleng party lang 'yan, apo. Don't worry," turan niya at niyaya na itong pumasok ng kanilang bahay upang makapagpahinga. Sumunod naman si Keith. Sa kaniyang paghakbang sa loob ng mansion, isa-isang bumalik ang mga alaala sa kaniyang isip. Kay tagal niyang hindi nakauwi dahil abala sa pag-aaral. Bukod pa rito, hindi siya pinayagan ng doktor na siyang gumagamot sa kaniya matapos ma-trauma sa kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang mga magulang. Suhestiyon din ng doktor na huwag muna siyang bumalik sa Pilipinas. Sang-ayon naman ang kaniyang lola at ito ma lamang ang