Share

Pahina 2.1

TINGNAN mo, Yena. Maganda ba?” may ngiti sa mga labing tanong ni Nikko sa kanya. Napa buga ng mabigat na hangin si Yena at nameywang.

“Nikko, pagagalitan ka na naman ni Uncle kung makikita ka niya. Lagot ka talaga doon,” may pag-aalalang saad pabalik ni Yena.

Mahilig kasi si Nikko mag-billiard kaya bumili na naman ito ng bagong bola ng billiard at balang araw gusto daw nitong sumali sa Olympics upang makamit ang gintong medalya para sa Pilipinas.

Malayo sa totoong nais ng kaniyang Ama para sa kanya.

“Huwag kang mag-alala Yena, hindi naman malalaman-“

“Anong ibig sabihin nito?” parang isang blokeng yelo na tanong ng Ama ni Nikko mula sa kanilang likuran. Kaagad na itinago ni Nikko sa likuran niya iyong mga bola.

“W-Wala naman Ama, nagkukwentuhan lang kami ni Yena, “ Pagsisinungaling ni Nikko. Napa tingin ang Ama ni Nikko kay Yena at tipid na ngiti lamang ang naibigay ng dalaga dito.

Ang Ina ni Nikko at ang Ina ni Yena ay matalik na magkaibigan kaya naging matalik rin silang magkaibigan ni Nikko simula noong walong taong gulang pa siya.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, namatay ang Ina ni Nikko dahil sa sakit na diabetes at simula noon naging seryoso na ang pakikitungo ng Ama nito sa kanya. At lahat ng gusto ng Ama nito ay ang dapat na masunod.

Bumalik sa reyalidad si Yena ng manuot sa kalamnan niya ang lamig na dulot ng tubig ulan at samahan mo pa ng malakas na hangin.

Naglakad lang nang naglakad si Yena. Hindi alam kung saan patungo ang mga paa niya. Ayaw niya munang umuwi at baka makita lang niya si Nikko doon sa bahay.

Ayaw niyang makita muna ang pagmumukha nito.

“Magandang gabi Miss, tara, gala tayo.” Napa atras kaagad siya ng mapansin na nasa liblib na kanto na pala siya dinala ng kaniyang mga paa.

“Ayoko.” Matapang niyang sagot ngunit dahil sa panginginig ng kaniyang katawan dulot ng basang damit ay naging isang bulong lamang iyon.

Mabuti na lang at pinabayaan na lang siya ng mga ito at kaagad siyang tumakbo at huminto sa gilid ng isang sari-sari store.

Napa tingin siya sa sariling repleksiyon mula sa glass window nito at nahabag sa sarili. Makalat na buhok, kulay krema na malaking damit at kulay itim na maong na shorts na hanggang tuhod niya.

Marahan niyang inayos ang buhok na para bang ito ang dinaanan ng bagyo at hindi ang Pilipinas habang naka tingin parin sa sariling repleksiyon. Para siyang isang manang kung titingnan.

“Ganoon na ba ako ka desperada?” maluha luhang tanong niya sa sarili at naupo na lang sa gawa na metal na upuan sa gilid ng sari-sari store. Ang pagkakaalam niya kasi ay wala pang kasintahan si Nikko dahil wala naman itong nilinaw sa mga magulang nito noong napagkasunduan nito ang pagpapakasal nilang dalawa.

“Miss Suarez. What are you doing here?” isang baritonong boses ang pumukaw sa atensyon niya. Kunot noong nag angat siya ng tingin at mas dumoble pa ang nararamdaman niyang hiya para sa sarili ng mapagtantong si Dwight iyon, ang nakaka tandang kapatid ni Nikko.

Si Nikko at si Dwight ay iisa lang ang Ama ngunit magkaiba ang kanilang Ina. Kaya hindi magkasundo ang dalawa dahil anak sa labas si Dwight.

Napa yukong muli si Yena.

“Okay lang ako, kailangan ko lang magpa hangin.” Pagsisinungaling niya.

“With that clothes on?” matigas na Ingles nito sa kanya. Lumaki kasi sa Amerika si Dwight kaya hindi ito sanay sa lengguwahe na tagalog.

Hindi siya umimik. Ayaw niyang makipag usap kay Dwight. Narinig niyang nag buntong hininga ito at lumabas sa kotse nito na sa isang tingin mo palang ay halatang mamahalin na.

Walang pasabing kinuha ni Dwight ang braso niya, sinakay siya katabi ng driver seat at pina andar ang kotse.

Wala ng ppakialam si Yena kung saan man siya dalhin ni Dwight basta ayaw niya lang umuwi sa bahay niya.

Pumasok sila sa isang  baranggay at makikita mo talaga sa itsura palang ng mga kabahayan sa loob na mayayamang pamilya ang nakatira roon.

Huminto sila sa harap ng isang gawa sa kahoy na mansiyon.

“Help yourself.” May slang na Ingles ni Dwight sa kanya. Kaagad siyang bumaba at sumunod sa likuran ng binata at nabigla na lamang siya ng hinubad nito ang suot nitong jacket at tinapon sa gawi niya. Mabuti nalang nasalo niya iyon kaagad.

“Cover yourself up. You look sick.” Pagkatapos sabihin iyon ay nauna ng pumasok ito sa loob ng kabahayan. Napa tingin siya sa jacket at munting napa ngiti.

“Salamat,” Mahinang bulong niya sa sarili. Ngayon niya lang napagtanto na ang laking tanga niya pala simula noong una palang na nagbukod sila ng bahay ni Nikko.

Palagi kasing lamang bunganga ni Nikko na masama ang ugali nitong kinakapatid na lalaki na si Dwight. Iyon din ang sumbong ng nga kamang anak ni Kikko sa kanta. Ngunit sa palagay niya ay mali ang hinala nilang iyon.

“Here, drink this. That will help.” Tipid na saad nito at inabutan siya ng isang tsaa ng luya na may lemon.

Kasalukuyang naka upo na siya ngayon sa isang malambot at kulay putung sofa.

Nang matikman niya ang tsaa na bigay ng binata sa kanya ay kaagad niyang naramdaman ang kaginhawaan sa pakiramdam. Bigla niya tuloy naisip kung kailan ba siya nabigyan ni Nikko ng kahit mainit na tubig man lang?

Napa tawa siya ng mapait sa kaisipang iyon. Ni hindi nga nito nagawang makipag sabay sa kaniya kahit isang beses man lang sa hapagkainan, mainit na tubig pa kaya?

Ngayon lang din napansin ni Yena na napaka hapit pala ng katawan ng binata. Isama mo pa ang mga naka plakada na ugat sa braso at kamay nito. Walang kasing haba din ang mga pilik mata nito kasabay no’n ang kulay tsokolate nitong mga mata na para bang tinunaw iyon ng sadya para lang sa binata.

Kaya hindi na nagtataka si Yena kung maraming babae ang nagkakandarapa na makuha ang atensiyon ni Dwight. Dahil sa mala adonis nitong pangangatawan at itsura.

“Hey, I said get dressed up. I have extra Shirts and shorts there, “ Turo nito sa banyo. “I didn’t use those. You can choose what you like.” Bumalik kaagad siya sa sariling katinuan at nahihiyang tumayo.

Nagpasalamat na lang siya at hindi na tumanggi pa. Alam niya kasing hindi ito papayag na hindi siya mag bihis.

Natapos na siyang magbihis at pina diretso na siya ni Dwight sa kusina upang kumain.

“S-Salamat,” nahihiyang sabi ni Yena sa binata. Tumitingin ito sa kanya.

“What happened? Where’s Nikko?” simpleng tanong lamang iyon ngunit naging dahilan iyon upang mapa hinto sa pagsubo ng pagkain si Yena.

“Nasa hotel,”  simple sagot niya.

Nakita niya kung paano kumunot ang guwapo nitong mukha at umigting ang panga.

“Did you two had a fight?” walang ganang tanong nito ulit sa kanya. Napa yuko si Yena dahil parang hindi na niya kayang pigilan ang mga luha niya.

Mahina siyang umiling.

“M-May kasama siya…” utal niyang saad at tumulo na nga ng tuluyan ang kaniyang mga luha.

Narinig niya ang malakas  na pagkabasag ng  wine glass na hawak ni Dwight dahilan upang mapa lukso sa gulat si Yena.

“O-Okay ka lang?”  nag-aalalang tanong nito kay Dwight dahil may sugat ito sa kanang kamay dulot sa bubog ng nabasag na wine glass.

Hindi ito kumibo. Tumayo ito sa kinauupuan nitong silya at dumiretso sa isang maliit na dura box na ang hula niya ay mga medisina ang nasa loob non. Sinundan niya lamang ng tingin ang binata.

Itinaas nito ang mangas ng suot nitong long sleeve hanggang braso. Nakaramdam kaagad ng awa si Yena sa lalaki ng makita niyang puno ng pilat ang kaliwang braso nito na para bang ang sariwa pa non kung titingnan dahil sa napaka lalim ng mga pilat na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status