Siena’s POV Ang saya ng paligid—may konting ilaw sa mga puno, may amoy ng inihaw na isda at barbecue sa hangin, may halakhakan mula sa mga kapitbahay na inimbitahan nina Mama. Pero kahit gaano kasaya ang ambiance, ramdam ko pa rin 'yung bigat sa dibdib ko. Kaya heto kami ngayon ni Hannah, nasa isang sulok ng bakuran, sa mesang may maliit na ilaw, may dalawang baso, at isang bote ng alak sa gitna. “Cheers, bestie!” sigaw ni Hannah sabay abot ng baso. “Para sa birthday ni Tita… at para sa broken heart mo na ayaw mong aminin!” Napatawa ako kahit papaano, pero hindi ko na siya sinagot. Itinungga ko agad ang laman ng baso ko, na parang gusto kong lunurin ‘yung lungkot at inis na nararamdaman ko. Ang alat, ang init sa lalamunan—pero mas mainit ‘yung gumugulo sa dibdib ko. “Isa pa!” sabi ko sabay abot ng bote. “Hoy, dahan-dahan lang! Baka mamaya, ikaw pa ‘yung ipasan ko pauwi,” natatawang sabi ni Hannah pero binuhusan pa rin ang baso ko. Habang lumalalim ang gabi, unti-unti na ak
Terakhir Diperbarui : 2025-04-06 Baca selengkapnya