A few days before...
Merrill's Point of View Malayo-layo ang aming biyahe mula sa Clark Airport kung saan namin sinundo si Papa. Sa Sta Cruz, Zambales pa kami umuwi na inabot nang humigit-kumulang pitong oras na biyahe dahil kinailangang huminto sa mga gasolinahan para makigamit ng palikuran si Papa. Masama ang kaniyang pakiramdam ng araw na 'yon. Bagay na naiintindihan naman namin dahil iyon din ang dahilan kung bakit siya biglaang napauwi sa Pilipinas—ang magpagamot. Hindi inaasahan na may masusumpungan ang aking mga mata sa paligid na ipinalangin kong hindi sana nakita ng aking ama. Buong biyahe, isang bagay lang ang nasa isip ko. Ito ay kung paano ko magagawa ang mga plano ko nang hindi nalalaman ng mga magulang ko. Matagal ko ring pinag-isipan iyon at nang makita ko ang mag-lolang Madam Janet at Keith Lee sa airport, tila ba nakakuha ako ng kasagutan sa kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Malalim na ang gabi nang makarating kami sa bahay. Kinuha ko agad ang laptop ko pagdating na pagdating namin sa bahay. Binuksan ang aking email na upang hanapin ang ipinadalang imbitasyon ng kompanyang nagngangalang J.O. Group. Isang linggo na nang makatanggap ako ng offer sa kompanyang iyon matapos kong makapasa mapabilang sa top 10 sa licensure examination ng Civil Engineering kamakailan. Kabi-kabilang offer ng trabaho ang dumating at isa na nga roon ay ang galing sa J.O. Group na isa sa pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas pagdating sa Engineering at Architectural designs. Ang offer na 'yon ay ilang araw ko ring pinag-iisipan. Gusto ko na lamang sanang kalimutan ang nakaraan ngunit tila ba ang ang tadhana na ang gumawa ng paraan para mabigyan ko ng hustisya ang ginawa ng mga Lee sa lolo ko. Inakusahan nila ito noon na pumaslang sa mag-asawang David at Lalaine sampung taon na ang nakararaan. Ang lolo ko ang driver nila noon at ang itinuturo nilang motibo raw niya ay dahil hindi siya pinagbigyan na pahiramin ng pera noong maysakit ako at nag-aagaw-buhay sa ospital dahil sa dengue. Pitong taong gulang lamang ako noon, ngunit alam ko ang lahat ng mga nangyayari. Hindi totoo ang k'wento pero ayaw maniwala ng mga tao. Dahil may pera sila at kayang magbayad ng magaling na abugado. Nagawa nilang maipakulong si lolo, ngunit dahil sa edad at altapresyon nito, hindi ito nagtagal sa kulungan at doon na siya binawian ng buhay. Wala siyang kasalanan. Pinatay ng ibang tao ang mag-asawang Lee. Bagay na hindi namin alam kung sino ang gumawa. Nang magbukas ang laptop, nagtungo agad ako sa email at binuksan ang ipinadalang imbitasyon ng J.O. Group sa akin. Pinatay ko na rin nang matapos kong ipadala ang sagot ko sa kanila. Nag-prepare na ako upang matulog. Dala ng pagod, nakatulog ako agad nang ilapat ko ang aking likod sa kama. Madaling-araw na nang naalimpungatan ako. Parang puputok na ang pantog ko kaya nagmadali akong nagtungo sa banyo. Nasobrahan yata ako sa tubig at softdrinks dahil panay ang inom ko nang nasa biyahe kami dala ng sobrang init. Pagbalik ko sa silid, napansin kong naiwang bukas ang pinto sa harap ng bahay namin ngunit nang akmang isasara ko na ay nakita kong nasa labas si Papa. Nakaupo sa mahabang bangkong kahoy na ginagawang tungtungan ng mga nagtatrabaho. "Pa?" tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako agad at nginitian. "Bakit gising ka na? Maaga pa," aniya habang naglalakad ako palapit. "Nagbanyo lang po ako. Kayo po? Bakit nasa labas kayo maaga pa ho," sagot ko naman at ibinalik ang tanong sa kaniya. "Hindi ako makatulog. Siguro dahil iba ang oras sa Saudi at dito sa Pilipinas o sadyang namamahay lang ako?" sagot ni Papa sa akin pero hindi convincing para sa akin. Umupo ako sa parehong mahabang bangko kung saan siya naupo. "Sabagay po. Kailangan mo pang i-adjust ang body clock mo," sambit ko. "Siguro nga, anak," wika niya sabay tanaw sa malayo. Pareho kaming natahimik. Napatingala ako sa langit dahil maliwag at bilog na bilog ang buwan. "Nga pala, anak, sabi ng Mama mo sa akin noong isang araw marami raw na kumpanya ang inaalok ka ng trabaho. May napili ka na ba sa mga 'yon?" Ibinalik ko ang tingin kay Papa ngunit sa malayo pa rin ang tanaw at halatang may malalim na iniisip. "Namimili pa lang ko ako. Pero mayroon na pong isa na lamang na lamang sa mga benepisyo na p'wede kong makuha." Dito lang siya napalingon sa akin at kitang-kita sa mga mata niya na interesado siyang marinig ang mga sasabihin ko. "Maganda 'yan. Ano naman daw ang mga benepisyomg makukuha mo?" "Sabi po sa akin libre na ang matitirhan sa Pampanga, mayroon din silang ibibigay service vehicle ko. May food allowance buwan-buwan at may life insurance. Bukod po sa mga 'yon, maaari rin daw po nila akong ipadala sa iba't-ibang mga bansa upang mag-training kung saan may mga company partners sila. Kapag napili raw po ako sa training program, sagot na raw po nila ang lahat kaya naman wala akong poproblemahin." "Grabe naman yata. Ang dami!" naibulalas ni Papa dahil sa pagkamangha. "Nakaka-proud ka talaga anak. Kahit siguro ako kapag may gan'yang offer na trabaho sa akin ay agad akong mapapa-oo. Biruin mo, wala ka na halos iisiping mga bayarin pati ang pagkain, mag-aabang ka na lang ng sasahurin. Pero teka...hindi pa sila lugi r'yan?" mahaba niyang dugtong. "Hindi naman po siguro. Baka naman po sadyang may special treatment lang po ako dahil gusto nilang makuha ang matamis kong oo." Napaisip si Papa sa sinabi kong ito. "Sabagay. Tama ka naman. Baka hindi naman lahat e binibigyan nila ng gan'yang pribelihiyo." Pagsang-ayon niya at sandaling natigilan bago dinugtungan ng isa pang tanong, "Ano ba ang pangalan ng kumpanya na 'to?" Napaiwas ako ng tingin. "A-ano po..." Agad akong nag-isip ng random na pangalan ng kumpanya. "H-Hamilton Engineering," wika ko. Gawa-gawang pangalan dahil delikado kapag nalaman niya kung ano'ng kompanya ang nais kong pagtrabahuhan. Tiyak na pipigilan ako ni Papa at pauulanan ng sermon. Mainam na muna kung isekreto ko sa kanila dahil tiyak na mag-aalala lang ang mga ito kapag sinabi ko ang mga plano ko. Mabuti at hindi na siya nagtanong patungkol sa kompanyang napili ko at para hindi na niya ako matanong pa, nagpaalam na akong babalik sa kwarto para matulog. Nagpaiwan pa siya roon dahil hindi pa raw siya inaantok. Sa paghiga kong muli sa kama. Nabalik ang isip ko nang makita ko ang matandang Lee. Mainam nga at hindi ito nakita ni Papa. Marami-rami rin kasi ang mga tao pero ang hindi ko talaga inaasahan ay ang makita ang Keith na iyon. Mukhang kauuwi lamang ng panganay na apo ni Madam. Ang pagkakaalam ko ay nag-aral sa Europe ang lalaking iyon. Ipinadala siya sa ibang bansa nang mamatay ang mga magulang niya. Kung tutuusin nakakaawa siya sa lahat. Hindi ko ma-imagine ang trauma na inabot niya nang siya mismo ang unang makakita ng mga labi ng mga magulang niya sa loob ng kanilang kwarto. Pero kung iisipin din, wala akong dahilan para maawa sa sinuman sa kanila. Ipinakulong nila si lolo at nawalan din kami ng mahal sa buhay nang mamatay ito sa pag-ako ng kasalan ng iba. Isa pang pinakamabigat at mahirap kalimutan ay ang mga panahon na kailangan naming magtago sa mga tao dahil si lolo ang pinagbintangan na pumatay. Napalagaling nilang gumawa ng kwento at nadiin si lolo nang husto. Wala kaming laban sa kanila. Nakakapanginig ng laman ang muli silang makita. Nakakalungkot lang na hindi umiiral ang hustisya para mahuli ang tunay na kriminal. Kung ako sa kanila, dapat silang matakot. Kung may malaking motibo ang taong iyon upang patayin ang mag-asawa, tiyak na babalik sila para iba namang buhay ang tapusin. Pero ano ba'ng pakialam ko? Maubos na kung maubos ang lahi nila, ang gusto ko lang malinis ang pangalan ng lolo ko at kahit pa nasa kabilang buhay na siya.Third-Person's Point of View Paghinto ng sasakyan sa garahe ng mansion ng mga Lee, natanaw agad ni Keith ang mga taong abala sa pag-aayos ng hardin para sa birthday party ng binata na gaganapin sa gabing iyon. "Lola?" pukaw ni Keith sa kaniyang abuela habang inaalalayan ito sa pagbaba sa van. "Yes?" tanong nito sa apo at nang mapansin ni Madam kung saan ito nakatingin, nabasa na niya kung ang nais nitong sabihin. "Simpleng party lang 'yan, apo. Don't worry," turan niya at niyaya na itong pumasok ng kanilang bahay upang makapagpahinga. Sumunod naman si Keith. Sa kaniyang paghakbang sa loob ng mansion, isa-isang bumalik ang mga alaala sa kaniyang isip. Kay tagal niyang hindi nakauwi dahil abala sa pag-aaral. Bukod pa rito, hindi siya pinayagan ng doktor na siyang gumagamot sa kaniya matapos ma-trauma sa kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang mga magulang. Suhestiyon din ng doktor na huwag muna siyang bumalik sa Pilipinas. Sang-ayon naman ang kaniyang lola at ito ma lamang ang b
Third-Person's Point of View Habang nasa loob ng banyo si Keith ay pumasok sa kaniyang silid si Madam kasama ang dalawang mga kasambahay na dala ang sapatos at damit na isusuot ni Keith sa kaniyang party. "Keith, apo?" tawag ni Madam nang di siya makita nang sila'y pumasok. Mabilis ipinihit ni Keith ang knob ng shower upang patayin ito nang kaniyang narinig ang pagtawag ni Madam. "I'm here, lola!" pasigaw niyang sagot mula sa loob. "We have your clothes here outside. Iiwan na lang namin dito sa kama with your shoes. Ito ang gamitin mo for tonight, ha! Binili ko pa sa Paris ang mga 'to noong fashion week. Alam kong babagay sa'yo!" pasigaw na tugon ni Madam. "Okay, lola. Thank you!" "Anything for my apo," malambing ng turan ni Madam bago niya niyaya ang mga kasambahay na ilapag na sa kama ang kanilang mga dala. Nang lumabas si Keith, wala na sa silid ang mga ito. Tanging tuwalya lamang ang tumatabing sa ibabang parte ng katawan ng binata. Tumutulo pa ang tubig mula sa kani
Hindi mapakali si Keith habang nasa party. Humahaba ng ang kaniyang leeg kahahanap sa kaniyang lola na hindi pa rin nagpapakita kahit hiniling na ng MC na samahan niya si Keith sa harapan. Nang hindi na makatiis, he excused himself sa MC at idinahilan na kailangan niyang magbanyo sandali. Nagmadali siya paglalakad na halos patakbo na para hagilapin si Madam. Nagkasalubong sila Mercedes, ang kanilang mayordoma sa mansyon. "Have you seen, lola?" tanong niya rito at kunot-noong umiling si Mercedes. "Ang sabi niya kanina aakyat lang siya sandali. Akala ko nakababa na, iho," ani Mercedes nang kaniyang maalala. Akmang tatakbuhin na sana ni Keith ang hagdan upang tingnan sa kaniyang silid ang abuela ngunit nakita na niya itong pababa. "Oh, God, lola! I thought something happened to you!" bulalas nito na alalang-alala. "Nasa taas lang ako. Nagpalit ng damit dahil naiinitan ako sa suot ko kanina," sagot ni Madam. Pilit itinatago ang nararamdaman di maganda. Uminom na siya ng gam
Keith's Point of View After grandma's operation, nanatili siyang walang malay. They transferred her to the most comfortable room they had at kinabitan ng kung ano-anong mga equipment to make sure she's doing fine while she sleeps. Nakausap ko ang doctor niya. He told me Grandma will take time to recover. I couldn't help but watch her all through the night. Nakaidlip lang ng ilang minuto pero dahil oras-oras ay may pumapasok ng nurse to check Grandma, napakahirap makakuha ng tulog. I was sitting on a chair close to my grandmother's bed. Hawak ko ang kamay niya at doon nakaidlip ako. Hindi ko alam kung gaano katagal, but I knew I slept. Nagising ako sa pagkatok sa pinto. Nang imulat ko ang aking mga mata ay maliwanag na sa labas. Hinayaan ko lang ang kumatok na 'yon sa pag-aakalang isa sa mga nurse. I went to the restroom to wash my face at nang matapos, I heard someone was knocking again. Dumiretso ako sa pinto after magpunas ng mukha using the clean towel na nakarolyo sa
Third-person's Point of View Sa pagpasok nina Keith sa assembly hall, isang masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ng kaniyang tiyuhin. Habang ang lahat ng naroon ay nakangiti siyang binati sa kaniyang pagdating at nakikisimpatiya sa biglaang pagkaka-ospital ng kaniyang lola, si Frank naman ay walang pagsidlan ang inis na nararamdaman para sa kaniyang pamangkin. Sinadya nitong hindi ipaalam kay Keith ang meeting at hindi niya akalain na magagawa nitong makarating gayong isi-net niya nang ganoon kaaga para hindi ito makahabol sakaliman na makarating kay Keith ang balita. Dahil sa naging reaksyon ng mga tao sa loob, napilitan si Frank na umarte na masaya rin siyang nakarating ito sa tamang oras. "Salamat naman at nakarating ka, Keith. We're about to start!" Palihim na napangisi si Keith. "I'm sorry that I came a little late. Huli ko na po kasing nalaman na may meeting pala and surprisingly, everyone are here," untag nito. Lahat ng nakarinig ng sinabi niya ay nagulat. Napalin
Merrill's Point of View Araw ng Huwebes at naka-schedule ang check-up ni Papa sa Baypointe Hospital sa Subic. Maaga pa lamang ay bumiyahe na kami upang hindi maipit sa traffic ngunit habang nasa daan ay panay ang reklamo niya na masakit daw ang kaniyang tiyan paikot sa kaniyang balakang at likod. "Aray...ang sakit talaga, mahal." Nakakaawa ang itsura ni Papa habang namimilipit sa sakit. "Mawawala rin 'yan, mahal, kapag umipekto na ang gamot," wika ni Mama habang inaalo ito. Ang hirap niyang tingnan nang mga oras na 'yon. Pinagpapawisan siya nang butil-butil. Agad pinupunasan ni Mama ang mga pawis niya dahil pati ang suot nitong damit ay basa na kahit may aircon naman sa likod ng L300. Nang tumalab na ang gamot ay ilang oras na tahimik lang Papa. Parang walang nangyari at nakatulog siya habang nakahiga sa mahabang upuan at ang hita ni Mama ang kaniyang unan. Nasa Cabangan na kami nang magising siya. Napapahiyaw sa sobrang sakit na nararamdaman at kahit ang driver namin na
Merrill's Point of View Nanatiling nakatakip ang kamay niya sa bibig ko hanggang sa tumango ako. Unti-unti niyang inalis ang kamay niya. Kumakabog na ang dibdib ko habang papalapit ang mga kalalakihan sa labas sa pag-check sa lahat ng mga cubicle. Nasa bandang dulo kami at nang makita ko ang anino ng isa sa kanila sa tapat ng pinto ng cubicle kung nasaan kami ay agad akong sumigaw. "Hoy! Ano'ng ginagawa ninyo? Mga manyakis ba kayo ay dito n'yo pa naisip sa ospital maghanap ng mamanyakin?!" "Boss, may tao!" pasigaw na anunsyo ng isa sa kanila. "Buksan mo!" Nataranta ako sa naging sagot nito. Sinubukang buksan ng lalaki ang pinto ngunit hinawakan ko ang mismong lock sa loob upang hindi basta-basta mabuksan pero bigla nitong sinipa ang pinto dahilan para mabitawan ko ang lock nang bigla itong kumalabog. "Siraulo ka ba?! Saklolo! Tulong! May mga manyak po rito! Tumawag po kayo ng pulis!" Pilit ko nilakasan ang pagsigaw ko upang maalarma ang mga ito. "Tulong!!" "Bakit kayo nan
Keith's Point of View I can't believe someone would take that measure para mapatahimik ako. They didn't know they only prove they are hiding something na ayaw nilang malaman ko. Akala siguro nila ay ganoon na lang kadali silang makakawala. I'm not going to let them hurt me or my Grandma! "Sir, Keith, nakausap ko na ang mga pulis. They will put you and Madam under surveillance. May kilala rin ang lolo ko na p'wedeng makatulong para tiyak ang kaligtasan ninyong dalawa ni Madam," wika ni Elias. "Salamat," akin namang sagot. Sa sobrang busy ko, hindi ko namalayan ang mabilis na pagdaan ng mga araw. Tatlong araw pa lamang simula ng maging temporary President ako nang kompanya. Ang mga folder na ibinigay ni Elias sa akin ang pinakatinutukan ko sa lahat. Ang mga pangalan na naroon ay isa-isa kong inilista. Those folders were filed according to their dates, kaya naman ang mga latest ang mga nasa ibabaw at ang mga empleyadong involved sa mga pagnanakaw ng pondo ng mga kontrata a
Keith's POV"Nothing, just asking..." I typed. I checked the time bago nagpatuloy. I saw it was nearly ten in the evening. "baka kasi nakakaabala ako." I waited for a reply. Dumating naman agad. "Hindi naman po. Actually, kagigising ko lang. Napagod po sa mahabang biyahe kaya nakatulog ako nang makarating kami sa bahay."I smiled, but at the back of my mind, I envied her. Nakakatulog siya sa pagod samantalang ako kahit anong pagod ay hirap akong makatulog. No matter how much I try."Glad to hear that. Sleep is important lalo na sa mga taong pagod maghapon. By the way, how are you feeling lately? Wala ka bang nararamdaman na kakaiba?" Pag-iiba ko ng paksa. Curious lang ako. Baka kasi may mga early symptoms siyang nararamdaman for us to conclude as a sign na successful ang unang procedure. Honestly, I was excited. I want to know right away kung may nabuo ba o wala. I had high hopes na maganda ang resulta sa check-up niya and we doesn't need to repeat it. Another reason that excites m
Keith's POVI was surprised. Binasa niya ang kabuuan ng kontrata. At first I thought gaya rin siya ng iba na basta na lamang pumipirma nang hindi iniintindi ang nakasulat sa mga dokumento. The thought of that put a smile on my lips. Hindi ko akalain na pagkatapos ng nakaka-stress na araw mapapangiti ako ng ganoong kasimpleng bagay.Masyado ko na yatang nakalimutan ang magsaya at pati sa simpleng bagay ay napapangiti na lang ako bigla. I typed my answer. [Yes, it was, but it was also stated na it would only happen with your consent s'yempre. No forcing on your part.] and pressed send.I placed my phone on the side table. Kauuwi ko lang galing sa ospital to check Grandma. Tulog pa rin siya at walang kasiguraduhan kung kailan magigising. Her stroke was quite bad. The blood clotting sa ulo niya ay maswerteng naalis agad, but according to the doctor, it could take sometime for her to recover dahil sa edad na rin niya. I loosened my necktie before removing it. My room seemed empty kahi
Merrill's POVMuli kong dinampot ang cellphone ko at nagsimulang nagtipa. "Yes, Sir. Nakauwi na po kami. May next time naman po siguro."Ayan na lamang ang isinagot ko.Bumangon na ako at binuksan ang ilaw. Paglabas ko ng kwarto, nasalubong ko si Mama na palabas din mula sa silid nila ni Papa."Salamat naman at bumangon ka na. Nagluto ako ng nilagang baka, initin mo na lang, anak. Tiyak na nagsesebo na 'yon sa kaserola," aniya nang nakangiti. "Opo, Mama." Pupungas-pungas akong naglakad papunta sa kusina namin upang maghapunan. Gutom na gutom ako na para bang dalawang araw akong hindi kumain. Siguro ay dahil na-miss ko ang mga ganoong lutong-bahay di gaya ng mga kinakain namin sa ospital na puro galing sa mga restaurant.Matapos maghapunan, hinugasan ko muna ang pinagkainan ko't mga natirang hugasan sa lamesa. Pagbalik ko sa kwarto, ilang beses na tumunog ang message tone ng cellphone ko. Nang siyasatin ko kung sino ang nagpadala ng mga mensahe, nakita kong puro galing sa apo ni Mada
Merrill's POVMula ng araw na nakakuha ako ng mensahe mula sa apo ni Madam ay hindi na muli itong nagparamdam. Akala ko ay hindi niya ako titigilan kulitin na sumama na sa kanilang resthouse pero madali ko rin pala siyang makukumbinsi. Nakakapagtaka lang dahil tatlong araw na akong walang balita mula sa kaniya. "Grabe talaga ang pamilyang 'yon, sila-sila lang din ang sumisira sa mga pangalan nila. Mantakin mo habang nasa coma ang matanda e nagkakagulo naman ang mga kamag-anak niya." Nadinig kong sabi ni Mama habang inaayos ang mga maruruming damit sa isang bag.Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero mukhang hindi gusto ni Papa ang paksa nila."Parang hindi mo naman alam ang nangyari noon. Sila-sila lang din 'yon at nandamay pa sila ng taong inosente. Karma na nila kung anuman ang nangyayari ngayon," sagot ni Papa na labis akong naintriga.Nasa ospital pa rin kami ngunit pinayagan na si Papa na makauwi nang araw na 'yon. Hinihintay na lang namin ang permit niya na ibinigay
Third-person's POVIsang tawag ang ginawa ng retired general na tumagal nang ilang minuto. Nanatili siya nasa linya habang ibinibigay ang lahat ng impormasyon na kailangan nila. "We're going to check in all the security cameras kung naroon pa sila," saad ng nasa kabilang linya. Inutusan nito ang kaniyang tauhan na gawin ang kaniyang nais gamit ang isang computer na naroon ay napasok nila ang system ng Airport. Inilagay ang mga impormasyon ni Frank at ng kaniyang asawa, ang kanilang flight numbers at ang oras ng pag-alis. Ayon sa nakuha ni Elias, alas kuwatro ang kanilang flight papunta sa Palawan at may trenta minutos pa bago mag-alas kuwatro ng hapon."Spotted! Nandoon pa silang mag-asawa at ang anak nilang babae," anunsyo ng tinawagan ni Renato. Naka-loudspeaker ang cellphone nang mga oras na ito. Napatayo si Keith mula sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang balita. "We need to catch them." Seryoso ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin diretso sa mga mata ni Renato."Mayroo
"Hindi ko alam kung kaya tayong matulungan ng kaklase ko noon. He's a retired general," sagot nito sa kaniya. "Sino, Lolo?" Salubong ang kilay na tanong ni Elias sa matanda."Si Lolo Renato mo." "N-no way! He's a retired general?""Oo, hindi mo ba alam?" "Lolo Renato is a clown. Walang bakas na galing sa militar o nagkaroon ng mataas na ranggo noong araw," bulalas ng di makapaniwalang si Elias."Iyan ang sinasabi nila na don't judge the book by its cover, apo. Isang magaling na sundalo ang isang 'yon. Hindi nga lang halata," natatawang wika ni Patricio.Keith enjoyed hearing how the two talk. Parang magbarkada lang ang mga ito. He never had a chance to meet his Lolo dahil maagang nabawian ng buhay. "Saan po namin siya p'wedeng makita?" singit ni Keith sa dalawa."Madalas nasa farm ang isang 'yon kaya naman mahirap makontak e, but I will try to visit him and personally talk to him para malaman kung matutungan niya ba tayo.""I think it's better kung sasama na lang kami sa'yo, Lolo,
Third-person's POVNa-release na ang warrant of arrest para kay Frank. Sumama sina Keith sa mga pulis upang saksihan ang pagdakip sa kaniyang tiyuhin, ngunit nang makarating sila sa gusali ng J.O. Group, walang Frank Lee ang nasa kaniyang opisina.Ayon sa gwardya na naroon sa gusali ay nagmamadali di umano itong umalis kasama ang kaniyang asawa. Dumiretso sina Keith at ang mga pulis sa bahay ng kaniyang tiyuhin ngunit maging doon ay wala rin ito. Kahit ang pinsan ni Keith ay hindi rin nila mahagilap. Hindi matawagan ang kanilang mga numero at maging ang mga kasambahay ay walang ideya kung saan nagtungo ang mga ito."Wala pong sinabi sina Sir sa amin. Nagpaimpake po ng mga damit kanina sina Ma'am at Sir. Kinuha lang po nila ang mga maleta at pagkatapos po umalis ulit," kwento ng isa sa mga kasambahay sa mga pulis."This is too impossible! Paano siya nakatakas?" Napahilamos sa kaniyang mukha si Keith sa inis. "Can you get all the addresses ng lahat ng properties ni Uncle Frank?" baling
Keith's POVPagkatapos namin nakipagkita kay Attorney Herald, I decided to go back to the company ngunit hindi pa man nakalalayo ang sinasakyan namin, isang tawag ang natanggap ni Elias mula kay Amanda gamit ang numero ng kaniyang ama. I asked Elias to put it into loudspeaker. Agad naman itong tumalima."H-hello? We need help! Somebody blocking our way," she said habang nanginginig ang boses. "H-he's about to go...he has a gun!" she added."Let's go back!" utos ko sa driver. Mabilis itong naghanap ng daan na pwedeng mapaglikuan dahil nasa kalagitnaan kami ng main road nang mga oras na 'yon. "We're on our way now! Try to calm do—" "How can I? He's pointing the gun in front of us. He might have shot any of us in a nick of seconds. This car isn't bulletproof—"Bang!"No!" Napasigaw si Amanda nang biglang magpaputok ang lalaking humarang sa kanila. Ang sakit sa tainga ang nilikha nitong feedback."Labas!" Nadinig kong sigaw mula sa kabilang linya."Hello, Amanda?" wika ko ngunit walang
*Resto Italiano*Keith's Point of ViewWe headed straight to the restaurant to meet Attorney Herald without any fear kung nasa paligid ba ang galamay ni Uncle Frank. Base naman sa narinig naming pag-uusap nila ay wala siyang ibang gagawin kundi ang sundan ako kaya wala akong dapat na ipangamba. Isa pa, kasama ko naman ang dalawa sa mga bodyguards na ipinadala ng kaibigan ni Lolo Patricio at kampante akong mapuprotektahan nila ako.My plan was for him to know kung sino ang haharapin kong tao nang araw na 'yon. I wanted to see what kind of measures he would do after finding out I was meeting the lawyer that handled my parents' case back then. It had been said na marami siyang alam na baluktot noon but because his job was to make sure the accused goes to prison, lahat ng paraan na maaring gamitin laban sa akusado ay ginamit niya.Pagpasok namin ni Elias sa loob, I gestured my hand para bigyan ng signal ang dalawang bodyguards. I already gave them an order sa daan pa lamang na doon muna s