Celeste's POV
"Buntis ka, Celeste." Those words echoed in my head like a relentless storm. Nakaupo ako sa harap ng doktor, pero pakiramdam ko sy lumulutang ako sa isang mundo kung saan walang tunog at walang galaw—parang huminto ang oras. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko na parang gusto nang kumawala mula sa dibdib ko. Napahawak ako sa tiyan ko. May nabubuhay sa loob ko. My mind raced, trying to grasp the reality of what was happening. Buntis ako... buntis sa anak ng sarili kong Ninong. Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay ko. "Ms. Rockwell?" Napatingin ako sa doktor na may mahinahong ekspresyon. Hindi siya mukhang shocked sa balitang ito, pero halata sa mata niyang nag-aalala siya sa reaksyon ko. "N—Nagkamali ba kayo, Dok?" mahina kong tanong, pilit na kumakapit sa kahit anong piraso ng pag-asang baka maling resulta lang ito. Ngumiti siya ng mahinahon. "We ran both urine and blood tests. Both came back positive. Almost five weeks pregnant ka na, Ms. Rockwell." Muli akong napahawak sa tiyan ko, parang hindi ko matanggap na may isang bagong buhay na nabubuo sa loob ko. That one night. Ang gabing hindi dapat nangyari. Ang gabing pilit kong kinalimutan. Nagbunga ng buhay ang pagkakamaling iyon. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala, pero nang magsalita ulit ang doktor, nagising ako mula sa pagkatulala ko. "Hindi kita pipilitin kung hindi mo pa kayang tanggapin, Ms. Rockwell," aniya. "Pero I highly suggest na bumalik ka for prenatal check-ups. Importante ang first trimester sa development ng baby mo." I swallowed hard. Baby ko. Baby namin ni Ninong Chester. Bigla akong napatingin sa doktor. "May ibang nakakaalam ba nito?" Umiling siya. "Wala. Confidential ang medical records mo. Ikaw lang ang may karapatang sabihin ito kaninuman." Nakaramdam ako ng bahagyang ginhawa. Kung ganoon, may oras pa ako para isipin kung anong gagawin ko. Pagkatapos ng check-up, naglakad ako palabas ng ospital na parang wala sa sarili. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa sasakyan ko, pero ang alam ko lang, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang manibela. Hindi ko ito kayang sabihin kay Ninong Chester. No. I couldn't. Mula noong huli naming pagkikita, sinigurado kong hindi kami magkikita ulit. Iniiwasan ko ang kahit anong family gathering kung saan maaaring andoon siya. Kahit ang pagpunta sa ospital niya, tinangka kong iwasan hanggang sa wala na akong choice kung 'di rito magpa-check-up. Pinilit kong i-focus ang isip ko sa pagmamaneho pauwi, pero sa bawat minutong lumilipas, palakas nang palakas ang katotohanang hindi ko kayang takasan. I was pregnant. Sooner or later… malalaman ito ni Ninong Chester. Pagkauwi ko sa condo, agad akong dumiretso sa kwarto at nagkulong. Hindi ko na nagawang magbihis o mag-ayos. Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa kama, habang nakatitig sa kisame. Doon ako tuluyang binalot ng emosyon. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng mundo ang sitwasyon ko. I was a successful corporate lawyer, just months away from becoming a senior partner. I worked hard to build my reputation, to prove myself in a male-dominated industry. At ngayon? Isang scandal na puwedeng ikasira ng lahat ang bumalot sa buhay ko. Paano kung malaman ng firm? Paano kung malaman ng pamilya ko? At higit sa lahat… paano kung malaman ni Ninong Chester? Napapikit ako nang mariin. I could already imagine his cold, piercing gaze. He was a man of control, power, and logic. Wala siyang puso pagdating sa emosyon. Kung malaman niyang buntis ako sa anak niya? Ano ang gagawin niya? Pipilitin ba niya akong ipalaglag ito? O mas malala… kukuhanin niya ang bata at palalayuin ako? Napahawak ako sa tiyan ko. A small, fragile life was growing inside me, and already, I felt the need to protect it. Buong gabi akong hindi nakatulog. Nagpapalit-palit ako ng posisyon sa kama, pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali. Walang kapayapaan ang isip ko. Ang bawat segundo, bawat minuto, may bumabagabag sa akin—ang katotohanang may isang buhay sa loob ko. Anak namin ni Ninong Chester. Napahawak ako sa tiyan ko. Sa loob ng halos isang buwan, wala akong kaide-ideya na nagbubuntis na pala ako. Sa loob ng panahong iyon, iniiwasan ko ang lalaking iyon na parang isang sakit na ayokong madapuan ako. Pero ngayon? Paano ko siya lalayuan kung ang isang parte niya ay nasa loob ko na? Pinikit ko ang mga mata ko, hoping that maybe, just maybe, when I wake up, everything will be different. That this is all just a dream. Pero alam kong hindi. Ito ang realidad at hindi ko ito matatakasan. *** Pagdating ng umaga, hindi ko na napansin na nakaidlip pala ako. Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Napasinghap ako, parang hinihingal kahit wala akong ginawang mabigat. Mas lumakas ang kaba sa dibdib ko. I reached for my phone, checking the time. 6:30 AM. May trabaho pa ako. Napabalikwas ako ng bangon at naglakad papunta sa banyo. Pilit kong tinatanggal sa isip ko ang lahat ng bagay na bumabagabag sa akin. Pero kahit anong pilit kong magpaka-normal, ramdam kong may mali. Ang katawan ko mismo ang nagpapaalala sa akin. Nang bumaba ako ng kama, biglang sumakit ang ulo ko. Parang bigla akong nahilo. Napahawak ako sa pader, pilit na pinapatatag ang sarili. Nilabanan ko ang panghihina at pumasok sa banyo. Tumapat ako sa salamin, tinitigan ang mukha kong halatang puyat. Napansin kong medyo maputla ako, kaya't mabilis akong naghugas ng mukha. "Celeste, kaya mo 'to," mahina kong sabi sa sarili ko. I had to act normal. I had to pretend like nothing was wrong dahil ayokong may makahalata. Sa buong oras na nasa opisina ako, pilit kong iniwasan ang kahit anong bagay na makapagpapaisip sa nangyari. Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho, pero kahit anong pilit kong mag-focus, parang hindi ko magawang alisin sa isip ko ang isang bagay. Ano ang gagawin ko sa bata? I tried to drown myself in legal documents, case files, at kahit ano pang trabahong puwedeng makabaling sa isip ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matakasan ang katotohanang nagbago na ang buhay ko. Paano ko ipagpapatuloy ang karera ko kung magiging ina na ako? Paano ko itatago ito kay Ninong Chester? Wala akong balak sabihin sa kanya. Hindi dahil gusto kong ilihim ito, pero dahil hindi ko alam kung paano niya ito tatanggapin. Iniisip ko ang reputasyon at career namin. Pero alam kong hindi ako forever makakapagtago. Lalo na kapag nagsimulang lumaki ang tiyan ko. At lalo na kung may isang taong makahalata. Pagkatapos ng halos isang buong araw na trabaho, napagdesisyunan kong umuwi agad. Gusto ko lang mahiga at kalimutan ang lahat ng iniisip ko. Pero paglabas ko ng opisina, parang biglang bumagsak ang mundo ko dahil sa tapat mismo ng building, nakasandal sa isang itim na sports car ang isang pamilyar na pigura. Tall. Regal. Cold. Si Ninong Chester. Muntik na akong mapahinto sa kinatatayuan ko. Mabilis akong napalinga sa paligid, siniguradong walang ibang nakakakita. Kahit pa alam kong walang may alam sa nangyari sa amin, hindi ko mapigilang kabahan. Nagtaas siya ng tingin at tumama ang matalim niyang mga mata sa akin. There was something unreadable in his expression—cold, calculating, but somehow… curious. Naglakad siya papunta sa akin. "Celeste." I swallowed hard, forcing myself to look composed. "Ninong. Anong ginagawa mo rito?" Nagtagilid ang ulo niya, his sharp gaze never leaves mine. "I was in the area. May gusto lang akong itanong sa 'yo." Bigla akong kinabahan. "About what?" Tahimik siyang tumingin sa akin bago dahan-dahang lumapit. Hindi ko namalayan na napaatras ako, pero hindi rin naman ako naglakad palayo. Nang magsalita siya, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "How are you?" Napigil ko ang hininga ko. "What?" "You haven't been attending family gatherings. You haven't been answering my messages." He tilted his head slightly, scrutinizing me. "And now that I'm seeing you again, you look different." Parang bigla akong nawalan ng boses. His gaze flickered down to my stomach for a split second before meeting my eyes again. Hindi ko alam kung nagkataon lang iyon, pero pakiramdam ko ay nakahalata na siya. "Are you hiding something, Celeste?" His voice was calm, but there was an edge to it. Doon ako nakaramdam ng totoong takot. "Wala," agad kong sagot. "I'm fine, Ninong Chester. Kung wala ka nang ibang sasabihin, mauuna na po ako kasi medyo masama ang pakiramdam ko." "Are you sick?" nag-aalalang tanong niya. Napalunok ako nang bigla siyang humakbang palapit sa akin at hinawakan ang aking noo. "Y-Yeah." Mabilis kong inalis ang kaniyang kamay. Napatingin ako sa kaniya nang mapansin ang malalim niyang pagtitig sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at nagpasyang pumasok sa kotse ko para makauwi na, pero bago ko mabuksan ang pintuan ng aking kotse ay hinawakan niya ang aking braso. "A-Are you pregnant?" Bigla akong nanlamig sa tanong niya. Binawi ko agad ang aking braso at mabilis na umiling. "I'm not pregnant," sagot ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at tumambad sa akin ang pregnancy examination results ko. Mabilis ko itong itinago, ngunit huli na dahil nakita ito ni Ninong Chester. Napakagat-labi ako nang kunin niya ang pregnancy examination results ko at tiningnan ito. Pakiramdam ko ay para akong binuhosan ng malamig na tubig nang magtama ang paningin namin. "You are pregnant?" matigas niyang tanong. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko habang hawak ang resulta ng aking pagbubuntis. Napapikit ako sa takot at dahan-dahang yumuko. "Ipapalaglag ko ang bata kaya huwag kang mag-aalala. Hinding-hindi ko sisirain ang reputasyon at career mo, Ninong Chester," paos ang boses ko. "No. Walang kasalanan ang anak natin," matigas niyang sabi, pero tanging ako lang ang nakarinig. "You will not abort our child, Celeste. We will raise that child and you need to marry me!"Celeste's POVHindi ako makahinga. Parang biglang huminto ang mundo ko matapos marinig ang sinabi ni Ninong Chester.“We will raise that child and you need to marry me!”It felt like a forceful command, an inescapable fate that he had already decided for me.Bago ko pa maproseso ang lahat, bigla siyang lumapit. His towering presence made my legs weak, and before I knew it, his firm grip was on my wrist—hindi marahas, pero matigas, sapat para maramdaman kong wala akong kawala."P—Paano mo nalaman?" mahina kong tanong, pilit na nilalabanan ang kaba.Tumigil siya sa paggalaw at tinitigan ako ng matalim. His cold, assessing eyes bore into mine, as if reading every thought inside my head. Damn it, Celeste. Bakit mo ba naisipang harapin siya ngayon?“You think I wouldn’t know?” bumaba ang boses niya, bahagyang lumapit pa sa akin. “You’ve been avoiding me for weeks. I had someone follow you—siyempre hindi mo naisip ‘yon dahil masyado kang busy sa kakaiwas sa akin. Masyado kang masunuring bat
Celeste's POV Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo lang doon, nakatitig kay Ninong Chester habang unti-unting bumibigat ang bawat salita niya sa utak ko."Then I’ll make sure you have no choice, but to say yes. And trust me, Celeste, I always get what I want."Hindi ito usapang normal. Hindi ito usapang magaan lang na puwede kong tawanan o talikuran. Ito ay ultimatum.Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. No, Celeste. Huwag kang magpaapekto. Ninong mo siya at inaanak ka niya.“Ikaw lang naman ang may gusto nito, Ninong,” sabi ko, pilit na pinapalakas ang loob ko. “Hindi ibig sabihin na buntis ako, kailangan ko nang pakasalan ka. Hindi ko rin naman sinabinsa iyo na kailangan mo akong panindigan. Hindi mo kami obligasyon o responsibilidad. Ang batang nasa sinapupunan ko ay bunga ng pagkakamali natin.”Nagtaas siya ng kilay. “At paano kung sabihin kong kailangan mo akong pakasalan alang-alang sa anak natin?”Napairap ako. “Dahil ba mayayaman tayo? Dahil b
Celeste's POV Gusto niya akong pakasalan. Hindi dahil mahal niya ako, kundi dahil lang sa bata. Hindi ako kailanman magiging asawa niya sa paraan na gusto ko. Matigas ang kanyang tingin, walang bakas ng emosyon. Ngunit alam kong ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay hindi basta pananakot lang. Si Ninong Chester Villamor ay hindi marunong magbiro pagdating sa mga desisyon niya. Kaya nang sabihin niyang wala akong ibang pagpipilian, alam kong hindi iyon biro. Huminga ako nang malalim at tumawa nang mapait. “So, gano’n lang ‘yon? We sign a contract, we get married, and then what? Magpapanggap tayong masaya? Magpapanggap tayong normal?” “Hindi ko kailanman sinabing kailangan nating magpanggap.” Napairap ako. “Oh, so magpapakasal tayo pero hindi tayo magiging totoong mag-asawa? Gano’n ba, Ninong?” Napatingin siya sa akin nang matalim. “Chester. I'm not your Ninong Chester anymore, Celeste. Tumigil ka na sa kakatawag sa 'kin ng Ninong.” “Bakit?” ngumisi ako nang mapait. “Naa
Celeste's POV Dalawang araw mula nang iwan ko si Ninong Chester sa opisina niya, isang tawag ang nagpabalik sa akin sa katotohanan. "Ms. Rockwell, this is Attorney Sebastian Cruz. Can we set a meeting? It’s about Dr. Villamor’s proposal." Halos mabitawan ko ang telepono ko. Proposal. Hindi kasal, kung 'di isang negosasyon. Alam kong hindi susuko si Ninong Chester, pero hindi ko akalaing magpapadala pa siya ng abogado. "You’re wasting your time, Attorney Cruz," malamig kong sagot. "I already gave him my answer." "This isn’t just about your answer, Ms. Rockwell. This is about what happens next." Naramdaman kong bumigat ang loob ko. "Fine. Set the meeting." *** Nasa harapan ko ngayon si Attorney Cruz sa isang private meeting room ng isang five-star hotel. Sa tabi niya, may isang makapal na dokumento. Alam ko na kung ano ‘yon kahit hindi ko pa binabasa. "This is a contract of marriage, Ms. Rockwell," kalmadong paliwanag niya. "One year. That’s all Dr. Villamor is asking." Tumaa
Celeste's POV Pinili naming magpakasal nang tahimik sa opisina ni Attorney Cruz. Wala man lang bulaklak, walang bisita, at walang engrandeng selebrasyon—isang pirmahan lang, isang kasunduang legal. At pagkatapos, bumalik kami sa kani-kanilang buhay na parang walang nangyari. Sa mata ng mundo, hindi kami kasal, at kahit sa pagitan naming dalawa, parang gano’n na rin. Sa loob ng unang linggo ng kasal namin, walang nagbago sa relasyon namin. Ninong Chester continued to treat me with cold professionalism—parang doktor sa pasyente, parang employer sa empleyado. Para sa akin, parang Ninong pa rin siya. Sa labas, mukhang normal lang ang buhay ko. Pumapasok pa rin ako sa law firm, patuloy sa trabaho, patuloy sa pag-abot ng pangarap ko bilang senior partner. Pero ang totoo, may bitbit akong lihim na unti-unting nagpapabigat sa akin. Gabi-gabi, natutulog ako sa isang malawak na kama sa isang bahay na hindi akin—ang penthouse ni Ninong Chester. Hindi ko inaasahan na titira ako rito mat
Celeste's POV Pagkatapos ng nakakapanindig-balahibong family gathering, nanatili akong tahimik sa buong biyahe pauwi. Si Ninong Chester, tulad ng inaasahan, ay walang interes makipag-usap. Ang mga kamay niya ay nasa manibela, mata nakatutok sa daan—walang emosyon, walang kahit anong indikasyon na naapektuhan siya ng ginawa naming pagpapanggap. Ako lang ang nakakaramdam ng bigat. Isang kasinungalingan ang lumipad sa hangin kanina, at ngayon, nakadikit na ito sa katauhan ko. I was no longer just Celeste Rockwell—the corporate lawyer climbing her way to the top. I am now Mrs. Villamor, the wife of a billionaire doctor. At ang buong pamilya ko, pati ang mundo sa labas, ay naniwala sa ilusyon na iyon. Muli kong inisip ang sinabi niya kanina sa hapunan. "I'm already married." Napapikit ako. Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—ang katotohanang nagawa niyang bigkasin iyon nang walang kahirap-hirap o ang katotohanang para bang wala lang talaga ito sa kanya. Nang makarating kami sa
Celeste's POV Nakaharap ako ngayon sa isa sa pinakamalalaking kaso sa career ko. Isang high-profile corporate dispute na halos tatlong buwan ko nang hinahawakan. Lahat ng atensyon ng media at legal industry ay nasa amin, lalo na’t ang clients ko ay isa sa mga pinaka-influential na negosyante sa bansa. Pero ngayong nasa loob ako ng courtroom, habang pinapakinggan ang mga argumento ng kabilang kampo, isang bagay ang napansin ko—hindi ako makapag-focus. Lahat ng naririnig ko ay parang ingay lang sa background. Madalas, ang ganitong klaseng setting ay ang mundo kung saan ako nag-e-excel. Ang bawat galaw sa korte ay parang isang chess game, at ako ang master strategist. Pero ngayon, hindi ko magawang ituon ang isip ko sa laro. Dahil sa isang dahilan—Chester Villamor. Ang aroganteng, cold-hearted billionaire doctor na napilitan akong pakasalan. Ang lalaking hindi ko dapat iniisip ngayon, pero patuloy na sumasagi sa utak ko sa pinakamasasamang pagkakataon. Muling bumalik sa isip ko ang
Celeste's POV Pagdating ko sa private restaurant na pagmamay-ari ng isa sa business partners ni Ninong Chester, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako pumayag makipagkita sa kanya. The place was secluded, sophisticated, and exactly the type of venue he would pick—somewhere discreet, away from prying eyes. Pagpasok ko, agad kong nakita siya. Nakaupo siya sa dulo ng VIP section, hawak ang isang baso ng whiskey habang nakasandal sa upuan na parang wala siyang pakialam sa mundo. Napansin kong kami lang ang customer. Mas mabuti ang ganito kesa may makakita sa amin at makarinig kung ano man ang pag-uusapan namin ngayong gabi. He looked completely unbothered. Samantalang ako? Pakiramdam ko parang may unos sa loob ko. Huminga ako nang malalim bago lumapit. The moment he saw me, he tilted his head slightly and gestured to the seat across from him. "Celeste," Ninong Chester greeted smoothly, his deep voice carrying its usual authority. Hindi ko siya sinagot at naupo na lang. "Let’s
Chester's POVKatatapos ko pa lang makipag-usap kay Isabelle, at pakiramdam ko ay napakabigat ng dibdib ko. Parang may nakaipit na bato sa gitna ng mga buto ko. Gusto ko na lang sanang umalis at makauwi. Gusto ko nang makita si Celeste—makita ang ngiti niya, ang mata niyang puno ng pag-asa, kahit hindi niya alam ang unos na dumarating sa amin. Ngunit habang papasok na ako sa kotse ko, may narinig akong pamilyar na boses—isang babaeng umiiyak at humihingi ng tulong.Agad akong napalingon.“Tulong... please! Ayoko na! Tama na!”Napakunot ang noo ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang sinusundan ko ang pinanggagalingan ng sigaw.Hindi ako maaaring magkamali.Si Lourdes Sanchez iyon.Ang anak ng isang makapangyarihang politiko. Ang babaeng gusto ni Daddy na mapangasawa ko noon—para raw sa “kapakanan” ng pamilya at negosyo. Pero tinanggihan ko. Hindi ko kailanman minahal si Lourdes, at mas lalong hindi ko ginusto ang buhay na pinaplano para sa akin ng iba.Sa loob ng ilang segundo ay na
Chester’s POVBuong araw akong parang zombie sa loob ng ospital. Ang katawan ko ay narito, pero ang isip ko ay malayo. Para akong sinasakal ng bigat ng katotohanan, habang sinusubukan kong ipagpatuloy ang responsibilidad ko bilang isang doktor. Nakamasid lang ako sa mga pasyenteng hawak ko—mga taong umaasa sa akin para sa kanilang buhay, habang ako mismo ay hindi alam kung paano ililigtas ang sarili ko mula sa gumuguhong mundong ito.“Dr. Villamor, ayos lang po ba kayo?” maingat na tanong ng isa sa aking team habang nasa operating room kami. Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya.“Kanina pa po kayo wala sa focus,” dagdag ng isa.Napakurap ako at napatingin sa hawak kong surgical tools. Muntik ko nang mahipo ang parte ng pasyente na hindi dapat.“Pasensiya na. Medyo hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.” Pilit kong pinakalma ang sarili. “Iwan ko muna kayo. I need to rest before the next operation.”Tumango sila, at agad akong lumabas ng operating room. Mabilis ak
Chester’s POVGabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik ang buong paligid, tanging mahinang pag-ihip ng hangin sa labas ang naririnig habang marahan kong isinara ang pintuan. Pakiramdam ko’y sobrang bigat ng katawan ko, parang buong araw akong binugbog ng emosyon at alaala.Dumiretso ako sa kwarto namin at agad akong sinalubong ng isang tanawin na halos ikalugmok ko sa sahig—si Celeste at si Caleigh, mahimbing na magkayakap sa gitna ng kama, tila walang kamalay-malay sa bangungot na posibleng gumuhit sa pagitan naming tatlo.Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha ni Celeste—ang mahinhing paghinga niya, ang mapayapang ekspresyon na para bang wala siyang iniintinding problema. Lumapit ako at marahang naupo sa gilid ng kama. Pinunasan ko agad ang mga luhang kusang bumagsak sa mga mata ko.Paano kung totoo? Paano kung totoo nga ang sinabi ni Daddy? Paano kung anak nga siya ni Daddy… paano kung magkapatid kaming dalawa?Hindi ko kayang isipin. Hindi ko kayang lunukin ang katotohanang i
Chester’s POVHindi ko na kayang pigilan ang galit ko. Habang naririnig ko ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ni Andrew, parang may isang mabigat na bagay na humihila sa akin pababa. Nang wala na akong maisip na ibang paraan upang maipahayag ang nararamdaman ko, isang matinding suntok ang inabot ni Andrew mula sa akin.Hindi ko na alintana ang sakit ng mga buto ko o ang mga posibleng epekto ng ginawa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga salitang binitiwan niya—ang mga salitang maaaring magbago ng lahat. Para bang buong buhay ko ay itinapon niya sa isang iglap.Nagngingisi si Andrew, hawak ang panga niya, tila hindi apektado sa suntok ko. Hindi ko na alam kung anong uri ng kasiyahan ang hatid ng kanyang ngisi. Habang pinupunasan niya ang gilid ng labi niya, tumingin siya sa akin na parang may kasiyahan sa mga mata."Bakit hindi mo tanungin si Uncle Reginald para magkaalaman na?" sabi niya habang binabaybay ng dahan-dahan ang mga galos sa kaniyang pisngi. "Kaya nga sa akin
Chester's POVNakahinga kami nang maluwag matapos asikasuhin ng mga doktor at nurse ng St. Jude. Pakiramdam ko ay para akong nakunan ng tinik sa puso habang pinagmamasdan ang aming anak na si Caleigh, na ngayon ay mahimbing nang natutulog matapos ang matinding lagnat. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit papaano ay nasa ligtas na siyang kalagayan ngayon.Napatingin ako kay Celeste, nakaupo siya sa gilid ng kama ni Caleigh, hawak-hawak ang maliit na kamay ng aming anak. Kita ko ang pagod sa kaniyang mukha—ang lungkot, ang takot, at ang sakit na pinagdaanan niya sa mga nakalipas na oras. Alam kong hindi lang ito dahil sa kalagayan ni Caleigh, kundi dahil na rin sa ginawa ni Daddy sa kanila.Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinakalma ang sarili, pero hindi ko magawa. Sa isip ko, paulit-ulit kong naririnig ang malamig at walang puso na boses ni Daddy noong sinabi niyang wala siyang pakialam kung mamatay ang sarili niyang apo. Paano niya nagawang itaboy ang sarili niyang dugo at
Chester's POV Katatapos lang ng huling operasyon ko ngayong araw kaya agad kong hinubad ang aking surgical gloves at tinungo ang locker room. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako, ngunit nang makita ko ang cellphone ko at ang mahigit dalawampung missed calls ni Celeste, agad akong kinabahan. Hindi normal para sa kaniya ang ganito karaming tawag. Karaniwan ay isang beses lamang siya tatawag at kung hindi ko masasagot, magpapadala siya ng mensahe. Ngunit ngayon, wala ni isang text na kasama.Agad kong tinawagan ang numero niya. Nag-ring lamang ito, ngunit hindi niya sinasagot. Muling bumigat ang dibdib ko, lalo na nang makarinig ako ng pabulong na usapan sa hindi kalayuan."Nakita mo ba kanina si Sir Reginald? Pinaalis niya ang asawa ni Dr. Chester," rinig kong sabi ng isa sa mga nurses.Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nila. Ang dalawang nurses ay nakatalikod sa akin at patuloy sa pag-uusap, hindi namamalayang naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan."May sakit
Celeste's POV Matiyaga kong tinapos ang pagbasa ng mga kaso sa harapan ko. Mahalaga ang bawat detalye, kaya hindi ko maaaring balewalain ang anumang impormasyong maaaring magamit sa korte. Napakarami kong kailangang aralin, at gusto kong tiyakin na handa ako sa bawat hakbang ng proseso. Makalipas ang mahigit dalawang oras, napansin kong may tumatawag sa cellphone ko. Nang makita kong si Ate Sofia iyon, agad akong sumagot. Siya ang nag-aalaga sa anak namin ni Chester, kaya anumang tawag mula sa kaniya ay hindi ko maaaring balewalain. "Celeste, ang taas ng lagnat ni Caleigh! Dinadala ko na siya sa ospital!" Napapanic ang boses ni Ate Sofia, at agad akong napabalikwas sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko'y bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at takot. "Ano? Gaano kataas ang lagnat niya? Anong mga sintomas niya?" Sunod-sunod kong tanong habang kinakabahan. Hindi ko na nagawang ipunin ang mga papel sa harapan ko. Sa sobrang pagmamadali ay natabig ko pa ang ballpen ko sa mesa. "Nagsusuka s
Celeste's POV Nasa loob ako ng korte, nakatayo sa harapan ng hukom, at kasalukuyang nakikipag-debate sa kabilang panig. Ang hangin sa loob ng silid ay mabigat, puno ng tensyon at matinding pokus mula sa lahat ng naroroon. Mula sa mga abogadong nasa magkabilang panig, sa mga miyembro ng hurado, hanggang sa hukom na mapanuring nakatingin sa amin—lahat ay tila isang chess game kung saan bawat salita at kilos ay may estratehiya. "Your Honor, with all due respect, the opposing counsel is attempting to redirect this court's attention to irrelevant matters that do not hold any legal bearing on this case," mariing sabi ko, hindi inaalis ang titig ko kay Atty. Salazar, ang kalaban namin sa kasong ito. Siya ay isang beteranong abogado, kilalang mahusay sa pagsalita at pagpapaliko ng argumento upang ipabor sa kanyang kliyente. Ngunit hindi ako basta-basta matitinag. "Atty. Rockwell-Villamor, the defense is merely establishing a foundation that could significantly impact the credibility of the
Celeste's POV Maaga akong umuwi ngayon dahil gusto kong surpresahin si Chester. Hindi pa niya alam na hired na ako sa law firm, at gustong-gusto ko siyang makita para ibalita iyon sa kanya. Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko habang nagmamaneho pauwi. Pakiramdam ko, ito ang simula ng panibagong yugto ng buhay naming dalawa—pareho kaming muling nagkaroon ng oportunidad sa aming mga propesyon. Pagdating ko sa bahay, agad kong binuksan ang pinto at inikot ang aking paningin sa loob. Tahimik ang paligid maliban sa mahihinang ungol ng anak naming si Caleigh mula sa kanyang nursery room. Agad akong napangiti. Ngunit, sa halip na si Chester ang sumalubong sa akin, si Ate Sofia lamang ang nadatnan ko, abala sa pag-aalaga sa aming anak. "Ate Sofia, nakauwi na ba si Chester?" tanong ko habang tinatanggal ang blazer ko at inilagay iyon sa sandalan ng sofa. Umiling siya at bahagyang napatingin sa akin. "Hindi pa, Celeste. Wala pa rin siyang tawag o text kung anong oras siya m