Zachary’s POV
Mula sa loob ng kanyang sasakyan, tahimik na pinagmamasdan ni Zachary si Siena. Kitang-kita niya kung paano ito tumingin sa paligid, halatang kinakabahan. Ano bang iniisip ng babaeng ‘to? Akala niya ba makakalusot siya sa akin? Napangisi siya habang nakasandal sa upuan, ngunit nang makita niyang nag-doorbell si Siena sa isang malaking bahay, unti-unting sumeryoso ang kanyang mukha. Ilang saglit pa, isang matandang babae ang lumabas. Halatang hindi inaasahan ng matanda ang pagdating ni Siena. Nag-usap sila saglit, pero kita ni Zachary sa kilos ng babae na mukhang hindi niya alam kung nasaan si Louis. So, wala siya rito? Napansin ni Zachary ang lungkot sa mukha ni Siena nang tumalikod ito at muling naglakad palayo. Napailing siya. Talagang desperado kang hanapin ang lalaking nagbenta sa’yo, huh? Habang sinusundan ito ng tingin, muling napuno ng galit ang kanyang dibdib. Bakit ba siya nag-aaksaya ng oras para sa isang lalaking walang ibang ginawa kundi ipagpalit siya sa pera? Nang sumakay muli ng taxi si Siena, hindi na siya nagdalawang-isip pang sundan ito. Kung gusto mong makita si Louis, sweetheart, edi bigyan kita ng paraan para magharap kayo… sa harapan ko. Napangisi si Zachary habang patuloy na sinusundan ang taxi. Let’s see kung anong gagawin mo kapag nalaman mong hindi lang ako basta temporary mong asawa… kundi ako ang lalaking magpapamulat sa’yo kung sino talaga ang dapat mong piliin. No! sigaw ng isip ni Zachary habang patuloy na sinusundan si Siena. Kung pipiliin man siya ng babaeng ito, paano naman ang kasintahan niyang naghihintay sa kanya—kasalukuyang nasa ICU, walang malay, at hindi alam kung kailan magigising? Muling nanikip ang kanyang dibdib sa galit at hinagpis. Kung alam lang ni Siena ang puno’t dulo ng lahat. Kung alam lang niya kung bakit pumayag ang kanyang mga magulang sa kasunduang ito. Kung alam lang niya na ang nobyo niyang si Louis ang nagbenta sa kanya kapalit ng sariling kalayaan. Kung alam lang niya na ang mismong pamilya niya ang dahilan kung bakit nasa ibang bansa ngayon ang babaeng dapat niyang pakasalan. Dapat si Clarisse ang bride ko… bulong niya sa sarili, pilit pinapatibay ang determinasyon niyang manatiling galit kay Siena. Pero bakit? Bakit siya ang gumagawa ng lahat para pagbayaran ng pamilya niya ang nangyari, gayong alam naman niyang walang kasalanan si Siena? Bakit sa kabila ng lahat, may kung anong bumabangon sa kanyang dibdib tuwing nakikita niya itong lumalaban? Hindi… Hindi kita dapat maramdaman, Siena. Pinigil niya ang sarili, ngunit alam niyang sa bawat araw na magkasama sila, unti-unting lumuluwag ang gapos ng galit at hinanakit na matagal niyang kinakapitan. Napabuntong-hininga si Zachary habang pinagmamasdan si Siena na patungo sa bahay ng kanyang mga magulang. Tahimik siyang nakamasid mula sa loob ng kanyang sasakyan, habang kasunod lamang sa kanya ang isa sa kanyang mga tauhan. Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit ba niya sinusundan si Siena? Dapat ay wala siyang pakialam kung makipagkita man ito sa mga magulang niya o kahit kanino pa. Pero heto siya ngayon, nagmamanman, nag-aabang… at hindi mapakali. Nakita niyang huminto si Siena sa harap ng gate. Nagdoorbell ito at ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Lumabas ang kanyang ina at niyakap si Siena. Sa saglit na tagpong iyon, may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Wala siyang dahilan para maapektuhan. Wala siyang dahilan para maramdaman ang paninikip ng kanyang dibdib habang pinapanood ang eksenang iyon. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya maiwasang tanungin ang sarili… Hanggang kailan ko mapapanatili ang galit na pilit kong kinakapit kay Siena? Habang nasa loob ng sasakyan, biglang nag-ring ang cellphone niya. Nang makita niyang si Siena ang tumatawag, saglit siyang nag-alinlangan bago sinagot ito. "Ano?" malamig niyang sagot. "Baka bukas na lang ako umuwi," sabi ni Siena sa kabilang linya. "Simula nang umuwi ako galing ibang bansa, hindi ko man lang nakasama ang mga magulang ko. Gusto ko munang magtagal kasama sila." Napakuyom si Zachary ng kamao. "Sinasabi mo lang ba 'yan para makalusot? O talagang gusto mo lang maglagi diyan para humingi ng tulong sa kanila?" may bahid ng inis sa boses niya. "Wala kang pakialam," sagot ni Siena. "Sinabi mo ngang temporary lang ang kasal natin, ‘di ba? So bakit parang masyado kang nag-aalala kung uuwi ako o hindi?" Napangisi si Zachary, ngunit walang halong saya iyon. "Huwag mo akong susubukan, Siena. Kung akala mo makakalaya ka sa kasunduang ito, nagkakamali ka." Bago pa makasagot si Siena, ibinaba na niya ang tawag. Tiningnan niya ang bahay kung saan naroon ito. Sa isang iglap, napuno siya ng kaba—hindi dahil sa takot na mawala si Siena, kundi sa takot na mas lumalim pa ang nararamdaman niya rito. Kinuha ni Zachary ang cellphone niya at tinawagan si Tommy, ang kanyang pinagkakatiwalaang tauhan. Ilang saglit lang, bumaba si Tommy mula sa sasakyang nakaparada sa likuran niya at kumatok sa bintana ni Zachary. Ibinaba ni Zachary ang bintana at tiningnan ito nang seryoso. "Bantayan mong mabuti si Siena," malamig niyang utos. "Huwag mong hahayaang makipagkita siya kaninuman nang hindi ko nalalaman." Tumango si Tommy. "Saan ka pupunta, boss?" "May aasikasuhin lang ako. Saglit lang ako mawawala, pero gusto kong siguraduhin mong hindi aalis si Siena kung saan man siya ngayon." "Walang problema, boss. Ako na ang bahala." Tiningnan pa ni Zachary ang bahay kung saan naroon si Siena bago niya pinaandar ang sasakyan. Habang papalayo, hindi niya maiwasang mapaisip—dapat ba niyang ipagpatuloy ang lahat ng ito? O oras na ba para sabihin kay Siena ang buong katotohanan?Siena’s POV Naupo si Siena sa sofa habang kausap ang kanyang mama. Ramdam niya ang bigat sa kanyang dibdib habang tinatanong ito. "Mama, alam mo ba kung saan na nakatira si Louis ngayon?" tanong niya, pilit na pinapanatiling kalmado ang kanyang tinig. "Iba na raw ang nakatira sa malaking bahay nila." Napatingin ang kanyang ina sa kanya, bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. "Iha… bakit mo siya hinahanap? Hindi mo pa rin ba matanggap ang nangyari?" Kumuyom ang kamao ni Siena. "Gusto ko lang siyang makausap, Mama. May gusto akong itanong sa kanya." Nagpalipat-lipat ang tingin ng kanyang ina sa kanya, tila iniisip kung sasabihin ba nito ang totoo o hindi. Ilang saglit ang lumipas bago ito muling nagsalita. "Ang alam ko, umalis siya pagkatapos ng kasal mo. Hindi ko alam kung saan siya tumuloy, pero may narinig akong umalis siya ng bansa." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Siena. "Umalis?" bulong niya sa sarili. "Bakit?" "Hindi ko alam, iha. Pero baka ito na ang pagkakataon
Nasa loob na sila ng sasakyan, at halatang naiinis na si Zachary habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Halos pumulupot ang mga ugat sa kanyang mga kamay sa sobrang inis. "Ano bang pumasok sa kukote mo, Siena? Bakit kailangan mo pang uminom nang ganito?" Pero si Siena? Chill lang. Nakanganga pa habang nakasandal sa upuan, tila walang pakialam sa sermon ni Zachary. Medyo namumungay ang mga mata niya at pilyang ngumiti. "Bukas mo na lang ako pagalitan, ang sakit sa ulo ng boses mo, eh." Napanganga si Zachary. "Ano?!" "Oo nga, bukas na lang. Alam mo bang ang gwapo mo pala 'pag galit?" sabay tapik sa pisngi ni Zachary, dahilan para lalo siyang mabaliw sa inis. "Parang gusto kitang kurutin sa pisngi, hihi." Napahinga nang malalim si Zachary at pinisil ang tulay ng kanyang ilong. "Siena, kung hindi lang kita asawa, iniwan na kita sa bar na ‘yon! Pero malas ko, kasal tayo." Biglang tumawa si Siena at hinampas siya sa braso. "Sino bang may sabing malas ka? Swerte mo kaya! Alam mo ba ku
Siena’s POV Matapos ang isang oras—oo, sinadya kong patagalin—tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Alam kong hinihintay ako ni Zachary, at gusto ko siyang mainip. Total, binenta lang naman ako sa kanya, bakit ko siya pagbibigyan? Pero laking inis ko nang makita ko siyang nakaupo sa sofa, kalmado at walang bahid ng pagkainip. Para bang hindi siya naghintay nang matagal. Nakasandal pa siya roon na parang isang hari, habang naglalaro ng cellphone. "Mukhang enjoy na enjoy ka diyan, ah," sabi ko na may halong pang-aasar. Hindi man lang siya tumingin sa akin. "Hmm? Natapos ka na rin pala." Napangiwi ako. Ano bang klase 'to? Ni hindi man lang nainip? Dapat ba tinagalan ko pa? Lumapit ako at humarap sa kanya, tiniklop ang mga braso sa dibdib ko. "Saan mo ba ako dadalhin?" Sa wakas, itinaas niya ang tingin niya sa akin. May bahagyang ngisi sa kanyang labi. "Basta, sumunod ka na lang." Umismid ako. "Ayoko ng ganyang sagot." Tumayo siya bigla, dahilan para mapaatras ako. Bahagya siyang yumu
"Sa panaginip?" Ulit ni Zachary bago mapailing at mapangiti nang nakakaloko. "I'm your husband, Siena. Dapat asikasuhin mo ako bilang asawa mo." "Oh? At anong klaseng pag-aasikaso ang gusto mo?" sarkastikong sagot ni Siena, nakahalukipkip at hindi nagpatinag sa titig ni Zachary. Sumeryoso ang mukha ni Zachary. "Please, ayaw ko nang may labanan sa usapan na ‘to. Walang laro. Pag-usapan natin nang maayos kung paano natin dadalhin ang kasal na ‘to." Natigilan si Siena. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang seryoso si Zachary. "Fine. Ano’ng gusto mong setup?" "Simple lang," sagot nito. "Ayokong pinapahirapan pa ang sarili natin sa sitwasyong ‘to. Kung gusto kong lumabas ng init sa katawan, huwag ka nang pumalag." Napasinghap si Siena sa diretso nitong sagot. "Anong—" "Wala akong oras para sa drama o pilit na pagtatalo, Siena." Nagtagis ang panga ni Zachary habang diretso siyang nakatitig dito. "Kung gusto mo ng respeto, ibigay mo rin. Kung gusto mong walang gulo, makisama ka." "A
Siena's POV Maagang gumising si Siena para maghanda sa kanyang trabaho. Alas-singko pa lang ng umaga, madilim pa ang paligid, pero sanay na siya. Agad siyang nagtungo sa banyo para maligo. Kailangan niyang asikasuhin si Zachary bago pa ito umalis. Pumasok siya sa loob ng banyo at binuksan ang shower. Nagsimula siyang magbanlaw nang biglang... "Huh?!" Biglang huminto ang tubig. Napa-atras siya sa inis at sinubukang buksan ulit ang gripo, pero wala pa ring lumabas. "Gusto mo akong pagtulungan, ha?" inis niyang bulong. Pero bago pa siya makaisip ng ibang paraan, biglang dumilim ang paligid. Brownout. "Ano ba naman 'to!" naiinis niyang sigaw. Madilim na nga, wala pang tubig. Pinakiramdaman niya ang paligid, pero parang lalo siyang kinilabutan nang marinig ang malalakas na kaluskos mula sa labas ng bintana. May tao ba sa labas? Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya madaling matakot, pero dahil nasa loob siya ng banyo—hubo’t hubad at walang kahit anong proteksyon—mas l
Habang abala si Siena sa paghahanda ng almusal para kay Zachary, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang si Hannah ang tumatawag. "Hello, bes?" sagot niya habang hinahalo ang nilulutong itlog sa kawali. "Bes! Kamusta ka na? Nakakaloka, kasal ka na talaga!" excited na sabi ni Hannah sa kabilang linya. "Ano, paano naman si Zachary bilang asawa? Mabait ba o mas lalo kang naiinis sa kanya?" Napairap si Siena at napasulyap kay Zachary, na kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo sa lamesa, parang hari na naghihintay lang ng pagsisilbi. "Ewan ko ba dito sa lalaking ‘to. Akala mo kung sino, pero ang kapal ng mukha. Gusto niyang asikasuhin ko siya, eh siya kaya itong bumili sa akin? Dapat siya ang magpasikat sa akin, hindi ako!" inis na bulong niya sa telepono. Napatawa si Hannah. "Ay bes, mukhang matindi ang laban n’yo ni Mister. Pero seryoso, okay ka lang ba diyan? Kung gusto mong tumakas, sabihin mo lang!" pabirong sabi nito. "Gaga! Saan naman ako pupunta? At saka, hindi ako duwa
Nasa loob ng VIP room sina Zachary at Tommy, at mula sa kinauupuan nito, hindi maitagong natatawa si Zachary habang iniinom ang kanyang kape. Napakunot-noo si Tommy at napailing. "Boss, ngayon lang ata kita nakita na ganyan kasaya. Mukhang enjoy na enjoy ka sa pang-aasar kay Siena, ha." Umiling si Zachary, pero hindi nawala ang ngisi sa labi niya. "Hindi naman. Natatawa lang ako sa reaksyon niya." Sumandal si Tommy sa upuan, nagpipigil ng tawa. "Alam mo, boss, kung hindi kita kilala, iisipin kong may gusto ka na sa asawa mo. Eh kaso, alam kong may girlfriend ka pa rin. So, ano ba talaga?" Napawi ang ngiti ni Zachary at bahagyang sumeryoso ang mukha niya. "Ginagawa ko lang 'to para hindi masaktan si Siena kapag dumating si Clarise." Napataas ang kilay ni Tommy. "Ibig sabihin, sinasanay mo siya sa'yo? Para hindi siya masaktan kapag iniwan mo siya ulit?" Napatingin si Zachary sa tasa ng kape niya. "Alam mong hindi ko ginusto ang sitwasyon namin. Binili ko siya para bayaran ang kasal
Habang inaayos ni Zachary ang ilang bagay sa bahay, dumating ang ama ni Siena, si Theodore, dala ang mga gamit ng anak niya. Tahimik lang si Zachary nang pagbuksan ito ng pinto, pero halata ang pagiging seryoso sa kanyang mukha. "Pasok ka," maikling anyaya ni Zachary. Pumasok si Theodore, dala ang ilang kahon at maleta ni Siena. Napabuntong-hininga ito bago humarap kay Zachary. "Kinausap kita noon bago pa kayo ikasal. Gusto ko lang malaman kung maayos ang anak ko. Hindi ko kasi siya masyadong nakakakausap." Tumango lang si Zachary, saka sumandal sa may pader habang nakapamulsa. "Maayos siya. At gaya ng napagkasunduan natin, binigyan ko siya ng trabaho. Siya ang namamahala sa restaurant na itinayo ko para sa kanya." Napakurap si Theodore. "Restaurant? Ibig sabihin... may sarili siyang negosyo?" "Oo," malamig na sagot ni Zachary. "At gaya ng usapan natin, siya pa rin ang tutulong sa pamilya mo. Wala na akong pakialam doon. Kung ano lang ang napagkasunduan natin, iyon lang ang gagawi
SIENA'S POV Pagkababa ko ng motor ni Zachary sa tapat ng restaurant, ramdam ko pa rin ang init ng palad niyang humawak sa bewang ko kanina habang nakaangkas ako sa likod niya. Napatigil ako saglit, inayos ang buhok kong ginulo ng hangin. Hindi ko namalayang nakatitig pa rin siya sa akin habang ginagawa ko 'yon. "Pasok ka na," aniya, may bahagyang ngiti sa labi. "'Wag mo kong ipagpalit sa kape niyo d'yan, ha?" Napairap ako. "Baka ikaw nga 'yung palitan ng kape. Mas sweet pa sa’yo." Tumawa siya ng mahina at saka tumalikod na. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, sumigaw si Hannah mula sa loob ng restaurant. "OY! Kinikilig na ako!" Namilog ang mga mata ko. Tangina, Hannah. Lumapit siya agad sa akin, may dalang tray ng bagong lutong pandesal at kape, pero hindi 'yun ang intensyon niya. Kitang-kita ko sa mata niya—may gustong alamin 'tong babaeng 'to. "Aba, aba, aba! Iba na 'yan, ah. Hinahatid ka na talaga ni mister? May label na ba kayo, ha? Sagot!" "Hannah, pwede ba? Um
Hapon na nang lumabas si Siena mula sa opisina. Pagod na ang katawan niya, ngunit mas pagod ang isipan niya. Buong araw niyang binuhos ang sarili sa trabaho—paperworks, pagtanggap ng orders, pakikipag-usap sa mga tauhan, pag-aasikaso sa inventory. Hindi niya binigyan ng kahit isang segundo ang sarili para huminto. Ayaw niyang may oras siyang mapaisip. Dahil kapag huminto siya, babalik sa alaala niya ang tagpong tumatak sa isip niya kaninang umaga—ang babaeng humalik kay Zachary, at ang hindi mapakaling ekspresyon ng asawa niya habang kausap ito. Pigil ang bawat buntong-hininga niya habang binabaybay ang daan palabas ng restaurant. At pagkalabas niya sa main entrance, agad siyang sinalubong ng isang pamilyar na presensya. “Siena.” Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ito pinahalata. Tila wala siyang narinig. Nagpatuloy siya sa paglalakad, ngunit hinawakan siya ni Zachary sa braso. “Siena, please. Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin. Hindi rin siya nag
SIENA POV Pagkarating namin sa tapat ng restaurant, agad akong bumaba sa motor. Tumalikod ako kay Zachary at nag-ayos ng buhok habang bitbit ang bag ko. Ramdam ko ang simpleng kilig dahil sa paghatid niya sa akin—hindi man kami tunay na mag-asawa sa damdamin, pero ang simpleng pagsabay naming kumain at pagsabay papunta sa trabaho, parang may ibang pakiramdam. Pero bago pa ako makapasok, naramdaman kong biglang tumigil sa paglalakad si Zachary. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagkakunot ng noo niya. “Zach?” tanong ko, pero tila hindi niya ako narinig. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya at doon ko nakita ang isang grupo ng tao na papalapit sa harapan ng restaurant—isang pamilyang may kaya, halata sa bihis at kilos nila. At sa gitna nila, ang isang babaeng mukhang model—maganda, elegante, at confident ang bawat hakbang. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Parang may kung anong kilig sa mga mata niya habang nakatingin kay Zachary. At doon na nga nangyari a
SIENA POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary sa loob ng sasakyan habang pauwi. Walang imikan. Pareho kaming parang may iniisip. Siguro dahil sa naging tanong nina Mama at Papa kanina—tungkol sa amin. Tungkol sa kung may nabubuo na ba. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Zachary sa dashboard. Napatingin siya rito. Tumatawag si Clarise. Hindi ko maiwasang mapatingin din. Hindi ko pinakita, pero kinurot ng kaunti ang puso ko. Napansin ko ang pag-aalangan sa mukha ni Zachary. Hindi niya agad sinagot. Nakatitig lang siya sa screen na parang hindi sigurado kung itutuloy ang pagtanggap ng tawag o hahayaan na lang. “Baka importante,” mahinahon kong sabi. “Sagutin mo. O puntahan mo siya kung kailangan.” Napalingon siya sa akin, tila nabigla. “Sigurado ka?” Tumango ako kahit may konting sakit sa dibdib. “Oo. Kung kailangan ka niya ngayon, puntahan mo. Ayokong may masabi siya sa’yo… sa atin. Alam mo naman siguro kung ano ang tama, ‘di ba?” Hindi siya agad nagsalita. Pero kita ko s
SIENA POV Napaupo ako sa isang malaking bato sa gilid ng ilog habang si Zachary ay abalang nagtatanggal ng sapatos at sumusuong na sa tubig. Tahimik lang ako. Wala akong balak makipagkulitan o makipagtawanan sa kanya. Hindi ako dumating dito para makipagbonding—dinala lang niya ako rito nang sapilitan, kaya wala akong intensyong makipag-cooperate. "Maligo tayo," sabi niya nang makalapit siya sa akin, sabay talsik ng tubig gamit ang paa. Hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Tumalon siya sa tubig. Wala siyang pakialam kung mabasa man ang suot niyang t-shirt. Nagtampisaw siya roon, parang bata. Si Zachary... wala rin pala siyang pakialam. Kaya tumayo ako. Tinanggal ko ang tsinelas ko at marahang lumusong sa malamig na tubig. Hindi para sa kanya. Para lang malamig ang pakiramdam. Para lang hindi ko maramdaman ang init sa dibdib ko—ang inis, ang inip, ang pagkalito. Naghiwalay kami ng direksiyon. Nasa dulo siya ng mababaw na parte ng ilog. Ako naman,
SIENA’S POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary habang nag-aalmusal sa labas, sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng bahay. Maganda ang panahon—presko ang hangin, at may kaunting sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga dahon. Pero kahit gaano kaganda ang umaga, hindi ko maalis ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Mas nauna nang umalis sina Hannah at Tommy. May inihabilin pa si Hannah bago sumakay ng tricycle. “Ikaw na bahala diyan, Siena. Baka may matira pa sa puso mo.” Nakangiti pa siya habang binigkas 'yon, pero hindi ko na kinagat ang tukso. Wala ako sa mood makipagbiruan. Naputol ang katahimikan nang magsalita si Zachary. “Okay ka lang ba?” Napatingin ako sa kanya. Suot pa rin niya ‘yung simpleng t-shirt na tila lalong nagpapatingkad sa kulay ng balat niya. Wala naman akong dapat ipag-init ng ulo, pero sa loob-loob ko… Naiinis ako. Hindi ko nga alam kung bakit. “Oo, okay lang ako,” tipid kong sagot habang iniiwas ang tingin. Kinuha ko ang tinapay sa plato
Siena’s POV Ang saya ng paligid—may konting ilaw sa mga puno, may amoy ng inihaw na isda at barbecue sa hangin, may halakhakan mula sa mga kapitbahay na inimbitahan nina Mama. Pero kahit gaano kasaya ang ambiance, ramdam ko pa rin 'yung bigat sa dibdib ko. Kaya heto kami ngayon ni Hannah, nasa isang sulok ng bakuran, sa mesang may maliit na ilaw, may dalawang baso, at isang bote ng alak sa gitna. “Cheers, bestie!” sigaw ni Hannah sabay abot ng baso. “Para sa birthday ni Tita… at para sa broken heart mo na ayaw mong aminin!” Napatawa ako kahit papaano, pero hindi ko na siya sinagot. Itinungga ko agad ang laman ng baso ko, na parang gusto kong lunurin ‘yung lungkot at inis na nararamdaman ko. Ang alat, ang init sa lalamunan—pero mas mainit ‘yung gumugulo sa dibdib ko. “Isa pa!” sabi ko sabay abot ng bote. “Hoy, dahan-dahan lang! Baka mamaya, ikaw pa ‘yung ipasan ko pauwi,” natatawang sabi ni Hannah pero binuhusan pa rin ang baso ko. Habang lumalalim ang gabi, unti-unti na ak
Pagkauwi mula sa trabaho, agad na bumagsak si Siena sa sofa, ramdam ang pagod ng buong araw. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na tinawagan si Zachary. "Sagot naman..." bulong niya habang hinihintay ang kabilang linya. Ilang ulit na niyang tinangkang tawagan ito, pero paulit-ulit lang siyang nadidismaya. Napabuntong-hininga siya. Gusto lang naman niyang magpaalam. Bukas ay kaarawan ng kanyang ina, at gusto niyang umuwi sandali para makasama ito. Alam niyang mahigpit si Zachary, at hindi niya gustong mapagalitan o mapagbintangan na gumagawa ng kalokohan. Sa inis, tinapon niya sa tabi ang cellphone. "Ano ba namang lalaking ‘to? Hindi man lang sumasagot!" reklamo niya sa sarili. Bigla siyang napatigil, nag-isip ng ibang paraan. Kung hindi niya makakausap si Zachary, baka pwede niyang isama sina Tommy at Hannah. Sa ganitong paraan, wala siyang ginagawang mali at hindi siya sisisihin ni Zachary. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na nag-chat sa dalawa. Siena: Guys, gusto n
Sa isang pribadong opisina sa kompanya, tahimik si Zachary habang nakatitig sa floor-to-ceiling glass window. Ang kamay niya'y nakasuksok sa bulsa ng slacks niya, ngunit bakas sa ekspresyon ang tensyon. Nang biglang tumunog ang phone niya—Dad ang naka-display. Saglit siyang nag-isip bago sinagot. "Hello, Dad," malamig niyang bati. "Zachary, let's not waste time," panimula agad ni Victorio, diretsong tinig. "Idivorce mo na si Siena." Hindi agad nakasagot si Zachary. Naramdaman niya ang bigat sa dibdib, pero pinilit niyang panatilihing kalmado ang boses. "Wala akong balak makipag-divorce sa ngayon." "Ano bang nakukuha mo sa babaeng ‘yon, ha?!" Singhal ni Victorio sa kabilang linya. "She’s nothing. She’s not even from our circle. Kung hindi mo ‘yan pinakasalan dahil sa init ng ulo mo, baka may awa ka lang. Pero Zachary, hindi ka pinalaki para sa awa." Napakuyom ang kamao ni Zachary. Pero nanatili siyang tahimik. "You know what, you're just like your grandfather. He chose