Share

Chapter 155

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-04-09 13:18:47
Celeste’s POV

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa malamig na bangkong iyon sa waiting area ng maliit na clinic. Tila ba bawat segundo’y may bigat na parang binabayo ang puso ko ng malalakas na hampas ng kabog ng kaba at pangamba. Ang mga kamay ko’y nanlalamig, at ang bawat paghinga ko’y mababaw, pilit na itinatago ang takot na baka may masamang mangyari kay Chester.

Napatayo na lang ako sa biglang pagtapik ng nurse sa aking balikat. “Ma’am, gising na po ang pasyente. Pwede niyo na po siyang makita.”

Parang nawala ang bigat sa dibdib ko, pero kapalit nito ay ang kaba na muli ko na namang maririnig ang boses niya. Mabilis akong pumasok sa silid, pilit na tinatago ang pag-aalalang nag-uumapaw sa dibdib ko.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang maputlang mukha ni Chester, nakahiga sa kama, naka-intravenous, at bahagyang pinipilit ngumiti nang makita ako.

“Celeste,” mahinang usal niya, parang bang sinambit niya ang pangalan ko sa paraang niyayakap ng kanyang buong kal
Deigratiamimi

Finally, nasabi na ni Chester. Matatahimik na kaya si Celeste dahil alam niya na ang dahilan ni Chester? Pa-comment at gem votes naman. Salamuch!

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
grabe nmn ang sakit sana d totoo
goodnovel comment avatar
Cristy Coronel Higue
ihabla mo celeste si reginald villamor para sa panghahalay nia sa sa nanay mo..kasehodang tatay mo sia..ipakulong mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 156

    Celeste's POV Lumabas ako ng kotse ni Chester na parang wala nang lakas ang mga paa ko, pero pinilit kong hindi lumingon, kahit pa ilang ulit niya akong tinawag. Paulit-ulit na “Celeste” ang naririnig ko mula sa likod ko—paos, puno ng pakiusap, nanginginig ang tinig na para bang siya rin ay dinudurog ng sarili niyang katotohanan. Pero hindi ako tumigil. Hindi ako lumingon. Hindi ko kayang makita ang mukha niya. Hindi ko kayang madagdagan pa ang bigat na dala ko sa dibdib. Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay. Wala na akong pakialam kung may nakakakita sa akin—nakayuko ako, basang-basa ng luha ang mga mata ko, at ang buong katawan ko ay nanghihina na. Pagkapasok ko sa gate, hindi na ako nakatiis. Naupo ako sa gilid, sa malamig na sahig ng pasilyo, at doon na ako tuluyang bumigay. Nanginginig ang katawan ko habang tahimik na humahagulhol. Ang mga palad ko ay nakatakip sa mukha ko, pilit pinipigil ang mga hikbi pero wala, hindi ko na makontrol. Ang bawat p

    Last Updated : 2025-04-10
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 157

    Celeste's POV Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatayo sa harap ng lalaking tinuring kong salot sa buhay ko. Halos magliyab ang dibdib ko sa galit. Hindi ko na alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para humarap sa kanya ngayon. Mabigat ang hangin sa loob ng silid. Tahimik ang paligid. Nasa harap ko ang lalaking ito, na may mukha ng isang respetadong negosyante sa lipunan, ngunit sa ilalim ng maskarang iyon ay isang halimaw. "Idedemanda kita pagkatapos mong gahasain ang ina ko noon," diretsong sabi ko kay Reginald Villamor. "Ang kapal-kapal ng pagmumukha mong magpakita sa akin pagkatapos mong gumawa ng kasamaan!" "So alam mo na..." Mas lalong humina ang boses niya. "Your son told me everything. Ano? Masaya ka na ba? Sinira mo kami at pati buhay ng anak namin ay masisira dahil sa ginawa mo! Wala kang puso! Kampon ka ng demonyo, Reginald. Ikinahihiya kita bilang ama ko. Kahit kailan hinding-hindi kita tatanggapin bilang ama. Si Carlos Rockwell lang ang ama ko. Wala akong am

    Last Updated : 2025-04-10
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 158

    Celeste’s POV Habang naghihintay ng resulta sa kalagayan ni Caleigh, nahagip ng mata ko si Reginald Villamor na nakikipag-usap sa mga doktor at nurses. Nanliliksik ang mga mata ko nang nagtama ang paningin namin. Hindi naman kami sa Villamor Medical Hospital nagpunta, pero kahit dito ay nakikita ko pa rin siya. Nagkibit-balikat ako nang mapansing naglakad siya patungo sa direksiyon ko. "Ano ang kailangan mo? Papaalisin mo na naman ba kami kagaya ng ginawa mo dati?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Alam kong galit ka sa akin," saad niya. "Galit?" Hindi ko mapigilang mapangisi. “‘Galit’ is an understatement, Mr. Villamor,” sagot ko, tinitigan ko siya. “You raped my mother. And I am the living proof of that crime.” Napalunok siya. Nanlabo ang mata niya sa paningin ko, pero wala akong pakialam. Gusto kong makita niya ang bawat piraso ng sakit sa mga mata ko. “I was young. I was reckless. And yes… I committed a sin I can never take back.” “Sin?” mariin kong ulit. “You call it

    Last Updated : 2025-04-11
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 159

    Chester’s POV Hindi ko na alam kung ilang beses kong binasa ang mensaheng ipinadala ng isang nurse mula sa ospital kung saan dinala si Caleigh. Persistent vomiting, signs of dehydration, possible congenital complications. Tumigil ang mundo ko. Para akong binasag ng malamig na salamin—nabiyak, nagkapira-piraso, at walang kahit anong paraan para ibalik sa dati. Hindi ko na pinigilan ang sarili kong tumawag sa ospital para kumpirmahin ang lagay ng anak ko. Pero bago pa man ako makaalis upang personal na bisitahin si Caleigh, dumating ang isang hindi inaasahang sagabal—si Isabelle Montemayor. Pumasok siya sa condo ko na parang may karapatan. Naka-black dress siya na sobrang fitting na parang sinadyang akitin ako. Pero wala akong panahon para sa gano’n. Hindi ngayon. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, malamig at diretso. Tumikhim siya at ngumiti ng mapanukso. "I heard about your daughter. I suppose now isn't the best time, but we need to talk, Chester." "I don’t have time for your

    Last Updated : 2025-04-12
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 160

    Chester's POV Hindi ko alam kung anong oras na. Ang alam ko lang, narito pa rin ako, nakaupo sa tabi ng kama ni Caleigh habang si Celeste ay tahimik na nakatitig sa anak namin. Hindi niya ako pinaalis. Wala siyang sinabi na manatili ako, pero hindi niya rin ako sinabihan na lumabas. At para sa akin, sapat na ang katahimikang ‘yon para manatili. Hindi ko kayang iwan ang anak ko, hindi sa ganitong kalagayan. Hindi ngayong unti-unti ko nang nararamdaman ang distansyang hindi lang emosyonal, kung 'di literal na ring bumabalot sa amin ni Celeste. Tahimik lang ang buong silid. Tanging ang mahinang tunog ng monitor at ang mahinhing paghinga ni Caleigh ang maririnig. Tahimik, pero punung-puno ng bigat. Pinagmasdan ko silang mag-ina. Si Caleigh, mahina pa pero maayos na ang lagay. Si Celeste, pagod, tila wala nang luha pero malinaw ang kirot sa mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihing ayos na ang lahat, na wala nang dapat ipag-alala, na kaya pa naming ayusin 'to. Pero sino

    Last Updated : 2025-04-12
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 161

    Celeste's POV Sa loob ng halos dalawang buwan na pananatili namin sa ospital, hindi pa rin ako nakaramdam ng kahit anong ginhawa—hindi bilang ina. Araw-araw ay para akong nilulumpo sa tuwing makikita ko ang anak kong si Caleigh na nakahiga sa puting kama ng silid na iyon, tila pinanghihinaan ng lakas habang ako naman ay unti-unting nauubusan ng pag-asa. Walang pagbabago. Walang malinaw na paliwanag. Walang katiyakan. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong nararamdaman ang malamig at mapanlinlang na presensya ni Dr. Isabelle Montemayor—ang babaeng alam kong hindi ko kayang pagkatiwalaan, hindi lamang dahil sa koneksyon niya kay Chester, kung 'di dahil sa pakiramdam kong... sinasadya niyang hindi gamutin ang anak ko. Hindi ko alam kung paranoia na lang ba ito dulot ng pagod at takot, o sadyang tama ang kutob ko bilang ina. Pero isang bagay lang ang malinaw sa akin ngayon: hindi ko na kayang ipagsapalaran pa si Caleigh. Nakatitig ako sa bintana ng silid namin, hawak ang medical

    Last Updated : 2025-04-13
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 162

    Celeste's POV Mabigat ang bawat hakbang ko habang tinatahak ang pamilyar na pasilyo ng ospital na minsan kong itinuring na ligtas na lugar para sa anak ko. Pero ngayon, bawat sulok ay tila may bahid na ng panlilinlang at pagtataksil. Ipinagkatiwala ko kay Isabelle Montemayor ang buhay ng anak ko—ngunit ngayon, mas pinili kong kumilos kaysa palamunin ng galit at pagsisisi. “Ma’am, kayo po ulit?” tanong ng guard sa may lobby. Hindi ko na siya sinagot. I had no time for pleasantries. Diretso akong pumasok, wala na akong pakialam kahit pa sabihan akong bastos o mapagsabihan ng security. I was here for the truth. And if truth meant war, then so be it. Pagdating ko sa hallway ng pedia ward, doon ko sila nakita—magkasama. Si Chester, nakatayo sa tabi ni Isabelle, tila may pinagtatalunan. She was speaking animatedly, halos idampi ang kamay niya sa braso ni Chester habang may binubulong dito. Uminit ang dugo ko. Naramdaman kong muling umusbong ang galit at pait mula sa dibdib ko, parang

    Last Updated : 2025-04-13
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 163

    Celeste's POV Nang tuluyang makaalis si Isabelle, agad akong kumawala mula sa pagkakayakap ni Chester. Para akong nakalunok ng apoy—umiinit ang dibdib ko sa galit, sa inis, at sa sobrang pagkalito. Hinawi ko ang kaniyang mga bisig na tila ba umaangkin pa rin sa katawan ko kahit pa malinaw na malinaw sa amin pareho kung gaano kasalimuot ang sitwasyon namin. Mabilis akong bumaba ng kotse at inayos ang gusot ng blouse ko habang nanginginig ang mga kamay ko—hindi sa lamig kundi sa emosyon na pilit kong pinipigil mula kanina. Pakiramdam ko ay nilapastangan ko ang sarili ko sa pagtugon sa halik na ‘yon. At kahit anong pilit kong iwasan ang katotohanan, ramdam ko pa rin ang apoy na iniwan ng mga labi niya sa balat ko. “Celeste, wait!” sigaw ni Chester mula sa loob ng sasakyan. Hindi ko siya nilingon. Humakbang ako papunta sa kotse ko, pero bago ko pa man mabuksan ang pinto, inabot niya ang braso ko mula sa likuran. Hinila niya ako paharap at doon ko siya hinarap—kasabay ng isang malutong

    Last Updated : 2025-04-13

Latest chapter

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 175

    Celeste's POVPara akong unti-unting binuhusan ng malamig na tubig sa ulo—hindi dahil sa galit kundi sa pagkagising mula sa matagal na pagkabulag sa katotohanan. Sa dami ng hinanakit ko sa puso ko, sa dami ng tanong na hindi ko na sana inaasahang masasagot pa, biglang may liwanag na unti-unting pumatay sa dilim na bumabalot sa akin.Ang galit ko kay Mama—bagama’t hindi pa tuluyang naglalaho—ay tila nabawasan, nabigyan ng paliwanag. Masakit ang katotohanang inilihim nila sa akin ang lahat, pero mas masakit pa pala ang dinanas nila noon. Ngayon ko lang naisip kung gaano kabigat ang pinasan nilang sikreto. Pinilit nilang itago ang buong katotohanan hindi dahil sa kasinungalingan kundi dahil sa takot—takot na masira ang pamilya, takot na ilayo kami sa isa’t isa, takot na mawalan ng kapayapaan.Naalala ko ang panakaw na tingin ni Papa noon tuwing tinatanong ko siya tungkol sa pagkabata ko. Ang pilit niyang ngiti, ang pagbaling ng usapan. Lahat pala ‘yon ay paraan para protektahan ako mula

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 174

    Celeste's POVSabay kaming lumabas ni Chester ng kwarto—magkayakap pa rin, ang kamay niya ay nakapulupot sa beywang ko na para bang ayaw niya akong bitiwan. Halos hindi ako makatingin sa unahan habang papalapit kami sa sala. At doon ko siya nakita—si Joaquin, nakaupo sa couch, tahimik, pero halatang nagpipigil ng emosyon. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang naghihintay roon, o kung gaano karami sa nangyari ang narinig niya. Pero ang titig niya sa akin ay sapat na para manginig ang buo kong katawan sa hiya.Napako ang tingin ko sa lamesita. Doon nakapatong ang isang bouquet ng puting rosas, simple pero elegante. Alam kong para sa akin iyon. At sa mismong pagtagpo ng mga mata namin, nakita ko sa mga mata niya ang sakit. 'Yung uri ng sakit na tahimik, pero ramdam mo ang bigat.Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Chester sa beywang ko. Parang sinasadya niyang idiin ako sa katawan niya, ipinapamukha kay Joaquin na akin ka na muli—na hindi na siya bahagi ng mundong muling

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 173

    Celeste's POVPareho kaming hingal na hingal habang nakahandusay sa ibabaw ng study table. Basang-basa ang balat ko ng pawis at parang nanginginig pa rin ang tuhod ko sa sobrang lakas ng sensasyong bumulusok mula sa pagkababae ko papunta sa kabuuan ng katawan ko. Pakiramdam ko ay namamaga na ako sa tindi ng walang humpay na paglabas-masok niya—walang pahinga, walang habag.Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Chester. Ramdam ko pa ang mabilis na tibok ng puso niya habang yakap-yakap ko siya na para bang ayokong matapos ang sandaling ito. Sa kabila ng lahat ng sakit, galit, at hindi pagkakaunawaan—narito kami. Sa isa’t isa. Muling nagtagpo. Muling bumigay.Pagkalipas ng ilang minuto, bumangon siya at naglakad papunta sa banyo. Tumitig pa siya sa akin at ngumiti. “Sabay tayong maligo,” yaya niya, pero umiling lang ako.“Hindi. Kapag sumabay ako, baka hindi na naman ako makalabas ng buhay sa loob ng shower,” natatawa kong sagot, pero totoo naman. Iba ang Chester kapag nasa tubig—mas in

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 172

    Celeste's POVNagising ako sa banayad na paghaplos sa aking braso. Marahan, tila takot siyang magising ako—o baka naman gusto lang niyang namnamin ang bawat segundo ng katahimikan na kasama ako.Bahagyang umangat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Chester. Hindi siya nakatingin sa akin. Bagkus, nakatuon ang paningin niya sa bawat pagdampi ng labi niya sa balikat ko, sa leeg ko, pababa sa aking dibdib, na para bang idinidiin niyang totoo ang bawat saglit."Good morning, Wifey," bulong niya. May tinig ng panibugho at pananabik. Para bang sa mga simpleng salita na iyon, gusto na niyang bawiin ang lahat ng panahong nawala sa amin."Good morning, Hubby," sagot ko habang pinagmamasdan ang malalim na tingin sa mga mata niya. Ipinatong ko ang isa kong paa sa kanyang balikat, isang kilos na hindi lamang pang-aakit kung 'di simbolo ng pagtanggap. Sa kabila ng lahat, siya pa rin ang pinili ko.Napakapit ako sa buhok niya nang muli kong maramdaman ang haplos ng kanyang labi sa puson

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 171

    Celeste's POV Namumula ang mga mata ni Chester nang muli ko siyang tingnan—mga matang punong-puno ng lungkot, pangungulila, at isang napakatinding pagsusumamo. Para siyang batang naiwan sa ulan, basang-basa ng pait at pag-asa, nakatingin sa akin na parang ako na lang ang natitirang dahilan ng mundo niya para magpatuloy. At sa bawat pilit niyang pagngiti sa kabila ng nangingilid na luha, ramdam ko ang bigat ng pinipigil niyang damdamin—ang matagal nang pangungulila, at ang sakit ng pagbitaw. Hindi ko na kayang tiisin pa ang tingin niyang iyon. Pagod na ako—pagod nang lumayo, magkunwaring buo ako, magkunwaring wala na akong nararamdaman. Ilang gabi na akong umiiyak habang yakap si Caleigh, iniisip kung tama ba ang ginawa kong pagputol sa amin, kung makakaya ko bang mabuhay sa mundong alam kong wala siya. At ngayong narito siya, kaharap ko, sugatan pero humihiling pa rin ng ikalawang pagkakataon, bakit pa ako magpapanggap? Kung dati ay binigyan niya ako ng pag-asa, binigyan niya ako n

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 170

    Celeste’s POV Tahimik ang buong paligid habang hinahayaan kong lamunin ng katahimikan ang kuwarto. Sa labas ay ang patak ng ulan, tila nakikiayon sa bigat ng damdaming pilit kong kinukubli. Sa loob ng banyo, maririnig ang pagbuhos ng tubig sa shower—si Chester. Naliligo siya matapos ang mahabang araw. At heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng kuwartong minsan naming pinagsaluhan ng mahihiwagang gabi’t masalimuot na umaga. Habang nagpapahid ng luha, pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa isang praktikal na bagay—ang hanapan siya ng maisusuot ngayong gabi. Hindi ko siya kayang paalisin sa ganitong oras. At saka, bahay niya rin ito, kahit pa ako ang naiwan dito. Siya ang nagpatayo ng bahay na ito, siya ang nagdisenyo ng bawat dingding, bawat sulok. Lahat ay may bakas niya. Binuksan ko ang closet at halos mapangiti nang makitang nandoon pa rin ang ilan niyang lumang damit. Maayos pa rin ang pagkaka-fold, parang hinihintay siyang muling bumalik. Kinuha ko ang isang puting cotton shirt at

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 169

    Celeste's POV Napakabigat. Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig habang binubuhat ng libo-libong batong nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako humahakbang palabas ng ospital, hindi ko rin alam kung paano ako humihinga habang patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko—tila walang katapusan, parang ilog na hindi maampat ang agos. Kasabay ng bawat patak ng luha ko ay ang paulit-ulit na tanong sa isip ko—bakit? Bakit kailangang itago sa akin ang katotohanan? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong marahas at masakit na paraan? Hindi ba ako karapat-dapat malaman kung sino talaga ako? Pagkalabas namin ni Chester sa ospital, bigla akong napahinto sa tabi ng pader. Doon ko na hindi na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa malamig na semento, nakayuko, habang walang tigil ang pag-iyak ko. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa sobrang sakit at pagkabigo. I felt like a stranger in my own skin. Hindi ko na kilala ang sarili ko.

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 168

    Celeste’s POV Isang linggo na ang lumipas, ngunit para pa rin akong binabagabag ng bawat alaalang parang sariwa pa ring humihiwa sa puso ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari—ang pagsubok ni Isabelle na patayin si Reginald, ang duguang katawan niya sa sahig ng Villamor Mansion, at ang mukha ni Chester, puno ng takot, galit, at pagkawasak. Pero higit sa lahat, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanan—na si Chester ay hindi isang tunay na Villamor, at ako... ako pala ang anak ng hayop na si Reginald Villamor. Isang bunga ng kasalanan. Isang patunay ng isang gabi ng karahasan at panggagahasa. Walang araw na lumilipas na hindi ko tanungin ang sarili ko kung paano ko kakayaning tanggapin ang katotohanang iyon. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ko nasuka ang sarili ko sa tuwing naiisip ko kung sino talaga ang gumawa sa akin. Sa tuwing sinisilip ko ang silid ni Reginald, para akong sinasakal ng galit at pandidiri. Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang tumabi s

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 167

    Chester’s POV Halos hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso ko sa sobrang takot at galit. Nanginginig ang buo kong katawan, parang sasabog ang ulo ko sa dami ng emosyon na nagsisiksikan sa dibdib ko. Para akong nakalutang sa gitna ng masamang panaginip na hindi ko matakasan, habang pinagmamasdan si Isabelle—nakahandusay sa malamig na sahig ng mansion, duguan ang kamay, hawak pa rin ang kutsilyo na muntik nang pumatay sa akin. She was trembling, but her eyes still burned with obsession. Para siyang isang nilikhang nilamon ng sarili niyang delusyon. Hindi ko na siya makilala. “Diyos ko…” bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko habang hinahabol ko ang hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot, sa pagod, o sa takot na mawalan ako ng isa pang mahal sa buhay ngayong gabi. Nanginginig ang mga daliri ko habang pinulot ko ang cellphone na tumilapon sa tiles nang mangyari ang kaguluhan. Nanlalamig ang pawis ko, bumabalot ang kaba sa buong katawan ko habang tinitingnan ko si Dad—na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status