NANG magising si Oliver ng umagang iyon ay muli niyang naramdaman ang matinding pagnanasa sa babae. Bumalik na nga ng tuluyan ang sigla ng kanyang pagkalalaki. Muli niyang naalala ang mga babaeng dumaan sa kanyang buhay.Marami sa mga ito ang sadyang nagpaalab ng husto sa kanyang pagkalalaki. Isa na roon si Chantal Meraville. Hindi yon nakapagtataka dahil sadya namang maganda ang hubog ng katawan ni Chantal. Isa itong beauty queen finalist kaya bukod sa maamong mukha ay may taglay itong mapanghalinang katawan.Ang ibang babae ay sakto lang. Iyon naman ay nagawa niyang ikama dahil sa pansariling dahilan. Paghihiganti. Sa lahat ng mga babaeng iyon ay ipinagtataka niya kung bakit si Elisa ang nagawa niyang pakasalan. Walang dating sa kanya si Elisa. Walang sex appeal ika nga. Naisip niyang marahil ay nangungulila siya noon at naguguluhan dahil sa kawalan niya ng kakayahang makipagtalik. Isang probinsiyana si Elisa at siguradong wala pa itong karanasan sa kama kaya siguradong hindi siya m
ENGAGEMENT party nina Chantal Meraville at Artis Saldivar. Ang magarang gayak ng mansiyon ng mg Saldivar ay punong-puno ng buhay. Ang mga panauhin ay mula sa mataas na antas ng lipunan. Mga kilalang pulitiko, entertainment people at mga negosyante. Ang kanilang kasoutan ay larawan ng rangya at ang mga alahas ng mga kababaihan ay nagkikislapan sa tuwing tatamaan ng liwanag.Ang pamilya Saldivar ay kilalang negosyante sa larangan ng import and export at si Artis Saldivar ay ang nag-iisang taga-pagmana ni Don Arcadio Saldivar. Kabilang sila sa iilang taong pinakamayan sa buong bansa.Ang ngiti ni Chantal Meraville ay lalong nag-patingkad sa kanyang ganda. Siya ay isang model at beauty finalist sa katatapos pa lang ng Miss Beauty pageant na ginanap pa sa ibang bansa.Napasulyap siya sa kanyang future husband. Abala si Artis sa pakikpag-usap sa kanilang mga bisitang negosyante. Tumamlay ang ngiti ni Chantal bagay na napuna ng best friend na si Diana.“What’s wrong?” punang tanong ni Diana.
HINDI halos nakatulog magdamag si Chantal. Hindi mawala sa kanyang isip ang mukha ni Oliver Calderon. Sinusundan siya nito maging sa kanyang panaginip. In her dream they make love at nakakatawang kahit sa panaginip ay naabot niya ang rurok ng kaligayahan na kayang madama ng isang babae.It made her wanting for the man even stonger. Oliver Calderon is becoming her obsession. Nang dumulog siya sa mesa para mag-almusal ay napuna siya ng kapatid dahil sa kanyang eye bags.“Hindi ka nakatulog ate?” Puna ng kanyang nakababatang kapatid na si Sanya Mae. “Siguro sobra kang excited sa nalalapit n’yong kasal ni Kuya Artis.That was the opposite sa loob loob niya ngunit pinili niyang ayunan na lamang ang kapatid.“Yeah. I guesss.” Maikli niyang tugon.Ang mama niyang si Aling Elena ay tahimik lamang na pinagmamasdan ang mga anak na nag-aalumusal. At bilang ina ay may napuna siya kay Chantal.“Parang matamlay ka anak.” Puna ng ina.“Hindi lang ho ako nakatulog ng maayos Mama.”“Ang mabuti pa ay b
ISANG bayan yon sa lalawigan ng Rizal na malapit lamang sa Metro Manila ang tinungo ni Oliver. Huminto ang kanyang kotse sa tapat ng isang ordinaryong bahay. Isang matandang babae ang lumabas at masayang sumalubong.“Good morning po sir Oliver.” Bungad bati nang nakangiting si Aling Lagring.Umibis sa kanyang kotse si Oliver. “Si Aling Lagring talaga. Sabi ko naman sa’yo alisin mo na ang sir. Oliver na lang po.”“Pasensiya ka na talaga sir. Hindi pa rin kasi ako masanay. Mayaman ho kayo at sobra po ang pag-galang ko sa inyo kaya sir ang tawag ko po.”“Kayo po talaga. Payakap nga po.”Mahigpit na yumakap si Aling Lagring at muli na namang tumulo ang mga luha nito tulad ng dati kapag niyayakap niya.Suminghot-singhot bago nagsalita. “Alam mo sir. Kapag yakap kita ay palagi kong naalala ang anak kong si Banjo.”Napapikit ng mariin si Oliver sa narinig. Pinigilan niya ang nang-gigilid na mga luhang sumilay sa sulok ng kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ng matanda.Hindi pa panahon, na
ANG Calderon Medical Center ay isang state of the Arts facility na matatagpuan sa hindi kalayuan sa mansiyon. Bukod sa kanyang export and import business ay pinamamahalaan rin ito ni Oliver. Ang hospital ay family owned at meron din siyang upisina dito. Mula nang bumalik siya mula sa amerika ay personal na niya itong pinangasiwaan.Limang palapag ang ospital at nasa fifth floor ang kanyang upisina. Sumakay ng elevator si Oliver at ang bawa’t nurse at doctors na nakasabay niya ay bumati at nagbigay galang.Ang mga babaeng nurse ay hindi mapigilan ang sumulyap sa kanya at ng siya ay umibis na ng elevator ay dinig niya ang mga bulungan.“Ang guwapo talaga ni sir.” Dinig niyang sabi ng isa na halata ang kilig sa boses.“Oo nga.” Sagot naman ng isa pa. “Nakakalaglag underware ang ngiti.”“Hoy mga bruha. Tigilan niyo na ang pag-papantasya. Hindi kayo bagay kay sir.” Saway naman ng isng nurse na bading.“Hoy inggit ka lang kasi kami may pag-asa pang mapansin. Ikaw…waley.” Inis namang sagot n
Isang maliit na paggamutang pambayan ang pinagdalhan sa kanila. Pagdating pa lamang nila ay tuliro na ang mga nurse at doctor sa pag-aasikaso. Sa tingin niya noon, ay talagang espesyal ang lalaking iniligtas niya at sa kilos pa lamang ng mga doctor ay naroroon ang respeto at pag-aalala.Nakita niya kung paano asikasuhin ang lalaki. Kung ordinaryong tao lamang marahil ang mga naaksidente ay baka hindi kaagad ito inasikaso hangga’t walang pang-down payment. Ganoon kasi sa paggamutang bayan sa kanila. Minsan ay sumakit ng todo ang tiyan ni Aling Lagring at isinugod niya sa hospital ngunit halos hindi sila iniintindi lalo’t kulang ang dala nilang pera. Samantalang ang lalaking ito ay sinundo pa mismo ng ambulansiya ng ospital.Ang babae naman ay nagkamalay na rin at inasikaso rin at nakita niyang iyak pa rin ito ng iyak habang pinapakalma ng mga nurse. Nang mag-hysteria ang babae ay tinurukan ito ng pampatulog.Ilang sandali pa ay may lumapag ng helicopter sa likod ng hospital. Nakita rin
CHANTAL Meraville was full of life kapag kasama siya. Ngunit sa halip na kaawaan niya ito ay lalo niyang kinainisan. Kung noong high school sila ay talaga namang sobra ang paghanga niya sa ganda nito, ngayon ay tila immune na siya sa mga magaganda. Mula ng maging siya si Oliver Calderon, women are not a problem. Maraming nagkakandarapa sa kanya at halos ipagsiksikan ang mga sarili makuha lang ang kanyang antensiyon.Ang kanilang muling pagkikita ay nauwi sa mainit na love making. Nang muling gumapang ang kamay ni Chantal sa kanyang maselang bahagi na tila nagpapahiwatig na gusto pa ng round two ay marahang hinawakan niya ang kamay nito at inalis sa kung saan ito gumagapang at saka siya tumayo at nagsuot na ng saplot sa katawan.“May problema ba honey?” Nagtatakang tanong ni Chantal na tila napahiya sa ginawa niya.“Wala naman. Pagod lang.” Pagdadahilan niya at saka muling nagbukas ng beer mula sa mini-refrigerator ng hotel na pinasok nila.Dahil nasanay na siya sa pakikipagniig sa mga
MINSAN mahirap pala ang maging tanga. Tulad niya noon. Bagong mukha at pagkatao pero naroroon pa rin ang pagiging probinsiyano. Mapagtiwala at hindi gaanong nag-iisip.Dahil sa matagumpay na operasyon na ginawa sa kanya ni Dr. Leonardo ay itinuring na rin siya nitong parang tunay na anak at sa tuwing nakikita siya ng matanda ay nawawala na unti-unti ang pangungulila nito sa tunay na anak. Isang pasiya ang ginawa nito para sa kanya. Dinala siya sa Amerika at pinapag-aral. Ngunit naroroon pa rin ang mahigpit na bilin.“Huwag na huwag mo ipagsasabi kahit kanino ang tunay mong pagkatao.” Halos paulit-ulit natagubilin nito. “Ikaw na si Oliver Calderon. Wala akong pamamanahan ng aking mga ari-arian at ayoko na mapunta ito sa mga kamag-anak kong gustong angkin ang aking mga naipundar.”“Malaki pong responsibilidad ang ibinibigay nyo sa akin Dr. Leonardo.”“Papa na ang itawag mo sa akin. Dapat masanay ka na. Mag-aaral ka dito sa Amerika upang maging handa ka sa magiging responsibilidad na ga
NANG magising si Oliver ng umagang iyon ay muli niyang naramdaman ang matinding pagnanasa sa babae. Bumalik na nga ng tuluyan ang sigla ng kanyang pagkalalaki. Muli niyang naalala ang mga babaeng dumaan sa kanyang buhay.Marami sa mga ito ang sadyang nagpaalab ng husto sa kanyang pagkalalaki. Isa na roon si Chantal Meraville. Hindi yon nakapagtataka dahil sadya namang maganda ang hubog ng katawan ni Chantal. Isa itong beauty queen finalist kaya bukod sa maamong mukha ay may taglay itong mapanghalinang katawan.Ang ibang babae ay sakto lang. Iyon naman ay nagawa niyang ikama dahil sa pansariling dahilan. Paghihiganti. Sa lahat ng mga babaeng iyon ay ipinagtataka niya kung bakit si Elisa ang nagawa niyang pakasalan. Walang dating sa kanya si Elisa. Walang sex appeal ika nga. Naisip niyang marahil ay nangungulila siya noon at naguguluhan dahil sa kawalan niya ng kakayahang makipagtalik. Isang probinsiyana si Elisa at siguradong wala pa itong karanasan sa kama kaya siguradong hindi siya m
Lumabas muna ng bahay si Elisa upang sumagap ng malinaw na signal ng telepono bago sinagot ang tawag ni Artem. Abot-abot ang kanyang kaba dahail tiyak na may kinalaman kay Oliver ang pagtawag ng dating driver/body guard nito.“Hello Artem.”“Ma’am Elisa. Kailangan hong magkausap tayo. Importante ho ang sasabihin ko. Kung puwede po ay lumuwas kayo ng Maynila.”“Tungkol ba ito kay Oliver?”“Opo ma’am. Mahirap po kasing ipaliwanag sa telepono kaya kailangang makita nyo ho mismo.”Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elisa kaya pagkatapos ihanda ang mga iiwanan ay lumuwas na kaagad ito. Doon sila nagtagpo ni Artem sa tapat ng mansiyon ni Oliver. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman niya sa pahapyaw na balita ni Artem. Buhay si Oliver at Dr. Leonardo.“Tulad ho ng pangako ko sa inyo ay nag-imbistiga ako kaya madalas ho akong dumaan dito sa mansiyon ma’am. Nakita ko ho si Sir Oliver at Dr. Leonardo na pumasok sa loob sakay ng kanilang kotse.”“Nakausap mo ba si Oliver? Kumusta na siya?” e
Nang makauwi si Elisa ay dinatnan niya sa kanila si Teacher Badette na kasama ang anak na si Junior. Ipinangalan ito sa kanyang ama kaya Oliver Calderon Jr. at Junior ang palayaw. Nagpapalahaw ng iyak ang bata kahit pa nga ipinaghehele na ito ni Aling Lagring.“Ang tagal mo naman Elisa. Kanina pa ako naghihintay sa’yo.” Bungad protesta kaagad ni Teacher Badette.Sadyang hindi pinansin ni Elisa si Teacher Badette sa halip ay si Aling Lagring ang kinausap.“Bakit ho ba umiiyak yan Aling Lagring.”“May kabag. Nilagyan ko na ang gamot.” Sagot naman ni Aling Lagring na ipinaghehele pa rin ang bata.Kinuha ni Elisa ang bata at saka pinahiga ng padapa sa kama. Ilang sandali pa ay tumigil na ito sa kaiiyak. Tuwang-tuwa namang nakatingin sina Vino at Eliseo sa bata na ngayon ay ngumingiti na at nakatingin rin sa kanila.“Kamukha, Vino ang baby.” Puna ni Eliseo.“Ikaw kamukha.” Sagot naman ni Vino.“Magkakamukha kayo. Pareho kayong mga panget.” Inis na singit ni Teacher Badette.“Huwag n’yo nam
Ilang araw na ang nakakaraan ngunit tumatanggi pa rin ang isipan ni Elisa na paniwalaang wala na si Oliver. Halos wala na siyang mailuha. Mahigpit ang tangan niya palagi sa kanyang celfone at binabalikan ang masasayang pictures nila ni Oliver lalo na noong magkasama sila sa tabing dagat. Lalo siyang napaiyak habang pinagmamasadan ang mga iyon. Nakangiti at poging-pogi si Oliver sa mga kuhang larawan.Walang pagsidlan sa katuwaan ang puso noon ni Elisa. Daig pa niya ang nasa cloud nine. Ang pakiramdam niya noon ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. Isang guwapo, mabait at mapagmahal si Oliver at alam niyang maraming mga kababaihan ang nagkakandarapa para lamang mapansin ni Oliver Calderon at sa kabila ng siya ay isang simple at mahirap lamang ay siya ang pinili nitong pakasalan.“Mama, utom na ko.” Pabulol na banggit ni Vino.“Gatat, mama. Gusto ko gatat.” Ungot naman ni Eliseo.Dahil malalim ang iniisip ay nawala panandalian sa isipan ni Elisa na tanghali na pala at
NAGKAROON ng ibang kumplikasyon ang sakit ni Aling Lagring kaya’t tumagal sa probinsiya si Elisa. At habang nagdaraan ng mga araw ay lalo niyang naramdaman ang sobrang pananabik kay Oliver. May mga pagkakataong naiiyak siya sa gabi dahil sa pangungulila lalo na kapag sumasagi sa kanyang isip ang kalagayan nito.Gustuhin man niyang alagaan ito at palaging nasa tabi ay hindi rin naman niya maiwan si Aling Lagring lalo pa’t mahigpit ang bilin ni Oliver na huwag itong iiwanan dahil walang mag-aasikaso. Tanging sa telepono lamang sila nagkakausap ni Oliver at masaya na rin sana siya sa ganoong set up.Ngunit isang araw ay hindi na niya makontak ang telepono ni Oliver. Nag-umpisa na siyang kabahan ng kung ilang araw na niyang tinatawagan ito ngunit cannot be reached or unattended.“Hindi ko matawagan ang cellphone ng sir mo?” Sabi niya sa driver body guard na si Artem. Dahil sa kagustuhan ni Oliver ay si Elisa muna ang binabantayan nito. Baka raw kasi may magtangka rin sa buhay nito.“Ako n
Abot-abot ang kaba at panay ang usal ng panalangin ni Elisa habang tinatanggal ang benda sa mukha ni Oliver. Mahigpit ang kuyom ng kanyang mga palad na para bang doon siya kumukuha ng lakas ng loob.Habang unti-unting tinatanggal ng doctor ang benda ay tahimik namang nakatingin sa malayo si Oliver. Malalim ang iniisip at tila hindi pa rin nagsi-sinked in sa kanyang kamalayan na ngayon ay muli siyang babalik sa pagiging Banjo Canoy o baka mas malala pa. Kung noon ay natural ang pagiging panget niya ay ngayon ay malamang na maging mas malala dahil sa mga pelat na maidudulot ng mga sugat na tinamo.Nang tuluyang matanggal ang benda ay halos napatulala ang lahat. Sinipat ni Oliver ang kanyang sarili sa salamin. Napatiim bagang siya. Sobrang na damage ang kanyang mukha. Ang bakas ng mga patalim ay nagdulot ng malalim na uka. Halos magsara na ang isang mata niya at ang ilong ay tuluyang natabingi. Ang kanyang mga labi ay tuluyan nang nabengot kaya’t hindi niya tuluyang maisara ang bibig. La
NASA private room na si Oliver ng dumating sa hospital si Elisa. Inabutan nila si Marco, ang exectutive assistant ni Oliver at si Artem na noon ay nakaupo sa isang wheelchair. May mga nakakabit pang dextrose kay Artem ngunit ligtas na ito at nagagawa ng kumilos.“Kumusta na siya?” tanging naitanong ni Elisa habang pinipigilan ang pagluha.“Hindi pa rin nagkakamalay pero ang sabi ng doctor ay ligtas na rin naman siya sa ngayon.” Matapat na sagot ni Marco. “Huwag lang daw magkaroon ng mga kumplikasyon.”Noon na napahagolgol ng iyak si Elisa. Tahimik namang niyakap siya ni Aling Rhodora na umiiyak rin.Balot na balot ng bandage ang buong mukha ni Oliver. Maraming nakakabit na apparatus sa katawan. Awang-awang hinawakan ni Elisa ang kamay ni Oliver.“Oliver. Si Elisa ito. Sana ay gumising ka na.” pabulong na sambit ni Elisa. “Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan please. Mahal na mahal kita.”Tila narinig ni Oliver ang bulong ni Elisa kaya’t gumalaw ng bahagya ang mga daliri nito. Sumulak
Ngunit walang gustong bumiyahe ng gabi sa mga nilapitan ni Elisa. Ang iba ay pagod na raw at ang ilan naman ay natatakot dahil nga maghahating gabi na. May isa namang pumayag ngunit kinabukasan na ang gusto dahil wala pa raw siyang pahinga mula sa mag-hapong biyahe. Malungkot at bigong umuwi si Elisa.“Ang mabuti pa siguro ay matulog ka na muna Elisa.” Suhestiyon naman ni Aling Lagring. “Kailangan mo rin ng pahinga.”“Sige po Aling Lagring. Matulog na rin po kayo?”Ngunit mailap ang antok ng gabing iyon para kay Elisa. Wala pa raw malay si Oliver at habang tumatagal ay lalong tumitindi ang kanyang kaba. Hindi nawawala sa kanyang isip ang matinding pag-aalala kay Oliver. Napapaiyak siya tuwing naalala ang kalagayan nito sa hospital. Ayon kay Artem ay wala pa rin itong malay dahil sa dami ng dugong nawala bunga ng matinding tama sa ulo at mukha.Naitanong tuloy ni Elisa sa sarili kung bakit sadyang mapag-laro ang tadhana. Kung kaylan siya nagkaroon ng pag-ibig ay tila babawiin pa kaagad
Ang truck na mabagal na tumatawid ay tuluyan nang huminto kaya’t napilitan si Artem na bumagal ng takbo upang hindi sumalpok sa truck ngunit ng lumingon siya ay isang sasakyan ang mabilis na tumatakbo mula sa kanang bahagi ng intersection at bago pa nakahuma si Artem ay binangga na sila nito.Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang kanilang sasakyan at nagpagulong-gulong sa kalsada. Duguan si Artem at nawalan kaagad ng malay dahil sa matinding tama sa ulo ng sumalpok sa bahagi ng sasakyan.Saglit na nawalan ng malay si Oliver at ng magkamalay siya ay dalawang lalake ang humihila sa kanya papalabas ng sasakyan. Sa kanyang nanlalabong paningin ay dinig niya ang isang pamilyar na tinig.“Huwag ninyong papatayin yan.” Sigaw ng boses na lumalapit kay Oliver. “Hindi siya dapat mamatay kaagad. Kailangang pagbayaran niya ang ginawa niya sa akin. Kailangan niyang magdusa ng unti-unti tulad ng pagdurusa ko sa kulungan.”Walang gaanong dumadaan sa lugar na yon kaya tila hindi nagmamadali ang m