Share

Chapter 4

SIENA POV.

MAAGA akong naglalakad papuntang palengke. Katatapos ko lang din asikasuhin ang mga kapatid ko kanina at sila'y nagsipasok na rin sa eskwelahan. Sakay ng tricyckle ay nauna na sina papa at mama na magpunta roon sa palengke dahil sila ang mag-aayos ng aming mga panindang gulay. Ako ang naatasang maglalako ng mga gulay sa palengke dahil may gagawin pa silang dalawa sa bukid. Marami kasi kaming inani na gulay ngayon kaya naman naisipan kong magtinda na lang para makatulong sa mga magulang ko. First time kong magtinda ngayon sa palengke at tiyak na mapapaubos ko ang mga gulay. Ini-imagine ko na lang ngayon na marami akong hawak na pera pero bigla kong naalala yung lalaking naka-maskara. Hindi man lang niya ako nabigyan ng pera kahit bayaran man lang niya ang pagsasayaw ko. Halos mapagod ako sa kakasayaw ko ng gabing iyon para lang may maiuwing pera sa pamilya ko. Pero dahil hindi ko siya ponag-bigyan sa gusto niya ay pinaalis lang niya ko. Nagtataka na lamang ako sa lalaking iyon. Ano kaya ang itsura niya? Siguro pangit siya kaya siya naka-maskara.

Ilang minuto pa ang aking nilalakad ay narating ko na ang palengke. Hinanap ko pa sila mama at papa kung saan sila nag-pwesto dito sa loob ng palengke. Sa parteng gulayan ako nagpunta kaya naman agad ko silang nahanap.

Nakangiti ako habang papalapit sa kanila. Marami na kasing bumibili sa mga paninda naming mga gulay. Nakakatuwa lang dahil tuwang tuwa sila papa at mama.

"Oh, nariyan na pala ang anak nating napakaganda." Saad ni papa sa akin nang makita niya ako.

"Oo nga at tiyak na mauubos na agad ang mga ito kapag siya ang nagbantay sa mga paninda nating mga gulay. Oh siya, aalis na kami ng papa mo anak at ikaw na ang bahala rito." Sabi ni mama saka niya binigay sa akin ang bag nito na may laman na pera sa loob nito. Halos may kabigatan na rin dahil sa mga baryang laman nito.

"Sige po mama, uuwi po ako sa bahay na dala ang milyones nating barya," biro ko na kinatawa ni papa.

"Bakit naman puro barya? Mahihirapan kang iuwi ang mga barya." Saad ni papa sa akin.

" Papa naman, mindset nga. Kung ang barya, ay mabigat hindi iyon madaling mananakaw at kapag mga papel naman, isang iglap lang ay malilipad 'yan at tangay na agad ng magnanakaw." Sabi ko.

" Ang dami mong alam Siena. Oh siya aalis na kami ng papa mo. Umupo ka na rito at kami'y aalis na," paalam ni mama.

" Ingat po kayo sa pag-uwi niyo." Pahahol na sabi ko rito.

Kumaway lang si papa habang papalayo ang mga ito. Naiwan akong mag-isa rito at napatingin sa mga katabing nagtitinda rin ng gulay. Ngumiti ako sa babaeng nakatingin sa akin ngunit tinarayan lang niya ako.

"Hmmm.... Akala mo naman kung sinong kagandahan. Mas maganda pa naman ako kaysa sa kan'ya.

" Inemg, pabilii ako ng pang-pakbet." Sabi ni Lola.

"Ahhh. .. Sige po," nakangiti kong sabi. Nilagay ko na ito sa iisang supot ang gulay na bibilihin niya. Pagkatapos niyang magbayad sa akin ay may bumili na naman. Halos dinagsa na ako rito ng mga mamimil sa aking pwesto. Halos mauubos na yata ang mga gulay na tinitinda ko. Wala pang dalawang oras ay ubos ko na lahat ng mga gulay. Napangiti na lang ako rito dahil maaga akong makakauwi. Masaya ako dahil unang benta namin ngayon ay naubos.

Pauwi na ko sa bahay na may ngiti sa aking mga labi. Alas diyes pa lang kasi ay narito na agad ako. sa aming munting bahay. Pumasok agad ako rito sa loob saka ako nagtungo sa kuwarto nila mama. Dito ko itinago ang perang napag-bentahan ko.

Lumabas ako ng kanilang silid. Ang ginawa ko ay nagpahinga muna ako rito sa maliit na sofa. Nanood muna ko sa tv bago ako magluluto ng pananghalian namin. Pagkabukas ko ng tv ay bumungad sa balita ang Isang guwapong lalaking nag-ngangalang Zach Montevista. Napangiwi ako rito sa lalaking ito dahil kapangalan niya ang lalaking sinasabi ni tiyang. Imposible naman siya ang lalaking naka-maskara? At ano naman kung siya nga ang lalaking iyon? Pero hindi, dahil imposibleng siya ang lalaking iyon. Naka-maskara siya at alam kong pangit ang lalaking iyon kaya niya tinatakpan ang mukha niya.. Hindi mo rin aakalaing sobrang yaman pala ng lalaking nasa tv dahil ni-interview siya about sa mga negosyo niya tapos yung lalaking naka-maskara ay napaka-kuripot magbigay ng pera. Kaya imposibleng iisa lang sila at magkapangalan lang ang mga ito.

"Mabilaukan ka sanang hayop ka kung ikaw 'yan na naka-maskara nang gabing sinayawan kita!" Napaawang na lang aking ibabang labi dahil nabilaukan ang lalaking nasa tv. Nagkatotoo yung sinabi ko sa kan'ya. Ibig sabihin siya nga yung lalaking naka-maskara. Pero imposible pa rin no nagkatotoo ang mga sinabi ko. Baka nagkataon lang ito na nabilaukan siya habang nagsasalita. Halos hindi na ito makahinga dahil sa nangyari sa kan'ya. Ano ba ang totoong nanyari sa kan'ya? Tinanong lang naman siya kung sino yung luckiest girl na papakasalan niya at doon siya binilaukan ng husto. Bakit? Wala ba siyang balak na mag-asawa?

Nilakasan ko ang volume ng tv. upang marinig ko ang sagot niya.

"In my mind, may natitipuhan na kong babae. But she's stranger to me. And I was looking for her now. I don't know her name but I like her because she is a simple girl. Kung nanonood man siya ngayon. makipag-ugnayan ka sa akin." Sabi niya.

" Is that a joke Zach?" Tanong ng nag-iinterview sa kan'ya.

"This is not a joke and I'm serious," sagot ni Zach Montevista.

Napanguso ako sa aking narinig. Sa totoo lang talaga ay ang weird niya. Ang weird ng sagot niya. Sa sobrang yaman niya, masasabi kong isa siyang t*nga. Oo isang malaking kalokohan ang mga sinasabi niya dahil sinong babae ang maniniwala sa kan'ya? Sa dami ng babaeng nakakasalamuha niya. Tiyak na maraming babae rin ang pagkakaguluhan siya. Tignan natin sa mga susunod na mga araw. Pagpipiyestahan ka ng mga babae at nasa balita ka na naman for sure.

Pinatay ko na agad ang tv. pagkatapos kong manood. Nagtungo agad ako sa kusina para magluto ng pananghalian namin. Nagsalang muna ako ng bigas sa rice cooker at sinunod ko ang ulam na lulutuin ko ngayon. Magluluto ako ng pinakbet at sasahugan ko na lang ito ng Karne ng baboy. Inihanda ko na agad ang mga sangkap na kakailanganin ko sa pagluluto ng pinakbet.

Habang abala ako rito sa kusina ay nagsisidatingan na agad ang aking mga kapatid. Mabuti na lang ay malapit na rin akong matapos sa pagluluto.

"Ate," tawag sa akin ni Farah. Narito na siya sa aking tabi.

"Oh bakit?" Nagtaka ako dahil sa paglapit niya sa akin.

"Napanood mo ba yung nasa tv?" Nanginginang ang mga mata niyang lumapit dito. " Ang guwapo ni Zach Montevista.!" Nagtitiling saad nito na parang siya ang babaeng tinutukoy nito.

"Oh ano naman ngayon kung guwapo? Ikaw ba ang ba ang babaeng hinahanap niya sa tv? Saka huwag ka, babaero yang si Zach. Sa sobrang guwapo niya ay maraming pumipilang babae sa kan'ya.." Paliwanag ko sa nakakabata kong kapatid.

"Bakit ate, bawal bang humanga sa kan'ya? Kung ako sayo, pupuntahan ko siya at baka ikaw na ang hinahanap niya ate! Diba sabi mong may kilala kang Zach nung nanggaling kang Maynila kasama si Tiyang? Baka siya na yung lalaking naka-maskara." Nagtititiling sabi nito kasabay nito ang pagdating nila mama at papa. Natampal ko agad ang bibig ni Farah dahil narinig na yata nila ang mga sinabi nito.

"Ano ang naririnig namin dito ng mama mo? Kayong dalawa ha tumigil na kayo Lalo na kung tungkol lang ito sa mga lalaki. Iwasan niyo muna ang mag-nobyo dahil hindi ako papayag na mag-aya kayo sa amin ng mama mo. Kinabukasan niyo muna ang atupagin niyo huwag ang mga lalaki!" Galit na saad ni papa. Sabay na nagkatinginan kami ni Farah dito dahil ngayon lang namin nakita si papa na nagalit siya ng husto sa in.

"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status