Share

Chapter 3

Author: Wysteriashin
last update Last Updated: 2024-10-13 22:51:18

Third-Person's Point of View

Paghinto ng sasakyan sa garahe ng mansion ng mga Lee, natanaw agad ni Keith ang mga taong abala sa pag-aayos ng hardin para sa birthday party ng binata na gaganapin sa gabing iyon.

"Lola?" pukaw ni Keith sa kaniyang abuela habang inaalalayan ito sa pagbaba sa van.

"Yes?" tanong nito sa apo at nang mapansin ni Madam kung saan ito nakatingin, nabasa na niya kung ang nais nitong sabihin. "Simpleng party lang 'yan, apo. Don't worry," turan niya at niyaya na itong pumasok ng kanilang bahay upang makapagpahinga.

Sumunod naman si Keith. Sa kaniyang paghakbang sa loob ng mansion, isa-isang bumalik ang mga alaala sa kaniyang isip. Kay tagal niyang hindi nakauwi dahil abala sa pag-aaral.

Bukod pa rito, hindi siya pinayagan ng doktor na siyang gumagamot sa kaniya matapos ma-trauma sa kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang mga magulang. Suhestiyon din ng doktor na huwag muna siyang bumalik sa Pilipinas. Sang-ayon naman ang kaniyang lola at ito ma lamang ang bumibisita sa binata sa Europa.

Sa muli niyang pagtapak sa kanilang mansion, halo-halo ang mga alaala ang isa-isang bumalik sa kaniyang gunita. "Are you okay, Keith?" malumanay na tanong ni Madam nang mahinto sa paglalakad ang binata na hawak niya ang braso habang sabay silang naglalakad.

Pilit ngumiti si Keith. "Just some g-good memories coming back in my head, Lola," aniya sa matanda. May bahid ng kasinungalingan dahil ang bangungot na akala niyang nawala na't nakalimutan ay bigla na lamang nagising sa kaniyang isipan.

Hindi satisfied si Madam sa sagot nito. Na-inform na siya ng doktor ng binata sa maaaring maging epekto nang kaniyang pagbalik. Kaya naman kahit na paano ay alam niya kung paano ito aalalayan sa ganoong sitwasyon.

Anang doktor, hayaan lamang daw ang binata na unti-unting i-process ng kaniyang utak ang mga alaala. Ang ilan tao nitong therapy ay sapat na para magawa ni Keith labanan ang isip sakaliman na magbalik siya sa bansa.

"Akala ko ay napaano ka na," wika ni Madam at mabilis na dinugtungan habang pinilit na pasiglahin ang kaniyang tinig. "Na-miss ko nga ang pagtawag mo sa akin noong pumunta ka sa Europa. Tuwing darating ako, tatakbo ka na lang pababa sa hagdan nang mabilis habang paulit-ulit kang sumisigaw ng lola," wika ni Madam. Isang suhestiyon ng doktor upang ma-divert ang isip ni Keith sa magandang bagay.

"Yeah, I remember those days po. Minsan pa nga nadapa ako at gumulong pababa. Kahit na may bukol sa noo noong tumayo ako e tumatawa pa akong yumakap sa'yo." K'wento naman ni Keith.

"That was one of scariest days of my life, apo. Napakakulit mo kasi at minsan pa nga ng silid ka sa hawakan ng hagdan at lumagapak sa baba. Tumayo ka nang parang walang nangyari at gusto mo pang ulitin. Jusko!"

Naalala ni Keith iyon at bigla na lamang siyang tumawa. "That was actually fun! Parang gusto ko nga pong gawin ulit ngayon." Bigla tuloy nag-panic si Madam sa narinig.

"Don't you dare! Kahit matibay ang hawakan ng hagdan natin e hindi ako makasisigurong kakayanin ka niyan ngayon." Mas lalong natawa si Keith sa reaksyon ng kaniyang lola.

"I was just kidding, Lola. Calm down!" Awat niya rito.

"Ewan ko sa'yo! Umakyat ka na nga sa kwarto mo at magpahinga ka muna," utos ni Madam sa kaniya. "Sisilipin ko lang ang mga nasa kusina kung ano na ang mga natapos nilang iluto nila. Ipagigising na lang kita sa mga kasambahay mamaya kung makatulog ka," kaniyang pagdadahilan upang umakyat na sa taas ng kaniyang apo nang sa ganoon ay magawa na nila ang test na ibinilin sa kaniya ng doktor ni Keith nang huli niya itong bisitahin.

"Okay," matipid nitong sagot at humakbang na patungo sa kanilang magarbong hagdan na gawa sa solid wood na bahagyang paarko ang disenyo. Tatlong palapag ang kanilang bahay at dalawang hagdan na pareho ng disenyo ang kailangan niyang akyatin.

Nang makarating siya ikalawang palapag, nahinto ang kaniyang paghakbang nang matapat sa silid ng kaniyang mga yumaong mga magulang. Nagsimulang tumibok ang kaniyang puso nang mabilis. Bumalik sa alaala niya ang duguan nilang mga katawan nang matagpuan niya silang dalawa isang umaga na wala ng mga buhay.

'Face your fear when the time comes.' Sinabi ito ng kaniyang doktor.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa pinto at inangat ang kamay upang abutin ang doorknob.

Nanginginig ang kaniyang kalamnan nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya'y napakainit ng kaniyang buong katawan.

"Face your fear, Keith," kaniyang sambit upang palakasin ang loob.

Nang hawak na niya ang doorknob at akmang ipipihit na niya ito nang nakarinig siya ng mga yabag ng mga paa. Mabilis na bitawan ni Keith ang doorknob na hawak at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kaniyang dating silid.

Sa pagsara niya ng pinto. Isang malalim sa paghinga ang kaniyang pinakawalan. Aminado siyang naduwag siya kaniya. Hindi niya nagawang harapin ang takot na ilang taon niyang kinalimutan at pilit tinatakbuhan. Ganoonpaman, hindi siya nawawalan ng pag-asa lalo pa't nasa Pilipinas na siya at araw-araw ay madaraanan niya ang silid na iyon.

Ganoon pa rin ang ayos ng kaniyang iniwang silid. Nagbago lang ang kulay ng kurtina at mas lumaki ang dating Queen size lamang na kama. Pabagsak siyang nahiga sa malambot kutson at tumingin sa chandelier na nakasabit sa pinakagitna ng maluwang na silid.

Hindi niya namalayan na unti-unti siyang nakatulog na animo'y inihehele.

Bandang alas-sais na nang hapon nang siya'y magising. Nakarinig siya ng ingay mula sa labas na tila may nag-te-testing ng sound system. Soundproofed na ang kaniyang silid ngunit sa lapit niya sa mga naglalakihang speaker ay lahat ng tugtog ay talaga namang maririnig mula sa loob. Isama pa na dumadagundong ang sahig sa bawat hampas sa drum ng drummer ng inimbitahang banda.

Pinaghandaan talaga ni Madam Janet ang gabing iyon. Bukod sa birthday ni Keith, mayroon din siyang importanteng anunsyo na nais niyang marining ng lahat ng naroon. May ilang reporter na kasama sa mga listahan ng mga bisita dahil nais ni Madam na ilathala ng mga ito ang kaniyang sasabihin maya-maya.

Bumangon na si Keith. Sumilip siya sa may bintana ng kaniyang silid. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata sa gulat nang makita kung gaano na karami ang mga dumating na bisita.

Nagsidating na sila ngunit ang may kaarawan ay hindi pa nakapaghahanda.

Related chapters

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 4

    Third-Person's Point of View Habang nasa loob ng banyo si Keith ay pumasok sa kaniyang silid si Madam kasama ang dalawang mga kasambahay na dala ang sapatos at damit na isusuot ni Keith sa kaniyang party. "Keith, apo?" tawag ni Madam nang di siya makita nang sila'y pumasok. Mabilis ipinihit ni Keith ang knob ng shower upang patayin ito nang kaniyang narinig ang pagtawag ni Madam. "I'm here, lola!" pasigaw niyang sagot mula sa loob. "We have your clothes here outside. Iiwan na lang namin dito sa kama with your shoes. Ito ang gamitin mo for tonight, ha! Binili ko pa sa Paris ang mga 'to noong fashion week. Alam kong babagay sa'yo!" pasigaw na tugon ni Madam. "Okay, lola. Thank you!" "Anything for my apo," malambing ng turan ni Madam bago niya niyaya ang mga kasambahay na ilapag na sa kama ang kanilang mga dala. Nang lumabas si Keith, wala na sa silid ang mga ito. Tanging tuwalya lamang ang tumatabing sa ibabang parte ng katawan ng binata. Tumutulo pa ang tubig mula sa kani

    Last Updated : 2024-10-16
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 5

    Hindi mapakali si Keith habang nasa party. Humahaba ng ang kaniyang leeg kahahanap sa kaniyang lola na hindi pa rin nagpapakita kahit hiniling na ng MC na samahan niya si Keith sa harapan. Nang hindi na makatiis, he excused himself sa MC at idinahilan na kailangan niyang magbanyo sandali. Nagmadali siya paglalakad na halos patakbo na para hagilapin si Madam. Nagkasalubong sila Mercedes, ang kanilang mayordoma sa mansyon. "Have you seen, lola?" tanong niya rito at kunot-noong umiling si Mercedes. "Ang sabi niya kanina aakyat lang siya sandali. Akala ko nakababa na, iho," ani Mercedes nang kaniyang maalala. Akmang tatakbuhin na sana ni Keith ang hagdan upang tingnan sa kaniyang silid ang abuela ngunit nakita na niya itong pababa. "Oh, God, lola! I thought something happened to you!" bulalas nito na alalang-alala. "Nasa taas lang ako. Nagpalit ng damit dahil naiinitan ako sa suot ko kanina," sagot ni Madam. Pilit itinatago ang nararamdaman di maganda. Uminom na siya ng gam

    Last Updated : 2024-10-18
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 6

    Keith's Point of View After grandma's operation, nanatili siyang walang malay. They transferred her to the most comfortable room they had at kinabitan ng kung ano-anong mga equipment to make sure she's doing fine while she sleeps. Nakausap ko ang doctor niya. He told me Grandma will take time to recover. I couldn't help but watch her all through the night. Nakaidlip lang ng ilang minuto pero dahil oras-oras ay may pumapasok ng nurse to check Grandma, napakahirap makakuha ng tulog. I was sitting on a chair close to my grandmother's bed. Hawak ko ang kamay niya at doon nakaidlip ako. Hindi ko alam kung gaano katagal, but I knew I slept. Nagising ako sa pagkatok sa pinto. Nang imulat ko ang aking mga mata ay maliwanag na sa labas. Hinayaan ko lang ang kumatok na 'yon sa pag-aakalang isa sa mga nurse. I went to the restroom to wash my face at nang matapos, I heard someone was knocking again. Dumiretso ako sa pinto after magpunas ng mukha using the clean towel na nakarolyo sa

    Last Updated : 2024-10-21
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 7

    Third-person's Point of View Sa pagpasok nina Keith sa assembly hall, isang masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ng kaniyang tiyuhin. Habang ang lahat ng naroon ay nakangiti siyang binati sa kaniyang pagdating at nakikisimpatiya sa biglaang pagkaka-ospital ng kaniyang lola, si Frank naman ay walang pagsidlan ang inis na nararamdaman para sa kaniyang pamangkin. Sinadya nitong hindi ipaalam kay Keith ang meeting at hindi niya akalain na magagawa nitong makarating gayong isi-net niya nang ganoon kaaga para hindi ito makahabol sakaliman na makarating kay Keith ang balita. Dahil sa naging reaksyon ng mga tao sa loob, napilitan si Frank na umarte na masaya rin siyang nakarating ito sa tamang oras. "Salamat naman at nakarating ka, Keith. We're about to start!" Palihim na napangisi si Keith. "I'm sorry that I came a little late. Huli ko na po kasing nalaman na may meeting pala and surprisingly, everyone are here," untag nito. Lahat ng nakarinig ng sinabi niya ay nagulat. Napalin

    Last Updated : 2024-10-22
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 8

    Merrill's Point of View Araw ng Huwebes at naka-schedule ang check-up ni Papa sa Baypointe Hospital sa Subic. Maaga pa lamang ay bumiyahe na kami upang hindi maipit sa traffic ngunit habang nasa daan ay panay ang reklamo niya na masakit daw ang kaniyang tiyan paikot sa kaniyang balakang at likod. "Aray...ang sakit talaga, mahal." Nakakaawa ang itsura ni Papa habang namimilipit sa sakit. "Mawawala rin 'yan, mahal, kapag umipekto na ang gamot," wika ni Mama habang inaalo ito. Ang hirap niyang tingnan nang mga oras na 'yon. Pinagpapawisan siya nang butil-butil. Agad pinupunasan ni Mama ang mga pawis niya dahil pati ang suot nitong damit ay basa na kahit may aircon naman sa likod ng L300. Nang tumalab na ang gamot ay ilang oras na tahimik lang Papa. Parang walang nangyari at nakatulog siya habang nakahiga sa mahabang upuan at ang hita ni Mama ang kaniyang unan. Nasa Cabangan na kami nang magising siya. Napapahiyaw sa sobrang sakit na nararamdaman at kahit ang driver namin na

    Last Updated : 2024-10-23
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 9

    Merrill's Point of View Nanatiling nakatakip ang kamay niya sa bibig ko hanggang sa tumango ako. Unti-unti niyang inalis ang kamay niya. Kumakabog na ang dibdib ko habang papalapit ang mga kalalakihan sa labas sa pag-check sa lahat ng mga cubicle. Nasa bandang dulo kami at nang makita ko ang anino ng isa sa kanila sa tapat ng pinto ng cubicle kung nasaan kami ay agad akong sumigaw. "Hoy! Ano'ng ginagawa ninyo? Mga manyakis ba kayo ay dito n'yo pa naisip sa ospital maghanap ng mamanyakin?!" "Boss, may tao!" pasigaw na anunsyo ng isa sa kanila. "Buksan mo!" Nataranta ako sa naging sagot nito. Sinubukang buksan ng lalaki ang pinto ngunit hinawakan ko ang mismong lock sa loob upang hindi basta-basta mabuksan pero bigla nitong sinipa ang pinto dahilan para mabitawan ko ang lock nang bigla itong kumalabog. "Siraulo ka ba?! Saklolo! Tulong! May mga manyak po rito! Tumawag po kayo ng pulis!" Pilit ko nilakasan ang pagsigaw ko upang maalarma ang mga ito. "Tulong!!" "Bakit kayo nan

    Last Updated : 2024-10-23
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 10

    Keith's Point of View I can't believe someone would take that measure para mapatahimik ako. They didn't know they only prove they are hiding something na ayaw nilang malaman ko. Akala siguro nila ay ganoon na lang kadali silang makakawala. I'm not going to let them hurt me or my Grandma! "Sir, Keith, nakausap ko na ang mga pulis. They will put you and Madam under surveillance. May kilala rin ang lolo ko na p'wedeng makatulong para tiyak ang kaligtasan ninyong dalawa ni Madam," wika ni Elias. "Salamat," akin namang sagot. Sa sobrang busy ko, hindi ko namalayan ang mabilis na pagdaan ng mga araw. Tatlong araw pa lamang simula ng maging temporary President ako nang kompanya. Ang mga folder na ibinigay ni Elias sa akin ang pinakatinutukan ko sa lahat. Ang mga pangalan na naroon ay isa-isa kong inilista. Those folders were filed according to their dates, kaya naman ang mga latest ang mga nasa ibabaw at ang mga empleyadong involved sa mga pagnanakaw ng pondo ng mga kontrata a

    Last Updated : 2024-10-24
  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 11

    Merrill's Point of View Muntik na akong matumba sa motor nang bigla kong bitawan ang clutch. Mabuti na lang at hindi pa umaabante ang kotseng naharang ko ang daan. Kinabahan ako nang husto. Mukha pa naman ding mamahalin ang kotse na 'yon at magkakaroon pa ako ng atraso kapag nagkataon. Medyo nanibago kasi ako sa motor ng pinsan kong si Patrick, anak ni Tito Baste dahil naisip ni Tito na bumalik na sa Sta. Cruz para makakuha ng kailangan. Chinat ko siya nang papunta na kami sa San Fernando. Sa Pampanga siya nagtatrabaho at mayroon itong motor na ginagamit na service. Sanay ako sa automatic na motor dahil ganoon ang gamit kong service kapag pumapasok sa school. Nagkataong may clutch ang motor niya pero alam ko namang gamitin dahil may tricycle kami na may clutch ang nakakabit sa sidecar. Medyo nagulat lang talaga ako dahil single at walang sidecar. Ayon tuloy, halos lumipad ako kanina. Jusko! Humiwalay ang kaluluwa ko sa nangyari. Pinapunta ko siya sa ospital para siya muna

    Last Updated : 2024-10-25

Latest chapter

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 50

    Keith's POVI woke up wearing the same clothes I was wearing when I came home last night. Mahaba-habang tulog din ang nakuha ko ngunit tila ba hindi sapat dahil sa pagod at stress sa araw-araw na hindi na nga nababawasan, nadagdagan pa. Mabigat ang aking ulo maging ang buong katawan. Nais ko pa sanang umidlip sandali dahil hindi pa tumutunog ang aking alam ngunit napilitan akong bumangon dahil sa walang tigil na mga katok sa pinto ng aking silid."S-Sir?" tawag mula sa labas ngunit may ibang ingay pa na mas nakaagaw ng aking pansin. Umaalingawngaw ang paparating na sirena ng bombero ngunit hindi ko alam kung saan didiretso."S-Sir Keith?" Muling pagtawag sa pinto na tila ba natataranta na ito.Dahan-dahan akong bumangon because I still could step on my sprained left foot. I received for my cane but it fell on the floor. Hindi ko na pinulot. Dumiretso na ako sa pinto ma hindi naman kalayuan kahit paika-ika sa paghakbang.The firetruck came closer. Nagsisisigaw rin ang mga tao sa labas

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 49

    Keith's POV"Thank you." I turned to face her when we were about to leave. Hinatid niya 'ko sa front door after we shared a delicious dinner with all the house helpers and my two bodyguards that she insisted on letting them stay outside.Her kind heart made me adore her secretly. She reminded me of my late parents who would do the same if there are people are. They wouldn't care to stand just to give another person a seat. It was a bitter sweet memory that I could forever cherish because I was young when I lost them.It felt great as well to eat around people. Mula nang umuwi ako ng Pilipinas at maospital si Lola ay laging mag-isa na lamang akong kumakain sa hapag-kainan kapag nasa bahay ako. The mansion is too big to live alone lalo na at may separate house ang mga house helpers doon.Merrill gave me a frown. "Para saan ka nagpapasalamat?" tanong nito na tila ba nalilito at walang clue sa kung ano ang ipinagpapasalamat ko."Sa dinner... and the laughter earlier?" sagot ko na medyo pa

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 48

    Merrill's POV"I have to go. Pupuntahan ko pa si Lola sa ospital before heading home. Will you be okay here? May mga kailangan ka pa ba na wala rito?" "Nandito naman na po lahat. May dala rin po akong gamit kaya okay na po," sagot ko sa kaniya."Okay... I'm glad to know," tugon niya. Sandali itong natahimik ngunit nanatiling nakatunghay sa akin. Nakakailang na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng microscope at iniiksamin ng kaniyang mga mata. Naalis lamang ang kaniyang tingin nang sipatin niya ang kaniyang suot na mamahaling relo. "I need to go. Dumaan lang talaga ako to tell you the news and check if you're really okay just like what Doc Trixie said." Ibinalik niya ang tingin sa akin saka bumuga ng hangin. Naging malamlam ang kaniyang mga mata. Kitang-kita ko ang pagod mula roon, ang pangamba at ang takot. Nang muli siyang nagsalita, maging tinig nito ay kakaiba sa pandinig ko. "I'm truly glad you're okay, Merrill." Bigla siyang tumalikod at naglakad patungo

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 47

    Keith's POV"Kasama ho ba sa kontrata na murahin ako?" I froze when she asked this. The way she looked straight into my eyes brought shivers down my spine. Napalunok na lang ako ng laway at napaiwas ng tingin dahil parang anumang oras she will punch me on the face. Parang sampal para sa akin ang tanong na 'yon. Pumunta ako sa villa to confront her sa ginawa niya kay Agatha. She made me dead worried nang malaman kong nasa clinic pa siya nang pumunta roon ang pinsan ko. Hindi ako mapakali nang malaman ko at kahit si Elias ay napansin iyon ngunit nakahanap ako ng alibi at sinabi kong hindi lamang ako makapaghintay na mahuli si Agatha. We arrived at the hospital at nagkakagulo sila. The elevator broke na parang ayaw makisama. Ang isa naman ay saktong ipinapasok ang isang pasyente na nasa stretcher kaya wala kaming choice kundi gamitin ang hagdan kahit may sprain ang paa ko. Kasama ko ang mga pulis at gwardiya. Inutusan ko ang mga tauhan ko na bantayang mabuti ang kwarto ni Lola dahil

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 46

    Merrill's POVNapakasarap maligo ng may automatic kang hot water. Parang minamasahe ang katawan ko habang nasa ilalim ng shower. Medyo sumakit pa naman din nang dahil kay Agatha. Nang matapos akong maligo ay roon ko lang napagtanto na wala pala akong inihandang pamalit na damit. Mabuti na lang ay may roba na naroon at iyon na muna ang isinuot ko. Mahirap na at baka may mga surveillance camera sa paligid at nakabalandra ang kahubdan ko.Ibinalot ko muna ng tuwalya ang basa kong buhok bago lumabas ng banyo. Naaalala ko ang nakita kong walk-in closet at naisip kong tingnan ang mga damit na naroon.Pagpasok ko palang ay mga kahon ng sapatos agad ang natanaw ko sa bandang dulo. Mga orange na box iyon na may tatak ng isang mamahaling brand sa buong mundo. "Tunay kaya ang mga 'yon?" Di makapaniwala kong usal habang nakatitig sa mga kahon ng sapatos. Humakbang ako palapit upang siyasatin. Nanguha ng isa sa mga naka-display at binuksan. "Hala!" Inilabas ko ang flat shoes na may kakaibang pa

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 45

    Nang makarating siya sa Hotel, si Simoun agad ang nakita niya sa may lobby. "Ms. Merrill..." Lumapit ito sa dalaga."Pahintay na lang po ako rito. Kukunin ko lang po mga gamit ko," wika ni Merrill. Bakas sa kaniyang tinig ang labis na pagod."Sige po, Ma'am." Iniwan na niya si Simoun at nagtungo sa elevator upang umakyat sa palapag kung nasaan ang kaniyang inupahang silid.Mabilis lamang siya. Nang matanaw siya ni Simoun na lumabas ng elevator ay kaniya na itong sinalubong. Kinuha na ng lalaki ang kaniyang maleta at naunang maglakad. Isang puting kotse na mukhang bago pa dahil sa kintab ang kanilang hinintuan. Pinagbuksan muna siya ni Simoun ng pinto bago ito pumunta sa likod upang buksan ang compartment. Dalawang minuto rin nilang binaybay ang kalsada bago makarating sa villa na siyang magiging tirahan niya sa loob ng siyam na buwan ngunit sa kaniyang isip iyon ay ang kaniyang kulungan hanggang sa maisilang ang susunod na tagapagmana ng mayamang pamilya ng mga Lee. Napakalaki ng l

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 44

    Third-person's POV"Iyon na nga po ang nangyari, Sir." Pagkatapos ni Merrill ng kaniyang pahayag sa buong nangyari sa loob ng clinic bago nila nahuli si Agatha.Habang tinatanong siya ay hindi maiwasan ng dalawa ang mapalinga ng ilang ulit sa paligid. Hinahanap niya kung naroon si Keith ngunit hindi niya ito nakita kahit isang beses. "Thank you for your cooperation. Tatawagan ka na lamang namin sakaliman na may kailangin pa kami," anang pulis nang matapos na ito sa pagkuha ng mga importanteng detalye kay Merrill. Hinayaan na siyang makaalis. Hindi na niya hinintay sina Doc Trixia at ang nurse na kasabay niyang pumaroon kasama ng mga pulis sa isang kotse.Paglabas na paglabas niya sa pinto, isang lalaki ang bigla na lamang humarang sa kaniyang daraanan. Mukha itong nasa mid-30s lamang. Mukhang disenteng tingnan sa kaniyang suot na malinis ang puting t-shirt at pantalong kupas. Gumilid si Merrill sa pag-aakalang papasok ito sa loob ng police station ngunit laking-pagtataka niya nang h

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 43

    "W-what are you doing, you b*tch?" sigaw nito sa akin habang nagpupumiglas. "Let me go... you id*ot!" utos niya ngunit hindi ko siya pinakawalan kahit pa nakakahilong sumakay sa likod niya habang hawak ko ang dalawang kamay. Ginawa ko siyang kabayo ngunit sa bandang binti niya ako nakasampa. Biglang nawala si Doc Trixie na kanina ay naroon lang sa kwarto kasama namin. Hindi ko napansin kung lumabas ba siya ng clinic o nagtago sa kung saan pero sana naman dumating na ang mga security personnel. Bakit kasi ang tagal nila? "Let me go!" sigaw nito ulit na parang naiiyak na pero sino ba siya para kaawaan.Pinaikot ko na lamang ang mata ko sa inis. Wala akong balak na patulan siya pero nakakainis—napakaingay."Manahimik ka nga! Ang lakas ng loob mong magpunta rito kahit alam mong wanted ang mga magulang mo tapos pati doctor ko guguluhin mo't pinagbantaan kanina na sasaktan.""I didn't do that!" "Sus! Sinungaling. Akala mo ba hindi ko narinig 'yon? Dinig na dinig sa labas."Sandali siya

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 42

    "Doc Trixie is asking for assistance. Nasa clinic po ngayon ang anak ng wanted na si Frank Lee..." Tila nag-slow motion ang papasarang pinto ng elevator nang marinig ko ang sinabi ng nurse sa kausap niya sa cellphone.Dalawa lang ang pagpipilian ko nang mga oras na 'yon, ang lumabas at tiyaking hindi makakatakas ang anak ni Frank Lee para magkaroon na ng lead sa kung saan ito nagtatago o ang hayaan na lamang makatakas ito nang sa ganoon ay matagalan ang paghahanap ni Keith ng hustisya para sa mga magulang niya.Pakiwari ko ay wala naman akong ibang choice kundi ang tulungan siya. Kapag nakuha niya ang hustisya para sa mga magulang niya ay malilinis na rin namin ang pangalan ni Lolo. Pikit-mata akong humakbang paabante at pinindot ang isang button sa dingding upang hindi tuluyang sumara ang pinto. Huminto naman agad iyon at muling nagbukas. "Opo. Magpadala raw po kayo ng sec—" Ito ang huling narinig ko mula sa kaniya bago niya ako habulin. "M-Ms. Merrill! tawag niya sa akin ngunit h

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status