"Hi, Merrill!" Pumasok si Doc Trixie sa loob ng silid nang makalabas na ang nurse. May dala siyang clipboard at tila may binabasa roon habang nakangiti."Hello po, Doc," ganti ko sa kaniya.Nag-angat siya ng tingin at tila may dalang magandang balita base sa ningning ng kaniyang mga mata kaya bumangon muna ako at naupo sa kama. Doon ko lang napansin na may nakakabit na dextrose sa aking braso. "Aalisin ko rin 'yan maya-maya kapag okay ka na. Baka mahilo ka na naman kasi," anito sa akin nang mapansin kung saan ako nakatingin."O-okay po, Doc," sagot ko nang naiilang. Pakiramdam ko kasi ang O.A masyado na kabitan pa ako suwero e ang dahilan ng pagkahilo ko ay gutom lang. "By the way, we already took you a blood sample for a test. Halos isang oras ka rin kasing nakatulog and Mr. Lee needed to leave for his next meeting. I will announce the result once Mr. Lee returned. For now, kumain ka muna to get more energy. If you need anything, I'll be outside lang," wika nito saka nagpaalam. I
Last Updated : 2025-01-28 Read more