Kinabukasan, maagang dumating si Farah sa ospital upang bantayan ang kanilang ina. Bagama’t magaan ang loob ni Siena na naroon ang kapatid, dama pa rin niya ang bigat ng responsibilidad sa kanilang pamilya. Hindi niya maaaring ipakita kay Farah ang labis niyang pag-aalala; kailangan niyang magpakatatag para sa kanila. Pagkahatid ng ilang bilin kay Farah, nagpaalam na si Siena. "Farah, ikaw na muna ang bahala kay Mama. May mga kailangang asikasuhin." "Oo, Ate. Ako nang bahala rito," sagot ni Farah, nag-aalala ngunit hindi na nagtanong pa. Pagkalabas ni Siena ng ospital, hinayaan niyang lamunin siya ng sari-saring iniisip. Ang tungkol sa plano ni Clarence, ang pagkakasakit ng kanyang ina, at ang kalagayan ng kanilang ama sa kulungan ay nagdudulot ng matinding alalahanin sa kanya. Gusto niyang mag-isip ng solusyon, ngunit parang wala siyang mahanap na sagot. Habang naglalakad siya pauwi, napansin niyang tila kakaunti ang mga tao sa dinaraanan niyang kalsada. Ang katahimikan ng
Huling Na-update : 2024-12-15 Magbasa pa