Share

Pahina 3

PSST! Itago natin! Dali!” nagkagulo ang mga kaklase nila na ipinagtaka ni Yena. May kinuha ang mga ito na parang isang libro sa pinka gilid na table mapalit sa bintana kung saan naka upo si Dwight.

Nasa elementarya palang sila ngunit napaka lalim na ng awayan sa pagitan ni Dwight at Nikko sa isa’t isa. Mismong Ina ni Dwight ay ayaw sa kanya pati narin ang kinikilalang Ama nito.

Maraming kaibigan si Nikko, habang si Dwight naman ni kahit isa ay walang nagtatangkang kumausap sa kanya dahil may hatid daw na malas ang pagiging isang anak sa labas.

“Sige na, lagyan niyo na!” sigaw ng mga kalalakihan at parang may inilagay silang kung ano sa upuan nito at pati rin sa lamesa.

Naki osyoso si Yena at nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat ng makita niyang kagamitan iyon lahat ni Dwight. Naka labas lahat ng gamit niya pati nga ballpen nito at nalagyan narin nila ng ketchup.

“Yena! Halika dali! Masayang gawin ito! Makaka higanti narin ako sa hampaslupang lalaki na iyon!” Masayang bulalas ni Nikko sa kanya at hinila siya sa siko at binigyan rin ng ketchup sa kamay.

“Sige na, nakaka wala ng stress!” malakas na sigaw nito na halatang nasisiyahan sa ginagawa. Napa tingin siya sa mga gamit na hindi na halos makita dahil puro ketchup na ang nakapalibot dito.

“N-Nikko, malit ito… Hindi ito tama,” pagsuway niya. Nakaramdam siya ng awa kay Dwight sa pinaka unang pagkakataon. Sobrang ingay ng buong kapaligiran dahil sa nagsisiyahang mga estudyante na para bang ang saya nila na naka api sila ng tao na walang ka laban-laban.

Nang akmang maglalagay na sana siya ng ketchup ay inangat niya ang kaniyang paningin at doon nagtama ang nga mata nila ni Dwight sa pinaka unang pagkakataon.

Kaagad na bumilis ang tahib ng tibok ng kaniyang puso at nabitiwan ang hawak na ketchup at lumayo doon sa nagkumpol na mga estudyante.

“Yena! Cake! Saan ka pupunta!?” Pahabol na sigaw ni Nikko ngunit gindi na siya lumingon pa dahil kinain na siya ng konsensya niya.

Napa balikwas nalang kaagad si Yena sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog sa sofa. Umupo siya ng maayos, hinilamos ang sariling kamay sa mukha at bumuntong hininga.

“Wake up, you need to eat breakfast.” Napukaw ang atensyon niya ng marinig ang boses na iyon. Parang lumukso palabas ang puso ni Yena ng mapagtantong nasa mismong harapa si Dwight naka upo. Sa mismong mahabang sofa na kinatutulugan niya.

Kampante itong naka de-kuwatro na upo habang may diyaryo itong hawak sa kamay at sumisimsim sa kape nito.

“K-Kanina ka pa ba diyan?” nahihiyang tanong niya sa binata. IInilapag ni Dwight ang diyaryo at tumayo. Ngayon lang napansin ni Yena na naka tuxido na pala ito na para bang may pupuntahan na kung anong okasyon.

“Fix yourself first.” Tipid nitong saad at nauna na itong pumunta sa hapagkainan. Napa tampal ng wala sa ora si Yena sa kaniyang noo ng mapagtanto nanwala pa pala siyang hilamos.

Nagmamadaling tumakbo siya patungo sa banyo at doon inayos ang sarili.

Habang abala sa pag hugas sa pingga si Yena ay nasa sala lamang si Dwight at abala sa harapan ng laptop nito. Medyo naka hinga siya ng maluwag ng nandito parin ito sa bahay at hindi parin umaalis.

Sa kalagitnaan ng malalim na iniisip ay biglang tumunog anng selpon niya hudyat na may tumatawag doon.

Napa tingin siya kay Dwight, nagpunas ng kamay at kaagad na tinungo sa mahabang sofa kung saan naka kalagay ang kaniyang selpon habang si Dwight ay hindi parin siya binalingan ng kahit kaunting tingin.

Kung saan ipinagpasalamat niya. Huminga siya ng malalim at bumalik sa sink ng lababo at tinaggap ang tawag.

“Hello,” mabababa ang kaniyang tono. Alam niyang kahit hindi naka register ang numero na tumawag sa kanya ay sigurado na si Nikko ito.

“Cake… Bakit hindi kitawa matawagan? Kanina pa ako mga alas otso ng umaga tumatawag sa’yo. Nasaan ka ba?” marahan na sambit nito sa kabilang linya.

Napa ngiti siya ng mapait ng marinig ang tawagan nila dati sa isa’t isa na ginagamit lang ni Nikko sa tuwing alam nito na may nagawa itong kasalanan sa kanya.

Napa kapit siya ng mahigpit sa sink ng lababo at doon kumuha ng lakas.

“N-Nasa bahay ng kaibigan lang,” pagsisinungaling niya ulit. Hina na niya mabilang kung ilang kasinungalingan na ang nasabi niya sa linggo na ito.

“Cake, dapat nag sabi ka sa akin para naman hindi ako maghintay sa’yo. Nag hintay pa tuloy ako ng isang oras,” angil nito sa kabilang linya.

Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Piping tanong niya sa utak.

“Sige,” iyong na lang ang nasabi niya dahil ayaw na niyang makipag usap dito.

“Cake?”

“Hmm?”

“Huwag mong sabihin kila Ama na nasa pulisya tayo kahapon, ha? Ayokong malaman nila na nakipag away na naman ako dahil sa kasintahan ko. Sigurado akong pagagalitan at baka mas malala ay tanggalan niya ako ng mamanahin at ibigay lahat kay Dwight.”

Awtomatikong nabaling ang atensyon niya sa gawi ni Dwight at nagtapo kaagad ang kanilang mga mata. Naka titig pala ito sa kanya. Siya na ang unang nag iwas ng tingin dahil naiilang siya.

“Hmm.” Tugon niya kay Nikko.

“Salamat, Cake! At saka nga pala, kailangan mo na palang mamalengke ngayon pag uwi mo ng bahay, wala ng pagkain sa ref. Sige, bye na muna.” Kasabay nito ang pag putol ng tawag.

Napa tawa sa sarili si Yena dahil sa reyalisasyon na hindi lang ito ang unang pagkakataon na hiningan siya ng ganitong pabor ni Nikko. At pa ulit ulit niya ring binabalewala ito na para bang isang sirang plaka.

“You’re done?” ang pamilyar na baritonong boses na iyon ang pumukaw sa kaniyang diwa.

“Ha? O-Oo, t-tapos na.” naiilang na saad niya.

“Let’s go,”

Kumunot ang makinis aa maputing noo ng dalaga.

“Saan?”

“You’re not going home?” nakaramdam naman kaagad siya ng hiya at napa kamot sa sarili niyang batok. Nahihiya siyang naglakad patungo sa banyo, kinuha ang mga damit niya na naka sampay doon at sinuklay ang sariling buhok gamit ang kaniyang kamay.

Nakakahiya naman kasing sumabay kay Dwight dahil sa napaka perpekto nitong awra. Habang siya ay parang tagapag linis lang ng mansiyon nila.

Lumabas na sila ng mansiyon at dumiretso sa garahe. Napa hanga siya ng malaman niyang may anim na kotse pala ang binata at isang Ducati.

“Sa’yo lahat ng ito?” manghang tanong niya.

“No.” tipid na sagot nito kaya Itinikom kaagad niya ang kaniyang bunganga. Sumakay sila sa isang BMW na kotse at lumabas na ng baranggay.

“Ikaw lang ba mag isa nakatira sa mansiyon na iyon?” basag niya sa katahimikan.

“No, there’s Nanny Koring, but she’s on leave for now to visit her family.”

Isang tanong, isang sagot. Iyon ang napansin ni Yena kay Dwight. May itatanong pa sana si Yena nang may kinuhang bag si Dwight sa likod at ibinigay iyon sa kanya.

Isa iyong sikat na brand ng mga damit.

“Ano ‘to? Para saan?” takang tanong niya.

“That’s advance gift for you. Advance happy birthday,” walang emosyon na sabi nito sa kanya. Ngunit kahit ganoon ay napa tanga parin si Yena. Hindi makapaniwala na naaalala pa ng binata na kaarawan na niya sa susunod na buwan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status