Share

Sold To Be His Wife
Sold To Be His Wife
Author: Zairalyah_dezai

Chapter 1

last update Last Updated: 2024-10-09 11:30:15

Ibinenta upang bayaran ang mga utang ng kanyang pamilya, si Siena ay naging nobya ng mabangis na possessive na si Zacharias. Nakatali sa isang kontrata, ang kanilang sapilitang pagkakalapit ay nag-aapoy ng hindi inaasahang pagnanasa. Ngunit habang ang kanilang pag-iibigan ay namumulaklak sa gitna ng mga anino ng kanyang marangyang ari-arian, natuklasan ni Siena ang isang katotohanang mas madilim kaysa sa naisip niya, na pinipilit siyang pumili sa pagitan ng kanyang puso at ng kanyang kalayaan.

**********

Isang bar ang hinintuan namin ni Tiyang. Narito pa lang kami sa tapat ng bar ay nilukob na ako ng matinding takot. Maraming pumapasok sa aking isipan kung bakit kami naritong dalawa. Wala sa isip ko ito dahil ang nasa isip ko ngayon ay mag-tatrabaho ako bilang katulong.

Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay may kausap na agad si Tiyang mula sa kan'yang telepono. Nasa bahaging malayo siya habang patingin tingin sa akin si Tiyang. May ngisi sa labi niya habang nakatawa ang mukha. Kitang kita sa mukha niya ang kasiyahan nito na parang nanalo ng lotto. Napa-approve pa siya sa akin nang matapos niyang kausapin ang kausap niya sa kabilang linya. At nang matapos niyang kausapin ito ay lumapit na siya sa akin.

"Tara na sa loob Siena. Huwag kang matakot dito dahil malaking pera agad ang makukuha natin dito." Sabi nito sa akin habang Nakanguso ang mga labi ko. Wala ako sa mood ngayon dahil napagod ako sa biyahe mula Probinsiya pa-hanggang Maynila. Parang gusto ko na agad ipahinga ang aking katawan para naman may lakas ang aking katawan mamaya para sa unang trabaho ko rito. Hindi ko pa man naitatanong kay Tiyang kung ano ang aking magiging trabaho ko rito. Basta ang sabi niya ay malaking pera agad ang makukuha namin dito. Sobrang saya ko nang marinig ang bagay na 'yon dahil malaking tulong ito para sa naiwan kong pamilya sa Probinsiya.

Lumuwas ako rito sa Maynila upang makipagsapalaran. At heto ako ngayon ay agad na nakahanap ng trabaho. Huminto muna ako sa pag-aaral ko dahil gusto kong makatulong sa mga magulang ko. 19 years old pa lang ako ngayon at ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. Hirap na hirap sa buhay ang mga magulang ko. Kahit anong kayod ang gawin nila papa at mama ay kulang pa rin ang kinikita nila para sa pang-araw araw namin gastusin lalo na't tatlo kaming nag-aaral. Pumayag naman sila mama na sumama ako kay Tiyang dahil kapatid siya ni papa. Tiwala naman kami sa kan'ya dahil isa rin siya sa tumutulong sa amin. Pero ngayonng nakarating na ko rito sa Maynila, tila nag-aalangan akong magtrabaho lalo na itong bar na pinasukan namin.

Sobrang lamig dito sa loob nito. Malinis at maganda ang mga upuan at mesa na nakahelera lang diyan sa tabi tabi. May entablado rin sa gitna nito. May naglalakihan pang mga pulang kurtina roon. At ano naman iyon kung bakit may isang bakal na nakatayo sa gitna nito. Isang pole ring pala iyon nang maalala ko. Minsan na ko nakakita ng ganun ng makapanood ako sa tv. Yung tv namin ay sira na rin. Pero dito sa bar ay may malaking tv screen ang narito. Marami ring mga naka-disolay na alak mula sa alcohol rack na mukhang mga mamahalin. May disco light din akong nakita rito. at may ikalawang palapag pa pala mula sa itaas. Napakalawak pala ng bar dito sa Maynila kumpara sa aning Probinsiya ay isang Kubo o bahay lang.

"Tiyang, ano po ang ginagawa natin dito? Dito ka ba nagtatrabaho?" Tanong ko habang nakaupo ako rito sa stool bar. May kausap si Tiyang na lalaki. Siya siguro ang bartender dito.

"Hindi Siena, Ikaw ang mag-tatrabaho rito. Isang gabi lang naman tapos uuwi na tayong dalawa sa Probinsiya. At kung magustuhan ka niya, mas malaki ang makukuha natin kaya gagalingan mo ha. Alam kong kayang-kaya mong gawin ito. Isa pa, napakaganda mo Siena at tiyak na magugustuhan ka niya.

Kumunot ang aking noo. "Ano po yang sinasabi niyo pong magugustuhan niya ako? Ano po talaga ang gagawin ko rito sa bar?" Tumingin sa akin yung lalaki. May hikaw sa tenga at may mga tattoo rin ito. Nagsalubong agad ang mga kilay ko sa kan'ya.

"Bakit gan'yan ka makatingin?" Tanong ko rito na kinaawang ng mga labi ni Tiyang. Umiling lang yung bartender na nakangisi ang mga labi nito. Hindi niya sinagot ang tanong ko dahil abala siya sa pagpupunas ng mga baso. Alam ko kung ano tawag sa mga basong maliliit eh. Ahh. .. Alam ko na! One shot glass pala ang tawag doon.

"Siena! Ano ba? Hindi ka dapat nagtatanong ng gan'yan sa kan'ya." Galit na sabi sa akin ni Tiyang. "Sir, pagpasensiyahan mo na ang pamangkin ko. Hindi niya alam eh."

Ano ang hindi ko alam? Bakit niya tinawag na Sir yung bartender? Siya kaya ang boss dito?

Lihim na napaawang ang mga labi ko. Baka nga siya ang boss at ang may-ari ng bar na ito. Bakit kasi hindi sinabi agad ni Tiyang sa akin? Para hindi ko siya nasabihan ng ganun.

"Tiyang pasensiya na po. Ahmmm. .. Pasensiya ka na rin po sir." Hinging tawad ko sa boss na may itsura rin.

"It's okay. By the way! Pwede muna kayong magpahinga sa dresser room. Doon niyo na lang hintayin ang oras bago sumapit ang alas otso." Sabi ng lalaking boss.

"Salamat sir, pupunta na kami roon." paalam ni Tiyang sa boss. Nag-umpisa na naman akong kabahan dahil sa dresser room daw kami magpapahinga. Wala pa kong alam kung ano ang gagawin ko rito. Pero may mga waitress na kong nakikita rito na tila inuumpisahan na nila ang kanilang mga trabaho. Pero bakit ako ay magpapahinga? Nagtatakang sabi ng isip ko.

Inaya na ko ni Tiyang na magpunta sa dresser room. Alam na alam na talaga ni Tiyang ang mga pasikot sikot dito sa loob ng malawak na bar. At nang marating na namin ito ay namangha rin ako sa dami ng damit na naka-display mula sa hanging rack. Ang gaganda at ang seseksi ng mga damit na narito.

Umupo muna ako rito at inistretch ang aking katawan. Katabi ko si Tiyang dito habang nagpipindot siya ng cp. Dalawang babae naman ang biglang sumulpot dito sa aming harapan ni Tiyang. Nagtungo sila sa hanging rack at namili ng damit.

Habang nagpapahinga ako rito ay nag-uusap ang dalawa. Pinag-uusapan nilang dalawa na ngayong gabi raw darating ang pinakamayaman nilang customer. Biglang napatingin ang dalawa sa akin. Tila inuusisa nila ako dahil sa klase ng paninitig. nila.

"Ikaw!" Turo sa akin ng babaeng may mapupulang labi. "Ikaw ba ang bagong dancer dito?" Nagkatinginan kami ni Tiyang. Ako naman dito ay hindi ko alam kung ano ang aking isasagot dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ang ginagawa ko rito sa bar.

"Hindi siya dancer dito. At pwede ba? Huwag niyo na siya tinatanong ng kung anu-ano!" Mataray na sagot ni Tiyang.

"Hmmppff. . . Kung isa ka man sa baguhan dito. Hindi ka magtatagal sa amin. Ayaw naming may dumagdag pang ibang babae rito. Sa amin lang si sir Zach!" Sagot ng mataray na babae.

"Eh di sa inyo lang. Wala akong pakialam sa Sir Zach niyo." Sabay irap ko sa dalawang babaeng may mapupula ang mga labi na hiindi naman kagandahan ang mga itsura nila. Malalaki lang naman mga boobs nila pero ang pangit naman tignan. Mas maganda pa rin ang medium size kaysa papaya size. Pero mas bet daw ng mga lalaki ang mga gan'yang size. Napatingin na lang si Tiyang sa akin.

"Huwag mo na silang patulan. Mas maganda ka naman kumpara sa kanila kahit maliit ang hinaharap mo," pang-aasar sa akin ni Tiyang. "Tiyak kong magugustuhan ka kaagad ni Sir Zach."

" Anong sabi mo?" Tanong ng babae dahil sa sinabi ni Tiyang. Parang gusto pa nitong lumapit sa amin ng babae ngunit pinigilan lang siya ng kasama niya.

"Hayaan mo na sila. Walang mapapala 'yan sa atin hangga't nandito tayo. Halika na!" At umalis na ang dalawa rito sa dresser room.

"Tiyang naman, ano po ba yung sinasabi niyong magugustuhan ako ni Sir Zach? At sino po ba siya?" Kuryusong tanong ko.

" Malalaman mo rin kapag nakuha na natin ang pera. Basta, galingan mo dahil wala tayong maiuuwing pera kapag hindi ka niya nagustuhan."

Umawang ang aking ibabang labi. "Ano pong Ibig niyong sabihin Tiyang? Ibebenta niyo po ako? " Wala sa sariling tanong ko.

Related chapters

  • Sold To Be His Wife   Chapter 2

    Sumapit ang alas otso ng gabi. Suot ko ang isang puting roba habang tinatahak namin ni Tiyang ang ikalawang palapag. Hindi pa kami nakakarating sa VIP ROOM ay nanginginig na agad aking katawan sa nerbiyos. Wala pa naman akong suot sa panloob ko at tanging naka-panty at naka-bra lang ako na nagsisilbing panakip sa kahubaran ko. Paano kaya kung ipatanggal sa akin ang suot kong roba? Wala akong ibang gagawin kundi humindi at hindi ko gagawin kung may ipapagawa siya sa akin. Wala pa naman akong karanasan sa mga ganito gaya ng pagsasayaw. Nasa tapat na kami ng pinto. Nangangatog na agad ang mga tuhod ko. Gusto kong umayaw ngayon ngunit narito na kami ni Tiyang. Mahigpit pa naman ang kapit niya sa aking braso ko at ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko nito. Napabuntong hininga na lamang ako rito sabay tingin ko koya Tiyang habang may pag-aalala sa aking mga mata. "Tiyang, parang ayaw ko na po tumuloy. Please, kahit ibang trabaho na lang huwag lang po sa ganito. Hindi ko po ito kayang gaw

    Last Updated : 2024-10-09
  • Sold To Be His Wife   Chapter 3

    ZACH MONTEVISTA POV. "Argghhh Damn it!" Sigaw ko nang magising ako kinaumagahan nang maalala ko ang babaeng nakilala ko sa bar. Palagi siyang laman ng aking isip. Kahit pilitin kong kalimutan siya ay bigla ko na lang ito maaalala. Sa tuwing umaga ay laging nabubuhay ang aking alaga. Paano ko ito palalambutin kung siya lang ang hinahanap ng aking katawan. Sumagi na rin sa aking isip at baka may lahing witch ang babaeng iyon. At tama nga siya sa sinabi niya na pagsisisihan ko ang gabing hindi ko naibigay ang pera sa kan'ya. "Oh maygad! What's happening to me?" Usal ko rito sabay hilamos sa aking mukha. Tigas na tigas na rin ako ngayon at kailangan ko na namang mag release. Tatlong araw na mula ngayon nang mangyari ito sa akin. Araw araw ko itong ginagawa sa tuwing umaga. At kapag nasa opisina naman ako ay lagi niyang ginugulo ang isip ko. Dapat ko na talaga siyang ipahanap ngayon para mawala na itong init na laging dumadaloy sa aking katawan. Ngunit, saan ko uumpisahan ang paghahanap

    Last Updated : 2024-10-09
  • Sold To Be His Wife   Chapter 4

    SIENA POV. MAAGA akong naglalakad papuntang palengke. Katatapos ko lang din asikasuhin ang mga kapatid ko kanina at sila'y nagsipasok na rin sa eskwelahan. Sakay ng tricyckle ay nauna na sina papa at mama na magpunta roon sa palengke dahil sila ang mag-aayos ng aming mga panindang gulay. Ako ang naatasang maglalako ng mga gulay sa palengke dahil may gagawin pa silang dalawa sa bukid. Marami kasi kaming inani na gulay ngayon kaya naman naisipan kong magtinda na lang para makatulong sa mga magulang ko. First time kong magtinda ngayon sa palengke at tiyak na mapapaubos ko ang mga gulay. Ini-imagine ko na lang ngayon na marami akong hawak na pera pero bigla kong naalala yung lalaking naka-maskara. Hindi man lang niya ako nabigyan ng pera kahit bayaran man lang niya ang pagsasayaw ko. Halos mapagod ako sa kakasayaw ko ng gabing iyon para lang may maiuwing pera sa pamilya ko. Pero dahil hindi ko siya ponag-bigyan sa gusto niya ay pinaalis lang niya ko. Nagtataka na lamang ako sa lalaking

    Last Updated : 2024-10-09
  • Sold To Be His Wife   Chapter 5

    Gabi na, tahimik na ang buong bahay. Tulog na sina mama at papa. Ako ay hindi pa man nakakatulog dahil iniisip ko yung nangyari sa amin ng lalaki sa bar. Sana ay hindi siya iyon at sana ay mali ang hinala kong iisa lang sila. Galit kasi ako sa lalaking iyon. Sobra sobra yung galit ko sa kan'ya dahil sa pang-aasar niya sa akin. At kung sakali mang iisa lang sila ni Zach at yung lalaking naka-maskara ay hindi ko mapapalagpas ang kan'yang ginawa sa akin. Nilalamig at nilalamok na ko rito nang maisipan kong kontakin si tita. May pera akong naitabi rito. Gusto ko siyang bayaran dahil sa perang nagastos niya nang magpunta kami ng bar. Siya pa raw ang nalugi dahil sa akin. Hindi kasi ako binayaran ng lalaking iyon kaya naman umuwi kaming walang dalang pera. At ngayon maganda ang kita ng gulayan namin ay agad akong nagtabi ng dalawang libo para lang mabayaran ko siya kahit pa-paano. Ayaw ko lang na may naririnig akong galit mula sa kan'ya dahil ginawa ko naman ang best ko para lang makuha a

    Last Updated : 2024-11-01
  • Sold To Be His Wife   Chapter 6

    Malungkot na nakatingin si Siena sa palayan. Ang mga tanim na rice stalks ay nanghihina at ang ilan ay nalubog na sa baha. Hindi maikakaila na ang kanilang pananim ay halos masira na, at hindi pa rin ito nakaka-recover mula sa mga nakaraang bagyo. Ang mga magulang niya ay nawawalan ng pag-asa, at kitang-kita niya ang hirap sa mga mata ng kanyang ina at ama. Habang ang kanilang kabuhayan ay unti-unting nawawala, ang pag-asa nila sa magandang ani ay unti-unting naglalaho. Hindi maiwasan ni Siena na mag-isip kung ano ang kanilang magiging kinabukasan. Ang kanilang rice field ay ang kanilang tanging yaman, at kapag ito ay nawasak, wala na silang maaasahan. Naramdaman ni Siena ang bigat ng responsibilidad sa kanyang mga balikat. Siya ang panganay, at alam niyang siya ang may pananagutan sa mga magulang at sa kanyang mga kapatid. Habang nakatayo sa gilid ng palayan, si Siena ay kausap ang kanyang nakakabatang kapatid na si Farah. Pareho silang nakatanaw sa malawak na taniman, ang mga mata

    Last Updated : 2024-11-24
  • Sold To Be His Wife   Chapter 7

    Habang nakaupo si Siena sa tabi ng kama ng kanilang ina, ang mga mata niya’y puno ng pag-aalala at pagod. Nararamdaman niya ang bigat ng responsibilidad na iniatang sa kanyang mga balikat, ngunit alam niyang kailangan niyang maging matatag para sa kanilang pamilya. Tumingin siya kay Farah na nakatayo sa pinto, naghihintay ng mga susunod na sasabihin ni Siena. "Farah," simula ni Siena, ang boses niya’y malumanay ngunit puno ng determinasyon. "Kailangan ko munang mag-asikaso ng isang bagay. Alam kong mabigat ang lahat ngayon, pero ikaw na muna ang bahala sa mga magulang natin." Nagkatinginang saglit si Farah at suminghap. "Ate, anong ibig mong sabihin? Anong aasikasuhin mo?" Sinausap ni Siena ang kapatid ng may tapang sa kanyang mata. "May pagkakataon na dumating para makalabas tayo sa sitwasyong ito. Hindi ko pa alam kung ano, pero kailangan ko ng gawin ito. Magtiwala ka sa akin, Farah. Gagawin ko ang lahat para makapagbigay ng solusyon sa mga problema natin." "Pero, Ate..." nag-aal

    Last Updated : 2024-11-24
  • Sold To Be His Wife   Chapter 8

    Puno ng mga tanong at alalahanin ang isipan ni Siena habang naglalakad siya papunta sa presinto. Ang mga sinabi ni Clarence ay paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang utak. Ang kasunduan na alok ni Zach Montevista—isang kasal na puno ng mga hindi pa nasasagot na katanungan—at ang mga problemang bumabalot sa kanyang pamilya. Hindi niya alam kung paano magsisimula, kung anong hakbang ang susunod, at kung paano niya haharapin ang mga pagsubok na dumarating sa kanya. Pagdating niya sa presinto, nakaramdam siya ng bigat sa dibdib. Hindi pa rin makalimutan ang mukha ng kanyang ama nang siya ay arestuhin. Ang ama na laging nagsasakripisyo para sa kanila, ang ama na hindi kailanman humingi ng kahit anong kabayaran para sa mga sakripisyo nito. Hindi niya kayang tignan ang kalagayan nito ngayon—isang simpleng magsasaka na ngayon ay nakakulong dahil sa mga utang na hindi nila kayang bayaran. Pumasok siya sa presinto at agad nagtungo sa kwarto kung saan nakabilanggo ang kanyang ama. Habang binabayba

    Last Updated : 2024-11-24
  • Sold To Be His Wife   Chapter 9

    Hindi pa rin maalis sa isipan ni Siena ang mga sinabi ni Zach. Habang pinipilit niyang magpaliwanag, tila ba mas lalong lumalala ang tensyon sa pagitan nila. Naramdaman niyang ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay tila pinapalakas lamang ang pag-aalab ng galit at inis ni Zach. “Wala ka bang tiwala sa sarili mo?” tanong ni Zach, ang mga mata niya ay matalim at puno ng hindi maipaliwanag na emosyon. “Bakit parang takot na takot ka na gawin ang mga bagay na makikinabang ka? Hindi ko naman hinihingi na sumang-ayon ka agad, pero hindi mo ba nakikita ang mga oportunidad?” Si Siena, na napaka-determinado sa pag-iwas sa anumang alok na may kinalaman sa kasal, ay nagsimula nang mawalan ng pasensya. Hindi niya kayang tanggapin ang nararamdaman niyang pang-aasar ni Zach. “Hindi mo ba naiintindihan?” sigaw ni Siena. “Hindi ko kayang magdesisyon nang mabilis. Hindi ko kayang ibenta ang sarili ko para lang makuha ang gusto ko! Hindi ko kaya ang mga laro mo!” Nakita ni Zach ang bigat ng

    Last Updated : 2024-11-24

Latest chapter

  • Sold To Be His Wife   Chapter 23

    Pagkaalis ni Zach, hindi mapakali si Siena sa loob ng mansyon. Ramdam niya ang tensyon sa paligid, at ang bawat tunog ay tila nagdadala ng pangamba. Pinilit niyang abalahin ang sarili sa gawaing bahay ngunit paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang pagtatagpo nila ni Clarence sa ospital. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip, biglang kumatok ang isa sa mga tauhan ni Zach, si Marco. "Ma'am Siena, may kailangan lang po akong sabihin," anito. "Anong kailangan mo?" tanong ni Siena, hindi maitago ang kaba sa kanyang boses. "May utos si Sir Zach na bantayan kayo, pero napansin naming may kakaibang galaw sa paligid. Mukhang may nagpaplano ng hindi maganda." Natigilan si Siena. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Si Clarence, ma'am. Mukhang hindi pa siya titigil. Kaya mas mabuting manatili kayo dito sa mansyon habang inaayos ni Sir Zach ang lahat," paliwanag ni Marco. Tumango si Siena, bagamat hindi siya komportable sa ideya ng pagiging nakakulong. "Salamat, Marco. Sasabihin ko kay Zach kapa

  • Sold To Be His Wife   Chapter 22

    Habang tahimik si Zach matapos ibaba ang telepono, nagmadali siyang nagbihis ng coat at kinuha ang susi ng sasakyan. "Saan ka pupunta?" tanong ni Siena, bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Kailangan kong harapin ang ama ko," sagot ni Zach. "Hindi siya pwedeng makialam sa sitwasyon ko kay Victoria." Hinawakan ni Siena ang braso niya. "Hindi ka ba magpapaliwanag? Anong ibig sabihin nito? Ano pa ba ang hindi ko alam?" Huminga nang malalim si Zach at tumingin kay Siena, halatang nag-aalangan. "Ayokong madamay ka rito, Siena. Hindi mo kailangan makisangkot sa gulong ito." "Zach, kasal tayo. Ayoko ng palaging itinatago mo ang mga problema mo sa akin. Sabihin mo kung anong nangyayari!" Tila napagod na si Zach sa pagtatalo at tumango na lang. "Fine. Sumama ka kung gusto mo." Sa Mansyon ng Montevista Pagdating nila sa mansyon, sinalubong sila ng ama ni Zach, si Don Salvador Montevista. Malamig ang ekspresyon nito, ngunit bakas sa mukha ang pagkadismaya. "Zachary," malamig

  • Sold To Be His Wife   Chapter 21

    Kinabukasan, sinubukan ni Siena na iwaksi ang mga sinabi ni Zach. Subalit, ang sinabi nitong “mahalaga ka sa akin” ay patuloy na umaalingawngaw sa kanyang isip. Gusto niyang maniwala, pero mas malakas ang kutob niya na may mas malalim na dahilan kung bakit siya ang pinili ni Zach na pakasalan. Habang nag-aayos ng mesa para sa almusal, dumating si Farah mula sa ospital. "Ate, mukhang pagod ka. Ayos ka lang ba?" tanong ni Farah habang inaabot ang isang baso ng tubig. "Pagod lang, Farah," sagot ni Siena, pilit na ngumiti. "Maraming iniisip." Ngunit bago pa sila makapag-usap nang maayos, dumating si Zach. Naka-casual na suot ito, ngunit ang presensya niya ay tila laging nangingibabaw sa paligid. "Good morning," bati ni Zach habang umupo sa mesa. "May kailangan akong sabihin." Tumingin si Siena kay Zach, ang kilay niya’y bahagyang nakakunot. "Ano na naman 'yan?" Napangiti si Zach, ngunit may halong pilyong ngiti iyon. "Gusto kong lumabas tayo ngayon." Nagulat si Siena. "Lumabas? B

  • Sold To Be His Wife   Chapter 20

    Ang Alok ni Zach Tahimik na nakatitig si Siena sa kontrata na nasa kanyang harapan. Hindi siya makapaniwala sa naririnig. "Magpakasal tayo?" ulit niya, na tila sinisigurado kung tama ba ang narinig niya. Tumango si Zach. "Oo. Sa ganitong paraan, matutulungan kita at maiiwasan ko rin ang kasal na ayaw ko." "Hindi ba't sinabi mo na hindi ka na interesado sa mga babae?" tanong ni Siena, na pilit iniintindi ang motibo ni Zach. "Ikaw ang exception," sagot ni Zach, seryoso ang boses ngunit may bahagyang ngiti sa kanyang labi. Napailing si Siena, halos matawa sa kabila ng sitwasyon. "Exception? Hindi ito laro, Zach. Ang kasal ay hindi biro." "Alam ko," tugon ni Zach. "Kaya nga sinasabi ko sa'yo nang maaga. Hindi ko sinasabing magiging madali ito, pero gusto kong bigyan tayo ng pagkakataon." "Pagkakataon?" Halos mapaubo si Siena. "Hindi mo nga ako kilala nang lubos. At ako? Hindi ko rin alam kung sino ka talaga." Tumayo si Zach at lumapit kay Siena. Hinawakan niya ang kanyan

  • Sold To Be His Wife   Chapter 19

    Matapos ang meeting, tumayo si Zach at iniabot ang kanyang kamay kay Siena. Sa kabila ng kaba, tinanggap niya ito at nagpaalam sila sa mga bisita. Habang naglalakad palabas ng conference room, ramdam ni Siena ang mga titig ng mga tao. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakahiya—ang tawaging "fiancée" ni Zach o ang pilit na pagtitiis sa presyong kaakibat nito. Pagdating nila sa sasakyan, tahimik silang dalawa. Ngunit ang katahimikan ay naputol nang magsalita si Zach. "Impressive," sabi niya, nakatingin sa kanya habang pinapagana ang sasakyan. "Hindi ko akalaing kaya mong magdala ng sarili mo sa harap ng mga taong iyon." "Hindi ko ginawa ito para sa'yo," sagot ni Siena, pilit na pinapanatili ang lakas ng kanyang boses. "Ginawa ko ito para sa pamilya ko." Ngumiti si Zach, tila naaliw sa kanyang sagot. "Kahit ano pa ang dahilan mo, you played the role perfectly. Mukhang kumbinsido silang lahat." "Kung tapos na ang palabas mo, pwede na ba akong bumalik sa buhay ko?" tanong ni S

  • Sold To Be His Wife   Chapter 18

    Hindi pa rin makapaniwala si Siena sa mga narinig mula sa ama ni Zach. Pakiramdam niya'y tinutulak siya sa isang laro kung saan wala siyang kaalam-alam sa mga patakaran. Tumayo siya sa gitna ng opisina, ang mga mata'y nag-aapoy sa galit at kaba. "Zach," tumingin siya nang diretso sa mga mata nito. "Ano ang tinutukoy ng ama mo? Anong dahilan? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Bumuntong-hininga si Zach, ang mukha nito'y tila nag-aalangan. Sa wakas, nagsalita siya, ngunit hindi sa paraang inaasahan ni Siena. "Siena, may mga bagay na mas mabuting malaman mo sa tamang panahon. Hindi mo kailangang mag-alala." "Hindi ako mag-aalala?!" sumabog si Siena, ang boses niya'y puno ng frustration. "Ikaw at ang ama mo, parang naglalaro lang kayo sa buhay ko. May karapatan akong malaman ang totoo, Zach!" Ang ama ni Zach, na kanina pa nakamasid, ay ngumiti nang bahagya. "Matapang ang babaeng ito, anak. Ngunit huwag kang mag-alala, hija. Hindi ka namin sinasaktan. Sa halip, gusto ka naming protekta

  • Sold To Be His Wife   Chapter 17

    Halos manlambot si Siena sa narinig mula kay Zach. Magpapakasal agad-agad? Parang nilalamon siya ng lupa habang hinihintay ang susunod na sasabihin nito. "Hindi mo ako maaaring pilitin, Zach," mariin niyang sabi, pilit pinatatag ang boses kahit ramdam ang kaba. Lumapit si Zach, seryoso ang mukha ngunit may halong panunukso ang mga mata. "Siena, hindi kita pinipilit. Binibigyan lang kita ng solusyon. Gusto mong iligtas ang pamilya mo, hindi ba? Ako lang ang sagot sa problema mo." "Pero... bakit kailangan magpakasal? Bakit hindi mo na lang tulungan ang pamilya ko nang walang kapalit?" tanong ni Siena, halos pumutok ang dibdib sa emosyon. Ngumisi si Zach, ang kanyang mga mata naglalaro ng kakaibang damdamin. "Hindi ako isang taong gumagawa ng bagay nang walang dahilan. Kung magpapakasal ka sa akin, magiging madali para sa akin na protektahan ka at ang pamilya mo. At saka... gusto ko lang na makita kung hanggang saan mo kayang isugal ang sarili mo para sa kanila." Napatingin si S

  • Sold To Be His Wife   Chapter 16

    Pagkatapos ng ilang araw, sinimulan na ni Siena ang kanyang bagong buhay sa mansyon ni Zach. Bagama't maganda ang paligid at marangya ang lahat, ramdam pa rin niya ang pagkailang at bigat ng sitwasyon. Ang bawat sulok ng bahay ay tila nagtatago ng mga lihim na hindi niya pa nauunawaan. Isang gabi, habang naglalakad siya sa pasilyo upang maghanap ng maiinom na tubig, narinig niya ang isang pag-uusap mula sa opisina ni Zach. Tahimik siyang lumapit at sumilip sa bahagyang bukas na pinto. "Zach, sigurado ka ba sa plano mo?" tanong ng isang pamilyar na boses. Napakunot ang noo ni Siena. Tila boses iyon ng ama ni Zach. "Wala na akong ibang pagpipilian, Dad," sagot ni Zach. "Kung hindi ko gagawin ito, ikaw ang magdurusa." "Alam mo kung gaano kahalaga ang reputasyon ng pamilya natin," sabi ng ama ni Zach. "Pero sana, hindi mo ito pagsisihan." Hindi na narinig ni Siena ang sumunod na sinabi ni Zach dahil bigla siyang nadulas at naitulak ang pinto. "Sino 'yan?" tanong ni Zach, agad na t

  • Sold To Be His Wife   Chapter 15

    Pagkagising ni Siena kinabukasan, agad siyang bumangon upang maghanda ng agahan. Sinubukan niyang magmukhang normal sa kabila ng bigat ng mga iniisip niya. Hindi siya mapakali dahil sa mga nangyari kahapon, lalo na sa plano ni Clarence. Habang nag-aayos sa kusina, biglang bumukas ang pintuan, at pumasok si Zach. "Maaga kang gumising," sabi ni Zach, habang nakapamulsa at tila nanonood lamang sa kilos ni Siena. "Ayaw kong maging pabigat dito," sagot ni Siena, pilit na ngumiti. "Kailangan kong magtrabaho kahit papaano." "Trabaho?" Naglakad si Zach papalapit sa kanya. "Siena, hindi mo kailangang gawin 'yan dito. May mga tao akong gumagawa ng mga bagay na 'yan." "Pero hindi ako sanay na nakaupo lang habang may problema ang pamilya ko," tugon ni Siena, hinahanda ang sarili sa magiging sagot ni Zach. Hindi sumagot si Zach. Tinitigan lang niya si Siena, tila nag-iisip ng kung ano ang susunod niyang sasabihin. Sa wakas, tumalikod siya at naupo sa mesa. "Kung gusto mong tumulong, may par

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status