Sold To Be His Wife

Sold To Be His Wife

last updateLast Updated : 2025-04-09
By:  Zairalyah_dezaiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
43Chapters
1.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sold to Be His Wife Hindi kailanman inakala ni Siena na isang kasal ang magiging kabayaran sa kasalanang hindi niya ginawa. Isang kasunduang panandalian lamang—isang papel na unti-unting magtatalik ng kanilang mga mundo. Zachary never intended to keep his temporary wife. He only needed Siena as a pawn, a way to make her family pay for the accident that ruined his fiancée’s life. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unti niyang napagtanto na hindi ganun kadali ang bitawan ang isang babaeng dapat ay ginagamit lang niya. Ngunit ano nga ba ang mas mabigat? Ang galit na matagal na niyang kinikimkim, o ang damdaming hindi niya dapat maramdaman para sa babaeng itinali sa kanya ng kasunduan? Hahayaan ba ni Zachary na matapos ang kasal na ito sa isang divorce, o tuluyan niyang aangkinin si Siena bilang kanya—kahit pa nagsimula ang lahat sa paghihiganti?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Chapter 1 – Ang Pagbabalik Napasinghap si Siena nang maramdaman ang unti-unting pagbaba ng eroplano. Ilang buwan siyang nagtrabaho sa ibang bansa, pilit kinakalma ang sarili sa kabila ng matinding pananabik na makita ang kanyang nobyo. Hindi niya alintana ang pagod sa mahabang biyahe—basta’t ang mahalaga, makikita na niya si Luis. Pagkababa niya sa airport, agad niyang hinanap ang pamilyar na mukha ng kanyang mga magulang. Sa dami ng tao, natanaw niya ang kanyang ina na abala sa pagsasalita sa cellphone, habang ang kanyang ama ay mukhang tensyonado. “Kumusta kayo?” masayang bati niya, niyakap ang kanyang ina. Ngunit sa halip na matuwa, may kung anong lungkot sa mukha nito. “Ayos lang, anak,” sagot ng kanyang ina, ngunit hindi ito tumitingin ng diretso sa kanya. “Tara na, may pupuntahan tayo.” “Huwag mong sabihing hindi muna tayo dadaan kay Luis?” aniya, nilalabanan ang kaba sa dibdib. Muling nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang. “Anak…” Tumikhim ang kanyang ama. “Wala n...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Zairalyah_dezai
Hello po, inaayos ko lang po ito bago ko ituloy .
2025-03-22 15:38:36
0
user avatar
Zairalyah_dezai
edited po ito... wait niyo po for the next updates. thank you po
2024-12-17 23:41:17
0
43 Chapters
Chapter 1
Chapter 1 – Ang Pagbabalik Napasinghap si Siena nang maramdaman ang unti-unting pagbaba ng eroplano. Ilang buwan siyang nagtrabaho sa ibang bansa, pilit kinakalma ang sarili sa kabila ng matinding pananabik na makita ang kanyang nobyo. Hindi niya alintana ang pagod sa mahabang biyahe—basta’t ang mahalaga, makikita na niya si Luis. Pagkababa niya sa airport, agad niyang hinanap ang pamilyar na mukha ng kanyang mga magulang. Sa dami ng tao, natanaw niya ang kanyang ina na abala sa pagsasalita sa cellphone, habang ang kanyang ama ay mukhang tensyonado. “Kumusta kayo?” masayang bati niya, niyakap ang kanyang ina. Ngunit sa halip na matuwa, may kung anong lungkot sa mukha nito. “Ayos lang, anak,” sagot ng kanyang ina, ngunit hindi ito tumitingin ng diretso sa kanya. “Tara na, may pupuntahan tayo.” “Huwag mong sabihing hindi muna tayo dadaan kay Luis?” aniya, nilalabanan ang kaba sa dibdib. Muling nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang. “Anak…” Tumikhim ang kanyang ama. “Wala n
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more
Chapter 2
Habang nagpapatuloy ang seremonya, pilit kong pinapanatili ang kalmado kong ekspresyon, kahit pa ang loob ko ay parang binabayo ng samu’t saring emosyon—galit, takot, at higit sa lahat, pagkalito. Biglang nagsalita ang lalaking nasa tabi ko, mahina lang ngunit sapat para marinig ko. "Huwag masyadong kiligin." Napatigil ako. Napatingin ako sa kanya, bahagyang nakakunot ang noo. "Excuse me?" Ngumisi siya, ang ngiting iyon ay hindi pangkaraniwang ngiti—may halong pang-aasar at kumpiyansa na parang alam niyang naaapektuhan ako sa presensya niya. "Temporary lang naman ang kasal na 'to." Tumikhim siya, saka muling nagsalita. "Pagkatapos nito, mag-uusap tayo tungkol sa deal. Kung paano tayo magsasama.” Napasinghap ako. Deal? Paano magsasama? Para ba akong isang empleyado na kailangang sundin ang kontrata? Muli akong napatingin sa kanya. Sa guwapo niyang mukha, sa malalim niyang mga mata na hindi ko matukoy kung ano ang iniisip. Pero isang bagay ang sigurado ako—hindi ko siya gusto.
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more
Chapter 3
Sienna’s POV Matapos ang kasal, hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Para akong nasa isang panaginip—hindi, isang bangungot—at hindi ko alam kung paano magigising mula rito. Habang nagpaalam ang mga bisita, nilapitan ako ng mga magulang ko. Pareho silang may bahagyang ngiti sa labi, ngunit hindi ko mabasa kung tunay ba iyon o pilit lang. “Sienna, anak,” malambing na sabi ni Mama habang hinawakan ang kamay ko. “Mabuti na lang at natuloy ang kasal. Ngayon, hindi na tayo mag-aalala para sa’yo.” Napaatras ako. Para sa akin? O para sa kanila? Sinundan iyon ng sagot ni Papa, mahina ngunit mariin. “Si Zachary na ang bahala sa’yo.” Parang isang kutsilyong dumiretso sa puso ko ang sinabi niya. "Si Zachary na ang bahala sa akin?" Ibig sabihin, iniwan na nila ako sa kanya. Para akong isang bagay na ipinasa lang sa ibang may-ari. Napatitig ako kay Zachary, na kasalukuyang abala sa pakikipag-usap sa isang bisita. Walang bakas ng emosyon sa mukha niya—parang walang epekto sa kan
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more
Chapter 4
Sienna’s POV "AHHH!" Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may malamig na likidong bumuhos sa mukha ko. "Tangina!" Napamura ako habang mabilis na pinahiran ang mukha ko. "Good morning, sweetheart," natatawang bati ni Zachary habang hawak ang isang baso—obviously, siya ang may kagagawan nito. "Gago ka ba?! Anong problema mo?!" sigaw ko habang nanginginig sa lamig. Umirap siya. "Ang problema ko? Ikaw. Tinanghali ka na ng gising. Dapat tapos mo nang linisin ang bahay." Napasinghap ako. "Ano?! Gusto mong maging maid ako?" Hindi man lang siya natinag sa tono ng boses ko. Sa halip, inilapag niya sa lamesa ang isang tray ng pagkain. "Dinalhan kita ng breakfast. Pero dahil ang sungit mo, baka hindi mo na lang kainin." Umupo siya sa gilid ng kama, nakangisi habang nakatitig sa akin. Hirap akong paniwalaan ang ginagawa niya. Siya na nga ang may kasalanan kung bakit ako nandito, tapos siya pa ang may ganang utusan ako?! "Tangina mo, Zachary!" Ibinato ko sa kanya ang unan, pero
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more
Chapter 5
Habang naglalakad-lakad si Siena sa loob ng bahay, napansin niyang nasa labas si Zachary, abala sa pakikipag-usap sa telepono. May lalim ang ekspresyon nito, tila may seryosong pinag-uusapan. Mula sa kinaroroonan niya, hindi niya marinig nang buo ang sinasabi ni Zachary, pero nahagip ng tenga niya ang ilang salitang nagpabigat sa loob niya. "Siguraduhin mong walang makakaalam tungkol sa kanya." Napatigil si Siena. Sino ang tinutukoy nito? Siya ba? Napatingin siya sa paligid. Malawak ang bakuran pero napapalibutan ito ng mataas na bakod at gate. Walang ibang bahay na malapit, walang kapitbahay na maaaring lapitan. Kung gugustuhin niyang lumabas o humingi ng tulong, wala siyang pupuntahan. Biglang lumingon si Zachary, at nahuli siya nitong nakatingin. Napalunok siya, pero hindi siya umatras nang humakbang ito palapit sa kanya. "Nag-eenjoy ka ba sa bagong tahanan mo, sweetheart?" tanong ni Zachary na may bahagyang ngisi sa labi. Hindi sumagot si Siena. Sa halip, tumingin siya nang
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more
Chapter 6
Zachary’s POV Mula sa loob ng kanyang sasakyan, tahimik na pinagmamasdan ni Zachary si Siena. Kitang-kita niya kung paano ito tumingin sa paligid, halatang kinakabahan. Ano bang iniisip ng babaeng ‘to? Akala niya ba makakalusot siya sa akin? Napangisi siya habang nakasandal sa upuan, ngunit nang makita niyang nag-doorbell si Siena sa isang malaking bahay, unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha. Ilang saglit pa, isang matandang babae ang lumabas. Halatang hindi inaasahan ng matanda ang pagdating ni Siena. Nag-usap sila saglit, pero kita ni Zachary sa kilos ng babae na mukhang hindi niya alam kung nasaan si Louis. So, wala siya rito? Napansin ni Zachary ang lungkot sa mukha ni Siena nang tumalikod ito at muling naglakad palayo. Napailing siya. Talagang desperado kang hanapin ang lalaking nagbenta sa’yo, huh? Habang sinusundan ito ng tingin, muling napuno ng galit ang kanyang dibdib. Bakit ba siya nag-aaksaya ng oras para sa isang lalaking walang ibang ginawa kundi ipagpalit siya s
last updateLast Updated : 2024-11-24
Read more
Chapter 7
Siena’s POV Naupo si Siena sa sofa habang kausap ang kanyang mama. Ramdam niya ang bigat sa kanyang dibdib habang tinatanong ito. "Mama, alam mo ba kung saan na nakatira si Louis ngayon?" tanong niya, pilit na pinapanatiling kalmado ang kanyang tinig. "Iba na raw ang nakatira sa malaking bahay nila." Napatingin ang kanyang ina sa kanya, bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. "Iha… bakit mo siya hinahanap? Hindi mo pa rin ba matanggap ang nangyari?" Kumuyom ang kamao ni Siena. "Gusto ko lang siyang makausap, Mama. May gusto akong itanong sa kanya." Nagpalipat-lipat ang tingin ng kanyang ina sa kanya, tila iniisip kung sasabihin ba nito ang totoo o hindi. Ilang saglit ang lumipas bago ito muling nagsalita. "Ang alam ko, umalis siya pagkatapos ng kasal mo. Hindi ko alam kung saan siya tumuloy, pero may narinig akong umalis siya ng bansa." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Siena. "Umalis?" bulong niya sa sarili. "Bakit?" "Hindi ko alam, iha. Pero baka ito na ang pagkakataon
last updateLast Updated : 2024-11-24
Read more
Chapter 8
Nasa loob na sila ng sasakyan, at halatang naiinis na si Zachary habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Halos pumulupot ang mga ugat sa kanyang mga kamay sa sobrang inis. "Ano bang pumasok sa kukote mo, Siena? Bakit kailangan mo pang uminom nang ganito?" Pero si Siena? Chill lang. Nakanganga pa habang nakasandal sa upuan, tila walang pakialam sa sermon ni Zachary. Medyo namumungay ang mga mata niya at pilyang ngumiti. "Bukas mo na lang ako pagalitan, ang sakit sa ulo ng boses mo, eh." Napanganga si Zachary. "Ano?!" "Oo nga, bukas na lang. Alam mo bang ang gwapo mo pala 'pag galit?" sabay tapik sa pisngi ni Zachary, dahilan para lalo siyang mabaliw sa inis. "Parang gusto kitang kurutin sa pisngi, hihi." Napahinga nang malalim si Zachary at pinisil ang tulay ng kanyang ilong. "Siena, kung hindi lang kita asawa, iniwan na kita sa bar na ‘yon! Pero malas ko, kasal tayo." Biglang tumawa si Siena at hinampas siya sa braso. "Sino bang may sabing malas ka? Swerte mo kaya! Alam mo ba ku
last updateLast Updated : 2024-11-24
Read more
Chapter 9
Siena’s POV Matapos ang isang oras—oo, sinadya kong patagalin—tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Alam kong hinihintay ako ni Zachary, at gusto ko siyang mainip. Total, binenta lang naman ako sa kanya, bakit ko siya pagbibigyan? Pero laking inis ko nang makita ko siyang nakaupo sa sofa, kalmado at walang bahid ng pagkainip. Para bang hindi siya naghintay nang matagal. Nakasandal pa siya roon na parang isang hari, habang naglalaro ng cellphone. "Mukhang enjoy na enjoy ka diyan, ah," sabi ko na may halong pang-aasar. Hindi man lang siya tumingin sa akin. "Hmm? Natapos ka na rin pala." Napangiwi ako. Ano bang klase 'to? Ni hindi man lang nainip? Dapat ba tinagalan ko pa? Lumapit ako at humarap sa kanya, tiniklop ang mga braso sa dibdib ko. "Saan mo ba ako dadalhin?" Sa wakas, itinaas niya ang tingin niya sa akin. May bahagyang ngisi sa kanyang labi. "Basta, sumunod ka na lang." Umismid ako. "Ayoko ng ganyang sagot." Tumayo siya bigla, dahilan para mapaatras ako. Bahagya siyang yumu
last updateLast Updated : 2024-11-24
Read more
Chapter 10
"Sa panaginip?" Ulit ni Zachary bago mapailing at mapangiti nang nakakaloko. "I'm your husband, Siena. Dapat asikasuhin mo ako bilang asawa mo." "Oh? At anong klaseng pag-aasikaso ang gusto mo?" sarkastikong sagot ni Siena, nakahalukipkip at hindi nagpatinag sa titig ni Zachary. Sumeryoso ang mukha ni Zachary. "Please, ayaw ko nang may labanan sa usapan na ‘to. Walang laro. Pag-usapan natin nang maayos kung paano natin dadalhin ang kasal na ‘to." Natigilan si Siena. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang seryoso si Zachary. "Fine. Ano’ng gusto mong setup?" "Simple lang," sagot nito. "Ayokong pinapahirapan pa ang sarili natin sa sitwasyong ‘to. Kung gusto kong lumabas ng init sa katawan, huwag ka nang pumalag." Napasinghap si Siena sa diretso nitong sagot. "Anong—" "Wala akong oras para sa drama o pilit na pagtatalo, Siena." Nagtagis ang panga ni Zachary habang diretso siyang nakatitig dito. "Kung gusto mo ng respeto, ibigay mo rin. Kung gusto mong walang gulo, makisama ka." "A
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status