Stay tuned for more updates. Like, comment, rate this book, and gem votes! 💎
Celeste’s POV Tahimik ang buong paligid habang hinahayaan kong lamunin ng katahimikan ang kuwarto. Sa labas ay ang patak ng ulan, tila nakikiayon sa bigat ng damdaming pilit kong kinukubli. Sa loob ng banyo, maririnig ang pagbuhos ng tubig sa shower—si Chester. Naliligo siya matapos ang mahabang araw. At heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng kuwartong minsan naming pinagsaluhan ng mahihiwagang gabi’t masalimuot na umaga. Habang nagpapahid ng luha, pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa isang praktikal na bagay—ang hanapan siya ng maisusuot ngayong gabi. Hindi ko siya kayang paalisin sa ganitong oras. At saka, bahay niya rin ito, kahit pa ako ang naiwan dito. Siya ang nagpatayo ng bahay na ito, siya ang nagdisenyo ng bawat dingding, bawat sulok. Lahat ay may bakas niya. Binuksan ko ang closet at halos mapangiti nang makitang nandoon pa rin ang ilan niyang lumang damit. Maayos pa rin ang pagkaka-fold, parang hinihintay siyang muling bumalik. Kinuha ko ang isang puting cotton shirt at
Celeste's POV Namumula ang mga mata ni Chester nang muli ko siyang tingnan—mga matang punong-puno ng lungkot, pangungulila, at isang napakatinding pagsusumamo. Para siyang batang naiwan sa ulan, basang-basa ng pait at pag-asa, nakatingin sa akin na parang ako na lang ang natitirang dahilan ng mundo niya para magpatuloy. At sa bawat pilit niyang pagngiti sa kabila ng nangingilid na luha, ramdam ko ang bigat ng pinipigil niyang damdamin—ang matagal nang pangungulila, at ang sakit ng pagbitaw. Hindi ko na kayang tiisin pa ang tingin niyang iyon. Pagod na ako—pagod nang lumayo, magkunwaring buo ako, magkunwaring wala na akong nararamdaman. Ilang gabi na akong umiiyak habang yakap si Caleigh, iniisip kung tama ba ang ginawa kong pagputol sa amin, kung makakaya ko bang mabuhay sa mundong alam kong wala siya. At ngayong narito siya, kaharap ko, sugatan pero humihiling pa rin ng ikalawang pagkakataon, bakit pa ako magpapanggap? Kung dati ay binigyan niya ako ng pag-asa, binigyan niya ako n
Celeste's POVNagising ako sa banayad na paghaplos sa aking braso. Marahan, tila takot siyang magising ako—o baka naman gusto lang niyang namnamin ang bawat segundo ng katahimikan na kasama ako.Bahagyang umangat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Chester. Hindi siya nakatingin sa akin. Bagkus, nakatuon ang paningin niya sa bawat pagdampi ng labi niya sa balikat ko, sa leeg ko, pababa sa aking dibdib, na para bang idinidiin niyang totoo ang bawat saglit."Good morning, Wifey," bulong niya. May tinig ng panibugho at pananabik. Para bang sa mga simpleng salita na iyon, gusto na niyang bawiin ang lahat ng panahong nawala sa amin."Good morning, Hubby," sagot ko habang pinagmamasdan ang malalim na tingin sa mga mata niya. Ipinatong ko ang isa kong paa sa kanyang balikat, isang kilos na hindi lamang pang-aakit kung 'di simbolo ng pagtanggap. Sa kabila ng lahat, siya pa rin ang pinili ko.Napakapit ako sa buhok niya nang muli kong maramdaman ang haplos ng kanyang labi sa puson
Celeste's POVMasikip at maingay ang bar. Ang kulay gintong liwanag ng chandeliers ay kumikislap sa mamahaling baso ng alak, at ang tunog ng halakhakan ay sumasabay sa mabigat na beat ng music. Hindi ko kailanman ginusto ang ganitong klaseng environment, pero ngayong gabi, wala akong choice."Come on, Celeste! You won a big case today!" tili ni Andrea, isa sa mga junior associates sa firm. "One drink lang!"I shook my head, pero bago pa ako makatanggi nang maayos, may dumaan nang waiter at iniabot sa akin ang isang baso ng champagne. Si Raymond, isa pang associate na laging may hidden agenda, ang nag-abot nito sa akin. Nakangiti siya—masyadong matamis para hindi kahina-hinala."Huwag kang KJ, Celeste," aniya. "You deserve this. One drink lang. Swear."Napabuntong-hininga ako. I just wanted to go home, pero alam kong kung tatanggihan ko pa sila, magiging topic na naman ako ng office gossip. Masyado nang maraming naiinggit sa akin sa law firm at mas lalong marami ang gustong makita akon
Celeste's POVHindi ko alam kung paano ako nakauwi. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang ipagsiksikan ang sarili ko sa shower nang halos isang oras, sinisikap na hugasan ang hindi ko maipaliwanag na bigat sa balat ko. Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong sabunin ang sarili ko, hindi nababawasan ang kilabot sa loob ko.Ilang beses akong napapikit, pilit na binabalikan ang gabing iyon, at pilit na kinakalkal ang memorya ko. Pero wala. Isang malabong haze lang ang bumabalot sa akin. Para akong nalunod sa dilim at hindi ko alam kung paano ako lumutang.Hindi ako makatulog at makapag-focus dahil bumabagabag sa akin ang nangyari sa amin.Anong nangyari sa pagitan namin ni Ninong Chester?Pero kung walang nangyari… bakit ganoon ang reaksyon niya? Kumakabog ang dibdib ko habang nakatitig sa sarili kong repleksyon sa salamin. Maputla ang mukha ko, ang mga mata ko ay bahagyang namamaga dahil sa kakaiyak.Celeste, pull yourself together. Pagkalabas ko ng banyo, isang bagay lan
Celeste's POV Pagpasok ko sa opisina kinabukasan, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Parang may anino ng nakaraang gabi na patuloy na sumusunod sa akin, bumubulong sa tenga ko na hindi ko basta-basta matatakasan ang nangyari. Pero hindi pwedeng magpatalo.Hindi pwedeng ipakita ko sa kahit sino na may bumabagabag sa akin. Lalo na kay Ninong Chester Villamor.Ilang beses kong inulit sa sarili ang sinabi niya sa text bago ako lumabas ng condo kanina:"Make sure to act normal at work. No one should suspect anything."Napakapit ako sa strap ng bag ko. Napilitan akong huminga nang malalim bago pumasok sa lobby ng law firm.As soon as I stepped inside, I felt a dozen pairs of eyes on me. May mga bumati, may mga ngumiti, at may mga tipid na tumingin lang habang naglalakad ako papunta sa opisina ko. I nodded at them, plastering the most professional smile I could muster. Dahil hindi ako pwedeng magkamali. Kahit na bumibigat ang tiyan ko sa kaba. Kahit na hindi ko alam kung kaya kong har
Celeste's POV Isang buwan matapos ang gabing iyon, hindi ko pa rin matakasan ang bigat sa dibdib ko. Ginawa ko ang lahat para bumalik sa normal ang buhay ko—nag-focus ako sa trabaho, iniiwasan ang anumang usapan tungkol kay Ninong Chester, at sinubukang kalimutan ang nangyari. Pero kahit anong gawin ko, may isang bagay na hindi ko maintindihan…"Celeste, are you okay?" tanong ni Mia, isa sa mga closest colleagues ko sa law firm. "Mukhang matamlay ka lately."Napangiti ako kahit pakiramdam ko’y hindi ito umabot sa mga mata ko. "I’m fine. Medyo napupuyat lang sa work.""Are you sure? Kasi ang payat mo na, tapos lagi kang parang lutang," sabad naman ni Henry, ang isa pa naming kasama sa team. "Hindi kaya may dinaramdam ka?"Umiling ako. "Stress lang ‘to. Huwag niyo akong alalahanin."Pero kahit sinasabi kong okay ako, hindi ko maitago sa sarili kong may bumabagabag sa katawan ko.Una, mas madali akong mapagod. Dati, kaya kong magpuyat nang dalawang araw nang walang problema. Pero ngayon
Celeste's POV "Buntis ka, Celeste."Those words echoed in my head like a relentless storm.Nakaupo ako sa harap ng doktor, pero pakiramdam ko sy lumulutang ako sa isang mundo kung saan walang tunog at walang galaw—parang huminto ang oras. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko na parang gusto nang kumawala mula sa dibdib ko.Napahawak ako sa tiyan ko. May nabubuhay sa loob ko.My mind raced, trying to grasp the reality of what was happening. Buntis ako... buntis sa anak ng sarili kong Ninong.Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay ko."Ms. Rockwell?"Napatingin ako sa doktor na may mahinahong ekspresyon. Hindi siya mukhang shocked sa balitang ito, pero halata sa mata niyang nag-aalala siya sa reaksyon ko."N—Nagkamali ba kayo, Dok?" mahina kong tanong, pilit na kumakapit sa kahit anong piraso ng pag-asang baka maling resulta lang ito.Ngumiti siya ng mahinahon. "We ran both urine and blood tests. Both came back positive. Almost five weeks pr
Celeste's POVNagising ako sa banayad na paghaplos sa aking braso. Marahan, tila takot siyang magising ako—o baka naman gusto lang niyang namnamin ang bawat segundo ng katahimikan na kasama ako.Bahagyang umangat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Chester. Hindi siya nakatingin sa akin. Bagkus, nakatuon ang paningin niya sa bawat pagdampi ng labi niya sa balikat ko, sa leeg ko, pababa sa aking dibdib, na para bang idinidiin niyang totoo ang bawat saglit."Good morning, Wifey," bulong niya. May tinig ng panibugho at pananabik. Para bang sa mga simpleng salita na iyon, gusto na niyang bawiin ang lahat ng panahong nawala sa amin."Good morning, Hubby," sagot ko habang pinagmamasdan ang malalim na tingin sa mga mata niya. Ipinatong ko ang isa kong paa sa kanyang balikat, isang kilos na hindi lamang pang-aakit kung 'di simbolo ng pagtanggap. Sa kabila ng lahat, siya pa rin ang pinili ko.Napakapit ako sa buhok niya nang muli kong maramdaman ang haplos ng kanyang labi sa puson
Celeste's POV Namumula ang mga mata ni Chester nang muli ko siyang tingnan—mga matang punong-puno ng lungkot, pangungulila, at isang napakatinding pagsusumamo. Para siyang batang naiwan sa ulan, basang-basa ng pait at pag-asa, nakatingin sa akin na parang ako na lang ang natitirang dahilan ng mundo niya para magpatuloy. At sa bawat pilit niyang pagngiti sa kabila ng nangingilid na luha, ramdam ko ang bigat ng pinipigil niyang damdamin—ang matagal nang pangungulila, at ang sakit ng pagbitaw. Hindi ko na kayang tiisin pa ang tingin niyang iyon. Pagod na ako—pagod nang lumayo, magkunwaring buo ako, magkunwaring wala na akong nararamdaman. Ilang gabi na akong umiiyak habang yakap si Caleigh, iniisip kung tama ba ang ginawa kong pagputol sa amin, kung makakaya ko bang mabuhay sa mundong alam kong wala siya. At ngayong narito siya, kaharap ko, sugatan pero humihiling pa rin ng ikalawang pagkakataon, bakit pa ako magpapanggap? Kung dati ay binigyan niya ako ng pag-asa, binigyan niya ako n
Celeste’s POV Tahimik ang buong paligid habang hinahayaan kong lamunin ng katahimikan ang kuwarto. Sa labas ay ang patak ng ulan, tila nakikiayon sa bigat ng damdaming pilit kong kinukubli. Sa loob ng banyo, maririnig ang pagbuhos ng tubig sa shower—si Chester. Naliligo siya matapos ang mahabang araw. At heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng kuwartong minsan naming pinagsaluhan ng mahihiwagang gabi’t masalimuot na umaga. Habang nagpapahid ng luha, pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa isang praktikal na bagay—ang hanapan siya ng maisusuot ngayong gabi. Hindi ko siya kayang paalisin sa ganitong oras. At saka, bahay niya rin ito, kahit pa ako ang naiwan dito. Siya ang nagpatayo ng bahay na ito, siya ang nagdisenyo ng bawat dingding, bawat sulok. Lahat ay may bakas niya. Binuksan ko ang closet at halos mapangiti nang makitang nandoon pa rin ang ilan niyang lumang damit. Maayos pa rin ang pagkaka-fold, parang hinihintay siyang muling bumalik. Kinuha ko ang isang puting cotton shirt at
Celeste's POV Napakabigat. Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig habang binubuhat ng libo-libong batong nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako humahakbang palabas ng ospital, hindi ko rin alam kung paano ako humihinga habang patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko—tila walang katapusan, parang ilog na hindi maampat ang agos. Kasabay ng bawat patak ng luha ko ay ang paulit-ulit na tanong sa isip ko—bakit? Bakit kailangang itago sa akin ang katotohanan? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong marahas at masakit na paraan? Hindi ba ako karapat-dapat malaman kung sino talaga ako? Pagkalabas namin ni Chester sa ospital, bigla akong napahinto sa tabi ng pader. Doon ko na hindi na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa malamig na semento, nakayuko, habang walang tigil ang pag-iyak ko. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa sobrang sakit at pagkabigo. I felt like a stranger in my own skin. Hindi ko na kilala ang sarili ko.
Celeste’s POV Isang linggo na ang lumipas, ngunit para pa rin akong binabagabag ng bawat alaalang parang sariwa pa ring humihiwa sa puso ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari—ang pagsubok ni Isabelle na patayin si Reginald, ang duguang katawan niya sa sahig ng Villamor Mansion, at ang mukha ni Chester, puno ng takot, galit, at pagkawasak. Pero higit sa lahat, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanan—na si Chester ay hindi isang tunay na Villamor, at ako... ako pala ang anak ng hayop na si Reginald Villamor. Isang bunga ng kasalanan. Isang patunay ng isang gabi ng karahasan at panggagahasa. Walang araw na lumilipas na hindi ko tanungin ang sarili ko kung paano ko kakayaning tanggapin ang katotohanang iyon. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ko nasuka ang sarili ko sa tuwing naiisip ko kung sino talaga ang gumawa sa akin. Sa tuwing sinisilip ko ang silid ni Reginald, para akong sinasakal ng galit at pandidiri. Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang tumabi s
Chester’s POV Halos hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso ko sa sobrang takot at galit. Nanginginig ang buo kong katawan, parang sasabog ang ulo ko sa dami ng emosyon na nagsisiksikan sa dibdib ko. Para akong nakalutang sa gitna ng masamang panaginip na hindi ko matakasan, habang pinagmamasdan si Isabelle—nakahandusay sa malamig na sahig ng mansion, duguan ang kamay, hawak pa rin ang kutsilyo na muntik nang pumatay sa akin. She was trembling, but her eyes still burned with obsession. Para siyang isang nilikhang nilamon ng sarili niyang delusyon. Hindi ko na siya makilala. “Diyos ko…” bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko habang hinahabol ko ang hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot, sa pagod, o sa takot na mawalan ako ng isa pang mahal sa buhay ngayong gabi. Nanginginig ang mga daliri ko habang pinulot ko ang cellphone na tumilapon sa tiles nang mangyari ang kaguluhan. Nanlalamig ang pawis ko, bumabalot ang kaba sa buong katawan ko habang tinitingnan ko si Dad—na
Chester’s POV Madaling araw na nang magising ako. Tahimik ang buong ospital, tanging mahinang humuhuning aircon at ang marahang paghinga ni Caleigh ang nagsisilbing musika sa paligid. Nakaupo ako sa maliit na couch sa sulok ng silid, pilit na pinipikit ang mga mata ngunit nananatiling gising ang diwa ko. Ang dami pa ring gumugulo sa isip ko—ang kalagayan ni Caleigh, si Celeste, ang kinabukasan naming tatlo, at ang katotohanan na pilit kong hinuhukay mula sa nakaraan. Bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Mabilis akong napabangon, at nang makita ang pangalan sa screen, agad akong kinabahan. Si Daddy. Sinagot ko ang tawag at agad na sumalubong sa tenga ko ang nanginginig na tinig ng lalaking halos kalahati ng pagkatao ko. "C-Chester, anak… tulongan mo ako…" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Umangat ang balahibo ko sa braso. Hindi ko pa naririnig ang boses niya sa ganitong anyo—basag, paos, at puno ng takot. "Dad? Nasaan ka? Anong nangyayari?" nang
Celeste’s POV Nakahiga ako sa couch ng private room ni Caleigh habang binabasa ang bagong medical report na galing sa pedia. Kahit papaano, mas gumaan na ang pakiramdam ko. Bumabalik na ang sigla ng anak namin, at malapit na siyang i-discharge kung patuloy ang paggaling niya. Pero habang abala ako sa pagbabasa, bigla kong narinig ang mahinang tunog ng doorknob ng banyo. Napalingon ako, at sa isang iglap, para akong na-paralyze. Bumukas ang pintuan ng banyo, at tumambad sa akin si Chester—topless, basa pa ang buhok, at tanging puting tuwalya lamang ang nakapulupot sa baywang niya. Hindi ako agad nakagalaw. Tumulo ang tubig mula sa kanyang buhok, dumaan sa matigas niyang panga, sa leeg, at dumausdos pa hanggang sa matipuno niyang dibdib. Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya. Parang slow motion ang bawat hakbang niya palapit sa akin. Bawat patak ng tubig ay parang musika na nanunukso sa pandinig ko. Mabilis kong iniwas ang tingin nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko m
Celeste’s POV Tahimik ang kwarto. Tanging mahina at regular na paghinga ni Caleigh ang bumabasag sa katahimikan. Nakaupo ako sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mag-ama—si Chester, at ang anak naming si Caleigh—na tila ba walang anuman ang bigat ng mga tanong na bumabalot sa pagitan naming dalawa. Dahan-dahan niyang hinihili ang buhok ni Caleigh, marahang inaayos ang nakalugay nitong bangs habang nakapikit ang bata. Napakaingat ng bawat galaw niya, tila ba isa siyang alagad ng sining at ang hawak niya ay ang pinakamahalagang obra. There was something undeniably heartbreaking about watching them like this. Something tender. Something so painful it almost made me want to look away. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang hindi pagmasdan ang lalaking minsan kong kinamuhian, minahal, tinanggihan, at ngayon, hindi ko na alam kung anong posisyon niya sa puso ko. “Celeste,” mahina pero buo niyang tawag, hindi inaalis ang tingin sa anak namin. “Let’s take the test.” Agad akong natahimik.