Share

Pahina 2.2

"Dwight-" Naiwan sa ere ang sasabihin niya ng magsalita si Dwight.

"I thought you're his girlfriend?"

Nabingi si Yena dahil sa simpleng tanong lamang na iyon ni Dwight. Napa higpit ang hawak ni Yena sa gilid ng gawa sa kahoy na lamesa.

Wala siyang maisagot na kahit isang salita dito. Dahil alam niya din mismo sa sarili na ang kasalanan na magaganap sa kanilang dalawa nila ni Nikko ay kasunduan lamang ng kanilang mga pamilya.

At alam din niya na isang bunsong kapatid lamang ang turing ni Nikko sa kanya.

"Hindi naman naging kami. Inaalagaan lang namin ang isa't isa, 'yun lang."

"So why you're so wet earlier? Don't tell me you save him in the police station again?" mas napa yuko pa si Yena ng mapagtanto na hindi lang ito ang unang pagkakataon na nakipag areglo siya sa mga pulis para lang kay Nikko.

"Dahil nga doon... " Mahina niyang lintaya.

"So his girlfriend is dead?" doon napa angat ang ulo ni Yena dahil sa sinabi ng binata. Sobrang talas pala talag ng bibig ni Dwight.

"P-Pero hindi ki pa naman nakakusap si Nikko kung kasintahan niya ba talaga iyon o hin-"

"A man don't bring a woman inside of a hotel for nothing, Miss Suarez." putol ng binata sa sasabihin ng dalaga. Doon na nanginig ang kamay ni Yena sa ilalim ng lamesa at napa yuko na naman ulit.

"Hindi iyon magagawa sa akin ni Nikko..." mahinang bulong niya.

"And pigs can fly, Miss Suarez." puno ng sarkasmong saad ni Dwight sa dalaga. Doon lang din ni Yena napagtanto ang lahat ng naging katangahan niya buong magdamag.

Nag antay siya ng hapunan para maka sabay sila ng kain ni Nikko. Nagluto siya buong hapon para lang sana i-selebra ang kanilang ika apat na anibersaryo, ngunit ito lamang ang napala niya.

Sakit, hinagpis at pagkalito.

"Alam ko namang pareho kaming nararamdaman sa isa't isa kahit na hindi namin sabihin iyon sa sarili namin."

"So why are you crying?" halata sa boses ng binata na naiirita na ito.

Hindi na niya napigilan ang mapa hagulhol na lamang. Dahil kahit anumang tanggi ni Yena ay naging tanga parin siya sa parteng pinanghawakan niya lang ay ang pangako nila ni Nikko sa isa't isa na walang iwanan sa ere.

Ang kaninang pinipigilan niyang mga luha ay nagsibagsakan na nang tuluyan at hindi niya mawari kung bakit ganoon na lang ang lakas ng loob niya na umiyak sa harapan ni Dwight.

Hindi umimik si Dwight at tiningnan lamang ang dalaga. Kumuha ito ng isang puting tuwalya sa banyo at itinapon sa gawi ng dalaga.

"Gues you'll be crying all night. You'll need that. There's a guest room in the second floor beside the big lalisa painting, you can sleep there for tonight." Pagkatapos sabihin iyon ay kaagad na itong nawala sa harapan ng dalaga.

Ito ang pinaka unang pagkakataon na  nagsalita ang binata ng ganoon ka haba sa tanang buhay nito. Walang ganang tinahak niya ang ikalawang palapag ng bahay at doon lang napagmasdan ng dalaga kung gaano kaganda ang mansiyon ng lalaki.

Ang lahat ng kagamitan pati narin ang mga hagdan, isama mo na rin pati ang mga sofa ay yari sa gawang kahoy na naka barnes. Sa pag pasok mo palang sa kabahayan ay bubungad kaagad sa iyo ang isang napaka laking chandelier na naka disenyong pabilog na parang mga kandila.

At sa ilalim nito ay ang sala na kinauupuan niya kanina. Napabalik sa reyalidad ang dalaga nang mapahinto siya sa harapan ng  sa isang malaking lalisa painting at sa kaliwang bahagi nito ay may kulay krema na pintuan na naka sarado.

Marahan niyang binuksan iyon at hindi na nagtaka si Yena ng humanga siyang muli sa disenyo ng kuwarto. Ngunit kahit anong ganda ng mansiyon na ito ay parang may kulang...

"Siya lang ba talaga nakatira sa mansiyona ito?" Wala sa sariling bulalas ni Yena sa sarili at itinapon ang sariling katawan pahiga sa kama.

"Napaka lungkot naman ng bahay niya, "

Napa tingin siya sa orasan na gawa rin sa kahoy na katapat llamang ng kaniyang kama. Hindi niya napansin ang oras at malapit na palang mag alas tres ng umaga.

Akmang ipipikit na sana ni Yena ang mga mata ng bigla na lang tumunog ang selpon niya hudyat na may tumatawag sa kanya.

Tiningnan niya kaagad iyon at ng makita niya kung sino ang tumatawag ay kaagad na sumikip ang tahib dibdib niya.

Honey calling...

Kaagad niyang pinindot ang end call at blinock ang number ng lalaki at tinapon sa kung saan ang selpon niya.

"Walang hiya." may gigil na asik ni Yena sa kawalan at napagpasyahan niya na lang na lumabas na lang ng kuwarto at bumalik sa sala at doon matulog.

Maagang bumangon ang binata dahil may importante na pupuntahan pa ito. Nang maka labas ito sa kaniyang silid ay dumiretso ito sa kusina upang uminom ng tubig.

Ala singko palang ng umaga. Naglakad siya patungo sa banyo ng unang palapag ng bigla na lang nahapit ang atensyon ng binata sa babaeng mahimbing na natutulog sa mahabang couch niya sa sala.

Ang kaniyang guwapo na mukha ay kumunot habang naka titig sa dalaga.

"Why she's sleeping here?"  tanong niya sa sarili at hindi maiwasan ng binata na humanga sa mala anghel na pagmumukha nito.

Bumalik ai Dwight sa kuwarto nito at pagbalik nito sa sala ay may dala na itong kulay puting kumot at dahan dahan iyong inilagay sa katawan ni Yena.

Dumiretso na kaagad ang binata sa banyo at bago pa siya maligo ay may tinipa muna ito sa kaniyang selpon at may tinawagan.

"Ready my schedule for this morning. Cancel all my afternoon schedules." utos niya sa kabilang linya.

"Masusunod Mr. Dwight," magalang na sagot din ng sekretarya nito sa kabilang linya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status