All Chapters of You're Hired! Carry My Child: Chapter 1 - Chapter 10

33 Chapters

Chapter 1

Third-Person's Point of View "Nakikita n'yo na ba ang apo ko?" tanong ng di mapakaling si Doña Janet Villareal kaniyang mga kasama. Animnapu't lima na ang edad ngunit mukha pa ring bata dahil palangiti at masayahin ang ginang. Malakas pa rin ang pangangatawan dahil sa hilig nitong mag-zumba. Alaga rin ang kaniyang balat sa kanilang sariling beauty salon na parokyano ang lahat ng kaniyang mga kaibigan. "Hindi pa ho, madam," sagot ng kasama ni Doña Janet na driver. Aligaga na sa kahahanap sa kanilang hinihintay na si Keith na galing pa sa Europe kung saan ito nag-aral ng Engineering at Law. Sa edad na tatlumpu't isa, lisensyado na siyang inhenyero at abogado. Dalawang kurso na alam niyang makatutulong nang malaki sa kaniyang kumpanya na pagmamay-ari ng kaniyang lola. Panay ang hampas at tanong ng Doña sa driver. Napapakamot na lang ito ng ulo dahil sa ginagawa nito. Hindi naman kalakasan ang mga hampas pero panay-panay kaya natataranta siya nang husto. "Ikaw Mercedez? Tingnan mo
last updateLast Updated : 2024-10-08
Read more

Chapter 2

A few days before... Merrill's Point of View Malayo-layo ang aming biyahe mula sa Clark Airport kung saan namin sinundo si Papa. Sa Sta Cruz, Zambales pa kami umuwi na inabot nang humigit-kumulang pitong oras na biyahe dahil kinailangang huminto sa mga gasolinahan para makigamit ng palikuran si Papa. Masama ang kaniyang pakiramdam ng araw na 'yon. Bagay na naiintindihan naman namin dahil iyon din ang dahilan kung bakit siya biglaang napauwi sa Pilipinas—ang magpagamot. Hindi inaasahan na may masusumpungan ang aking mga mata sa paligid na ipinalangin kong hindi sana nakita ng aking ama. Buong biyahe, isang bagay lang ang nasa isip ko. Ito ay kung paano ko magagawa ang mga plano ko nang hindi nalalaman ng mga magulang ko. Matagal ko ring pinag-isipan iyon at nang makita ko ang mag-lolang Madam Janet at Keith Lee sa airport, tila ba nakakuha ako ng kasagutan sa kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Malalim na ang gabi nang makarating kami sa bahay. Kinuha ko agad ang lapt
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more

Chapter 3

Third-Person's Point of View Paghinto ng sasakyan sa garahe ng mansion ng mga Lee, natanaw agad ni Keith ang mga taong abala sa pag-aayos ng hardin para sa birthday party ng binata na gaganapin sa gabing iyon. "Lola?" pukaw ni Keith sa kaniyang abuela habang inaalalayan ito sa pagbaba sa van. "Yes?" tanong nito sa apo at nang mapansin ni Madam kung saan ito nakatingin, nabasa na niya kung ang nais nitong sabihin. "Simpleng party lang 'yan, apo. Don't worry," turan niya at niyaya na itong pumasok ng kanilang bahay upang makapagpahinga. Sumunod naman si Keith. Sa kaniyang paghakbang sa loob ng mansion, isa-isang bumalik ang mga alaala sa kaniyang isip. Kay tagal niyang hindi nakauwi dahil abala sa pag-aaral. Bukod pa rito, hindi siya pinayagan ng doktor na siyang gumagamot sa kaniya matapos ma-trauma sa kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang mga magulang. Suhestiyon din ng doktor na huwag muna siyang bumalik sa Pilipinas. Sang-ayon naman ang kaniyang lola at ito ma lamang ang b
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more

Chapter 4

Third-Person's Point of View Habang nasa loob ng banyo si Keith ay pumasok sa kaniyang silid si Madam kasama ang dalawang mga kasambahay na dala ang sapatos at damit na isusuot ni Keith sa kaniyang party. "Keith, apo?" tawag ni Madam nang di siya makita nang sila'y pumasok. Mabilis ipinihit ni Keith ang knob ng shower upang patayin ito nang kaniyang narinig ang pagtawag ni Madam. "I'm here, lola!" pasigaw niyang sagot mula sa loob. "We have your clothes here outside. Iiwan na lang namin dito sa kama with your shoes. Ito ang gamitin mo for tonight, ha! Binili ko pa sa Paris ang mga 'to noong fashion week. Alam kong babagay sa'yo!" pasigaw na tugon ni Madam. "Okay, lola. Thank you!" "Anything for my apo," malambing ng turan ni Madam bago niya niyaya ang mga kasambahay na ilapag na sa kama ang kanilang mga dala. Nang lumabas si Keith, wala na sa silid ang mga ito. Tanging tuwalya lamang ang tumatabing sa ibabang parte ng katawan ng binata. Tumutulo pa ang tubig mula sa kani
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

Chapter 5

Hindi mapakali si Keith habang nasa party. Humahaba ng ang kaniyang leeg kahahanap sa kaniyang lola na hindi pa rin nagpapakita kahit hiniling na ng MC na samahan niya si Keith sa harapan. Nang hindi na makatiis, he excused himself sa MC at idinahilan na kailangan niyang magbanyo sandali. Nagmadali siya paglalakad na halos patakbo na para hagilapin si Madam. Nagkasalubong sila Mercedes, ang kanilang mayordoma sa mansyon. "Have you seen, lola?" tanong niya rito at kunot-noong umiling si Mercedes. "Ang sabi niya kanina aakyat lang siya sandali. Akala ko nakababa na, iho," ani Mercedes nang kaniyang maalala. Akmang tatakbuhin na sana ni Keith ang hagdan upang tingnan sa kaniyang silid ang abuela ngunit nakita na niya itong pababa. "Oh, God, lola! I thought something happened to you!" bulalas nito na alalang-alala. "Nasa taas lang ako. Nagpalit ng damit dahil naiinitan ako sa suot ko kanina," sagot ni Madam. Pilit itinatago ang nararamdaman di maganda. Uminom na siya ng gam
last updateLast Updated : 2024-10-18
Read more

Chapter 6

Keith's Point of View After grandma's operation, nanatili siyang walang malay. They transferred her to the most comfortable room they had at kinabitan ng kung ano-anong mga equipment to make sure she's doing fine while she sleeps. Nakausap ko ang doctor niya. He told me Grandma will take time to recover. I couldn't help but watch her all through the night. Nakaidlip lang ng ilang minuto pero dahil oras-oras ay may pumapasok ng nurse to check Grandma, napakahirap makakuha ng tulog. I was sitting on a chair close to my grandmother's bed. Hawak ko ang kamay niya at doon nakaidlip ako. Hindi ko alam kung gaano katagal, but I knew I slept. Nagising ako sa pagkatok sa pinto. Nang imulat ko ang aking mga mata ay maliwanag na sa labas. Hinayaan ko lang ang kumatok na 'yon sa pag-aakalang isa sa mga nurse. I went to the restroom to wash my face at nang matapos, I heard someone was knocking again. Dumiretso ako sa pinto after magpunas ng mukha using the clean towel na nakarolyo sa
last updateLast Updated : 2024-10-21
Read more

Chapter 7

Third-person's Point of View Sa pagpasok nina Keith sa assembly hall, isang masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ng kaniyang tiyuhin. Habang ang lahat ng naroon ay nakangiti siyang binati sa kaniyang pagdating at nakikisimpatiya sa biglaang pagkaka-ospital ng kaniyang lola, si Frank naman ay walang pagsidlan ang inis na nararamdaman para sa kaniyang pamangkin. Sinadya nitong hindi ipaalam kay Keith ang meeting at hindi niya akalain na magagawa nitong makarating gayong isi-net niya nang ganoon kaaga para hindi ito makahabol sakaliman na makarating kay Keith ang balita. Dahil sa naging reaksyon ng mga tao sa loob, napilitan si Frank na umarte na masaya rin siyang nakarating ito sa tamang oras. "Salamat naman at nakarating ka, Keith. We're about to start!" Palihim na napangisi si Keith. "I'm sorry that I came a little late. Huli ko na po kasing nalaman na may meeting pala and surprisingly, everyone are here," untag nito. Lahat ng nakarinig ng sinabi niya ay nagulat. Napalin
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

Chapter 8

Merrill's Point of View Araw ng Huwebes at naka-schedule ang check-up ni Papa sa Baypointe Hospital sa Subic. Maaga pa lamang ay bumiyahe na kami upang hindi maipit sa traffic ngunit habang nasa daan ay panay ang reklamo niya na masakit daw ang kaniyang tiyan paikot sa kaniyang balakang at likod. "Aray...ang sakit talaga, mahal." Nakakaawa ang itsura ni Papa habang namimilipit sa sakit. "Mawawala rin 'yan, mahal, kapag umipekto na ang gamot," wika ni Mama habang inaalo ito. Ang hirap niyang tingnan nang mga oras na 'yon. Pinagpapawisan siya nang butil-butil. Agad pinupunasan ni Mama ang mga pawis niya dahil pati ang suot nitong damit ay basa na kahit may aircon naman sa likod ng L300. Nang tumalab na ang gamot ay ilang oras na tahimik lang Papa. Parang walang nangyari at nakatulog siya habang nakahiga sa mahabang upuan at ang hita ni Mama ang kaniyang unan. Nasa Cabangan na kami nang magising siya. Napapahiyaw sa sobrang sakit na nararamdaman at kahit ang driver namin na
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more

Chapter 9

Merrill's Point of View Nanatiling nakatakip ang kamay niya sa bibig ko hanggang sa tumango ako. Unti-unti niyang inalis ang kamay niya. Kumakabog na ang dibdib ko habang papalapit ang mga kalalakihan sa labas sa pag-check sa lahat ng mga cubicle. Nasa bandang dulo kami at nang makita ko ang anino ng isa sa kanila sa tapat ng pinto ng cubicle kung nasaan kami ay agad akong sumigaw. "Hoy! Ano'ng ginagawa ninyo? Mga manyakis ba kayo ay dito n'yo pa naisip sa ospital maghanap ng mamanyakin?!" "Boss, may tao!" pasigaw na anunsyo ng isa sa kanila. "Buksan mo!" Nataranta ako sa naging sagot nito. Sinubukang buksan ng lalaki ang pinto ngunit hinawakan ko ang mismong lock sa loob upang hindi basta-basta mabuksan pero bigla nitong sinipa ang pinto dahilan para mabitawan ko ang lock nang bigla itong kumalabog. "Siraulo ka ba?! Saklolo! Tulong! May mga manyak po rito! Tumawag po kayo ng pulis!" Pilit ko nilakasan ang pagsigaw ko upang maalarma ang mga ito. "Tulong!!" "Bakit kayo nan
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more

Chapter 10

Keith's Point of View I can't believe someone would take that measure para mapatahimik ako. They didn't know they only prove they are hiding something na ayaw nilang malaman ko. Akala siguro nila ay ganoon na lang kadali silang makakawala. I'm not going to let them hurt me or my Grandma! "Sir, Keith, nakausap ko na ang mga pulis. They will put you and Madam under surveillance. May kilala rin ang lolo ko na p'wedeng makatulong para tiyak ang kaligtasan ninyong dalawa ni Madam," wika ni Elias. "Salamat," akin namang sagot. Sa sobrang busy ko, hindi ko namalayan ang mabilis na pagdaan ng mga araw. Tatlong araw pa lamang simula ng maging temporary President ako nang kompanya. Ang mga folder na ibinigay ni Elias sa akin ang pinakatinutukan ko sa lahat. Ang mga pangalan na naroon ay isa-isa kong inilista. Those folders were filed according to their dates, kaya naman ang mga latest ang mga nasa ibabaw at ang mga empleyadong involved sa mga pagnanakaw ng pondo ng mga kontrata a
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status