"Sa panaginip?" Ulit ni Zachary bago mapailing at mapangiti nang nakakaloko. "I'm your husband, Siena. Dapat asikasuhin mo ako bilang asawa mo." "Oh? At anong klaseng pag-aasikaso ang gusto mo?" sarkastikong sagot ni Siena, nakahalukipkip at hindi nagpatinag sa titig ni Zachary. Sumeryoso ang mukha ni Zachary. "Please, ayaw ko nang may labanan sa usapan na ‘to. Walang laro. Pag-usapan natin nang maayos kung paano natin dadalhin ang kasal na ‘to." Natigilan si Siena. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang seryoso si Zachary. "Fine. Ano’ng gusto mong setup?" "Simple lang," sagot nito. "Ayokong pinapahirapan pa ang sarili natin sa sitwasyong ‘to. Kung gusto kong lumabas ng init sa katawan, huwag ka nang pumalag." Napasinghap si Siena sa diretso nitong sagot. "Anong—" "Wala akong oras para sa drama o pilit na pagtatalo, Siena." Nagtagis ang panga ni Zachary habang diretso siyang nakatitig dito. "Kung gusto mo ng respeto, ibigay mo rin. Kung gusto mong walang gulo, makisama ka." "A
Siena's POV Maagang gumising si Siena para maghanda sa kanyang trabaho. Alas-singko pa lang ng umaga, madilim pa ang paligid, pero sanay na siya. Agad siyang nagtungo sa banyo para maligo. Kailangan niyang asikasuhin si Zachary bago pa ito umalis. Pumasok siya sa loob ng banyo at binuksan ang shower. Nagsimula siyang magbanlaw nang biglang... "Huh?!" Biglang huminto ang tubig. Napa-atras siya sa inis at sinubukang buksan ulit ang gripo, pero wala pa ring lumabas. "Gusto mo akong pagtulungan, ha?" inis niyang bulong. Pero bago pa siya makaisip ng ibang paraan, biglang dumilim ang paligid. Brownout. "Ano ba naman 'to!" naiinis niyang sigaw. Madilim na nga, wala pang tubig. Pinakiramdaman niya ang paligid, pero parang lalo siyang kinilabutan nang marinig ang malalakas na kaluskos mula sa labas ng bintana. May tao ba sa labas? Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya madaling matakot, pero dahil nasa loob siya ng banyo—hubo’t hubad at walang kahit anong proteksyon—mas l
Habang abala si Siena sa paghahanda ng almusal para kay Zachary, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang si Hannah ang tumatawag. "Hello, bes?" sagot niya habang hinahalo ang nilulutong itlog sa kawali. "Bes! Kamusta ka na? Nakakaloka, kasal ka na talaga!" excited na sabi ni Hannah sa kabilang linya. "Ano, paano naman si Zachary bilang asawa? Mabait ba o mas lalo kang naiinis sa kanya?" Napairap si Siena at napasulyap kay Zachary, na kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo sa lamesa, parang hari na naghihintay lang ng pagsisilbi. "Ewan ko ba dito sa lalaking ‘to. Akala mo kung sino, pero ang kapal ng mukha. Gusto niyang asikasuhin ko siya, eh siya kaya itong bumili sa akin? Dapat siya ang magpasikat sa akin, hindi ako!" inis na bulong niya sa telepono. Napatawa si Hannah. "Ay bes, mukhang matindi ang laban n’yo ni Mister. Pero seryoso, okay ka lang ba diyan? Kung gusto mong tumakas, sabihin mo lang!" pabirong sabi nito. "Gaga! Saan naman ako pupunta? At saka, hindi ako duwa
Nasa loob ng VIP room sina Zachary at Tommy, at mula sa kinauupuan nito, hindi maitagong natatawa si Zachary habang iniinom ang kanyang kape. Napakunot-noo si Tommy at napailing. "Boss, ngayon lang ata kita nakita na ganyan kasaya. Mukhang enjoy na enjoy ka sa pang-aasar kay Siena, ha." Umiling si Zachary, pero hindi nawala ang ngisi sa labi niya. "Hindi naman. Natatawa lang ako sa reaksyon niya." Sumandal si Tommy sa upuan, nagpipigil ng tawa. "Alam mo, boss, kung hindi kita kilala, iisipin kong may gusto ka na sa asawa mo. Eh kaso, alam kong may girlfriend ka pa rin. So, ano ba talaga?" Napawi ang ngiti ni Zachary at bahagyang sumeryoso ang mukha niya. "Ginagawa ko lang 'to para hindi masaktan si Siena kapag dumating si Clarise." Napataas ang kilay ni Tommy. "Ibig sabihin, sinasanay mo siya sa'yo? Para hindi siya masaktan kapag iniwan mo siya ulit?" Napatingin si Zachary sa tasa ng kape niya. "Alam mong hindi ko ginusto ang sitwasyon namin. Binili ko siya para bayaran ang kasal
Habang inaayos ni Zachary ang ilang bagay sa bahay, dumating ang ama ni Siena, si Theodore, dala ang mga gamit ng anak niya. Tahimik lang si Zachary nang pagbuksan ito ng pinto, pero halata ang pagiging seryoso sa kanyang mukha. "Pasok ka," maikling anyaya ni Zachary. Pumasok si Theodore, dala ang ilang kahon at maleta ni Siena. Napabuntong-hininga ito bago humarap kay Zachary. "Kinausap kita noon bago pa kayo ikasal. Gusto ko lang malaman kung maayos ang anak ko. Hindi ko kasi siya masyadong nakakakausap." Tumango lang si Zachary, saka sumandal sa may pader habang nakapamulsa. "Maayos siya. At gaya ng napagkasunduan natin, binigyan ko siya ng trabaho. Siya ang namamahala sa restaurant na itinayo ko para sa kanya." Napakurap si Theodore. "Restaurant? Ibig sabihin... may sarili siyang negosyo?" "Oo," malamig na sagot ni Zachary. "At gaya ng usapan natin, siya pa rin ang tutulong sa pamilya mo. Wala na akong pakialam doon. Kung ano lang ang napagkasunduan natin, iyon lang ang gagawi
Umuwi si Siena sa bahay, dala ang bigat ng katahimikan. Wala si Zachary, at sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may kulang. "Shit, bakit ko pa siya inaalala?" inis niyang bulong sa sarili. Mas okay na ‘tong wala siya para iwas stress. Pero kahit anong pilit niyang itatak sa utak na mas gusto niyang tahimik, hindi niya maiwasang mapansin ang lungkot na bumalot sa buong bahay. Walang pang-aasar, walang nakakairitang presensya ni Zachary. Ang weird. Napansin niya ang mga maleta niya na ngayon lang niya muling nakita mula nang dumating siya rito. Talagang pinamigay na nga ako kay Zachary, huh? Napailing siya, pero agad ding napakunot ang noo nang mapansin niyang nakabukas ang isa sa mga maleta. "Ano ‘to?" agad siyang lumapit at sinilip ang loob. Doon, nanlaki ang mata niya nang makita ang isang pamilyar na bagay—isang boxer shorts. Hindi lang basta boxer shorts. Boxer shorts ni Louis. Biglang bumaha sa isip niya ang nakaraan. Ang gabing bago siya umalis. Ang desisyong kunin ito bi
SIENA’S POV Bakit ba ganito kung magsalita si Zachary? Parang wala lang sa kanya kung umalis ako. Para bang... pinapayagan na niya ako? May nangyari ba? Biglang may sumagi sa isip ko—baka naman may balita na siya tungkol sa nobya niya. Baka nagising na si Clarise, o baka bumalik na ito sa kanya. Kaya ba siya parang hindi na interesado sa presensya ko? Napahigpit ang hawak ko sa kutsara. Hindi ko dapat iniisip 'to. Ano ba namang pakialam ko kung bumalik man si Clarise? Hindi naman ako dapat maaapektuhan. Pero bakit parang may bumara sa lalamunan ko? Lihim akong napatingin kay Zachary. Nakaupo siya sa counter, hawak ang phone niya pero hindi naman tinitingnan. Para bang malalim ang iniisip niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Relief? Kasi baka hindi na niya ako paglaruan at pakialaman? O panghihinayang? Kasi... baka nga nasasanay na ako sa kanya? Napailing ako. Tama na, Siena. Hindi mo dapat iniisip ‘to. Lumingon ulit ako kay Zachary at tinapangan ang boses ko.
Zachary’s POV Pagkapasok ni Siena sa loob ng restaurant, napapailing akong napangiti. "Selosa pala ang misis ko," bulong ko sa sarili ko habang hinihigpitan ang hawak sa manibela. Selosa na nga, dragon pa. Mukhang marami pa akong maririnig na matitinding salita mula sa kanya. Hmmm… Hindi ko alam kung matatawa ako o matutuwa sa inasal niya kanina. Yung paraan ng pagtatanong niya kung may babae ako—hindi naman siya deretsong nagseselos, pero halata naman sa tono ng boses niya na may bahid ng inis at pag-aalala. At ang nakakatawa? Ni hindi siya aware na gano’n na siya sa akin. Napangiti ako habang minamaneho ang sasakyan palayo. Siena, Siena... Ano kayang gagawin mo kapag nalaman mong ikaw lang naman ang bumabagabag sa isip ko? Pero sa ngayon, wala na akong oras para paglaruan siya. Kailangan kong asikasuhin ang mas importanteng bagay—si Clarise. Biglang nanlamig ang pakiramdam ko. Bumalik sa alaala ko ang tawag na natanggap ko kagabi. Yung straight line sa monitor. Yung boses ng
SIENA'S POV Pagkababa ko ng motor ni Zachary sa tapat ng restaurant, ramdam ko pa rin ang init ng palad niyang humawak sa bewang ko kanina habang nakaangkas ako sa likod niya. Napatigil ako saglit, inayos ang buhok kong ginulo ng hangin. Hindi ko namalayang nakatitig pa rin siya sa akin habang ginagawa ko 'yon. "Pasok ka na," aniya, may bahagyang ngiti sa labi. "'Wag mo kong ipagpalit sa kape niyo d'yan, ha?" Napairap ako. "Baka ikaw nga 'yung palitan ng kape. Mas sweet pa sa’yo." Tumawa siya ng mahina at saka tumalikod na. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, sumigaw si Hannah mula sa loob ng restaurant. "OY! Kinikilig na ako!" Namilog ang mga mata ko. Tangina, Hannah. Lumapit siya agad sa akin, may dalang tray ng bagong lutong pandesal at kape, pero hindi 'yun ang intensyon niya. Kitang-kita ko sa mata niya—may gustong alamin 'tong babaeng 'to. "Aba, aba, aba! Iba na 'yan, ah. Hinahatid ka na talaga ni mister? May label na ba kayo, ha? Sagot!" "Hannah, pwede ba? Um
Hapon na nang lumabas si Siena mula sa opisina. Pagod na ang katawan niya, ngunit mas pagod ang isipan niya. Buong araw niyang binuhos ang sarili sa trabaho—paperworks, pagtanggap ng orders, pakikipag-usap sa mga tauhan, pag-aasikaso sa inventory. Hindi niya binigyan ng kahit isang segundo ang sarili para huminto. Ayaw niyang may oras siyang mapaisip. Dahil kapag huminto siya, babalik sa alaala niya ang tagpong tumatak sa isip niya kaninang umaga—ang babaeng humalik kay Zachary, at ang hindi mapakaling ekspresyon ng asawa niya habang kausap ito. Pigil ang bawat buntong-hininga niya habang binabaybay ang daan palabas ng restaurant. At pagkalabas niya sa main entrance, agad siyang sinalubong ng isang pamilyar na presensya. “Siena.” Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ito pinahalata. Tila wala siyang narinig. Nagpatuloy siya sa paglalakad, ngunit hinawakan siya ni Zachary sa braso. “Siena, please. Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin. Hindi rin siya nag
SIENA POV Pagkarating namin sa tapat ng restaurant, agad akong bumaba sa motor. Tumalikod ako kay Zachary at nag-ayos ng buhok habang bitbit ang bag ko. Ramdam ko ang simpleng kilig dahil sa paghatid niya sa akin—hindi man kami tunay na mag-asawa sa damdamin, pero ang simpleng pagsabay naming kumain at pagsabay papunta sa trabaho, parang may ibang pakiramdam. Pero bago pa ako makapasok, naramdaman kong biglang tumigil sa paglalakad si Zachary. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagkakunot ng noo niya. “Zach?” tanong ko, pero tila hindi niya ako narinig. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya at doon ko nakita ang isang grupo ng tao na papalapit sa harapan ng restaurant—isang pamilyang may kaya, halata sa bihis at kilos nila. At sa gitna nila, ang isang babaeng mukhang model—maganda, elegante, at confident ang bawat hakbang. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Parang may kung anong kilig sa mga mata niya habang nakatingin kay Zachary. At doon na nga nangyari a
SIENA POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary sa loob ng sasakyan habang pauwi. Walang imikan. Pareho kaming parang may iniisip. Siguro dahil sa naging tanong nina Mama at Papa kanina—tungkol sa amin. Tungkol sa kung may nabubuo na ba. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Zachary sa dashboard. Napatingin siya rito. Tumatawag si Clarise. Hindi ko maiwasang mapatingin din. Hindi ko pinakita, pero kinurot ng kaunti ang puso ko. Napansin ko ang pag-aalangan sa mukha ni Zachary. Hindi niya agad sinagot. Nakatitig lang siya sa screen na parang hindi sigurado kung itutuloy ang pagtanggap ng tawag o hahayaan na lang. “Baka importante,” mahinahon kong sabi. “Sagutin mo. O puntahan mo siya kung kailangan.” Napalingon siya sa akin, tila nabigla. “Sigurado ka?” Tumango ako kahit may konting sakit sa dibdib. “Oo. Kung kailangan ka niya ngayon, puntahan mo. Ayokong may masabi siya sa’yo… sa atin. Alam mo naman siguro kung ano ang tama, ‘di ba?” Hindi siya agad nagsalita. Pero kita ko s
SIENA POV Napaupo ako sa isang malaking bato sa gilid ng ilog habang si Zachary ay abalang nagtatanggal ng sapatos at sumusuong na sa tubig. Tahimik lang ako. Wala akong balak makipagkulitan o makipagtawanan sa kanya. Hindi ako dumating dito para makipagbonding—dinala lang niya ako rito nang sapilitan, kaya wala akong intensyong makipag-cooperate. "Maligo tayo," sabi niya nang makalapit siya sa akin, sabay talsik ng tubig gamit ang paa. Hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Tumalon siya sa tubig. Wala siyang pakialam kung mabasa man ang suot niyang t-shirt. Nagtampisaw siya roon, parang bata. Si Zachary... wala rin pala siyang pakialam. Kaya tumayo ako. Tinanggal ko ang tsinelas ko at marahang lumusong sa malamig na tubig. Hindi para sa kanya. Para lang malamig ang pakiramdam. Para lang hindi ko maramdaman ang init sa dibdib ko—ang inis, ang inip, ang pagkalito. Naghiwalay kami ng direksiyon. Nasa dulo siya ng mababaw na parte ng ilog. Ako naman,
SIENA’S POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary habang nag-aalmusal sa labas, sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng bahay. Maganda ang panahon—presko ang hangin, at may kaunting sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga dahon. Pero kahit gaano kaganda ang umaga, hindi ko maalis ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Mas nauna nang umalis sina Hannah at Tommy. May inihabilin pa si Hannah bago sumakay ng tricycle. “Ikaw na bahala diyan, Siena. Baka may matira pa sa puso mo.” Nakangiti pa siya habang binigkas 'yon, pero hindi ko na kinagat ang tukso. Wala ako sa mood makipagbiruan. Naputol ang katahimikan nang magsalita si Zachary. “Okay ka lang ba?” Napatingin ako sa kanya. Suot pa rin niya ‘yung simpleng t-shirt na tila lalong nagpapatingkad sa kulay ng balat niya. Wala naman akong dapat ipag-init ng ulo, pero sa loob-loob ko… Naiinis ako. Hindi ko nga alam kung bakit. “Oo, okay lang ako,” tipid kong sagot habang iniiwas ang tingin. Kinuha ko ang tinapay sa plato
Siena’s POV Ang saya ng paligid—may konting ilaw sa mga puno, may amoy ng inihaw na isda at barbecue sa hangin, may halakhakan mula sa mga kapitbahay na inimbitahan nina Mama. Pero kahit gaano kasaya ang ambiance, ramdam ko pa rin 'yung bigat sa dibdib ko. Kaya heto kami ngayon ni Hannah, nasa isang sulok ng bakuran, sa mesang may maliit na ilaw, may dalawang baso, at isang bote ng alak sa gitna. “Cheers, bestie!” sigaw ni Hannah sabay abot ng baso. “Para sa birthday ni Tita… at para sa broken heart mo na ayaw mong aminin!” Napatawa ako kahit papaano, pero hindi ko na siya sinagot. Itinungga ko agad ang laman ng baso ko, na parang gusto kong lunurin ‘yung lungkot at inis na nararamdaman ko. Ang alat, ang init sa lalamunan—pero mas mainit ‘yung gumugulo sa dibdib ko. “Isa pa!” sabi ko sabay abot ng bote. “Hoy, dahan-dahan lang! Baka mamaya, ikaw pa ‘yung ipasan ko pauwi,” natatawang sabi ni Hannah pero binuhusan pa rin ang baso ko. Habang lumalalim ang gabi, unti-unti na ak
Pagkauwi mula sa trabaho, agad na bumagsak si Siena sa sofa, ramdam ang pagod ng buong araw. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na tinawagan si Zachary. "Sagot naman..." bulong niya habang hinihintay ang kabilang linya. Ilang ulit na niyang tinangkang tawagan ito, pero paulit-ulit lang siyang nadidismaya. Napabuntong-hininga siya. Gusto lang naman niyang magpaalam. Bukas ay kaarawan ng kanyang ina, at gusto niyang umuwi sandali para makasama ito. Alam niyang mahigpit si Zachary, at hindi niya gustong mapagalitan o mapagbintangan na gumagawa ng kalokohan. Sa inis, tinapon niya sa tabi ang cellphone. "Ano ba namang lalaking ‘to? Hindi man lang sumasagot!" reklamo niya sa sarili. Bigla siyang napatigil, nag-isip ng ibang paraan. Kung hindi niya makakausap si Zachary, baka pwede niyang isama sina Tommy at Hannah. Sa ganitong paraan, wala siyang ginagawang mali at hindi siya sisisihin ni Zachary. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na nag-chat sa dalawa. Siena: Guys, gusto n
Sa isang pribadong opisina sa kompanya, tahimik si Zachary habang nakatitig sa floor-to-ceiling glass window. Ang kamay niya'y nakasuksok sa bulsa ng slacks niya, ngunit bakas sa ekspresyon ang tensyon. Nang biglang tumunog ang phone niya—Dad ang naka-display. Saglit siyang nag-isip bago sinagot. "Hello, Dad," malamig niyang bati. "Zachary, let's not waste time," panimula agad ni Victorio, diretsong tinig. "Idivorce mo na si Siena." Hindi agad nakasagot si Zachary. Naramdaman niya ang bigat sa dibdib, pero pinilit niyang panatilihing kalmado ang boses. "Wala akong balak makipag-divorce sa ngayon." "Ano bang nakukuha mo sa babaeng ‘yon, ha?!" Singhal ni Victorio sa kabilang linya. "She’s nothing. She’s not even from our circle. Kung hindi mo ‘yan pinakasalan dahil sa init ng ulo mo, baka may awa ka lang. Pero Zachary, hindi ka pinalaki para sa awa." Napakuyom ang kamao ni Zachary. Pero nanatili siyang tahimik. "You know what, you're just like your grandfather. He chose