Pagkatapos ng tensyonadong pag-uusap nila ni Zach, nagkulong si Siena sa kanyang kwarto. Ramdam niya ang bigat ng mga nangyayari—ang kanyang ama, ang kanilang sitwasyon sa pamilya, at ang hindi niya maunawaan na papel niya sa buhay ni Zach. Sa kabila ng lahat, alam niyang hindi siya maaaring sumuko. Habang nagmumuni-muni, biglang kumatok si Farah sa pinto. "Ate, okay ka lang ba?" tanong nito mula sa labas. "Oo, Farah. Pasok ka," sagot ni Siena, pilit na pinapatahan ang sariling emosyon. Pagpasok ni Farah, halata sa mukha nito ang pag-aalala. "Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ba kayong dalawa ni Zach?" Umiling si Siena. "Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko rito. Parang lahat ng nangyayari ay hindi ko kontrolado." "Pero Ate, mukhang may gusto naman sa'yo si Kuya Zach," sagot ni Farah, bahagyang nakangiti. "Hindi kaya siya ang sagot sa mga problema natin?" Napailing si Siena. "Farah, hindi ganoon kadali 'yun. Hindi mo kilala si Zach. Hindi siya tulad ng ini
Last Updated : 2024-12-23 Read more