Share

You're Hired! Carry My Child
You're Hired! Carry My Child
Author: Wysteriashin

Chapter 1

Author: Wysteriashin
last update Huling Na-update: 2024-11-14 13:11:43

Third-Person's Point of View

"Nakikita n'yo na ba ang apo ko?" tanong ng di mapakaling si Doña Janet Villareal kaniyang mga kasama.

Animnapu't lima na ang edad ngunit mukha pa ring bata dahil palangiti at masayahin ang ginang. Malakas pa rin ang pangangatawan dahil sa hilig nitong mag-zumba. Alaga rin ang kaniyang balat sa kanilang sariling beauty salon na parokyano ang lahat ng kaniyang mga kaibigan.

"Hindi pa ho, madam," sagot ng kasama ni Doña Janet na driver. Aligaga na sa kahahanap sa kanilang hinihintay na si Keith na galing pa sa Europe kung saan ito nag-aral ng Engineering at Law.

Sa edad na tatlumpu't isa, lisensyado na siyang inhenyero at abogado. Dalawang kurso na alam niyang makatutulong nang malaki sa kaniyang kumpanya na pagmamay-ari ng kaniyang lola.

Panay ang hampas at tanong ng Doña sa driver. Napapakamot na lang ito ng ulo dahil sa ginagawa nito. Hindi naman kalakasan ang mga hampas pero panay-panay kaya natataranta siya nang husto.

"Ikaw Mercedez? Tingnan mong maigi baka nakalabas na nang hindi natin napapansin," tanong at utos niya sa sumama nilang halos kaedad lang ni Donya Janet na mayordoma. Nagagalak na ring makita ang batang kaniyang inalagaan mula pagkasilang hanggang sa magbinata ito kaya naman nagpumilit siyang sumama sa kanila sa airport.

"Hindi pa rin ho. Pero tiyak na nariyan pa 'yon sa loob dahil kung nakalabas na ay tiyak kong makikilala ko siya agad."

"Naku! Siguruhin n'yo lang at matagal-tagal nawala sa Pilipinas si Keith. Baka mamaya nakalabas na at akala walang susundo sa kaniya kaya naghanap na ng masasakyan pauwi sa atin." Pag-aalala nito.

"Ewan ko na lang po Doña Janet. Sa laki po ng tarpulin na pinagawa mo kahit nasa loob pa siya ng eroplano na pa-landing e makikita at makikita niya na po ito," natatawang saad ng driver habang hawak ang kabilang dulo ng tarpaulin na tinutukoy nito.

Halos kasing taas niya ang hawak. Habang ang mayordoma na kasama nila na di hamak na mas maliit sa driver ay nakataas na ang dalawang kamay upang maiangat ang tarpaulin habang pasilip-silip sa bandang gilid upang hanapin si Keith.

Habang abala ang tatlo, sa di kalayuan ay hindi mapakali ang mag-inang sina Teresa at Merrill. Hinihintay nila ang haligi ng kanilang tahanan na galing naman sa Saudi Arabia.

Pinauwi ng bansa ang ama ni Merrill na si Samuel dahil nagkasakit doon at in-advice ng doctor ang operation dahil sa nakitang bato sa kaniyang kidney. Hindi pumayag si Teresa na roon sa Saudi ito maoperahan dahil walang mag-aalaga sa kaniya. Kaya naman pinauwi na lamang niya ito upang makakuha na rin sila ng second opinion sa mga doktor sa Pilipinas sa kalagayan nito.

Huling text ni Samuel sa kaniyang asawa ay nasa Immigration na raw siya. May mangilan-ngilan ng mga tao ang palabas ng pinto. Ang mata ni Merrill ay di inaasahang mapabaling sa isang matandang babae na nakatayo sa tabi ng isang tarpaulin.

Kumulubot ang kaniyang noo habang kinikilala ito. Binasa niya ang nakasulat sa tarpaulin at isang ngisi ang sumilay sa gilid ng kaniyang labi.

"Keith Lee...ngayon pala ang uwi mo," kaniyang usal.

"Ayan na ang Papa mo, anak!" bulalas ni Teresa na nakapukol sa pinto ng arrival ang kaniyang mga mata.

Sa di inaasahan, may nakabunguan si Samuel nang palabas na siya sa pinto. Isang binata na singkit ang mga mata ay maputla ang pagkaputi ng kaniyang balat.

"I'm sorry," paghingi ng paumanhin ng lalaki at mabilis na gumilid upang paunahin si Samuel dahil sa dala nitong dalawang malaking maleta.

"Thank you!" pasalamat ni Samuel sa kaniya na noong una'y akala niyang isang foreigner dahil mukha itong Koreano.

Ginantihan siya ni Keith ng isang matamis na ngiti dahilan upang lumitaw ang kakaibang biloy nito sa kaniyang magkabilang cheekbones. Unique kumpara sa mga dimples na malapit sa bibig dahil ang kaniya ay inborn nang ganoon at lumalabas lamang kapag siyang ngumingiti nang todo.

"Wala pong anuman!" magiliw na ganti ni Keith na ikinagulat ni Samuel dahil diretso itong managalog.

Sandali siyang natigilan ng magtama ang kanilang mga mata. May kakaibang naramdaman si Samuel na tila ba may kamukha ang binata.

Sumagi sa isip niya ang mga Korean actor na madalas panoorin ng kaniyang anak na dalaga. Ang social media nito ay punong-puno ng mga mukha ng mga Koreano.

"Papa!"

"Speaking of," bulong ni Samuel nang makilala niya ang tinig ng nag-iisang anak na dalaga na si Merrill kasabay ng pagtalon ng kaniyang puso sa galak.

Nagpalinga-linga siya upang hanapin ito at magkasunod na tumatakbo palapit sa kaniyang direksyon ang kaniyang mag-ina. Malayo-layo pa man sila, tanaw ni Samuel ang mugtong mga mata ng kaniyang butihing asawa. Naging emosyonal na rin siya at nang mayakap niya ang mga ito ay tumulo na ang luha mula sa kaniyang mga mata.

Habang yakap ni Merrill ang kaniyang ama, nakita niyang dumaan ang apo ng mga Lee. Hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa kaniyang ama at ina upang hindi agad kumawala ang mga ito. Sinadya niyang humiwalay sa pagkakayakap nang makaalis ang van.

"Saan ang tingin mo anak?" tanong ni Samuel nang mahuli itong nakatanaw sa malayo.

"W-wala ho. Parang kilala ko po kasi 'yong naghihintay rin ng kamag-anak nila kanina," pagsisinungaling niya.

"Saan na sila? Baka makilala ko rin," wika ni Samuel dahilan upang mas lalong mautal si Merrill.

"P-parang kilala ko lang naman po, Papa. Di ko po sure kung parehong tao nga o baka kamukha lang po," agad niyang rason.

"Sabagay, marami na talaga ang magkamukha ngayon," usal ni Samuel at binalingan muli ang kaniyang misis at ang nakababata niyang kapatid ipinamaneho ang kaniyang mag-ina papunta sa airport.

Muling tumanaw si Merrill kung saan nagtungo ang sasakyan ng mga ito. "Magkikita ulit tayo, Madam," wika niya. Panandaliang naningkit ang kaniyang mga mata kasabay ng pagtatagis ng kaniyang mga ngipin bago ibinaling ang buong atensyon sa kaniyang ama na kararating.

Kaugnay na kabanata

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 2

    A few days before... Merrill's Point of View Malayo-layo ang aming biyahe mula sa Clark Airport kung saan namin sinundo si Papa. Sa Sta Cruz, Zambales pa kami umuwi na inabot nang humigit-kumulang pitong oras na biyahe dahil kinailangang huminto sa mga gasolinahan para makigamit ng palikuran si Papa. Masama ang kaniyang pakiramdam ng araw na 'yon. Bagay na naiintindihan naman namin dahil iyon din ang dahilan kung bakit siya biglaang napauwi sa Pilipinas—ang magpagamot. Hindi inaasahan na may masusumpungan ang aking mga mata sa paligid na ipinalangin kong hindi sana nakita ng aking ama. Buong biyahe, isang bagay lang ang nasa isip ko. Ito ay kung paano ko magagawa ang mga plano ko nang hindi nalalaman ng mga magulang ko. Matagal ko ring pinag-isipan iyon at nang makita ko ang mag-lolang Madam Janet at Keith Lee sa airport, tila ba nakakuha ako ng kasagutan sa kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Malalim na ang gabi nang makarating kami sa bahay. Kinuha ko agad ang lapt

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 3

    Third-Person's Point of View Paghinto ng sasakyan sa garahe ng mansion ng mga Lee, natanaw agad ni Keith ang mga taong abala sa pag-aayos ng hardin para sa birthday party ng binata na gaganapin sa gabing iyon. "Lola?" pukaw ni Keith sa kaniyang abuela habang inaalalayan ito sa pagbaba sa van. "Yes?" tanong nito sa apo at nang mapansin ni Madam kung saan ito nakatingin, nabasa na niya kung ang nais nitong sabihin. "Simpleng party lang 'yan, apo. Don't worry," turan niya at niyaya na itong pumasok ng kanilang bahay upang makapagpahinga. Sumunod naman si Keith. Sa kaniyang paghakbang sa loob ng mansion, isa-isang bumalik ang mga alaala sa kaniyang isip. Kay tagal niyang hindi nakauwi dahil abala sa pag-aaral. Bukod pa rito, hindi siya pinayagan ng doktor na siyang gumagamot sa kaniya matapos ma-trauma sa kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang mga magulang. Suhestiyon din ng doktor na huwag muna siyang bumalik sa Pilipinas. Sang-ayon naman ang kaniyang lola at ito ma lamang ang b

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 4

    Third-Person's Point of View Habang nasa loob ng banyo si Keith ay pumasok sa kaniyang silid si Madam kasama ang dalawang mga kasambahay na dala ang sapatos at damit na isusuot ni Keith sa kaniyang party. "Keith, apo?" tawag ni Madam nang di siya makita nang sila'y pumasok. Mabilis ipinihit ni Keith ang knob ng shower upang patayin ito nang kaniyang narinig ang pagtawag ni Madam. "I'm here, lola!" pasigaw niyang sagot mula sa loob. "We have your clothes here outside. Iiwan na lang namin dito sa kama with your shoes. Ito ang gamitin mo for tonight, ha! Binili ko pa sa Paris ang mga 'to noong fashion week. Alam kong babagay sa'yo!" pasigaw na tugon ni Madam. "Okay, lola. Thank you!" "Anything for my apo," malambing ng turan ni Madam bago niya niyaya ang mga kasambahay na ilapag na sa kama ang kanilang mga dala. Nang lumabas si Keith, wala na sa silid ang mga ito. Tanging tuwalya lamang ang tumatabing sa ibabang parte ng katawan ng binata. Tumutulo pa ang tubig mula sa kani

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 5

    Hindi mapakali si Keith habang nasa party. Humahaba ng ang kaniyang leeg kahahanap sa kaniyang lola na hindi pa rin nagpapakita kahit hiniling na ng MC na samahan niya si Keith sa harapan. Nang hindi na makatiis, he excused himself sa MC at idinahilan na kailangan niyang magbanyo sandali. Nagmadali siya paglalakad na halos patakbo na para hagilapin si Madam. Nagkasalubong sila Mercedes, ang kanilang mayordoma sa mansyon. "Have you seen, lola?" tanong niya rito at kunot-noong umiling si Mercedes. "Ang sabi niya kanina aakyat lang siya sandali. Akala ko nakababa na, iho," ani Mercedes nang kaniyang maalala. Akmang tatakbuhin na sana ni Keith ang hagdan upang tingnan sa kaniyang silid ang abuela ngunit nakita na niya itong pababa. "Oh, God, lola! I thought something happened to you!" bulalas nito na alalang-alala. "Nasa taas lang ako. Nagpalit ng damit dahil naiinitan ako sa suot ko kanina," sagot ni Madam. Pilit itinatago ang nararamdaman di maganda. Uminom na siya ng gam

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 6

    Keith's Point of View After grandma's operation, nanatili siyang walang malay. They transferred her to the most comfortable room they had at kinabitan ng kung ano-anong mga equipment to make sure she's doing fine while she sleeps. Nakausap ko ang doctor niya. He told me Grandma will take time to recover. I couldn't help but watch her all through the night. Nakaidlip lang ng ilang minuto pero dahil oras-oras ay may pumapasok ng nurse to check Grandma, napakahirap makakuha ng tulog. I was sitting on a chair close to my grandmother's bed. Hawak ko ang kamay niya at doon nakaidlip ako. Hindi ko alam kung gaano katagal, but I knew I slept. Nagising ako sa pagkatok sa pinto. Nang imulat ko ang aking mga mata ay maliwanag na sa labas. Hinayaan ko lang ang kumatok na 'yon sa pag-aakalang isa sa mga nurse. I went to the restroom to wash my face at nang matapos, I heard someone was knocking again. Dumiretso ako sa pinto after magpunas ng mukha using the clean towel na nakarolyo sa

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 7

    Third-person's Point of View Sa pagpasok nina Keith sa assembly hall, isang masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ng kaniyang tiyuhin. Habang ang lahat ng naroon ay nakangiti siyang binati sa kaniyang pagdating at nakikisimpatiya sa biglaang pagkaka-ospital ng kaniyang lola, si Frank naman ay walang pagsidlan ang inis na nararamdaman para sa kaniyang pamangkin. Sinadya nitong hindi ipaalam kay Keith ang meeting at hindi niya akalain na magagawa nitong makarating gayong isi-net niya nang ganoon kaaga para hindi ito makahabol sakaliman na makarating kay Keith ang balita. Dahil sa naging reaksyon ng mga tao sa loob, napilitan si Frank na umarte na masaya rin siyang nakarating ito sa tamang oras. "Salamat naman at nakarating ka, Keith. We're about to start!" Palihim na napangisi si Keith. "I'm sorry that I came a little late. Huli ko na po kasing nalaman na may meeting pala and surprisingly, everyone are here," untag nito. Lahat ng nakarinig ng sinabi niya ay nagulat. Napalin

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 8

    Merrill's Point of View Araw ng Huwebes at naka-schedule ang check-up ni Papa sa Baypointe Hospital sa Subic. Maaga pa lamang ay bumiyahe na kami upang hindi maipit sa traffic ngunit habang nasa daan ay panay ang reklamo niya na masakit daw ang kaniyang tiyan paikot sa kaniyang balakang at likod. "Aray...ang sakit talaga, mahal." Nakakaawa ang itsura ni Papa habang namimilipit sa sakit. "Mawawala rin 'yan, mahal, kapag umipekto na ang gamot," wika ni Mama habang inaalo ito. Ang hirap niyang tingnan nang mga oras na 'yon. Pinagpapawisan siya nang butil-butil. Agad pinupunasan ni Mama ang mga pawis niya dahil pati ang suot nitong damit ay basa na kahit may aircon naman sa likod ng L300. Nang tumalab na ang gamot ay ilang oras na tahimik lang Papa. Parang walang nangyari at nakatulog siya habang nakahiga sa mahabang upuan at ang hita ni Mama ang kaniyang unan. Nasa Cabangan na kami nang magising siya. Napapahiyaw sa sobrang sakit na nararamdaman at kahit ang driver namin na

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 9

    Merrill's Point of View Nanatiling nakatakip ang kamay niya sa bibig ko hanggang sa tumango ako. Unti-unti niyang inalis ang kamay niya. Kumakabog na ang dibdib ko habang papalapit ang mga kalalakihan sa labas sa pag-check sa lahat ng mga cubicle. Nasa bandang dulo kami at nang makita ko ang anino ng isa sa kanila sa tapat ng pinto ng cubicle kung nasaan kami ay agad akong sumigaw. "Hoy! Ano'ng ginagawa ninyo? Mga manyakis ba kayo ay dito n'yo pa naisip sa ospital maghanap ng mamanyakin?!" "Boss, may tao!" pasigaw na anunsyo ng isa sa kanila. "Buksan mo!" Nataranta ako sa naging sagot nito. Sinubukang buksan ng lalaki ang pinto ngunit hinawakan ko ang mismong lock sa loob upang hindi basta-basta mabuksan pero bigla nitong sinipa ang pinto dahilan para mabitawan ko ang lock nang bigla itong kumalabog. "Siraulo ka ba?! Saklolo! Tulong! May mga manyak po rito! Tumawag po kayo ng pulis!" Pilit ko nilakasan ang pagsigaw ko upang maalarma ang mga ito. "Tulong!!" "Bakit kayo nan

Pinakabagong kabanata

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 19

    Merrill's Point of ViewNang parehong araw na nagkita kami, pinadalhan niya ako ng mensahe. He asked me to find Doctor Klara na kasalukuyang nasa parehong ospital kung nasaan naka-confine si Papa. Everything should be kept secret ayon sa kaniya kaya wala akong ibang pinagsasabihan ng agreement namin.Ang paalam ko sa mga magulang ko ay magpapa-medical examination na ako na parehong ospital at hindi naman sila nagtanong pa.Hindi ako nahirapan hanapin si doktora. Nagtanong lang ako sa front desk ng ospital at itinuro nila kung saang palapag ko makikita ang office niya. Nang makarating ako sa second floor, sinundan ko lang ang mga nakasulat na karatula sa pader na may pangalan niya. Isa siyang Ob-gynecologist at on-duty sa ospital na iyon bukod sa may private clinic pa siya somewhere in Pampanga. Tatlong katok pa lamang sa pinto pinagbuksan na agad ako ng isang nurse. "Nandito po ba si doktora?" tanong ko sa babae."Yes po. You are Merrill?" sagot nito at tanong naman sa akin."Opo,

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 18

    Third-person's Point of View Matapos mag-usap ng dalawa, hinatid nina Keith si Merrill sa restaurant kung saan niya balak sanang magpunta nang masumpungan nila siyang naglalakad sa kalsada. "How can I help you. Ma'am?" tanong sa kaniya ng clerk sa counter na hindi nito agad nabigyan ng atensyon dahil nasa malayo ang kaniyang isip. "P-po?" Inulit ng babae ang kaniyang tanong at inabot ang naka-laminate na menu ng kanilang restaurant kay Merrill. Nang maibigay ang order, pinaghintay muna siya sa bakanteng upuan sa di kalayuan na tumagal din ng higit sampung minuto bago siya muling tinawag. Habang nakaupo roon, isa lamang ang tanong na nasa isip ng dalaga. Iyon ay kung paano ko ipapaliwanag sa mga magulang niya ang lahat at kung paano ililihim ang espesyal na trabaho na kaniyang tinanggap na gawin. Ang isa sa pinakamalaking inaalala niya, magiging ina pa siya ng anak ng isang lalaking may malaking atraso sa kanilang pamilya. Magiging ina siya nang hindi nagkaka-boyfriend at kahit p

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 17

    Merrill's Point of View Maaga akong nagising para lumabas at bumili ng almusal namin sa malapit na restaurant dahil ayaw ni Papa ang pagkaing ibinibigay ng canteen ng hospital sa kaniya. Bukod kasi sa kaunti lang, parang wala raw lasa. Hindi sa pamimintas pero tinikman ko rin naman. May lasa pero may katabangan siya. Mukhang hindi sila gumagamit ng vetsin kaya ganoon na lamang ang lasa ng pagkain which is good naman dahil ospital iyon at hindi isang restaurant. Isa pa, free meal lang 'yon para sa mga pasyente kaya mahirap magreklamo. Habang naglalakad, pinapanood ko ang pagsikat ng araw. Walang gaanong mga tao sa kalsada kaya kahit nakapantulog pa ako ay ayos lang. Keri lang ng oversized kong puting t-shirt, maluwang na pajama na kulay dilaw at tsinelas. Dalawang kanto lang ang layo ng restaurant sa ospital. Mabuti na lang at dala-dala ko ang cellphone ko. Nakuhanan ko ng litrato ang sunrise at tunay namang napakaganda dahil maraming mga puno sa paligid. Nakamamanghang pagmasdan

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 16

    Merrill's Point of View I got hired pero sa trabahong hindi ko in-apply-an. Habang palayo siya ay parang gusto ko silang habulin para lamang bawiin ang sagot ko ngunit naisip ko rin na baka dala lamang ng pressure kaya niya iyon in-offer at makakalimutan niya rin o di kaya siya na mismo ang babawi. Nakampante ang isip ko kahit na paano habang nagkakagulo sa building ng J.O.Group. Hindi ako agad nakaalis sa building dahil hihingan daw ako ng pahayag ayon sa isang pulis na naroon. Pagkatapos nila akong kuhanan ng salaysay ay pinayagan na nila akong makaalis. Hindi ko na nakita si Keith kung saan nila siya dinala pero isang bagay lang ang malinaw, may gusto burahin ito sa mundo. Ang mga magulang niya ay pin4tay rin noon nang hindi pa kilalang tao. Sa pareho nilang tama sa ulo, tiyak na ang may gawa ay bihasa sa baril at alam kung saan ang pupuntiryahin. Tig-isang bala lamang ang kumit!l sa buhay nila. Marunong si lolo gumamit ng baril. Bukod sa pagiging driver, personal b

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 15

    Merrill's Point of View "F-for real?" naibulalas ni Keith nang magtama ang aming mga mata. Kitang-kita sa kaniyang mukha kung gaano siya namamangha na makita ako sa kaniyang opisina. Wagas kung makangiti ang apo ni Madam Janet. Nakapanlalambot ng tuhod kung paano magningning ang kaniyang mga mata habang nakatunghay sa akin. Doon ko napansin na may kakaibang biloy nito sa magkabilang pisngi. Hindi iyon kalaliman ngunit ang cute tingnan lalo na sa malapitan. Bukod sa biloy, ang ganda ng mga ngipin nito. Halatang alagang-alaga ng dentista sa puti at pagkakapantay-pantay. Nakakainggit ang balat nito sa malapitan. Tila walang pores at hindi tinubuan ng tagyawat kahit isa sa mukha samantalang ako—hay naku! Parang balat ng mga korean actor sa mga Korean drama ang kutis nito at kapantay ni ng mga sikat na Korean actors ang kagwapuhan nito. Pero kailangan kong kumalma. Hindi ako dapat magpasilaw sa pisikal na katangian ng apo ni Madam. "Pardon, Sir?" pormal kong tanong nang makalapit

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 14

    Third-Person's Point of View Araw na ng Biyernes at sumang-ayon si Merrill na magpa-interview nang araw na ito. Wala siyang kaalam-alam na si Keith mismo ang kaniyang makakaharap. Maagang dumating ang kaniyang Tito Baste at inabala niya ito sandali at nagpahatid siya sa Mall kung saan siya magpapaayos ng buhok. Nauna na itong bumalik sa ospital dala ang binili nilang almusal. Napakaaga pa nang mga oras na 'yon kaya naghintay pa siya nang ilang minuto sa labas ng isang beauty salon. Matapos magpaayos ng buhok ay nagpalagay naman siya ng light lang na makeup. Bahagya lamang kinulot ang mahaba niyang itim na buhok upang magkaroon ng volume. Matapos sila ay nakigamit na rin siya ng banyo upang doon magbihis. Suot ang nabiling white long sleeves na pang-itaas na sinadya niyang nakabukas ang dalawang butones sa itaas, itim na skirt na above the knee ang tabas at high heels na nagdagdag ng kaniyang taas mula sa 5'4" ngayon ay 5'7". Saktong-sakto sa kaniyang katawan ang mga nabiling

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 13

    Third-person's Point of View "Who told you I would let you go to work in that condition?" Keith asked Elias after he joked about not going to work the next day because of what happened to him. "No one will assist you tomorrow, Sir, I can't be there," pagrarason nito at nanlulumo na lamang na napatingin sa kaniyang boss dahil sa sunod-sunod na nangyayari. "Nobody wants this. What really happened at nagkagitgitan kayo ng kotse na 'yon?" usisa ni Keith na tila nagdududa na siya na may kinalaman iyon sa apat na lalaking sumusunod din sa kaniya nang nagdaang-araw. Kapansin-pansin kung paano nanahimik ang lahat. Ang mga mata nila ay nagpalipat-lipat sa isa't-isa na parang may itinatago. Ang ama ni Elias ang bumasag sa katahimikan. Who wants something to eat? Mukhang pare-pareho tayong hindi pa naghahapunan," anito at niyaya ang kaniyang misis upang samahan siyang bumili. Naiwan sa silid ang lolo ni Elias at ito ang sumagot sa tanong ng binata. "Malakas ang kutob ko na inutusan ng t

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 12

    Third-Person's Point of View Nang gabing 'yon, umuwi muna ng mansion si Keith upang ipagpatuloy ang pagbabasa ng mga dokumentong ipinagkatiwala sa kaniya ng kaniyang Lola. Ibinigay ni Elias ang pangalan ng dalawang kasama ng mag-asawang Frank at Katya at agad niyang hinanap kung naroon sa mga dokumento ang mga ngalan ng mga ito. Hindi nga siya nabigo. Sa bawat dokumento, nakasaad ang mga discrepancy na nagkakahalagang milyon-milyong piso. "I can imagine how much headache Grandma had after discovering all these," wika ni Keith nang nakangisi habang nagpapatuloy sa pagbabasa. Sa kaniyang pagpapatuloy, nasumpungan niya ang isa sa mga lumang deals na nasa taong 2014. Sampung taon na ang nakalilipas at ang deal na iyon ay hindi biro ang halaga. Isa iyong 50 bilyon deal upang itayo ang isang malaking theater sa Pampanga. Bigla siyang kinabahan nang makitang ang pangalan ng kaniyang yumaong ama sa pinakaibaba ng unang pahina. Wala iyong pirma ngunit ang mas nagpakaba ng kaniyang di

  • You're Hired! Carry My Child   Chapter 11

    Merrill's Point of View Muntik na akong matumba sa motor nang bigla kong bitawan ang clutch. Mabuti na lang at hindi pa umaabante ang kotseng naharang ko ang daan. Kinabahan ako nang husto. Mukha pa naman ding mamahalin ang kotse na 'yon at magkakaroon pa ako ng atraso kapag nagkataon. Medyo nanibago kasi ako sa motor ng pinsan kong si Patrick, anak ni Tito Baste dahil naisip ni Tito na bumalik na sa Sta. Cruz para makakuha ng kailangan. Chinat ko siya nang papunta na kami sa San Fernando. Sa Pampanga siya nagtatrabaho at mayroon itong motor na ginagamit na service. Sanay ako sa automatic na motor dahil ganoon ang gamit kong service kapag pumapasok sa school. Nagkataong may clutch ang motor niya pero alam ko namang gamitin dahil may tricycle kami na may clutch ang nakakabit sa sidecar. Medyo nagulat lang talaga ako dahil single at walang sidecar. Ayon tuloy, halos lumipad ako kanina. Jusko! Humiwalay ang kaluluwa ko sa nangyari. Pinapunta ko siya sa ospital para siya muna

DMCA.com Protection Status