Sabi nga ng iba... Love can be sad and love can be happy. Yena Suarez. Kung magkakaroon man ng katawan ang salitang 'maganda' ay siya na iyon. Noong walong taong gulang pa lamang siya ay alam na niya sa sarili niya na naka takda silang ikasal ng kaniyang matalik na kababata na si Nikko. Masaya naman sila noon, ngunit nang mag laon at namatay ang Ina ni Nikko ay doon nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Lalong lalo na ng malaman niyang may lihim na kasintahan pala si Nikko na matagal na palang ikinukubli nito sa kanya. Nadurog ang puso niya sa nalaman. Tinulungan siya ni Dwight, ang nakakatandang kapatid ni NikkoNikko sa labas. Doon niya pa mas nakilala si Dwight Collymore. Ngunit paano kaya kung malaman niya kung ano ang lihim na matagal ng ikinukubli rin ni Dwight sa dalaga? Paano kung... siya ang Adiksiyon niya?
View MoreNAGTRABAHO kinagabihan si Yena at masiyado siyang maraming iniisip kaya hindi na niya napansin ang kaibigan na pumasok sa staff-room. "Hoy, gaga! Welcome back!" mahigpit siya nitong niyakap. Naka-break siya ngayon at alas otso na ng gabi. Hanggang alas dose pa ang shift niya. Napa ngiti kaagad siya at niyakap pabalik ang kaibigan. Nakilala niya si Jodi noong nasa kolehiyo siya. "Salamat," may ngiti sa mga labi niyang sagot. "Pero teka nga," umalis ito sa pagkakayap sa kanya at hinawakan ang magkabilang gilid ng kaniyang mukha at sinuri iyon. "May problema ka ba? Siya na naman, 'no?" alam ni Yena kung sino ang tinutukoy ni Jodi. Kaagad siyang umiling. "Hindi, marami lang talaga akong iniisip." "Akala ko kapag naka uwi ka sa sa inyo sa Davao, magiging okay ka na? Pero mali yata ang hinala ko... " may bahid ng lungkot ang boses ni Jodi. Ngumiti siya at umiling upang maibsan ang pag-alala ng kaibigan. "Marami lang talaga akong iniisip at saka... okay na ako, talagang okay na ako-"
"GALIT ka parin ba?" basag ni Nikko sa katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa. Napa hinto naman kaagad sa pag nguya si Yena."Hindi." matigas niyang sabi at umayos ng upo. Nawalan tuloy siya ng gana kumain. "Akala ko mananatili ka muna doon sa Davao? Bakit bumalik ka kaagad dito sa Manila?" kasalukuyang nasa isang restaurant sila ngayon habang kumakain ng tanghalian. Napa kamot si Nikko sa sarili niyang leeg. "Kasi, may gusto sana akong sabihin sa'yo, Cake." tiningnan siya sa mata ng binata rason upang dumoble ang kaba sa puso niya. "H-Ha? May gusto kang sabihin? Ano naman?" umarte siyang tumitingin sa kaniyang relo upang hindi masiyado halata na kinakabahan siya. "Puwede bang umuwi na muna tayo sa dati nating maliit na tirahan?" Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Bakit? Para saan?""Kasi bahay natin 'yon hindi ba? At sinabihan ako ng Mama mo na dadalaw daw siya sa susunod ng mga linggo doon. Ayaw kong may isipin silang masama sa atin, na nag-aaway tayo." kung titingna
HULING araw na ng bakasyon ni Yena sa bahay nila ngayon. Maaga siyang gumising upang magluto sana ng agahan para sa kanilang tatlo. "Goodbye sweetie, gonna go to office." hinalikan kaagad siya ng kaniyang Ama sa noo. "Teka Pa," Tumingin siya sa relo niya, "Alas-kuwatro palang ng umaga, ang aga naman yata? Nasaan si Mama?" Napa buntong hininga ng malalim ang kaniyang Ama at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Nauna na kanina pa. Masiyadong problemado ang kompanya ngayon anak," dahan dahan na nitong inayos ang suot nitong leather na sa sapatos."Ngunit Pa, g-gusto ko sanang magkasama tayong kumain ng agahan-" hindi na natapos ni Yena ang gusto niyang sabihin ng bigla na lang may tumawaf sa cellphone ng kaniyang Ama. "Yes, hello? Yeah, yeah. This is me, oh sure Mr. Ripley, okay I'll be there in about ten minutes. Okay." Tinapos na nito ang tawag at kaagad ng nagpaalam kay Yena. "Tumawag ka kapag naka balik ka na ng Manila, okay?" pasigaw pa nitong saad habang kumakaway ang kana
NAPUKAW ang mahimbing na tulog ni Yena dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kaniyang kuwarto. Marahan niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaliwa niyang kamay upang hindi tumama ang sikat ng araw sa kaniyang mata. Napa tingin siya sa kaniyang orasan na naka lagay sa gilid ng kaniyang kama. "Alas diyes na pala?" bumangon siya sa kama at inayos ang kaniyang sariling buhok. "Lindon, hindi ba't sinabihan na kita dati pa na huwag kang mag-invest sa laro na 'yon!" Napa tayo kaagad si Yena dahil sa malakas na sigaw na iyon. Napa takbo siya palabas ng kaniyang kuwarto at nakitang nagtatalo na naman ang mga magulang niya. Nameywang ang kaniyang Ina at napa hawak sa sariling noo nito habang pabalikbalik sa nilalakaran na para bang nababalisa kung ano ang dapat na gawin. Habang ang kaniyang Ama naman ay naka upo lang sa sofa at para bang nagiisip kung ano ang dapat niyang kasunod na sasabihin sa asawa. "Josefina, hindi ko naman alam na ganoon pala iyon-""Na tatakbo sila hawak
Continuation... BINALINGAN kaagad niya ng hindi makapaniwalang tingin si Nikko. "Sorry?" napa tawa ng mapakla si Yena, "Sorry saan? Sorry dahil ako lang ang nagseseryoso sa relasyon na ito? Sandali, wala pala tayong relasyon, hindi ba? Nikko naman, engaged na tayo! Ikaw at ako ay ikakasal na. Fiance mo ako at hindi kapatid!" Parang malagutan na nang hininga si Yena dahil sa haba ng kaniyang sinabi. Tumalikod kaagad siya sa gawi ni Nikko at handa na sanang umalis ng biglang magsalita ang binata. "Magkaibigan parin naman tayo hindi ba?" mababakas mo ang kalungkutan sa boses ng binata ngunit hindi nagpa tinag ang dalaga. Ayaw na niya maging baliw pa at umasa na magbabago ang tingin ni Nikko sa kanya. "Aalis na ako." iyon lang ang naging sagot niya at pinihit na pabukas ang pintuan at lumabas ng hall. "What a nice live show to watch, huh?" awtomatikong napako si Yena sa kaniyang kinatatayuan ng marinig niya ang boses na iyon. Napa lingon siya sa kaniyang likuran. Namilog ang mata n
KAAGAD na bumaba sa kotse si Yena at dumiretso sa loob ng mansiyon ng pamilya Collymore. Ni hindi na nga siya dumiretso sa pamilya niya dahil sa pag-aalala kay Nikko dahil alam niyang paparusahan talaga ito ng kaniyang Ama.Hindi na bago sa mga katulong na naroon si Yena sa mansiyon dahil kilala na nila ang dalaga simula noong bata pa ito. Hindi na nagpa ligoy ligoy si Yena at kaagad na siyang dumiretso sa sala dahil alam niyang naroon na naman naka upo ang madrasta ni Nikko at hindi nga siya nagkamali ng makita niya ito doon. "Magandang araw po Tita-""Alam mo bang masiyado akong nadismaya sa'yo, ha? " hindi kaagad naka galaw si Yena sa kaniyang kinatatayuan. "P-Po? Anong ibig niyo pong sabihin?"Binalingan kaagad siya ng matulis na tingin ng step mother ni Nikko. Nasa 40's palang ang step mother ni Nikko habang ang Ama naman ng binata ay nasa 50's na. Nag de-kuwatro ito ng upo sa kulay red na mahabang couch at ipinag-krus ang dalawang braso nito sa dibdib habang sinusuri ang kab
DUMAAN ang isang araw at naging abala si Yena sa sarili niyang buhay. "Isang daan at walong put pito po lahat, Ma'am." magalang na saad niya sa kaharap na kustomer. "Ito po," tinanggap niya kaagad ang pera sabay abot ng sukli at ngumiti. "Salamat, balik po kayo ulit." magalang niyang sabi. Nang matapos siya sa kaniyang trabaho ay kaagad na siyang nagpaalam sa boss niya. Wala sa sariling napa tingin siya sa isang sports car sa naka parada hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan mula sa waiting shed. Isa itong Akia sports car 2019 na issue. Napa ngiti siya ng mapait ng may maalala siya. "Nikko! Sinasabi ko sayo, kapag hindi mo ito tinigil ang kotse isusumbong talaga kita sa Papa mo!" malakas na sigaw ni Yena. Sumali kasi si Nikko ng karera dahil narin sa impluwensiya ng barkada nito. Napa halakhak lamang si Nikko at hinawakan ang kamay niya gamit ang kaliwang kamay nito habang ang kanang kamay naman ng binata ay abala sa pag mamaneho. "Diyos ko, Nikko! Ibaba mo na lang ako, dali
NAGRAAN ang dalawang linggo at naging abala si Yena sa trabaho niya. Simula din ng gabing malaman niyang mayroon ng kasintahan si Nikko ay hindi na siya umuwi sa inuukupa nitong tirahan at nag ukupa nalang ng sariling maliit ng kuwarto malapit sa kaniyang pinagtatrabahuan. At kahit ni isang mensahe man lang mula kay Nikko ay wala siyang natanggap. "Yena, paki bigay nga sa'kin iyong mga listahan ng mga stocks na padating mamaya. Naroon naka lagay sa loob ng office, sa maliit na lamesa." kaagad siyang tumango. "Sige po, sandali lang." "Teka, Yena." pigil ng kaniyang boss. Kunot noong nilingon niya ito. "Bakit Ma'am?" Kaagad na tinuro ng boss niya ang kaniyang kanang bulsa gamit ang nguso nito. Napa tingin kaagad siya doon. "Kanina pa iyan tumutunog, hindi mo yata napansin," nagsalubong ang kilay niya na kinuha ang cellphone sa bulsa at namilog kaagad ang kaniyang parehong mata ng mabasa ang pangalan ng nasa screen. "H-Hello?" hindi niya maiwasang kabahan. Naglakad muna siya pala
“HANGGANG diyan lang muna ako sa kanto.” si Nikko ay nagtatrabaho sa isang tanyag na opisina at isa itong direktor. Habang si Yena naman ay nagtatrabaho lamang sa isang convenience store."Here?" pukaw ni Dwight sa diwa niyang nagliwaliw na naman."Oo, dito na lang." Ipinarada ni Dwight ang sasakyan sa gilid ng kalsada."Ahem!" Basag ulit ni Yena sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa."Why?" malamig pa sa yelong tugon nito na kasalukuyang abala na naman sa selpon na para bang may inaasikaso itong kung anong importante na dukomento roon."Salamat pala dito," itinaas niya ang kulay asul na bag. Sa bawat gilid ng bag na iyon ay may disenyong diamante at ang mismo strap naman nito ay yari sa silver. Kumikinang pa nga ito kung natatamaan ng araw. Nahihiya tuloy si Yena kung paano niya susuotin ang gano'n karangya na bag."Yeah." walang ganang sabad nito."K-Kailan pala birthday mo?" nahihiya niyang tanong. Gusto niyang maka bawi sa binata kahit man lang sa maliit na paraan."Don't mind
MALAKAS ang buhos ng ulan nang tumingin si Yena sa labas ng tinutuluyan niyang tirahan. Napa buntong hininga na lamang siya at bumalik na sa kusina upang tapusin ang ginagawa niyang pagluluto.Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga gawaing bahay ay inihanda na niya ang lamesa at umupo sa pinaka gitnang upuan. Tumingin siya sa orasan at napangiti ng mapagtanto niyang alas syete pa pala ng gabi at maaga pala siyang natapos sa kaniyang mga gawain.Ngunit nagdaan na lang ang ilang oras nanpaghihuntay niya ay wala parin si Nikko, ang mapapa ngasawa niya."Bakit wala pa siya? Magmamadaling araw na, ah?" Nag-aalalang bulalas niya sa sarili at napa tayo sa kinauupuan niya. Hindi inda ang mga sugat na nakuha niya dahil sa paghiwa ng mga gulay kanina.Tinanggal ni Yena ang kulay bughaw niyang apron at inilagay iyon sa upuan at nagmamadaling kinuha ang kaniyang selpon at nag tipa kaagad doon.Ngunit kahit anong gawing tawag niya kay Nikko ay hindi parin ito sumasagot.Umusbong ang pag-aalala s...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments