Home / Urban / MAMAW: Pahiram ng Kasalanan / Chapter 11 The Plans

Share

Chapter 11 The Plans

Author: Armand Panday
last update Huling Na-update: 2023-01-12 11:56:13
MULING dinalaw ni Oliver si Aling Lagring na tulad ng dati ay tuwang-tuwa tuwing dumarating siya. Naroroon rin si Eliza at tulad ng dati ay may dala itong mga kakanin. Masayang masaya ang matanda habang naghahain ng tinolang native chicken.

“Alam nyo sir, talagang masayang masaya ako kapag dumadalaw ka.” Walang pagsidlan sa tuwang sabi ng matanda. “Sana po ay madalas kayong dumalaw.”

“Pasensiya na po kung paminsan-minsan lang akong pumarito. Sobrang busy po kasi.”

“Oo nga po sir.” Sabat naman ni Eliza. “Palagi ka po niyang hinihintay. Kapag naririto ka po kasi, nalilibang siya at nakakalimutan niya ang kanyng anak na si Banjo.”

May hapding nadama si Oliver sa narinig. Kung puwede nga lang sana ay ipagtapat na niya ang totoo na siya naman talaga si Banjo. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Naisip niyang hindi pa panahon.

“Hayaan nyo po, baka madadalas ang pagdalaw ko sa inyo kapag nasimulan ang iniisip kong project dito sa lugar nyo.”

“Talaga sir.” Gumuhit ang tuwa sa mukha ni Aling Lagr
Armand Panday

Hello dear readers. Hope you are enjoying Mamaw. Sana po ay patuloy niyo itong surportahan at share nyo rin sa mga friends nyo. Muli Maraming Salamat.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 12 The Politician

    CONGRESSMAN Welmor De Asis’s mansion was lavish even from exterior dahil sa laki nito kahit sa malayo ay mapapansin kaagad. Nababakuran ito ng mataas at well-guarded. Malayo pa lamang ay matatanaw na ito dahil bukod tangi ang laki at kumpara sa mga ibang bahay sa paligid na ang karamihan ay barong-barong at ang iba naman ay maliliit lamang kumpara sa mansion.Ang tayog ng mansiyon ay tila nagmamayabang dahil matatagpuan ito sa medyo mataas ng lugar. Samantalang ang mga kapitbahay ay tila larawan ng isang pamayanang dukha at mabagal ang asenso. Ayon kasi kay Eliza wala namang mga pangkabuhayang proyekto si Congressman Welmor at nagpapakita lang sa tao kapag election.Isang tipikal na naninilbihan daw sa bayan ngunit sariling bulsa lang ang pinupuno. Walang pakialam sa kanyang mga nasasakupan na dapat sana ay kanyang pinaglilingkuran. Na dapat sana ay sinasamantala niya ang pagkakataong makatulong sa kapwa dahil nasa kapangyarihan siya at may kakayahang tumulong.Malungkot na napailing

    Huling Na-update : 2023-01-14
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 13 Soon

    PAK!“Ta**ina! Bakit mo ako sinampal?” Galit na protesta ni Mrs. De Asis dahil sa tinanggap na malutong na sampal mula kay Congressman na ikinabigla niya.“Malandi ka. Hindi mo na ko binigyan ng kahihiyan.” Nagngangalit ang mga bagang na sagot ni Welmor. “At harap harapan pa talaga na nagpakita ka ng pagkagusto kay Oliver Calderon.”Isang maikling tawa muna ang pinakawalan ni Mrs. De Asis bago nagsalita. “Masakit ba?”Lalong ikinagalit ni Welmor ang tila panlilibak sa kanya ng asawa at akmang sasampalin niya ito uli ngunit naging mabilis si Mrs. De Asis. Nasalag nito ang sampal at sa halip ay isang malakas na suntok ang iginanti nito. Sapol sa mukha si Welmor at tila hindi pa nakuntento ay sinundan pa ni Mrs. De Asis ng sipa sa pagitan ng mga hita ang Congressman. Namilipit ito sa sakit. Akmang susundan pa sana ng isang tadyak ngunit naging maagap na ang Congressman.“T-Tama na Hon. Ayoko ko na.”Pinitsirahan ni Mrs. De Asis si Welmor. “Ikaw, matagal na akong nagtitimpi sa’yo. Gusto m

    Huling Na-update : 2023-01-21
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 14 Judgement Day

    NASA kalagitnaan ng kanyang klase si Teacher Bernadette De Mesa ng tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw lamang ng kanyang mesa. Napatingin siya sa screen at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makilala kung sino ang tumatawag. Si Oliver Calderon. Kagabi ay ka-chat niya ito at halos hindi siya makatulog magdamag dahil sa excitement. Tinotoo nga nito ang pangako na tatawagan siya at heto na nga.“Excuse me class. I have to take this call.” Nakangiting sabi. “Please continue reading the next chapter.”Nagmamadaling lumabas ng classroom si Ma’am Badette at saka sinagot si Oliver. “Hello Sir.”Isang baretonong tinig ang sumagot mula sa kabilang linya. “Hi naistorbo ba kita? Saka di ba sabi ko sayo kagabi, Oliver na lang ang itawag mo sa akin.”Tila dalagitang kinilig at humagikhik muna ang teacher bago sumagot. “Ayy Oo nga pala. Sorry. Sige basta Badette na rin lang ang itawag mo sa akin.”“Sige Badette.”“Sweet mo naman.” Malambing na sagot.” Tinotoo mo nga ang promise mo

    Huling Na-update : 2023-01-25
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 15 Same feather

    A night to remember ang peg na inihanda ni Oliver kay Ma’am Badette. Dinner for two sa isang mamahaling restaurant na nasa roof top ng mamahaling hotel. Masasarap na pagkain at alak ang inorder niya ng gabing iyon. Mga pagkain at inuming tanging mayayaman lamang ang nakaka-afford. Alam niyang bago sa guro ang ganoong experience kaya sinadya niyang lalo itong itaas sa rurok ng expectations. It was almost perfect dream date for any woman.Tila inilulutang sa ulap naman ang pakiramdam ni Ma’am Badette lalo na ng lumapit ang dalawang musicians at tinugtugan sila ng isang napaka-romantic na musika na lalong nagpakilig kay Ma’am Badette.The ambience was so solemn and the night was enticing almost a perfect picture of romance. Ang mga ilaw na sadyang inihanda ng venue para sa mga special occasions ay nag-aanyaya at tila mga bituing kumikislap sa kalangitan.Naluha sa galak si Ma’am Badette ng yayain siya ni Oliver na sumayaw sa saliw ng matamis ng musika.“O bakit ka umiiyak?” puna ni Olive

    Huling Na-update : 2023-01-30
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 16 Miguel Vergara

    NANG bumalik kinabukasan si Oliver ay kasama na niya si Atty. Jack Donde. Nasa bahay na nina Elisa ang kuya niyang si Miguel Vergara. Nakapagbayad ng piyansa ng maaga si Elisa para sa pansamantalang kalayaan ng kuya niya.Inayos muna ni Atty Jack ang kanyang salamin at saka binalingan si Miguel. “Ikuwento mo sa akin ang buong pangyayari para magawan ko ng legal na action.”“Opo. Ganito po ang nangyari Attorney.”Ayon kay Miguel ay napadaan raw siya sa mga tauhan ni Mayor na siyang nakatalaga sa pagsasa-ayos ng trapiko. Totoong wala siyang helmet kaya tumigil muna siya sa isang tabi. Nag-iisip di umano si Miguel kung babalik na lamang at iikot sa kabilang daan kahit medyo malayo. Ngunit ng may mga dumaang motor na wala ring helmet ang driver na may tatlo pa ang angkas na bawal rin ayon sa batas, ay ipinasiya niyang tumuloy na rin. Sumaludo pa di umano ang dalawang naka-motor na wala ring helmet sa nagta-traffic na enforcer na halatang magkakakilala.Ngunit ng siya na ang dumaan ay hina

    Huling Na-update : 2023-02-05
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 17 Marriage of benefits

    HABANG papunta sa Hotel na sinabi ni Mrs. De Asis na lugar ng kanilang meeting ay maraming naglalaro sa isip ni Oliver. Kanina ng tumawag si Elizabeth De Asis ay business meeting ang imbitasyon nito para daw mapag-usapan nila kung ano ang mga specification ng Hospital na binabalak niyang itayo. At upang magawa na ang layout at building plans. Fine enough at gusto niyang maniwala sa sinabi nitong dahilan ngunit may duda siya na hindi lamang iyon ang tanging dahilan. May reserbadong Hotel Suite si Mrs. De Asis. May kasama itong Engineeer at Architect.Sa umpisa ay pure business ang usapan ngunit ng matapos ang meeting at makaalis ang dalawa at sila na lang ang naiwan ay naging agresibo na ito.“I want to be frank Mr. Calderon.” Malambing ang tinig ng sabi habang hawak ang kamay ni Oliver.”Gusto kita at hindi naman siguro kalabisan if we will sealed our project with something intimate. I will consider a night with you as a bonus.”“Hindi ka ba natatakot sa asawa mo?”“He is nothing. Huwa

    Huling Na-update : 2023-02-10
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 18 The First Born

    Sometimes fate intervene in everybody’s dream. Chantal Meraville never saw it coming. A promising model beauty queen and now...Unti-unting binubuksan ni Chantal and isang kuwarto. Maingat at palinga-linga upang tiyakin kung may mga matang nagmamasid sa kanya. Daig pa ang isang magnanakaw ang bawat kilos ngunit napahinto siya ng makita ang sarili sa salamin.“S-Sino ka?” naitanong niya dahil hindi na rin niya nakilala ang sarili sa salamin.Ang babae sa salamin ay payat na payat at humpak ang mga pisngi, nanlalalim ang mga mata, magulo ang buhok at tila nanlilimahid ang katawan. Halatang kulang sa tulog at bihirang maligo.Nanlilisik ang mga matang muling pinagmasdan ni Chantal ang sarili sa salamin.“Sino ka nga. Bakit palagi mo akong sinusundan” sigaw niya habang unti-unting nilalapitan ang salamin.Sa kabilang dinding ay naroroon naman ang isang life size na larawan niya. Maganda. Maalindog at puno ng buhay. Larawan yon ng maging finalist siya sa isang beauty pageant. Kabaliktaran

    Huling Na-update : 2023-02-28
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 19 The Teacher

    Kung minsan ay nadadala tayo sa kung ano at sino tayo sa ating paniniwala. It’s human nature that we pride about our looks and achievements. At madalas ay naliligaw na tayo sa ating sariling paniniwala. Halimbawa’y naging successful na tayong negosyante o kaya kinikilala na tayo sa ating profession kaya’t nagiging napakataas na ng tingin natin sa sarili.Kung minsan we are carried away. We tend to stoop down to those lesser in satatus. Hindi man sinasadya ngunit madalas ay nadadala tayo ng pagiging tao lamang. We tend to boost with our achievements. And the irony is that we cling to our status to show that we are different. Gusto nating makita ng ibang tao na naiiba tayo. Na mas magaling tayo at matalino. Iyon bang tipong yabang na ang dating na minsan kahit wala namang nagtatanong ay kusa nating ikinukuwento ang tungkol sa ating nagawa na. Madalas na ipinangangalandakan nating nakabili tayo ng bagong kotse, bahay at bagong ari-arian.Teacher Baddette was no different. From being poor

    Huling Na-update : 2023-03-12

Pinakabagong kabanata

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 45 Dangerous Reunion

    NANG magising si Oliver ng umagang iyon ay muli niyang naramdaman ang matinding pagnanasa sa babae. Bumalik na nga ng tuluyan ang sigla ng kanyang pagkalalaki. Muli niyang naalala ang mga babaeng dumaan sa kanyang buhay.Marami sa mga ito ang sadyang nagpaalab ng husto sa kanyang pagkalalaki. Isa na roon si Chantal Meraville. Hindi yon nakapagtataka dahil sadya namang maganda ang hubog ng katawan ni Chantal. Isa itong beauty queen finalist kaya bukod sa maamong mukha ay may taglay itong mapanghalinang katawan.Ang ibang babae ay sakto lang. Iyon naman ay nagawa niyang ikama dahil sa pansariling dahilan. Paghihiganti. Sa lahat ng mga babaeng iyon ay ipinagtataka niya kung bakit si Elisa ang nagawa niyang pakasalan. Walang dating sa kanya si Elisa. Walang sex appeal ika nga. Naisip niyang marahil ay nangungulila siya noon at naguguluhan dahil sa kawalan niya ng kakayahang makipagtalik. Isang probinsiyana si Elisa at siguradong wala pa itong karanasan sa kama kaya siguradong hindi siya m

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 44 The meeting

    Lumabas muna ng bahay si Elisa upang sumagap ng malinaw na signal ng telepono bago sinagot ang tawag ni Artem. Abot-abot ang kanyang kaba dahail tiyak na may kinalaman kay Oliver ang pagtawag ng dating driver/body guard nito.“Hello Artem.”“Ma’am Elisa. Kailangan hong magkausap tayo. Importante ho ang sasabihin ko. Kung puwede po ay lumuwas kayo ng Maynila.”“Tungkol ba ito kay Oliver?”“Opo ma’am. Mahirap po kasing ipaliwanag sa telepono kaya kailangang makita nyo ho mismo.”Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elisa kaya pagkatapos ihanda ang mga iiwanan ay lumuwas na kaagad ito. Doon sila nagtagpo ni Artem sa tapat ng mansiyon ni Oliver. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman niya sa pahapyaw na balita ni Artem. Buhay si Oliver at Dr. Leonardo.“Tulad ho ng pangako ko sa inyo ay nag-imbistiga ako kaya madalas ho akong dumaan dito sa mansiyon ma’am. Nakita ko ho si Sir Oliver at Dr. Leonardo na pumasok sa loob sakay ng kanilang kotse.”“Nakausap mo ba si Oliver? Kumusta na siya?” e

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 43 Doubt

    Nang makauwi si Elisa ay dinatnan niya sa kanila si Teacher Badette na kasama ang anak na si Junior. Ipinangalan ito sa kanyang ama kaya Oliver Calderon Jr. at Junior ang palayaw. Nagpapalahaw ng iyak ang bata kahit pa nga ipinaghehele na ito ni Aling Lagring.“Ang tagal mo naman Elisa. Kanina pa ako naghihintay sa’yo.” Bungad protesta kaagad ni Teacher Badette.Sadyang hindi pinansin ni Elisa si Teacher Badette sa halip ay si Aling Lagring ang kinausap.“Bakit ho ba umiiyak yan Aling Lagring.”“May kabag. Nilagyan ko na ang gamot.” Sagot naman ni Aling Lagring na ipinaghehele pa rin ang bata.Kinuha ni Elisa ang bata at saka pinahiga ng padapa sa kama. Ilang sandali pa ay tumigil na ito sa kaiiyak. Tuwang-tuwa namang nakatingin sina Vino at Eliseo sa bata na ngayon ay ngumingiti na at nakatingin rin sa kanila.“Kamukha, Vino ang baby.” Puna ni Eliseo.“Ikaw kamukha.” Sagot naman ni Vino.“Magkakamukha kayo. Pareho kayong mga panget.” Inis na singit ni Teacher Badette.“Huwag n’yo nam

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 42 Between Choices

    Ilang araw na ang nakakaraan ngunit tumatanggi pa rin ang isipan ni Elisa na paniwalaang wala na si Oliver. Halos wala na siyang mailuha. Mahigpit ang tangan niya palagi sa kanyang celfone at binabalikan ang masasayang pictures nila ni Oliver lalo na noong magkasama sila sa tabing dagat. Lalo siyang napaiyak habang pinagmamasadan ang mga iyon. Nakangiti at poging-pogi si Oliver sa mga kuhang larawan.Walang pagsidlan sa katuwaan ang puso noon ni Elisa. Daig pa niya ang nasa cloud nine. Ang pakiramdam niya noon ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. Isang guwapo, mabait at mapagmahal si Oliver at alam niyang maraming mga kababaihan ang nagkakandarapa para lamang mapansin ni Oliver Calderon at sa kabila ng siya ay isang simple at mahirap lamang ay siya ang pinili nitong pakasalan.“Mama, utom na ko.” Pabulol na banggit ni Vino.“Gatat, mama. Gusto ko gatat.” Ungot naman ni Eliseo.Dahil malalim ang iniisip ay nawala panandalian sa isipan ni Elisa na tanghali na pala at

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 41 Disappearance

    NAGKAROON ng ibang kumplikasyon ang sakit ni Aling Lagring kaya’t tumagal sa probinsiya si Elisa. At habang nagdaraan ng mga araw ay lalo niyang naramdaman ang sobrang pananabik kay Oliver. May mga pagkakataong naiiyak siya sa gabi dahil sa pangungulila lalo na kapag sumasagi sa kanyang isip ang kalagayan nito.Gustuhin man niyang alagaan ito at palaging nasa tabi ay hindi rin naman niya maiwan si Aling Lagring lalo pa’t mahigpit ang bilin ni Oliver na huwag itong iiwanan dahil walang mag-aasikaso. Tanging sa telepono lamang sila nagkakausap ni Oliver at masaya na rin sana siya sa ganoong set up.Ngunit isang araw ay hindi na niya makontak ang telepono ni Oliver. Nag-umpisa na siyang kabahan ng kung ilang araw na niyang tinatawagan ito ngunit cannot be reached or unattended.“Hindi ko matawagan ang cellphone ng sir mo?” Sabi niya sa driver body guard na si Artem. Dahil sa kagustuhan ni Oliver ay si Elisa muna ang binabantayan nito. Baka raw kasi may magtangka rin sa buhay nito.“Ako n

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 40 Uglier

    Abot-abot ang kaba at panay ang usal ng panalangin ni Elisa habang tinatanggal ang benda sa mukha ni Oliver. Mahigpit ang kuyom ng kanyang mga palad na para bang doon siya kumukuha ng lakas ng loob.Habang unti-unting tinatanggal ng doctor ang benda ay tahimik namang nakatingin sa malayo si Oliver. Malalim ang iniisip at tila hindi pa rin nagsi-sinked in sa kanyang kamalayan na ngayon ay muli siyang babalik sa pagiging Banjo Canoy o baka mas malala pa. Kung noon ay natural ang pagiging panget niya ay ngayon ay malamang na maging mas malala dahil sa mga pelat na maidudulot ng mga sugat na tinamo.Nang tuluyang matanggal ang benda ay halos napatulala ang lahat. Sinipat ni Oliver ang kanyang sarili sa salamin. Napatiim bagang siya. Sobrang na damage ang kanyang mukha. Ang bakas ng mga patalim ay nagdulot ng malalim na uka. Halos magsara na ang isang mata niya at ang ilong ay tuluyang natabingi. Ang kanyang mga labi ay tuluyan nang nabengot kaya’t hindi niya tuluyang maisara ang bibig. La

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 39 The Clone

    NASA private room na si Oliver ng dumating sa hospital si Elisa. Inabutan nila si Marco, ang exectutive assistant ni Oliver at si Artem na noon ay nakaupo sa isang wheelchair. May mga nakakabit pang dextrose kay Artem ngunit ligtas na ito at nagagawa ng kumilos.“Kumusta na siya?” tanging naitanong ni Elisa habang pinipigilan ang pagluha.“Hindi pa rin nagkakamalay pero ang sabi ng doctor ay ligtas na rin naman siya sa ngayon.” Matapat na sagot ni Marco. “Huwag lang daw magkaroon ng mga kumplikasyon.”Noon na napahagolgol ng iyak si Elisa. Tahimik namang niyakap siya ni Aling Rhodora na umiiyak rin.Balot na balot ng bandage ang buong mukha ni Oliver. Maraming nakakabit na apparatus sa katawan. Awang-awang hinawakan ni Elisa ang kamay ni Oliver.“Oliver. Si Elisa ito. Sana ay gumising ka na.” pabulong na sambit ni Elisa. “Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan please. Mahal na mahal kita.”Tila narinig ni Oliver ang bulong ni Elisa kaya’t gumalaw ng bahagya ang mga daliri nito. Sumulak

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 38 In love and pain

    Ngunit walang gustong bumiyahe ng gabi sa mga nilapitan ni Elisa. Ang iba ay pagod na raw at ang ilan naman ay natatakot dahil nga maghahating gabi na. May isa namang pumayag ngunit kinabukasan na ang gusto dahil wala pa raw siyang pahinga mula sa mag-hapong biyahe. Malungkot at bigong umuwi si Elisa.“Ang mabuti pa siguro ay matulog ka na muna Elisa.” Suhestiyon naman ni Aling Lagring. “Kailangan mo rin ng pahinga.”“Sige po Aling Lagring. Matulog na rin po kayo?”Ngunit mailap ang antok ng gabing iyon para kay Elisa. Wala pa raw malay si Oliver at habang tumatagal ay lalong tumitindi ang kanyang kaba. Hindi nawawala sa kanyang isip ang matinding pag-aalala kay Oliver. Napapaiyak siya tuwing naalala ang kalagayan nito sa hospital. Ayon kay Artem ay wala pa rin itong malay dahil sa dami ng dugong nawala bunga ng matinding tama sa ulo at mukha.Naitanong tuloy ni Elisa sa sarili kung bakit sadyang mapag-laro ang tadhana. Kung kaylan siya nagkaroon ng pag-ibig ay tila babawiin pa kaagad

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 37 Kiss of Death

    Ang truck na mabagal na tumatawid ay tuluyan nang huminto kaya’t napilitan si Artem na bumagal ng takbo upang hindi sumalpok sa truck ngunit ng lumingon siya ay isang sasakyan ang mabilis na tumatakbo mula sa kanang bahagi ng intersection at bago pa nakahuma si Artem ay binangga na sila nito.Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang kanilang sasakyan at nagpagulong-gulong sa kalsada. Duguan si Artem at nawalan kaagad ng malay dahil sa matinding tama sa ulo ng sumalpok sa bahagi ng sasakyan.Saglit na nawalan ng malay si Oliver at ng magkamalay siya ay dalawang lalake ang humihila sa kanya papalabas ng sasakyan. Sa kanyang nanlalabong paningin ay dinig niya ang isang pamilyar na tinig.“Huwag ninyong papatayin yan.” Sigaw ng boses na lumalapit kay Oliver. “Hindi siya dapat mamatay kaagad. Kailangang pagbayaran niya ang ginawa niya sa akin. Kailangan niyang magdusa ng unti-unti tulad ng pagdurusa ko sa kulungan.”Walang gaanong dumadaan sa lugar na yon kaya tila hindi nagmamadali ang m

DMCA.com Protection Status