Share

Chapter 7

last update Last Updated: 2024-11-24 19:30:54

Siena’s POV

Naupo si Siena sa sofa habang kausap ang kanyang mama. Ramdam niya ang bigat sa kanyang dibdib habang tinatanong ito.

"Mama, alam mo ba kung saan na nakatira si Louis ngayon?" tanong niya, pilit na pinapanatiling kalmado ang kanyang tinig. "Iba na raw ang nakatira sa malaking bahay nila."

Napatingin ang kanyang ina sa kanya, bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. "Iha… bakit mo siya hinahanap? Hindi mo pa rin ba matanggap ang nangyari?"

Kumuyom ang kamao ni Siena. "Gusto ko lang siyang makausap, Mama. May gusto akong itanong sa kanya."

Nagpalipat-lipat ang tingin ng kanyang ina sa kanya, tila iniisip kung sasabihin ba nito ang totoo o hindi. Ilang saglit ang lumipas bago ito muling nagsalita.

"Ang alam ko, umalis siya pagkatapos ng kasal mo. Hindi ko alam kung saan siya tumuloy, pero may narinig akong umalis siya ng bansa."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Siena. "Umalis?" bulong niya sa sarili. "Bakit?"

"Hindi ko alam, iha. Pero baka ito na ang pagkakataon mong mag-move on. Isa pa, asawa mo na si Zachary—"

"Mama, huwag mong ipaalala sa akin," mabilis niyang putol, mahigpit na nakapikit. Hindi niya kayang tanggapin ang sitwasyon, lalo na ngayong mukhang may tinatago ang lahat sa kanya.

Ano ang dahilan ng pagkawala ni Louis? At bakit parang may mali sa lahat ng nangyayari?

Nag-aalangan pa rin si Mama nang biglang tumunog ang doorbell. Naputol ang usapan nila at agad siyang tumayo upang silipin kung sino ang dumating.

"Siena!" masayang bati ng kanyang matalik na kaibigan na si Hannah nang bumukas ang pinto. "Ang tagal mong nawala! Dapat talaga lumabas tayo ngayon. Mamasyal tayo!"

Napabuntong-hininga si Siena. Gusto niyang tapusin ang usapan nila ni Mama, ngunit sa kabilang banda, kailangan din niya ng kahit kaunting pahinga mula sa gulong pinapasok niya ngayon.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong niya, nagdadalawang-isip kung sasama ba siya.

"Ikaw bahala! Basta mag-relax tayo. Kailangan mong makalimot kahit sandali." Kinindatan siya ni Hannah. "Ayoko ng reklamo. Magbihis ka na!"

Napatingin si Siena kay Mama, na tahimik lang na nakamasid sa kanila. Mukhang may gustong sabihin ang kanyang ina, pero sa huli, tumango na lang ito.

"Sige na, iha. Lumabas ka muna, baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo."

Sa huli, napilitan siyang sumang-ayon. "Fine, pero saglit lang, ha?"

Habang nagbibihis siya, hindi niya maiwasang mapaisip. Pansamantala lang ba talaga ang lahat ng ito? O may mas malaking katotohanang itinatago sa kanya?

Pagkatapos magbihis, tumingin si Siena sa salamin. Fitted na pants at spaghetti strap—simple pero sexy. Napangiti siya nang bahagya.

"Sino nga ba ang sinayang ni Louis?" tanong niya sa sarili habang hinahagod ng tingin ang repleksyon niya. "Ako?"

Napailing siya at kinuha ang maliit na shoulder bag niya. Wala siyang balak magmukmok. Kung may isang bagay siyang natutunan sa lahat ng nangyari, ito ay ang huwag nang maghabol sa isang lalaking hindi na siya pinili.

Lumabas siya ng kwarto at nadatnan si Hannah na nakaupo sa sofa, abala sa pagse-selfie.

"Damn, girl!" Napanganga si Hannah nang makita siya. "Seryoso ka? Ganyan ka kasexy tapos magpapakita ka sa madlang people? Sure ka bang mamamasyal lang tayo? Baka may magka-heart attack sa daan!"

Napatawa si Siena. "Tara na nga bago pa ako magbago ng isip."

Sabay silang lumabas ng bahay, hindi alam ni Siena na ang simpleng pamamasyal na ito ay magiging simula ng isang bagay na hindi niya inaasahan.

Paglabas ni Siena kasama si Hannah, agad niyang hinanap ang sasakyan na binili niya noon. Pero kahit anong lingon niya sa kanilang bakuran, wala ito roon.

"Nasaan na ‘yung sasakyan ko?" tanong niya, napakunot ang noo.

"Hay naku, wag mo nang hanapin. Hindi mo na ‘yan magagamit ngayon," sagot ni Hannah habang nilalabas ang susi mula sa bag. "May dala akong sasakyan, kaya ito na lang muna ang gamitin natin."

Wala nang nagawa si Siena kundi sumakay. Habang nasa loob ng kotse, hindi niya napansin na may isang pares ng mga mata ang nakamasid sa kanila mula sa di kalayuan.

Si Louis.

Tahimik itong nakatayo sa tapat ng isang tindahan, nakapamulsa at seryoso ang ekspresyon habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan nina Siena at Hannah.

Habang nagmamaneho si Hannah, pasimpleng sumulyap ito kay Siena. "Balita ko kasal ka na?" tanong nito, may halong paninigurado sa tono. "Totoo ba? At sino naman ‘yung mister mo?"

Napabuntong-hininga si Siena. Walang gana ang ekspresyon niya at halatang inis pa rin sa sitwasyon. "Oo, kasal na ako," sagot niya nang walang emosyon.

"Wow, parang ang saya mo, ah," natatawang puna ni Hannah. "Sino ba ‘yung mister mo? Bakit parang wala kang gana pag-usapan siya?"

Umirap si Siena at nilaro-laro ang singsing sa daliri niya, tila nainis pa lalo nang maalala kung paano siya pinilit nitong isuot iyon. "Huwag mo nang itanong. Isang mayabang at mapilit na lalaki. At ang mas nakakainis? Hindi ko man lang ginusto ang kasal na ‘to."

Napakunot-noo si Hannah. "Ha? Paano nangyari ‘yun?"

"Mahabang kwento," iwas ni Siena. "Basta ang alam ko, gusto ko lang lumabas ngayon at kalimutan muna ang lahat."

"Alam ba ito ni Louis?" tanong muli ni Hannah, halatang hindi pa rin makapaniwala.

Dito lalo nang nag-init ang ulo ni Siena. "Huwag mo ngang banggitin ang pangalan ng walanghiyang ‘yon," iritadong sagot niya. "Binenta niya ako, Hannah! Binenta niya ako na parang isang bagay lang na puwedeng ipagpalit!"

Nanlaki ang mga mata ni Hannah. "Ano?! Anong ibig mong sabihin?"

Napasandal si Siena sa upuan at mariing pumikit, pilit pinipigilan ang luha. "May balak pa naman sana akong sorpresahin siya, pero ako ang nasorpresa. Ang akala ko, mahal niya ako. Pero nung dumating ang problema sa kompanya niya, hindi ako ang pinili niyang ipaglaban—pinili niyang iligtas ang sarili niya."

Tahimik na napatingin sa kaniya si Hannah, tila hindi alam kung ano ang sasabihin. "Siena…"

"Huwag na nating pag-usapan ‘yon," mariing putol ni Siena. "Gusto ko lang kalimutan ang lahat, kahit sandali lang."

"Sige, sa bar tayo para makalimot ka," masiglang yaya ni Hannah, na tila ba excited pang makalimutan ni Siena ang lahat sa alak.

At doon nga sila nagtungo sa isang sikat na bar sa siyudad. Maingay ang musika, kumikislap ang mga ilaw, at puno ng masasayang tao. Pero sa kabila ng lahat, si Siena ay tila ba nag-iisa sa lungkot na nararamdaman niya.

"Shot pa!" sigaw niya, habang inaabot ang baso sa bartender. "Huwag kang titigil hangga’t hindi ako nakakalimot!"

"Sigurado ka ba diyan, girl?" natatawang tanong ni Hannah. "Baka bukas, mas lalo mo lang maalala ‘yan!"

Pero wala na siyang pakialam. Isang shot pa. Isa pa. Hanggang sa naramdaman niyang umiikot na ang paligid. Napahagikhik siya at marahang tinapik si Hannah sa balikat. "Alam mo ba? Ang tanga-tanga ko! Kasi minahal ko siya nang sobra! Pero ano? Siya? Binenta lang ako! Ang sakit, Hannah! Ang sakit-sakit!"

Nagsimula nang umiyak si Siena, drama queen mode on, habang si Hannah ay napapailing na lang. "Diyos ko, girl. Ang bigat mo nang kasama!"

Pero bago pa siya tuluyang bumagsak sa mesa, isang mainit at matigas na bisig ang biglang sumalo sa kaniya. "Ano na namang kagaguhan ‘to, Siena?" malamig ngunit puno ng inis na tinig ang narinig niya.

Napaangat siya ng tingin, at sa kabila ng malabong paningin dulot ng alak, nakilala niya agad ang lalaking iyon.

Zachary.

Napangiwi si Zachary sa sinabi ni Siena. "Ang pangit mo talaga, asawa ko."

Sa halip na mainis, natawa lang siya. Pati si Hannah ay napailing habang tumatawa. "Grabe ka, girl. Asawa mo 'yan tapos sinabihan mong pangit?" biro ni Hannah.

Ngunit tila walang pakialam si Siena. Bumaling siya kay Zachary na bahagyang nakakunot-noo ngunit nakangiti. "Hoy, Zachary… ihiii na akoooo!" inireklamo niya habang gumigewang-gewang sa kinatatayuan.

Napailing si Zachary. "Hindi mo na talaga kaya, no?"

"Hindi naaa! Baka dito pa 'ko maihi!" reklamo niya, halos mamilipit sa sobrang pigil.

Napabuntong-hininga si Zachary bago hinawakan ang braso ni Siena. "Halika na nga. Sasamahan kita."

Napadilat si Hannah at agad sumingit. "Uy, uy, uy! Bakit ka sasama? Hindi naman niya kailangan ng bantay!"

Ngunit nagtaas lang ng kilay si Zachary. "Alam mo bang ilang beses na ‘kong naloko ng babaeng ‘to? Hindi ako magpapakampante. Lalo na at lasing siya."

Napairap si Siena habang nakahawak sa tiyan niya. "Ano ako, bata?"

"Aba, parang oo," natatawang sagot ni Zachary bago siya hinila papunta sa restroom.

Sa bawat hakbang, hindi niya alam kung dahil lang ba sa alak o sa inis, pero para siyang lalong naiihi!

Napamura si Siena habang pilit niyang binababa ang zipper ng fitted pants niya. "Walang hiya! Hindi ko maibaba ang zipper!" reklamo niya, bahagyang sumisipa-sipa sa inis.

Narinig iyon ni Zachary mula sa labas ng restroom. "Ano na naman 'yan, Siena?" Napailing siya bago pumasok sa loob, wala nang pakialam kung pambabae ang banyo.

"Ano ba? Wala akong oras sa kaartehan mo. Halika nga rito!" Agad niyang hinila si Siena palapit at marahas—pero maingat—na binaba ang zipper ng pantalon nito.

Habang ginagawa niya iyon, may ilang babae ang nakatingin sa kanila, pabulong-bulong at tila kinikilig. Hanggang sa isang babaeng may pulang lipstick ang lumapit at pabirong sinabi, "Pwede bang ako naman ang babaan mo ng zipper, gwapo?"

Biglang naningkit ang mga mata ni Siena. Kahit hilo pa siya sa alak, agad siyang napikon.

"Hoy! Asawa ko ‘yan!" malakas niyang sabi, dahilan para mapatingin ang ibang tao sa kanila.

Nakangisi lang si Zachary, ngunit nagulat siya nang biglang yakapin siya ni Siena at isubsob ang mukha sa dibdib niya, tila isang batang inaangkin ang laruan niya.

"Sa'kin lang 'to! Kahit anong sabihin niyong lahat, akin 'to!" dagdag pa niya, bago tinapunan ng matalim na tingin ang babae.

Natawa si Zachary. "Akin lang pala, ha? Sabi mo ‘temporary’ lang tayo?" bulong niya sa tenga ni Siena.

Pero imbes na sagutin siya ni Siena, mabilis itong bumalik sa ulirat at napangiwi. "T*ngina, ihing-ihi na ‘ko! Labas!"

"Sabi ko na nga ba, arte mo lang ‘yan!" Tawang-tawa si Zachary habang lumabas ng banyo, pero hindi na niya mapigilan ang ngiti niya.

"Mukhang may selosa akong asawa, ah?" bulong niya sa sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Sold To Be His Wife   Chapter 8

    Nasa loob na sila ng sasakyan, at halatang naiinis na si Zachary habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Halos pumulupot ang mga ugat sa kanyang mga kamay sa sobrang inis. "Ano bang pumasok sa kukote mo, Siena? Bakit kailangan mo pang uminom nang ganito?" Pero si Siena? Chill lang. Nakanganga pa habang nakasandal sa upuan, tila walang pakialam sa sermon ni Zachary. Medyo namumungay ang mga mata niya at pilyang ngumiti. "Bukas mo na lang ako pagalitan, ang sakit sa ulo ng boses mo, eh." Napanganga si Zachary. "Ano?!" "Oo nga, bukas na lang. Alam mo bang ang gwapo mo pala 'pag galit?" sabay tapik sa pisngi ni Zachary, dahilan para lalo siyang mabaliw sa inis. "Parang gusto kitang kurutin sa pisngi, hihi." Napahinga nang malalim si Zachary at pinisil ang tulay ng kanyang ilong. "Siena, kung hindi lang kita asawa, iniwan na kita sa bar na ‘yon! Pero malas ko, kasal tayo." Biglang tumawa si Siena at hinampas siya sa braso. "Sino bang may sabing malas ka? Swerte mo kaya! Alam mo ba ku

    Last Updated : 2024-11-24
  • Sold To Be His Wife   Chapter 9

    Siena’s POV Matapos ang isang oras—oo, sinadya kong patagalin—tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Alam kong hinihintay ako ni Zachary, at gusto ko siyang mainip. Total, binenta lang naman ako sa kanya, bakit ko siya pagbibigyan? Pero laking inis ko nang makita ko siyang nakaupo sa sofa, kalmado at walang bahid ng pagkainip. Para bang hindi siya naghintay nang matagal. Nakasandal pa siya roon na parang isang hari, habang naglalaro ng cellphone. "Mukhang enjoy na enjoy ka diyan, ah," sabi ko na may halong pang-aasar. Hindi man lang siya tumingin sa akin. "Hmm? Natapos ka na rin pala." Napangiwi ako. Ano bang klase 'to? Ni hindi man lang nainip? Dapat ba tinagalan ko pa? Lumapit ako at humarap sa kanya, tiniklop ang mga braso sa dibdib ko. "Saan mo ba ako dadalhin?" Sa wakas, itinaas niya ang tingin niya sa akin. May bahagyang ngisi sa kanyang labi. "Basta, sumunod ka na lang." Umismid ako. "Ayoko ng ganyang sagot." Tumayo siya bigla, dahilan para mapaatras ako. Bahagya siyang yumu

    Last Updated : 2024-11-24
  • Sold To Be His Wife   Chapter 10

    "Sa panaginip?" Ulit ni Zachary bago mapailing at mapangiti nang nakakaloko. "I'm your husband, Siena. Dapat asikasuhin mo ako bilang asawa mo." "Oh? At anong klaseng pag-aasikaso ang gusto mo?" sarkastikong sagot ni Siena, nakahalukipkip at hindi nagpatinag sa titig ni Zachary. Sumeryoso ang mukha ni Zachary. "Please, ayaw ko nang may labanan sa usapan na ‘to. Walang laro. Pag-usapan natin nang maayos kung paano natin dadalhin ang kasal na ‘to." Natigilan si Siena. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang seryoso si Zachary. "Fine. Ano’ng gusto mong setup?" "Simple lang," sagot nito. "Ayokong pinapahirapan pa ang sarili natin sa sitwasyong ‘to. Kung gusto kong lumabas ng init sa katawan, huwag ka nang pumalag." Napasinghap si Siena sa diretso nitong sagot. "Anong—" "Wala akong oras para sa drama o pilit na pagtatalo, Siena." Nagtagis ang panga ni Zachary habang diretso siyang nakatitig dito. "Kung gusto mo ng respeto, ibigay mo rin. Kung gusto mong walang gulo, makisama ka." "A

    Last Updated : 2024-12-15
  • Sold To Be His Wife   Chapter 11

    Siena's POV Maagang gumising si Siena para maghanda sa kanyang trabaho. Alas-singko pa lang ng umaga, madilim pa ang paligid, pero sanay na siya. Agad siyang nagtungo sa banyo para maligo. Kailangan niyang asikasuhin si Zachary bago pa ito umalis. Pumasok siya sa loob ng banyo at binuksan ang shower. Nagsimula siyang magbanlaw nang biglang... "Huh?!" Biglang huminto ang tubig. Napa-atras siya sa inis at sinubukang buksan ulit ang gripo, pero wala pa ring lumabas. "Gusto mo akong pagtulungan, ha?" inis niyang bulong. Pero bago pa siya makaisip ng ibang paraan, biglang dumilim ang paligid. Brownout. "Ano ba naman 'to!" naiinis niyang sigaw. Madilim na nga, wala pang tubig. Pinakiramdaman niya ang paligid, pero parang lalo siyang kinilabutan nang marinig ang malalakas na kaluskos mula sa labas ng bintana. May tao ba sa labas? Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya madaling matakot, pero dahil nasa loob siya ng banyo—hubo’t hubad at walang kahit anong proteksyon—mas l

    Last Updated : 2024-12-18
  • Sold To Be His Wife   Chapter 12

    Habang abala si Siena sa paghahanda ng almusal para kay Zachary, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang si Hannah ang tumatawag. "Hello, bes?" sagot niya habang hinahalo ang nilulutong itlog sa kawali. "Bes! Kamusta ka na? Nakakaloka, kasal ka na talaga!" excited na sabi ni Hannah sa kabilang linya. "Ano, paano naman si Zachary bilang asawa? Mabait ba o mas lalo kang naiinis sa kanya?" Napairap si Siena at napasulyap kay Zachary, na kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo sa lamesa, parang hari na naghihintay lang ng pagsisilbi. "Ewan ko ba dito sa lalaking ‘to. Akala mo kung sino, pero ang kapal ng mukha. Gusto niyang asikasuhin ko siya, eh siya kaya itong bumili sa akin? Dapat siya ang magpasikat sa akin, hindi ako!" inis na bulong niya sa telepono. Napatawa si Hannah. "Ay bes, mukhang matindi ang laban n’yo ni Mister. Pero seryoso, okay ka lang ba diyan? Kung gusto mong tumakas, sabihin mo lang!" pabirong sabi nito. "Gaga! Saan naman ako pupunta? At saka, hindi ako duwa

    Last Updated : 2024-12-19
  • Sold To Be His Wife   Chapter 13

    Nasa loob ng VIP room sina Zachary at Tommy, at mula sa kinauupuan nito, hindi maitagong natatawa si Zachary habang iniinom ang kanyang kape. Napakunot-noo si Tommy at napailing. "Boss, ngayon lang ata kita nakita na ganyan kasaya. Mukhang enjoy na enjoy ka sa pang-aasar kay Siena, ha." Umiling si Zachary, pero hindi nawala ang ngisi sa labi niya. "Hindi naman. Natatawa lang ako sa reaksyon niya." Sumandal si Tommy sa upuan, nagpipigil ng tawa. "Alam mo, boss, kung hindi kita kilala, iisipin kong may gusto ka na sa asawa mo. Eh kaso, alam kong may girlfriend ka pa rin. So, ano ba talaga?" Napawi ang ngiti ni Zachary at bahagyang sumeryoso ang mukha niya. "Ginagawa ko lang 'to para hindi masaktan si Siena kapag dumating si Clarise." Napataas ang kilay ni Tommy. "Ibig sabihin, sinasanay mo siya sa'yo? Para hindi siya masaktan kapag iniwan mo siya ulit?" Napatingin si Zachary sa tasa ng kape niya. "Alam mong hindi ko ginusto ang sitwasyon namin. Binili ko siya para bayaran ang kasal

    Last Updated : 2024-12-19
  • Sold To Be His Wife   Chapter 14

    Habang inaayos ni Zachary ang ilang bagay sa bahay, dumating ang ama ni Siena, si Theodore, dala ang mga gamit ng anak niya. Tahimik lang si Zachary nang pagbuksan ito ng pinto, pero halata ang pagiging seryoso sa kanyang mukha. "Pasok ka," maikling anyaya ni Zachary. Pumasok si Theodore, dala ang ilang kahon at maleta ni Siena. Napabuntong-hininga ito bago humarap kay Zachary. "Kinausap kita noon bago pa kayo ikasal. Gusto ko lang malaman kung maayos ang anak ko. Hindi ko kasi siya masyadong nakakakausap." Tumango lang si Zachary, saka sumandal sa may pader habang nakapamulsa. "Maayos siya. At gaya ng napagkasunduan natin, binigyan ko siya ng trabaho. Siya ang namamahala sa restaurant na itinayo ko para sa kanya." Napakurap si Theodore. "Restaurant? Ibig sabihin... may sarili siyang negosyo?" "Oo," malamig na sagot ni Zachary. "At gaya ng usapan natin, siya pa rin ang tutulong sa pamilya mo. Wala na akong pakialam doon. Kung ano lang ang napagkasunduan natin, iyon lang ang gagawi

    Last Updated : 2024-12-23
  • Sold To Be His Wife   Chapter 15

    Umuwi si Siena sa bahay, dala ang bigat ng katahimikan. Wala si Zachary, at sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may kulang. "Shit, bakit ko pa siya inaalala?" inis niyang bulong sa sarili. Mas okay na ‘tong wala siya para iwas stress. Pero kahit anong pilit niyang itatak sa utak na mas gusto niyang tahimik, hindi niya maiwasang mapansin ang lungkot na bumalot sa buong bahay. Walang pang-aasar, walang nakakairitang presensya ni Zachary. Ang weird. Napansin niya ang mga maleta niya na ngayon lang niya muling nakita mula nang dumating siya rito. Talagang pinamigay na nga ako kay Zachary, huh? Napailing siya, pero agad ding napakunot ang noo nang mapansin niyang nakabukas ang isa sa mga maleta. "Ano ‘to?" agad siyang lumapit at sinilip ang loob. Doon, nanlaki ang mata niya nang makita ang isang pamilyar na bagay—isang boxer shorts. Hindi lang basta boxer shorts. Boxer shorts ni Louis. Biglang bumaha sa isip niya ang nakaraan. Ang gabing bago siya umalis. Ang desisyong kunin ito bi

    Last Updated : 2024-12-23

Latest chapter

  • Sold To Be His Wife   Chapter 43

    SIENA'S POV Pagkababa ko ng motor ni Zachary sa tapat ng restaurant, ramdam ko pa rin ang init ng palad niyang humawak sa bewang ko kanina habang nakaangkas ako sa likod niya. Napatigil ako saglit, inayos ang buhok kong ginulo ng hangin. Hindi ko namalayang nakatitig pa rin siya sa akin habang ginagawa ko 'yon. "Pasok ka na," aniya, may bahagyang ngiti sa labi. "'Wag mo kong ipagpalit sa kape niyo d'yan, ha?" Napairap ako. "Baka ikaw nga 'yung palitan ng kape. Mas sweet pa sa’yo." Tumawa siya ng mahina at saka tumalikod na. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, sumigaw si Hannah mula sa loob ng restaurant. "OY! Kinikilig na ako!" Namilog ang mga mata ko. Tangina, Hannah. Lumapit siya agad sa akin, may dalang tray ng bagong lutong pandesal at kape, pero hindi 'yun ang intensyon niya. Kitang-kita ko sa mata niya—may gustong alamin 'tong babaeng 'to. "Aba, aba, aba! Iba na 'yan, ah. Hinahatid ka na talaga ni mister? May label na ba kayo, ha? Sagot!" "Hannah, pwede ba? Um

  • Sold To Be His Wife   Chapter 42

    Hapon na nang lumabas si Siena mula sa opisina. Pagod na ang katawan niya, ngunit mas pagod ang isipan niya. Buong araw niyang binuhos ang sarili sa trabaho—paperworks, pagtanggap ng orders, pakikipag-usap sa mga tauhan, pag-aasikaso sa inventory. Hindi niya binigyan ng kahit isang segundo ang sarili para huminto. Ayaw niyang may oras siyang mapaisip. Dahil kapag huminto siya, babalik sa alaala niya ang tagpong tumatak sa isip niya kaninang umaga—ang babaeng humalik kay Zachary, at ang hindi mapakaling ekspresyon ng asawa niya habang kausap ito. Pigil ang bawat buntong-hininga niya habang binabaybay ang daan palabas ng restaurant. At pagkalabas niya sa main entrance, agad siyang sinalubong ng isang pamilyar na presensya. “Siena.” Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ito pinahalata. Tila wala siyang narinig. Nagpatuloy siya sa paglalakad, ngunit hinawakan siya ni Zachary sa braso. “Siena, please. Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin. Hindi rin siya nag

  • Sold To Be His Wife   Chapter 41

    SIENA POV Pagkarating namin sa tapat ng restaurant, agad akong bumaba sa motor. Tumalikod ako kay Zachary at nag-ayos ng buhok habang bitbit ang bag ko. Ramdam ko ang simpleng kilig dahil sa paghatid niya sa akin—hindi man kami tunay na mag-asawa sa damdamin, pero ang simpleng pagsabay naming kumain at pagsabay papunta sa trabaho, parang may ibang pakiramdam. Pero bago pa ako makapasok, naramdaman kong biglang tumigil sa paglalakad si Zachary. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagkakunot ng noo niya. “Zach?” tanong ko, pero tila hindi niya ako narinig. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya at doon ko nakita ang isang grupo ng tao na papalapit sa harapan ng restaurant—isang pamilyang may kaya, halata sa bihis at kilos nila. At sa gitna nila, ang isang babaeng mukhang model—maganda, elegante, at confident ang bawat hakbang. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Parang may kung anong kilig sa mga mata niya habang nakatingin kay Zachary. At doon na nga nangyari a

  • Sold To Be His Wife   Chapter 40

    SIENA POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary sa loob ng sasakyan habang pauwi. Walang imikan. Pareho kaming parang may iniisip. Siguro dahil sa naging tanong nina Mama at Papa kanina—tungkol sa amin. Tungkol sa kung may nabubuo na ba. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Zachary sa dashboard. Napatingin siya rito. Tumatawag si Clarise. Hindi ko maiwasang mapatingin din. Hindi ko pinakita, pero kinurot ng kaunti ang puso ko. Napansin ko ang pag-aalangan sa mukha ni Zachary. Hindi niya agad sinagot. Nakatitig lang siya sa screen na parang hindi sigurado kung itutuloy ang pagtanggap ng tawag o hahayaan na lang. “Baka importante,” mahinahon kong sabi. “Sagutin mo. O puntahan mo siya kung kailangan.” Napalingon siya sa akin, tila nabigla. “Sigurado ka?” Tumango ako kahit may konting sakit sa dibdib. “Oo. Kung kailangan ka niya ngayon, puntahan mo. Ayokong may masabi siya sa’yo… sa atin. Alam mo naman siguro kung ano ang tama, ‘di ba?” Hindi siya agad nagsalita. Pero kita ko s

  • Sold To Be His Wife   Chapter 39

    SIENA POV Napaupo ako sa isang malaking bato sa gilid ng ilog habang si Zachary ay abalang nagtatanggal ng sapatos at sumusuong na sa tubig. Tahimik lang ako. Wala akong balak makipagkulitan o makipagtawanan sa kanya. Hindi ako dumating dito para makipagbonding—dinala lang niya ako rito nang sapilitan, kaya wala akong intensyong makipag-cooperate. "Maligo tayo," sabi niya nang makalapit siya sa akin, sabay talsik ng tubig gamit ang paa. Hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Tumalon siya sa tubig. Wala siyang pakialam kung mabasa man ang suot niyang t-shirt. Nagtampisaw siya roon, parang bata. Si Zachary... wala rin pala siyang pakialam. Kaya tumayo ako. Tinanggal ko ang tsinelas ko at marahang lumusong sa malamig na tubig. Hindi para sa kanya. Para lang malamig ang pakiramdam. Para lang hindi ko maramdaman ang init sa dibdib ko—ang inis, ang inip, ang pagkalito. Naghiwalay kami ng direksiyon. Nasa dulo siya ng mababaw na parte ng ilog. Ako naman,

  • Sold To Be His Wife   Chapter 38

    SIENA’S POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary habang nag-aalmusal sa labas, sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng bahay. Maganda ang panahon—presko ang hangin, at may kaunting sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga dahon. Pero kahit gaano kaganda ang umaga, hindi ko maalis ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Mas nauna nang umalis sina Hannah at Tommy. May inihabilin pa si Hannah bago sumakay ng tricycle. “Ikaw na bahala diyan, Siena. Baka may matira pa sa puso mo.” Nakangiti pa siya habang binigkas 'yon, pero hindi ko na kinagat ang tukso. Wala ako sa mood makipagbiruan. Naputol ang katahimikan nang magsalita si Zachary. “Okay ka lang ba?” Napatingin ako sa kanya. Suot pa rin niya ‘yung simpleng t-shirt na tila lalong nagpapatingkad sa kulay ng balat niya. Wala naman akong dapat ipag-init ng ulo, pero sa loob-loob ko… Naiinis ako. Hindi ko nga alam kung bakit. “Oo, okay lang ako,” tipid kong sagot habang iniiwas ang tingin. Kinuha ko ang tinapay sa plato

  • Sold To Be His Wife   Chapter 37

    Siena’s POV Ang saya ng paligid—may konting ilaw sa mga puno, may amoy ng inihaw na isda at barbecue sa hangin, may halakhakan mula sa mga kapitbahay na inimbitahan nina Mama. Pero kahit gaano kasaya ang ambiance, ramdam ko pa rin 'yung bigat sa dibdib ko. Kaya heto kami ngayon ni Hannah, nasa isang sulok ng bakuran, sa mesang may maliit na ilaw, may dalawang baso, at isang bote ng alak sa gitna. “Cheers, bestie!” sigaw ni Hannah sabay abot ng baso. “Para sa birthday ni Tita… at para sa broken heart mo na ayaw mong aminin!” Napatawa ako kahit papaano, pero hindi ko na siya sinagot. Itinungga ko agad ang laman ng baso ko, na parang gusto kong lunurin ‘yung lungkot at inis na nararamdaman ko. Ang alat, ang init sa lalamunan—pero mas mainit ‘yung gumugulo sa dibdib ko. “Isa pa!” sabi ko sabay abot ng bote. “Hoy, dahan-dahan lang! Baka mamaya, ikaw pa ‘yung ipasan ko pauwi,” natatawang sabi ni Hannah pero binuhusan pa rin ang baso ko. Habang lumalalim ang gabi, unti-unti na ak

  • Sold To Be His Wife   Chapter 36

    Pagkauwi mula sa trabaho, agad na bumagsak si Siena sa sofa, ramdam ang pagod ng buong araw. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na tinawagan si Zachary. "Sagot naman..." bulong niya habang hinihintay ang kabilang linya. Ilang ulit na niyang tinangkang tawagan ito, pero paulit-ulit lang siyang nadidismaya. Napabuntong-hininga siya. Gusto lang naman niyang magpaalam. Bukas ay kaarawan ng kanyang ina, at gusto niyang umuwi sandali para makasama ito. Alam niyang mahigpit si Zachary, at hindi niya gustong mapagalitan o mapagbintangan na gumagawa ng kalokohan. Sa inis, tinapon niya sa tabi ang cellphone. "Ano ba namang lalaking ‘to? Hindi man lang sumasagot!" reklamo niya sa sarili. Bigla siyang napatigil, nag-isip ng ibang paraan. Kung hindi niya makakausap si Zachary, baka pwede niyang isama sina Tommy at Hannah. Sa ganitong paraan, wala siyang ginagawang mali at hindi siya sisisihin ni Zachary. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na nag-chat sa dalawa. Siena: Guys, gusto n

  • Sold To Be His Wife   Chapter 35

    Sa isang pribadong opisina sa kompanya, tahimik si Zachary habang nakatitig sa floor-to-ceiling glass window. Ang kamay niya'y nakasuksok sa bulsa ng slacks niya, ngunit bakas sa ekspresyon ang tensyon. Nang biglang tumunog ang phone niya—Dad ang naka-display. Saglit siyang nag-isip bago sinagot. "Hello, Dad," malamig niyang bati. "Zachary, let's not waste time," panimula agad ni Victorio, diretsong tinig. "Idivorce mo na si Siena." Hindi agad nakasagot si Zachary. Naramdaman niya ang bigat sa dibdib, pero pinilit niyang panatilihing kalmado ang boses. "Wala akong balak makipag-divorce sa ngayon." "Ano bang nakukuha mo sa babaeng ‘yon, ha?!" Singhal ni Victorio sa kabilang linya. "She’s nothing. She’s not even from our circle. Kung hindi mo ‘yan pinakasalan dahil sa init ng ulo mo, baka may awa ka lang. Pero Zachary, hindi ka pinalaki para sa awa." Napakuyom ang kamao ni Zachary. Pero nanatili siyang tahimik. "You know what, you're just like your grandfather. He chose

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status