Share

Pahina 1.2

KAAGAD niyang sinagot ang tawag na may mga ngiti sa labi.

"Hello hon--"

"Ikaw ba si Cake?"

Kumunot ang noo ni Yena at tiningnan ulit ang pangalan ng tumatawag. Sigurado siyang cellhpone ni Nikko ang gamit nito.

"O-Oo, ako nga. Sino ka? Nasaan si Nikko? Bakit ikaw gumagamit sa cellphone niya? " hindi niya maiwasang kabahan lalo.

" Mamaya na kita sasagutin. Paki kuha mo nga muna itong si Nikko dito, nasa police station kami ngayon. Nakipag away na naman. Message ko na lang sa iyo kung saang estasyon siya."

"T-Teka! Bakit nasa police station kayo? May nangyari ba? Ano?" natatarantang tanong ni Yena sa kausap sa kabilang linya.

"Basta, tanungin mo nalang itong tao nato kapag nandito ka na." napipikon nitong sagot sa kanya at pinatay na kaagad nito ang tawag. Ilang segundo palang ang nakalilipas ay may nakuha kaagad siyang mensahe galing dito kung nasaan na police station si Nikko ngayon.

Kaagad na pumara ng taksi si Yena at hindi alintana ang nararamdaman na lamig sa katawan dulot ng ulan.

Patakbo siyang pumasok sa estasyon at bumungad kaagad sa kanya si Nikko na naka tungo lang. Sugatan ang magkabilaang kamay nito at kitang kita pa sa benda na nakapa libot sa kaliwang kamao nito ang sariwang dugo.

Lumukob ang pag-aalala at awa sa buong sistema ni Yena at dinaluhan kaagad si Nikko.

Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ng binata na kaagad namang iniwasan nito.

Nakaramdam kaagad ng sakit sa bandang puso si Yena ngunit hindi niya inintindi iyon.

"Nikko, ano ba ang nangyari, ha? Okay ka lang ba?" hindi nagsalita si Nikko kaya pinabayaan na lang ito ni Yena dahil baka nagulat parin ito sa nangyari.

Kinausap niya kaagad ang pulisya patungkol kung anong nangyari kay Nikko, sa awa ng diyos at nagka arigluhan naman sila kaagad ng pulisya.

May sinabing kung ano ang pulis ngunit binalewala niya iyon dahil alam niyang hindi magagawa ni Nikko iyon sa kanya.

Paglabas niya sa opisina ay kumunot ang kaniyang noo ng makita niyang wala na si Nikko doon. Patakbo siyang lumabas ng pulisya at nakita niyang sumakay ng taxi si Nikko.

"Nikko!" sigaw niya at kaagad ding pumara ng sasakyan.

"Manong paki sundan po iyong taxi na nasa harapan, please." Naghahabol ng hininga na saad ni Yena sa driver. Nagsama ang kaba at takot sa sistema ni Yena at hindi niya mapunto kung ano dapat ang paniwalaan niya sa mga sandaling iyon.

Mas dumoble pa ang kaba niya ng makitangp huminto ang taxi sa harapan ng isang tanyag at kilalang hotel sa buong asya.

"Anong ginagawa niya sa isang hotel?" tanong niya sa sarili at kaagad na lumabas ng sasakyan. Patakbo niyang hinabol ito.

"Nikko!" Muling sigaw niya ulit sa pangalan nito ngunit hindi parin siya narinig ni Nundan niya ito hanggang sa elevator at tiningnan kung saang floor ito papunta. Sumakay kaagad siya sa kabilang elevator nang hindi niya ito maabutan. Tumungo siya sap ika sampung palapag ng gusali.

Nang tumunog na ang elevator hudyat na pabukas na ito ay kaagad siyang lumabas mula roon at sakto ding pagbukas ng kabilang elevator.

"Nikk--" Naiwan sa ere ang gustong sabihin ni Yena kasabay nito ang panlalamig ng kaniyang kamay nang makita niyang masayang niyakap ni Nikko ang isang babae.

Maganda, payat, morena, kulot na buhok na hanggang balakang nito iyon na para bang isa itong pang modelo na klase na babae.

"Okay ka lang? Malakas ang ulan sa labas, malamig ngayon. Dapat sinuot mo iyong jacket ko." Malambing na tinig ni Nikko sa babae.

“Hindi, sobrang lamig kaya kapag wala ka.” Paglalambingng babae. Nakita niyang malakas na humalakhak si Nikko.

“Bolera ka talaga,” pinangigilan ni Nikko ang pisngi nito.

Nanginginig ang mga labi ni Yena dahil sa nasaksihan niya kasabay ng pag patak ng isang likido mula sa kaniyang mga mata.

Dahan dahan siyang napa atras palayo kila Nikko at kaagad na tinungo ang ika unang palapag ng gusali. A

Paglabas niya palang sa mismong hotel ay doon niya na nararamdaman ang pamamanhid ng kaniyang sugat sa kanang kamay at kaniyang paa.

Napa hagulhol na lamang siya ng wala sa oras kasabay nito ang pagkiskis niya sa magkabilang braso gamit ang dalawa niyang kamay dahil sa lamig.

"B-Bakit? Ano ba ang n-nagawa kong pagkukulang, Nikko?" tanong niya sa sarili at mas humagulhol pa ng malakas. Animo'y parang nakikiayon din ang maulan na panahon sa nararamdaman niya.

Napa upo na lang si Yena sa malamig na sementadong sahig sa labas ng hotel at umiyak na lang nang umiyak hanggang sa wala ng matirang luha sa kaniyang mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status