Celeste's POV
Masikip at maingay ang bar. Ang kulay gintong liwanag ng chandeliers ay kumikislap sa mamahaling baso ng alak, at ang tunog ng halakhakan ay sumasabay sa mabigat na beat ng music. Hindi ko kailanman ginusto ang ganitong klaseng environment, pero ngayong gabi, wala akong choice. "Come on, Celeste! You won a big case today!" tili ni Andrea, isa sa mga junior associates sa firm. "One drink lang!" I shook my head, pero bago pa ako makatanggi nang maayos, may dumaan nang waiter at iniabot sa akin ang isang baso ng champagne. Si Raymond, isa pang associate na laging may hidden agenda, ang nag-abot nito sa akin. Nakangiti siya—masyadong matamis para hindi kahina-hinala. "Huwag kang KJ, Celeste," aniya. "You deserve this. One drink lang. Swear." Napabuntong-hininga ako. I just wanted to go home, pero alam kong kung tatanggihan ko pa sila, magiging topic na naman ako ng office gossip. Masyado nang maraming naiinggit sa akin sa law firm at mas lalong marami ang gustong makita akong sumablay. So I took a sip. Isang lunok lang para makauwi na ako kasi may case pa akong kailangang pag-aralan. Matamis at medyo mas matapang kaysa sa inaasahan ko, pero wala akong oras para isipin iyon. Gusto kong tapusin agad ang inuman na ‘to, kaya tinungga ko na lang ang buong laman ng baso. Pagkalipas ng iñang minuto, napahawak ako sa table namin nang nagsimula nang lumabo ang paningin ko. Napahawak ako sa ulo ko at pinilit na maaninag ang buong paligid. "Celeste, okay ka lang?" tanong ni Andrea, pero para bang lumulutang na lang ang boses niya sa hangin. Nilingon ko siya. Hindi ko siya makita ng maayos dahil sobrang labo ng paningin ko. Para akong nasa ilalim ng tubig. Mabagal ang kilos ko. Hindi ko ma-focus ang mga mata ko. Para bang hindi ko na kontrolado ang sarili kong katawan. Parang… parang may mali. "Shit, ang init," bulong ko. Dumaan ang kamay ko sa leeg ko, pero parang hindi ko na maramdaman ang sarili kong balat. Para akong lumulutang sa kawalan. Narinig ko ang mahinang tawa ni Raymond. "Mukhang tinamaan ka agad, Celeste. Dapat yata hindi mo ininom nang buo." May kung anong kilabot ang gumapang sa balat ko. "Celeste, gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Andrea ulit, pero wala na akong boses para sumagot. Ilang sandali pa, naramdaman kong may humawak sa braso ko. Mahigpit ang pagkahawak ng taong nag-aalalay sa akin. "Come on, I'll take you home," sabi ng isang pamilyar na boses—si Raymond. Ginamit ko ang natitirang lakas ko upang makabalik sa hotel room ko. Pakiramdam ko ay parang may mali sa nangyayari. Halos gumapang na ako papasok sa loov ng elevator. "Are you okay, Ma'am?" rinig kong tanong ng isang hotel staff na nakasalubong ko sa elevator. "Help me..." paos na ang boses ko, pinipilit pa rin ang sariling huwag magpadala sa alak na nainom ko. "Saang floor at room number po ang room ninyo?" tanong niya ulit. Napahawak ako sa ulo ko dahil hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Ang nasa isip ko lang ay makalayo sa mga kasama ko. "Celeste!" Napahigpit ang hawak ko sa hotel staff nang marinig ang boses ni Raymond. "This is my room," sabi ko sa empleyado nang mabuksan ko ang isang hotel room na nasa ikaanim na palapag. Tiningnan ko ang hotel number at hindi ko na maaninag ng mabuti dahil mas lalong lumabo ang paningin ko. Ni-lock ko agad ang pintuan at humiga sa kama. Hinubad ko ang aking suot na damit nang maramdamdaman ang panginginit ng aking buong katawan. Napalingon ako sa gilid ng kama nang marinig ang pagdaing ng isang lalaki. Bigla akong kinabahan at nakaramdam ng takot. Kahit hirap na hirap ako sa sitwasyon ko, nilapitan kp pa rin ang lalaki. "Damn it!" usal ko nang maramdamdamang may humawak sa beywang ko dahil muntik na akong matumba. "Help me..." usal niya. Napahawak ako sa batok niya nang bigla niya akong halikan sa labi. *** Nagising ako sa pakiramdam ng malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Mabigat ang ulo ko. Para akong nilunod sa dilim, at ngayong paunti-unti na akong nagkakamalay, gusto ko na lang bumalik sa kawalan. Napalinga-linga ako sa paligid nang mapansin ang kakaibang amoy ng kwarto. Dahan-dahan akong gumalaw, pero pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. Ang mga daliri ko, parang hindi ko maigalaw nang maayos. At saka ko naramdaman… may katabi akong ibang tao. Napabalikwas ako, pero sa bilis ng galaw ko, biglang umikot ang paningin ko. Hindi ko man lang namalayan na lumabas ang isang mahinang ungol sa labi ko. "Shit," may mababang boses na narinig ako sa tabi ko. Malalim at pamilyar. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang unti-unti kong nilingon ang lalaking katabi ko, at nang makita ko kung sino iyon, pakiramdam ko bumaliktad ang mundo ko. Si Ninong Chester. Halos hindi ako makahinga. Bakit nandito si Ninong? Anong ginagawa ko sa kama niya? At bakit… bakit wala akong suot maliban sa manipis na bedsheet na bumabalot sa katawan ko? Napahawak ako sa ulo ko sabay iling nang sumagi sa isipan ko ang posibleng nangyari sa amin. "Holy shit," narinig kong bulong niya. Napatingin ako sa kanya. Hindi siya n*******d, pero halatang bagong gising lang siya. Gusot ang puting sando niya, at ang buhok niyang laging maayos ay magulo. Pero ang mas lalong nagpayanig sa akin ay ang itsura niya—seryoso, pero may bahid ng gulat at inis sa kanyang mukha. I opened my mouth, pero walang lumabas na salita. "A-Anong nangyari?" bulong ko sa basag na boses. Huminga nang malalim si Ninong Chester. Tumitig siya sa akin, pero hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Iyon ang nakakatakot. Hindi ko alam kung galit siya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. "That's what I was about to ask you," malamig niyang tanong sa akin. Napalunok ako. Hindi. Hindi puwedeng nangyari ‘to. Pero ang problema… hindi ko maalala. Ni isang detalye kung paano ako napunta rito. Ni isang alaala kung bakit ako nasa kama ng sariling Ninong ko. "Did we…" Hindi ko man lang kayang tapusin ang tanong. Nakita kong nagdilim ang mga mata niya. "I don't know," sagot niya agad. "Pero, Celeste, ano'ng ginagawa mo sa hotel room ko?" Doon ko na tuluyang naramdaman ang panlalamig ng katawan ko. Hindi ito ang kwarto ko? Diyos ko… anong ginawa ko? Hindi ko alam kung paano ako nakabangon mula sa kama, kung paano ako nagawang isuot ang damit ko kahit nanginginig ang kamay ko. Hindi ako makatingin nang diretso kay Ninong Chester habang nilalapitan ko ang pinto. "Celeste," tawag niya, seryoso ang kaniyang boses. Pero hindi ko kayang humarap sa kanya dahil binalot ako ng kahihiyan. Bago pa niya ako mapigilan, binuksan ko ang pinto at mabilis na lumabas ng kwarto. Humakbang ako sa hallway ng hotel, pero sa bawat hakbang ko, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang iniwan ko sa kwartong iyon—kung anong klase ng relasyon namin ang nasira, kung may mas malala pang nangyari kaysa sa iniisip ko. Isang gabi lang… pero pakiramdam ko, hindi ko na mababawi ang sarili kong buhay. Sa dami ng lalaking pwede kong makasama sa iisang kwarto, bakit si Ninong Chester pa? Hindi pwede. Si Ninong Chester ay matalik na kaibigan ni Papa. Kapag nalaman niya ang tungkol sa amin, baka itakwil niya ako bilang anak.Celeste's POVHindi ko alam kung paano ako nakauwi. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang ipagsiksikan ang sarili ko sa shower nang halos isang oras, sinisikap na hugasan ang hindi ko maipaliwanag na bigat sa balat ko. Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong sabunin ang sarili ko, hindi nababawasan ang kilabot sa loob ko.Ilang beses akong napapikit, pilit na binabalikan ang gabing iyon, at pilit na kinakalkal ang memorya ko. Pero wala. Isang malabong haze lang ang bumabalot sa akin. Para akong nalunod sa dilim at hindi ko alam kung paano ako lumutang.Hindi ako makatulog at makapag-focus dahil bumabagabag sa akin ang nangyari sa amin.Anong nangyari sa pagitan namin ni Ninong Chester?Pero kung walang nangyari… bakit ganoon ang reaksyon niya? Kumakabog ang dibdib ko habang nakatitig sa sarili kong repleksyon sa salamin. Maputla ang mukha ko, ang mga mata ko ay bahagyang namamaga dahil sa kakaiyak.Celeste, pull yourself together. Pagkalabas ko ng banyo, isang bagay lan
Celeste's POV Pagpasok ko sa opisina kinabukasan, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Parang may anino ng nakaraang gabi na patuloy na sumusunod sa akin, bumubulong sa tenga ko na hindi ko basta-basta matatakasan ang nangyari. Pero hindi pwedeng magpatalo.Hindi pwedeng ipakita ko sa kahit sino na may bumabagabag sa akin. Lalo na kay Ninong Chester Villamor.Ilang beses kong inulit sa sarili ang sinabi niya sa text bago ako lumabas ng condo kanina:"Make sure to act normal at work. No one should suspect anything."Napakapit ako sa strap ng bag ko. Napilitan akong huminga nang malalim bago pumasok sa lobby ng law firm.As soon as I stepped inside, I felt a dozen pairs of eyes on me. May mga bumati, may mga ngumiti, at may mga tipid na tumingin lang habang naglalakad ako papunta sa opisina ko. I nodded at them, plastering the most professional smile I could muster. Dahil hindi ako pwedeng magkamali. Kahit na bumibigat ang tiyan ko sa kaba. Kahit na hindi ko alam kung kaya kong har
Celeste's POV Isang buwan matapos ang gabing iyon, hindi ko pa rin matakasan ang bigat sa dibdib ko. Ginawa ko ang lahat para bumalik sa normal ang buhay ko—nag-focus ako sa trabaho, iniiwasan ang anumang usapan tungkol kay Ninong Chester, at sinubukang kalimutan ang nangyari. Pero kahit anong gawin ko, may isang bagay na hindi ko maintindihan…"Celeste, are you okay?" tanong ni Mia, isa sa mga closest colleagues ko sa law firm. "Mukhang matamlay ka lately."Napangiti ako kahit pakiramdam ko’y hindi ito umabot sa mga mata ko. "I’m fine. Medyo napupuyat lang sa work.""Are you sure? Kasi ang payat mo na, tapos lagi kang parang lutang," sabad naman ni Henry, ang isa pa naming kasama sa team. "Hindi kaya may dinaramdam ka?"Umiling ako. "Stress lang ‘to. Huwag niyo akong alalahanin."Pero kahit sinasabi kong okay ako, hindi ko maitago sa sarili kong may bumabagabag sa katawan ko.Una, mas madali akong mapagod. Dati, kaya kong magpuyat nang dalawang araw nang walang problema. Pero ngayon
Celeste's POV "Buntis ka, Celeste."Those words echoed in my head like a relentless storm.Nakaupo ako sa harap ng doktor, pero pakiramdam ko sy lumulutang ako sa isang mundo kung saan walang tunog at walang galaw—parang huminto ang oras. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko na parang gusto nang kumawala mula sa dibdib ko.Napahawak ako sa tiyan ko. May nabubuhay sa loob ko.My mind raced, trying to grasp the reality of what was happening. Buntis ako... buntis sa anak ng sarili kong Ninong.Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay ko."Ms. Rockwell?"Napatingin ako sa doktor na may mahinahong ekspresyon. Hindi siya mukhang shocked sa balitang ito, pero halata sa mata niyang nag-aalala siya sa reaksyon ko."N—Nagkamali ba kayo, Dok?" mahina kong tanong, pilit na kumakapit sa kahit anong piraso ng pag-asang baka maling resulta lang ito.Ngumiti siya ng mahinahon. "We ran both urine and blood tests. Both came back positive. Almost five weeks pr
Celeste's POVHindi ako makahinga. Parang biglang huminto ang mundo ko matapos marinig ang sinabi ni Ninong Chester.“We will raise that child and you need to marry me!”It felt like a forceful command, an inescapable fate that he had already decided for me.Bago ko pa maproseso ang lahat, bigla siyang lumapit. His towering presence made my legs weak, and before I knew it, his firm grip was on my wrist—hindi marahas, pero matigas, sapat para maramdaman kong wala akong kawala."P—Paano mo nalaman?" mahina kong tanong, pilit na nilalabanan ang kaba.Tumigil siya sa paggalaw at tinitigan ako ng matalim. His cold, assessing eyes bore into mine, as if reading every thought inside my head. Damn it, Celeste. Bakit mo ba naisipang harapin siya ngayon?“You think I wouldn’t know?” bumaba ang boses niya, bahagyang lumapit pa sa akin. “You’ve been avoiding me for weeks. I had someone follow you—siyempre hindi mo naisip ‘yon dahil masyado kang busy sa kakaiwas sa akin. Masyado kang masunuring bat
Celeste's POV Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo lang doon, nakatitig kay Ninong Chester habang unti-unting bumibigat ang bawat salita niya sa utak ko."Then I’ll make sure you have no choice, but to say yes. And trust me, Celeste, I always get what I want."Hindi ito usapang normal. Hindi ito usapang magaan lang na puwede kong tawanan o talikuran. Ito ay ultimatum.Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. No, Celeste. Huwag kang magpaapekto. Ninong mo siya at inaanak ka niya.“Ikaw lang naman ang may gusto nito, Ninong,” sabi ko, pilit na pinapalakas ang loob ko. “Hindi ibig sabihin na buntis ako, kailangan ko nang pakasalan ka. Hindi ko rin naman sinabinsa iyo na kailangan mo akong panindigan. Hindi mo kami obligasyon o responsibilidad. Ang batang nasa sinapupunan ko ay bunga ng pagkakamali natin.”Nagtaas siya ng kilay. “At paano kung sabihin kong kailangan mo akong pakasalan alang-alang sa anak natin?”Napairap ako. “Dahil ba mayayaman tayo? Dahil b
Celeste's POV Gusto niya akong pakasalan. Hindi dahil mahal niya ako, kundi dahil lang sa bata. Hindi ako kailanman magiging asawa niya sa paraan na gusto ko. Matigas ang kanyang tingin, walang bakas ng emosyon. Ngunit alam kong ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay hindi basta pananakot lang. Si Ninong Chester Villamor ay hindi marunong magbiro pagdating sa mga desisyon niya. Kaya nang sabihin niyang wala akong ibang pagpipilian, alam kong hindi iyon biro. Huminga ako nang malalim at tumawa nang mapait. “So, gano’n lang ‘yon? We sign a contract, we get married, and then what? Magpapanggap tayong masaya? Magpapanggap tayong normal?” “Hindi ko kailanman sinabing kailangan nating magpanggap.” Napairap ako. “Oh, so magpapakasal tayo pero hindi tayo magiging totoong mag-asawa? Gano’n ba, Ninong?” Napatingin siya sa akin nang matalim. “Chester. I'm not your Ninong Chester anymore, Celeste. Tumigil ka na sa kakatawag sa 'kin ng Ninong.” “Bakit?” ngumisi ako nang mapait. “Naa
Celeste's POV Dalawang araw mula nang iwan ko si Ninong Chester sa opisina niya, isang tawag ang nagpabalik sa akin sa katotohanan. "Ms. Rockwell, this is Attorney Sebastian Cruz. Can we set a meeting? It’s about Dr. Villamor’s proposal." Halos mabitawan ko ang telepono ko. Proposal. Hindi kasal, kung 'di isang negosasyon. Alam kong hindi susuko si Ninong Chester, pero hindi ko akalaing magpapadala pa siya ng abogado. "You’re wasting your time, Attorney Cruz," malamig kong sagot. "I already gave him my answer." "This isn’t just about your answer, Ms. Rockwell. This is about what happens next." Naramdaman kong bumigat ang loob ko. "Fine. Set the meeting." *** Nasa harapan ko ngayon si Attorney Cruz sa isang private meeting room ng isang five-star hotel. Sa tabi niya, may isang makapal na dokumento. Alam ko na kung ano ‘yon kahit hindi ko pa binabasa. "This is a contract of marriage, Ms. Rockwell," kalmadong paliwanag niya. "One year. That’s all Dr. Villamor is asking." Tumaa
Chester's POVKatatapos ko pa lang makipag-usap kay Isabelle, at pakiramdam ko ay napakabigat ng dibdib ko. Parang may nakaipit na bato sa gitna ng mga buto ko. Gusto ko na lang sanang umalis at makauwi. Gusto ko nang makita si Celeste—makita ang ngiti niya, ang mata niyang puno ng pag-asa, kahit hindi niya alam ang unos na dumarating sa amin. Ngunit habang papasok na ako sa kotse ko, may narinig akong pamilyar na boses—isang babaeng umiiyak at humihingi ng tulong.Agad akong napalingon.“Tulong... please! Ayoko na! Tama na!”Napakunot ang noo ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang sinusundan ko ang pinanggagalingan ng sigaw.Hindi ako maaaring magkamali.Si Lourdes Sanchez iyon.Ang anak ng isang makapangyarihang politiko. Ang babaeng gusto ni Daddy na mapangasawa ko noon—para raw sa “kapakanan” ng pamilya at negosyo. Pero tinanggihan ko. Hindi ko kailanman minahal si Lourdes, at mas lalong hindi ko ginusto ang buhay na pinaplano para sa akin ng iba.Sa loob ng ilang segundo ay na
Chester’s POVBuong araw akong parang zombie sa loob ng ospital. Ang katawan ko ay narito, pero ang isip ko ay malayo. Para akong sinasakal ng bigat ng katotohanan, habang sinusubukan kong ipagpatuloy ang responsibilidad ko bilang isang doktor. Nakamasid lang ako sa mga pasyenteng hawak ko—mga taong umaasa sa akin para sa kanilang buhay, habang ako mismo ay hindi alam kung paano ililigtas ang sarili ko mula sa gumuguhong mundong ito.“Dr. Villamor, ayos lang po ba kayo?” maingat na tanong ng isa sa aking team habang nasa operating room kami. Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya.“Kanina pa po kayo wala sa focus,” dagdag ng isa.Napakurap ako at napatingin sa hawak kong surgical tools. Muntik ko nang mahipo ang parte ng pasyente na hindi dapat.“Pasensiya na. Medyo hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.” Pilit kong pinakalma ang sarili. “Iwan ko muna kayo. I need to rest before the next operation.”Tumango sila, at agad akong lumabas ng operating room. Mabilis ak
Chester’s POVGabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik ang buong paligid, tanging mahinang pag-ihip ng hangin sa labas ang naririnig habang marahan kong isinara ang pintuan. Pakiramdam ko’y sobrang bigat ng katawan ko, parang buong araw akong binugbog ng emosyon at alaala.Dumiretso ako sa kwarto namin at agad akong sinalubong ng isang tanawin na halos ikalugmok ko sa sahig—si Celeste at si Caleigh, mahimbing na magkayakap sa gitna ng kama, tila walang kamalay-malay sa bangungot na posibleng gumuhit sa pagitan naming tatlo.Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha ni Celeste—ang mahinhing paghinga niya, ang mapayapang ekspresyon na para bang wala siyang iniintinding problema. Lumapit ako at marahang naupo sa gilid ng kama. Pinunasan ko agad ang mga luhang kusang bumagsak sa mga mata ko.Paano kung totoo? Paano kung totoo nga ang sinabi ni Daddy? Paano kung anak nga siya ni Daddy… paano kung magkapatid kaming dalawa?Hindi ko kayang isipin. Hindi ko kayang lunukin ang katotohanang i
Chester’s POVHindi ko na kayang pigilan ang galit ko. Habang naririnig ko ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ni Andrew, parang may isang mabigat na bagay na humihila sa akin pababa. Nang wala na akong maisip na ibang paraan upang maipahayag ang nararamdaman ko, isang matinding suntok ang inabot ni Andrew mula sa akin.Hindi ko na alintana ang sakit ng mga buto ko o ang mga posibleng epekto ng ginawa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga salitang binitiwan niya—ang mga salitang maaaring magbago ng lahat. Para bang buong buhay ko ay itinapon niya sa isang iglap.Nagngingisi si Andrew, hawak ang panga niya, tila hindi apektado sa suntok ko. Hindi ko na alam kung anong uri ng kasiyahan ang hatid ng kanyang ngisi. Habang pinupunasan niya ang gilid ng labi niya, tumingin siya sa akin na parang may kasiyahan sa mga mata."Bakit hindi mo tanungin si Uncle Reginald para magkaalaman na?" sabi niya habang binabaybay ng dahan-dahan ang mga galos sa kaniyang pisngi. "Kaya nga sa akin
Chester's POVNakahinga kami nang maluwag matapos asikasuhin ng mga doktor at nurse ng St. Jude. Pakiramdam ko ay para akong nakunan ng tinik sa puso habang pinagmamasdan ang aming anak na si Caleigh, na ngayon ay mahimbing nang natutulog matapos ang matinding lagnat. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit papaano ay nasa ligtas na siyang kalagayan ngayon.Napatingin ako kay Celeste, nakaupo siya sa gilid ng kama ni Caleigh, hawak-hawak ang maliit na kamay ng aming anak. Kita ko ang pagod sa kaniyang mukha—ang lungkot, ang takot, at ang sakit na pinagdaanan niya sa mga nakalipas na oras. Alam kong hindi lang ito dahil sa kalagayan ni Caleigh, kundi dahil na rin sa ginawa ni Daddy sa kanila.Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinakalma ang sarili, pero hindi ko magawa. Sa isip ko, paulit-ulit kong naririnig ang malamig at walang puso na boses ni Daddy noong sinabi niyang wala siyang pakialam kung mamatay ang sarili niyang apo. Paano niya nagawang itaboy ang sarili niyang dugo at
Chester's POV Katatapos lang ng huling operasyon ko ngayong araw kaya agad kong hinubad ang aking surgical gloves at tinungo ang locker room. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako, ngunit nang makita ko ang cellphone ko at ang mahigit dalawampung missed calls ni Celeste, agad akong kinabahan. Hindi normal para sa kaniya ang ganito karaming tawag. Karaniwan ay isang beses lamang siya tatawag at kung hindi ko masasagot, magpapadala siya ng mensahe. Ngunit ngayon, wala ni isang text na kasama.Agad kong tinawagan ang numero niya. Nag-ring lamang ito, ngunit hindi niya sinasagot. Muling bumigat ang dibdib ko, lalo na nang makarinig ako ng pabulong na usapan sa hindi kalayuan."Nakita mo ba kanina si Sir Reginald? Pinaalis niya ang asawa ni Dr. Chester," rinig kong sabi ng isa sa mga nurses.Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nila. Ang dalawang nurses ay nakatalikod sa akin at patuloy sa pag-uusap, hindi namamalayang naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan."May sakit
Celeste's POV Matiyaga kong tinapos ang pagbasa ng mga kaso sa harapan ko. Mahalaga ang bawat detalye, kaya hindi ko maaaring balewalain ang anumang impormasyong maaaring magamit sa korte. Napakarami kong kailangang aralin, at gusto kong tiyakin na handa ako sa bawat hakbang ng proseso. Makalipas ang mahigit dalawang oras, napansin kong may tumatawag sa cellphone ko. Nang makita kong si Ate Sofia iyon, agad akong sumagot. Siya ang nag-aalaga sa anak namin ni Chester, kaya anumang tawag mula sa kaniya ay hindi ko maaaring balewalain. "Celeste, ang taas ng lagnat ni Caleigh! Dinadala ko na siya sa ospital!" Napapanic ang boses ni Ate Sofia, at agad akong napabalikwas sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko'y bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at takot. "Ano? Gaano kataas ang lagnat niya? Anong mga sintomas niya?" Sunod-sunod kong tanong habang kinakabahan. Hindi ko na nagawang ipunin ang mga papel sa harapan ko. Sa sobrang pagmamadali ay natabig ko pa ang ballpen ko sa mesa. "Nagsusuka s
Celeste's POV Nasa loob ako ng korte, nakatayo sa harapan ng hukom, at kasalukuyang nakikipag-debate sa kabilang panig. Ang hangin sa loob ng silid ay mabigat, puno ng tensyon at matinding pokus mula sa lahat ng naroroon. Mula sa mga abogadong nasa magkabilang panig, sa mga miyembro ng hurado, hanggang sa hukom na mapanuring nakatingin sa amin—lahat ay tila isang chess game kung saan bawat salita at kilos ay may estratehiya. "Your Honor, with all due respect, the opposing counsel is attempting to redirect this court's attention to irrelevant matters that do not hold any legal bearing on this case," mariing sabi ko, hindi inaalis ang titig ko kay Atty. Salazar, ang kalaban namin sa kasong ito. Siya ay isang beteranong abogado, kilalang mahusay sa pagsalita at pagpapaliko ng argumento upang ipabor sa kanyang kliyente. Ngunit hindi ako basta-basta matitinag. "Atty. Rockwell-Villamor, the defense is merely establishing a foundation that could significantly impact the credibility of the
Celeste's POV Maaga akong umuwi ngayon dahil gusto kong surpresahin si Chester. Hindi pa niya alam na hired na ako sa law firm, at gustong-gusto ko siyang makita para ibalita iyon sa kanya. Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko habang nagmamaneho pauwi. Pakiramdam ko, ito ang simula ng panibagong yugto ng buhay naming dalawa—pareho kaming muling nagkaroon ng oportunidad sa aming mga propesyon. Pagdating ko sa bahay, agad kong binuksan ang pinto at inikot ang aking paningin sa loob. Tahimik ang paligid maliban sa mahihinang ungol ng anak naming si Caleigh mula sa kanyang nursery room. Agad akong napangiti. Ngunit, sa halip na si Chester ang sumalubong sa akin, si Ate Sofia lamang ang nadatnan ko, abala sa pag-aalaga sa aming anak. "Ate Sofia, nakauwi na ba si Chester?" tanong ko habang tinatanggal ang blazer ko at inilagay iyon sa sandalan ng sofa. Umiling siya at bahagyang napatingin sa akin. "Hindi pa, Celeste. Wala pa rin siyang tawag o text kung anong oras siya m